CHAPTER 31: BRAVE
Emily's POV
I slept in my room last night because Ken insisted that he'll be with me until the morning. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko siyang natutulog sa isang sofa ko at ang coat niya ang ginamit niyang kumot. Pumunta ako sa sofa bed ko dahil nahihiya naman akong patuligin siya ng ganiyan. Kahit naman paano ay may pinagsamahan pa rin naman kami. Hindi naman ako katulad ng ibang immature na babae na porque ex eh hindi na tatratuhin ng may paggalang. Napatagal ang aking titig sa kaniyang nakapikit na mga mata. Nothing has changed he's still the Ken I knew from high school except for his social status. Thick eyelashes, pointed nose and red kissable lips. Napailing na lang ako sa sarili kong naisip at bumalik na lang sa kwarto ko pagkatapos siyang kumutan. Kinikilabutan ako sa sarili kong iniisip. 'Gutom lang 'yan Ems,' saad ko sa aking sarili. Malamang nga sa gutom lang 'to. Kailangan ko kumain pero nakakatamad kaya pinili kong bumalik sa kama para manood sa laptop ko.
I usually start my day by making coffee but I feel too lazy. Hindi ko namalayan na nakatulog ulit ako dahil sa panonood. Nagising ako sa tumatamang liwanag sa aking mukha. Nagtalukbong ako upang mapawi ang liwanag at makatulog ulit.
"Emily, gising na," saad ni Ken. Kusang dumilat ang mga mata ko sa pagkabigla sa narinig kong boses.
"Mamaya na. Five minutes!" sagot ko na nanatili pa ring nakatalukbong. Nahihiya akong makita niya ang itsura ko. Namamaga pa ang mata ko dahil sa pag-iyak dahil bad ending 'yong animated movie na pinanood ko. Narinig ko ang pagbukas ng aking pintuan at pagsara nito. Nang masigurado kong wala na siya ay tinanggal ko na ang pagkakatalukbong sa akin ng kumot at nagpunta sa tapat ng closet ko na malapit lang naman sa kama. Kumuha ko ng hoodie at ng cycling. I love oversized hoodies so I have so many in my closet. This is also my way to cope up with the sadness inside me. Vince used to give me this that's why I developed this habit. Palagi niya akong pinapahiram ng hoodie niya kapag inaatake ko ng homesick at kapag sobrang stressed ko na sa school. He also used to cuddle with me in those times.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto ko. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakikita. Ang malapad na likod ni Ken ang bumungad sa akin at siya ay nasa harapan ng kalan at nagluluto. Nakakapagtakang nakakapagluto na siya ngayon. I thought engineers are too busy making plates but here he is... He knows how to cook...
Suddenly a memory of him flashing back in my mind.
"Ems! Tama na muna 'yan! Let's eat na muna!" saad ni Vince. Nandito kami sa condo at nag-re-review kami para sa midterms. Katatapos niya lang magluto ng dinner namin at hinahain niya na nag kaniyang mga niluto.
"Okay..." maikling sagot ko.Hindi ko pa rin kasi maintindihan ang sinasabi ng libro na 'to bukod sa puro numbers ay halos kalahating oras akong nakatitig sa kaniya habang nagluluto. Ang swerte ng magiging girlfriend nito, may boyfriend siyang masarap magluto...
"'Wag ka na sumimangot diyan. Pagkatapos natin kumain ituturo ko sayo 'yong formula niyan. Sige na. Kain na," saad niya.
Tumango lang ako bilang sagot at nagsimula nang magligpit. Pagkatapos ko magligpit ay nagsimula na kaming kumain.
Bigla akong nawala sa mood kaya hindi ko na pinansin ang pagluluto ni Ken at dumiretso na lang sa sala at binuksan ang tv. I played some iKON music videos so that my attention will be in that thing but it kept me glancing on his way. Nang maghahain na siya ay binalik ko na ang tingin ko sa screen.
Nakita ko sa gilid ng aking mata ang paglapit niya sa aking pwesto.
"Emily, let's eat. I'm sorry pinakialaman ko na 'yong ref mo. I wanted to cook some breakfast for you before I go," saad niya.
"Oh... Thank you. Tara na, sabay na tayo kumain," sagot ko.
"Hindi na. May meeting ako ngayon eh baka ma-late ako."
"I don't want my guest leaving my place hungry," sagot ko.
Ako na ang naghain ng mga kubyertos namin. Umupo na siya sa dating pwesto ni Vince. Natahimik na lang ako at umupo na lang din sa tapat niya. Nabalot ng katahimikan ang lamesa namin nang magsimula kaming kumain. Paghinga at tunog ng kubyertos lang ang iyong maririnig. Walang sumubok na magsalita, parehas kaming nangangapa ng mga sasabihin.
"Emily..." he called.
"Hmm?" sagot ko na patuloy pa ring kumakain.
"Nag-sink in na ba sa 'yo lahat?" tanong niya.
"Oo naman!" sagot ko na pilit pinasigla ang boses.
"No, I still feel sinking..." sagot niya.
"Huh?" sagot ko na tila nagmamaang-maangan sa aking narinig.
"Hindi mo pa rin lubos maisip kung saan ka nagkamali para humantong kayo sa ganito..." paliwanag niya.
"Bakit nga ba? Ha? Ken?" sagot niya.
"Everything was my fault and everything was my plan... Now, you're happy?" he asked.
"We both drag Vince here so it's not entirely your fault. He was just a victim of my not so broken heart," sagot ko.
"He also is a victim of my not so broken world... Pero kahit na ganoon ako pa rin ang nakaisip nito. Kung hindi kita inihabilin sa kaniya baka mamaya mapunta ka pa sa taong hindi naman deserving ng pagmamahal mo," sagot niya.
"Let me ask you some question... Bakit noong araw na magpapakamatay ka... imbis na 'yong Ate mo ang alalahanin mo, ako 'yong inalala mo?" tanong ko.
"Cause you're the reason why I'm living. You're the oxygen that makes me go on through the day. Without you I may not be here having breakfast with you," sagot niya.
"If I am the reason then why did you leave me alone? Alam mo bang muntik ko nang ikamatay 'yon?" sagot ko.
Kasi kung ako talaga ang dahilan niya kaya siya nabubuhay bakit niya ako iniwan noon? Bakit niya kinailangan na sabihin sa media na wala naman kami? Bakit kailangan niyang itanggi sa buong Pilipinas 'yon?
"I don't have anything to prove myself and I don't want to see you hurting because of my social status... I don't have the power, I'm just a mere student. I don't have the means to fight for you... I know and I blame myself for that... " he answered.
Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain. Masarap ang pagkakaluto niya ng pancake. Ang creamy at hindi na kailangan ng syrup para patamisin 'to. Pagkatapos naming kumain ay hinatid ko na siya sa labas ng condo building.
"Ingat ka. I'll be at your door by 7 pm later," saad niya.
"Hindi na tumatanggap ng late night visitor ang condo building," sagot ko.
"Are you sure?" sagot niya.
"Yeah," sagot ko.
Pero ang totoo ay hanggang alas nuebe ang visiting hours ng condominium building na tinitirahan ko. Ayoko lang talagang maabala pa ang personal life niya sa problema ko. Sapat nang sinamahan niya ako ng isang gabi at pinaghanda ako ng agahan.
"Pupunta pa rin ako. Sige na, I'll go now. See you later, Love!" sagot niya at sumakay ng taxi.
Napako ang aking paa sa aking kinatatayuan dahil sa narinig kong tawag niya sa akin. Napailing na lang ako at bumalik na sa taas. Niligpit ko ang aming pinagkainan at hinugasan ang mga ito. Naalibadbaran ako kapag may mga hugasin sa lababo at magulo ang bahay. Pagkatapos kong ayusin ang sala ko ay bumalik ako sa kwarto ko para naman kuhanin ang laptop ko at ang iba ko pang mga gamit kapag nagsusulat. Tunog nang tunog ang cellphone ko kaya binuksan ko ito.
You missed a call from SEENERS SQUAD
Ivan Daniel: Explain everything now @Emily Savvanah.
Andy Woods: Care to explain anything? @Emily Savvanah?
And 100 more messages
"Mahabang video call na naman 'to..." saad ko sa aking sarili.
Binasa ko ang iba pa nilang mga messages. Sila Sandrra naman ang nagpaliwanag sa kanila pero gusto pa rin nilang marinig sa akin ang explanation. Agad naman akong nag-online sa laptop ko gamit ang messenger website dahil gusto ko munang umiwas sa facebook. I'm not yet ready to release my statement. Hindi ko pa alam ang kalalabasan ng gagawin ko na 'yon. Ayokong madamay sina Sandra at Mommy sa problema ko na 'to. Ako dapat ang gumawa ng solusyon na ito. Vince did his part and I will do mine too. Tinawagan ko na sila Andy sa gc. Isa-isa naman silang nagsisagot.
