CHAPTER 22: WHO IS SHE?
Emily's POV
I heard from Sandra that Ken is already back. Pagkatapos ng araw na iyon ay palagi ko nang nakikita si Vince na balisa at palaging may malalim na iniisip katulad na lang ngayon. Kanina ay nagtitipa lang siya sa laptop niya ngayon ay tulala na lamang siya rito. Hindi ko alam kung wala na ba siyang maisulat o may bumabagabag sa isipan niya.
"Babe, what's the problem?" I asked.
Ang mapungay niyang mata ay bumaling sa akin. "What?"
"Anong problema? I noticed this past few days that you're one with your thoughts... I just want to know how can I help."
"I'm just tired on our duty and I can't think of what to write next. I don't want to leave you hanging that's why I'm trying."
"Don't push yourself to write if you cannot write. Hindi mo kailangan pilitin sarili mo kung hindi mo naman kaya pang magsulat."
"Can we go for a walk? Tutal hapon naman na so hindi na masiyado mainit."
"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.
"Capitol view," sagot niya.
"Okay. 'Wag na tayo magkotse ha. Sayang sa gas kay lapit-lapit lang eh."
"Kaya nga walk 'di ba? Maglalakad tayo," sagot niya.
Pinatay muna namin ang laptop at ang fan saka lumabas. Iniwan ko na ang cellphone ko dahil alam kong wala namang tatawag sa akin dahil sina Sandra ay busy.
"Saan naman kayo pupunta?" tanong ni Mommy.
"Diyan lang po sa kapitolyo," sagot ko.
"Maglalakad lang kayo?" sagot niya.
"Opo. Ayoko magkotse't mahirap bumwelta," sagot ko.
"Oh sige. Ingat kayo," sagot niya.
"Opo, Tita," sagot naman ni Vince.
Magkahawak kamay kaming naglakad palabas ng gate. Pinagtitinginan kami ng mga tao madaraanan naming. Nanatiling malamig ang expresyon sa aking mukha habang kami'y nililingon nila.
"Grabe pati ba naman paghawak ng kamay kailangan tignan na parang ang laki ng kasalanan natin sa mundo," bulong niya.
"'Wag kang maingay kapag ikaw narinig ng mga iyan siguradong pagchichismisan na naman tayo," sagot ko.
"Pabayaan mo sila!" sagot niya na nakapagpalingon sa grupo ng mga babaeng kasabay naming maglakad.
Ang lagkit ng tingin na ibinato nila kay Vince. Akala mo kung sinong mga ngayon lang nakakita ng lalaki. Hindi naming sila pinansin at naglakad na palayo sa kanila.
"Ganiyan na pala kapag famous!" sigaw ni Jamaica. Isa sa mga nagging kaibigan ko noong kabataan ko.
Nilingon ko siya at tinignan ng napakalamig na mangingilabot talaga sila. Hinila na siya ng mga kaibigan niya palayo sa amin. Ako naman ay hinila na rin ni Vince dahil parehong nagliliyab ang tinginan namin na kulang na lang ay sugurin ang isa't isa.
"Ems. Kalma. Isipin mo na lang na pasyente siya para humaba ang pasensya mo," saad niya.
"Alam mo namang ayoko ng tinatawag na famous 'di ba?"
"Hayaan mo na sila. They are jealous of what you become and they can't have what you already achieve. Huwag mong ibaba ang sarili mo para sa mga katulad nila."
Realization struck me like a thunder. I don't need to lower myself for people like them. I'll let them think whatever they want and just let it be. Hindi ko kontrolado ang isip ng mga tao kaya hindi ko kailangan mag-react sa mga sasabihin nila and that's immature of me to do that.
"You're right. Halika na nga," sagot ko.
