CHAPTER 30: WARM HUG


Emily's POV

I spent my past few days on crying over the changes on my life. I don't have the energy to move because my source left me. I tried writing a chapter but my brain keeps on focusing on the heartbreak I had. Instead of writing I just spent my time reading his book. I tried contacting him but he's out of reach. Even Lean is not answering her phone. Lumabas na ako ng kwarto ko at naabutan ko si Zoe at Sandra na nagluluto ng agahan namin. Nahihiya na nga ako sa dalawa na 'to dahil nagtagal na sila rito. Lalo na si Sandra, halos isang linggo na rin siyang nasa online school dahil hindi nila ako maiwanan.

"Good morning, Ems!" bati ni Sandra.

"Good morning, Sands," sagot ko.

"Kain na! Pagkatapos mong kumain gumala naman tayo!" sagot ni Zoe.

"Okay..." sagot ko at kumuha na lang ng plato.

Ihinain na ni Sandra ang kaniyang niluto. I missed Sandra's dishes kaya maraming kanin ang kinuha ko. Favorite kong caldereta ang niluto niya.

"May ice cream din sa ref kapag gusto mo," saad ni Zoe.

"Ice cream?" sagot ko.

Nakakapagtakang nakapagluto sila nito at nakabili sila ng ice cream kung buong araw lang naman silang narito. Saka hindi naman nila alam ang grocery store rito.

"Oo!" sagot ni Sandra.

"Saan kayo bumibili nito? Hindi naman kayo lumalabas ng condo 'di ba?" sagot ko.

Nagkatinginan silang dalawa na tila ba hindi nila sigurado kung sasagutin ako o hindi.

"L-lumalabas kami! Nasa kwarto ka kasi palagi kaya h-hindi mo napapansin!" tila nag-aalangan na sagot ni Sandra.

"Oo! Ikaw naman, Ems! Syempre naman lumalabas kami! Paano naman tayo mabubuhay kung hindi kami lumalabas? Saka ayaw ka na naming abalahanin dahil alam naming mahirap din para sa 'yo ang sitwasyon mo," sagot naman ni Zoe.

Nag-dalawang isip pa akong paniwalaan sila ngunit mas pinili ko na lang na paniwalaan sila dahil talagang kataka-taka ang kanilang mga sinasabi. Saka kung aalis sila ay nagpapaalam sila and they won't dare to go out in this foreign country. Malayo-layo ang grocery store rito and I don't think they knew the app for grocery delivery. Hindi ko rin nasabi sa kanila ang app na 'yon. Syempre wala ring foreigner na alam ang sangkap ng caldereta. Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko ngunit mas pinili kong baliwalain ang lahat ng ito. Baka nga lumabas lang sila at hindi na nagpaalam sa akin dahil alam nilang kapag may pinagdadaanan ako ay mas pinipili kong sa loob na lang ng kwarto.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko at nagbihis para sa lakad namin. Kailangan ko na ring maglakad-lakad dahil ilang araw na rin akong nasa loob lang ng kwarto at nagmumokmok. Saka hindi ko naman dinala sina Sandra rito para lang mag-site seeing ng furniture ng unit ko. Kakausapin ko na rin silang bumalik ng Pilipinas sa makalawa dahil sobra na akong nakaabala sa kanila. Baka rin maapektuhan ang grades ni Sandra at ang sahod ni Zoe dahil matagal na silang absent. Aayusin ko naman ang extension ng leave ko dahil baka hinahanap na rin ako sa hospital. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto ko.

Sandra is wearing a Korean dress while Zoe wears off shoulder blouse and ripped jeans. Siguradong kapag nakita ni Nathan ang suot ni Zoe ay maguusok ang ilong nito sa galit.

"Zoe, baka mamaya nag-send ka ng picture na ganiyan ang suot mo kay Nathan. Bigla na lang 'yan kumatok diyan sa labas ng unit ko at pagbihisin ka... Or worse... hilahin ka niya paalis at dalhin sa five star hotel," saad ko.

"Ikaw talaga, Ems! Ang dami mong alam! 'Yan ba epekto ng pagkawala ni Vince sa 'yo?" sagot niya.

Tinabig ni Sandra ang kaniyang braso upang hindi niya na masabi ang susunod niyang sasabihin.

"Tara na, Ems! Dalhin mo naman kami sa mall!" sagot ni Sandra.

