CHAPTER 25: TEARS
Vince’s POV
It’s been a week since I got out of the hospital. Emily has a duty today. Day-off ko naman kaya ngayon ko naisipang ayusin lahat ng kailangan ayusin bago ang flight namin. Hinihintay ko na si Lean dahil pupunta kaming Manila para pick up-in ang librong pina-publish ko. Isa lang ang kopya na ito at hindi ko na ito pinasabi kay Emily dahil gusto kong surpresahin siya. Naubos ko na ang milktea ko hindi pa rin dumadating si Lean. Nakita ko na ang pagpasok niya sa loob ng milktea shop.
"Finally! Ang tagal ah! Maiipit na tayo sa traffic sa EDSA!" saad ko.
"I'm sorry ah! Nakalimutan ko kasi eh!" she sarcastically replied.
"Tara na! May gusto ka ba?" sagot ko.
"Wala. Siya lang gusto ko," sagot niya.
Sinaktan na siya ng lalaki na 'yon tapos may lakas pa rin siya ng loob makipag-usap sa akin tungkol doon.
"You're still into him after what happened? I can't believe you! Apaka tanga mo naman!" sagot ko.
"Mas tanga ka! Gusto mo pamukha ko sa 'yo gaano ka katanga?" sagot niya.
"Tara na. Daldal!" sagot ko at nauna na lumabas na ng store.
Pinagbuksan ko siya ng pinto. Agad naman siyang pumasok. Mabilis kong pinaandar ang kotse paalis sa store.
"Bakit ba tayo pupunta sa Bluemoon?" tanong niya.
"I have some errands there," sagot ko.
"Errands? May upcoming book ka na naman?" sagot niya.
"Yeah. Pero hindi for commercial. Just a personal copy."
Tumango lang siya at naging abala na sa cellphone niya. Ibinalik ko ang atensyon ko sa daan. Sabi ko na nga bang mahaharang kami ng traffic dahil sa kabagalan ng pinsan ko na 'to.
"Vince, what are your plans for your anniversary?" she asked.
"Nothing special," sagot ko.
"You're the romantic type of guy tapos, nothing special? Baka sapakin kita kapag nalaman kong nagrenta ka pa ng buong isla para lang i-celebrate anniversary ni'yo!" sagot niya.
"Fine! I'll give her a book. I wrote it myself!" sagot ko.
"Matanong kita, have you ever thought of giving up in the relationship you and she have?" she asked.
"Yeah. Many times. Loving her is always tiring but I choosed to fight despite the tiredness I'm feeling." Binalik ko ang tingin sa daan. Hanggang ngayon ay nasa gitna kami ng mahabang pila ng sasakyan.
"Kung pagod ka na, bakit hindi ka pa sumuko?" she asked.
That's the question I keep asking myself. Ilang beses akong napagod. Ilang beses ko siyang sinubukang sukuan pero sa huli mas pinili ko pa rin kung ano 'yong mas masakit.
"Bakit ko naman isusuko ang matagal kong hinintay?" sagot ko.
"Isa kang malaking tanga! Ang tali-talino mong tao tapos pagdating kay Emily natatanga ka! Hindi mo ba nakikita, Vince? Hindi na siya sigurado sa 'yo!" she shouted.
Calm your nerves down, Vince. She's your cousin...
"Alam kong hindi na siya sigurado sa amin. Alam ko 'yon! Ramdam ko! Hindi ako manhid para hindi 'yon maramdaman. I just want to go on this day peacefully, Lean. Huwag mo ako idamay sa ka-bad trip-an mo kay Eros at sa relasyon ni'yo!" sagot ko.
I can't help but to shout back at her. I've been thinking it every night I sleep and here she is reminding me of it. Natahimik kaming dalawa pagkatapos ng pagtatalo namin. Hindi ko inaasahang makikipagsagutan siya sa akin. Alam ko namang may pinagdadaanan siya at ako rin naman pero pinipilit kong hindi sila maapektuhan no'n. Ayoko nang makadagdag ng stress sa kaniya.
"Good morning, Sir Vince!" bati ng receptionist.
"Good morning! I'm here to pick up the book I asked to be printed," sagot ko.
"Deretso ka na lang po kay Miss Nica! Nasa office niya na raw po 'yong book," sagot niya.
"Thanks! Have a nice day!" sagot ko.
"Have a nice day to you too, Sir!" sagot niya.
