CHAPTER 28: UNTIL OUR NEXT SUNSET
Emily's POV
Hindi ko alam anong plano ni Vince for today kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin kami lumalabas ng condo.
"Babe!" tawag niya.
"Oh?" Napalingon ako sa kaniya dahil abala ako sa aking cellphone.
"May meet and greet tayo, virtually mamaya kasama mga readers natin," saad niya.
"Okay. Teka lang... Bakit bigla ka 'atang nag-facilitate ng meet and greet? Approved na ba 'yan ng management?" sagot ko.
"Oo. Napa-approve ko na kay Miss Nica," sagot niya.
"Sana all kasali sa meet and greet!" saad ni Sandra.
"Hindi mo na kailangan sumali roon. Nandito na kami sa harap mo," sagot ko.
"Swerte talaga namin eh! May VIP passes!" sagot naman ni Lean.
"Anong gusto ni'yo?" saad ni Vince.
"Order ka naman ng Japanese food!" sagot ni Zoe.
"Sige," sagot ni Vince.
"Babe, sa kwarto muna ko. Magsisimula na ako mag-outline ng new book ko," paalam ko.
"Sulat na naman? Anniversary ni'yo ngayon!" sagot ni Sandra.
"Ganito kami mag-date, Sands. Sabay kami nagsusulat," sagot ko.
"Date? Iba talaga kayong dalawa," sagot niya.
"We're not the typical couples you see outside," sagot ko.
"Ang sweet ni'yo naman," sagot ni Zoe.
"They're doing their passion together... Sana all!" saad ni Lean.
"Turuan mo kasi magsayaw si Eros. Malay mo magbago tingin nila Liam sa kaniya," sagot ni Vince.
"Akala ko ba magsusulat kayong dalawa?" sagot ni Lean.
"Oo nga! Tara na, Babe!" sagot ni Vince.
"Kuhanin mo na 'yong laptop mo roon," sagot ko at pumasok na sa kwarto ko.
Binuksan ko ang isang bag ko na punong-puno ng mga ginagamit ko sa pagsusulat. Nilabas ko na ang laptop ko at umupo na sa study table ko. Nandito pa ang mga reviewer na ginagamit ko noon kapag may upcoming recitation at mga ibang case study no'ng college. This room brings us back to our college days. Nandito pa ang mga ginagamit naming flashcards noon sa biochemistry class at ang mga sample ng nursing care plan ko. It takes me back to the memories of our serious talks while doing our school works.
*Flashback*
"Babe, tapos ka na sa nursing care plan mo?" tanong ko.
"Kailangan pa ba 'yon? Kailan ba pasahan no'n?" sagot niya.
"Syempre naman! Ninety percent 'ata ng grade natin doon kinukuha. Balita ko next week na. Alam mo namang inaabot tayo ng siyam-siyam doon eh!"
"Babe, magsulat na lang kaya tayo? Tinatamad na talaga ko mag-aral..."
"Tinatamad ka na pala eh. Edi magpa-drop out ka na," sagot ko.
"Sige na nga. Gawin na natin 'yang bwsit na nursing care plan. Sagabal sa bebe time!" sagot niya.
"Saka ka na mangarap ng bebe time. Ngayon mag-aral muna tayo," sagot ko.
Nagsimula na kaming gawin ang gawain namin sa school. Alam ko namang gusto niya lang ng oras namin para sa isa't isa dahil nitong mga nakaraan ay sa bahay na lang din kami nagkikita.
"Babe, why do you still take nursing despite knowing that nurses in the Philippines is underpaid?" saad niya.
Napahinto ako sa pag-type sa aking keyboard at ibinaling ang aking tingin sa kaniya. "It's not about the salary it's about the passion for it. Parang sa pagsusulat lang 'yan noong una marami ring hindi nagtiwala sa akin na makakarating ako rito. Pero look at where I am now? 'Di ba mataas na na-achive ko? Sa nursing din no'ng una nilang nalaman na gusto ko maging nurse unang tumutol doon si Kuya Mark. Hindi raw maganda maging nurse kasi underpaid raw ang nurses. Hindi raw mataas sahod at pagod ka na wala ka pang kita. Alam mo isa lang sinabi ko sa kaniya, kung ikaw hindi mo kaya panindigan 'yong tinapos mo ako ibahin mo. Kakayanin ko kasi 'yon ang pinili kong aralin," sagot ko.