"Oh sige! Let's go na! Alam ko ring bored kayo rito!" sagot ko.

Sinigurado ko munang wala nang nakasaksak bago kami lumabas ng unit ko. Naglakad na kami papunta sa bus stop dahil dadalhin ko sila sa Paragon. Maraming stores doon na pwede nilang pamilian. Marami ring mga kainan doon at malaki ang sinehan. Aayain ko na rin sila manood ng sine dahil gusto kong ma-experience nila ang panonood ng movie sa ibang bansa.

"Where are we going, Ems?" Sandra asked.

"Paragon Mall," sagot ko.

"I heard it's one of the best malls here in Singapore ah!" saad ni Zoe.

"True! Puntahan din siya ng tourists," sagot ko.

Humihinto ang bus na ito sa Paragon Mall kaya hindi na kami nag-taxi. Nang makarating kami sa mall ay naglibot-libot muna kami. Ang pinupuntahan ko rito ay ang bookstore nila dahil sobrang dami ng choices. May mga self help books sila rito kaya bibili na rin ako ng mga 'yon upang makatulong sa healing ko. Kadalasan sa self help books na binebenta nila ay wala sa Pilipinas.

"Maghanap na kayo ng clothing boutiques," saad ko.

"'Wag na, Ems. Baka may tiangge naman. Hindi ko afford mga damit dito," sagot ni Sandra.

"Oo nga, Ems. Masyadong mahal ang mga itsura ng boutiques dito," sagot naman ni Zoe.

"Sagot ko! Matagal kong pinagipunan ang trip natin dito kaya ituro ni'yo lang lahat ng gusto ni'yo!" sagot ko.

Sa ganitong paraan ko na lang masusuklian ang abalang ginawa ko sa kanila.

"Hindi na. Sa tiangge na lang! Saka 'yong ipangbibili mo ng mga damit namin ilaan mo na lang sa iba," sagot ni Zoe.

"Oo nga, Ems. Okay na kami rito. Saka alam namin na mahal din ang plane ticket," sagot ni Sandra.

"Ganito na lang, Sandra. Tutal ayaw mo naman ng damit edi bibili na lang kita ng Littman Stethoscope! Mas mura 'yon dito!" sagot ko.

"L-littman? As in 'yong imported na stet?" sagot niya.

"Oo. I think meron naman sila rito?" sagot ko.

"Ems! Anong trip mo?" sagot ni Zoe.

"Ikaw, Zoe? Anong gusto mo?" sagot ko.

"Wala! Baka mamaya eh hindi lang Littman ibili mo kay Sandra! Hindi biro ang presyo ng Littman, Ems!" sagot ni Zoe.

"Hindi nga. 15-20 thousand Philippine peso ang presyo noon. Baka may medical books ka pang kulang, Sands. Bilhin na rin natin!" sagot ko.

"H-hindi na. Okay na ako sa stethoscope. Mas magagamit ko 'yon sa trabaho," sagot ni Sandra.

"Okay. Sure ka na bang wala talaga, Zoe?" sagot ko.

"Oo. Huwag ka nang mag-alala," sagot ni Zoe.

"Hindi pwedeng wala! Pagkatapos natin bilhin 'yong stet ni Sandra punta tayo ng Nike. Pumili ka ng sapatos. Bawal tumanggi!" sagot ko at inunahan na sila ng lakad.

Meron ditong medical supply store dahil dito kami bumili ni Vince ng mga kailangan namin sa mga retdem namin. Pagdating namin sa store ay pinapili ko si Sandra ng kulay ng gusto niyang stethoscope. May free engraved din dito kaya nang makapili siya ay pina-engrave ko na rin ang pangalan niya.

"Ems, sobra na 'to..." saad niya.

"Hindi naman. Alam kong para sa mga doctor special ang stethoscope. Saka alam ko namang magagamit mo rin 'yan. Kulang pa nga 'yan sa abalang nagawa ko sa inyo ni Zoe eh," sagot ko.

Inabot na sa akin ng babae ang box ng stethoscope. Binigay ko naman ang card ko sa kaniya. Pagkatapos naming mabili ang stethoscope ay pumunta na kami ng Nike para naman sa sapatos ni Zoe. Tila nag-aalangan pa si Zoe noong una pero pumili pa rin siya. Pagkatapos naming bilhin ang sapatos ay bumili naman kami ng ice cream. Umupo kami sa bench na naka-ready para sa mga bisita ng mall. For the first time in awhile... I feel free from the pain. Having them in my life is the most precious thing I've ever had. They are with me through thick and thin. They never left in times I feel like leaving.