Katulad ng sinabi niya ay dumiretso na ako sa opisina ni Miss Nica.
"Vince!" bati niya.
"Long time no see, Miss Nica!" sagot ko.
"By the way here's your book. This is just a personal copy, right?" sagot niya.
"Yeah! It's for Ems," I proudly said.
"Oh? You're so romantic... Rare na ang katulad mong mag-e-effort for her girlfriend ah!" sagot niya.
"Our anniversary is coming and this is my gift for her." I said while proudly looking at the book I'm holding.
"Advance happy anniversary for the both of you!" sagot niya.
"Thank you po! I better go! I need to buy her some goods!" paalam ko.
"Ingat!" sagot niya.
Lumabas na ako sa office niya at bumalik sa kotse. Nakita ko si Lean na abala sa cellphone niya at pangiti-ngiti pa siya. Napabuntong hininga na lang ako dahil halata naman sa kaniya kung sino ang kinakausap niya. Sumakay na lang ako at inilagay sa bag ko ang libro. Nagmaneho na ako paalis ng parking lot.
"Saan mo gusto magpunta?" tanong ko.
"Mall of Asia?" sagot niya.
"Okay," sagot ko.
Magpapalamig 'to ng ulo kaya nag-aya sa MOA. May sea side roon kaya it's a perfect place to cool our heads off. We head to MOA. Mabilis lang kaming nakarating doon dahil wala gaanong traffic. Dumiretso kami sa National Bookstore para bumili ng pang-decor. I'm planning to surprise Emily for a dinner tomorrow. Exactly a week before our anniversary. Pagluluto ko siya ng favorite niyang carbonarra.
"Hoy!" tawag ni Lean.
"What?" sagot ko.
"Sorry na..." she said.
"Mukhang hindi ka seryoso sa sorry mo na 'yan ah!" sagot ko.
She looked at me in the eyes and said, "Seryoso."
"Hindi ko ramdam eh." Iniwan ko siyang nakatayo roon.
"Hoy! Napaka-pangit talaga ng ugali mo!" sagot niya.
"Whatever!" sigaw ko.
Pinagtitinginan kami ng mga tao. May ilan pang kilig na kilig sa bangayan naming magpinsan.
"Kuya! Bagay kayo!" saad ng babaeng nakasalubong ko.
"Ate, pasensya ka na. Pinsan ko 'yon!" sagot ko.
Tinignan niya ako ng hindi makapaniwala. Iniwan ko na lang siya na nakatingin sa akin. Pumasok na ako sa National Bookstore. I got some balloons and a lot of pens. Alam kong mahal na mahal niya ang mga ballpen kaya ibibili ko na siya. I got her some different points of Fine Tech and G-tech pens and some high lighters with different colors and design. I alsp bought some notebooks to match with the pens.
"Vince! Napaka-dami niyan!" saad ni Lean.
Hindi ko namalayang nakasunod na siya sa akin.
"Why?" sagot ko.
"Sobra, Vince. Hindi magagamit ni Ems ang isang damakmak na high lighters kasi hindi na kayo college para gumamit niyan!"
"It's for editing our books!" I retorted.
"Bawasan mo kung ayaw mo tanggalin. Iwan mo 'yong talagang useful sa kaniya!"
Ibinalik ko sa lagayan ang ibang high lighter pagkatapos ay binayaran ko na lahat. Lumabas na kami ng National Bookstore.
"Napagkamalan pa tayong magjowa!" saad ko.
"Yuck! I'd rather be called like a weird pathetic lady than to be called your girlfriend!" sagot niya.
Pumunta na kami sa MOA by the bay. Sakto naman dahil sunset is about to come. Ang daming taong nagkukumpulan sa sea side. May magkasintahan, may pamilya at may ilang mga teenagaer na nagawi rito.
"Iwan muna kita riyan. May bibilhin lang ako," paalam ko.
"Saan ka na naman pupunta?" sagot niya.
"Bibili ko ng pagkain. Street food!" sagot ko.
Iniwan ko sa kaniya lahat ng pinamili ko kanina sa mall. Alam ko na ang paborito niyang street food kaya binili ko na ito at bumili rin ako ng akin. Bumalik na ako sa pwesto namin pagkatapos kong bilhin ang mga kailangan ko. Nang makabalik ako ay inabot ko sa kaniya ang binili kong pagkain.
"You really know my comfort food," saad niya.
"Peace offering ko 'yan. Alam kong napalungkot kita kanina kasi nasigawan kita," sagot ko.
"I understand. You're going through a lot with Ems and stupid of me to ask that question to you." Nagsimula na siyang kumain ng sorbetes na binili ko.
Tumingin na lamang ako sa malawak na karagatan. Ang ganda nitong pagmasdan tila wala nang katapusan. Napakalawak at kumikinang kaakit-akit na titigan. Kasabay ng paglubog ng araw kasama ang pinsan kong katulad ko'y may pinagdadaanan din.
"Alam mo, ang tanga natin..." saad niya. Napalingon ako sa kaniyang gawi nang marinih ko iyon.
"Oo nga eh. Pareho tayong nagmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba," sagot ko.
"I guess nasa dugo na natin ang pagiging tanga. Tignan mo naman. Parehas tayong achiever noong nag-aaral pa tayo pero tignan mo ngayon, kaniya-kaniyang deal sa heart break."
"Well I guess love can make us dumb..."
"Yeah! So fucking dumb!" she shouted.
"Hindi pa ako ready," saad ko.
"Saan?" sagot niya.
"Hindi pa ako handang iwan siya..." Iniwas ko ang aking tingin sa kaniya at ibinaling ito sa paligid. Malapit na ang araw na pinakakinatatakutan ko. Ayokong makita na naman siyang umiiyak. I don't want her to break our relationship so I'm going to do it myself. I'm willing to do it just for the sake of her happiness. Alam ko namang si Ken ang magpapasaya sa kaniya. Ayoko nang pahirapan pa siya.
Natahimik na lang siya at kinain ang ice cream niya. Binuksan ko na lang ang phone ko at tinawagan si Ems para kumustahin.
"Hello? Nurse Emily speaking," saad niya sa pagod na boses.
"Babe, lutang ka na naman," sagot ko. Siguro ay katatapos niya lang mag-duty at ilang oras na siyang nakikipag-usap sa mga doctor.
"Babe! Pasensya na ang dami ko kasing pasyente," sagot niya.
"How's work? Nakauwi ka na ba?"
"Okay naman. Nasa bahay na ako, tinatamad ako magsulat."
"Edi huwag! Mag-rest ka na lang muna."
"Yup! Antok na antok na nga ako eh."
"Matulog ka na," sagot ko.
"Ayaw ko pa. Hindi pa tayo nakakapag-usap ng matagal," sagot niya.
"Babe, tulog na. Alam kong napagod ka sa duty. Daanan na lang kita d'yan?"
"Dito ka na lang matulog tonight. I can't sleep peacefully this past few days eh."
"Sige. Magpaalam ka muna kay Tita ha," sagot ko.
"Okay. By the way, where are you? Hindi ko nakita anino mo sa hospital," sagot niya.
"I'm with Lean. Nasa Manila kami."
"Manila? Anong ginagawa ni'yo riyan?" sagot niya.
"I just ran some errands here. 'Yong mga kailangan natin sa Singapore and our plane ticket inayos ko na rin," pagsisinungaling ko. Lying is the only way I can do to make her stay for a long time.
"Umuwi ka na. Baka ma-traffic pa kayo," sagot niya.
"Opo. May bibilhin pa kami saglit bago kami umuwi. Matulog ka muna magpagising ka na lang kay Tita kapag dinner na," sagot ko.
"Yeah. Bye!" sagot niya.
"Bye!" sagot ko at binaba na ang tawag.
"Ano? Pinauuwi ka na?" mapang-asar na saad ni Lean.
"Oo. Ayoko pa nga umuwi eh," sagot ko.
"Bakit?"
"It makes me realize that my time with her is almost over," sagot ko.
"Mabuti pa, umuwi na tayo! Para makasama mo na si Ems! Alam ko namang miss mo na siya!" masigla niyang sagot.
Inayos ko na ang mga bitbitin namin. Siya naman ay nilikom ang lahat ng kalat namin at naghanap ng malapit na basurahan para itapon ang mga kalat namin. Kinuha niya ang iba kong bitbit upang siya na ang magdala.
"Dumaan muna tayong Krispy Kreme. Alam ko namang na-mi-miss na 'yon ni Ems," saad ko.
"Okay. Meron 'ata sa loob eh," sagot niya.
Tumango ako at nauna na sa kaniyang maglakad. Sumunod naman siya sa akin agad-agad. Hindi naman malayo sa sea side 'yong stall. Pagkatapos namin bumili ng donuts ay dumiretso na kami sa parking lot para makauwi na. Nilagay ko 'yong mga pang-decor sa back seat at ang donuts ay pinakandong ko kay Lean. I was about to drive when my phone rings.
Celeste calling...
"Oh 'yong kabit mo baka manghihingi ng sustento," saad ni Lean.
Sinagot ko na lang ito.
"Vince, Mama is asking when can you come here?" saad ni Celestine.
"Never," sagot ko at binaba ang tawag.
"Kapal ng mukha ng ex mo Vincent!" saad ni Lean.
"I know! Let's just go," sagot ko at pinaandar na ang kotse.
Buti na lang at walang traffic mabilis lang kaming nakauwi sa Bulacan. Sumaglit kami sa bahay namin para makakuha ako ng damit at siya naman ay maibaba ang mga bitbit namin.
"The boys will come tonight. Huwag mong iimbitahin dito si Eros at patay siya sa kanila. Alam mo naman ugali nila lalo na ni Liam," saad ko.
"Yeah, yeah. I know. Just chill with Ems. Take your time with her. Kami nang bahala nila Nathan dito. We'll transform this house into a magical palace," sagot niya.
"Hoy! Nagkakatuwaan na naman kayong dalawa! Sali ni'yo naman kami!" umalingawngaw sa paligid ang boses ni Nathan.
"Manahimik kang cheater ka! Akala mo nakalimutan ko na pangloloko mo sa kaibigan namin ah!" saad ni Lean.
"Bro! You're a cheater pala!" asar ni Jay.
"Bro! How many times do I have to tell you that I didn't touch the girl?! Ni hindi ko nga alam paano siya nakarating sa hotel room ko!" saad ni Natha.
"Ano, Vince? Tawa ka na lang diyan? Hinihintay ka ni Emily!" saad ni Lean.
"Ay oo nga! Kukuha nga pala ko ng damit ko! Ang daldal ni'yo kasi eh!" sagot ko. Umakyat na ako sa kwarto ko at inihanda ang duffle bag ko. Tinanggal ko na sa back-pack ko ang book na ka-pri-print lang. Sinama ko ito sa book shelf ko. Pagkatapos kong ayusin ang mga ito ay pumunta na ako sa walk in closet ko para kumuha ng mga damit. Nagdala na rin ako ng hoodie ko para ibigay kay Ems. I always pack a hoodie on my bag for her to use it whenever she's tired from work when she smell my scent I think it relieves her stress.
Lumabas na ako bitbit ang duffle bag ko. Pagbaba ko ay nakita ko silang kinakain 'yong isang box ng Krispy Kreme. Napaka-patay gutom talaga ng mga ito.
"Kay Ems 'yan! Bakit ni'yo kinain?" saad ko.
"Kay Emily 'yan!?" saad ni Jay.
"Oo! Brinaso ni'yo na naman si Lean!" sagot ko.
"Pasensya, bro!" saad ni June.
"Malapit na kayong bumingo sa akin! Napakapatay gutom ni'yo! Magpadeliver kayo ng inyo!" sagot ko.
"I'm sorry, bro! I thought pasalubong mo sa amin 'yan! Hindi rin naman kami nakakain ng mga ganiyan kasi bantay sarado kami ng mga bwisit na manager!" sagot ni Nathan.
"Buti na lang three boxes binili ko! At naabutan ko pa 'yong dalawang box! Magpa-deliver na lang kayo! Lean! Akin na 'yong dalawang box!" tawag ko kay Lean na nasa kusina.
"Nasa ref!" sagot niya.
Pumunta na ako sa ref para kuhanin ang donut at uminom ng tubig.
"Kayo nang bahala sa gagawin dito sa bahay. Lean will pick up our other friends para makatulong sa inyo! Nathan, 'wag puro landi! Umayos ka!" saad ko.
"Yes, boss! Enjoy your day with Mareng Emily!" sagot niya.
"Baka mamaya malaman-laman kong nakikipaglandian ka kay Zoe!" sagot ko.
"Sige na, Vince! Baka hinihintay ka na ni Emily. Ako nang bahala magdisiplina sa kapatid ko," saad ni Liam.
"Mauna na ako sa inyo," paalam ko.
Lumabas na ako at nagmaneho na paalis ng bahay. Saglit lang ay nakarating na ako kila Ems. Napansin ko ang malungkot na aura ni Tita Edna. Agad akong lumapit sa kaniya upang alamin kung bakit siya malungkot.