"Eh no'ng kabataan mo ba? Pumasok ba sa isip mong gusto mo maging nurse?"
"I wanted to be a lawyer but when I was instructed to inject the insulin pen. I was like law school is not for me nursing school is."
"That's when you realized you wanted to be a nurse?"
"Yes. Marami pa akong gustong matutuhan sa parte ng katawan ng tao that's why I wanted to study nursing."
"I really see your passion in learning, Babe. Keep going1 I can't wait to see you in the hospital!" sagot niya.
"Ikaw ba? Why did you choose nursing?" tanong ko.
"Wala lang. Pre-med ko talaga ang nursing noon pa but then bukod doon you also wanted to be a nurse so ginusto ko na rin but in reality I want to be a med-tech first before entering med-school," sagot niya.
"Oh kaya pala kung makasumpa ka ng nursing eh ganoon-ganoon na lang. Mag-shift ka na lang kaya?" sagot ko.
"No! I'm starting to love this course!"
"Oh edi tapusin na natin 'tong nursing care plan!" sagot ko.
Nagbalik na kami sa kaniya-kaniya naming gawain. Ganito kami mag-usap kapag nag-aaral. We're helping each other kaya hanggang sa rank magkasunod kami.
*End of Flashback*
"Hey! Tulala ka riyan! What are you thinking?" Vince asked. Narito na pala siya sa kwarto hindi ko pa napansin. Masyado akong natangay ng pagbabalik tanaw ko sa college days namin.
"Wala-wala. Naalala ko lang 'yong college days natin. Wala lang ang tagal na pala nating magkasama," sagot ko.
"Reminiscing is life ba talaga, Babe?" sagot niya.
"Ito naman parang ewan. Magsulat na nga tayo!" sagot ko.
"10 am maligo ka na ha! May meet and greet tayo tapos after no'n gala tayo. Iwan natin dito sila Lean!" sagot niya.
"Sige-sige," sagot ko.
Binuksan ko na ang laptop ko at binasa ang nagawa kong summary ng susunod na librong isusulat ko.
"Anong genre niyang book mo ngayon?"
"Romance pa rin. May bago pa ba?"
"Think outside the box, Babe. You need to grow as a writer. Hindi pwedeng mag-stick ka lang sa nakasanayan mong gawin."
"I am! Sub-genre ko lang ang romance ngayon! Fantasy main genre nito!" sagot ko.
"Good. Tuloy mo na," sagot niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at nagsimula nang mag-outline. Hindi kami nagpapasinan dahil pareho kaming abala sa paggawa ng mga libro namin. 10 am came at nagsimula na ako mag-ready para sa meet namin. Maraming readers ang naka-attend.
"Ang tanong ng bayan nasaan kayo?" saad ng host.
"We're just here at Singapore. Just chilling!" sagot ko.
May kakaibang ngisi ang ilan sa aming mga mambabasa.
"Chill lang ba talaga? Baka umiinit na ah!" saad ng isa naming reader.
"Yes. We're with our friends. Ikaw naman... Iba 'yang tumatakbo sa isip mo ah!" sagot ni Vince.
"Kuya naman! Ganda-ganda ni Ate Ems imposibleng hindi ka attracted sa kaniya!" sagot ng reader.
"You know what, hindi naman sa ganoong bagay nasusukat ang love and affection mo sa isang tao. Actually hindi mo nga masusukat ang love kasi kusang dumarating 'yan. Hindi pa kami handa sa ganoong mga bagay. Okay? Never ever think that something like that will prove your love to some guy or girl. Kasi kung mahal ka nila talaga ihaharap ka muna nila sa altar bago nila hingin 'yon sa 'yo. 'Yan ang gusto kong tandaan ni'yo bilang mga mambabasa namin. Gusto rin namin na may matutuhan kayo sa buhay. I want you to see us as your role models. Naintindihan?" sagot ni Vince
"Opo, Kuya!" sagot ng reader.
Napangiti ako dahil sa narinig ko kay Vince. He really wants to set an example to our readers that respectful man do exist. I'm really blessed to have someone like him right by my side. Kahit ilang beses na kaming nakatulog sa iisang kama never niya 'yon pinagsamantalahan kaya tiwala sila Mommy sa kaniya.
"Iba ang ngiti ni Miss Emily," saad ng host.
Natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Ikaw, Miss Ems? Any messages for your readers?" saad niya pa.
Tumikhim muna ako bago sumagot, "First of all thank you for your never ending support to me and to Vince. Sobrang thankful kami sa inyo na kasama namin sa journey ng relationship namin. You watched us grow in our relationship and as writers. You're with us since then kaya sobrang thankful ko sa support ni'yo. I hope you support us until the end and more books to write with you all! I love you so much!"
"Mister Vince! Any last words before we end our meet and greet?" saad ng host na kay Vince ang paningin.
"Uh... Sana suportahan ni'yo pa rin kami kahit hindi na kami magkasama. Saka sana maintindihan ni'yo kami kung anoman 'yong magiging desisyon namin sa mga susunod na araw. I hope you will remember us as a beautiful masterpiece of two writers collided in each other's world. Thank you so much for joining our anniversary meet and greet. And to our host Miss Jenn, thank you so much po and have a nice day!" sagot ni Vince.
His messages sound like a double meaning sentences. Parang may ipinahihiwatig siyang magaganap sa amin. Pagkatapos ng meet and greet ay naiwan akong tulala sa harap ng aking laptop.
"Sana suportahan ni'yo pa rin kami kahit hindi na kami magkasama. Saka sana maintindihan ni'yo ang mga desisyon namin sa mga susunod na araw. I hope you will remember us as a beautiful masterpiece of two writers collided in each other's world..."
Paulit-ulit na nag-p-play iyon sa utak ko. Pinipilit kong hanapin ang dahilan kung bakit niya nasabi 'yon. Bakit gusto niyang maalala nila kami na masterpiece na lang?
"Babe! Let's go to the mall!"tawag ni Vince.
"H-ha??" sagot ko.
"Mall tayo! Let's watch some movie and then afterwards punta tayo sa coastal walk!" sagot niya.
"Okay. Let me just change my clothes," sagot ko.
"Okay," sagot niya at isinarado ang pintuan.
Nagpalit ako ng ripped jeans, white shirt , denim jacket and white shoes. My typical outfit on our dates. After changing my clothes and getting my bag lumabas na ako ng kwarto ko.
"Saan ang gala ni'yo ngayong araw?" tanong ni Sandra.
"Mall. Mag-d-date kami katulad ng normal na ginagawa ng mga couple sa kanilang anniversary," sagot ko.
"Wow! Sana halls! Kasi naman binitbit pa ako rito ni Vince sana nag-ro-road trip kami ngayon ng Eros ko!" sagot ni Lean.
"Ewan ko lang kung payagan ka ni Liam!" sagot ni Vince.
"Kayo naman! Masyado kayong naghihigpit kay Lean. Kapag 'yan nasakal sa inyo baka mamaya bigla na lang kayo layasan niyan ah!" biro ko.
"Enjoy your day na lang guys," sagot ni Zoe at ibinalik ang kanyang tingin sa kaniyang cellphone.
"Ingat kayo!" sagot ni Sandra.
"Salamat! Let's go na, Babe!" saad ni Vince.
"Una na muna kami, Sands," paalam ko.
Kumaway lang siya sa amin bilang sagot. Lumabas na kami ni Vince ng condo na magkahawak ang mga kamay. Mas nakalamang na ang excitement kesa sa pag-iisip ng kaniyang sinabi kani-kanina lang. Hindi pa rin mapalagay ang pakiramdam ko habang magkahawak kami ng kamay. Tila ba may hindi ako inaasahan na mangyayari sa araw na 'to.
"Babe, what are our activities for today?" tanong ko.
"What do you mean?" sagot niya.
"Anong gagawin natin ngayon? Tagalogin ko na para ma-gets mo. Kung hindi pa rin then let's talk in Korean."
"Gala... That's what couples do right?" he answered.
"I know! I know but I feel something's not right..." sagot ko.
Naramdaman kong nanlamig ang kaniyang mga kamay at tila siya ay natahimik sa narinig.
"N-not right? What is it?" sagot niya.
"I don't know I just feel like it," sagot ko.
"It's our anniversary, Babe! Let's enjoy the day!" sagot niya.
"Okay..." sagot ko.