"Alam ni'yo dati pangarap lang natin 'to... 'Yong nasa ibang bansa tayo gumagala," saad ni Zoe.

"Oo nga eh. Isa lang 'to sa fantasy natin. Hindi man tayo kumpleto pero at least natupad 'yong pangarap nating mag-explore ng ibang bansa na magkakasama," sagot ni Sandra.

"Pero mas masaya kung nandito 'yong iba nating tropa," sagot ni Zoe.

"'Wag kayo mag-alala! Mauulit 'to! Pero by that time pare-parehas na tayong nakausad sa nangyaring 'to. Hindi lang naman ako 'yong nalamatan eh. Syempre pati na rin ang friendship ni'yo kay Vince," sagot ko.

"Alam mo, Ems... Napapaisip pa rin ako bakit mas pinili ni'yo ni Vince na maghiwalay... I mean, okay naman kayo. Mahal ni'yo naman ang isa't isa at saka parehas naman kayo ng mundong ginagalawan. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit ni'yo piniling tapusin kesa ayusin..." saad ni Zoe.

"Hindi sapat na mahal namin ang isa't isa at nasa iisang mundo kami para manatili. Saka siguro nahihirapan na rin siya na makitang nahihirapan akong i-figure out 'yong feelings ko. Sinabi rin sa akin ni Vince ang mga nangyari kay Ken. He made it clear everything to me. As well as me... Nilinaw ko rin sa kaniya ang mga bagay-bagay," sagot ko.

"Wait! May kinalaman si Ken sa break up ni'yo?" sagot ni Sandra.

"Hmmm... I guess he's the mastermind of our break up?" sagot ko.

"What do you mean by mastermind?" sagot naman ni Zoe.

"He asked Vince to take care of me and love me because he isn't sure if he'll win the fight against depression. Siguro kung hindi dumating si Vince noong gabi ng pasko na 'yon baka dinadalaw ni'yo na ngayon 'yong puntod ni Ken," sagot ko.

"D-do you m-mean Ken also attempted suicide?" sagot ni Sandra.

"Yeah. He was about to jump on the rooftop of the hospital. Nagpunta lang doon si Vince kaya nakita niya si Ken," sagot ko.

Napahilamos na lang sa mukha si Zoe at natawa.

"Magsama nga kayong dalawa! Kung hindi ka rin naman nailigtas ni Sandra noong gabi na 'yon baka ikaw din dinadalaw namin sa puntod mo! Makapagsalita ka akala mong hindi mo rin ginawa 'yon!" sagot ni Zoe.

"Ano 'yan? Till death do us part? Tutuloy ni'yo 'yong love story ni'yo sa langit? At talagang sa death certificate ni'yo parehas pa ng cause of death! Couple goals! Iba ka talaga Emily Savvanah Howards! Hindi ka talaga mag-se-settle sa normal! Laging may plot twist!" sagot ni Sandra.

"Seriously speaking... Minahal ka ng dalawa na 'yon," sagot ni Zoe.

"I agree with Zoe. No doubt they love you in different ways. Ken loved you so much that he'll choose to be a cadaver than to live in regret of leaving you behind while Vince choose to live miserably because he loved a girl who isn't done loving someone. Magkaibang paraan pero parehas mong naramdaman 'yong pagmamahal nila," sagot ni Sandra.

"They both love unconditionally..." sagot ko.

Ngayon ko lang napagtanto na magkaiba sila ng paraan pero parehas nila akong minahal kaya hindi dapat na pagkumparahin ko ang dalawang tao na 'yon. Sa kabila ng realization ko na 'yon ay hindi ko pa rin maiwasan na sisihin ang sarili ko sa kinalabasan ng action namin. Hindi ko maiwasan na isipin kung tinuloy ko ang paglalaho sa mundo mangyayari kaya ito sa amin? 'Di hamak na mas masakit iyon kesa naman sa habang buhay naming bitbit ang mga ito.