"Tita! Good afternoon!" bati ko.
"Vince!" tila nagulat pa siya nang marinig ang boses ko.
"Bakit po mukhang malungkot kayo?" tanong ko.
"Ken has intentions to come back to Emily's life... He talked to us last week..." she answered.
Tila pinagbagsakan ako ng langit at lupa nang marinig ito. Hindi ko inisip na ganito siya kabilis kikilos.
"Huwag po kayo mag-alala! Ilalaban ko kung anong meron kami ni Ems. She had enough of being with him pero si Ems pa rin po ang magdedesisyon," sagot ko.
"Naiintindihan kita. Sige na puntahan mo na siya. Natutulog pa 'ata," sagot niya.
"Sige po," sagot ko.
Pagbukas ko ng pintuan ng kaniyang kwarto ay nakita ko siyang tulog na tulog sa kama. Inilapag ko ang box ng donuts sa study table niya at umupo sa paanan niya. Halatang pagod siya galing duty dahil hindi niya na nagawang magbihis pa.
Pinagmasdan ko ang kaniyang mukhang payapang natutulog. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya makikitang ganito. Sinusulit ko na ang mga natitirang panahon kasama siya.
"I know that you're already confused. Konting araw na lang, Emily. Konting araw na lang at ibabalik na kita sa kaniya," bulong ko at hinalikan ang noo niya. Hindi ko malayang may tumulong likido mula sa aking mata. Agad ko itong pinunasan at tumabi ng higa sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit at doon hinayaan ko ang sarili kong pakawalan ang mga luhang ang tagal ko nang pinipigilan.
Ilang oras ang lumipas ay hindi ko namalayang nakatulog ako sa tabi niya. Naramdaman ko na lang na may humalik sa pisngi ko kaya ako nagising.
"Good morning, Babe!" bati ni Ems.
"Good morning," sagot ko.
"Dinner na tayo!" sagot niya.
"May donut sa study table mo. Hindi na kita ginising kanina kaya sinamahan na lang kita matulog."
"Actually kanina pa ako gising pero ayaw mo ako pakawalan kaya hinintay na lang kita magising," she said.
Tumayo na ako sa kama para bigyang daan siya. Bumaba na siya sa kama at nilantakan ang donut.
"You really know my favorite!" she said.
My eyes roam around the room and I noticed a bouquet of red roses. Hindi ko ito napansin kanina dahil abala ko sa pagtingin sa kaniya.
"Babe, don't tell me na galing 'yan sa readers mo cause it's red," I said.
Nawala ang kaniyang ngiti nang madako ang tingin niya sa bulaklak.
"Ah wala 'yan. Just someone who's good at ruining my day," sagot niya.
Nilapitan ko ito at tiningnan ang card na nakadikit dito.
Have a nice day, my gorgeous nurse! -K
Jealousy and madness struck my system.
"Wow! Bigatin manliligaw mo ah! Hindi siya aware na may boyfriend ka na," I sarcastically said. Alam ko naman kung kanino galing 'to eh. Hindi niya na kailangan magsinungaling.
"Hayaan mo if you want I'll dispose it easily right here right now," sagot niya.
"No! I don't want you to be rude to that someone who gave you that," sagot ko.
"Baba na lang tayo at i-share natin 'to sa kanila," sagot niya. Binitbit niya na ang box ng donuts at bumaba na. Binuksan ko ang phone ko at hinanap ang number ni Ken.
Me:
Bilis mo, lods! Kalmahan mo! Tatamaan ka sa akin kapag umiyak na naman si Ems dahil sa 'yo!
K:
Kalma. Wala akong ginagawa sa kaniya. I just sent some flowers.
Me:
Patahimikin mo na muna utak niya!
K:
No.
Me:
Pahihirapan kitang siraulo ka. Kala mo!
Bumaba na ako at sumunod kay Emily. Nakita ko siyang nakikipag-usap sa isang matanda. Si Tita naman ay pinanunuod lang sila.
"Tita, kumain na po ba kayo?" tanong ko.
"Nauna na akong kumain. Sabayan mo na lang si Emily," sagot niya.
"Okay po," sagot ko.
Nang lalapit na ako kay Ems ay bigla namang tumunog ang phone ko.
K calling...
