CHAPTER 23: PASSED OUT
Emily's POV
"Let's just choose a movie to watch," saad ni Sandra.
"Emily, what do you want to watch?" tanong ni Ken.
"Let's watch romance movie or kung malakas loob ni'yo horror," sagot ko.
"If we're going to watch a romantic film then it's so childish," sagot naman ni Mara.
Kanina pa ako nagtitimpi rito. Late na nga sila tapos kung makapintas pa ng style 'kala mo namang fashion designer kung makapanlait. Siya nga 'tong may baduy na style kasi naka-coat pa eh ang init sa Pilipinas. Hindi 'ata siya na-update ni Ken na wala na sila sa USA. Kulang na lang ay mag-triple clothing siya para magmukhang galing siyang USA.
"Ken, will you please make her mouth shut. One more word, Miss Engineer. One more. You won't like the next thing Emily will do to you and to that man beside you," Andy sarcastically said.
"Ayusin mo ugali ng bisita mo, Ken. Hindi mo kilala ang Emily na kaharap mo," saad naman ni Lean
"Why do I have to fear her? She looks like a useless human being with a baduy style," sagot ni Mara.
Tila nagpanting ang tenga ko sa narinig. Wala siyang karapatang tawagin akong useless human being. If I am useless then what do I call her? Lahat na lang ng nakakadikit ng lalaki na 'to puro mga walang modo na babae. Lahat na lang ng makakausap ko na kadikit nito laging parang walang pinag-aralan kahit na napakataas ng mga eskwelahan na pinagtapusan nila.
"We're here to have fun and not to humiliate someone whom you don't know for a long time. Am I right? Hindi ka ba mapakiusapan ng mga kaibigan ko? Maayos ka naming tinanggap. Hinintay ka pa namin ng halos isang oras. Sana pala nag-duty na lang ako sa hospital kung ganito lang maririnig ko.
"If you think you're higher than me because you can humiliate me then it only shows you're an insecure woman who can't stand because there's someone better than her. Ken, sa susunod nga huwag kang magdadala ng babae sa harapan namin kung ugaling basura lang din naman. Before you speak, Miss whoever you are. I'm just describing how trashy your attitude is. And for the record ikaw 'yong baduy sa atin kasi ang init-init naka-coat ka pa," saad ko.
"Guys! Ako na lang pipili ng palabas baka mamaya tayo na ang sunod na palabasin ng mall. Pinagtitinginan kayo ng mga tao at tandaan ni'yo lalo ka na Ken na may prinoprotektahan kayong images. Ems, kumalma ka na lang," saad ni Zoe.
"I'm not the one who started this. Hindi na ako 'yong dating Emily na hahayaan na lang na bastusin siya. Kanina pa ako nagpapasensya diyan. Kilala ni'yo ko, Zoe. Hindi ako nagsasalita hanggat kaya ko pang palampasin but she crossed the line," sagot ko.
"Emily, I'm so sorry for her attitude," saad ni Ken.
"I'll just have a phone call. Bilhan ni'yo na lang ako ng ticket. Babayaran ko sa inyo pagkatapos ko," sagot ko.
Lumayo na ako sa kanila at di-nial ang number ni Vince. It's lunch time so for sure makakasagot siya ng phone.
"Hello?" saad ng pagod na boses ni Vince.
"I'll ditch this. Naiinis ako sa kasama ni Ken," sagot ko.
"Why? Hindi pa naman 'ata kayo nagsisimula mag-movie."
"Nawawalan na ako ng gana kasama sila. Mas gusto ko ng twelve-hour shift kesa one hour movie kasama sila."
"Oh sige. Tawagan mo na lang ako kapag hindi ka na talaga makapag-timpi riyan. Ikaw na lang ipapalit ko sa shift ko," sagot niya.
"Okay. Ingat ka. Magpahinga kapag may konting oras ha," sagot ko.
"Opo. Sige na. Mag-ro-rounds na ako." Binaba niya na ang tawag.
First time...First time siya ang unang nagbaba ng tawag sa aming dalawa at hindi siya nagsabi ng 'I love you' katulad ng nakagawian. Siguro ay dahil lang sa pagod kaya niya nakalimutan sabihin iyon. Hindi naman problema sa akin 'yon but knowing Vince? He's not the guy who'll forget this things.Sa aming dalawa ako ang makakalimutin pero siguro nga dahil sa pagod sa duty kaya nawala sa isip niya o hindi kaya ito na ang changes na sinabi niya? Hindi ako sigurado pero parang may iba sa kaniya. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kakaisip ng kaniyang pwedeng maging dahilan.
