CHAPTER 26: HER MAGICAL NIGHT

Emily's POV

Hindi ko pa nakikitang magalit si Vince, noong isang linggo ko lang siya nakitang ganoon. His eyes is burning and he's about to kill someone if I didn't get his phone away. Abala ako sa pag-impake nang tumunog ang cellphone ko.

Lean calling...

Agad ko itong sinagot.

"Hello?" saad ko.

"Ems! Punta ka nga sa bahay ni Vince mamayang 7 pm. Sunduin kita," sagot niya.

"Bakit naman? 'Di ba nasa Manila ka ngayon dahil training mo? Si Vince hindi ko pa siya kinakausap," sagot ko.

Hanggang ngayon kasi pakiramdam ko ay may hindi siya sinasabi sa akin.

"We started talking back then...It was Christmas... Remember when I went to America to celebrate there?" he started.

Nagbalik na naman sa aking alaala ang kaniyang sinabi kahapon. Isa lang ang sigurado ako. Matagal na silang nag-uusap ni Ken, ang hindi ko lang alam ay bakit at paano?

"Kausapin mo na. Malapit na kami magtayo ng bar dito sa bahay niya," sagot ni Lean.

"Bakit naman?" sagot ko.

"Araw-araw painom ni Mayor!" sagot niya.

"Ay sige. Sunduin mo na lang ako dito sa bahay namin ha? Mag-aayos ako nang mabatas ko si Vince," sagot ko.

Parang isang linggo lang kaming hindi nag-usap nagiinom na naman siya. Alam niya namang ayaw ko na umiinom siya at nagpapakalasing.

"Kita mo? Alak lang pala makakapag-papunta sa 'yo," sagot ni Lean.

"Syempre! Hindi pwedeng siya lang ang umiinom! Dapat ako rin!" sagot ko.

"Sige na. May gagawin pa ako. Sunduin na lang kita mamaya," sagot niya at binaba ang tawag.

Nagpatuloy na ako sa pag-iimpake ng mga gamit ko para sa trip to Singapore namin. Sabi ni Vince ay kasama raw namin sila Sandra kaya lalong masaya kahit na masasampal sila ng pagiging single nila. Isang maliit na maleta lang ang dadalhin ko dahil marami pa akong naiwang mga gamit sa condominium namin doon. Sa condo na lang kami mag-s-stay habang nandoon kami, si Vince naman ay sa condo niya siya mag-s-stay para makatipid dahil sinabihan ko na siyang huwag gumasta ng marami para rito. Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko ay bumaba na ako para maligo. Wala si Mommy at si Tita dahil parehong namalengke kaya ako lang mag-isa sa bahay. Pagkatapos kong maligo ay narinig ko ang pagtunog ng phone ko.

Babe calling...

Agad ko itong sinagot dahil baka mamaya may nangyari na rito.

"Babe, please pick me at our hospital," saad niya.

"Why? What happened?" sagot ko.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko.

"I..." he trailed off.

"You?" pagtutuloy ko sa sinasabi niya.

"I hit my head accidentally because I'm drunk last night," sagot niya.

"Ano?! Babe naman! How many times do I have to tell you that drinking alcohol won't do good?!"

"Puntahan mo na lang ako..." he answered.

"Okay. Saglit lang," sagot ko.

"Bilisan mo ah. I love you..." sagot niya.

"I love you too..." sagot ko at binaba ang tawag.

Napahilamos na lang ako sa aking mukha dahil sa frustration na aking nararamdaman. Tumunog ulit ang phone ko hudyat na may tumatawag ulit.

Engr. Lizardo calling...

"Ano na naman?" bulyaw ko.

"Did you eat the food I sent you?" sagot niya.

"Ken- oh sorry. Engineer, please stop with your jokes. I'm in a bad mood today. 'Wag ka na dumagdag pa," sagot ko.

Hindi ko kinain ang pinadala niyang pagkain dahil ayokong may pag-awayan pa kami ni Vince. Binigay ko na lang ito kay Kreisler at sa mga kapatid niya para hindi masayang. Mukhang mahal pa naman ang fast food chain na pinagbilhan niya.

"Oh, you don't like it?"

"Ken, pagod na ako makipagbangayan sa 'yo."