"I know you're blaming yourself right now because of what happened but please, Ems... Don't... No one can be blamed on this. Hindi mo naman mapipili ang taong mamahalin mo eh. Hindi mo rin naman mauutusan ang puso na huwag mahalin ang isang tao," sagot ni Sandra.

"Oo nga. No one can be blamed on the situation... Nagmahal ka lang naman, Ems. Nagmahal lang din si Vince at Ken. Pare-parehas kayong nasasaktan ngayon... Kaya walang dapat sisihin sa nangyari. Katulad nga ng sabi ni Sandra hindi mo pwedeng utusan ang puso na magmahal ng tao. Saka parehas kayong nasa medical field kaya alam kong alam ni'yo 'to. Sa lahat ng organs ng tao ang puso lang ang nag-fu-function mag-isa. Hindi niya kailangan ng command ng utak natin para gumana. Kaya kung kanino 'yan tumibok wala na tayong magagawa," sagot ni Zoe.

"Enough with this heart break topic na nga! Kumain na tayo ng lunch dahil medyo gutom na rin ako. Hindi sapat ang ice cream!" sagot ni Sandra.

"Tara na nga! Saka manonood pa tayong sine! Let's enjoy the day na lang!" sagot ko.

Nagpunta na kami ng Jollibee dahil meron dito. Na-miss na namin ang pagkaing Pinoy kaya roon kami dumiretso. Habang kumakain ay muli kong naalala ang nais kong sabihin sa kanila kaya ko sila dinala rito.

"Guys!" tawag ko sa kanilang atensyon.

"Ano?" sagot ni Sandra.

"Balak ko nang pauwiin kayo bukas ng hapon..." sagot ko.

"Bukas na? Bakit naman?" sagot ni Zoe.

"Nahihiya na kasi ako... Masyado ko na kayong naabala sa mga buhay ni'yo," sagot ko.

"Ems, naman! Hindi naman!" sagot ni Sandra.

"Naabala ko na ang pag-aaral mo, Sands. Baka maapektuhan ang grades mo dahil sa matagal mong pag-absent saka baka hinahanap ka na rin sa inyo. Ikaw naman Zoe baka natambakan ka na ng trabaho at baka bawasan na ni Nathan ang sweldo mo dahil ang tagal mo ring absent," sagot ko.

"Sus! Edi bawasan niya! Kikitain ko pa naman ulit 'yon eh!" sagot ni Zoe.

"Oo nga! Makakabawi naman ako. Ang mahalaga may kasama kang harapin ang hinaharap mo ngayon..." sagot ni Sandra.

"I'll be fine. Don't worry! Kaya ko naman! Hindi na ako teenager na tatalon sa building dahil iniwanan ng boyfriend niya! Alam ko ring mahirap bumawi sa med-school, Sands at Zoe alam ko namang kikitain mo ulit 'yon pero ayoko na talagang makaabala sa inyo," sagot ko.

"Are you really sure you'll be fine?" sagot ni Sandra.

"Oo naman. Tapos ko na i-book 'yong flight ni'yo," sagot ko.

"Oh sige. Mukhang determinado ka nang paalisin kami. Basta lagi kang mag-iingat dito ha. Kahit naman citizen ka rito eh hindi mo pa rin alam tabas ng mga utak ng tao rito! Prevention is better than cure!" sagot ni Zoe.

"Bakit naman napaaga ang pagbibilin mo?" sagot ko.

"Oo nga naman, Zoe! Bakit naman napaaga? Para namang hindi na ulit tayo magkikita!" sagot ni Sandra.

"Kesa naman may mahabang speech ako sa airport kapag hinatid na tayo ni Ems doon!" sagot niya.

"Ang sabihin mo ma-mi-miss mo talaga si Ems kasi matagal din siya rito!" sagot ni Sandra.

"Hindi naman! Sino bang makaka-miss diyan? Hindi nga tayo naalala niyan kapag wala na tayo sa tabi niya!" biro niya.

"Grabe naman kayo sa akin! I'm just healing my broken heart oh! Can't you see?" sagot ko.

Kinagabihan ay dumiretso kami sa malapit na night market. Dito na bumili ng mga pang-souvenir at pampasalubong ang dalawa. Bumili na rin ako ng pampasalubong kila Mommy. Pagkatapos naming mamili ay kumain kami ng mga street food nila rito. 'Yon na ang dinner namin. By 9 pm ay nakabalik na kami sa condo. Naligo ako ng saglit dahil nanlalagkit ang katawan ko dahil sa pawis sa buong maghapon.