"What's the matter?" tanong ni Ken. Napalingon ako sa kaniya nang marinig ko ang kaniyang boses.
"Nothing. Bakit hindi ka pa sumama sa kanila? Baka mamaya nagsasabunutan na sila hindi mo pa napigilan," sagot ko.
"I'm just worried that you'll leave because you're already pissed. I'm so sorry for Mara's attitude. Laki kasi sa American culture kaya ganoon," sagot niya.
"Wala akong pakialam kung anong kultura ang kinalakihan niya. Hindi sa kultura nababase ang respeto, Ken. This is a basic characteristic that every person should have. Itinuturo ito kahit saan at sa nakikita kong ugali niya, wala siyang natutuhan. Kahit gaano ka pa kagaling sa kahit na anong larangan kung hindi ka marunong rumespeto ng kapwa, bobo ka pa rin." Totoo naman ang sinabi ko at 'yan ang laging turo sa akin ni Mommy at ni Nanay, ang rumespeto ng kapwa.
"You're right. Hindi ko naman siya masisisi dahil panibago kayo sa mata niya."
"Dapat nga mas magpakita siya ng respeto sa amin dahil hindi namin siya personal na kakilala," sagot ko.
"Halika na nga lang puntahan na lang natin sila dahil tayo na lang ang hinihintay doon," sagot niya.
"It's been years but it's always like this. Hindi ko nakukuha ang respeto sa mga babaeng kasama mo," sagot ko at iniwan siya roon.
Nakita ko sina Sandra na hinihintay kami. Binigay niya sa akin ang ticket at ako naman ay binayaran siya through g-cash dahil kulang ang dala kong cash. Agad akong nilapitan ni Lean.
"Nasaan si Ken?" tanong niya.
"Malay ko," sagot ko.
Pumasok na kami sa movie theater nang dumating si Ken. May bitbit siyang ice cream at inabutan kami nito lahat. Maganda talaga ang taste ni Zoe sa movies. Science fiction movie ang pinili niya na sakto sa binabalak kong story pagkatapos ng collab namin ni Vince. Mara sat beside Ken, Ken sat beside me, Lean next to me, and Zoe, Andy, and Sandra sat beside each other. Hindi pa nagsisimula ang palabas ay naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko.
Head Nurse calling...
Nakita kong nakatingin si Ken at si Lean sa cellphone ko. Tumayo na ako at lumabas ng sinehan upang sagutin ang tawag.
"Hello po? Good afternoon po, Head Nurse," bati ko nang sagutin ang tawag.
"Good noon, Miss Emily. You're on-call right?" sagot niya.
"Yes po. Kailangan na po ba ako sa hospital?" sagot ko.
"Vince passed out during his duty. He's currently on the ER. Can you go here?" sagot niya.
Ginapang ng kaba ang aking puso dahil sa narinig. It might be over fatigue cause he has a twelve-hour duty.
"S-sige po. M-magpapaalam lang po ako sa mga kasama ko," sagot ko.
"Ingat ka, Miss Ems," sagot niya.
"Opo. Bye," sagot ko at binaba ang tawag.
Mabilis akong bumalik sa loob ng sinehan at pinuntahan ang pwesto namin.
"Vince passed out while on duty. I need to go to the hospital to check on him. I really need to go," paalam ko kay Sandra.
"Sige. No problem. Ako nang bahala sa kanila. Bilisan mo't baka may tests na kailangan, wala ka pa roon," sagot niya.
"Pakisabi na lang sa kanila. Sorry talaga, Sands," sagot ko.
Lumabas na ako ng sinehan at nagmamadaling lumabas ng mall. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa hospital nila Vince. Mabilis lang akong nakarating doon dahil malapit lang ito sa mall. Nagbayad ako sa tricycle at dumiretso na sa ER.
"Emily!" tawag ni Jess.
"Saan si Vince?" sagot ko.
"Bed three," sagot niya.
Pinuntahan ko ang bed na sinabi niya at paghawi ko ng kurtina ay bumungad sa akin ang natutulog na si Vince. May isang nurse na hindi ko kilala ang nag-adjust ng swero niya.
"Ma'am kayo po ba ang guardian niya?" saad ng nurse.
