CHAPTER 24: MIDNIGHT TALKS

Emily's POV

Pagkatapos ko magpainom ng gamot kay Vince kanina ay bumalik na ako sa nurse station. Ang sama ng tingin sa akin ni Lira at Nicka pagdating ko roon.

"Nurse Emily," tawag ni Andrey.

"Yes?" sagot ko.

"Patulong nga ako i-carry out 'yong order ni Doc sa room 144 saka 145," sagot niya.

"Sure," sagot ko.

Sinabi niya na sa akin ang mga kailangan kong gawin. Kinuha ko na rin ang mga gamot na kailangan ipainom sa pasyente. Pumunta na ako sa room 145 para gawin ang inutos ng doctor kay Andrey.

"Good evening po, magpapainom lang po ng gamot," saad ko.

"Sige po, Nurse. Para saan po 'yan?" sagot ng babae.

"Pain reliever po," sagot ko at pinakita ang reseta.

"Ate! I know her!" saad ng teenager na babae na siyang nakahiga sa hospital bed. Akala ko ay matanda ang pasyente dito. Halos ka-edad siya ni Kreisler base sa itsura niya.

"Sino?" sagot ng babae na kausap ko kanina.

"Si Nurse!" masayang sagot ng dalaga. Masigla siyang tignan pero binasa ko ang charts niya and she's confined here for a possible case of appendicitis.

"Are you reading wattpad?" tanong ko at lumapit sa kaniya.

"Opo. Ikaw si Emily Writes! You're already a published author under Blue Moon Publishing and your boyfriend is DaVinciofwattpad!" sagot niya.

"Wow! You know so much about me. Heto, inumin mo muna 'yan para gumaling ka na para sa susunod kong book signing magkita ulit tayo," sagot ko.

"Opo, Ate. Sana ikaw ulit pumasok na nurse bukas," sagot niya.

"Let's see," sagot ko.

Ininom niya na ang gamot na binigay ko. Saglit pa kaming nag-usap tungkol sa mga stories ko bago ako nagpaalam sa kaniya. Siguradong hinahanap na ako roon sa nurse's station. Baka mamaya sabihin sobra na 'yong oras ko sa loob ng kwarto ng pasyente.

"Bakit ang tagal mo 'ata? Nakipaglandian ka pa ba sa pasyente mo?" tanong ni Nicka.

"The patient asked for further information about her sickness. Alangan namang hindi ko sila sagutin," sagot ko.

Alam niyang mga nurse kami tapos ganiyan ang pag-iisip niya. Ang judgemental niya. Paano kung ang pasyente niya eh may kasamang mukhang hindi kaaya-ayang relative, ganiyan din kaya sasabihin niya? Pasalamat siya't every duty hinahabaan ko ang pasensiya ko.

"Ang yabang mo ah! Porque may kapit ka sa management ng hospital. Baka gusto mong patanggal ko lisensya mo," sagot niya.

"Go on. As if I can't take another one saka hindi mo naman basta mapapatanggal 'yong lisensya ko kasi wala naman akong nilabag sa nursing esthetics," sagot ko.

"Nicka, tama na," saway ni Andrey.

"Pinagsasabihan ko lang 'yang mayabang na 'yan," sagot niya.

Hindi na ako sumagot at pumunta na lang sa kung nasaan ang mga charts upang mailagay ko ang medication na binigay ko.

"Good evening nurses," bati ng doctor. Tingin ko ay ka-edaran ito ni Kuya Darren at halos magkasing taas sila. Hindi rin maipagkakaila ang maganda nitong katawan at gwapong mukha.

"Good evening, Doc!" bati namin.

"You look new, Miss?" turo niya sa akin.

"Emily Savvanah Howards," sagot ko.

"Oh. So you don't know me yet?"

"Hindi po. Pasensya na po kayo ngayon lang po ako na-assign sa floor na 'to."

"I'm Dr. Marco Asher Marquez," pakilala niya.

"Nice to meet you po," sagot ko.

"Dahil ikaw ang bago, ikaw ang sasama sa akin sa rounds," sagot niya.

"Sige po," sagot ko.