"Hindi mo naman ako kailangan bulyawan eh. Pwede ka naman makipag-usap ng maayos."

"Tigilan mo na ako. It's been years, Ken. You already have a girlfriend, so please stop bugging me. I'm happy with my life," I coldly answered.

"I won't stop until you're mine again. Bye, Miss Nurse," sagot niya at binaba ang tawag.

"I won't stop until you're mine again. Bye, Miss Nurse,"

Naiwan akong tulala nang matapos ang tawag. Ano ang kaniyang nais iparating? May intensyon pa siyang bumalik sa buhay ko? Kung kailan maayos na ako saka siya magpapakita ulit na parang walang nangyari? Na parang wala siyang nasaktan? Is he joking? It won't work, I promise. Hindi na ulit ako magpapaloko sa mga salita niya. Natuto na ako at ayoko nang mawala ang sarili ko dahil lang sa minahal ko siya. Hindi na ako babalik sa dilim na ang tagal kong tinakasan. Sa lungkot na ang tagal kong nilangoy upang makarating sa pampang. Halos mabaliw ako dahil sa sakit na naramdaman ko nang iwan niya ako sa ere.

Tinanggal ko na lang ang mga iyon sa aking isipan at nagbihis na para puntahan si Vince. Nag-commute na lang ako dahil wala naman kaming ibang sasakyan. Nakasakay agad ako sa tricycle at nagpahatid sa hospital. Hindi naman ito kalayuan sa aming baranggay kaya mabilis lang akong nakarating. Dumiretso ako sa ER dahil alam kong nandoon lang siya.

"Nurse Emily, kanina pa 'yan nangungulit sa amin. Buti na lang dumating ka na," saad ni Ate Claire. She's the supervisor nurse here.

"I'm so sorry po, Miss Claire. Ako na po bahala sa kaniya," sagot ko.

Pinuntahan ko na si Vince sa bed number 4.

"Anong katangahan na naman ang nangyari, Vincent David Sawyer?" saad ko.

"I was so drunk last night and I fell off the bed," sagot niya.

"Sino sa mga pinsan mo ang nagpainom sa 'yo?" sagot ko.

Kung hindi ang mga pinsan niya ang may kagagawan edi siya mismo.

"No one. They all sleep pagkatapos namin," sagot niya.

"So you mean, nagpapakalasing ka sa buong linggo? Kaya hindi ka pumapasok sa trabaho?" tanong ko.

Isang linggo ko siyang hindi nakausap at nakita sa hospital, 'yon pala ay nagpapakalasing dahil hindi kami nag-uusap.

"P-parang g-ganoon na nga?" sagot niya.

Tila nagpanting ang mga tainga ko at umusok ang ilong ko sa narinig.

"Anong pumasok sa isipan mo at nagbulakbol ka sa trabaho?"

"I can't focus okay? Stop with your lecture na babe. Let's go na," sagot niya.

Napailing na lang ako at sumunod sa kaniya sa counter. Tama 'yan magbayad siya ng hospital bills niya. Sayang binabayad ng pasyente nila kung libre lang din siya.

"May dala kang kotse o mag-co-commute tayo?" tanong ko.

"I have one. Nandoon sa parking area," sagot niya.

"Ako na mag-d-drive dahil baka nahihilo ka pa, mabangga tayo," sagot ko.

"Okay..." sagot niya.

Dumiretso na kami sa parking lot at sumakay sa kotse niya. Hindi siya makapang-asar ngayon dahil alam niyang bad trip ako sa kaniya. Tahimik akong nagmamaneho nang tumunog ang cellphone niya.

Celeste calling...

'Yon ang pangalan na nakita ko sa caller's ID. Nag-uusap na naman sila ng ex niya. Ano kayang meron? Are they getting back together? Hopefully they're not getting back to each other. Itatakwil ko talaga si Vince at ang mga pinsan niya kapag nangyari 'yon. Nakita kong pinatay niya lang ang cellphone at nag-focus sa daan.

"Bakit hindi mo sinagot?" tanong ko.

"Ayoko na magdagdag pa ng dahilan para lalo kang magalit sa akin," sagot niya.

"Hindi ako galit sa 'yo. Galit ako roon sa ginawa mo," sagot ko.

"It's just the same. You're mad because of what I did, the doer of the act is me. Therefore you're mad at me," sagot niya.

"You just gave the definition of verb," sagot ko.

"Babe, hanggang sa basic grammars ba naman pagtatalunan natin?" sagot niya.

"Ikaw kaya nagsimula," sagot ko.

Tinawanan niya lang ako ng mapang-asar.

"Nang-aasar ka na ngayon ha," asar kong saad.

"Yes! Bati na kami ni Babe!" masaya niyang sigaw.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka na iinom ng sobra ulit! Hindi kita pinagbabawalan uminom basta kontrolin mo sarili mo. Ang sobra masama at nakakasakit," sagot ko.

"Oo nga eh. Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa 'yo heto ako nasasaktan..."

May ibinulong siyang hindi ko na narinig dahil inabala ko na ang sarili ko sa daan.

"By the way, Babe. Sa bahay niyo pala tayo dumiretso," saad niya.

"Bakit naman? 'Di ba dapat sa bahay mo?" sagot ko.

"Ah eh... May construction kasi sa bahay ngayon. Pinapagawa 'yong CR," sagot niya.

"O-okay..." sagot ko kahit nalilito ako sa sinabi niya.

Dumiretso kami sa bahay naming. Pagdating naming sa tapat namin ay pinagtitinginan na kami ng mga bata at mga tambay. Hindi masyadong tinted ang kotse ni Vince kaya kita kung sino ang nasa loob.

"Babe, get ready for an interview with the Maritess," saad ko.

"Ikaw naman, Babe," sagot niya.

"What? I'm just stating facts. Baba na. Nandiyan naman si Mommy. Ako na bahala sa kotse mo," sagot niya.

"Sige," sagot ko.

Bumaba na siya sa kotse at ako naman ay pinarada ko na ang kotse niya sa tapat ng bahay naming. Bumaba na rin ako nang maayos ko ang parada ng kotse niya.

"Emily, driver ka na pala ngayon," saad ni Penelope. Isa itong echoserang palaka na palaging may say sa mga ginagawa ko.

"Yeah. I'm a high class driver," sagot ko.

"Sana ako rin ipag-drive mo," sagot niya.

"Bili ka munang Lamborghini o kaya BMW saka kita ipagmamaneho," sagot ko at iniwan siyang tulala roon.

Pumasok na ako sa bahay naming. Inabutan ko si Mommy at Vince na mukhang seryosong nag-uusap. Huminto lang sila nang makita akong papasok ng gate.

"Ano nangyari sa ulo ni Vince?" tanong ni Mommy.

"Nako Mi, sa sobrang kalasingan nalaglag sa kama," sagot ko.

"Huwag kasi inom nang inom, Vince," sagot ni Mommy.

"Opo," sagot ni Vince.

"Kung iinom ka isama mo si Emily. Para naman medyo tumaas-taas alcohol tolerance ng babae na 'yan. Aba isang shot pa lang ng Martini lasing na," sagot ni Mommy.

"Mommy talaga! Health is wealth! Kaya ako nag-nursing para mag-alaga ng health ko at health ng ibang tao. Hindi para pabayaan ang sarili ko," sagot ko.

"Hindi naman masama kapag minsan sa isang buwan 'di ba?" sagot niya.

"Hindi nga po pero hindi ko po type 'yong mga ganoong inumin," sagot ko.

"Oh siya sige. Pagpahingahin mo na si Vince sa kwarto mo. Mukhang hilo pa 'to," saad ni mommy.

"Okay po," sagot ko.

Umakyat na kami sa kwarto ko. Humiga naman siya sa kama ko na akala mo kung sinong may-ari ng bahay.

"Bakit ako iniimbita ni Lean sa bahay mo?" tanong ko.

"Ah wala 'yon. Niloloko ka lang no'n," sagot niya.

"Okay..." sagot ko.

Umupo na ako sa thinking chair ko at binuksan ko ang laptop ko para makapagsimula na magsulat.

"What are you going to write?" tanong ni Vince.

"Our collab book. Ilang chapters na lang tapos na tayo roon," sagot ko.

"Yeah. Probably five more chapters," sagot niya.

"Sana maulit 'to, Babe. I really enjoy writing with you," sagot ko.

"Of course. Anytime, Babe," sagot niya.

Night came and Vince said that I need to prepare for some party at their house. So I prepared the best dress I have on hand and the most expensive perfume I have. I wore a purple cocktail dress and a pair of stiletto. I fixed my hair with a wavy style using my hair curler to complete my outfit. Bumaba na ako at inabutan ko silang nagtatawanan sa sala.

"So, how do I look?" I said.

Lumingon sa gawi ko si Vince at napatulala na lang sa akin.

"Nakita mo ba si Emily? 'Yong anak ko," saad ni Mommy.

"I'm here!" sagot ko.

"Ang ganda mo talaga anak. Hindi na nga kita makilala sa sobrang ganda eh," sagot niya.

"Babe! Baka matunaw ako niyan ah!" saad ko.

"Y-you look gorgeous... 'Wag na kaya kita dalhin doon? Baka mamaya mabihag mo ang mga pinsan ko eh," sagot niya.

"I'm someone's property now so why would they bother?" sagot ko.

"Basta... Let's go na. Baka naghihintay na sila roon," sagot niya.

"Babalik ko rin siya by midnight or by tomorrow, Tita," paalam ni Vince.

"Kung bukas pa siya makakabalik edi pagdalhin mo na siya ng damit para naman may pamalit siya bago matulog," sagot ni Mommy.

"I already prepare some na po. May in-organize na after party sila Lean po," sagot ni Vince.

"Oh okay. Sige na't baka hinahanap na kayo roon," sagot niya.

"Salamat po, Tita," sagot ni Vince.

"Ingat ka roon, Emily. Enjoy your night," sagot ni Mommy.

Yumakap ako sa kaniya bago kami lumabas ni Vince . Pinagtitinginan na naman kami ng mga late night Maritess.

"Sigurado mag-mo-motel 'yang dalawa na 'yan," bulong ni Penelope.

"Motels are for cheap and Vince can't afford it," parinig ko.

"Hampas lupa pala 'yang boyfriend mo eh," sagot niya.

"Babe, we're running late. We should go. You're just wasting your English grammars on a person who doesn't even understand what you said," sagot ni Vince.

"Yeah we should go," sagot ko.

Pinagbukas niya na ako ng pintuan ng kaniyang kotse. Umikot lang siya papunta sa driver's seat at mabilis niya nang pinaandar ang kotse paalis.

"Grabe talaga 'yang midnight Maritess ni'yo, Babe," saad ni Vince.

"I know right? Manang-mana sa nanay niya," sagot ko.

"'Wag ka na makipag-english-an sa katulad niya hindi niya naman naiintindihan," sagot niya.

"Yeah nakakapangit lang," sagot ko.

After a few minutes ay nakarating na kami sa bahay nila. Tila walang party dahil nakasara ang mga ilaw. Mukha ngang walang tao sa loob ng bahay dahil sobrang dilim.

"Babe, sure ka bang sa bahay ni'yo 'yong party? Baka may short term amnesia ka at nakalimutan mong sa ibang bahay pala ang party," saad ko.

"Nope," he answered.

"Eh ano? Bakit ang dilim sa bahay mo?" sagot ko.

"It's time," sagot niya at naglabas ng panyo sa kaniyang bulsa.

"W-what are you going to do?" tanong ko.

"Just trust me..." sagot niya at bumaba ng kotse.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at inilagay ang piring sa aking mga mata. Nagtiwala na lang ako sa kaniya dahil alam kong hindi ako ipapahamak nitong lalaki na 'to. Naramdaman ko ang paggalaw ng kotse, papasok na 'ata kami sa loob ng bahay nila. Huminto muli ang kotse, siguro ay nasa loob na kami ng bahay. Narinig ko ang pagtunog ng pinto senyales na bumaba siya ng kotse. Saglit lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa aking tabi.

"Babe, chill. Nandito ka lang sa bahay ko," saad niya.

"B-babe...Kinakabahan ako baka mamaya may palaka ka nang binibigay sa akin ah," sagot ko.

"Don't worry... Wala akong ibibigay sa 'yong ganoon dahil baka mamaya mahimatay ka riyan," sagot niya.