"Yeah. I know the cause why he passed out. Over fatigue? Tama ba?" sagot ko.
"Tama po. May mga gamot po palang nireseta si Doc para sa kaniya."
"Sige. I can handle this. If ever there are tests that's needed I'll run it."
"Hindi po pwede. Hindi ka po hospital staff."
"I am. I'm Emily Savvanah Howards and I'm his girlfriend. Nurse rin ako rito."
"Ay pasensya na po kayo, Ma'am. Hindi ko kayo agad nakilala," paghingi niya ng paumanhin.
"Okay lang. Sige na baka marami ka pang pasyente ako nang bahala rito sa VIP ni'yo," sagot ko.
Nag-aalangan niya akong tiningnan pero umalis din dahil siguro ay natunugan niya nang kaya ko nang alagaan si Vince kaya umalis na siya. Napabuntong hininga ako nang mabaling ang tingin ko kay Vince. Sinabi ko naman kasi sa kaniyang tawagan ako kapag hindi niya na kaya pero makulit tinuloy pa rin niya ang duty. Ako dapat ang karelyebo niya pero mas pinili kong mag-on call dahil akala ko ay okay pa naman siya. Binuksan ko ang phone ko upang i-message kay Lean ang nangyari kay Vince. Siguro wala pa 'tong kain at kinulang ang supply ng nutrients sa katawan niya kaya siya hinimatay. Napaka-workaholic naman kasi ng tao na 'to.
"Nurse Ems, lipat namin siya ng private room," saad ni Ella.
"Sige," sagot ko.
Sumama na ako sa paglipat kay Vince sa private room. Naka-receive na rin ako ng text galing kay Ma'am Trisha na ako ang duty mamayang gabi. Tumawag ako kay Lean para magpadaan ng mga gamit ko sa bahay. Nag-message na rin ako kay Mommy tungkol sa nangyari kay Vince. Ilang minuto lang ang lumipas ay may tumatawag na sa cellphone ko.
Lean calling...
"Hello?" saad ko.
"Nandito na kami. Anong room number?" sagot niya.
"A-143," sagot ko.
"Okay. Puntahan na lang naming kayo," sagot niya.
"Dala mo 'yong mga gamit ko?" sagot ko.
"Yup," sagot niya.
"Okay. Thanks," sagot ko at binaba ang tawag.
Nakarinig ako ng katok galing sa labas. Siguradong sina Lean na 'to kaya binuksan ko na ito. Hindi nga ako nagkamali sila nga 'to, pinatuloy ko na sila sa loob. Binaba ni Lean ang mga gamit ko sa maliit na sofa rito. Dinala niya na rin pati ang sapatos ko.
"Ano kaya nangyari sa loko na 'yan at nahimatay?" saad ni Lean.
"Kulang sa kain," sagot ko.
"Bakit kasi hindi mo dinalan ng dinner?" sagot ni Zoe.
"'Di pa dinner time," sagot ko.
"Lunch?" sagot niya.
"Hindi pa lunch time," sagot ni Sandra.
"He's sleep deprived," sagot naman ni Sandra.
"Normal na sa nurses ang pagiging sleep deprived at hindi na bago ang ganiyang cases. 'Yong ka-duty ko last week nagkaganiyan din katulad ni Vince," sagot ko.
"Sabi ko naman kasi sa kaniya, take a break katulad ng sinabi ko sa 'yo, Ems pero dahil katulad mo siya mas pinili ang hospital kesa sa pahinga. Ayan siya na ngayon ang naka-swero," sagot ni Lean.
"Tawagan niya kako ako kapag hindi niya na kaya kaso pinilit pa rin," sagot ko.
"Huwag na kayo magsisihan, nangyari na ang nangyari," Vince's weak voice echoed the room.
Binalingan ko siya ng masamang tingin. "Sa kakulitan mo ikaw na naka-swero!"
"Kalma, Babe. Hindi kita masasalag ngayon," sagot niya.
"Hindi ko na alam gagawin sa pinsan mo, Lean," sagot ko.
"Tapon mo na, Ems," sagot niya.
"Magpaalaga ka na lang sa kabit mo, Vince," saad ni Zoe.
"Tusukan na lang kita ng pampatulog, Vince. Gising ka na lang kapag kaya mo na siya salagin," saad naman ni Sandra.
"He must be out of the hospital," saad naman ni Andy.
"Nagkakaisa kayo ah," sagot ni Vince.