Lumabas muli ako ng kwarto dahil napagkasunduan naming mag-movie night. Hindi pa sapat sa kanila ang pagnood namin ng sine sa mall kanina. Pinagbigyan ko na rin sila dahil malapit na rin naman sila umuwi. Maiiwan na akong mag-isa rito. Kailangan kong matutuhang harapin ang mga pagbabagong ito na ako lamang mag-isa. Hindi pwedeng palagi na lang akong nakadepende sa mga kaibigan ko dahil may sari-sarili rin naman silang buhay at problemang kailangan pagtuunan ng pansin hindi lang ako. Pero malaki pa rin ang pasasalamat ko sa kanila dahil sinamahan pa rin nila ako sa hinaharap ko ngayon.

Nilabas na ni Sandra ang natirang ice cream sa ref at si Zoe naman ay pumili na ng palabas na panonoorin namin. Nang makapili na ay pumwesto na ako sa sofa at sila naman ay sa kutson sa sahig. In-enjoy namin ang huling gabi naming magkakasama rito.

"Dahil last night namin ni Sandra rito walang matutulog sa kwarto! Sulitin na natin 'to!" saad ni Zoe.

"Gawin na lang natin 'tong sofa bed!" sagot ko.

"Sige!" sagot ni Sandra.

Niligpit muna namin ang kutson at ang coffee table pagkatapos ay nilatag na namin 'yong sofa bed.

"By the way, Ems... I have a question..." saad ni Zoe.

"Ano 'yon?" tanong ko habang inaayos ang mga unan.

"Do you remember anything noong nalasing no'ng isang gabi?" sagot niya.

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. "May ginawa ako?"

"Wala naman..." sagot niya.

Tinignan siya ni Sandra ng makapanghulugan kaya kusang huminto ang kaniyang bibig sa pagsasalita. Nagpatuloy na lang ako sa pag-ayos ng mga unan. Bumalik ako sa kwarto ko para kumuha ng kumot ko. Pagbalik ko ay nakapili na sila ng panonoorin namin. Habang kumakain ng ice cream ay nanonood kami ng palabas. Pagkatapos ng movie ay napagpasyahan na naming magligpit at magsepilyo upang makatulog na.

Tabi-tabi kaming natulog nang gabing iyon. Kinaumagahan ay napansin ko ang pananahimik nilang dalawa habang nagiimpake. Si Zoe naman ay mukhang hindi mapakali sa cellphone niya. Tila may hinaharap silang napakalaking problema base sa itsura nila ngayon.

"Uy! Umagang-umaga mukha kayong pinagsakluban ng langit at lupa! Ano nangyari? Ayaw ni'yo na ba umuwi?" saad ko.

Bumuntong hininga si Zoe at tila nag-aalangan kung sasabihin niya ang gusto niyang sabihin. Napatingin naman ako kay Sandra na kabubuntong hininga lang din at tumango na lang kay Zoe.

"They knew already, Ems..." she said.

"What do you mean?" I answered.

"You and Vince..." she answered.

"How?" sagot ko.

"I don't know. Some of your admin left the group chat and some of the members of the group chat of SavvFam also left. Kinakausap ko na ako ng iba pang admin," saad ni Sandra.

"Okay... Wala naman na tayong magagawa eh. Just don't disclose any information about this. Gusto ko sa akin manggaling ang main statement. Gulo ko 'to ako dapat ang tumapos nito," sagot ko.

"I advise you not to open any of your social media accounts hanggat hindi ka pa ready sa statement mo," saad ni Zoe.

Tumango na lang ako at niligpit na ang hinigaan ko. Pagkatapos kong magligpit ay bumalik na ako sa kwarto ko para naman kahit paano ay makapagisip-isip ako. Umupo ako sa harap ng aking study table at binuksan ang laptop ko para alamin ang nangyayari. Una kong binuksan ang wattpad account ko at ang daming notification.

@ForeverSavvFam: Cheer up Ate Emily! I will still support you kahit hindi na kayo ni Kuya Vince!

@IloveVince: Pumatol lang naman yan para sa easy scholarship eh. Matagal na akong hindi pabor sa relasyon nila ni Vince. Mukha nga talaga siyang gold digger.