What the heck? Bakit na naman 'to tumatawag? Nagpaalam ako kay Tita na sasagutin ko lang ang tawag pati kay Ems. Nabg makalayo na ako sa kanila ay agad kong sinagot ang tawag.
"Ano na naman, Ken?" bungad ko.
"Nagustuhan mo ba 'yong regalo ko sa girlfriend mo?" mapang-asar niyang sagot.
Napakuyom ang kamao ko sa narinig. Bumilis ang paghinga ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko.
"Ken! Tigilan mo muna si Ems! Let her think about her situation! Huwag mo guluhin!" sigaw ko. Napalingon na sa akin ang ibang mga dumadaan. Agad namang lumapit si Ems sa akin at inagaw ang phone. Pinatay niya na ang call.
"Vince, let's talk..." malamig niyang saad.
Hinila niya na ako papasok sa bahay nila.
"Since when?" she asked.
Natahimik ako sa narinig. Napalulon na lang ako at tila hindi makapagsalita.
"Ano? Kailan ka pa nakikipag-usap sa kaniya? Kailan mo pa ako niloloko?" tanong niya pa.
Tuluyan na talaga kong hindi nakapagsalita. Ito ang mga tanong na hindi ko napaghandaan na sagutin.
"Ano? Vince!" she shouted. Tears are streaming down her eyes.
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mukhang maaga kaming matatapos ni Ems. Sinubukan ko siyang yakapin ngunit umiwas siya sa akin. Papasok sana si Kreisler ngunit nauna na ang sigaw ni Ems.
"Kreisler, labas!" sigaw ni Emily.
"Walang papasok! Hindi pa kami tapos mag-usap ni Vince!" sigaw niya na umalingawngaw sa loob ng sala.
"Vince! Magsalita ka naman! Bakit kayo naguusap ni Ken? Ha!?" she said.
"Babe, you don't need to shout. Calm down..." sagot ko.
"I hate lies and secrets, Vince! Ano bang gusto mo? Tapusin na natin 'to o sasabihin mo ngayon din kung bakit kayo nag-uusap ni Ken?"
"No... I'll explain everything to you... Relax... I want to fix this. Please..." I begged.
"Start now. Sabi ko na may mali eh! Hindi mo naman kasi haharapin si Ken ng matino eh!"
"We started talking back then... It was Christmas... Remember when I went to America to celebrate there?" I started.
Umupo naman siya sa sofa nila at nakita ko ang unti-unting pagbilis ng hininga niya na tila ito'y hinahabol niya.
"Ems!" I said and went near her.
"I c-can't breathe..." she said. She held my hand tightly.
Agad kong hinanap ang inhaler na nakalagay sa lamp stand nila. Inabot ko sa kaniya ito.
"Kreisler!" tawag ko.
"Bakit, Kuya Vince?" saad ni Kreisler.
"Pumunta ka sa taas sa kwarto ng Ate mo. Kuhanin mo 'yong pam-BP!" sagot ko.
Mabilis niya namang ginawa ang inutos ko. Mabilis din siyang nakababa dala ang mga ito. Pinahiga ko si Emily sa sofa at kinuha ang blood pressure niya.
60/90
Napahilamos ako sa aking mukha.
"Sabi ko sa 'yo magpahinga... Mababa na naman hemoglobin mo. Uminom ka ng folic acid mamaya," saad ko.
"Gusto ko lang malaman ang totoo, Vince..." sagot niya.
"You'll know soon... For now let yourself rest," sagot ko.
"Vince, Emily, kumain na kayo. Siguradong gutom lang 'yan. Pagkatapos ni'yo kumain saka ni'yo pag-usapan. Walang magagawa ang pagsisigawan sa problema ni'yo," saad ni Tita.
"Opo," sagot ko.
Pumunta na kami sa kusina upang makakain na. Ako na nag-asikaso ng pagkain namin. Nanatili pa rin siyang tahimik sa gitna ng pagkain. Nagpatuloy pa rin ako sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay inabutan ko siya ng folic acid. Hinatid ko muna siya sa kwarto niya.
"It's better to think about what happened earlier. Uuwi na lang muna ako," saad ko.
"Mabuti pa. Nang makaluwag-luwag sa utak ko," sagot niya.
"I love you..." sagot ko at kinuha na ang bag ko saka lumabas na ng kwarto niya.
I want her to know that despite what happened earlier I still love her. I will still love her. Kung magagalit siya sa akin alam kong deserving ako sa galit niya. Sa kung anoman ang malalaman niya alam kong igagalit niya. Siguuradong may idea siya sa nangyayari ngunit naghihintay lamang siya ng linaw.
