CHAPTER 21: FREE


Ken's POV

"What are we going to do?" Kyle asked while eating his breakfast. Kumakain kami ng agahan ngayon. Pinagdedesisyonan namin ang mga gagawin para maayos ang pamilya.

"Mama wanted to fix our relationship with them. She wants us to live with them," sagot ni Ate.

"I'm not yet ready for it honestly, Ate. Hindi ko kayang harapin ang mga taong sinaktan ang kapatid ko," sagot ni Kuya.

"I'm up for it as long as wala silang gagawin kay Kyle," sagot ko. Gusto ko rin namang maayos ang pamilya naming ang ayoko lang ay habang nasa proseso kami nito ay gagawin pa rin nila ang parehong pagkakamali na nagsanhi ng gulo sa amin. He's so precious to us that even if it's hard we'll try to give him a peaceful family.

"Kyle, you need to undergo therapy so that you can overcome with it," saad ni Ate patungkol sa plano naming dalhin siya sa doctor.

"Is it really needed, Ate?" sagot niya.

"Yes para bumuti ang kalagayan mo," sagot niya.

"Sige po. Baka sakaling mawala ang nightmares ko kapag nangyari 'yon," sagot ni Kyle.

"That's our boy!" sagot ni Kuya Kenneth.

"Yuck, Kuya!" reklamo naman ni Kyle. Ang expression ng kaniyang mukha ay tila naalibadbaran sa narinig.Parang iyon na ang pinakanakakadiring bagay na lumabas sa bibig ng isang tao.

"So magiimpake na naman ba para lumipat doon?" agot ko.

"Yes. We need to socialize with them kasi wala namang mangyayari kung maguusap lang tayo sa telepono," sagot ni Ate.

'I'll be with Liza for now." Lumabas si Kuya ng dining area namin.

"I guess he's still mad aboutwhat happened?" saad ko.

"It's normal. Give him time to accept," sagot ni Ate.

"Yeah it's a matter of time," sagot ko.

"Tapusin mo na 'yang pagkauin mo at nang makapasok ka sa school! Hahatid kita," saad ni Ate nang bumaling siya kay Kyle.

"Okay," sagot ni Kyle.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng mga plato.Pagkaapos kong itaob ang mga ito ay bumalik ako sakwarto para kuhanin ang laptop ko at magsimula na magtrabaho. Mara is calling me non-stop kaya sinagot ko na rin ang siguro ay pangtatlumpu niya nang tawag.

"Why?" I said.

"You're needed in the meeting here," sagot niya.

"When I said I'm out for work don't make me go there and have a meeting. Reschedule everything!" sagot ko.

"Chill, okay! I'll do what you want," sagot niya.

"Good," sagot niya.

"Take care! Stay safe!" Binaba niya na ang tawag.

Bumalik ulit ako sa ibaba bitbit ang laptop k. Naabutan ko sila ate na paalis na. "Alis na kami, Ken!" paalam ni Ate at lumabas na. Kumaway lang sa akin si Kyle na tinanguan ko na lang.

Nagsimula na akong mag-check ng emails at gawin ang mga naitambak na trabaho noong umalis ako. Lunch came so I ordered some food for me. Tinatamad akong magluto ng kung anoman ang nasa ref. After a few minutes dumating na ang in-order ko. While eating I can't stop thinking of her. Gusto ko malaman kung kumusta nab a suta pero hindi ko magwa dahil for sure Vince will be mad. I'll just check on her social media to see if there's an update but there's none but a meme. