CHAPTER 29: DEALING WITH HER BROKEN HEART

Ken's POV

I am busy signing and completing some blue prints when my phone rang.

Sandra Harrington is calling...

I answered the call. "Hello?" bati ko.

"Kuya! Makakarating ka ba ng Singapore today?" sagot niya.

"Today? Ngayon na? Sands, alas otso pa lang ng umaga. Bakit?" sagot ko.

"Vince and Emily broke up last night. Umalis na si Vince rito sa condo. While Ems never uttered a word since morning. She's just spending her day inside her room and we don't know what's happening inside it. Kuya, hindi ko na alam kanino kami hihingi ng tulong..." sagot niya.

Natahimik ako sa aking narinig. Vince also called me last night and his voice is so low and sounded so broken.

*Flashback*

Gabing-gabi na pero heto pa rin ako at inaasikaso ang trabaho ko. I'm so focused on reading the reports when my phone rang.

V calling...

Agad ko namang sinagot ito dahil baka may nangyari kay Ems.

"Hello?" I said.

"Ken... It's time... You can now take her back... Take care of her as much as I did. Huwag mo hahayaang magpakasubsob siya sa pagsusulat at pagtatrabaho. Always be ready hearing her rants and support her on everything she does. She's best when she's writing I hope you won't be a hindrance to it. Always have her back huh? Promise me you'll stand by her side when the public opinion comes to worst... Love her more than I did... Love her at her worst and love her readers... She's the best partner I've ever had... Take care of my sky, Ken... My part is done... Our chapter is done... I wish you all the best with her, Ken. I know you're better now that's why I'm entrusting her to you..." he said.

"Thank you for loving her, Vince... You don't know how thankful I am. Thank you for being her comfort while her home is away... Don't worry I will love her with all my heart and I will stand by her when the public opinion gets worst. I will never forget how you love her in times she can't love herself... I guess this is what destined for us to happen... I'm really sorry for being a burden to you... Thank you for fixing her and bringing her back to me..." I answered.

Alam kong minahal niya si Emily dahil nakita ko ang sakit sa kaniyang mga mata no'ng araw na hiningi ko sa kaniya ang pabor na ito.

"Just don't hurt her again... Hindi ko na kayang makitang parusahan niya ang sarili niya nang dahil lang sa sakit na nararamdaman niya... I'm watching you both and wishing you happiness... Also thank you for letting me love her even for a short period of time..." sagot niya at binaba ang tawag.

Dama ko ang sakit sa kaniyang boses at sa kaniyang mga sinabi. Masasabi kong mahal na mahal niya si Emily na kahit ang pagpapakawala rito ay kinaya niya upang hindi na siya mahirapan sa aming sitwasyon. Hanga ako kay Vince na sa kabila ng sakit ay pinipilit niyang kayanin ang lahat makita lang masaya ang babaeng mahal niya

*End of Flashback*

"Kuya? Nandiyan ka pa ba?" saad ni Sandra na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Ha?" sagot ko.

"Sabi ko makakarating ka ba tonight? Kuya, med-student ako pero hindi ko alam paano siya tutulungan. I am worried that she did something inside her room! Baka mamaya... Baka mamaya..."

"Shhh!" I cut her off. "I'll call our pilot to prepare our plane just hang in there. Pauwi na ako!" Binaba ko ang tawag.

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at walang paalam na umalis ng opisina. Pagdating ko sa bahay ay mabilis kong inayos ang mga gamit ko at tinawagan ang private pilot namin para ipahanda ang private plane namin.

"Ken! What's with the hurry?" tanong ni Kuya Kenneth.

"I need to go to Singapore today. Ikaw na muna bahala sa kompanya ko," sagot ko.

"Bakit? Ano nangyari? May nangyari ba sa site ro'n?" sagot niya.

"Wala. Emily needs me..." Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Wala na dapat akong sayanging oras dahil baka mahuli ko ng dating.

