CHAPTER 32: MEMORABLE


Emily's POV

The next morning I thought everything was fine. I even made him breakfast before he went to work pero ano na naman 'to? Articles about Ken leaving the country flew around. Napakadami talagang high class Marites sa Pilipinas. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga ito.

'The famous engineer and owner of Pietro Builders allegedly went outside the country for the famous author, Emily Writes'

'Napakabilis naman nilang nalaman na ako 'yong pinuntahan niya' wika ko sa aking isipan. Talaga naman high class Marites! Sana all kasi nalalaman agad!

May ilang pictures pang nakitang nakapila si Ken sa immigration at blurred photo niya sa airport dito sa Singapore. Nandoon din sa picture sina Sandra at Zoe pero blurred ang mga kuha. I suddenly feel worried for him because he has tons of work and this. He needs to deal with this cause this might affect the image of his company.

'Dra. Kassandra Ellaine Lizardo called for a live interview to answer the questions of the media'

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Ken upang alamin kung kasali siya sa interview. Kasi siguradong siya ang hahanapin ng media sa interview ni Ate Kass. After a few rings he immediately answered the phone.

"Yes, Love? What do you need?" he said on the other line.

"Ate Kass has an interview later to answer your rumors. Anong balak mo?" sagot ko.

"Ate can handle everything. I have more important things to do," sagot niya.

"Nako, Ken. Ayoko na kaya mag-clear ng panibagong issue. Katatapos ko lang sa issue. Nahihiya na rin ako sa readers ko kaya hanggat maaari sana mabura ang pangalan ko sa mga articles," sagot ko.

"Don't worry, I can handle everything for you. Also I won't let that happen," sagot niya.

"Make it sure, Ken. Kasi kung mauulit nako bumalik ka na sa Pilipinas at layo-layuan mo ako!" sagot ko.

"I got to go. May meeting pa ako. I'll be early tonight! Bye!" Ibinaba niya na ang tawag.

Napabuntong hininga na lang ako sa naging attitude niya. Hinintay ko na lang ang live interview ni Ate Kass. Habang naghihintay ay napagdesisyonan ko na magluto na ng tanghalian. Hindi ko trip mag-order ngayon, gusto ko magluto. Buti na lang ay nakabili kami ni Ken ng supplies. We went to the grocery store last night. Kahit pagod siya galing sa trabaho ay sinamahan niya pa rin ako sa grocery store. Pagkatapos niya akong ihatid ay bumalik din siya sa hotel niya. Hind ko siya pinag-stay dito kahapon dahil nagsulat ako. Hindi ako makakatapos ng chapter hanggat nasa paligid siya dahil hindi ko maipanatili ang aking atensyon sa sinusulat ko. Mauubos lang ang oras ko sa pagsusulat sa katititig sa kaniya at kakabisado ng mukha niya. Hindi ko alam anong problema ng sarili ko bakit palaging napapatagal ang titig ko sa kaniya. Madalas ko ring nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa tuwing tinititigan niya ako. Nang matapos ako magluto ay bumalik na ulit ako sa harap ng laptop dahil saktong pagsisimula ng live ni Ate Kass.

"Good day to all of the viewers! Good day to the journalists and reporters! This is Darren Azarele Samson and I am your host for today! The agenda of this press conference is to clear all the rumors flying around my girlfriend's brother, Engr. Ken Pietro Lizardo. Refrain yourselves from shouting and asking inappropriate questions. Thank you!" bati ni Kuya Darren.

Namamangha ako sa talent ng lalaki na 'to. Doctor na, host pa at ang lakas pa ng loob niyang i-flex sa buong mundo na girlfriend niya si Ate Kass. Mabuti pa siya kaya niyang sabihin sa buong mundo na may girlfriend siya samantalang noong panahon ko mag-isa kong nilabanan lahat ng masasakit na salitang binitawan ng mga schoolmates ko at ng mga tao sa social media.

"The press wrote their questions and put it on the box in front of us. This is where we are going to choose the questions. Pakitaas na lamang ang inyong mga kamay kapag may follow up questions po kayo," saad ni Kuya Darren pagkatapos ng ilang minuto.

Lumabas na si Ate Kass mula sa backstage. She's wearing an elegant black dress paired with a coat. She looks at the camera and gave a sarcastic yet sweet smile. Hindi sila nagkakalayo ng itsura ng mga kapatid niya. Her facial features is similar with their mother and she can be the girl version of Ken dahil hindi talaga nalalayo ang facial features nila. Ang buong akala ko ay wala talaga si Ken sa interview pero nagulat ang lahat nang lumabas ang video niya sa LED screen sa likod ni Ate Kass at Kuya Darren.

"Oh! I forgot to tell everyone that Ken is also here to entertain your questions. So, Engr. Ken please greet the press and our viewers," baling ni Kuya Darren sa kaniya.

Ken's background is the city view of Singapore and on his book shelf on the right is full of photos of me and copies of my trilogy and Vince's books. I knew I am on those photos because the pictures are us in our high school days and it's clearer than the sun shining above us. He's really playing the media and taking this issue lightly like this won't affect his image.

"A pleasant morning to all of you!" he greeted and gave a sarcastic smirk.

"Simulan na natin ang pinakihihintay ng buong bayan! This is the question and answer portion! Dra. Kassandra, pick a question for us and read it loudly," saad ni Kuya Darren.

Bumunot na ng tanong si Ate Kass at inabutan siya ng microphone ni Kuya Darren.

"Why is he in hurry when he left the Philippines?" Ate Kass said.

"Bakit nga ba?" sagot naman ni Kuya Darren.

"Ken, since you're here answer the questions na lang.We're just here to read the questions and you're the one who will answer. So first question, why are you in hurry when you left? Answer it honestly," sagot ni Ate Kass.

"I'm in hurry when I left because I want to know the condition of Emily that time. I know her history and I will just keep my mouth shut about it. She is really the reason why I'm in hurry that time," sagot ni Ken. Sincerity is evident in his voice.

"Yes. Hindi siya magkamayaw sa bagahe niya and I helped him book his hotel room," pag-sangayon ni Ate Kass sa sinabi ni Ken.

"Next question!" Kuya Darren said and picked a piece of paper.

Ibinigay niya ang papel kay Ate Kass para siya ang magbasa ng tanong.

"Emily confirmed that her relationship with the famous author and heir of the largest medical hospital in the world, Vincent David Sawyer has come to an end, so this only means that he has plans on getting Miss Howards back?" saad ni Ate Kass.

"Yes and I'm working on it. Any objections? Oh sorry, I asked the wrong question. Any rumors?" he sarcastically replied.

"I'm so sorry for my brother's attitude. It is just purely sarcasm," Ate Kass apologized.

Nagtawanan naman ang mga nanonood sa kanila. This is the first time he took courage to talk about me in public.

Ang sumunod na sinabi ng isang reporter ay nagpagimbal sa lahat ng manonood.

"So sinulot mo si Emily sa dati niyang kasintahan?" saad ng isang babaeng reporter. Mukhang ka-edaran lang namin ito at mukhang taga suporta siya ni Vince dahil sa tono ng boses niya. Hindi ako makapaniwalang may maglalakas ng loob na magtanong ng ganiyan kay Ate Kass cause knowing her? She's going to find reliable informations.

Nakita kong lumamig ang tingin ni Ken sa kaniya at ni Ate Kass. Pareho nilang hindi nagustuhan ang sinabi ng babae.

"I'm just claiming what's mine. In the first place she was mine." He coldly said.

"Excuse me, why do you say na sinulot ng kapatid ko si Emily kay Vince?" Ate Kass asked. Her voice is cold as ice. Halata rin sa kaniyang mata ang galit sa reporter na babae.

"Because he immediately went to her after knowing that they ended their relationship and he's clearly boasting that he was successful on ruining someone's relationship," sagot ng babae.

"In what way did he ruin their relationship and what way is he boasting?" malamig na tanong ni Ate Kass.

"Don't you know? Your brother is sending different gifts to her while she's in a relationship," sagot ng babae.

Ito na nga ba ang sinasabi ko! Ito ang magiging problema ni Ken. Inalam pa talaga ng media ang mga 'yon.

"Is your sources reliable? Do you have evidences? Photos? Statements from my brother and the author involved? Do you have any? Please present here in front of us so that we can know who your sources are and validate to them if it is reliable. I'm sure if you're a supporter of Vince he disciplined his readers well and for your information, my brother and the two authors are batch mates in high school so it's just normal to have their books on his background so it is not boasting it is called supporting," sagot ni Ate Kass.

Hindi na nakasagot ang babae sa mga sinabi ni Ate Kass at lumabas ng venue. Ramdam ko ang pagkapahiya niya sa harap ng maraming tao. Kung ako man 'yon ay hindi ko na sasagutin sarcastically si Ate Kass dahil alam kong hindi reliable ang source ko.

"So that is the last question we are going to entertain. Ken, please clear everything before we end this press conference so that there will be no rumors and backlash," saad ni Kuya Darren upang pakalmahin ang paligid.

Dama ko ang galit ni Ate Kass kahit nasa harap lang ako ng screen. After the girl went outside the venue, Ate Kass looked pissed and might eat someone alive.

"All the rumors are true. I am with Emily here in Singapore. I might be a factor to their break up but I didn't force Emily or Vince to end their relationship. They ended their relationship privately and please don't bother them anymore. Yes you love them as the authors who writes mind blowing and wonderful stories but their private lives is not included in the writing field.

"In behalf of Emily and Vince please stop the hate for them. They are also humans, hindi lang sila manunulat. May kaniya-kaniya silang desisyon at bilang taga suporta nila ay hinihingi lamang nila na suportahan ni'yo rin sila sa kanilang mga desisyon sa kanilang buhay. Hindi palaging kayo ang una, they also have to make themselves a priority. This issue has been a burden for the both of them so I hope after this everything will be settled. Everyone will stop spreading the hate. I don't know when they will be back but I know they will so I hope when they come back to the field everything is fine and they will just write and update their pending stories. That's all, thank you for your time. This is Engr. Ken Pietro Lizardo," he formally said.

Napangiti ako sa aking narinig dahil sa wakas ay natugunan niya na ang hinihiling ko. Alam kong kahit nahihirapan siya sa sitwasyon na ito ay sinisikap niyang linisin ang pangalan naming tatlo. Pagkatapos ng interview ni Ken ay sunod-sunod na pagtunog mula sa cellphone ko ang nangyari. Sinagot ko ang tawag ni Mommy.

"Hello, Mi?" saad ko.

"Anak, napanood ko 'yong interview ni Ken. Ano lagay mo riyan? Nakahinga ka na ba ng maluwag?" sagot niya.

"Opo, Mi. Masaya akong nakaya niyang ilaban ako sa buong mundo," sagot ko.

"Hindi na ako magtataka kung pagbalik mo rito ay may love life ka na naman..." sagot niya.

"Mommy naman!" sagot ko.

"Bakit? Mare-Con nga raw eh!" sagot niya.

Tinawanan ko lang si Mommy sa kaniyang sinabi. "Mare! Ano latest?"

"Heto headlines ka na naman mamaya-maya lang," sagot niya.

"Sige na, Mi. Ingat kayo riyan. Kumusta mo na lang ako sa mga Marites diyan ah!" sagot ko.

"Mag-iingat ka, anak..." sagot niya at binaba ang tawag.

Pumunta na ako sa kusina at ininit ang pagkain kong lumamig na dahil tinapos ko muna ang interview ni Ate Kass. Tumunog ulit ang cellphone ko at sina Sandra naman ang tumatawag. Agad ko itong sinagot. Nilayo ko sa aking tainga ang cellphone dahil sa malakas na tili ni Sandra.

"Kalma! Kumalma po tayong lahat!" saad ko at binuksan ang camera ko.

"How to calm!! Ken just expressed to the whole wide world that he has plans on getting you back!" sagot niya.

Presidente talaga 'to ng ship namin kahit noon pa.

"Sandra, hindi ganoon kabilis 'yon. Siguradong maraming bakod ang dadaanan niyang si Ken bago 'yan makabalik kay Ems. Number one: he needs to talk to Tita, number two: he needs to clear his intentions to Andy, number three: he needs to apologize to Vince and to us. He owed us an apology because he almost killed our friend! And number five: he must clear things out to Emily's father that their company and his will not merge if they decide to get married in some time. Maraming bakod ang babanggain ni Ken bago ang inaasam niyang happily ever after," sagot ni Lean.

"Lean's right, I won't let him get you back as long as I don't know his intentions. What if history repeats itself? I won't take the risk of letting him in Emily's life without clear intentions," sagot ni Andy.

"Hoy! Kahit mukhang kampi ako sa kaniya hindi ko pa rin hahayaan na masira na naman si Ems dahil sa kaniya. Ako na sisira sa gwapo niyang mukha kapag nangyari na naman ulit 'yon!" saad ni Ivan.