Naglakad na kami papunta sa kapitolyo. Ang daming tao dahil hapon na at uwian na 'ata ng mga highschool students. Ang ilan ay nakita kong naka-Franklin University uniform. Ang tagal na pala noong huli akong napunta roon . Wala naman kasi akong oras para bumisita pero nasa bahay ang kopya ng mga libro para sa naging teachers ko. Habang inililibot ko ang paningin ko ay nakita ko ang isang grupo ng kabataan na nagbabasa ng libro namin ni Vince. Ang isang binatang lalaki ay binabasa niya ang libro ni Vince at ang mga babae ay binababasa ang unang book ng trilogy ko. Ang iba nilang mga kasama ay nakikiusisa sa kanilang mga binabasa. Gusto ko lumapit sa kanila pero hinayaan ko na lang na panoorin sila mula sa malayo. Dati pangarap ko lang na may magbasa ng libro ko kahit hindi ko nakikita. Ngayon nakikita ko na sila ng dalawang mata ko.
"Lapitan natin!" saad ni Vince.
"O-okay lang b-ba?" sagot ko.
"Oo naman! Tara bili!" sagot niya at hinila na ako palapit sa grupo ng kabataan.
"Bea! Si Emily at Vince!" the girl with a glasses said when her gaze reached to us.
"'Wag mo nga ko niloloko, Cess! Isang beses ko na silang nakita ayos na 'yon!" sagot ng babaeng nagngangalan na Bea ang may hawak ng libro ko.
Kaya madali ko siyang nakilala dahil isa siya sa mga readers ko na dumalo sa book signing.
"Hello!" bati ko.
Ang kaniyang tingin ay dumako sa amin ni Vince. Maging ang lalaking kanina'y abala sa libro niya ay bumaling din ang tingin sa amin.
"Ate Emily!" bati niya.
"Kuya Vince!" masayang saad ng lalaki.
"Nag-e-enjoy ba kayo basahin ang libro namin?" tanong ko.
"O-opo, Ate! Ang tagal kong pinagipunan 'yang trilogy mo, Ate," sagot niya.
"Talaga? Maraming salamat. Hindi ko inaasahang makikita ko kayo na binabasa ang gawa namin. Nga pala saang school kayo nag-aaral?" sagot ko.
"Franklin University po," sagot ng binata na ngayon ay nakatingin na sa akin na parang hindi pa rin siya makapaniwala.
"Wow. We have the same alma mater. We graduated senior highschool in Franklin University before we decided to go to Singapore," sagot ko.
"Grabe Kuya and Ate, sobrang linis at ganda ng pagkakasulat ni'yo. Nadala ni'yo talaga kami sa mundo ng mga istorya ni'yo," sagot niya.
"Salamat. Gusto ni'yo picture tayo?" saad ni Vince at nilabas ang phone niya.
Pagkatapos naming magpicture ay nagpaalam na silang aalis dahil maghahapon na. Sinabi naman nila na nasa official gc sila ng readers namin. Doon na lang kami pumwesto sa pinagpwestuhan nila. Binuksan ko ang phone ko at tinext si Sandra na nandito kami sa kapitolyo pero agad rin naman silang nag-reply na busy at hindi sila makakaalis sa trabaho. Naintindihan ko naman 'yon dahil alam kong may kanya-kanya na kaming buhay.
"Babe, I have something to ask..." Vince said while gazing at the trees around us.
Ibinaling ko ang aking pagtingin sa kaniya. Ang malungkot niyang mata ang aking nakita. Ngayon ko lang nakita ang ganoong lumbay sa kaniyang mata. Matagal niya na itong tinatago dahil pakiramdam ko ay sobrang bigat na ng kaniyang bitbitin.
"Hmmm?" sagot ko. Hindi ko alam kung anong tamang salita ang gagamitin ko para masagot ang kaniyang sinabi.
"If anything changes please do know that I did that for you. One day you'll understand what this means...Because he's already back..." A hint of sadness is evident in his voice. It's like he's getting a hard time because of it. He's hiding something, I knew it! There's something that I don't know about.
"Ano namang magbabago?" sagot ko.
"'Yong tayo..."
"Anong magbabago sa atin? Hindi kita maintindihan. May tinatago ka ba?"
"You'll understand one day..." he answered.