"Ahh kaya naman pala... Si Emily... Oh! Wait! 'Di ba nandoon naman si Vince? Bakit pupunta ka pa roon?"

"They broke up last night! Huwag ka nang chismoso, Kuya! Hatid mo na lang ako sa airport!" sagot ko.

"Ito na nga 'di ba?" sagot niya at iniwan ako sa kwarto.

Sinarado ko na ang maleta ko at binuhat ito palabas. Hinatid ako ni Kuya sa airport. Pagkatapos ko sa immigration ay dumiretso ako sa gate. Nandoon na ang mga flight attendant na kasama namin sa flight. Tinawagan kong muli si Sandra.

"Hello, Sands! Papunta na ako. Kamusta na?" saad ko.

"Lumabas na siya ng kwarto niya. Kumakain na sila ngayon ng lunch. Sobrang putla niya. It shows sign of sleep deprivation of sleep. Mukhang hindi pa siya nakakatulog at magang-maga ang mata niya. Hindi 'ata nakatulog kaiiyak," sagot niya.

"Oh sige. Check mo kung may Folic acid siya riyan. It might cause anemia, Sands. Hindi ako doctor pero I researched that after she was hospitalized because of me. Sige na. Nasa eroplano na ako. Signal ko na lang ang hinihintay nila para makaalis na ako," sagot ko.

"Okay, Kuya. Ingat ka," sagot niya at binaba ang tawag.

"Let's go," I coldly said and went to my seat.

The flight attendants and the pilot started to prepare the plane for take-off. Hindi mapalagay ang aking pakiramdam nang dahil sa narinig ko kay Sandra. Hindi ko naman mapigilang sisihin ang sarili ko dahil sa nangyayari. Baka mamaya ay kung ano na naman ang gawin niya sa sarili niya nang dahil sa akin. I can't afford to see her do it for the second time. Baka mamaya ako na ang sumunod kapag nangyari 'yon. Hearing those words from Sandra burdens me but I can't complain because this is what I wanted to happen. Now that it's happening parang nagsisisi pa akong bumalik sa buhay niya. Pagkakamali 'ata ang hingin ko ang paghihiwalay nila dahil nasaktan ko na naman siya at lalo niya akong kamumuhian ng dahil sa ginawa ko sa kanila ng best friend niya.

Ano ba ang dapat kong gawin? If I were strong to fight for her before, mangyayari kaya ang lahat ng ito? Ano bang kailangan kong gawin para bumalik ka, Ems? Nakakapagod nang maging villain sa buhay mo...

Pagkatapos ng ilang oras ay naramdaman ko na ang paglapag ng aming eroplano. Tinawagan kong muli si Sandra upang alamin ang sitwasyon nila sa condo.

"Hello, Kuya? Nakalapag ka na rigtht?" she said.

"Oo. Kumusta kayo riyan?" sagot ko.

"She went outside. Hindi namin alam kung saan..." sagot niya.

"Pinalabas ni'yo?!" sagot ko.

"A-ayaw nga sana namin pero hindi siya nakinig sa amin. Pinabayaan na lang namin siya..." sagot niya.

Frustration went inside my head. She's not capable to fight for herself if something happens. She's also in a foreign country kahit na dito siya nag-college hindi mo pa rin masasabi kung sinong makakasalubong mo para sa araw na 'to. Dumiretso na lang muna ako sa hotel na ni-reserve ni Ate para sa akin. Malapit lang doon ang condominium ni Emily kaya mas convenient. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay dumiretso ako sa condo ni Ems. Tinawagan ko na lang si Sandra para sunduin ako sa baba. Pagdating ko sa condo ay wala si Lean doon. Probably kasama niya si Vince ngayon.

"So... Ano nangyari?" tanong ko nang makarating kami sa taas.

"We thought they had a date last night... So we happily send our goodbyes to them pero 'yon na pala 'yong huling araw namin kasama si Vince kasi kagabi rin nagalsabalutan siya. Nagpaalam naman kaninang umaga si Lean na sasamahan niya raw si Vince kaya hinayaan na namin. Si Ems naman hindi pa rin nagsasalita kahit kanina bago siya umalis. Umalis na lang siya basta," sagot ni Zoe.

