CHAPTER 33: HER ACTIONS

Ken's POV

After our date last night I just sent her home and I went back to my hotel. Hindi ko na siya sinamahan kagabi kasi gusto kong makapag-isip siya at i-absorb ang nangyari sa amin kagabi. I want her to feel my sincerity for her and I want her to know that my intentions is pure. Masaya akong pumasok sa trabaho kinaumagahan.

"Sir, you have an appointment with the owner of Howards Empire by 9 am," my secretary said.

"Wait... When that was set?" sagot ko.

Hindi ko na rin kasi matandaan ang appointments ko bago ako nagpunta rito.

"They want to talk to you immediately, Sir," sagot niya.

"Why?" sagot ko.

"They did not disclose any information, Sir," sagot niya.

"Okay. Is it online or face to face?"

"It's face to face, Sir. They arrived last night," she answered.

"Okay. You can go," sagot ko.

Lumabas na siya ng opisina ko. Agad naman akong nagtaka sa aking narinig. Bakit kailangan nilang makipag-usap sa akin? Partners na nila ang company nila Mama so bakit pa ako? Hindi rin ako papayag na maging partners kami dahil lalo lang akong mahihirapan kay Ems and I know she's not in good terms with them. 9 am came and my secretary called me that they are already in the conference room. Lumabas na ako ng opisina ko at dumiretso sa conference room. There's an old lady I think she's the grandmother of Ems, Mister Lincoln Howards, Yohan and I think Emily's aunt because they have similarities in facial features. Yohan looks at me and uttered an apology. Tumango lang ako sa kaniya.

"Good morning, Mister Howards. What do you need?" I coldly asked and sat on the chair in front of him.

"I won't beat around the bush anymore, Engineer. Layuan mo ang anak ko," maikli niyang sagot.

"Yes. I don't want my niece around you. She's just stressing herself when she's with you," saad naman ng tita nga ni Emily.

"Hindi ko gustong nasasangkot ang pangalan ng apo ko sa kung ano-anong scandal at pinahihinto na nga namin siya sa pagsusulat upang mas matahimik ang buhay niya," sagot naman ng matandang babae.

"Writing is not meant for nurses like her. She should be studying for the Singapore Nursing Board Exams. We already gave her a chance in her book signing and she should be aiming high for her career," saad ng tita ni Ems.

Ngayon pa lang hindi ko na nagugustuhan ang naririnig ko mula sa kanila. Kung makapagsalita sila ay parang kasama sila ni Emily sa paglaki niya at pag-discover niya sa talento niya. Hindi rin naman nila pinag-aral si Emily para pilitin nilang mag-take siya ng boards.

"Stop ruining my daughter's image. Leave her alone," saad pa ni Mister Howards.

After hearing their opinion ay inilabas ko ang phone ko at ti-next si Emily. Gusto kong magmula sa kaniya ang sagot sa sinasabi nila.

To: Love

Your father is here.

From: Love

What? Nasaan ka? Ako na haharap sa kanila. Pasensya ka na.

Me:

Nandito ako sa building ko.

Love:

Ok.

"Hinatayin na lang po natin si Ems," sagot ko.

"We don't need to wait for her. We came here for you," sagot ni Mister Lincoln.

"Looks like you didn't come here for me. All of the things you just said are about her. I don't want to interfere any of those so I just asked her to come," sagot ko.

Tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag.

"Excuse me. I have to take this call." Lumabas na ako ng conference room.

Agad kong sinagot ito nang makita ang caller's ID.

"Yes, Love?" saad ko.

"They don't want to let me go up there. They want me to set an appointment," sagot niya.

"Tell them you're my girlfriend," sagot ko.

"See? You don't want to believe me? I am your CEO's girlfriend. I am Emily Savvanah Howards. You still don't want to let me go?" she said on the other line.

I don't know why but I suddenly felt butterflies on my stomach. Even if we're not yet official it makes me smile when she's saying I am her territory.

"Bibitaw din pala eh!" she shouted.

"Hey calm down. Baba na lang ako," sagot ko at dumiretso na sa elevator.

Pagbukas ng pintuan ng elevator ay siya ang bumungad sa akin. Nakabusangot ang kaniyang mukha. I welcomed her with my open arms and she run towards me to hug me. Some of my employees walking around saw what she did before the elevator door closes. Nang magsarado ang elevator ay agad siyang bumitaw sa akin.