"Alam mo, gutom lang 'yan! Dala ko wallet ko. Street food na lang tayo! Don't be sad na bebe ko!" sagot ko upang sumigla ang atmosphere naming dalawa.Hinila ko na siya patayo at dinala sa mga food stalls. Kumain kami ng takoyaki at kung ano-ano pa. Nang mabusog ay napagdesiyonan na namin na umuwi. Naglakad lang kami upang makatulong sa pagtunaw. Kinabukasan ay nakipagsagupaan na naman kami sa hospital. Buti na lang at day off ko ng weekend samantalang si Vince ay may duty. Kulang ang staffing kaya hindi siya pwede mag-leave. Wala rin siyang special treatment sa hospital kahit siya pa ang tagapag-mana nito.
"Ems, sure ka bang okay lang na kasama natin si Ken?" saad ni Sandra. Pinuntahan kasi nila ako ngayon sa bahay dahil pag-uusapan namin ang gala sa Sabado. Wala si Vince dahil straight duty niya sa hospital. Sabi ko mag-on call na lang siya pero sabi niya ayaw niya. Doon na lang daw muna siya sa nurses quarters.
"Oo naman. Ayoko naman na magkaroon pa ng problema dahil lang sa ayaw kong kasama si Ken," sagot ko. Sa totoo lang ay hanggang ngayon hindi ko talaga kayang harapin si Ken pero matagal na panahon ang lumipas kaya kailangan ko na siyang harapin. Hindi pwedeng palagi ko na lang takbuhan ang kinatatakutan ko at alam kong maliit lang ang mundong ginagalawan namin kaya hindi rin maiiwasan ang hindi inaasahang pagkikita naming dalawa.
"Sigurado ka ba? Pwede naman kausapin ni Sandra si Ken na 'wag muna sumama. Lalo pa ngayon, wala si Vince," saad ni Lean.
"Okay lang. Hindi naman kailangan na palagi kaming magkasama ni Vince. Mas kailangan siya ng mga pasyente," sagot ko.
"Sigurado ka ha?" saad ni Zoe.
"Ano ba naman kayo? Pranning lang? Hindi naman ako tatalon sa building dahil lang sa pagkikita namin ni Ken," sagot ko.
"Nakabalik na si Ken?" singit ni Mommy sa usapan namin.
Natahimik naman kaming lahat dahil sa kaniya. "Anak, halika nga muna." Naglakad na siya papunta sa kusina. Nag-aalangan akong tumingin kila Sandra pero agad ring sumunod kay Mommy.
"Anak, alam kong matanda ka na at kaya mo nang magdesisyon sa sarili mo. Natatakot lang ako na baka kapag nagkita ulit kayo ni Ken ay magbalik ang masasakit na ala-ala mo," saad niya.
"Hindi po, Mi. Hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko noon. Poprotektahan ko na ang sarili ko. Saka Mi nandiyan si Vince. Hindi pwede kung anoman ang naiisip mo," sagot ko.
"Sigurado ka ba, anak? Alamin mo muna sa sarili mo kung may magbabago ba o wala sa relasyon ni'yo ni Vince sa araw na magkita kayo ni Ken... Alamin mo muna kung wala na ba talaga."
"Mi, hindi ko sasagutin si Vince kung alam kong meron pa. Hindi ko gagawing panakip butas si Vince. Hindi niya deserve maging ganoon, Mi. Mahal na mahal ko si Vince ng higit pa sa pagmamahal na ibinuhos ko kay Ken noon."
"Nagtitiwala si Mommy sa 'yo anak. Alam kong lulugar ka sa tama. Piliin mo kung anong makapagpapasaya sa 'yo. Hahayaan kitang magdesisyon sa parting iyan." Lumabas na siya ng kusina at iniwan ako mag-isa rito.
Napaupo na lang ako sa dining chair dito. Sigurado ba talaga ko? Sigurado ba talaga kong wala na? Na si Vince na talaga? Hindi ko alam kung anong magiging sagot ko sa tanong na 'yan. Masasagot lang 'yan sa araw ng pagkikita naming dalawa. Bumalik na ako sa sala kung nasaan sina Sandra.
"Ano? Nakapag-decide na ba kayo saan gala natin?" saad ko.
"Ems, pwede ka ba ng Tagaytay?" sagot ni Sandra.
Natahimik ako sa kaniyang sinabi. Bakit sa dinarami-dami ng lugar, Tagaytay pa ang naisip nilang puntahan?
