CHAPTER 34: SECOND CHALLENGE


Emily's POV

Nitong mga nakaraang araw ay naging abala kami sa pag-aayos ng mga gamit namin dahil bukas ang flight namin pabalik ng Pilipinas. Ken decided to stay here for our last night. Natapos ko na ang pag-iimpake kahapon. Halos tatlong maleta ang iuuwi ko dahil may mga naiwan pa akong libro rito at mga albums. Matagal akong hindi makakauwi rito dahil hindi pa rin ako nakakapagdesisyon kung babalik pa ako para magtrabaho rito. Sinabi ko naman na kay Ate Gab na huwag munang ibenta 'yong condo dahil baka biglang mag-take ako ng boards at mahirapan ako sa paghahanap ng matutuluyan. Nakarinig ako ng doorbell kaya agad akong lumapit sa pinto at binuksan iyon. Sinalubong ako ni Ken ng mainit niyang yakap na tila ba ang tagal naming hindi nagkita eh halos kahapon lang magkasama kaming kumain ng lunch.

"I miss you, Love..." his husky voice said.

"Na-miss mo ako? Kahapon lang magkasama tayo!" sagot ko.

Kumawala siya sa yakap at hinalikan ako sa pisngi.

"Hoy! Nakakarami ka na ah!" saad ko.

Pumasok na siya na para bang sa kaniya ang condo. Napansin kong katamtaman lang ang laki ng dala niyang maleta at kasiya lamang ito sa pang-ilang araw na damit.

"Ang liit 'ata ng bagahe mo?" Tinuro ko ang kaniyang bagahe.

"I didn't manage to pack my things because I was worried," sagot niya.

"Bakit naman?" sagot ko.

"Sandra called me and said you're not going out of your room. Baka raw mamaya may nangyari na sa 'yo," sagot niya.

"Napakanerbyoso mo! Hindi ka pwedeng maging doctor!" sagot ko.

"I didn't plan to be one! Saka kasalanan ko bang nerbyosa 'yong future doctor natin na si Sandra?"

"Kayo talaga! Sige na. Doon ka na sa sala para maayos ko na 'yong meryenda natin." Pumunta na ako sa kusina at inayos na ang sandwich namin. I'm craving for melted cheese kaya nagpalaman na ako ng keso sa tasty at pinainitan ito sa kawali. Sa sandwich naman niya ay ginawa kong ham and cheese dahil masasayang ang ham na nandito sa ref ko. Mabuti na lang at naubos na namin ang mga stocks kundi bulok na 'yon pagbalik namin dito.

"By the way, Love. Be ready cause there might be media giving their warm welcome to us," he said.

"Yeah. Sigurado akong dudumugin tayo dahil noong umalis ako ng bansa si Vince ang kasama ko at pagbalik ko ay wala na siya," sagot ko.

"Natawagan ko na sila Ate tungkol dito and they said na magpapadala na lang sila ng mga body guards natin para maiwasan ang stampede."

"Thank you!"

"I told you I'll take care of everything. Just stay by my side..." A hint of fear is in his voice.

Hindi na lang ako sumagot at inayos na ang sandwich niya.

"Heto na. Baka mamaya hindi ka na naman nakakain ng lunch eh." Inabot ko sa kaniya ang ginawa kong ham and cheese.

"Thanks!" he replied.

Umupo ako sa tabi niya at binuksan ang tv. I want to watch the reality show of the new boy group I will support. Nanatiling tahimik si Ken at patuloy lang sa pagkain ng sandwich niya. Hindi niya na ako inuusisa sa pinanonood ko dahil abala na siya sa pagkain. Pagkatapos niyang kumain ay nilagay niya na ang kaniyang pinagkainan sa lababo. Nawala na ang atensyon ko sa aking pinanonood dahil nalipat na sa kaniya. He removed his coat, undone his tie and the first three buttons of his polo. He looks like a greek god fallen from above. Nagawi ang kaniyang tingin sa akin kaya iniwas ko na ang paningin ko sa kaniya at ibinalik sa pinanonood.

"Love, maliligo lang ako.Then after I have something to show you," saad niya.

"O-okay. M-mabuti pa nga kasi mainit!" sagot ko.