Naglakad na kami papunta sa sinehan. While enjoying the movie my phone vibrated inside my bag. Hindi ko na lang pinansin ang vibration. Hindi ko na ito napansin at ibinaling na lang ang aking atensyon sa pinanonood. Hindi pa rin humihinto ang vibration nito kaya napilitan akong kunin ito sa aking bag.
Engr. Lizardo calling...
Agad namang sumama ang timpla ng mukha ni Vince. Hindi ko na sinagot ang tawag na ito at ibinaling na lang ang aking atensyon sa palabas. Nagulat ako nang bigla niyang isinandal ang kaniyang ulo sa aking balikat.
"Why?" tanong ko.
"Nothing. I'm just jealous..."
"Don't be..." I assured him.
Pagkatapos ng ay nagpunta kami sa paborito naming kinakainan dito sa mall.
"Babe, after this where are we going?" tanong ko.
"Universal Studios? Merlion Park? Coastal walk? Saan mo gusto?" sagot niya.
"Anywhere you want," sagot ko naman.
"Really? Then let's go to Merlion Park na lang. Then let's end the day in the Coastal Walk," sagot niya.
"Okay. Teka, I noticed something... 'Di ba dati hindi naman natin pinupuntahan ang places na 'to? Deretso tayo sa Coastal Walk agad? Bakit ngayon parang bumabalik tayo sa college days natin?" tanong ko.
Nakakapagtakang magpupunta kami sa places na usually tambayan namin no'ng college.
"Wala lang! Masyado lang kasing mabilis kapag pumunta tayo agad sa Coastal Walk eh," sagot niya.
The emotions in his eyes screams sadness and worries. Tinignan ko iyong mabuti ngunit mabilis itong nag-iba. Bumalik ito sa dati kong nakikitang masaya.
"Enjoy this day, Babe... This may be our last..." bulong niya na hindi ko na narinig pa.
Pagkatapos naming kumain ay tumayo na kami at lumabas na ng kainan. Dumaan muna kami sa book store upang bumili ng mga writing utensils. Marami na kaming ganito but this is our kind of shopping kaya dumiretso kami sa shelves ng mga notebook. Habang pumipili ay nakita ko ang magandang matte violet journal. Violet is my favorite color that's why I choose this. Naubos na rin kasi 'yong journal ko.
"Ubos na 'yong journal mo? 'Yong gift ko sa 'yo?" saad niya.
"Yeah. Marami na akong naisulat doon so I'm gonna buy one again. Ang ganda kaya nito," sagot ko.
"Okay... Ano pang gusto mo?" sagot niya.
"The usual! Pens and highlighters!" sagot ko.
Nagpunta na kami sa aisle ng pens and highlighters. Kahit naman natapos na kami sa college hindi pa rin nawala ang highlighter addiction ko. Pagkatapos naming mamili sa book store ay dumiretso na kami sa Merlion Park. Umupo na kami sa isang bench ditto.
"Babe, I have a question..." saad niya.
"Hmmm?" sagot ko.
"What if hindi na kita mahal? Mananatili ka pa rin ba?" sagot niya.
"Oo naman. As long as wala ka pang mahal na iba, mananatili ako..." sagot ko.
"Paano kung nag-cheat ako sa 'yo? Matatanggapmo ba 'yong explanation ko?"
"Cheating... Ikaw? Lolokohin mo ako? Ay kalahati ng populasyon ng Pilipinas kukuyog sa 'yo," sagot ko.
Siya ang pinaka-huling taong pag-iisipan kong lolokohin ako. Kilala ko na siya kahit sa kaila-ilaliman ng talampakan niya. Siguradong ayaw niya rin na mangyari iyon sa pinsan niya.
"Hindi ko sinasabing may balak ako magloko pero paano nga? What if?" sagot niya.
"Hindi pwedeng magmahal ng dalawa. Isa lang ang sinasabi ng puso at hindi mo kailangan magloko kung mahal mo ako talaga. Kasi kung hindi ka na masaya sa akin then you're free to leave," sagot ko.
"Pinaalis mo na ako ngayon ah!"
"Hindi naman sa pinaalis kita ang sa akin lang eh kung hindi ka na masaya pwede ka naman umalis walang pumipilit sa 'yo mag-stay--- Teka... Bakit ganito usapan natin?"
"Wala lang. Natanong ko lang dahil matagal ko na 'yon iniisip," sagot niya.