"Nako, Ivan tumigil ka nga. Napatulog ka nga ng sapak ni Lean eh!" saad ni Zoe.

"Manahimik ka nga, Zoe!" saway ni Ivan.

"Oy! Ano 'yon? Ha? May hindi ba ako nalalaman?" saad ni Sandra.

"Wala-wala! Minsan nga iwasan mo ang pakikinig kay Zoe!" sagot ni Ivan.

"Kumalma kayong lahat. Paano kung nakalusot na siya sa pinagsasabi ni'yong bakod?" sagot ko.

"Sure ka ba?" sagot ni Lean.

"Hindi. Hula-hula ko lang," sagot ko.

"Ikaw ba sa sarili mo, Ems? Handa ka na bang bumalik sa kaniya?" sagot ni Ivan.

"Yeah. We won't be a hindrance to it," pag-sangayon ni Andy.

Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Honestly guys, tinitimbang ko pa rin sa sarili ko kung gusto ko bang kunin siya pabalik sa akin o hindi. Nakikita ko naman ang pagbabago niya. Ang mga pagsisisi niya. Pero hindi pa rin ako mapapalagay hanggat hindi siya ayos sa inyo kasi gusto ko rin malaman ang opinion ni'yo at alam ko ring may kasalanan siya kay Vince. I want you guys to know his intentions and I respect your actions and thoughts about him cause you are the witness of my downfall," wika ko.

"Then let's see," sagot ni Andy.

"Sige na. Kakain muna ko ng lunch, I'll call you back later if I have time," sagot ko.

"Okay. Enjoy your stay there and keep safe!" saad ni Sandra.

"Ingat ka diyan, Ems!" sagot ni Lean.

"Hoy! 'Wag agad bibigay ah!" saad ni Zoe.

Natawa na lang ako sa sinabi niya at kumaway na lang sa camera upang makaalis na sa call. Nang maibaba ko na ang tawag ay tinuloy ko na ang paghahain ko. Pagkatapos kumain ay umidlip ako sa sofa bed nagising na lang ako sa doorbell. Tumayo na ako at pinagbuksan ng pinto ang kung sino man 'yon. Binalot ng pagtataka ang aking isipan nang makita ko si Ken sa aking harapan. Napakadami pa ng trabaho nito bakit siya narito? May dala siyang bulaklak. What is he planning to do?

"For you..." he said and hand me the flowers.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga daliri namin. Nabalot din ng pagtataka ang aking isipan dahil sa kaniyang ibinigay.

"Para saan 'to?" sagot ko.

"I want to ask you for a date. Not just a date but a date to remember," sagot niya.

"Well... Okay? Hindi naman 'ata ako pwede tumanggi right?" sagot ko.

"Hindi talaga dahil magtatampo ako. Mahirap ako suyuin," sagot niya.

"Kutusan kaya kita riyan. Palala ko lang marami ka pang bakod na haharapin bago mo tuusin ang tunay na kalaban," sagot ko.

"Of course and I'm aware of it for now I ask you to have a date with me," sagot niya.

"Oo nga, I'll just change my clothes," sagot ko at pumasok sa kwarto para magbihis.

I wore a casual dress because I feel like we're going to eat some where casual. After changing my clothes I put on some light make up and wear this cute necklace with a flower pendant. I paired my casual dress with my doll shoes dahil ito lang ang nadala kong sapatos. Buti na lang at may nadala kong casual clothes. After fixing myself I went out of my room. I saw Ken seating on the couch patiently waiting for me.

"Hey, what do you think?" tawag ko sa kaniyang atensyon.

Tila bumagal ang mundo nang lingunin niya ako. Nakita ko ang kaniyang simpleng pagngiti dahil sa damit ko.

"Nothing has changed. You're still the Emily I knew. You're not fan of make ups and shoes," saad niya.

"Baka hambalusin kita bigla dahil diyan sa mga sinasabi mo ha. Panget ba?" sagot ko.

"Hindi. I didn't say anything. I said you're still the simple girl I knew back then at hindi ka pa rin nagbabago," sagot niya.

"Sabihin mo na kasi, maganda ba o panget?" sagot ko.

I really feel insecure right now because I feel like I'm not good enough for his standards.

"You're gorgeous. Don't be insecure of yourself. You're the most beautiful woman I know after my Ate," sagot niya.