"Uuwi ka?" tanong ni Tita Marie.
"Opo. Hahayaan ko muna siyang mag-isip sa nangyari. Alam niyo naman po," sagot ko.
"Oh siya. Mag-ingat ka pauwi," sagot niya.
"Salamat po," sagot ko.
Lumabas na ako sa sala at hinanap si Tita Edna. Nakita ko siyang nagbabantay ng kanilang maliit na tindahan.
"Tita..." tawag ko.
"Uwi ka na?" sagot niya.
"Pasensiya na po kayo sa inugali ko kanina..." sagot ko.
"Okay lang. Naiintindihan kita. Ayusin ninyong dalawa ang relasyon ni'yo. Huwag kayo magpatalo sa pagsubok na 'yan..." sagot niya.
"Tita, salamat po. Salamat po sa pagiging ikalawang nanay ko. Sana po kahit magtapos ang relasyon namin ni Ems sana po nandiyan pa rin po kayo para sa akin..." sagot ko.
"Oo naman. Pasyalan mo lang si Tita kapag kailangan mo. Nandito lang naman ako," sagot niya.
"Sige po. Uuwi na po ako. Nasa bahay din po mga pinsan ko," sagot ko.
"Ingat ka!" sagot niya.
Lumabas na ako ng bahay nila at sumakay na sa kotse ko. Kumaway lang ako at pinaandar na ng mabilis ang kotse.
Pagdating ko sa bahay ay inabutan ko silang nanunuod ng tv. Nag-mo-movie night 'ata.
"Vince! Bakit nandito ka?" saad ni Nathan.
"Wala lang. Sige na. Akyat na ako. Pagod ako sa biyahe," sagot ko.
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay. I opened my drawer and opened the notebook I use to confess all the lies I said to Emily. Hindi ko masasabi sa kaniya lahat ng ito kaya idinadaan ko sa pagsusulat. Nababasa na ang papel at lumalabo na ang mga mata ko dahil sa luha na tumutulo galing sa mata ko pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagsusulat. Tuloy-tuloy hanggang sa matapos ko ang kahuli-hulihang salita. Hinayaan ko ang sarili kong damahin ang lungkot.
Hindi niya ako pwede makita na ganito. Lalo na ng mga pinsan ko. I don't want them to worry about me. Lalo na si Lean dahil may kaniya-kaniya kaming problema.
"Vince?" tawag ni Lean sa labas ng pinto.
"Oh? Nagsusulat ako!" sagot ko at pinahiran ang aking mukha gamit ang mga kamay ko.
"Pwede ba pumasok?" sagot niya.
"Hindi! Sige na! Bukas na tayo mag-usap!" sagot ko.
"You don't need to bottle up everything. Nandito lang ako handang makinig sa 'yo," sagot niya.
"Sige na. I need time alone!" sagot ko.
"Oh sige. Baba ka lang kapag tapos ka na diyan sa alone time mo. Bumili na ng alak si Nathan! Iinom mo na lang 'yan!" sagot niya.
"Wala ako sa mood! Kayo na lang!" sagot ko.
Ni-lock ko na ang pinto upang wala nang kumatok pa. Binuksan ko ang phone ko at hinanap ang number ni Ken.
Ilang saglit lang ay sinagot niya na ang tawag.
"Are you happy now?" saad ko.
"What's the reason for me to be happy? Hiwalay na ba kayo?" sagot niya.
"Hindi. Alam mo, muntik na naman siyang madala sa hospital. Sabi ko naman kasi sa 'yo, 'wag mo pangunahan ang mga gagawin ko! Nililito mo lang siya!" sagot ko.
"Chill. Sorry my bad."
"Ang labo mong kausap," sagot ko at pinatay ang tawag.
Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaang tumulo ang mga luhang kahit anong pigil ko ay tumutulo pa rin. Hindi ko alam kung paano ko nakatulog ang tanging alam ko lang ay nalulunod na naman ako sa lungkot. Lungkot na hindi ko alam paano ko tatakasan.
A/N: I'm sorry for the late updates, Bemskies. Ang dami kong inaasikaso sa school. I'm finding time to write so I hope you understand. Thank you for reading and supporting my books! Konti na lang nasa finish line na tayo! Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa inyong lahat! Thank you, Bemskies!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top