Walang nagsasalita sa amin nagtitinginan lang kami sa camera. Hinihintay namin si Ivan na sumali sa call.
"Pasensya na nahuli ako, mga binibini. I just came from my conference. Nasa US ako right now," saad ni Ivan.
"It's fine," sagot ko.
Si Sandra at Zoe naman ay nanatiling tahimik lang. Hindi na sila nakialam sa aming usapan.
"So what really happened? We're worried about you... We saw the articles that you and Vince broke up and I visited your wattpad profile. Many bad comments are popping," saad ni Andy.
"Ganito kasi 'yon. Before everything happened napansin ko na ang unusual niyang pananahimik. Until the week before our anniversary he surprised me on their house so I thought dahil lang doon sa surprise na 'yon kaya siya tahimik. Sabi ko na lang sa sarili ko na baka kaya dahil doon kaya siya nanahimik noong mga araw na 'yon. Then we decided to go to Singapore nga with Zoe, Sandra and Lean. Ayon on our date sa Coastal Walk he sang the break up version of Mundo and gave me a book... I finished reading it and on the final chapter he wrote there that don't ever blame myself for what happened to us...
"On our anniversary we had a virtual meet and greet with our readers and he gave a clue about this. Ayon three days after our break up marami nang nakaalam na naghiwalay na kami and wala pa rin akong idea paano nila nalaman," sagot ko.
Nanatili silang tahimik nang marinig ang sinabi ko. Narito rin sa call si Lean nakikinig sa mga sinasabi ko.
"It's hard for the both of them..." saad ni Lean.
"Syempre. Pareho silang nag-d-deal sa public opinion," sagot ni Sandra.
"Anong plano ni'yo?" sagot ni Ivan.
"Vince is planning to post his official statement next week..." saad ni Lean.
"Hindi lang naman kami ni Vince ang involved sa sitwasyon. Si Ken pa..." sagot ko.
"Ken? What do you mean by Ken?" sagot ni Andy.
"Ken asked Vince to take care of me when he was about to commit suicide..." sagot ko.
"What do you think Ken will do?" sagot ni Ivan.
"Hindi ko alam pero he has something in mind," sagot ko.
"What do you think is it?" sagot naman ni Lean.
"Wala kong idea. He just stayed here last night..." pag-amin ko.
"What?! Ang bilis naman niya!" saad ni Zoe.
"Is he a magician or something? He knows that you just ended a relationship then here he is making move," sagot ni Andy.
"Mas mabilis pa pagbalik niya kesa sa pagbalik ko!" saad ni Ivan.
"Ivan! Galaw-galaw kasi baka maunahan ka ng engineer!" saad ni Zoe.
"Zoe, manahimik ka nga! Si Ems ang pinag-uusapan natin dito oh!" saway ni Sandra.
"Alam mo ba ang nagaganap sa social media world?" saad ni Lean.
"Hindi. Simula last week hindi na ako nagbukas ng social media..." sagot ko.
She shared her screen and show us some screen shots of the harsh comments from facebook, wattpad and twitter. Napailing na lang ako sa mga nababasang mga komento. They even included my profession and my hard work passing the nursing licensure exam.
"It's getting worse day by day. Ems..." saad ni Ivan.
"Yeah and it hurts that we can't do anything to save the reputation the both of you have... We're keeping our silence so that it won't be too heavy to solve this problem," saad naman ni Lean.
"You need to stand for yourself, Ems. Don't wait for the time that everything gets worse than you expected. It will be hard for you to find a solution," saad ni Andy.
Tahimik kong inintindi ang mga sinabi nila. Tama sila na I should stand for myself pero paano 'yong mga kaibigan ko na nanahimik lang? Paano sila mommy na maapektuhan ng nangyayari sa akin? Alam kong apektado na sila rito pero mas lalala pa kapag nagsalita na ako. Tiyak akong madadamay silang lahat sa gagawin kong pagsasalita.
"Let me think about everything first okay? I want to sort things out first before deciding. I need to have some research about my own situation kasi mahirap na. Lalo pa't nawala ako sa linya. Saka gusto ko rin piliin ang mga sasabihin ko para mapanatili ang katahimikan ni'yo. Ayaw kong madamay kayo rito," sagot ko.