"Babe naman kasi! Alagaan mo naman sarili mo! Kaya mo nga mag-alaga ng ibang tao pero hindi mo kaya alagaan sarili mo. Ang sarap mo sisantehin!" sagot ko.
"Report ko na lang 'yan sa nursing boards. Pabawian natin lisensya!" sagot ni Lean.
"G!" sagot naman ni Sandra.
"Sira. Kung ikaw kaya pa-kick out ko sa company mo?" sagot ni Vince.
"Sumasagot ka pa!" saad ko.
"Bawal na ba magsalita, babe?" sagot niya.
"Makababa na lang nga muna at ibibili ko 'to ng pagkain. Baka maging malnourished!" sagot ko.
"Bumalik ka agad, Babe ah!" sagot niya.
"Oo, mahal na hari." Lumabas na ako ng kwarto dala ang wallet at phone ko. Sa Jollibee na lang ako bumili ng pagkain dahil siguradong heavy meal ang hanap ng lalaki na 'yon. Pagkatapos kong bumili ng pagkain ay dumaan ako sa malapit na grocery store para bumili ng kaunting snacks at tubig dahil may softdrinks na ang binili kong meal. Nagulat ako nang may kamay na kumuha ng isang plastic na naglalaman ng tubig. Handan a sana akong bulyawan kung sinoman ang kumuha nito ngunit nagulat ako nang si Ken pala ito.
"Bakit ka nandito?" masungit kong tanong.
"Bakit? Sa 'yo ba 'tong buong Malolos para hindi mo ako makita?" sagot niya.
Napailing na lang ako sa sinagot niya at kinuha na sa kamay niya ang tubig. Mas hinigpitan niya ang hawak sa plastic na nagpainis sa akin.
"Ano bang trip mo sa buhay? Samahan mo na lang 'yong walang modo mong babae!" saad ko.
"Hahatid na kita sa hospital. Masyadong mabigat 'tong tubig," sagot niya.
"It's inappropriate," malamig kong sagot.
"Come on, Ems. Don't make our past relationship big deal!" sagot niya.
"Hindi naman big deal 'yon eh! Nakakawalang respeto lang kay Vince! Everything is in the past, Ken! Leave it there!" sagot ko.
He looks so stunned by what I said. Kinuha ko sa kamay niya ang tubig at naglakad na palayo sa kaniya. Mabilis lang akong nakarating sa hospital dahil hindi naman ito kalayuan. Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang floor kung nasaan si Vince. Pagdating ko roon ay binahagi ko na ang pagkain.
Bigla ko na lang naisip ang nangyaring bangayan namin ni Ken. Hindi ko alam bakit may parte sa akin ang nasaktan nang sabihin ko iyon pero tama naman dahil kawalan talaga ng respeto kay Vince kung isasama ko pa siya rito. Hindi magandang tingnan. Napabuntong hininga na lang ako habang iniisip ko ito.
"What's with the sigh, babe?" saad ni Vince.
"Nothing. May iniisip lang ako," sagot ko.
"Huwag naman masyadong malalim. Baka mamaya sa susunod na buntong hininga mo lumabas na 'yang baga mo sa sobrang bigat," sagot niya.
"May energy ka na na namang loko ka ha!" sagot ko.
"Bakit naman ako mawawalan?" sagot niya.
"Tulog ka kanina eh," sagot ko.
"Ako na maiiwan sa tukmol na 'to," saad ni Lean.
"Mabuti at maraming naghihintay na pasyente sa akin," sagot ko.
"I think we should go ahead, Sandra?" saad ni Andy.
"Yeah. Kailangan ko pa kasi mag-review para sa exam namin," sagot ni Sandra.
"Thank you sa pagpunta," sagot ni Vince.
"Ingat kayo," sagot ko.
"You too. Vince, please take care of yourself," saad ni Andy.
"Pagaling ka, Vince. Baka mamaya mapasugod mo rito si Nathan," sagot ni Zoe.
"Ingatan ang kalusugan, Vince. Sana hindi na kita Makita rito," saad ni Sandra na akala mong doctor na talaga.
"Sana sinabi mo, Sands see you again! Come again!" saad ni Lean.
"Take two!" sagot ko.
"Huwag ingatan ang sarili, Vince. Papapiliin ka na lang namin ng size ah," sagot naman ni Sandra.
"Grabe ka naman, Sandra!" sagot ni Vince
"I'm serious," sagot ni Sandra.