Hinawakan niya na ang aking kamay at ginabayan ako sa paglalakad. Mahigpit akong kumapit sa kaniyang kamay sa kabang maaring matapilok ako o kaya naman ay masubsob dahil hindi ko nakikita ang daan. Narinig ko ang pagbukas ng isang pinto.

"Lean, kayo nang bahala sa kaniya," saad ni Vince.

"Lean?" sagot ko.

"Yes?" sagot ni Lean.

Naramdaman ko ang pagluwag ng kapit sa akin ni Vince. Napanatag naman ang loob ko dahil alam kong narito si Lean. Tinanggal ko na ang aking piring at laking gulat ko nang makitang nasa aking harapan ang tatlong babae kong kaibigan

"Ganda natin, Ems," bati ni Zoe.

"Lalo kang gumanda sa ayos mo," saad ni Sandra.

"Buti na lang may Eros na ako kung hindi, may probability na ligawan kita," saad ni Lean.

"Baka sapakin lang kita kapag nangyari 'yon," sagot ko.

"Bakit kayo nandito? Akala ko ba party ng pamilya ni Vince ang pupuntahan namin?" tanong ko.

"We're here to make your night magical..." sagot ni Sandra.

"Zoe! Kunin mo na 'yong damit niya!" saad ni Lean.

"Upo ka roon sa make up chair, Ems. Bilis!" utos naman ni Sandra.

Tiningnan ko lang sila ng nagtataka dahil hindi pa rin rumerehistro sa aking isipan ang nangyayari. Saka anong magical? Ano bang magaganap ngayon? May hindi ba ako nalalaman?

"Wait...Why?" sagot ko.

"Upo ka na lang. Pagagalitan kami ni Vince," sagot niya.

Pagbalik ni Zoe ay may dala na siyang purple ball gown.

"Ano 'yan!?" saad ko.

"Just wear it. Go, go, go!" sagot ni Lean at pinagtulakan ako sa banyo. Isinunod niya sa akin ang gown. Nilabas ko ang phone ko at tinawagan si Vince.

"Babe, ano 'to?" tanong ko nang sagutin niya ang tawag.

"Just wear it. Trust the girls," sagot niya at binaba ang tawag.

Wala akong nagawa kundi nag suotin ang gown. Para saan naman kaya 'to? Pagkatapos kong maisuot ay lumabas na ako ng banyo. Tinulungan ako ni Zoe na ayusin ang zipper nito.

"Ga-Ems! Ang ganda mo! Para kang prinsesa!" saad ni Sandra.

"Hey shawty!" saad ni Lean.

"Dalhin na kaya natin siya sa baba? Hindi na niyan kailangan ng make up oh!" saad ni Zoe.

"Hindi! Lagyan natin ng light make up si Mayora! Magagalit si Mayor!" sagot ni Lean.

"Magagalit talaga dahil lalo mong pinagaganda. Kilala mo naman 'yang pinsan mo. Napaka-possesive," sagot ni Sandra.

"Light lang naman! 'Wag na siyang maginarte! Upo ka na bilis, Ems!" sagot ni Lean.

Umupo naman ako sa make up chair. Iba-ibang uri ng make up ang nasa harap ng vanity table. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin na malaki. Nakita ko na lang na may tumutulong luha sa aking mata. Napayuko ako dahil nakikita ko ang sarili ko noong teenage ball namin noong high school. That was the first time I held him close and that was the first time my heart was broken because of him.

"E-ems, bakit? Hindi mo ba nagustuhan 'yong gown?" saad ni Lean.

"H-hindi... M-may sumagi lang sa isipan ko." Ginamit ko ang aking mga kamay upang palisin ang luhang tumulo galing sa aking mga mata.

"Oh siya. Punasan ko na 'yang mukha mo para masimulan na kitang ayusan," sagot niya.

Tumango naman ako sa kaniya. Nagsimula na siya sa pag-aayos sa aking mukha. Nang matapos ay ibinalik niya ang piring sa aking mata.

"Adik kayong magpinsan sa piring," saad ko.

"Syempre!" sagot niya.

Alam kong palapit na kami sa hagdan dahil dalawa na silang nakaalalay sa akin. Nakarating na kami sa dulo ng hagdan nang tanggalin ni Lean ang aking piring. Nanlaki ang aking mga mata sa nakikita. Puno ng pictures namin ni Vince ang sala. Simula highschool kami hanggang sa mga random photos namin ay narito lahat. Sa dulo ay may nakalagay na lobong nakasaad ay "Advance Happy 4th Anniversary, My Author!"