In-introduce sa akin ni Andrey ang mga pasyente ni Doc Marquez at nagulat akong kasali roon si Vince. Siguradong mag-ro-rounds 'to sa kwarto niya. Ano na kaya ginagawa ng tukmol na 'yon? Sana nagpapahinga siya ngayon. Baka abutan pa siya ng doctor na hindi nagpapahinga.

"Okay na, Drey?" saad ni Doc.

"Okay na po," sagot ko.

"Let's go," sagot niya.

Nauna siyang mag;lakad sa akin at sumunod lang ako sa kaniya. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya sa mga pasyente. Nang makarating kami sa kwarto ni Vince ay inabutan ko siyang nagpipindot sa laptop niya. Huminto siya upang balingan kami ng pansin.

"Good evening, Doc. Kailan po ako ma-di-discharge?" deretsahang tanong ni Vince.

"You need bed rest, Sir," sagot ni Doc.

"Alam ko po. Hindi naman po kailangan ng swero 'di ba?" sagot niya.

"There are some medications you need to take," sagot ng doctor.

"I'm a nurse, Doc. I can do it myself," sagot niya.

Tumikhim ako para malipat ang atensyon niya sa akin. "Sir, making ka na lang po kay, Doc. Daig mo pa ho ang matandang nag-ta-trantrums."

"Nurse, why don't you be my personal nurse?" sagot niya.

Napapatawa na lang si Lean sa gilid habang pinapanood kami.

"Doc, tara na po. Hayaan na po natin 'yan. May mga pasyente pong mas kailangan kayo," sagot ko.

"Nurse, bakit nagmamadali ka?" sagot ni Doc.

"Hindi po. Ako na po bahala sa kaniya. Bigay ni'yo na lang po 'yong orders ni'yo saka ako na po nagsasabi, Doc. Di ka pakikinggan niyan," sagot ko. Sa tagal naming magkasama ni Vince kabisado ko na siya. Hindi nakikinig sa sinasabi ng doctor 'yan kahit si Kuya Darren pa. Kay Tita lang talaga siya nakikinig when it comes to medical issues.

"Do you know him?" sagot ni Doc.

"Ay Doc, di ka updated sa balita? They have relationship, Doc. Trending sila sa buong Pilipinas tapos ikaw hindi mo alam?" saad ni Lean.

"I'm sorry? They have? Really?" sagot ni Doc.

"Uh, Doc tara na po," sagot ko.

"Hey, Babe! Visit me by midnight ha!" saad ni Vince.

Tinignan ko siya ng masama dahil mapapasok na naman siya sa panibagong controversy kung nagkataon. Siguradong tatamaan siya kapag nalaman ito ng ibang nurses. Malisyoso pa naman ang iba sa kanila. Lumabas na kami ng kwarto ni Vince. Dumiretso ako sa nurse's station para mag-chart.

"Doc, lagay niyo na po 'yong notes niyo," saad ko.

"That's not the Vince we all know earlier," sagot niya

"Pasensya na po kayo. Sinapian na naman po kasi ng kakulitan," sagot ko.

Nagsulat na siya sa charts ng mga pasyente niya at umalis na sa nurse's station. Pagkatapos kong gawin ang orders niya ay binuksan ko ang iPad ko at nagsimula na mag-draft ng chapter ko. Hindi ko rin naituloy ang pagsusulat dahil kinailangan ng man power sa emergency room.

Ako ang kumuha ng kanilang mga pulse rate at nagswero sa kanila. Hindi naman malala ang mga natamong sugat ng mga construction workers. Mukhang minor accident lang ito sa kanilang site.

"Ahhhh! Don't!" sigaw ng pamilyar na boses sa isang bed. Pagkatapos kong linisin ang sugat ng construction worker ay tumakbo na ako papunta sa bed kung saan ko narinig 'yong sigaw.

"Sir, lalo lang ma-co-contaminate sa bacteria 'yong sugat ni'yo," saad ni Mila.

Tinignan ko ang kaniyang sugat and he has an open wound on his right leg and I think a fracture on his left arm. Ano na naman kaya pinasok nito at nasaktan na naman? Kasusundo niya lang kila Sandra kanina tapos nagka-ganiyan na.

"Hayaan mo siya, Mila. Siya rin naman mawawalan ng binti," saad ko.

"How can you say that to your patient?" saad naman ni Mara.