@Emilythegolddigger: Wala na siyang mapala kay Kuya Vince kaya iniwan niya na. Tapos na kasi ang college naghahanap na yan ng bagong malalandi.

@SeanWrites: Nandito lang kami para sayo Ate Emily. Wag mo na lang pakinggan ang mga sinasabi nila.

@SeriousAuthor: Don't mind them. They don't deserve the attention of a queen. We'll stand by you Miss Emily. You're a great writer!

Unti-unting nababasag ang puso ko sa aking mga nababasa. Hindi naman ganoon ang nangyari. May ilan pang nagsabing hindi ko deserve ang mga natatamasa ko ngayon na kaya lang naman meron ako nito dahil naging kasintahan ko si Vince. Pinatay ko na lang ang laptop ko at hindi na nagbukas pa ng ibang social media accounts dahil mas marami pang hindi kaaya-ayang salita ang naroon. Pinahid ko ang mga luhang tumulo galing sa aking mga mata. Naghilamos ako saglit upang maitago ang pamamaga ng aking mga mata sa kanila. Tumulong na ako sa pagiimpake nila para hindi nila mahalata ang aking kalungkutan. Kumain na kami ng agahan dahil kahit mga puyat ay maaga pa ring nagising.

Ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin at naghugas ng mga plato. Matapos kong gawin ang mga ito ay bumalik na ako sa kwarto ko. Nakita ko ang pag-ilaw ng cellphone ko kaya agad akong lumapit dito upang makita ang dahilan ng pag-ilaw nito.

Mommy calling...

Sinagot ko ang tawag. Malamang ay nalaman niya na ang nangyayari.

"Hello, anak?" saad niya. Dama ang lumbay na kaniyang nararamdaman sa tono ng kaniyang boses.

"Hello, Mi!" Pilit kong pinasigla ang aking boses upang hindi na siya mag-alala sa akin.

"Alam kong hindi ka okay, anak... Huwag mo na itago sa akin. Maloloko mo lahat pero hindi ako," sagot niya.

"Ayos lang po ako..." sagot ko.

"Hindi ka okay, anak. Alam kong masakit para sa 'yo ang nangyayari. Hindi rin madali dahil kalaban mo ang taumbayan," sagot niya.

"M-magtatagal pa po ako rito. Pauunahin ko na pong umuwi sila Sandra," sagot ko. Pinipigilan ko ang aking paghikbi dahil ayokong lalo pa siyang mag-alala.

"Kaya mo ba? Wala kang makakasama riyan. Hindi ko rin naman pwede papuntahin diyan si Ate Gabrielle mo dahil masyadong marami na siyang ginagawa at nag-aaral pa si May," sagot niya.

"Ayos lang po, Mi. K-kaya ko naman po," sagot ko.

"Mag-iingat ka riyan. Hindi mo ako kasama kaya sana kumakain ka ng tama sa oras diyan. Huwag ka masyado magpuyat at bawasan mo muna ang pagbukas ng mga social media," bilin niya.

"Opo. S-sige na, Mi. Tutulungan ko pa sila Sandra m-magluto..." sagot ko.

"Sige anak. Bye-bye," sagot niya at binaba ang tawag.

Pagkatapos kong maibaba ang cellphone ko ay doon na nagtuloy-tuloy ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi ko naman ma-co-control ang sasabihin ng iba kaya matuto akong maging matatag. People will always criticize me because I'm a public figure. I won't be exempted to this. This what I want my life to be and it hurts so bad. I badly want to speak but I am not yet ready for more accusations and for more bad criticisms. At least give me time to prepare myself for more surge of waves. Hindi nga palaging masaya ang kahahantungan ng buhay. Palagi ring may lungkot at palagi ring may takot. Hindi ako natatakot na mawalan ng mambabasa ang kinatatakot ko ay ang sasabihin ng iba sa akin. Kahit naman sabihin kong opinion of others doesn't matter but in the end it still is. Hindi ko maiwasang hindi masaktan. Walang magliligtas sa akin ngayon kundi ang sarili ko. Kailangan kong magpakatatag para rito. Pinunasan ko ang aking mga luha at muling lumabs ng kwarto. Hindi pwedeng magmukmok na naman ako sa loob ng kwarto. Ito na ang huling araw nila Sandra rito kaya naman dapat ay hindi mabigat sa kanilang loob ang pag-alis dito. Ayoko nang alalahanin pa nila ako hanggang sa pagsakay nila sa eroplano.