"Give her time to think. Babalik muna ko sa hotel ko para ayusin 'yong mga gamit ko. Hindi naman pwedeng bigla na lang akong magpakita rito dahil baka naman mabigla siya," sagot ko.

"Kuya, pasensya ka na sa abala ha... Hindi ko na talaga alam kanino hihingi ng tulong eh. Ikaw lang talaga malapit kaya ikaw ang tinawagan ko. Si Andy naman kasi masyadong malayo at baka marami siyang ginagawa kaya hindi ko na tinawagan... Pasensya na talaga, Kuya..." saad ni Sandra.

"Wala 'yon. Basta si Ems kahit nasaan ako, kahit gaano kalayo at kahit marami akong ginagawa handa akong ihinto 'yon at puntahan siya. It may seem inappropriate right now but what can we do right? I also can't break my promise to him that I will take care of her..." sagot ko.

"Nag-uusap kayo?" sagot ni Zoe.

"Oo..." sagot ko.

Alam ko kung sino ang kaniyang tinutukoy.

"Talaga?!" sagot ni Sandra.

"Oo naman! Bakit naman kami hindi mag-uusap?" sagot ko.

"Hindi ba 'yon weird?" sagot ni Zoe.

"Weird 'yon sa mga taong immature. Hindi naman kami immature para hindi mag-usap. Saka kaibigan natin siya! Bakit naman kami magkakailangan pa?" sagot ko.

"Iba talaga kayo... Una, date habang nagsusulat tapos ngayon mag-ex at present na ngayon ay ex na nag-uusap? Sana lahat ng tao ganiyan ka-mature na hindi big deal ang pag-uusap ng mag-ex at present..." sagot ni Zoe.

"Kung may tiwala ka naman sa partner mo eh magagawa mo rin 'to at alam mo sa sarili mong hindi ka ipagpapalit ng partner mo. It's about trust on each other saka the world is small may possibilities talagang magkita kayo ng ex mo. Hindi naman palaging kailangan ni'yong mag-iwasan. Minsan ka niyang pinasaya kaya kahit man lang bigyan mo siya ng saglit na magkausap kayo ng casual, okay na 'yon," sagot ko.

"May sense ka na ngayon ah!" sagot ni Zoe.

"Sige na baka maabutan pa ako ni Ems dito. Tawagan ni'yo lang ako kapag nagkaproblema. Tatapusin ko lang 'yong mga naiwan kong trabaho," sagot ko.

"Kaya mo na bumalik, Kuya?" saad ni Sandra.

"Yes. Malapit lang naman dito 'yong hotel ko eh," sagot ko.

"Okay. Ingat ka..." sagot ni Sandra.

Tumango lang ako at nagpahatid na sa baba. Pagdating ko sa aking hotel room ay naligo lang ako at nagpalit ng casual clothes ko. Kumain lang ako sa five star restaurant ng hotel at nagpunta sa Merlion Park. Nasabi sa akin ni Vince na rito sila lagi tumatambay no'ng college kaya rito ko unang hinanap si Ems. Baka sakaling nandito siya. Nalibot ko na ang buong park pero wala siya rito. Sumunod akong pumunta sa branch ng hospital nila Vince rito dahil ang dinig ko ay may kaibigan silang nurse na rito nagtatrabaho. Lousiana Perez ang pangalan kaya agad akong nagpunta sa reception area ng hospital.

"Good day! I'm looking for Nurse Lousiana Perez... Do you know her?" tanong ko sa nurse.

"Yes, Sir. She's on duty right now in the pediatric ward..." sagot ng babae.

"Uh, can you call her? I just have some question to ask her..." sagot ko.

Umalis ang babae sa reception area at pumunta sa nasabing ward. Habang hinihintay ang nurse ay nag-message ako kay Sandra kung bumalik na ba si Emily. Agad naman akong nakatanggap ng sagot na hindi pa raw. Napatingin ako sa oras at nakita kong malapit na sumapit ang gabi.