"Bakit? Ako ba nag-iinarte? 'Di ba 'yang kasama mo?" sagot ko.

"Mila, get morphine and the surgical suture. Also get some local anesthesia. Ako na bahala dito. Maarte 'yang lalaki na 'yan," utos ko.

"Kaya mo, Miss Emily?" sagot niya.

"Oo. Labas na po 'yong relatives. Hindi po allowed," sagot ko.

"Are you gonna be okay, Ken? What if she'll overdose you? Remember this war freak lady, if something happens to Ken I swear I'll kill you," sagot ni Mara.

"Pumili ka ng pagbabantaan mo ha? Kasi ako hindi na takot sa ganiyan. I already attempted to kill myself so why do I need to fear with your threat? Huwag ka mag-alala, morphine is just a strong pain killer and not an addictive drugs. Hindi rin nakakamatay," sagot ko.

Itinulak ko na siya palabas ng curtains at sinarado ko na ito. Dumating na si Mila dala ang mga gamit na hiningi ko.

"Alis na ako, Miss ah?" saad niya.

"Sige. Thank you," sagot ko.

Iniwan niya na kami ni Ken dito. Tinanggal ko ang sapatos niya at ginupit ang ng pantalon na nakaharang sa kaniyang sugat.Napabuntong hininga na lang ako ng makita ang sugat niya.

"Bakit namamaga na 'to?" saad ko. Mukhang ang tagal na nitong expose sa hangin.

"Ang tagal mo kasi eh," sagot niya.

"Ako? Ako pa talaga eh kasalanan 'yan ng kaartehan mo!" sagot ko.

"Ems, bukas ka na magsermon. Lalo lang 'yan ma-e-expose sa bacteria kung dadaldal ka pa," sagot niya.

Nagsuot na ako ng gloves upang masimulan na ang sterilization ng sugat niya. Ginupit ko muna ang slacks niya na nakaharang sa sugat. Tinanggal ko muna ang natirang debris sa sugat niya saka nilinis ito. Sinaksakan ko siya ng morphine para mabawasan ang sakit at naglagay na rin ako ng local anesthesia para matahi ko ang sugat niya.

"Masakit ba 'yan?" saad niya. Inayos ko na kasi ang suture na gagamitin ko.

"Hindi. Saglit lang naman 'to. Hindi kita i-o-overdose sa anesthesia kung 'yon ang iniisip mo," sagot ko.

"Tiwala naman ako sa 'yo eh," sagot niya.

Tinuloy ko na ang ginagawa ko. Hindi ko na inalintana ang tingin niya sa akin. Nang matapos ako ay niligpit ko lahat ng ginamit ko at binalingan naman ang kaniyang braso. Mukhang dislocated ang joint niya kaya hindi ko ito ginalaw. Kumuha na lang ako ng ice pack para ilagay sa balikat niya.

"Patanggal nga ng polo mo. Mas maganda kasi kung located 'yong ice pack sa mismong balikat," saad ko.

"Hindi ko maigalaw 'yong braso ko, Nurse. Pwede patulong?" sagot niya.

Nag-aalangan man ay tinulungan ko pa rin siya. Hindi ko naman pwedeng hindi gawin dahil baka lumala ang dislocation ng balikat niya. Napalunok na lang ako ng makita ang panloob niya na t-shirt. Hapit na hapit ito sa kaniyang katawan at kapansin-pansin ang maganda nitong katawan.

"Ems!" tawag niya.

"H-ha?" sagot ko.

"Akala ko ba lalagyan mo'to ng yelo? Lamig kaya," sagot niya.

"O-oo nga. Ito na nga," sagot ko.

Dahan-dahan kong idinampi sa kaniyang balikat ang ice pack.

"Paki-hawakan na muna 'yan. Tatawag lang ako ng ortho para ma-check 'yan. Hindi ko 'yan pwede galawin kasi baka may ma-damage na ligament, blood vessel or nerves mo," utos ko.

"Okay, Love," he answered in the most sweetest tone as possible.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ito. He used to call me that in our high school days. It brings the memories of us, even the most painful one. That's not the word I'm expecting him to call me. Binaliwala ko na lang ang pakiramdam na ito at umalis na. Tinawagan ko si Doc Perez ang orthopedic doctor na naka-duty ngayong gabi.