"Pwede naman nilang sabihin ng harapan hindi na kailangang pangalandakan pa sa mundong hindi nila gustong manunulat ako!" Naiinis niyang saad.

"Calm down they are waiting for us in the conference room," sagot ko.

"How can I calm down when they are clearly against my passion? Insultuhin na nila lahat 'wag lang 'yong bagay na nagligtas sa akin sa pagkalunod!" sagot niya.

"Yes. Kaya nga tinawagan kita so that you can talk to them and let them know what you feel. Baka ito na rin 'yong sign para magkaliwanagan kayo ng father mo. After all he's still your father," sagot ko.

"I don't consider him one. It is a sin, I know but he's not around me in the days I'm growing up and discovering the world and I almost die because of hunger," sagot niya.

Hindi na ako nagsalita dahil alam kong silang mag-ama lang ang makakaayos ng problema nila. Huminto na ang elevator sa pinakamataas na floor kung nasaan ang conference room at opisina ko. Pumasok na kami sa conference room kung saan sila naghihintay.

"I'm sorry for the wait. You can now talk to her," saad ko.

Lumabas na ako ng conference room upang makapag-usap sila.

Emily's POV

"Good morning, Sir. What do you need and why are you bothering my suitor?" saad ko.

"Anak, hindi namin gusto 'yang manliligaw mo," sagot ni Owa

"We also want you to stop writing your fantasies. Just focus on the SNB," sagot ni Tita Trixie.

"It's not pleasant in the eyes when we see your name on different scandals and he's not good enough for you," sagot naman ni Mister Howards. Naalibadbaran ako kapag nagbibigay ako ng honorifics sa kaniya na konektado sa pamilya.

Not good enough huh? Talaga ba, Sir? He already dominated the world of engineering and I have more than six digit income. Kayang-kaya ko na nga bilhin 'yang pinagmamalaki niyang kompanya. They kept on saying the same old words. Bakit ba gustong-gusto nilang huminto ako sa pagsusulat? Hindi naman 'yon nakakasama sa kanila at mas lalong hindi naman 'yon nakakasama sa akin.

"Why do you keep messing in my life? I'm busy achieving my dreams yet here you are messing around my life. Writing is not for me? Are you sure? I already have published books!" sagot ko.

"It's just three. Pinagmamalaki mo na sa amin 'yon? Eh 'yon nga ang dahilan ng pagkawala mo sa focus sa career mo!" sagot ni Tita.

Nagpanting ang tainga ko sa aking narinig. Hindi ko nagustuhan ang sinasabi niya tungkol sa passion ko.

"Iyon ang dahilan kung bakit mas minahal ko ang nursing. Huwag ni'yo po ipagmalaki ang lisensya ni'yo kasi meron na rin po ako noon. I also aced the boards. Stop talking like you're the best in the world cause you're not," sagot ko.

"Ang sinasabi ng tita mo ay dapat mas bigyan mo ng atensyon ang career mo kesa sa pagsusulat ng mga libro," sagot ni Mister Howards.

Lalong nagumapaw ang galit ko sa kanila. Hindi pa rin nila maintindihan ang gusto ko. Sa bagay sino nga naman ang makakaintindi sa akin eh hindi ko naman sila kasama sa paglaki ko?

"You only see the best in me but the sufferings and hardship I had to get here? Hindi. No wonder why I choose mommy over you. Pinagpapasalamat kong nabuhay ako sa mundo dahil sa 'yo pero hindi ko gugustuhing magkaroon ng ama na katulad mo. Yes, I am a nurse like you, Tita but I didn't choose to stop doing what I love the most. You already lost your second chance to me and I'm so sorry for that. Hindi ko gugustuhing makasama ang mga taong walang ginawa kundi ang maliitin ang talent ko. Maging masaya na lang sana kayo sa narating ko at tigilan ni'yo si Ken dahil wala siyang ibang hangad kundi ako. You don't want him for me? I don't care. I only care for my mom's decision and opinion for him," sagot ko.

"Writing will never be enough to let you go through life," sagot ni Tita.

"It's always like this. I'd rather give up my degree than to experience those insult of yours. I don't deserve any of it because I'm just doing things I love. Mommy ko nga na kasama ko buong buhay ko hindi ko sila narinigan ng ganiyang salita samantalang kayo na nang-iwan sa akin ang lakas ng loob ni'yong magsalita ng mga ganiyan," Lumabas na ako ng conference room nang hindi nagpapaalam.

Paglabas ko ng conference room ay kusang nanghina ang mga tuhod ko. Mabuti na lang ay nasalo agad ako ni Ken. I really tried my best to understand them but I really can't take how they downgrade my passion because of my profession. Akala ko sa susunod naming pagkikita ay maayos na pero hindi pa rin pala. Hindi pa rin pala nila ako kayang suportahan sa bagay na gusto kong gawin. I felt a hand wiping my tears. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Hindi ko alam bakit kusa na lanag akong yumakap kay Ken at ibinaon ang aking mukha sa kaniyang leeg.

"Shhh... It's fine, love. Let's talk to them together. I know it hurts, I'm really sorry, Love... It's my fault. Pinapunta pa kita rito," saad niya.

"Don't be sorry... I know you just did that for my own good," sagot ko.

Siya na ang kumalas sa aking pagkakayakap sa akin at kinuha sa kaniyang bulsa ang isang panyo. Pinunasan niya ang aking mukha at hinaplos ito na para bang isang babasaging baso.

"Fix yourself, Love and let's talk to them," saad niya.

"I'll be back. Gusto ko na ring matapos 'to," sagot ko.

May nakita akong malapit na bathroom dito kaya roon na ako nagpunta upang mag-retouch. Pagkatapos ko mag-retouch ay bumalik na ako sa tapat ng conference room kung saan niya ako hinihintay.

"Ready?" saad niya.

"Yes. Just tell them your intentions nang matahimik na sila," sagot ko.

Pinagbukas niya ako ng pinto at sabay na kaming umupo sa harapan nila.

"Sir, my intentions are pure for your daughter. I don't have any bad intentions on her. Ngayon po kung ayaw ni'yo pa rin po sa akin then I'll just recommend to my father to cut ties with you since in my eyes you're not efficient business partner to them," Ken coldly said.

"It's fine. Time will come we will be partners when you decided to marry Emily but for a playboy like you? I think you won't settle on her. Paniguradong mambabae ka rin," sagot ni Mister Howards.

Kumuyom ang kamao ko nang marinig ang kaniyang sinabi. Nakita niya siguro ito kaya agad niyang hinawakan ang kamay ko upang pakalmahin ako. Hindi naman lahat ng lalaki katulad niyang manloloko. Pinatunayan 'yan sa akin ni Vince, Ivan at siya. Umaasa pa talaga siyang gusto kong kuhanin ang kayamanan niya. Huwag na! Kaniya na lang dahil hindi ko hinangad na mag-alaga ng kompanya. I didn't finish nursing abroad just to drop it down for their business.

"Excuse me?? I don't have plans to inherit your business and if ever we got married in time, I won't tolerate cheating. Huwag mong igaya sa 'yo si Ken kasi hindi lahat ng lalaki katulad mo," napipikon kong sagot.

"Apo, umuwi ka na kasama namin sa America... Alagaan mo ang Owa," sagot ni Owa.

"Just hire someone else. Ken, I will leave na... I have some errands to do. Just call me kapag hindi ka pa rin nila tinigilan," paalam ko.

"Okay, Love. Keep safe," sagot na lang ni Ken.

"Wala naman palang manners 'tong gusto mong maging boyfriend mo. He needs to be with you," saad ni Tita.

"I don't always need him by my side. Boyfriend ko siya, hindi body guard. I can't afford to pay a six digit salary if he will be my body guard," I sarcastically replied na mahinang nagpatawa kay Ken.

It feels good to say that he is my boyfriend but I know that I was just shocked that's why nasabi ko 'yon. Ayoko ring madaliin namin ang bagay na 'yon dahil ayokong mahirapan siyang pakisamahan ako. Gusto ko kapag pumayag akong bumalik siya ay handa na talaga ako. Handa na talaga kong sumugal ulit sa kaniya. Lumabas na ako ng conference room at ng building nila. Sumakay na lang ako sa grab at nagpahatid sa condo ko. Kailangan kong tawagan si Mommy upang makausap siya at masabi ang nangyari. Pagdating ko sa condo ay nagbihis lang ako ng pambahay at tinawagan na si Mommy.

"Anak, kumusta ka riyan? Este! Kayo riyan?" saad ni Mommy.

"Bad trip, Mi!" naiinis kong saad.

"Oh bakit naman? Nagkatampuhan ba kayo ng manliligaw mo?" sagot niya.

"Hindi po. Bumalik na naman ang angkan kong nakakabwisit!"

Agad na nag-iba ang timpla ng kaniyang mukha. Mukhang nainis din siya sa aking sinabi.

"Ano ginawa nila sa 'yo?" malamig niyang tanong.

"Si Ken ang pinuntahan nila rito. Nag-text lang sa akin si Ken na nandoon nga raw sa kompanya niya 'yong angkan ko. Kumpleto sila roon pati 'yong matanda. Pinipilit nila akong mag-take ng SNB at pilit nila kong pinapahinto sa pagsusulat. Hindi rin daw nila gusto si Ken para sa akin kasi playboy daw siya at palagi raw nasasangkot ang pangalan ko sa kung ano-anong scandal dahil sa kaniya."

"Ano bang pakialam nila sa buhay mo? Nabuhay ka ng dalawang dekada na wala sila. Huwag mo na silang intindihin. Ang mahalaga ay masaya ka sa buhay mo. Kung hindi ka nila kayang suportahan sa gusto mong gawin nandito naman ako na palaging nakasuporta para sa 'yo, anak. Hindi mo sila kailangan habulin dahil hindi nga sila nagdalawang isip na iwan ka so bakit ka pa magsasayang ng oras para sa kanila?"

"Alam ko po'yon, Mi. Isa lang ang sinagot ko sa kanila, mas gugustuhin kong bitawan ang tinapos ko kesa insultuhin nila ako. Kasi hindi ako karapat-dapat sa mga insulto nila kasi ikaw ngang kasama ko buong buhay ko hindi ko narinigan ng mga ganoong salita, sila pa kayang iniwanan ako? Hindi ako papayag na ganoonin nila ako."

"Anak, huwag mong punuin ng galit ang sarili mo dahil sa kanila. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa galit dahil hindi maganda ang mapapatunguhan niyan. Hindi maganda ang patutunguhan ng galit na pinanghahawakan mo. Hayaan mo silang magyabang dahil sa kompanya nila kasi darating ang araw mahahanap din nila ang kalalagyan nila."

"Hindi ko pa rin po alam kung bakit pilit nila akong pinahihinto sa pagsusulat, Mi. Hanggang ngayon naghahanap pa rin ako ng malalim na dahilan bakit gusto nila akong huminto. May galit po ba sila sa mga writers na katulad ko kaya hindi nila magawang suportahan ako?" tanong ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam bakit gustong-gusto nila lalo na ni Tita Trixie ang huminto ako sa pagsusulat at palagi nilang idinidikdik sa akin na wala akong mararating sa pagsusulat.

"Ang narinig kong kwento ng lola mo roon ay pinangarap din ni Trixie na maging katulad mo anak. Pinangarap niya ring maging tanyag na manunulat. Noong nandoon pa ako sa bahay nila, noong doon pa tayo nakatira ay narinig kong may mas malaki silang bahay na tinitirhan noon. Mayroon daw 'yong library at doon nakalagay ang mga librong isinulat ng Tita mo nasa mga notebook lang 'yon. Isang hapon pag-uwi niya ay nakita niyang nasa basurahan na ang mga sinulat niyang libro.

"Sinilaban daw 'yon ng lolo mo at palagi siyang sinasabihan na wala siyang mararating doon. Kaya siguro sila ganoon sa 'yo dahil naiingit at nagsisisi siya dahil ikaw ay nagtagumpay sa sining na tinalikuran niya."

Natahimik ako sa kwentong aking narinig. Kaya naman pala grabe siya makapagsalita sa akin. Hindi ko naman kasalanan na huminto siya sa pagsusulat.

"They want to bring me down so that they can prove to themselves that no one in their family is able to succeed in writing. That doesn't change the fact that they insulted me. Ginagawa ko lang naman ang bagay na mahal ko , Mi," sagot ko.

"Kaya nga, anak. Kaya nga sinuportahan kita sa pagsusulat mo dahil alam kong hindi nila magagawang suportahan ka sa gusto mong 'yan dahil sa kanilang nakaraan. Kahit masakit sa akin na makita kang nadadawit sa kung ano-anong gulo sa social media eh hinayaan na lang kita dahil alam kong parte iyan ng pag-unlad mo bilang isang manunulat. Gusto kong maabot mo ang mga pangarap mo at gusto kong maging masaya ka sa buhay na tinatahak mo. Ayokong matulad ka sa tita mo na nabubuhay ng nagsisisi dahil hindi niya nagawa ang gusto niyang gawin noong kabataan niya. Ayoko ring maging balakid sa kasiyahan mo dahil ang tanging hangad ng isang ina ang maging masaya ang anak niya."

"Salamat, Mi. Binigyan mo ako ng kaliwanagan sa mga hinahanap ko. Hindi ko talaga sila maintindihan bakit ganoon ang ginawa nila sa akin," sagot ko.

"Wala 'yon, 'nak. Nga pala kailan mo balak umuwi? Maayos naman na ang lagay sa social media at wala nang mga Marites kasi nadala na sa live mo," tanong niya.

"Hindi ko pa po alam, Mi. Baka nitong linggo na 'to," sagot ko.

"Alam kong dinadalaw ka riyan ni Ken kaya gusto ko mamayang gabi sa pagdalaw niya ay tawagan mo ako. Gusto ko siyang makausap," sagot niya. May pagak-strikto ang tono ng kaniyang boses.

"Opo. Sasabihan ko po siya," sagot ko.

"Baka mamaya hindi ka tumawag ha..." may halong pagdududa sa kaniyang boses.

"Tatawag po ako. Huwag po kayong mag-alala. Sumusunod po ako sa usapan," sagot ko.

"Sige na't marami pa akong gagawin. Mag-iingat ka riyan at tumawag ka lang kapag may kailangan ka," sagot niya.

"Opo, Mi. Ingat din po kayo riyan," sagot ko at ibinaba ang tawag.

Napabuntong hininga ako pagkatapos ng tawag. Sunod kong tinawagan si Ken upang sabihin ang nais ni Mommy. Agad naman siyang sumagot sa aking tawag.

"Ken," saad ko.

"Yes? May kailangan ka ba? Kumain ka na ng lunch mo?" sagot niya.

"Hindi pa. Katatapos lang namin mag-usap ni Mommy. Gusto ka nga pala niyang makausap," sagot ko.

"Oh okay. Walang problema. Maaga na lang ako uuwi para hindi na masyadong matagal maghintay si Tita. Tatapusin ko lang ang natitira ko pang meetings. I'll also send you some food."

"No need. Meron naman ako ritong instant noodles. Wala talaga ko sa mood kumain ng mga putahe. Saka I'll give it a twist. Ang tagal ko na kasing nag-c-crave roon eh," sagot ko.

"Okay. Eat well, my love. I got to go. May isa pa akong meeting bago ko makakain ng lunch," sagot niya.

"Ako na lang magdadala ng food diyan," sagot ko.

"Are you sure? I thought wala ka sa mood?" sagot niya.

"Biglang nagbago mood ko," sagot ko.

"Oh sige. Sasabihan ko na'yong nasa front desk at baka uminit na naman ulo mo kasi hindi ka nila pinapasok agad," sagot niya.

"Sige na. Magluluto pa ako. Bye!" sagot ko at binaba ang tawag.

Lumabas ako ng condo ko upang makabili ng lulutuin ko para sa kaniya. Sana ay magustuhan niya ang putaheng ito dahil hindi talaga ako sigurado sa taste niya.

Ken's POV

Excited na ako na matikman ang lulutuin niya para sa akin. Natutuwa naman ako dahil gusto niya akong lutuan. I can't wait to taste her dish. Nakikita ko na ang future naming dalawa. Malayo pa naman sa reyalidad ang iniisip ko pero ganitong buhay ang nakikita ko kapag nagsama na kami sa iisang bubong. Para akong baliw na kusang ngumingiti habang nagtitipa sa keyboard nang bigla kong maalala ang sinabi niya kaninang gusto ako makausap ni Tita. Baka mamaya tutol na siya sa akin kaya nagsimulang manlamig ang mga palad ko. Ngayon ko lang naranasan ang kabahan nang ganito. Naputol lang ang aking pag-iisip nang tawagin ako ng sekretarya ko para sa meeting. Nagsimula nang mag-present ang architect para sa upcoming project ng kompanya. Malaking project ito dahil kami ang kinuhang contractor para sa Singapore branch ng isang mall na mula sa US ang nagmamay-ari. The owner wants to have something new in the mall and my architects gave it to them. They designed a futuristic mall where all are nature friendly.