"Sir, she's here," tawag ng babae kaya nalipat ang aking atensyon.

"Sir? Who are you? I don't know you..." saad ni Louisiana.

"I am Engr. Ken Pietro Lizardo, Emily Savvanah Howards's ex boyfriend," sagot ko.

"Ah the engineer one... Why? Sa pagkakaalam ko ay hindi pa nag-ta-take ng boards si Emily para sa lisensya niya rito..." sagot niya. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkalito dahil sa presensya ko.

"Did she visit you?" sagot ko.

"No. 'Di ba nasa Pilipinas siya kasi katatapos lang ng book signing niya saka for sure magkasama sila ni Vince ngayon dahil anniversary nila kahapon," sagot niya.

"Nandito siya eh. Baka lang kako nagawi siya rito dahil hindi raw siya kasama ni Vince eh..." sagot ko.

I'm not disclosing any information to her because she might leaked it to the public.

"Ahhh eh hindi eh. Hindi naman siya nagawi sa pediatric ward..." sagot niya.

"Sige. Salamat. Pasensya ka na sa abala. Bumalik ka na sa duty mo," sagot ko.

"Sige. Salamat din. By the way,Kuya. Ang gwapo mo!" sagot niya at iniwan ako roon.

Napabuntong hininga ako at tinawagan si Sandra.

"Hello, Kuya? Nahanap mo ba?" saad niya.

"Hindi nga eh. Huwag ka mag-alala. Hinahanap ko pa rin siya hanggang ngayon. Nagpunta na ako sa mga places na naalala kong sinabi sa akin ni Vince kung saan sila tumatambay pero wala siya roon eh. Pati nga sa hospital nila pinuntahan ko na dahil may kaibigan daw silang nurse ro'n pero sabi rin ng nurse na 'yon eh hindi rin daw siya pinuntahan ni Ems," sagot ko.

"Sige. Tawagan na lang ulit kita kapag nag-contact na siya sa amin," sagot niya.

"Okay. Hanapin ko siya sa malls. Baka nasa bookstore lang siya," sagot ko at binaba ang tawag.

Sinubukan kong tawagan ang cellphone niya pero hindi niya rin ito sinasagot.

"Where are you, Love? We're worried about you..." bulong ko sa hangin.

Lumabas na ako ng hospital at nagpunta sa mall. Nalibot ko na ang mall at bawat bookstore sa loob nito pero wala pa rin siya. I took out my phone and called Sandra. Baka sakaling nakabalik na siya kaya hindi ko siya mahanap sa mga lugar na palagi nilang pinupuntahan ni Vince.

"She's here..." saad ni Sandra.

"Safe and sound?" sagot ko.

"Safe but drunk... Nandito siya sa sala ngayon, Umiinom pa rin," sagot niya.

Napabuntong hininga ako sa aking narinig. "Sige. Puntahan ko na lang kayo," sagot ko at binaba ang tawag.

Sumakay ako sa cab at sinabi ang pangalan ng condominium. Pagdating ko sa condo ay tinawagan ko si Sandra dahil hindi sila nagpapasok ng basta-basta. Kailangan ay may chaperone talaga na residente ng condominium building.

I saw my love endlessly typing her thoughts while crying and drinking liquor. Tila nabasag ang aking puso sa nakikita. This is the impact of Vince to her. Ginagawa niya na ang mga bagay na hindi niya nakasanayang gawin. Ang mga bagay na dati'y ipinagbabawal niya kay Vince, ngayon ay ginagawa niya na. Lasing na lasing ang kaniyang itsura.

On the other side of the living room, I saw Sandra crying while her eyes are set on Ems.

"E-ems... Tama na... Lasing ka na..." saad ni Zoe. Tila bingi ay tuloy pa rin si Ems sa pagtipa at pag-inom.

Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan siya. She looks like a mess. She's messed up but in my eyes she's still the gorgeous Emily I know since high school. Lumapit ako sa kaniya at pinagmasdan lamang siya. I took the bottle of soju away from the glass.

"Ems, tama na..." mahinahon kong saad.

Inagaw niya sa akin ang bote at sinalin ito sa baso. Nagpatuloy pa rin siya sa pag-inom. Pilit kong inagaw sa kaniya ang baso sanhi ng pagkatapon ng laman nito sa sahig.

"Ano ba?!" she exclaimed.

"E-ems... Tama na... Matulog na tayo..." humihikbing saad ni Sandra.

"Ayoko pa!" sagot ni Ems.

"Ems, lasing ka na..." saad ko.

"H-hindi a-ako l-lasing..." sagot niya.

"Lasing ka na, Ems," saad ko.

"Bakit ka ba kasi nandito?!" singhal niya sa akin.

"Pinapunta ako ni Sandra rito..." sagot ko.

"Bakit? Kita mong nagkanda-leche-leche buhay ko oh! Tapos magpapakita ka pa rito!" sigaw niya.

"Sandra, ligpit mo na 'yong alak..." saad ko.

Nakatingin lang siya sa akin na para bang siya ang nasasaktan sa sinabi ni Ems.

"Ken! Sagutin mo ako! Bakit nandito ka? Para ano? Pakialaman na naman ang buhay ko?!" saad niya. Tears are streaming down her face and cluelessness is evident in her eyes.

"Gusto mo talaga malaman?" sagot ko.

"Oo! Hindi matahimik ang utak ko kasi bakit mo kinailangan hingin kay Vince 'yon?!" sagot niya.

"Hindi ko hiningi sa kaniya 'yon... Siya lang mismo ang gumawa no'n... What can I do? I lost myself that time and you're the first person registered in my mind! I just made sure that before I die! Before I die there's someone who can love you more than I did! Ginawa ko 'yon kasi mahal kita!" Binaba ko ang aking tingin at pasimpleng pinunasan ang aking luha.

Binalot ng katahimikan an gaming paligid pagkatapos ng salitaan namin. Nagpatuloy lang siya sa pag-inom, hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang kaniyang mga luha. I forcefully took the glass out of her hand and all the liquor spilled on the floor and the glass broke into pieces. Hinila ko siya palayo sa mga bububog upang hindi niya ito mahawakan.

"Zoe! Walisin ni'yo na bilis!" saad ko.

Agad namang kinuha ni Zoe ang walis at si Sandra naman ay kinuha ang basahan.

Hinawi ko ang mga buhok na nakaharang sa kaniyang mukha at pinalis ang kaniyang mga luha. Namamaga na ang kaniyang mata at namumutla na siya. Niyakap ko siya ng mahigpit at tinapik ang kaniyang likod upang siya ay kumalma.

"Shhh... I'm sorry... I'm sorry, Love..." bulong ko.

Binuhat ko na siya papasok sa kaniyang kwarto. Kataka-takang malinis ang kaniyang kwarto. Inihiga ko na siya sa kama niya upang makapagpahinga na. Lumabas na ako ng kwarto upang tawagin si Sandra at magpatulong sa kaniyang linisan si Emily.

"Sands, bihisan ni'yo nga si Ems. Malagkit at mainit sa katawan ang alak kaya bihisan ni'yo siya ng comfortable clothes. Hintayin ko na lang kayo rito," saad ko.

"Sige, Kuya..." sagot niya at pumasok sa kwarto ni Emily. Sumunod naman sa kaniya si Zoe.

Niligpit ko ang mga naiwangkalat ni Emily sa sala nila. Pinatay ko na rin ang laptop niya. Hindi ko na tiningnan ang laman ng kaniyang tinitipa kanina pero siniguro kong naka-save ito sa kaniyang computer. Pagkatapos kong i-save iyon ay papatayin ko na sana ang computer ngunit nakita ko ang desktop wallpaper nito. Sila ito ni Vince kasama ang maraming tao sa kanilang likod. Hawak nila ang kanilang mga published book. This is the relationship I ruined because of my selfishness. This what she loose because of me. They looked so happy in the picture... Instead of staring I just shut the laptop down. Pumunta ako sa kanilang kusina at hinanap ang basahan upang mapunasan ang lamesa. Pagkatapos kong punasan ang mga ito ay umupo ako sa sofa nila.