"Good evening po, Doc," bati ko.

"Good evening, who's this?" sagot niya.

"I'm Emily Savvanah Howards, nurse on duty," sagot ko.

"What do you need, Miss Nurse?" sagot niya.

"We need orthopedic surgeon here at the ER. There's a case of dislocation on left shoulder," sagot ko.

"Okay," sagot niya at binaba ang tawag.

"Where's the patient?" tanong ng doctor na kapapasok lang sa ER.

"Bed three po," sagot ko.

Sumunod ako sa kaniya papunta sa bed three. Pagdating namin doon ay katabi niya na si Mara na masamang nakatingin sa akin.

"Good evening, Sir. What happened?" tanong ng doctor.

"Just a minor incident around the construction area, Doc," sagot ni Ken.

Hinawakan niya ang balikat ni Ken.

"Have ice pack every morning and night para mabawasan ang pamamaga. I'll give you some prescription for your muscle pain," saad ng doctor.

"Okay po," sagot ni Ken.

"I'll go ahead. Call me if something happens," paalam ni Doc.

"Yes po," sagot ko.

Sumunod na akong umalis kay Doc para makapag-chart na. Ako na ang nag-chart sa case ni Ken at pagkatapos ay lumabas na ako sa ER. Nasa elevator na ako nang tumunog ang cellphone ko. Nilabas ko ito mula sa bulsa ko at tiningnan kung sino ito.

Babe calling...

"Hello?" sagot ko sa tawag.

"Saan ka? Bakit wala ka sa post mo?" sagot niya.

"Kinailangan ako sa ER eh. Maraming dumating na emergency patients eh," sagot ko.

"Ah so ikaw gumamot kay Ken?"

"Ang lakas naman ng radar mo. Nalaman mo kagad kung sino mga pasyente ko."

"Syempre!"

"Babe, magpagaling ka na lang diyan." Ayoko pa talagang pag-usapan ang nangyari kanina dahil sarili ko mismo hindi ko maintindihan. Hindi ko alam anong nangyari at ganoon ang naramdaman ko habang kaharap si Ken.

"Babe naman. How many times do I have to tell you that I'm already fine?"

"How many times do I have to tell you that you need to rest? Ano? Papatayin mo sarili mo?" sagot ko.

"Nagsisimula na naman ang debate natin, Binibini," sagot niya.

"Hindi ba't kasalanan mo, Ginoo?" sagot ko.

"Sige na, Binibini. Kasalanan ko na. Bumalik ka na sa trabaho. I love you..." he answered but the 'I love you' in the end sounded like it's hard for him to tell that phrase.

"I love you too! Rest well!" sagot ko at binaba ang tawag.

Pagdating ko sa nurse's station ay inutusan na naman ako mag-carry out ng order. Bigla na namang naglaho si Nicka at Lira, kami lang ni Andrey ang nandito sa station.

"Nasaan 'yong dalawang babae?" tanong ko.

"Malay ko. Kumain 'ata," sagot niya.

"Wow! Sana all may oras kumain," sagot ko.

"Hayaan mo na."

"Ano pa nga ba? Lagi na lang every duty ko may naglalahong mga ka-duty," sagot ko.

Itinuloy ko na ang ginagawa kong chapter ngunit hindi ko madala ang sarili ko sa aking sinusulat. Nagpapatugtog naman ako at ginagawa ko naman ang ritual ko bago magsulat pero bakit hindi pa rin? Bakit palaging napupunta ang isipin ko sa nangyari kanina? Sa reaksyon ko ng marinig ang dati naming endearment ni Ken. Bakit ang big deal sa akin no'n? Twenty years na ang nakalipas at masaya na ako kay Vince pero bakit bumalik pa rin siya? Bakit kung kailan maayos na ako saka siya magpapakita? Para ano? Para saktan na naman ako? Bakit ba hindi niya na lang kami hayaan ni Vince?

Midnight came and I received a message from Lean.

Lean:

Kita tayo sa cafeteria ng hospital. Usap tayo.

Me:

Okay. Magpapaalam lang ako sa ka-duty ko.

Lean:

Nandito na ako. Wait kita.

Me:

Okay.

"Drey!" tawag ko kay Andrey na abala sa pagsusulat sa charts.