"Pabayaan mo pa sarili mo, Vince. Kahit ikaw pa may-ari ng hospital na 'to hindi kita ipapa-confine!" sagot ko.
"Magsama nga kayo," sagot niya.
"Sige na't mauna na kami," paalam ni Zoe.
Hinatid ko sila hanggang sa entrance ng hospital. Huminto sa tapat naming ang isang Lamborghini na katulad ng kotse ni Ken.
"No. I'd rather ride a tricycle than to be with him," tutol ni Andy.
"Kayo na magdesisyon niyan. Mauna na ko't may duty pa ako," paalam ko. Ayokong makita ang mukha ni Ken kahit ang anino niya. Siguradong bubuksan niya ang topic ng bangayan namin kanina.
"Teka lang , Ems. Hindi ka man lang ba magpapakita kay Ken?" sagot ni Sandra.
"Hindi na, Sands. Akyat na rin ako. Baka may kailangan pa si Vince," sagot ko.
Bumalik na ako sa taas kung nasaan ang kwarto ni Vince.
"Naihatid mo agad sila Sandra?" tanong ni Vince.
"May sundo sila," sagot ko.
"Wow, yayamanin," sagot niya.
"Ems, baba lang ako saglit. Nandiyan si Eros eh," paalam ni Lean.
"Nandiyan na naman ang pinaglihi sa sama ng loob na 'yon," sagot ni Vince.
"Alam mo? Ang harsh mo. Sige na at napaka-impatient ng lalaki na 'yon," sagot ni Lean at lumabas na ng kwarto.
Nabalot ng katahimikan ang kwarto. Hindi alam ang sasabihin upang mabasag ito. Hindi ko rin alam ang dapat kong sabihin dahil ako ang duty dapat pero hindi ako nakarating on time dahil mas pinili ko ang gumala kasama ang ex ko. Hindi ko talaga alam bakit hinahayaan ako nito magsasama kay Ken imbis na pagbawalan ako. Tila ba gumagawa siya ng tulay upang magkausap kaming dalawa.
"Nag-enjoy ka ba sa lakad ni'yo kanina?" saad niya.
"Hindi. Na-stress lang ako," sagot ko.
"Bakit naman? May ginawa ba sa 'yo si Ken?"
"Wala. May bitbit siyang babae, eh walang modo. Na-sample-an ko tuloy."
"Eh ano naman ginawa ni Ken?"
"Konti na lang iisipin ko nang may pagtingin ka kay Ken. Kailangan ko na ba magpa-gwapo para bumalik sa akin si Vince?"
"Hindi na, babe. Sapat na 'yang ganda mo."
"'Yon naman pala eh! Bakit unli ka kay Ken, ha?"
"Babe, gusto mo bang bumalik sa kaniya?" bigla niyang tanong.
Tila nalulon ko ang dila ko at hindi makapagsalita dahil sa tanong niya.
Tumikhim ako upang magkaroon ng lakas ng loob na sumagot. "Hindi. Bakit ko naman gugustuhing bumalik sa taong muntik nang pumatay sa akin?"
"Natatakot ka bang mahalin siya ulit? O ayaw mo lang bumalik kasi may tayo?"
"Anong klaseng mga tanong 'yan, Vince? Ano ba? Pinamimigay mo ba 'ko?"
"Babe, kalma. Natanong ko lang."
"Kalma? Hindi ko maintindihan bakit nag-o-open ka ng ganiyang topic. Past is past. Huwag nang ungkatin pa. Na-damage 'ata 'yang memories mo sa pagkakahimatay mo. Magpahinga ka na muna. Huwag mong isipin 'yong mga ganiyan,"
Nahiga na ulit siya sa kama at pinikit ang kaniyang mga mata upang matulog ulit. Buti na lang at dinala ni Lean dito ang iPad ko at keyboard, makakapagsulat ako. Inayos ko na ang mga ito sa maliit na coffee table rito. May outline ako sa phone ko kaya mas naging madali. Lahat ng outline ko ay parehong hand written at meron din sa phone ko. Naglagay na ako ng headset upang mas makapag-focus sa pagsusulat. Napahinto lang ako sa pagsusulat nang bumukas ang pintuan at pumasok si Lean. Magtitipa na sana ako ulit kaso tumabi siya sa akin at isinandal ang ulo niya sa aking balikat. Tinanggal ko ang headset ko at binalingan siya ng tingin.