"Akala ko ba lasing 'yang si Vince buong isang linggo kaya hindi pumapasok?" saad ko.

"I'm good at plot twists, Amore," sagot ni Vince na kapapasok lang sa sala. He's dressed up in a tuxedo. Para siyang prinsipe nanggaling sa kaniyang palasyo.

"Kayo gumawa nito?" tanong ko.

"Yeah. Nalagasan ako ng eight thousand dahil sa mga 'yan. One thousand per day ang wage! Daig pa mga normal na nagtatrabaho!" sagot niya.

Napangiti naman ako at tumakbo palapit sa kaniya para yumakap. Muntik pa akong matapilok, mabuti na lang malapit ako sa kaniya. Tears fell down my eyes because of happiness. He's so sweet to do this.

"Hindi pa natin anniversary pero may surprises ka na. Samantalang ako wala pa rin naihanda para sa 'yo," saad ko.

"It's fine... Uy, 'wag kang umiyak..." sagot niya.

"Hindi ako umiiyak," sagot ko.

"Babe, I have another surprise for you," sagot niya.

Hinila niya ako papunta sa garden nila. Lalo akong nagulat nang makitang may nakakalat pa ring mga picture namin sa paligid nito at sa gitna ay may dinner for two. Inalalayan niya akong maglakad papunta roon sa dining table. Pinaghila niya ako ng upuan at saka pinaupo. Umupo na rin siya sa isang upuan sa aking harapan.

Pagkatapos ng ilang saglit ay pumasok sina Kuya Liam at June na nakasuot ng parang waiter at may mga dala pang tray. Inilapag nila ito sa harapan namin.

"Enjoy your date, Ma'am and Sir," saad ni Kuya Liam.

"Thanks!" sagot ko.

Umalis na silang dalawa sa aming harapan. Tinanggal ko ang takip ng plate na nasa aking harapan. Fettuccine Alfredo and garlic bread, my favorite Italian pasta dish.

"Guess who cooked it..." he said.

"Hindi na ako magtataka kung ikaw. Kasi kung ito nga nagawa mo pagluluto pa kaya ng dinner natin?" sagot ko.

"Yeah. Trial and error pero sa huling subok ko tumama na."

"Sobrang ma-effort mo naman, Babe!"

" Of course. Let's eat. This will be your most magical night, you'll ever experience..."

Nagsimula na kaming kumain. Lahat ng inihain sa amin ay mga paborito ko. Hanggang sa dessert ay puro paborito ko. Pagkatapos naming kumain ay hinila niya naman ako sa kabilang dulo ng kanilang garden. May mini-stage naman rito, sa ibabaw ng mini-stage ay guitar at microphone. Puno ng fairy lights ang paligid na siyang nagpaliwanag sa paligid.

"Babe, watch this..." he said and went to the mini stage.

He started to strum a familiar song in my ears.

"Do you remember
When we were young you were always with your friends
Wanted to grab your hands and run away from them
I knew that it was time to tell you how I feel,"

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita siyang kumakanta at nagigitara. He's really a talented human being. Nasa kaniya na ang lahat ng hinahanap ng isang babae sa kanilang partners.

Pagkatapos niyang kumanta ay nagtuloy-tuloy ang minus one ng kanta. Bumaba na siya sa mini-stage at lumapit sa akin.

"Can I dance with you, Miss Emily Savvanah Howards?" he said.

"Of course Mister Vincent David Sawyer," sagot ko.

Tumayo na kami at sumayaw sa malumanay na musika. The light of the moon and the cold breeze make it more romantic. This what I love about him, he loves surprises that will make a tattoo in your head.

"Advance happy fourth anniversary, Babe..." he whispered.

"Happy fourth anniversary, Mister Author," sagot ko.

"I love you so much..."

"I love you too..." sagot ko.

"Babe, always remember that I love you so much. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang umabot tayo rito. Sa apat na taon nating pagsasama ang dami kong natutuhan. Lalo na sa buhay at pagsusulat. You made me do the things I usually don't do. I'm so thankful so have you in my life. Your love will always be the ink of my pen," he said.