"Hindi ako sigurado, Sands. Baka kasi mag-on call ako kasi kulang talaga ng staffing sa hospital kaya hindi rin makapag-leave si Vince eh," sagot ko.
"Ah ganoon ba? Sige kausapin ko na lang siya kung saan pa pwede," sagot niya.
"Ems, take a break naman. Hindi pwedeng trabaho ka na lang nang trabaho. Pahinga rin kahit minsan," saad ni Zoe.
"Kung madami lang hospital nurses sa Pilipinas bakit hindi ko i-grab 'yong opportunity na magpahinga kaso hindi eh. Marami lang graduate pero kadalasan walang nagtutuloy sa hospital. Like they don't have the courage to apply for it kahit fresh graduate sila. Kahit scholars ng DMC may chance pa rin mag-apply sa other hospitals," sagot ko.
"Maybe they're still not prepared of hospital work," sagot niya.
"But despite of it we still choose to work in the hospital," sagot ni Sandra.
"You deserve to rest, Ems. Relax-relax din 'pag may time," sagot ni Zoe.
Sandra's phone rang that making our eyes look there.
Engr. Ken calling...
Patay malisya niya itong sinagot na parang hindi niya kami kasama.
"Bakit?" pasinghal na saad ni Sandra.
She put her phone on loud speaker for us to hear what he'll reply.
"G ka ba? Tagaytay?" sagot ni Ken.
"Hindi eh. Si Ems kasi mag-o-on call daw. Hindi pwedeng malayo siya around Bulacan,"
"Then just exclude her!" sagot ng isang boses ng babae.
"I'm sorry for that. Sige ano, let's just go to the mall and watch movie. By the way pala, Sands. Patapos na 'yong bahay ko malapit na house blessing," saad naman ni Ken.
"Oo, Kuya. Invited ba si Ems?" sagot ni Sandra.
"If she's not busy then invite her for me," sagot ni Ken.
"Ganiyan ka na, Ken ha," saad ni Zoe.
"Invited ka syempre! Pumunta na lang kayo kapag lahat kayo free. Sige na at kinukulit na ko nitong kasama ko. See you soon na lang!" sagot ni Ken.
"Bye!" sagot ni Sandra at binaba ang tawag.
"Ems, nakahanap na kami ng apartment," saad ni Zoe.
"Talaga?" sagot ko.
"Malapit lang sa hospital nila Vince," sagot ni Sandra.
"Convenient. Magkano monthly?" sagot ko.
"Four thousand down. Malaki talaga 'yong apartment no'ng chi-neck namin. We took some pictures to show to you," sagot ni Zoe.
"May space pa ba ako diyan?" tanong ni Lean.
"Oo naman. Four bedrooms 'yon eh. Malaki rin kusina at bathroom," sagot ni Zoe.
"Malaki naman pala eh. Diyan na lang ako mag-s-stay kasi 'yong training center ko ay nasa Manila. Pati office ng firm na pinagtra-trabahuhan ko nasa Manila rin," sagot ni Lean.
"Kailan ba debut mo?" sagot ko. Hindi ako makapaniwala na malapit na si Lean sa mga pangarap niya.
"Malapit na. Makakasabay ko siguro sila Nathan sa debut kasi halos sabay lang kami nag-training," sagot niya.
"Buo na ba 'yong group nila?" sagot ni Zoe.
"Wala pang balita tungkol doon si Nathan. Na-mi-miss niya na nga raw si Zoe pero hindi siya makaalis sa dorm nila dahil nga sunod-sunod 'yong practice," sagot ni Lean.
"Palagi na kaming magka-video call pagkatapos ng trabaho tapos na-mi-miss niya pa rin ako. Para siyang timang," sagot ni Zoe.
"Magpapaalam na ako kay Mommy tungkol siyan sa apartment," sagot ko.
"Hapon na pala. Uuwi na kami, Ems. Writing time mo na rin, 'ata ito eh. Magsimula ka na magsulat," saad ni Lean.
"Hindi. Hahatiran ko ng dinner si Vince. Magluluto pa ako," sagot ko.
"Kaya nga aalis na kami para makapagsimula ka na. Sunduin ka na lang naming bukas dito," sagot ni Sandra.
"Sige," sagot ko.