"Bakit mo naman naisip 'yon?" sagot ko.
"I did something..."
"Something?" sagot ko.
"I just did it because I love you so much..."
"Ano?" sagot ko.
Hindi ko maintindihan ang kaniyang ibig-sabihin. Anong something? Biglang sumagi sa isipan ko ang kaniyang sinabi noong nag-away kami dahil sa pagtawag sa kaniya ni Ken.
"We started talking back then...It was Christmas... Remember when I went to America to celebrate there?" he started.
Hindi kaya may kinalaman 'yon sa sinasabi niyang something? O may iba pa?
"Babe, it's almost sunset! Tara na sa Coastal Walk!" saad niya.
"Mamaya-maya na. Kumain muna tayo ng street food ditto!" sagot ko.
I feel like when we go there something will happen.
"Pero, Babe... It's almost sunset!" sagot niya.
"Sige na, Babe... Aabutan naman natin 'yong sunset kung hindi then let us enjoy na lang the moon and stars." I made a cute face to make him agree with what I want.
"How can I disagree with that face?" sagot niya at hinila na ako patayo.
We went to Hong Lim Market and Food Center to have a food trip. Sakto't gutom na rin kami. Maraming nagkalat ng street food sa food center na 'to. Hainanese Chicken Rice ang binabalik-balikan namin dito at ang Char Kway Teow or Wok Fried Noodles. Favorite ni Vince ang noodles na 'yon. Pinuntahan namin ang usual place na kinakainan namin dito.
"Good day! What do you want to order?" tanong ng waitress sa amin.
"We want to order one Hainanese Chicken Rice, one Wok Fried Noodles and one Laksa. For our drinks we'll have ice tea. Thank you!" sagot ko.
"Okay. We'll prepare it right away, Ma'am," sagot niya at umalis na.
"You're really attractive when you speak English. I find it hot because you sound so smart even when you're just ordering our food..." he said.
"English lang?" natatawang saad ko.
"No! You're hotter when you speak in Mandarin and hottest in Korean! Pero walang tatalo sa malalim na tagalog! 'Yong tipong ang kaharap ko eh si Maria Clara!"
"Ang dami mong sinasabi! Ang sabihin mo attractive ka sa mga multi-lingual!"
"Hindi ah! Sa 'yo lang ako attracted!" sagot niya.
Dumating na ang in-order naming pagkain kaya inayos na namin 'to.
"Thank you for the food!" saad ko.
"Let's eat," sagot niya.
We took some photos and eat. Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa counter para bayaran ang kinain namin. Ako na ang nagbayad dahil alam niyang hindi ko na siya pagbabayarin ng pagkain. We had some dessert at the nearby ice cream store. Umupo kami roon sa may umbrella ng store. Hindi pa tuluyang nagdidilim pero malapit nang dumilim.
"Babe, let's go na sa Coastal Walk. Dumidilim na. Sa kotse mo na lang 'yan ubusin," saad niya.
"Okay..." sagot ko.
Pumunta na kami sa parking lot upang makaalis na at magpunta na sa Coastal Walk. Bumalik na naman ang kabang kanina ko naramdaman. Hindi ko alam kung anong mangyayari basta bigla na lang binalot ang puso ko ng pangamba. Hindi ko alam kung anong balak niyang gawin.
Pagkatapos lang ng ilang minute ay nakarating na kami sa Coastal Walk. Pagdating namin doon ay dumiretso kami sa seaside. Dala niya ang kaniyang gitara at kaniyang back-pack. Exact same place where he asked me to be his girlfriend.
"Remember this place?" he asked.
"Of course! This where you asked me!" sagot ko.
"Time check: 5:00pm."
"Yeah. So?" sagot ko.
"That is the exact same time you became my girlfriend..."
"Happy anniversary, Babe!" sagot ko.
Tears fall down his eyes as he heard what I said.
"H-happy anniversary, my love..."
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.
"Don't cry we should be happy!" saad ko.
"How can I be happy when after this I'm going to leave you?" he whispered.
"Ha?" sagot ko. Hindi ko maintindihan ang kaniyang sinasabi.
"Nothing. Upon a lang tayo, I'll sing a song for you," sagot niya.