"Ang galing mo talaga sa beautiful words 'no?" sagot ko.

"It's true! I'm not joking!" sagot niya.

"Halika na nga!" sagot ko.

Lumabas na kami ng condo unit ko at dumiretso sa parking lot. Hindi na kami nag-commute ngayon dahil nag-rent 'ata siya ng kotse na gagamitin namin ngayong gabi. May kasama pa kaming driver para ihatid kami sa aming pupuntahan.

"Saan naman tayo magpupunta?" tanong ko.

"Basta. Mag-e-enjoy ka rito," sagot niya.

After a few minutes ay huminto ang kotse sa tapat ng Singapore River. Bumaba na si Ken ng kotse at pinagbuksan ako ng pintuan.

"What are we doing here?" tanong ko.

"We're going to ride the cruise. Bilis! We're running late," he answered and held my hand going to the line.

Binigay niya ang ticket namin sa operator ng cruise at inalalayan niya ako pasakay sa Bangka. Ito 'yong matagal ko nang gustong gawin pero lagi na lang kaming natatambakan ng activities sa school tuwing nagpaplano kaming magpunta rito.

"Parang ako pa ang turista sa ating dalawa," saad ko.

"I planned this very early. Ang tagal kong nag-search," sagot niya.

"Alam mo bang laging na-po-postponed ang pagpunta namin dito kasi tuwing paplanuhin namin kung hindi retdem eh mid-terms ang nangyayari?" sagot ko.

"Paraan na siguro 'yon ni Lord para ako na ang magdala sa 'yo rito."

Nagsimula nang gumalaw ang bangka at natutuwa ako dahil kitang-kita ko na sa malapitan ang ilaw ng naglalakihang building. Mas maganda nga talagang magpunta rito kapag gabi dahil naglilitawan ang magagandang ilaw. I took a lot of photos of the scenery and Ken took me some photos. We also took lots of photos together. Humihinto ang bangka sa mga parte kung saan pwede kaming mag-picture. Unti-unting lumalamig ang hanging dumadampi sa aking balat.

"It feels romantic right?" he said.

"Yeah... It is..." sagot ko habang nakatingin ng deretso sa kaniyang mata.

"It's getting cold, come closer."

Agad naman akong lumapit sa kaniya at laking gulat ko nang bigla niya akong yakapin. Ang kaniyang mga bisig ang nagsilbing init sa malamig na hanging dumadampi sa aking balat. Nasa gitna kami ng ilog kaya ang lakas ng hangin at ang lamig. Ang paghinto ng bangka ang nakapaghiwalay sa aming dalawa. Inalalayan niya ako sa aking pagbaba ng bangka. Magkahawak kamay naming tinungo ang Victoria Concert Hall dahil malapit lang ito rito.

Sobrang ganda ng architecture ng concert hall na ito. Ang sabi nila ay kadalasan dito raw ginaganap ang mga orchestra performances ng mga kilalang musician. We took photos together here at the center of the hall. Kahit matagal na ako rito ay hindi ko pa rin ito napupuntahan. Tourist attraction na ito pero hindi ko pa 'to napuntahan kahit noong una akong nagpunta rito. Masyado na kasi itong malayo sa condo kaya hindi na kami nagpunta. Pagkatapos naming kumuha ng mga litrato rito ay dumaan muna kami sa malapit na mall para maglibot. Hawak pa rin niya ang kamay ko habang naglalakad kami.

"Wala ka bang bibilhin?" tanong niya.

"Wala naman. Nakabili na ako ng pasalubong kila Mommy," sagot ko.

"Tara sa bookstore. Baka may matipuhan kang book doon bago tayo kumain," sagot niya.

"Let's see," sagot ko.

He knows my interest and wants. Ang observant niya na ngayon than before. Journal ang una kong hinanap dahil naubos na ang journal ko at bibili na rin ako ng notebook at ballpen dahil gusto kong makapag-uwi ng souvenir para sa akin. Pumili na rin ako ng dalawang self help books kahit hindi ko pa tapos basahin ang una kong binili kasama sina Sandra.

"Oh, sino magbabayad?" tanong ko.

"I'll pay for it," sagot niya.

"Okay," sagot ko.

Pagkatapos namin magbayad ay dinala ko naman siya sa department store para ako naman ang pumili ng bagay na ibibigay ko sa kaniya. I don't know if he still loves hoodies but this is the first thing crossed my mind when I thought of the things that he's interested. Dinala ko siya sa jacket section at naghanap ng hoodie na pwede niyang magamit. Naghanap ako ng magandang design ng hoodie.