Hinatid ko sila hanggang kanto ng baranggay naming. Nang makasakay na sila ay saka lang ako bumalik sa bahay. Pagbalik ko ay dumiretso ako sa kusina upang simulan ang pagluluto ng paboritong pagkain ni Vince. Pagkatapos kong iluto ang mga ito ay nilagay ko na sa nga baunan ang mga ito. Nilagay ko sa maayos na bag ang mga ito at lumabas na ng kusina. Kinuha ko ang motor ni Mommy at inilabas ito.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Mommy.
"Kay Vince po. Bilanggo ng hospital eh," sagot ko.
"Ah dadalhan mo ng pagkain?" sagot niya.
"Opo. Kawawa naman baka hindi na nakakain ng maayos."
"Eh mag-ingat ka sa pagmamaneho. Dalhin mo 'yong lisensya mo baka may huli."
"Opo," sagot ko.
Kinuha ko saglit ang lisensya ko sa aking kwarto at bumaba na ulit. Binitbit ko na ang baunan ni Vince. Mabilis akong nagmaneho paalis ng bahay. Hindi naman kalayuan ang hospital sa bahay kaya mabilis akong nakarating.
"Magandang hapon, Ma'am," bati ni Kuya guard.
"Gandang hapon po," sagot ko.
Dumiretso ko sa receptionist at tinanong kung saan naka-duty si Vince.
"Fourth floor nurse's station, Miss Emily," sagot ng nurse na nandito sa reception area.
"Thank you," sagot ko.
Pinuntahan ko na ang floor kung nasaan si Vince. Dalawa ang nurse's station dito kaya hahanapin ko sana siya pero hindi na pala kilangan dahil kasama niya ang anay sa relasyon naming. Talaga naman kahit saan nakasunod siya. Wala talagang pinipiling lugar ang mga katulad niya. Lumapit na ako sa kanila dahil mukhang nagkakasiyahan na sila roon.
"Vincent, kumusta ba?" saad ko.
"Babe! Bakit ka nandito? 'Di ba off mo?" sagot niya.
"Why are you here? If you bought dinner for Vince he's already done. We had dinner earlier," masungit na saad ni Celeste.
"So?" sagot ko.
"I got to go Vince. I just got out from the salon and I don't want to ruin my very beautiful nail." Naglakad na siya palayo sa amin na parang bakla kasi pupilantik pa ang kaniyang balakang.
"Nag-dinner ka na pala. Sana nag-text ka man lang. Sayang naman effort ko sa pagluto nito," saad ko.
"Hindi pa ako nag-di-dinner kasi hinihintay kita. Alam kong magdadala ka ng dinner," sagot niya.
"Sure ka?" sagot ko. Baka mamaya napipilitan lang siyang kumain kaya niya kakainin ang dala ko.
"Babe, kailan kita niloko?"
"Malay ko ba kung ngayon," sagot ko.
"Ikaw a'ata ang gutom sa ating dalawa kahit ako ang galing sa twelve-hour shift," sagot niya.
"Saan ka ba kakain? Sabay ba tayo?" sagot ko.
Dinala niya ako sa nurse's quarters. May sofa, coffee table at mga bunk bed.
"Dito ka natutulog?" tanong ko.
"Yeah. Idlip lang nagawa ko kanina kasi wala pa 'yong kapalitan ko," sagot niya.
"Kumain ka na tapos magpahinga saglit para may lakas ka mag-duty ulit," sagot ko.
"Mamayang 12 am nga palitan eh."
"Makakatulog ka pa." Nagsimula na ako maghain sa coffee table nila. Siya naman ay kumuha na ng plato. Sobrang mahal talaga ni Tita Mina ang mga nurses niya na ang itsura ng mga plato eh mamahalin.
Binuksan ko na ang mga tupperware upang sumingaw ang pagkain. Kumuha na siya ng pagkain niya.
"Mag-on call kaya ako bukas?" saad ko.
"Bakit naman? May gala kayo nila Sandra bukas ah."
"Ayaw kong makasama si Ken. Welcome party 'ata nila Sandra 'yon para sa kaniya." Aware naman siya tungkol sa lakad na ito. Alam niya ring nakabalik na si Ken galing America.