"Yes?" sagot niya.

"Baba lang ako saglit. Magkakape lang ako," sagot ko.

"Sige lang, Nurse Ems," sagot niya.

Umalis na ako ng station at dumiretso sa cafeteria. Nakita ko roon si Lean na nagkakape rin. Lumapit na ako sa table niya at napabuntong hininga na lamang.

"Kumusta duty?" tanong niya.

"The usual. Nakakapagod kasi hindi naman ako dapat nasa ER pero ako na nagpresinta dahil ang mga ka-duty ko naglaho ng parang bula," sagot ko.

"Ems, why do you think Vince still pursue you despite the fact that you still love another man?" seryosong tanong niya.

The question I still don't know what the answer is. Hindi ko alam bakit ginusto niya ako sa kabila ng katotohanang may mahal akong iba noon.

"Honestly, Lean...Tinatanong ko rin 'yan sa sarili ko... Hindi ko kasi alam bakit mas pinili niya akong mahalin sa kabila ng nakaraan ko..."

"Maybe because he wants the best for you...Maybe he wants to see you smile again... Ems, hindi sa pinapakialaman ko ang relasyon ni'yo ng pinsan ko but you two need to talk. Bumalik na si Ken hindi pwedeng hayaan ni'yo na lang na ganiyan. Na parang wala lang kasi ako? Napapansin ko 'yong changes sa relationship ni'yo. Vince looks so lost while you look so confused. Alam kong maayos ni'yo pa 'yan."

Napansin ko nga rin 'yon. Hindi na rin normal ang pananahimik niya nitong mga nakaraang araw. Hindi ko naman siya makausap tungkol dito dahil parehas kaming busy sa trabaho at sa pagsusulat lalo na siya. Dalawang libro sinusulat niya dahil ma tinatapos pa siyang novel habang sinisimulan ang collaboration novel namin.

"Hindi ko alam paano sisimulan sa kaniya. Ayokong maramdaman niyang mahal ko pa si Ken kahit hindi naman..." saad ko.

"Ems, hindi mo kailangan lokohin ang sarili mo... Hindi mo kailangan i-reciprocate ang feelings ng pinsan ko para sa 'yo. Kung hindi mo na siya mahal o kung hindi ka pa sigurado sa feelings mo, tatanggapin niya 'yon. Maging totoo ka lang sa kaniya. Hindi mo rin kailangan lokohin ang sarili mo. Alam kong hindi pa rin malinaw sa 'yo ang lahat. Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon."

"I don't know, Lean. Hindi ko alam. Litong-lito na ako sa nararamdaman ko. Hindi na ako sure kung kaya ko pa ipagpatuloy ang kung ano kami ni Vince..." Unti-unting tumulo ang luha kodahil sa pagkalitong nararamdaman ko. Ayokong saktan si Vince at ayokong bigyan na naman siya ng sakit sa ulo.

"Magpakatotoo ka lang sa kaniya, Ems. Huwag kayo maglokohan na dalawa. Alam kong mahirap sa 'yo ang sitwasyon mo but don't you think na mas mahirap ito para kay Vince?"

"Parehas lang kaming nahihirapan sa sitwasyon, Lean. Mukhang hindi ko na kaya..."

"Don't let your relationship end just like that. You both had a hard time. Masakit man at mahirap sa ngayon pero naniniwala ako na maayos niyo pa 'yan. Hindi na tayo mga bata, Ems. Pag-usapan ni'yo. Kung hindi na talaga kaya eh wala na akong magagawa pa. Nandito lang ako para mahingan ni'yo ng payo. Hindi ko pakikialaman ang kung anomang desisyon ni'yo. I'll give you time to think... "

Tumango lang ako bilang sagot at pinunasan ang mga luha ko gamit ang panyo. Hindi ko alam kung anong magiging desisyon ko tungkol ditto. Nagpaalam na ako kay Lean na babalik na ako sa trabaho. Pagdating ko sa nurse's station ay nandoon na sila Nicka at Lira. Niligpit ko ang mga gamit ko at nagpaalam sa kanila na iidlip muna. Hindi naman na nakatanggi sila Nicka at Lira dahil halos buong gabi ay wala sila sa post nila. Dumiretso ako sa nurse's quarters at pumunta sa isang bunk bed. Itinabi ko na sa aking locker ang mga gamit ko at umidlip saglit dahil ang sakit ng mata ko at ng ulo ko ay agad akong nakatulog.