"Huwag na lang muna kami umuwi, Ems?" saad ni Sandra.

"Oo nga, Ems. Samahan ka na lang muna namin," saad naman ni Zoe.

"Hindi na! Kaya ko naman na! Sayang naman 'yong ticket. Na-book ko na," sagot ko.

"Pero Ems mas kailangan mo kami ngayon," sagot niya.

"Huwag na kayong mag-alala sa akin. Hindi naman ito once na nangyari. Syempre kailangan ko rin matutong maging mag-isa 'no!" sagot ko.

"Kahit na. Hindi pa rin kami kampante na iwan ka ritong mag-isa," sagot ni Sandra.

"Kayo naman! Gusto ni'yo para makampante kayo halughugin ni'yo 'yong kwarto ko pati mga maleta ko kung may pills, cutter at lubid kayong makikita. Tapos 'yong mga kutsilyo ko rito gusto ni'yo uwi ni'yo na sa Pilipinas para sure kayong wala akong gagawin sa sarili ko," sagot ko.

"Ems, mag-do-doctor ako at alam mong hindi lang sa ganiyan nangyayari ang suicide. It can be eating not on time and sleeping late," sagot ni Sandra.

"Alam ni'yo ang OA ni'yo naman! Hindi ko naman gustong magkalapida agad!" sagot ko.

"Pinaaalala namin sa 'yo, Ems. Maraming nagmamahal sa 'yo. Maraming naghihintay sa pagbalik mo. Gusto naming bumalik ka ng masaya at buo hindi ka nasa loob ng kabaong," sagot ni Zoe.

"Zoe naman! Ang laki-laki ng kama ko para higaan. Ayoko pang mahiga sa ilalim ng lupa!" sagot ko.

"Let me also remind you Ems that there's this someone waiting for you at hindi siya magiging masaya kung dadalawin niya ang puntod mo," sagot naman ni Sandra.

"Oo na! Hindi naman na ako ganoon! Ano ba kayo? Huwag naman kayong ganiyan!" sagot ko.

Ala-sais ng gabi ang flight nila Sandra. Nagbihis na ako upang maihatid na sila sa airport. Ayokong maiwan sila ng eroplano dahil baka lalo na silang hindi makaalis. Inabutan ko si Sandra na nag-do-double check ng kaniyang mga gamit samantalang si Zoe ay kalalabas lang ng cr.

"Ready na kayo?" tanong ko.

"Sure ka bang kaya mo?" sagot ni Zoe.

"Oo naman," sagot ko.

"Sumama ka na lang kaya sa amin?" sagot ni Sandra.

"Ayoko nga edi mas lalong lumala ang sitwasyon," sagot ko.

"Oh sige. Mukhang hindi ka naman namin mapipilit na sumama sa amin. Tara na nga baka kapag naiwan kami ng eroplano ay hindi na ako makaalis dito hanggat hindi umaalis si Ems," sagot ni Zoe.

"Let's go na," sagot ko.

Lumabas na kami ng condo ko at ni-lock na ito. Dumating na ang grab na bi-nook ko na maghahatid sa amin sa airport. Hindi kalayuan ang airport sa condo building namin kaya nakarating kami agad. Hanggang gate ko lang sila ihahatid dahil hindi na pwedeng pumasok. Pinadala ko na sa kanila ang pasalubong ko kila Mommy.

"Mag-iingat ka rito, Ems. Kaya mo 'yan! Tawagan mo lang kami kapag hindi mo na kaya mag-isa. We won't hesitate to go back, isasama pa namin si Andy, Lean at Ivan!" saad ni Sandra.

"Yeah. We're just one call away. Kahit brasuhin ko pa ang boss ko para lang mapuntahan ka," sagot naman ni Zoe.

"Don't worry about me. Basta dalaw-dalawin ni'yo si Mommy. Siguradong nag-aalala na 'yon sa akin. 'Wag ni'yo rin kalimutan ibigay sa kaniya 'yong mga pasalubong ko," sagot ko.

"Oo naman. Kami nang bahala kay Tita basta bumalik ka lang sa amin ng buo..." sagot ni Sandra.

"Oo. Babalik ako ng buo at masaya..." sagot ko.

"Bumalik ka lang sa amin ng walang galos masaya na kami..." saad ni Zoe.

"Oo naman. Safe skies, mga mahal ko!" sagot ko.

Nagyakapan muna kaming tatlo bago sila tuluyang pumasok sa loob ng airport. Kumaway na lang ako sa kanila nang makapasok na sila sa loob. Nang mawala na sila sa paningin ko ay doon ko napagpasiyahang umalis na. Nag-text ako sa kanilang pabalik na ako ng condo. Dumaan muna ako sa paborito kong Korean restaurant para bumili ng dinner ko at sa convenient store para naman bumili ng instant noodles at softdrinks.

Nang buksan ko ang pintuanng aking condo unit ay bumungad sa akin ang nakabibinging katahimikan. Memories of us flashed my mind instantly.

"Babe! Akin na 'yan!" saad ko nang makita kong binabasa niya ang tulang ginawa ko para sa kaniya.

"Ayoko! Binabasa ko pa!" sagot niya.

"Babe naman!" sagot ko. Ayaw niya talagang ibalik ang papel.Gumagawa kasi kami ngayon ng project pero tinatamad ako kaya nagsulat na lang ako ng tula.

"Kinikilig naman ako!" saad niya at humalakhak ng napakalakas.

Tears flooded down my face as I realized it was just a pure beautiful memory. Umupo na ako sa dining area ko at nagsimula nang ayusin ang mga pinamili ko. Habang kumakain ay muling may alaalang nagbalik sa isip ko.

"Ang takaw mo naman, Babe!" saad niya. Magkaharap kaming kumakain ngayon. Korean food ang pinili kong kainin para sa dinner.

"Minsan na lang makakain ng jajangmyeon at samgyupsal ng sabay! Lubus-lubusin na!" sagot ko at sumubo ng noodles.

Nagulat ako nang may humawak sa gilid ng labi ko.

"Ano ba?" saad ko.

"Sa sobrang takaw mo hindi mo na napansin na may residue diyan sa bibig mo!" sagot niya.

Pinunasan ko ang gilid ng aking bibig dahil naramdaman kong may dumi ito. Ang dami naming memories sa condo unit na ito kaya kahit anong mangyari hindi ko pakakawalan ito. I'll treasure this condo unit just like our memories with each other. He's my sweetest nightmare and my most memorable leading man. He'll always have a special place in my heart. Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko na ang mga pinagkainan ko at itinapon. Pumunta kong muli sa kwarto ko para naman magbihis ng pantulog. Bumalik ako sa sala upang ayusin ang sofa bed. Kapag ako na lang naman mag-isa rito sa condo ay sa sofa bed na lang ako natutulog. Binuksan ko ang tv pero wala rin naman ang atensyon ko sa pinapanood. Lumilipat ang atensyon ko sa mga alaala namin ni Vince. We made so much memory in this place and it makes me cry because I can't do anything but to just remember it. New set of tears escaped my eyes. I can't help but to cry because now I really feel the sadness and pain. The moon is the only witness of my suffering. I feel so helpless but what can I do? Ito 'yong pinili ko at hindi ko na gustong makaabala pa kina Sandra. They also have their own lives and problems to deal with.

Narinig ko ang pagtunog ng doorbell ko. Sino na naman kaya ito? Hindi naman ako nag-order ng pagkain. Lumapit na lang ako rito at binuksan ang pintuan. Nanlaki ang aking mga mata sa taong nasa aking harapan at tila biglang dumiretso ang aking paningin na kanina'y nanlalabo dahil sa mga luha. Lalo akong hindi na makagalaw nang bigla niya akong yakapin. Ang mabango niyang amoy ang nagpagising sa aking diwa. Anong ginagawa niya rito? Paano niya nalaman na dito ako nakatira?

"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"My love need me and I can't just seat and do my work while she is crying a river..." sagot niya.

I don't know why... but for the first time in awhile... I feel home and rest in his warm hug. Kumawala siya sa aking pagkakayakap at pinalis ang mga luhang hanggang ngayon ay tumutulo sa aking mga mata. Sa lahat ng taong pwedeng maging comfort ko bakit ang taong nakapanakit pa sa akin?




A/N: 10 more chapters and we'll all say good bye to our Ken and Emily... My first ever wattpad couple. Thank you so much, Bemskies! Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top