Here's another side of me that he unleashed. Hindi naman ako ganito noon. Ang tanging nakakapagparamdam lang nito ay 'yong mga k-pop idols na sinusuportahan ko at mga webtoon na binabasa ko. Di hamak na mas gwapo ang mga 'yon kesa sa kaniya pero bakit ganoon pa rin ang naiisip ko sa ginawa niya. He's like one of my characters who went out of the book and made me experience the things I wrote in there. Nilakasan ko ang aircon dahil pakiramdam ko ay pinagpawisan ako sa naiisip ko. Kakabasa ko 'to ng wattpad. Naapektuhan na ang pag-iisip ko. Lumabas na siya sa banyo na bagong bihis at paligo. Pinupunasan niya ang kaniyang buhok. Iniwas ko na ang paningin ko sa kaniya dahil baka kung ano na naman ang maisip ko.

Pagdating niya sa pwesto namin kanina ay dala niya na ang laptop at ang ipad niya. Binuksan niya ang kaniyang laptop at laking gulat ko nang makita ang wallpaper niya. Picture namin ito sa Singapore River na naka-wacky pose. Ito 'yong litrato namin sa cellphone niya at ang nasa desktop niya ay ako na abala sa pagpirma ng libro. That photo was taken during my book signing.

"Where did you get those photos?" I asked. Hindi ko kasi matandaan kung kumuha ba siya ng picture ko noong book signing ko dahil sobrang lapit ng angle na nakuha niya.

"I took it myself," sagot niya.

"Oh really? Ang ganda ah!" sagot ko.

"Siyempre! Ikaw subject eh," sagot niya.

Binuksan niya naman ang ipad niya at katulad ng sa laptop ay picture ko pa rin ang nasa lock screen niya. Ito naman ay nakatalikod ako sa gitna ng Victoria Concert Hall and on his wallpaper is a sketch of my face.

"You know how to do digital art?" saad ko.

Tumango naman siya bilang sagot. "Digital arts and painting is my way to express myself. It's my way not to harm myself," sagot niya.

"And still I am your subject..." bulong ko.

"Of course. How can I forget that beautiful face?" he answered.

"Huwag mo nga ako pinagloloko! Hindi mo nga nakalimutan 'tong mukha ko pero may possibility na may iba kang nagustuhan through the years na hindi tayo magkasama!"

"Believe it or not wala akong ibang nagustuhan! Admiring you from afar is more than enough for me because before I left I promised that I will love you from afar and that's what I did."

"I thought you already forgot about it..."

"'Yon ang pinakahuling bagay na makakalimutan ko. Lagi 'yon nakataktak sa akin na kailangan kong bumalik kahit hindi ako sigurado kung may babalikan ako."

"I never thought that the cold blooded Ken noong high school ay magiging ganiyan kaseryoso sa love life no not just love life but the life itself."

"I want to be better because I know even when you didn't say it you want me to be better and you wouldn't like someone who's not worthy of your standards."

He's right... I always pray for his success before. That's all I can do because I lost contact to him. I once prayed for his success and happiness even without him by my side. I'm so glad to see him successful but then again even if he's not I can be with him but that's not what destiny wants us to be. Destiny healed us first before coming back to each other.

"I have a confession to make. This has been the thing I wanted to tell you," he said in a serious tone.

Malakas na kumabog ang aking dibdib nang dahil sa narinig, Mukhang magpapaalam na naman siya.

"Ano? Babalik ka na kay Ana? Trial card lang tayo?" biro ko upang mabawasan ang kabang aking nararamdaman.

"No! Ikaw naman! Huwag ka nga mag-conclude! Hindi na kami nag-uusap noon and I ended everything about us," sagot niya.

Tila nabunutan ako ng tinik nang dahil sa narinig.

"So ano nga?" saad ko.

"'Di ba you wrote a book about us?" he said.

"Yes. Hindi nga lang 'yon happy ending because I didn't see this coming. Why?" sagot ko.

"And you're into webtoon right?"

"Paano mo nalaman 'yon?" tanong ko. Hindi naman ako ganoon ka-vocal tungkol sa webtoon addiction ko sa social media.

"You read my webtoon..." sagot niya.

Agad namang kumunot ang noo ko dala ng pagtataka sa kaniyang sinabi.

"You know Miserabilisdolor?" he said.

"Oh! The artist of Mi Amor! Why? Kilala mo ba siya? Nagbabasa ka rin ng webtoon?" sagot ko.

"Miserabilisdolor is in front of you..." he answered.

Matagal kong inisip ang kaniyang sinabi nang mag-sink in sa akin ito.