"Ken, what's your size?" I asked.

"Large," sagot niya.

"Okay," sagot ko na namimili pa rin ng minimalist designs ng hoodie.

Nang makita ko ang burdang heart na may rose ay ito na ang kinuha ko.

"Sukatin mo, bilis! Ako na magbabayad!" sagot ko.

"Pero ako dapat ang gumastos!" sagot niya.

"Huwag ka na makipag-debate. Isukat mo na," sagot ko.

Pumunta siya sa fitting room at sinukat ang binigay kong hoodie.Lumabas siya at pinakita ang itsura niya suot ito. Bumagay sa kaniya ang design at kulay ng hoodie.

"Pogi ah! 'Yan na lang!" saad ko.

"Okay??" sagot niya na nagtataka.

"Huwag ka na magtaka. This is just give and take and I also want this date to be memorable to you," sagot ko.

"Let's go!" sagot niya.

Binayaran ko na ang hoodie na napili ko para sa kaniya. Pagkatapos nito ay dumaan muna kami sa isang ice cream parlor para bumili dahil nag-c-crave ako ng ice cream.

"Tawagan ko na ang driver natin para masundo na tayo at madala sa last destination natin for tonight," saad niya.

"Okay," sagot ko.

Saan kaya ang last destination namin? Excited na akoong malaman ito dahil gusto kong malaman ang gagawin niya upang maging mas memorable ang gabing ito. Lumabas na kami ng mall nang makatanggap siya ng text galing sa driver na nasa labas na siya ng mall. Sumakay na kami sa kotse at pinaandar na ito ng driver papunta sa destinasyon namin.

Nagulat ako nang huminto ang kotse sa tapat ng entrance ng isa sa mga pinakamahal na hotel dito sa Singapore at isa rin ang hotel na ito sa nag-o-offer ng roof top venue ng dinner.

"This my last surprise for you, Love," Ken said before going out of the car to open the door for me.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa entrance ng hotel. Sinabi niya lang ang pangalan niya sa receptionist at binigyan siya ng dalawang pulang ticket. May nag-escort sa amin papunta sa elevator. Pinindot ng escort ang pinakamataas na floor. Habang pataas ng pataas ang elevator ay lalo akong nasasabik sa surpresa niya. Pagkatapos lang ng ilang minuto ay nakarating na kami sa tuktok ng hotel kung nasaan ang restaurant. We have the beautiful city view of Singapore in this place.

"Wow... Dito tayo kakain?" tanong ko.

"Yes, Love. Seat back, relax and enjoy the night," sagot niya.

May tumutugtog ding orchestra rito na lalong nagparomantiko sa lugar. May lumapit sa aming waiter at kinuha ang order namin. Pagkatapos ng ilang minuto ay si-nerve na sa amin ang appetizer. I took a photo of our food before we eat. After we finished eating the appetizer, Ken asked for the main course. Steak ang in-order kong main course.

"Are you enjoying the night?" he asked.

"Yeah. Eating with this beautiful view is enough for me to make this night memorable," sagot ko.

"There's more," sagot niya.

Pagkatapos i-serve ang dessert namin ay nagsimula na ang pagbabago ng tinutugtog ng orchestra. The song was familiar to my ears and I suddenly remember our first dance. So Close is the song that the orchestra is playing.

"Can I have your dance? Hindi na ako naka-maskara ngayon kaya maalala mo na 'to," saad niya.

Agad ko namang inabot sa kaniya ang kamay ko. Tumitig siya sa aking mukha na tila kinakabisado niya ang bawat detalye rito. Dinala niya ang aking kamay sa kaniyang balikat at ihinawak niya ang kaniyang kamay sa aking bewang. Isinabay namin ang aming mga katawan sa mabagal na tunog ng kanta. The song brings back our high school memories. He's looking intently at my eyes. Hinalikan niya ako sa aking noo.

"I can't wait for the day you'll call me 'Love' again..." he said.

"Thank you for making this night memorable, Love..." bulong ko.





A/N: Enjoy reading, Bemskies! Christmas break na! Means more time with you! Magsusulat lang ako noon para matapos ko ang YSTO bago mag-2022! I will give you new era for 2022. Thank you for waiting!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top