After the meeting ay bumalik na ako sa opisina ko. Nakatanggap ako ng text kay Ems na on the way na siya. Agad akong dumiretso sa banyo ng aking opisina at nag-ayos ng sarili. Niligpit ko na rin ang paper works ko upang hindi na niya mapansing medyo marami pa akong trabahong gagawin. After a few moments ay pumasok sa aking opisina ang sekretarya ko.

"Sir, Miss Emily already arrived at the ground floor," saad niya.

"Okay. Thanks. You can have your lunch too," sagot ko.

Lumabas na siya ng opisina ko at hinintay ko na lang si Ems dito. Pagkatapos lang ng ilang minuto lang ay bumukas na ang opisina ko at pumasok na si Ems. She's wearing an oversized shirt and a jogging pants paired with white sneakers. Malayong-malayo sa eleganteng Emily na nakita nila kanina. Despite her style she's still beautiful.

"Engineer! Tapos ka na ba tumitig?" saad niya.

"It's not 'titig' it's admiration," sagot ko.

"Whatever. Here's your food. Baka mamaya magka-ulcer ka niyan at hindi ka makapag-drawing ng maayos!" Inabot niya sa akin ang paper bag na dala niya.

"Eh ikaw?" sagot ko.

"Syempre meron din ako. Alangan namang ikaw lang kakain. Sayang naman effort kong magluto kung gutom lang din aabutin ko," sagot niya at umupo sa couch ko.

Sumunod naman ako sa kaniya at inilagay sa coffee table ang paper bag at sinimulang tanggalin ang laman nito. Chicken Alfredo at ginger bread ang nakalagay rito. Sapat din ito para sa dalawang tao. May kasama nang paper plate at mga kubyertos.

"Marunong ka pala magluto ng ganito," saad ko.

"Yes. Favorite kasi 'yan ni Mommy at ni Sandra kaya inalam ko paano lutuin. Hindi ko kasi alam ang taste mo kaya medyo may American style ang niluto ko," sagot niya.

"Tikman nga natin. Hindi ka lang pala magaling mag-alaga at magsulat eh. Magaling ka rin palang magluto," sagot ko at binuksan na ang tupper ware ng pasta.

Kumuha lang ako ng sapat para sa akin at tinikman ito. Sobrang malasa ng sauce na aakalain mong professional chef ang nagluto. It sounded like an over reacting person but it is what it taste like. Sabi nga nila 'A way to a man's heart is through his stomach' kaya siguro ganito ang reaction ko sa niluto niya,

"Ano? Nagustuhan mo ba? Pwede naman magsalita kung hindi," saad niya.

"Ang sarap nga eh! Sana lagi!" sagot ko.

Napangiti naman siya na tila nanalo sa lotto. Sabay kaming kumain at nang matapos ay ako na ang nagligpit ng mga ito.

"Oo nga pala. Gusto ka nga ulit makausap ni Mommy," saad niya.

"Oo nga. I alredy cancelled all my afternoon appointments para makauwi ako ng maaga at makausap ko si Tita," sagot ko.

"Thank you, Ken," she replied.

"I'll do everything to take you back. I won't commit the same mistakes again," sagot ko.

"You're really determined huh? First stage is almost coming. Siguradong pagbalik natin ng Pilipinas ay bubuhos na lahat ng pagsubok sa 'yo."

"I've come so far. Ngayon pa ba ako susuko?" sagot ko.

Nagpaalam na ako sa sekretarya ko na uuwi ako ng maaga. Dumaan muna kami sa hotel ko para makapagbihis ako ng mas komportableng damit. I just wore the hoodie she bought and just ripped jeans para presentable pa rin ako sa harap ni Tita. Nang maayos ko na ang sarili ko ay pumunta na kami sa condo niya. Siya naman ngayon ang nagbihis ng pambahay. Nagsimula nang manlamig ang aking mga kamay dahil sa kaba. Malaki ang kasalanan ko kay Tita kaya hindi ko alam paano siya haharapin ngayon. Emily went out of her room bringing the laptop on her hand.

"Nag-chat na ako kay Mommy. Pwede naman na raw siyang tawagan," saad niya.