"Anong nangyari sa baba?" tanong ko. Alam kong tungkol ito kay Eros dahil hindi naman ganito ang Lean na kilala ko. She looks so sad and upset.
Kusang tumulo ang mga luha sa kaniyang mata na tila ang tagal na nitong gustong lumabas mula sa mata niya. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit para kahit paano ay makalma siya. Ano kayang ginawa ni Eros sa kaibigan ko?
"Shhhh. Hindi ko na tatanungin kung bakit. Nandito lang ako lagi," saad ko. Si Lean 'yong tipo ng babae na hanggat kaya niya hindi 'yan magsasalita.
"Akala ko siya na, Ems." Kinaya niya pa ring sumagot sa kabila ng mga hikbi niya.
"Hindi pa ito ang tamang pagkakataon, Lean. Maaaring hindi natuloy ang love story ni'yo ngayon kasi may hinihintay na tamang panahon at pagkakataon. Katulad ng katagang, 'tamang tao, maling panahon at pagkakataon'."
"Paano mo naman nasabing siya na ang tamang tao?" sagot niya.
"Nakikita ko. Walang lalaki ang handang magmaneho ng mula Pampanga hanggang Manila para lang sunduin at ihatid ka. Sadyang mali lang ang panahon kung kailan kayo nagkita," sagot ko.
"Naramdaman mo rin ba 'to kay Ken?"
"Oo naman. 'Yan ang muntik na pumatay sa akin."
"Bakit ang hirap, Ems? Hindi naman naging kami pero 'yong sakit parang ang tagal naming magjowa?"
"Minahal mo eh. Ganoon talaga kapag nagmamahal. May kaakibat na sakit," sagot ko.
"Hindi ko na alam saan papunta 'tong buhay ko. I'm so lost," sagot niya.
"Sabi ko naman kasi sa 'yo na pumili ka ng lalaking mamahalin," singit ni Vince.
"Gising na pala ang nahimlay na prinsipe," sagot ko.
"Ilang beses kong sinabi sa 'yo na walang magandang maidudulot 'yang lalaki na 'yan 'di ba?" sagot ni Vince.
"Wow! Coming from you! Bakit ikaw kahit alam mong masakit sumugal ka pa rin sa pag-ibig mo kay Ems?" sagot ni Lean.
Ngayon ko lang nakita na magsigawan ang dalawa na 'to. Kadalasan ay nagbibiruan lang sila. Ngayon ko lang din nakita ang over protective side ni Vince.
"Magkaiba 'yon!" sagot ni Vince.
"How come it's different? Nagmahal ka ng kaibigan at babaeng alam mong hindi pa tapos magmahal ng iba!" Lean's tears are falling down her eyes while answering Vince.
"Magkaiba 'yon! Malinaw kung ano kami ni Ems! Ikaw? Sure ka bang ikaw lang babae niya?" sagot ni Vince.
"Babe! Tama na," saway ko. Nagkakagirian na ang dalawa na 'to at hindi ko'yon gusto.
"Tama ba naman kasi Ems, nasasaktan na nga ako tapos kasalanan ko pa rin?" sagot ni Lean.
"Babe naman kasi eh! Paulit-ulit ko siyang sinabihan tungkol diyan! Tapos isasali niya pa ang relationship natin! It doesn't make sense!" sagot naman ni Vince.
"Tigilan na ang bangayan! Hindi naman kasalanan ni Lean na nagmahal siya ng maling tao ah! Lahat tayo dumaan sa ganiyan! Vince, huwag ka nang magpaka-stressed lalo ka lang tatagal dito," sagot ko.
"My point here is I always tell her that that guy can hurt her! Ayoko na makita siyang ganiyan!" sagot ni Vince.
"Sige, Vince sigaw mo pa. May mga pasyente sa labas. Hindi ba pwedeng pag-usapan ng mahinahon?" sagot ko.
Nakarinig akong katok kaya ako'y tumayo at binuksan ang pinto.
"Is everything fine, Ma'am?" tanong ng nurse.
"Yes. I'm so sorry for the disturbance," sagot ko.
"Are you sure, Ma'am?" pagkukumpirma niya.
"Yes." Ngnitian ko siya upang masiguradong ayos lang talaga ang lahat.
Bumalik na siya sa nurse's station ng floor at ako naman ay bumalik na sa loob. Pareho nang mahinahon si Vince at Lean. Nagsalin ako ng tubig sa baso, tig-isa ko silang binigyan ng tubig.