"Thank you for accepting my flaws, imperfections and thank you kasi kahit mahirap akong mahalin pinili mo pa rin na mahalin ako. Pinili mong mag-take ng risk para sa relasyon natin. Thank you for loving me unconditionally.You're the one who inspires me in life. I love you so much, Babe. I'll always be the paper beside your pen," sagot ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit na tila ito na ang huling araw na ako'y kaniyang yayakapin. Nakita ko ang mabilis na pagtaas at pagbaba ng kaniyang balikat senyales na siya'y umiiyak. Ibinaon niya ang kaniyang mukha sa aking leeg.

This is the first time I saw him cry. I know he's the romantic, funny type of guy and crying isn't his cup of tea but I know he's also fighting his silent battles. He fought for too long now and I think he's tired. He's tired of fighting alone.

"Are you tired?" I asked.

"No, I'm not and I won't get tired just to see you smile," sagot niya.

"Don't cry na. Halika na sa loob. Nilalamig na ako," sagot ko.

"I'm so sorry nakalimutan ko. Let's go na," sagot niya.

May mga nakahaing pagkain din sa loob upang pagsaluhan naming lahat.

"Tapos na ang date ng dalawa! Makakain na tayo!" saad ni Jay.

"Ikaw talaga, Jay! Puro pagkain nasa isip mo! Mahiya ka naman kay Emily!" saway ni June.

"Pasensiya ka na, Ems. Ganiyan talaga ang mga 'yan," sagot ni Lean.

"Sus, sa tagal ba naman nating magkakasama lahat, nasanay na ko riyan kay June," sagot ko.

"Wala kaming pinsan na patay gutom, please lang!" saad ni Nathan.

Tiningnan siya ng masama ni Zoe kaya automatic na nanahimik ang kaniyang bibig.

"Excuse me! I'm not patay gutom! I'm just hungry!" sagot ni June.

"Manahimik ka na, June," saad ni Kuya Liam.

"Akala ko ba mga gutom na kayo? Bakit hindi pa kayo nagsisimulang kumain?" saad ni Vince.

"Nakakahiya naman sa inyo eh," sagot ni June.

"May hiya ka pa pala," saad ni Sandra.

"Yes, Miss Doctora!" mapang-asar na sagot ni June.

"Tigilan niyo na nga si Sandra!" saway ni Vince.

"Let's eat na! Ang dami niyo pang dakdak!" saad ni Lean.

Nagsimula na kaming kumain lahat at nang matapos ay nagkayayaang manuod ng movie sa movie room nila Vince.

"Magbihis ka na muna, Ems. Bago ka magpunta sa movie room," saad ni Vince.

"Paano ako magbibihis wala naman akong damit?" sagot ko.

"Doon, kumuha ka sa kwarto ko," sagot niya.

"Okay," sagot ko.

Sinamahan ako ni Lean sa kaniyang kwarto. Pagkatapos kong magbihis ay nagpunta na kami sa movie room.

That truly is the most magical night of my life. He made that day memorable for me. I was the happiest girl on earth when I experienced that. Today is the day we've all been waiting for. Flight na naming papuntang Singapore.

"Ems!!!" saad ni Sandra.

"Excited ka?" sagot ko.

"Oo! Buti na lang napakiusapan ni Vince 'yong school!" sagot niya.

"Magaling 'yang mambraso," sagot ko.

Pagdating nila Lean palapit sa amin ay mukha silang parehong naluging bakla. Maging si Zoe ay ganoon din.

"Ano nangyari? Hindi ba masarap 'yong Starbucks kaya ganiyan ang mga mukha ninyo?" saad ko.

Nagpabili ako sa mga 'to ng Starbucks eh. Inabot sa akin ni Vince ang kape ko. Hinawakan niya ang aking kamay at naglakad na papunta sa gate. Nagsalpak ng earphones si Zoe pati na rin si Lean. They're acting strange and I think something is up... Tinawag na ng flight number namin kaya pumasok na kami sa eroplano.



A/N: I'm sorry for the late updates my skies. Hectic talaga ang aking sched at sobrang daming modules na ginagawa. Thank you for your support and for waiting my updates. Enjoy reading! ILYSM!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top