Napabuntong hininga ako nang maisip ang mga bagay na papasukin ko upang mabalik siya sa aking piling. Siguradong dadaan ako sa butas ng karayom para rito. This won't be easy I know because I am the reason why she lost her ink. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Emily. Nakita ko si Sandra na sobrang lungkot ng itsura. Tila ba pasan niya ang buong mundo sa kaniyang balikat. Umupo siya sa pang-isahang sofa at tumingin sa glass wall ng condo. Tanaw dito ang buong Singapore.

"Hindi niya nga sinaktan ang sarili niya ngayon... Nilulunod niya naman ang sarili niya sa alak..." saad niya.

"Siguro, Sands... Hayaan na lang muna natin siya... Sariwa pa sa kaniya ang sugat na iniwan ng pagmamahalan nila ni Vince... Syempre hindi agad 'yon mawawala..." sagot ko.

"Sigurado akong hindi magugustuhan ni Vince at Andy ang mga ito... This wasn't the Emily they knew... Kasi ang kilala nilang Emily kahit anong sakit niyan sa pagsusulat lang 'yan kakapit. Hindi niya lulunurin ang sarili niya sa alak... Hahanap at hahanap 'yan ng paraan para maiwasan 'yon."

"There are times that pain can be a way for us to see her other side. This is her broken yet holding on side... She's bottling her feelings up for a long time that liquor is the only thing she knew she could use to express her feelings."

"Nasasaktan ako para sa kaibigan ko, Kuya. Nakita ko kung gaano siya kasaya kasama si Vince. We didn't expect that they will end up like this... Mahal na mahal nila ang isa't isa at hindi mapaghiwalay. Lahat ng pangarap nila sabay nilang inabot. Naghilahan sila pataas and now... They parted ways... Natatakot ako para kay Ems... She'll face the public judgment again..."

"Don't worry... I'll be by her side... Hindi ko na siya iiwan ngayon..." I assured her.

"Hindi ko na kayang marinig na tawagin siyang gold digger ng mga tao nang dahil lang sa scholarship na natanggap niya galing sa hospital nila Vince..."

"Hindi ko hahayaang mangyari 'yon. I'll protect her this time..." sagot ko.

"Anong plano mo, Kuya? Mukhang mahihirapan kang balikan siya..." sagot niya.

"Edi liligawan ko ulit siya..." sagot ko.

Lumabas na rin si Zoe mula sa kwarto ni Emily.

"Nakatulog na siya," saad niya.

"Mabuti naman. Tinago ni'yo ba 'yong mga pills o kung anomang gamot sa kwarto niya?" sagot ko.

"Oo. Nasa medicine cabinet na lahat..." sagot niya.

"Ken... Isang tanong, isang sagot..." malamig na saad ni Zoe.

"Ano?" sagot ko.

"Handa ka na bang ipaglaban siya sa mundo? Handa ka na bang tumayo sa tabi niya sa oras na pabagsakin kayo ng opinion ng iba?" sagot niya.

"Oo naman. Sanay na akong humarap sa media. Siguradong kapag lumabas ang issue na 'to sa publiko hindi lang wattpad world ang yayanig pati ang business world. The heir of the world's largest hospital and the daughter of the fastest rising empire's owner broke up? Isn't it a good headline for a business news?" sagot ko.

"O kaya naman, the famous writer couple had ended their relationship?" sagot naman ni Sandra.

"Parte na ng buhay namin ang opinion ng ibang tao dahil parehas kaming public figure.Nasa amin na 'yon kung paano sosolusyonan..." sagot ko.

"Sinisigurado ko lang dahil baka mamaya iwan mo na naman sa ere ang kaibigan namin," sagot ni Zoe.

"I learned my lesson and I won't do the same mistakes again," sagot ko.

"Siguraduhin mo lang, Ken at kapag hindi pasasabugin ko ang kompanya mo... Baka hindi mo alam, anak ako ng mafia boss..." sagot ni Zoe.

"Siguro dapat ko nang balaan si Emily na huwag magsulat ng plot na may mafia boss at baka mamaya eh si Zoe eh mabuhay na sa delusional world of mafias," sagot ni Sandra.

"Oo nga. Kapag matino na pag-iisip ni Ems kausapin mo at baka mamaya ihatid pa natin sa mental facility itong kaibigan natin," sagot ko.

"Grabe ah! Pagdadasal ko talaga sa lahat ng santo na mahirapan ka sa pagbalik kay Ems! Hindi ko na hihilinging 'wag kang balikan kasi kahit hilingin ko naman babalik at babalik ka pa rin!" sagot ni Zoe.

"Nagugutom na ako... Mag-sponsor ka naman ng pagkain, Kuya!" saad ni Sandra.

"Ikaw talaga, Sands!" saad ni Zoe.

"Sige. Ano bang gusto mong dinner? Magpa-deliver na lang tayo para mabilis. Saka para rin makabalik ako sa hotel ko. Marami pa akong kailangan i-check na messages," saad ko

"Pizza and pasta na lang, Kuya!" sagot ni Sandra.

Agad kong nilabas ang cellphone ko at nag-order ng gustong pagkain ni Sandra.

"Sandra, babalik na ako sa hotel ko. Ikaw na bahala kay Ems. Tawagan mo lang ako kapag nagkaaberya," saad ko.

"Sige, Kuya. Ihatid na kita," sagot niya.

"Hindi na, kaya ko na. Saka malapit lang naman 'yong hotel ko rito eh. Make sure na sarado lahat ng pinto at bintana bago kayo matulog. Nasa ibang bansa kayo kaya dapat mas mag-ingat kayo," sagot ko

"Opo... Ingat ka!" sagot niya.

Tumango lang ako bilang sagot at sinarado na ang pintuan. Dumiretso na ako sa elevator. Pagalabas ko ng condominium building ay sumakay lang ako ng cab at sinabi ang pangalan ng hotel ko.

Pagdating ko sa hotel room ko ay naligo lang ako at nagbihis ng pantulog. Nilabas ko ang phone ko at tinawagan sa messenger si Ate Kass.

"Hello, Ken! Kumusta ang one night vacation mo riyan?" saad niya.

"Okay naman. Nag-alaga ako ng lasing," sagot ko.

"Broken ba?" sagot niya.

"Sino? Ako ba o siya?" tanong ko.

"Ikaw..." sagot niya.

"Hindi naman. By the way pala, Ate. There might be articles flying around tomorrow about the break up of Vince and Emily. My name might be included there... Please prepare a long speech for the media," sagot ko.

"Sige. Ako na bahala sa media. Basta paghandaan ni'yo rin ang statements ni'yo," sagot niya.

"Yes. For sure once Emily sobered up she'll realize this things. Sige na, Ate. I'll check my emails pa," sagot ko at binaba ang tawag.

Binuksan ko ang laptop ko at nagbasa ng emails. Habang nagbabasa ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sitwasyon ni Emily. Ano man ang mangyari sa amin ay gagawin ko ang best ko upang protektahan siya. Her inner peace is the most valuable right now. Haharapin ko ang problemang ako mismo ang may gawa. I need to make it everything easier for her not heavier. Ako ang nagpasok sa kanila rito kaya ako rin dapat ang maglabas sa kanila. The hardest part should be done by the man. Whatever it takes I will make everything easier for her and I will take her back to my arms despite the storm we are into right now.





A/N: Enjoy reading, Bemskies!Few more updates and we'll say good bye to Kely! Please be patient waiting for my updates! Thank you for your never ending support! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top