Tumango lang ako bilang sagot. Inilapag niya ang laptop sa mini table na nasa gitna ng mga sofa at binuksan ito. Dati ang nakita kong wallpaper nito ay mga pictures nila ni Vince ngayon ay pictures na ng Korean boy group na mukhang mas bata pa sa kaniya. Kung hindi ako nagkakamali ay may labing dalawang lalaki at nang pagkatapos niyang ilagay ang password ay nagulat ako nang makita ang isa sa mga pictures na kinuhanan ko sa kaniya. Ito ay 'yong date namin kagabi kung saan nasa gitna siya ng bangka at nakatanaw sa paligid. Sa baba ng picture ay nakalagay ang date kung kailan 'yon kinuha pati na rin ang oras.

Nag-log in na siya sa kaniyang facebook account at pinindot ang pangalan ng mommy niya na online na ngayon. Lalo akong kinabahan nang marinig ko na ang dial tone. Kinakabahan talaga ako pero sinusubukan kong maging kalmado dahil baka mamaya makahalata siyang natatakot ako. Pagkatapos lang ng ilang minuto ay nakita ko na ang mukha ni Tita sa screen. Mukhang nasa kwarto na siya.

"Mi, heto na 'yong request mo. Pinakiusapan ko siyang umuwi ng maaga para nga po hindi na kayo maghintay ng matagal," saad ni Ems.

"Mabuti't nadala mo siya riyan," sagot ni Tita.

"G-good afternoon po," bati ko na pilit hindi pinahahalata ang kaba.

"Magandang hapon din ijo. Salamat sa pagpapaunlak mo sa imbitasyon kong makausap ka," sagot niya.

"Ah wala po 'yon," sagot ko.

"Ijo, kailan ba kayo uuwi ng anak ko? Gusto kong malaman kung kailan dahil gusto kitang makausap pagdating ni'yo rito. Hindi kasi pwedeng over the phone ang usapan na ito," sagot niya.

"Pag-uusapan po namin ni Ems kung kailan po, Tita. Makakaasa po kayo na hindi ko po kayo tatakbuhan," sagot ko.

"Maraming salamat, ijo. Marami rin akong gustong linawin sa inyo ng anak ko," sagot niya.

"Ako rin po, Tita. Gusto ko po patunayan sa inyo na nagbago na po ako at handa na po akong ipaglaban ang anak ni'yo," sagot ko.

Kung kanina ay kinakabahan ako ngayon ay unti-unti na akong nagiging kalmado. Mahinahon naman kasi ang boses ni Tita at pinakikinggan ako ng maigi ni Ems na tila bang sinasabi niyang wala akong dapat na ikatakot.

"Hihintayin ko ang pagbabalik ni'yo. Alagaan mo ang anak ko at iuwi ng walang galos ha," bilin niya.

"Mommy naman! Hindi ko kailangan ng mag-aalaga sa akin. Nurse ako kaya alam ko ang pag-aalaga sa sarili," tutol ni Ems.

"Kahit na. Sige na. Mag-usap na kayo kung kailan kayo uuwi. May gagawin pa ako. Salamat, Ken. Ibababa ko na ang tawag ha," paalam ni Tita.

"Opo. Ingat po kayo riyan!" sagot ko.

"Bye, Mi! I love you!" paalam ni Ems saka ibinaba ang tawag.

Pagkatapos ng tawag ay nakahinga na ako ng maluwag.

"Kailan mo gusto umuwi? Para maiayos ko na 'yong flight natin," saad ko.

"Ayoko sa private airplane mo. Masyadong mahal. Gusto ko sa economy na lang tayo," sagot niya.

"Okay but I prefer business class. So when is our flight?"

"This Saturday," sagot niya.

"Okay. I'll book our tickets," sagot ko.

"Sige. I'll pay for mine ah. Huwag ka nang maglitanya pa," sagot niya.

Tumango na lang ako dahil alam kong hindi rin naman ako makakatanggi. After that we spent our day binge watching movies and cuddling in bed. Dinner came and I just ate and went back to the hotel.

  





 A/N: This is to clarify the scene in the past chapter. I'm so sorry for my mistake. The scene where Emily asked who's going to pay for her journal and book. I'm so sorry if that was misunderstood by others. Next time I would be more careful with the words I choose. Enjoy reading, Bemskies! Few more chapters and we'll say good bye to our Kely:( Thank you for your support! Another madaling araw updates fom Bem! Again enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top