"Pwede mo naman sila tanggihan eh," sagot niya.
"Ayoko. Mas gusto ko mag-on call kesa mag-chill sa bahay. Tinatamad naman kasi akong magsulat eh," sagot ko.
"Eh anong gagawin natin?" sagot niya.
"Ganoon na nga lang. mag-on call ako para kapag biglaan akong naglaho may dahilan ako. Ti-next ko na Head Nurse kahapon pa."
"Edi if ever you'll cover the 12-hour shift bukas?"
"Ganoon na nga. Ayos lang naman mag-twelve hour shift eh."
"Nakakapagod kaya. Wala kang time na magpahinga kahit saglit."
"Kaya 'yan."
"How do you feel?" bigla niyang tanong.
"How do I feel? It's just the same. Nothing to worry about. Hindi ko naman dinaramdam 'yong pagbalik niya," sagot ko. Alam kong itong topic na 'to ang kaniyang sinasabi. Alam kong hinahanda niya ako sa mga posibilidad na pagbabago sa relasyon namin.
"Babe, I know you don't want to talk about this topic but we really need to. Aminin naman natin na maaring may magbago. Change is inevitable, Babe."
"I know. Let's just trust the process. Huwag mo pangunahan."
"Hindi nga. May tiwala ako sa 'yo, Babe. Alam kong hindi ka gagawa ng ikasasakit mo."
Pagkatapos namin kumain ay hinatid niya na ako sa parking area.
"Magpahinga ka habang wala pa 'yong kapalitan mo," saad ko.
"Mag-ingat ka sa pagmamaneho. Kaskasera ka pa naman," sagot niya.
"Hindi ako gagawa ng ikapapahamak ko," sagot ko.
"Kahit na. Baka gumala ka pa ha. Gabi na. Magsulat ka na lang sa kwarto."
"Oo. Dadaan muna ko sa milktea place diyan."
Hinawi niya ang mga buhok na nakaharang sa aking mukha at isininop ito sa likod ng tenga ko. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko bago ako niyakap ng mahigpit.
"I'm gonna miss you. Ingat ka sa pag-uwi ha," saad niya.
"I'll miss you too," sagot ko.
Kinuha niya ang helmet sa kamay ko at inilagay ito sa aking ulo. Sinigurado niyang maayos ang pagkakabit nito at hindi matatanggal sa pagkakalagay nito. Sumakay na ako sa motor at ini-start ang engine nito. Kumaway lang ako sa kaniya bago ako nagmaneho paalis. Dumaan lang ako saglit sa milktea shop at umuwi na. Habang umoorder ng aking milktea ay may bulto na sobrang pamilyar sa akin ang bumaba mula sa Lamborghini at may kasama itong babae. Hindi bumaba ang babae sa kotse at tanging ang bulto lamang na pamilyar sa akin ang bumaba. Tinawag na ako ng cashier para sa order ko. Umupo ako sa isa sa mga table rito upang makumpirma kong siya nga ang nasa isip ko.
"Sir Ken! Welcome back po!" bati ng cashier kanina. Tama nga ang nasa isip ko. Si Ken nga ang bulto na nakita ko. Mukhang regular siya rito dahil kilala siya ng cashier.
"Hi, Ate! Winter melon milktea with extra pearls. Saka po cookies and cream," sagot ni Ken.
What's with the winter melon milktea at pareho kami ng in-order?
"Dalawa order mo ngayon, Sir ah! May kasama ka ba?" sagot ni Ateng cashier.
"Meron po," sagot niya.
Sino kaya ang kasama niya? Siya rin kaya 'yong babaeng nagsalita sa call? Bakit ba ang curios ko sa kung sino 'yon eh wala na dapat akong pake sa kaniya? Binitbit ko na ang milktea ko at lumabas na ng milktea shop. Nang makauwi ay naligo ako saglit at nagtambay na sa kwarto ko. Ti-next ko muna si Vince na nakauwi na ako at magsusulat na. Tinuloy ko na ang sinusulat kong chapter para sa collaboration namin.
The next morning came. Nagising ako dahil sa ringtone ng cellphone ko.
"Hello?" bati ko sa tumawag.