"Talaga ba?" Hindi makapaniwalang saad ko.

"Yes, Love... I am Miserabilisdolor..." sagot niya.

"R-really?" I answered.

I can't process the information I heard right now because it feels unreal. Binuksan niya ang kaniyang laptop at ipinakita sa akin ang drafts ng webtoon na 'yon. Pati sa kaniyang ipad ay pinakita niya ang draft din ng webtoon.

"That's why I felt like it was written for me..." saad ko.

"It is our love story so if you wrote a book about us then I made a webtoon about us. At first I hesitated because I don't know much about digital arts and webtoon but through research and youtube videos I learned how to do it and after a year and a half I finished it."

I went silent while processing the information I just had. My life was a lie. Akala ko ako lang ang nag-effort para makausad pero siya rin pala. I thought he was just enjoying his life for the past ten years but then he also worked so hard to be free of our past. He fought as much as I did and now we found ourselves in each other's arms.

"Gwapo pala si Miserabilisdolor katulad ng mga drawings niya..." saad ko sa kawalan.

"Ano ka ba naman, Ems! Ako lang 'to!" sagot niya.

"Ang yabang mo! Alam mo mas mabuting magluto ka na ng lunch natin para matahimik 'yang brain cells mo," sagot ko.

"Okay. What do you want?" sagot niya.

"Anything basta ikaw nagluto."

"Naglilihi ka ba?"

"Balibag kaya kita? 'Di ba pwedeng gusto ko lang makatikim ng ibang luto? Nananawa na ako sa luto ko!"

"Sure ka ah?"

"Lumayas ka na." Malamig kong saad.

Napipikon na ako sa mga sinasabi niya.

"Joke lang naman!" sagot niya.

"Magsimula ka na magluto at baka abutin ka ng siyam-siyam doon sa kusina!" sagot ko.

"Now I know what to expect after our wedding!" Kumaripas na siya ng takbo papuntang kusina upang makaiwas sa ibabato kong unan.

Habang nagluluto siya ay pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang laptop ko. Magsusulat na muna ako habang nagluluto siya dahil gusto ko makatapos ng draft bago ako umalis dito sa Singapore. Habang hinahanda ko ang mga gamit ko ay bigla namang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag sa akin si Ivan kaya agad kong sinagot ito.

"Hello?" saad ko.

"I heard you're going back tomorrow..." he said on the other line.

"Yes. Bakit?" sagot ko.

"Wala lang. Gusto ko lang sabihin sa 'yong pauwi na kami ni Andy sa Pilipinas," sagot niya.

"What!?" bulalas ko.

"Yes. Hindi pwedeng sila Sandra lang ang haharap diyan sa manliligaw mo. Kilala ko kung gaano karupok ang babae na 'yon lalo na sa kuya niya na 'yan," sagot niya.

"He's really going to a war... Don't worry I'll inform him," sagot ko.

"No! 'Yan ang huwag na huwag mong sasabihin sa kaniya!" sagot niya.

"Oo na! Sige na! Magsusulat na ako! Baka magtampo sa akin readers ko! Asikasuhin mo na 'yang comeback ni'yo ni Sandra!" sagot ko at binaba ang tawag. Sigurado akong rerebat siya kaya binaba ko na dahil hahaba lang ang tawag at lalo akong hindi makakapagsulat. Pinatay ko na ang wi-fi at binuksan na nag laptop ko para maituloy na 'yong draft ko. After an hour of typing ay naamoy ko na ang niluluto ni Ken. Napakabango nito at natatakam na akong tikman ito kaya nagpunta na ako sa kusina.

"Ano 'yan?" tanong ko.

"Your favorite... Caldereta!" sagot niya.

"Thanks! I'm craving for this!" sagot ko.

Ako na ang nag-ayos ng mga kubyertos at plato. Siya na ang naghain ng mga pagkain. Nnag matapos ay tinikman ko ang sarsa ng kaniyang nilutong caldereta. Nang humagod ito sa aking dila ay tila may naalala akong kalasa nito.

"Bakit kalasa nito 'yong luto ni Sandra?" saad ko.

Alam kong si Sandra ang nagluto ng caldereta noong unang luto nito rito dahil kaming tatlo lang naman ang nandito noong oras na 'yon.

"It's because hindi si Sandra ang nagluto noon," sagot niya.

"Don't tell me na ikaw din nagluto no'n" sagot ko.