Bumalik ako sa post ko nang mag-alas tres ng madaling araw. Ako na ang sumama sa morning rounds ng mga doctor bago magpalit ng nurses. In-endorse ko na rin sa mga bagong duty ang mga kailangan nilang gawin. Dumiretso ko sa kwarto ni Vince pagkatapos.

Pagdating ko roon ay nakita ko siyang natutulog. Ang gwapo niya pa rin kahit tulog. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ang mukha niya. Halata ang pagbagsak ng kaniyang katawan dahil sa walang tigil na pagtatrabaho. Mukha rin siyang hindi nakakatulog ng maayos dahil sa eye bags at dark ciricles sa kaniyang mukha.

"Hanggang kailan mo itatago? Hindi naman masamang sabihin ang mga sakit na nararamdaman mo." bulong ng aking isip. Kahit anong tago niya ay may makapapansin pa rin. Bakit mas pinili mo pa ring saktan ang sarili mo para sa akin?

"Good morning, Babe. How's your duty?" he greeted that took me back to reality.

"Ayos naman. Nakaidlip naman. Ikaw ba? Nagpapahinga ka ba at sumusunod ka ba sa mga doctor mo?" sagot ko.

"Oo naman! Ngayon lang ako sumunod sa ibang doctor ah!"

"That's good..." sagot ko.

"Lean! Lean!" tawag niya kay Lean na natutulog sa isa pang hospital bed na allotted sa bantay ng pasyente.

"Oh? Ano ba 'yon? Natutulog ako eh!" singhal ni Lean at bumangon sa kama.

"Lumayas ka muna! May pag-uusapan kami ni Ems! Bili ka na rin breakfast natin," sagot ni Vince.

"Walang hiya ka talaga! Ginising mo pa ko para lang utusan!" sagot ni Lean.

"Alangan namang bitbitin ko 'tong swero ko pababa roon," sagot ni Vince.

"Oo na! Pasalamat ka't may sakit ka kundi sasapakin talaga kita," sagot ni Lean at lumabas na ng kwarto.

Umupo ako sa tabi niya sa kama at sumandal sa balikat niya. I don't know why but even before when I'm tired I'm always leaning on his shoulder to ease my tiredness.

"Babe, our anniversary is approaching..." he said.

Agad kong binunot sa bulsa ko ang cellphone ko para tignan ang calendar.

September 3 is our anniversary and it's this coming Wednesday next week. One week from now.

"Wednesday 'yon. May duty tayo," sagot ko.

Wala pa akong plano para sa anniversary namin.

"Why don't you file for a leave and let's go to Singapore!" sagot niya.

"Singapore? Ilang araw naman tayo roon? Sagot mo airfare para magplano ng ganiyan?" sagot ko.

"Yeah. Ako na bahala sa lahat ang gagawin mo na lang mag-file ng leave."

"Ayoko nga ng walang gagawin. Hati na lang tayo sa airfare. May ipon naman ako eh. Galing doon sa share natin sa books tapos 'yong sweldo ko last month," protesta ko.

"No. Everything's on me," sagot niya.

"Bakit pa kasi tayo pupunta ng SG?" tanong ko.

I don't know what's the matter bakit gusto niya pang mag-SG kami para sa anniversary namin. Pwede naman dito na lang kami mag-celebrate para hindi malaki gastusin at malayo.

"Sa Coastal Walk tayo mag-ce-celebrate. Same date, same day and time."

"Talaga?" sagot ko.

Hindi ako makapaniwala na willing siyang dalhin ako sa Coastal Walk para lang mag-celebrate ng anniversary namin.

"Ay hindi Ems. Prank lang," pamimilosopo niya.

"Ah gano'n. Oh sige ikaw mag-isa mo pumunta sa Singapore!" sagot ko at tinulak siya.

"Walang ganiyanan, Babe!" sagot niya.

"Kasi naman napakapilosopo mo! Akala ko may matino tayong usapan!" sagot ko.

Natigil lang ang bangayan namin nang dumating si Lean dala ang breakfast namin.

"Magbibihis nga muna ako bago tayo kumain ng breakfast," paalam ko.

"Sige lang, Ems. Ayusin ko na rin 'to," sagot ni Lean.

Kinuha ko na ang duffle bag ko at dinala ito sa cr. Nag-hot bath ako saglit dahil thermal ang kanilang shower kaya nakasaglit ako ng ligo. Paglabas ko ay nakahain na ang pagkain.

"Ems, tara na kain na," saad ni Lean.

Busy na naman si Vince sa phone niya. Mukhang may ka-text na naman siya.

"Babe, kain ka muna. Makakapaghintay naman 'yang ka-text mo," saad ko.

"Yeah," sagot niya pero tuloy pa rin sa pag-text.

"Titigil mo 'yan o uuwi na ako sa bahay?" sagot ko.

Binaba niya agad ang cellphone niya at nagsimulang kumain. Tumawa naman si Lean na parang nagiinsulto.

"Tumigil na, Lean," saad ni Vince.

"Bakit? Nakakatawa kasi yung reaction mo! Namumutla ka oh!" sagot ni Lean.

Umupo na ako sa tabi ni Lean para makakain na. Pagkatapos naming kumain ay natulog na ako sa tabi ni Vince.

"Ano ba? Ang lamig... Bakit mo tinatanggal braso ko?" saad ko dahil pakiramdam ko ay may gumagalaw ng braso ko paalis sa katawan ni Vince.

"Babe... Wake up... The doctor is here... Hindi ako makatayo dahil nakaunan ka sa braso ko," sagot niya.

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig at agad na bumangon. Pagdilat ko ay sina Sandra, Zoe at Andy lang ang bumungad.

"Alam ni'yo? Ang panget ni'yo ka-bonding! Ngayon lang ako nakatulog ng mahimbing eh!" sagot ko at lumipat ng kama.

"Ems, don't sleep. I have something to tell..." saad ni Andy.

"Hm? What is it?" sagot ko.

"I'm going back to US. Later tonight is my flight," sagot niya.

"Bakit biglaan naman? Kauuwi mo lang last month ah," sagot ko.

"Something happened in US that's why I need to go back," sagot niya.

"Hindi ka na ba mapipigilan? Walang maghahatid sa 'yo sa airport," sagot ni Lean.

"Bago ka pala umalis pagpapaalam ko na si Ems," saad ni Vince.

"What?" sagot ni Andy.

"We're going to Singapore for our anniversary," sagot ni Vince.

"Okay," maikling sagot ni Andy.

"'Di ba dapat kay Tita ka nagpapaalam?" sagot naman ni Lean.

"Tapos na kay, Tita eh. Syempre sa pangalawang nanay naman!" sagot ni Vince.

"We better go, Vince. Sumaglit lang kami rito para tignan kung buhay ka pa," sagot ni Sandra.

"Yeah. Nagpaalam lang ako sa kapatid ni Satanas mong pinsan para makapunta rito. Mas gusto ko pa ngang nasa training ang loko na 'yon kesa nasa kompanya. Palaging nagpapaulan ng trabaho!" sagot naman ni Zoe.

"Get well soon, Vince," sagot ni Andy at lumabas na ng kwarto.

Kinawayan naman nila ako bago isara ang pinto. Ako na ang naiwan dito kay Vince dahil si Lean ang naghatid sa kanila. May pumasok naman na nurse para i-take ang vital signs ni Vince. Maarte niyang hinawakan ang braso ni Vince upang ilagay ang sphymonameter.

"Excuse me, please maintain the profesionality," saad ko.

Agad niya namang inayos ang pagkuha ng blood pressure ni Vince at ang iba pa niyang vitak signs.

"Possesive..." bulong niya.

"Tigilan mo ako," sagot ko.

Agad ding nakabalik si Lean kaya nakatulog na ulit ako. Ginising ako ni Lean nang maghapon na para makapag-prepare sa duty ko.





A/N: Enjoy reading, Bemskies! Thank you so much for waiting my updates! Kahit sobrang tight ng schedule ko susubukan ko pa rin humanap ng oras para mag-update. 15 more chapters to go and we'll finally say good bye to Ken and Emily. My first wattpad couple... Thank you so much for reading my skies! I love you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top