"You're connected to big personalities and we can't avoid that. We can't just always pay for the media to shut up, you know?" sagot ni Andy.
"Also ask Ken about his point of view of what's happening before you move. Kasi baka mamaya may kinikilos din siya para matulungan ka," sagot ni Ivan.
"Ivan, I have some question..." saad ni Andy.
"Shoot," sagot ni Ivan.
"Why do you keep involving Ken in our conversation? Did he pay you for doing that?" sagot ni Andy.
"Yeah! He paid 100 million for this!" sagot ni Ivan.
Agad naman kaming pumalahaw ng tawa dahil masyadong hindi makatotohanan ang kaniyang sinabi.
"Grabe, Ivan! Hindi ka na mana kay Sandra! Hindi na kayo mais con yelo couple! Mais con mais na!" saad ni Zoe.
"Oo nga eh! Papasa nang sweet corn couple!" asar ni Lean.
"Baka bitter corn couple!" sagot ni Sandra.
Umirap si Sandra sa hangin at tiningnan naman siya ni Ivan ng masama. Natawa na lang ako sa kanilang kinikilos. Halatang may nagaganap sa dalawa na ito, hindi lang nagsasalita.
"Ems, tinatanong ka ni Tita kung kumusta ka na. Kailan ba kayo huling nag-usap?" saad ni Sandra.
"Noong isang araw. Tatawagan ko na lang siya after ng call natin," sagot ko.
"Sige na... Tumawag ka na kay Tita," sagot ni Lean.
"I'll hang up na ah? Wala na kayong questions?" sagot ko.
"Just be strong, Ems. Comeback to us whole and healthy huh? No cuts and bruises..." saad ni Andy.
"Yes, Ma'am!" sagot ko.
"Bye, Ems! Ingat ka diyan!" saad ni Sandra.
"Ingat, Ems! Bye-bye!" saad ni Zoe.
"Babalik kang buo ha? Walang kulang, walang laslas..." saad ni Ivan.
"Yes, Sir! Babalik ka rin sana kay Sandra nang walang sabit!" sagot ko.
"Ang pasmado ng bibig mong babae ka!" saad ni Sandra.
Tinawanan ko lang sila at ibinaba ang tawag. Mag-oorder sana ako ng pagkain ko nang tumunog ang doorbell. Lumapit ako sa pinto at binuksan ito. Isa itong delivery guy.
"Good afternoon, Miss Emily Savvanah Howards?" saad niya.
"Yes. Uhm... I think I didn't order food from your store..." sagot ko.
"Yes Ma'am. This delivery is from Mister Ken Pietro Lizardo. He addressed the food delivery here," sagot niya at inabot sa akin ang dalawang plastic na naglalaman ng pagkain at drinks.
"Thank you! I'll contact him immediately to update him that I got the delivery," sagot ko.
"You're very much welcome, Ma'am!" he politely answered.
Tumango lang ako at isinarado nang muli ang pinto. Inilagay ko ang mga pagkain sa lamesa at tinawagan si Ken.
"Hello?" saad niya.
"Hi. Uhm... I got the foods you addressed here. Anong gagawin ko rito?" sagot ko.
"Eat now, Love. Alam kong gutom ka na rin," sagot niya.
Heto na naman siya sa kaniyang endearment. Kailan kaya siya titigil kasasabi ng mga words na ayokong marinig?
"Thank you! You made my day easier! Bye!" Hindi ko na siya hinintay na makasagot at binaba na ang tawag.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pinagsasabi ko kanina lang. Hindi ko alam bakit may kakaiba siyang dalang kaba sa akin. Binaba ko na ang cellphone ko at ihinain ang mga pagkaing pinadala niya. May nalaglag na maliit na papel mula sa plastic ng drinks.
Enjoy your lunch, Love!
-Ken
I don't know why but I see myself smiling by this simple note. Npabuntong hininga na lang ako nang muling sumagi sa isipan ko ang nangyari sa aming dalawa. I know and I feel that he wants me back. He won't do all of this if that's not the case. There's a sudden fear I felt right now because everything might be just like before. Hindi ko na lang inisip ang mga iyon at tumawag na lang kay mommy upang makamusta sila.
"Anak! Hindi kita nakausap kahapon! Ano bang nangyari sa 'yo?" saad ni Mommy.
"Okay lang naman po ako. I took time to think about what's happening, Mi. Kayo ba? Kumusta kayo riyan?" sagot ko.
"Heto, laman ka na naman ng headline ng baranggay. Maraming tao ang nakikiusyoso dahil nakita ka raw nila sa FB," sagot niya.
"Hayaan mo na sila, Mi. Huwag po kayo mag-alala gagawa ako ng paraan para maayos 'tong mga ito. Bigyan ni'yo lang po ako ng oras na intindihin at hanapin ang mga tamang salita na gagamitin para sa side ko."
"Anak, nag-aalala kami sa 'yo. Baka kung ano nangyari d'yan..."
"Kaya ko naman po, Mi. Huwag kayong mag-alala sa akin."
"Pabalikin ko kaya diyan sila Sandra para may kasama ka?"
"Mi naman! Alam mo naman na mag-do-doctor si Sandra! Huwag mo na po sila abalahanin. May nakakasama naman po ako rito," sagot ko.
"Aba sino naman? May boyfriend ka na agad?!" sigaw niya.
"Hindi po, Mi. Nagpupunta po rito si Ken kapag hindi po siya busy sa trabaho niya..." Hindi ako makapagsisinungaling kay Mommy dahil papunta pa lang ako pabalik na siya. Agad na lumambot ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang marinig ang sinabi ko.
"Anak...Alam mo namang nagpakahirap tayo upang mabuo kang muli 'di ba? Kaya, anak, ingatan mo ang sarili mo at ang puso mo. Hindi ako tutol sa kung anoman ang nadarama mo pero isipin mo muna at obserbahan ang nangyayari bago ka gumawa ng panibagong kilos."
"Opo, Mommy. Iisipin kong mabuti ang lahat ng aking ikikilos. Wala naman po akong balak na bumalik sa kaniya eh. Hindi ko na rin po iniisip 'yon. Sa ngayon po ang focus ko ay paano sosulusyonan ang nangyayari sa social media."
"Masakit sa akin bilang ina mo ang nangyayari sa 'yo anak pero kailangan kong maging matatag dahil 'yan ang pinili mong tahaking daan. Alam kong nagdadalawang isip kang magsalita dahil sa amin sa akin anak kaya magpapakatatag ako. Sasamahan kita sa laban na ito. Hindi kita iiwan sabay nating haharapin ang mga ito. Isa 'yan sa pagsubok mo bilang isang magiting na manunulat ng bayan. Alam kong kayang-kaya mo 'yan. Sasamahan ka namin sa lahat."
"Salamat, Mi. Salamat sa patuloy na suporta sa akin. Hindi ko alam kung paano ko lalampasan ang lahat ng ito kung wala ka, Mi. I love you!"
"Mahal din kita, anak. Sige na at kumain ka na. Kakain na rin kami rito. Ingat ka palagi diyan at kumain ng tama sa oras. Tawagan mo lang ako kahit anong oras. Sasagot ako!" paalam niya.
"Sige po, Mi. Malamig na rin 'tong pagkain k. Ingat din po kayo diyan. I love you, Mi! Bye-bye!" sagot ko at binaba ang tawag.
Chinese cuisine ang pinadala niyang pagkain sa akin. Isa rin ito sa mga paborito kong pagkain kaya talagang wala akong itinira. Pagkatapos kong iligpit ang aking pinagkainan ay nagsulat lang ako ng five hundred words bago dumiretso sa sala para naman manood ng Chinese drama. In this way I can improve my mandarin vocabulary. Matagal na akong hindi nakanood nito dahil naging abala sa trabaho at pagsusulat. Nang sumapit ang alas sais ng gabi ay nagsimula na akong maglinis ng mga kalat ko. Niligpit ko na rin ang mga pinagsulatan ko. Nagsaing na ako na sapat para sa dalawang tao dahil darating nga raw siya. Binuksan ko ang ref ko at naghanap ng pwedeng lutuin. Nakahanap ako ng ingredients ng adobong manok kaya 'yon na lang ang niluto ko. Saktong pagpatay ko ng kalan ang pagtunog ng aking doorbell. Agad ko iyong nilapitan at pinagbuksan ang kung sinoman 'yon. Bumungad sa akin ang pagod na itsura ni Ken.
"Sabi ko naman kasi sa 'yo 'wag mo na ako puntahan eh. Pagod na pagod ka tuloy," saad ko.
"What can I do? Dito ko dinala ng mga paa ko," sagot niya at pumasok sa loob ng condo. Sinarado ko naman ang pinto pagkatapos niyang pumasok.
"Kumain ka na?" tanong ko.
"Nope. I usually have dinner by 10pm dahil marami pang trabaho na kailangan tapusin," sagot niya.
Umupo siya sa sofa at nilabas ang laptop niya. Nagsimula na siyang magtipa rito. Hanggang dito ba naman sa bahay trabaho pa rin ang inatupag niya.
"Gusto mo bang padala ko na rin dito office table mo?" saad ko.
"Wala akong matatapos na trabaho kapag ganoon. I will just end up watching you all day," sagot niya.
"Kumain ka muna!" sagot ko.
"Fine. Hindi ka naman titigil diyan kapag hindi ako kumain," sagot niya.
Naghain na ako ng pagkain namin at inayos ko na rin ang mga kubyertos. Pagkatapos ay pinaupo ko na siya. Ako na ang nagsandok ng pagkain niya at pagkatapos noon ay nilabas ko ang juice mula sa ref at sinalinan ang baso niya. I looked like a wife taking care of her husband. I just shake off my head to forget about that thought.
"Why are you shaking your head?" tanong niya.
"Nothing... Magsimula ka na kumain," sagot ko.
"Eh 'yong sa 'yo?"
"Ito na nga 'di ba? Uupo na." Umupo na ako sa pwesto ko at kumuha ng pagkain ko.
"I didn't know you're a good cook," saad niya.
"Well I needed to learn. Studying abroad isn't easy. You need to do everything all by yourself," sagot ko.
"Yeah. No one will do it for you," sagot niya.
"Will I speak about what happened?" I asked out of nowhere.
"Yes... You need to let the world know that you've work so hard to come at your place right now.They are now after the scholarship you had and the achievements you had with Vince. They all thought that you became that because you are his girlfriend. If they really support you because you are you and you are not Vince's girlfriend they will understand what happened to your relationship with him," sagot niya.
"I'm not afraid of losing fans. I'm afraid that they will go afte my mom and my friends if I speak out. Their privacy is my first priority that's why I don't want to tell something about this eh."
"Be brave, Love. This is one of your challenges as a writer. Prove them they are wrong. If you're fear will win then you'll fail to fight for your rights. Express yourself to them. Express yourself like how you expressed in writing. This must be addressed cause if not everyone will believe that you are just Vince's shadow and not Emily Savvanah Howards who almost didn't get enough sleep just to give them updates, who had breakdowns while reviewing for exams, who doubted herself that she'll not pass the boards and who's the best woman we all know. Hindi ka namin pakikialaman sa solusyon na gagawin mo. Nandito lang kami mananatili sa likod mo at lalaban kasama ka.
"Kasama mo kami, Ems. Lakasan mo ang loob mo na magsalita para sa sarili mo. Para sa ikatatahimik mo. Kayang-kaya mo 'yan! Ikaw pa? Eh si Emily ka. Ang kilala kong Emily malakas loob. Hindi 'yon nagdududa sa sarili niya. Kahit kailan hindi mo kakakitaan ng pagdududa kasi alam niyang ginawa niya ang best niya. This time don't think about the opinion and the standards of other people because you are not Vince's shadow anymore. You can be whoever you wanted to be without reaching the internet's standards."
After hearing and analyzing what he said I made a choice... I made a choice to speak for myself. I need to speak so that everyone will know about the truth and they would know what I feel. I need to prove them that I'm not Vince's shadow or I'm just his girlfriend that's why I got where I am.
Pagkatapos naming kumain ay inayos ko ang sala at ang magiging background ko para sa aking live video. Binuksan ko ang aking facebook account sa aking laptop. Maraming notifications ang bumungad sa akin mula sa mga readers ko hanggang sa admins ng BlueMoon Publishing. They are all asking for my explanation and now I will give it to them. Inayos ko muna ang aking sarili at pinindot ang button na live at start live video. Nasa dining area lang si Ken at nakatanaw sa akin na may ngiti sa kaniyang labi.
Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahan itong pinakawalan upang mawala ang namumuong kaba sa akin. Parami ng parami ang nanonood sa live ko at marami ring nag-co-comment pero minabuti kong huwag na lang basahin ang mga ito.
"Good evening to all the viewers of my live video. I am Emily Savvanah Howards also known as Emily Writes on wattpad and former other half of the famous wattpad couple, 'Vinly'. This is to address the speculating issues about our separation. Yes, Vince and I already separated. Choice po namin na tapusin na ang relasyon namin dahil may mga bagay kaming kinaharap nitong nakaraan at ang tanging solusyon na lamang ay tapusin. Dito ko na rin po lilinawin ang iba pang mga issue tungkol sa akin. Una po, hindi ko sinagot si Vince para sa scholarship. We've been friends since high school and we talked about what courses we're planning to take in college. I said I planned to take nursing and my cousin's wife recommended me to the scholarship grant of the hospital she's working at. Nagkataon pong si Vince ang may-ari nito at kaibigan ko rin po ang pinsan niya kaya ako nakakuha ng scholarship.
"Ikalawa... Hindi po ako nakalusot sa exam na ibinibigay nila. I still took the exam even my friend and him asked me not to. Pinag-aralan kong mabuti ang exam na ibinigay nila. Ikatlo... Hindi po si Vince ang nagsagot ng board exam ko at mas lalong hindi ho ako nangopya sa kaniya. Nagbayad ako ng review center para roon at nag-self study din po ako para pumasa at mag-rank. Ganoon din po ang ginawa ni Vince. Halos apat na buwan kaming nagpupuyat kagagawa ng reviewers at drill questions. Ikaapat... Huwag ni'yo po idamay ang profession ko sa issue na ito. Wala po 'yong kinalaman dito at lalong lalo na sa pagsusulat ko.
"SavvFam, maraming salamat sa suporta ni'yo sa akin sa mga panahong nagsisimula ako. Pakiusap ko na lamang sa inyo na huwag na kayong makipag-away sa kapwa ni'yo reader para lang ipagtanggol ako. Hayaan ni'yo silang isipin ang gusto nilang isipin. Para naman po sa mga toxic readers ni Vince, don't count yourself as his fan because I knew even at the back of my palm how he raised his readers. Hindi war freak ang Vincesters. If you're really his supporter then support his decision and don't start fan wars. As well as SavvFam don't initiate internet fights cause it isn't worth it.
"Special shoutout sa mga Marites ng aming baranggay! Hintayin ni'yo ang pagbabalik ko at bibigyan ko kayo ng tigi-tigisang toblerone para i-celebrate ang paghihiwalay namin ni Vince. Alam kong tuwang-tuwa kayo riyan but please have class. Don't spread fake news verbally, spread it digitally para more sympathy! But then again nabuhay nga pala kayo sa panahon ni hulokbalahap kaya hindi ni'yo alam mag-use ng gadgets. Less sympathy nga lang kapag verbally.
"Anyway, I'm so sorry for my attitude earlier. I'm just pissed. I apologize to the wattpad community for this chaos and I apologize to everyone. I will be more careful of my actions from now on and I learned from my mistakes. I hope everything is now clear and this will stop spreading fake news. Thank you for your time and may God bless us all!" saad ko at pinindot ang end live.
Napabuntong hininga na lang ako pagkayapos at tila ba nabunutan ng napakalaking tinik sa lalamunan. Agad na lumapit sa akin si Ken at niyakap ako ng mahigpit.
"Finally... You took the courage to speak for yourself, Love," he said.
"Thank you for telling me all the words of wisdom earlier..." sagot ko.
"Don't be hesitant about yourself. I believe in you cause I know that you did your best."
"Sige na. Marami ka pa 'atang trabaho. Bumalik ka na lang muna sa hotel mo para makapagpahinga ka ng maayos..."
"Okay... If that's what you want. Just call me if you need something ha?" sagot niya.
"Yes," sagot ko.
Inayos niya na ang mga gamit niya at lumabas na ng unit ko. Hindi na siya nagpahatid hanggang sa baba. Sinarado ko na ang pinto at mga bintana nang makaalis siya. Maraming notifications ang nagpapatunog sa cellphone ko pero mas pinili ko na lang patayin ito at enjoy-in ang gabi sa panonood ng c-drama. Masaya ako na makakatulog na ako ng walang iniisip at walang mabigat sa puso. Sana ganito rin si Vince kahit masakit para sa kaniya ang nangyari sa amin.
A/N: Another midnight update my skies! 9 more chapters and we'll say good bye to Kely. Ano kayang mangyayari sa mga susunod pang kabanata? Enjoy reading and thank you for your support to me and my novels! Until the next update Bemskies! Enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top