"Good morning, Babe! Rise and shine! Ako ngayon pa lang makakatulog," sagot ni Vince.
"Good morning. Matulog ka na para sa shift mo mamaya hindi ka lutang. Don't worry tawagan mo lang ako kapag hindi mo na kaya. Sasaluhin ko shift mo," sagot ko.
"Just enjoy your day, Babe. Don't worry about me. Kahit 'wag ka na magdala ng dinner later kasi baka gabihin kayo nila Sands sa gala. Kasama ni'yo si Lean?"
"Yes. Buti na lang at hindi niya kasama 'yong pinaglihi sa sama ng loob na si Eros," sagot ko.
"Mabuti naman. Kung hindi baka sobrang sakit na ng ulo ni'yo ni Sandra kasi dalawa ang kasama ninyong pinaglihi sa sama ng loob," sagot niya na nagtutukoy kay Ken.
"I have some chika for you. Nakita ko 'yon kagabi sa milktea shop, kasi 'di ba I told you naman na I'm going to have milktea? He have a girlfriend 'ata," sagot ko.
"Mabuti. Sana makatagal 'yong babae kay Ken. Ang dami pa namang issues ng lalaki na 'yon," sagot niya.
"Oo nga eh. Sige na, Babe. Go to sleep na. I have to prepare na," sagot ko.
"Okay. Enjoy! Stay safe! I love you!" he answered.
"I love you too! Go to sleep na," sagot ko at binaba ang tawag.
SEENERS SQUAD
Sandra:
@Emily Savvanah wag kang pa vip mamaya ha!
Zoe:
@Lean Sawyer sana di mo kasama yung pinaglihi sa sama ng loob.
Andy:
I hope this will be better. I'm really not interested in meeting Ken right now but I got to protect our precious Emily. I won't think twice to push Ken off the cliff if ever he'll hurt Ems again.
Me:
Grabe naman kayo. Hindi ako pa-vip ah!
Lean:
Hindi ko na sasama yung walking sama ng loob na 'yon!
Me:
Masakit sa head kapag kasama pa siya.
Sandra:
Magsiligo na nga tayo. Naiinis na ko sa kasama ni Ken. Napaka arte at gusto tayo mauna. Nasa salon pa daw sila.
Me:
Wag mo pa isama 'yang dalawa na 'yan!
Sandra:
Kung pwede lang.
Lean:
Tayo na lang kaya gumala?
Me:
Oo nga.
Sandra:
Hindi nama pwede na ganun. Nasabihan ko na si Ken eh.
Me:
Sige. Kita na lang tayo sa kanto namin.
Bumaba na ako para kumain ng agahan. Magluluto pa sana ako pero nakita kong may nakatakip na sa lamesa kaya kumain na lang ako. Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako. Nagsuot lang ako ng baggy pants at over sized shirt. I paired it with a white ball cap, sneakers and purse. Chi-nat ko na sila Sandra na ayos na ako at sakto ring papunta na sila. Hindi baleng mauna kami sa mall dahil may oras pa kaming maglibot. Bumaba na ako at nagpaalam kay Mommy na aalis na ako.
"On call ka ba?" sagot niya.
"Opo. Baka i-cover ko shift ni Vince," sagot ko.
"Sige. Dala mo ba 'yong scrubs mo?"
"Babalikan ko na lang po kapag tinawagan ako," sagot ko.
"Lumakad ka na't baka nandiyan na sila Sandra," sagot niya.
Saktong nang makarating ako sa kanto naming ay nandoon na sila at hinihintay ako.
"Ganda ng ayos, Ems!" saad ni Lean.
"Tinatamad ako mag-ayos kaya hinalughog ko na lang 'yong closet ko," sagot ko.
Pumara kami ng dalawang tricyle at nagpahatid sa mall.
"Anong gagawin natin habang wala pa 'yong mga pa-VIP?" tanong ko.
"I guess we'll just go somewhere?" sagot ni Andy.
"National Book Store tayo para mawala 'yang init ng ulo ni'yo," sagot ni Sandra.
"National Book Store then," sagot ni Zoe.
Nagpunta na kami sa National Book Store upang mag-window shopping ng libro dahil pare-pareho kaming walang pambili.