"Mahinahon na kayo? Pag-usapan ni'yo na." Lumabas ako ng kwarto upang magkaroon sila ng privacy. Dinala ko ang phone ko at headset saka nagtungo sa hospital garden.
Umupo ako sa isang bench dito. Maya-maya lang ay duty ko na. Tuloy-tuloy na hanggang umaga. Nag-browse na lang ako sa news feed ko ng kung ano-anong memes. Habang may binabasa akong confession sa isang writing page ay biglang lumabas ang callers id ni Vince sa screen.
Babe calling...
"Hello?" sagot ko.
"Bumalik ka na. Lumiwanag na ang utak nitong pinsan ko," sagot niya
"Maayos na kayo?" sagot ko.
"Oo. Naipaliwanag niya na sa akin ang mga nangyari."
"Sige. May ipapabili ka ba? Para isang akyat na lang."
"Wala naman. Tanong mo na lang sa ER kung sino doctor in-charge sa akin," sagot niya.
"At bakit naman, aber?" sagot ko.
"Babe naman, tanong mo lang kung kailan ako ma-di-discharge," sagot niya.
"Hindi ka pa ma-di-discharge. Ako na nagsasabi sa 'yo," sagot ko.
"Bakit naman? Naka-recover na ako ah!"
"Bahala ka," sagot ko at binaba ang tawag. Makulit talaga sinabi na ngang magpahinga ayaw pa rin.
Pumunta ko sa ER katulad ng kaniyang sinabi. Hinanap ko rito ang doctor in-charge pero nasa rounds pa raw kaya dumiretso na ako sa kwarto niya.
"Ano sabi ni Doc, babe?" tanong niya nang makapasok ako.
Nakita ko si Lean na nakahiga sa isang kutson dito at natutulog. Siguro ay sa sobrang pag-iyak siya ay nakatulog.
"Nasa rounds daw. Siguradong pupuntahan ka naman niya rito," sagot ko.
"Ikaw? Anong oras ba duty mo?" sagot niya.
"6 pm pa.6-6," sagot ko.
"Edi makakapag-midnight rounds ka rito?"
"Depende kung saan ako ilalagay ng head nurse."
"Wala ka pa bang assigned floor?"
"Wala pa. Baka mamaya pa."
Nang mag-quarter to six na ay nagsimula na akong mag-prepare para sa duty. Nag-text na rin sa akin ang head nurse ng floor kung saan ako du-duty. Ewan ko kung malakas mag-manifest si Vince kaya ako napunta ako sa floor na 'to o kinausap niya 'yong head nurse.
"Lakas ng manifestation skills mo," saad ko.
"Syempre. Alangan namang pababain pa kita para lang mag-duty," sagot niya.
"Sana matino maging duty ko ngayon," sagot ko.
"Lumayas ka na rito, Ems. Baka ma-late ka na. Ako na bahala riyan kay Vince," saad ni Lean.
"Sabihin mo sa doctor nito hindi pa kamo siya pwede lumabas ng hospital. Baka mamaya kulang na sa nutrients 'to hindi ko pa alam," sagot ko.
"Yes po," sagot ni Lean.
"Babe, I'll go na," paalam ko kay Vince at niyakap siya.
"I love you!" sagot niya.
"I love you too. Pagaling ka. I'll check on you, later tonight?" sagot ko.
Lumabas na ako ng kwarto niya at dumiretso sa nurse's station para itanong kung sino ang duty after nila. Buti naman at iba sa ka-duty ko ay kakilala ko na. Hindi na ako nahirapan makipag-socialize.
"Sino magdadala ng gamot kay Sir Vince?" saad ni Nicka.
"Ako na lang. Baka sakaling mapansin ako," sagot naman ni Lira.
"Ako na lang. I-che-check ko rin kasi siya," singit ko sa kanilang usapan.
"Excuse me lang, Emily ah. Bakit parang lagi mong kadikit si Sir Vince? Kayo ba?" sagot ni Lira.
"Oo, bakit? May problema?" sagot ko.
"Edi may special treatment ka rito?" sagot naman ni Nicka.
"Wala," sagot ko.
Kinuha ko na sa kamaynila ang gamot at iniwan sila sa nurse's station.
A/N: The end is near, Bemskies! Thank you so much for waiting my updates and thank you for being patient! I'll give you the best ending and the most special ending of this trilogy! Thank you for you support and thank you for reading! Bem loves you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top