Naglatag siya ng tela sa buhanginan at doon kami umupo. Nilabas niya ang kaniyang gitara at nagsimulang tumugtog. Tears are falling down his eyes like a faucet that can't be turned off.
"S-saan... dadalhin ang mga salita?
Na isinulat para sa ating dalawa...
Kung lilisan na, tanggap ko naman na
Ika'y bitawan na nang hindi na masaktan pa..."
I felt a lump on my throat and I can't speak. I'm just listening on what he sang.
"Aking sinta, hindi ka na tahanan at mundo...
Sa pagbalik maging masaya ka sa piling niya...
Mundo'y hindi na i-ikaw..."
He's crying while singing the song and I still don't understand why.
"'Wag mag-alala kung h-hindi mo na kaya...
H-halika na s-sumama ka..." he wiped his tears and continue to strum the guitar. "I-ibabalik na kita...
Aking sinta h-hindi ka na tahanan at mundo...
Sa p-pag-alis... s-siya na ang makakapiling mo...
Mundo'y hindi na ikaw..."
Pagkatapos niyang kumanta ay binitawan niya ang gitara at hinapit ako palapit sa kaniya. Hinawi niya ang mga buhok na nakaharang sa aking mukha at tinitigan niya ako na parnag ito na ang pinakahuling beses naming magkakaharap. Inilapit niya ang kaniyang mukha, kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha ang pag-angkin sa aking labi. Pagmamahal at pighati ang aking naramdaman sa kaniyang halik. Pagkatapos niyang angkinin ang aking mga labi ay hinalikan niya ang aking noo.
"W-why do I feel like you're about t-to do something that will break us apart?" I said.
Cause why does he need to sing that song for me when in fact it is a break-up song.
"I already did, Babe... I do..." he answered.
Tiningnan ko siya ng maigi at hinahanap ang kapilyuhan sa kaniyang emosyon ngunit wala akong mahanap. Tanging sakit at kaseryosohan ang sinisigaw ng kaniyang emosyon.
"Remember that we had an argument about why Ken is calling me?" he said.
"Y-yes... Noong inatake ako ng asthma kaya hindi mo na naituloy 'yong sinasabi mo..." I answered.
"This is the truth about it... It was Christmas back then... Mama held a Christmas Party in the hospital. Na-bored ako kaya umakyat ako sa roof top. Nandoon ako para magpahangin. Pagdating ko roon may nakita akong lalaking naka-patient's gown. Hindi pwede ang mga pasyente roon sa disoras ng gabi kaya nagtaka ko bakit siya nandoon and there I saw the miserable figure of Ken. Napabayaan niya ang sarili niya. Malayo siya sa cold guy na nakilala natin no'ng high school. He was on his phone at that time. May kausap siya sa phone. Inoobserbahan ko lang siya and then he went on the end of the roof top. He was about to jump when I called him."
*Flashback*
"Ken!" tawag ko sa kaniya.
Hinila ko siya palayo sa dulo ng grills kaya parehas kaming tumumba.
"Let me go!" he shouted.
"Ano ba?! Sa tingin mo kung tatalon ka riyan babalikan ka niya ha? Sa tingin mo kung mamatay ka ngayon magiging masaya siya?! 'Yong ate mo! Sa tingin mo ba sasaya siya kapag inilibing ka niya ha? Tatalon ka ro'n without thinking 'yong feelings ng mga maiiwan mo!" sigaw ko at binitawan siya.
"What's the sense of living when I don't have her? What's the sense of living when I don't have the chance to be myself? Tell me! Anong saysay ng buhay kung hindi ko naman siya kayang balikan kasi nasaktan ko na siya?! At isa pa why do you have to save me when I don't really want to live? Gusto ko nang matapos ang lahat ng 'to!"
"If you really love her then be better. Be better so that she can have the best version of you. Huwag kang magpakalunod sa lungkot na nararamdaman mo ngayon. Kung mahal mo talaga gawin mo lahat ng makakaya mo para mabalikan siya. Gawin mo lahat ng paraan para maging better ka. Hindi niya deserve ang worst version mo. Kung ako sa 'yo simulan mong pakawalan ang sakit na nararamdaman mo. Hindi ka makakausad kung mananatili ka lang sa nakaraan. Look at her, she's getting better day by day. I hope you also can."
"I have one request for you..." he answered.
"What?" sagot ko.
"I know you love her... Please take care of her and do the things I didn't get the chance to do with her... I really love her and I know you more than any other guy that's why I trust her to you... Don't make her cry like I did and help her reach her dreams. I might loss this battle to myself at least before I go I knew that she was in a good hands..."
*End of Flashback*
Tears are streaming down my face after hearing his story. He did all of this because he really love me.
"That's when I knew he has a genuine love for you, Ems. Kaya kahit masakit para sa akin ay ginawa ko pa rin ang request niya... He also suffered like you, Ems..."
"H-he suffered like me and you suffered because of his love for me...B-bakit? Bakit mas pinili mong saktan ang sarili mo? Para lang sa kapakanan at pagmamahal ng ibang tao?" I asked.
"I want to experience how Emily Savvanah Howards love... I want to bring out the best in you..."
"You did but in the end you lost yourself..." New set of tears fall down my eyes.
"I have a gift for you... T-today i-is our last anniversary and this is my last gift for you..." Inilabas niya ang libro galing sa kaniyang bag. It has a cover of sunset.
"Until Our Next Sunset" that's what the title said.
"Ito na ang pinakahuling librong isusulat ko tungkol sa iyo... Hanggang sa susunod na takip silim... mahal ko," he said.
My heart bleeds like it was stabbed by a scalpel. It hurts to see him cry because of me. Sinisisi ko rin ang sarili ko sa nangyayari sa aming dalawa. I feel like I lost my other half, my bestfriend, my human diary and my ink.
"I really hate Singapore! Hindi na ako babalik dito!" saad ko.
"No! I want you to remember this place as the place where you reached your dreams... I want you to remember this place as a beautiful memory..." he answered.
"I loved you, Vince. The whole duration of our relationship minahal talaga kita. A-ayokong umalis ka ng may iniisip.Iniisip kung minahal ba talaga kita o ginawa lang kitang rebound. Believe it or not minahal kita, Vince. You brought out the best in me. You help me get through the days when I felt like I can't. You saved me in the darkest times of my life... Pero mukhang dito na nagtatapos ang love story natin... I really thank God for meeting someone like you..."
"Thank you, Ems. Thank you for letting me love you. Thank you for being the subject of my literary pieces... I think this will be the last time I'm calling you, Babe kasi baka may magselos. Babe, remember this... romantic relationship lang ang natapos sa atin and not the friendship... Nandito pa rin ako kapag kailangan mo ako... Nandito pa rin ako kapag kailangan mo ng writing buddy, ng co-cover sa shift mo pero mukhang matatagalan pa 'yon..."
"B-bakit?" sagot ko.
"I'm going to enter med-school... Hindi na muna kita masasamahan sa shift mo at hindi na muna kita masasamahan magsulat... Pero makakaasa kang sa susunod nating pagkikita... Neurosurgeon na ako..."
Napangiti naman ako sa aking narinig. He'll pursue his dreams to become a surgeon. Masakit pero alam kong magiging better kaming dalawa sa nangyari na ito.
"I can't wait to call you, Dr. Vincent David Sawyer! Padayon!" sagot ko.
"I can't wait to meet you again, Nurse Emily Savvanah Howards..." sagot niya.
Niyakap niya ako ng mahigpit.
"This is our last sunset, Babe... I'll take you home now..." he said.
Hinatid niya ako sa condo namin. Dumiretso ako sa kwarto ko dahil alam ko sa sarili kong hindi ko kakayaning makitang umalis siya rito. Nahiga na lamang ako sa aking kama at hinayaan ang mga luhang tumulo sa aking mga mata. Ang sakit isiping gigising ako sa umagang wala na ang mga yakap at halik niya. Ang kakulitan niya at ang boses niya. Iniyak ko na lang ang lahat ng sakit na nararamdaman ko at hinihiling na sana bukas wala na ang sakit na nararamdaman ko. Na sana magkaroon ng liwanag ang utak ko bukas at matanggap na wala na ang bestfriend ko.
A/N: Enjoy reading, Bemskies! Pasensya na't mapanakit ang author ni'yo ngayon dahil 'yong talaga ang hinihingi ng plot! Sorry for the late updates! Thank you for reading! Ilang chapters na lang malapit na tayong mag-good bye sa Kely!Sana makarating kayo sa last chapter ng trilogy na ito! Thank you so much!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top