"Ems!" tawag ni Lean sa akin.
Agad naman akong pumunta sa section kung nasaan siya. Nasa romance section siya.
"What?" sagot ko.
Kinuha niya ang isang set ng libro ko na nakalagay sa shelf.
"Hawakan mo 'yan tapos umupo ka roon sa tapat ng mga books mo diyan sa shelves," sagot niya.
Tinanggal ko ang ball cap ko at inabot ko sa kaniya ang phone ko para ma-piture-an niya ako. Hindi pa rin talaga nag-si-sink in sa akin na published author na ako at minsan ay nawawala pa sa isip ko. Ngumiti ako sa harap ng camera at pagkatapos naming mag-picture ay pinagmasdan ko ang shelves. This was my dream before... To see my books here and now I made it. I'm seeing my books here in National Book Store. After one hour of roaming around national book store Sandra received a text from Ken that they are already here. Finally after a few hours of waiting ay nakarating na rin sila.
"Sa food court na lang daw tayo magkita-kita," saad ni Sandra.
"Sinasabi ko kapag mas maganda pa kay Ems 'yang bitbit niyang babae paalisin mo 'yan sa harap namin, Sandra," saad ni Lean.
"Yeah. Our time is gold especially Ems. She must be on her duty right now but she choose to be on call," saad ni Andy.
"Nako talaga lang, Andy. Kapag mukhang hampas lupa ihahampas ko talaga siya sa lupa ng literal," sagot ni Sandra.
"Sila naman kaya paunahin natin sa food court. May nakalimutan kasi kong bilhin sa Penshoppe eh," sagot ko.
"Hindi talaga magpapatalo ang best friend namin!" sagot ni Zoe.
"Mauna na kayo sa food court," sagot ko.
"Sama ko sa 'yo, Ems," sagot ni Lean.
"Sige. Kami na we-welcome sa late na 'yon," sagot ni Sandra.
Naghiwalay na kami ng daan. Nagtungo kami ni Lean sa Penshoppe. Bumili lang ako ng natitipuhan kong oversized shirt na minimal ang design. Bumili rin ako ng cologne sa bench. Halos thirty minutes din kaming naglilibot bago ako inaya ni Lean na pumunta na sa food court.
Pagdating naming sa food court ay nakita ko na sila Sandra na abala sa pakikipagtitigan sa kasama na babae ni Ken.
"'Yan 'ata 'yong kasama niya sa milktea shop," bulong ko.
"Mukhang walang matinong lalabasa sa bibig," bulong ni Lean.
Pinanatili ko ang malamig kong expresyon hanggang sa makarating kami sa pwesto nila.
"Ems! Finally!" saad ni Sandra.
"My apologies for being LATE!" sagot ko na pinagdidiinan ang salitang 'late'.
"My apologies also. Akala ko kasi hindi na makakarating 'yong iba diyan!" sagot ni Lean.
"Who are those looking cheap ba? Saka nag-over sized shirt ka pa mukha ka namang takas mental dahil diyan sa buhok mo. Naka-cap ka pa ang baduy," saad ng babae na katabi ni Ken.
"Watch your words and know who you're calling cheap, Miss whoever you are," malamig na saad ni Lean.
"Again? Louder please? I didn't hear you," sagot ko at tinanggal ang cap ko. Inayos ko ang mahaba kong buhok na natural hindi katulad ng kaniya na rebonded.
"By the way, she's Engr. Aleesha Mara Lopez," pakilala ni Ken.
"I don't care who she is," sagot ko. Hindi talaga ko interesado malaman ang kaniyang pangalan dahil sa pinakita niyang ugali sa akin.
Um-order na si Sandra ng pagkain namin. Mabilis lang siya nakabalik kaya nagsimula na kaming kumain at dumiretso sa movie house.
A\N: Hi Bemskies! I hope you're doing well! At sana rin hindi kayo tamabak ng work loads. May free time ako ngayon kaya nag-update ako. Sana palagi 'no? Huwag kayo mag-alala I still make time for you. Achievement test lang kasi ginagawa namin ngayon kaya marami kong time pero syempre after this week puno na naman schedule ng author niyo. Thank you for waiting!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top