"Yeah... I'm the one who made it!" sagot niya.

"Kaya naman pala may kakaiba! Nilagyan mo 'yon ng gayuma 'no!" biro ko.

"Love, I'm an engineer not a witch! Saka bakit ko pa kakailanganin ang gayuma kung kaya naman kitang paibigin mag-isa?"

"Papasa ka nang makata kaso hindi pwede maging makata ang hindi maalam sa tagalog!"

"No! Hilingin mo na lahat huwag lang maging manunulat! May sumpa eh! Ayoko maging writer na katulad mo! Susuportahan na lang kita riyan sa passion mo pero ayoko kang gayahin."

"Bakit naman? Writing is fun! Saka anong sumpa naman 'yon?"

"Baka mamaya maghiwalay tayo agad!"

"They said that when you love another writer you are meant to be separated. Writers should never fall in love to their co-writers because it will be their biggest mistake. Kapag nagmahal ka ng kapwa mo manunulat kasabay ng pagbitaw niya sa'yo ang pagbitaw mo sa pagsusulat katulad ng ginawa ni Vince..." he said.

Naririnig ko na nga iyon sa ibang writers na kakilala namin. Hindi nga raw kami magtatagal ni Vince dahil hindi raw pwede 'yon dahil nagtagpo kami sa mundo ng mga salita. Mundo ng mga salitang madaling manipulahin at pagandahin. Mukhang tunay nga ang sumpa na 'yon dahil hindi nga kami nagtagal. He needed to let go of his passion because it will just remind him of how I hurt him.

"Ang dami mong alam! Kumain na nga lang tayo!" sagot ko.

Tumawa na lang siya at nagsimula nang kumain. Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin at naghugas ng mga pinagkainan namin. Pagkatapos kong maghugas ng mga pinagkainan ay nagbalik ako sa pagsusulat habang si Ken naman ay abala sa mga naiwan niyang trabaho. Mabuti na lang at busy din siya dahil walang aabala sa akin habang nagsusulat. Naglagay na ako ng earphone dahil ayoko nang maabala niya pa ako. Naubos ang maghapon namin na abala sa mga trabaho namin. Kanina nang matapos ako magsulat ay nag-email na ako sa hospital para masabihan silang babalik na ako bukas at pagkatapos ng isang linggo ay babalik na ako sa duty kahit on-call na lang muna ako sa isang linggong nagpapahinga ako. Kailangan ko nang magtrabaho ulit dahil naubos ko na ang pera ko rito. Kailangan ko nang mag-ipon ulit dahil may panibago na naman akong pagkakagastusan at kailangan ko ring tumulong sa mga bayarin sa na.

Nang sumapit ang gabi ay pinainit ko na lang ang natirang kanin kaninang tanghali at ang natirang ulam para walang masayang na pagkain. Hindi naman na rin ito makakain dahil aalis na kami bukas at wala rin akong mapagbibigyan nito rito. Tinawag ko na siya upang makakain na ng hapunan. Mukhang marami siyang tinapos na trabaho ngayong araw kaya hanggang gabi.

"Pagod ako," saad niya.

"Halata nga sa mata mo. Madami bang trabaho?" sagot ko habang naghahain ng aming kakainin.

"Yeah. I finished everything here and some of my work in the Philippines so that I can have more time with you and the challenges I have," sagot niya.

"You should have a rest you know? Hindi naman palaging ako at ang mga pagsubok para sa 'yo. Alam ko naman na gusto mong maipakita sa amin na deserving kang balikan ko pero you should take care of yourself din naman."

"Of course, I will. Ayoko pang kunin ni Lord nang maaga."

"Let's eat na at baka kumain na naman tayo ng kaning lamig," sagot ko.

Kumain na kami ng hapunan at pagkatapos nito ay chi-neck ko na ang mga bagahe ko kung may kulang pa. Pati na rin ang kwarto ko kung may nakalimutan pa akong dalhin. Pati ang iba ko pang bitbitin ay chi-neck ko na rin dahil ayokong may nakakalimutan ako. Ang layo pa naman nitong bansa na ito para balikan.

Pagkatapos kong mag-check ng mga bagahe ay naligo na ako upang presko sa pagtulog. Pagkatapos kong maligo ay bumalik na ako sa sala. Sa ganoong posisyon ko pa rin nakita si Ken. Patuloy pa rin siyang nagtitipa sa kaniyang laptop at nagtatrabaho. Saglit itong may binabasa sa kaniyang iPad at babalik sa pagtitipa sa kaniyang laptop.

"Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Magpahinga na? Hindi ka pa ba titigil kaka-type riyan?" saad ko.

"Matatapos na ako, Love," sagot niya.

"Ay! Isa. Maligo ka na para makapagpahinga na. Tigilan mo muna kakatrabaho. Daig mo pa mga empleyado mo sila namamahinga na sa mga oras na 'to ikaw nagtatrabaho pa rin," sagot ko.

Wala siyang nagawa kundi ang tumayo sa sofa at hinanda ang mga gamit niya panligo. Dumiretso na siya sa common bathroom pagkatapos niyang maihanda ang mga gagamitin niya panligo. Hindi ko na tiningnan ang trabahong ginagawa niya at hinanda na lang ang tutulugan niyang sofa bed. Pagkatapos kong maihanda ang kaniyang tutulugan ay hinintay ko lang siyang makalabas ng banyo.

"Papasok na ako sa kwarto ko. Siguraduhin mong mamahinga ka. Maaga tayo bukas!" saad ko.

"Yes po, magpapahinga na. Ililigpit ko lang 'yong mga kalat ko at matutulog na. Ikaw rin, baka mamaya dayain mo ako at magsulat ka ah!" sagot niya.

"Ako pa mandadaya!" sagot ko.

"Ganito na lang para walang dayaan dito ka rin matulog! I'll sleep on the couch you sleep here on the sofa bed," sagot niya.

"Takot na takot ka talagang madaya ko ah! Okay sige!" sagot ko.

Bumalik na ako sa kwarto ko at kinuha ang kumot ko at unan. Pagkatapos ay inayos ko na ito sa sofa bed. Binuksan ko na rin ang tv upang manood ng paborito kong reality show. Sa sobrang tagal kong nagbabasa ng mga subtitle ay unti-unti nang bumigat ang aking talukap at hinihila na ako nitong ipikit na at magpahinga. Inayos ko na ang unan ko at naghanda na sa pagtulog.

"Good night, Ken! Tulog na ah!" saad ko

"Good night, Love... Sleepwell!" sagot niya.

Unti-unti ko nang pinikit ang aking mga mata upang magpahinga na at makatulog na. Nagising ako nang marinig ko ang alarm ng cellphone ko. Hindi ako nakabangon agad dahil may nakadagan sa tiyan kong mabigat. Pagdilat ko ay bumungad sa akin si Ken na tulog na tulog at nakayakap sa akin.

"Sabi mo sa couch ka matutulog..." bulong ko.

"Ken... Gising na... Mag-ready na tayo para sa flight natin." Tinapik ko ang kaniyang balikat upang magising siya.

"Five minutes, Love..." Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin kaya napasubsob ako sa kaniyang dibdib.

"Hindi pwede! Mahuhuli tayo!" sagot ko.

"Inaantok pa ako..." sagot niya.

"Tatayo ka riyan o bubuhusan kita ng malamig na tubig?" sagot ko.

Agad siyang tumayo sa higaan kahit pupungas-pungas pa. Binuksan niya ang kaniyang maleta at namili ng isusuot. Ako naman ay pumasok na ng kwarto ko upang makaligo na at makapagbihis. Hinanda ko na ang isusuot ko kagabi pa lang. Simpleng ripped jeans lang ito at hoodie dahil uuwi lang naman ng Pilipinas hindi na kailangan magbihis pa ng malala. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nilabas ko na ang mga bagahe kong halos tatlong maleta.

"Love, are you going to bring Singapore in our hometown? Nailagay mo na ba diyan 'yong merlion?" saad niya.

"Grabe ka naman! Marami kasi kong naiwang gamit dito!" sagot ko.

"Umalis ng dalawang maleta uuwi ng tatlo! Your baggage has the ability to multiply huh?" sagot niya.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya dahil iba na ang pumasok sa utak ko sa kaniyang sinabi.

"So? Let's go?" he said.

"Can I take the last glance of this condo? If you want you can go first," sagot ko.

"Okay. Mauna na lang ako so that you can have your privacy. I'll bring you luggages with me," sagot niya.

"Padala na rin noong laptop bag ko. Nandoon 'yong mga writing utensils ko," sagot ko.

"Okay. I'll go ahead na. Say good bye now in this condobecause I know you have so many memories in here with him," sagot niya.

Tumango ako sa kaniya bilang sagot. Lumabas na siya ng condo at sinarado ang pinto. Pumasok ako sa kwarto ko at kinabisado ang interior nito. This room has been the home of my dreams. This where I built my dreams and made them come true. This was once our hang out place and this is where we had our writing dates. This room witnessed our ups and downs, breakdowns and laughter, grieve and anger. Almost everything happened in here and my heart feels heavy because I don't know when I will comeback. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako agad dito sa lugar na ito. Pinatay ko na ang ilaw at lumabas na ng kwarto. Pumasok naman ako sa isa pang kwarto ng condominium na ito. Dito siya natutulog kapag inaabot kami ng gabi sa pag-re-review o kaya naman ay kapag gusto niya lang. Habang inililibot ko ang aking paningin sa kwarto na ito ay may nakita akong sobre sa bed side table rito kaya agad ko itong kinuha.

Emily Savvanah Howards

I don't know if this is a letter but I have the urge to open the envelope to know what's inside. May papel ito sa loob kaya agad ko itong binuksan.

'Dear Emily,

You will probably read this letter before you left Singapore or I don't know if you will read this letter but I will still write this for you. The last fourteen years of my life has been the best time ever. I got to know you more in that span of time. Hindi ko inakalang magiging girlfriend kita kahit panandalian lang. Masaya ako sa mga araw na 'yon. Masaya akong makasama ka at makita ang mga ngiti mo. Sa tuwing sabay tayong nakakatapos ng chapter at sabay tayong nag-re-review masaya na ako dahil para sa atin 'yon na ang date nating dalawa. Masaya na akong makita kang nagsusumikap para sa pangarap mo. I have seen you worked so hard to finish your novels and to become a great writer. Hinahangaan kita hindi dahil sa naging girlfriend kita o kaibigan kita kundi bilang co-writer mo. Hinahangaan ko 'yong writing style mo at ang mga kakaibang plot twist ng stories mo.

They said that writers should not fell for their co-writers because they are meant to be separated. We met in the world of words where we manipulate it how we wanted it. They said that we will not last longer but we did. Nakalampas tayo sa three year curse. I'm so happy we made it till the fourth year. Masaya na ako roon kaya pinakawalan na kita. Alam ko namang aalagaan ka ni Ken at hindi ka na niya pababayaan sa ere. Mawawala man ako sa wattpad pero hindi ko ihihinto ang pagsusulat. Hindi ko buburahin ang account ko roon dahil alam kong hindi mo 'yon gugustuhin. Ayaw mong huminto ako kaya hindi ako hihinto, magpapahinga lang ako at kapag okay na ako ulit ay babalik na ako sa pagsusulat. Siguro by that time ay maayos na ako. Naibalik ko na ang sarili ko pero sa ngayon hahayaan ko muna ang sarili kong damahin ang sakit at unti-unting buoin ang sarili ko.

Don't blame yourself for what happened because this is our choice. Hindi ito one sided. Continue to be the best author in wattpad and I'm rooting for your success and happiness. Keep writing and inspiring others, Ems! I love you but our sun needs to set... Padayon, aking manunulat...

Good bye, Emily... until I see you again

Your Author,

Vince'

Pinahid ko ang mga tumulong luha sa aking mga mata.Inilagay ko ito sa aking bag at lumabas na ng kwarto. Marami akong babaunin na ala-ala mula sa lugar na ito. Sinigurado kong wala nang nakasaksak at nakapatay na ang lahat ng ilaw bago ako lumabas. Ni-lock ko na ang pinto at dumiretso na sa ground floor. Hindi naman nagsasalita si Ken at nakikiramdam lang. Saktong pagdating ko sa baba ang pagdating ng grab kaya nakaalis agad kami. Pagdating namin sa airport ay 30 minutes lang 'ata kami naghintay sa flight namin bago nakasakay sa eroplano. Singapore... Singapore has been the home of my heartbreaks. For the second time, this place made me again. Sa pagbalik ko sa lugar na ito sisisguraduhin kong buo na ako. Aalalahanin ko ang lugar na ito kung saan ako naging pinakamasaya at malungkot. Thank you for the best memories, Singapore. Naramdaman ko na nag pag-angat ng eroplano kaya napagdesisyonan kong umidlip na lang muna.




A/N: Merry Christmas, Bemskies!Enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top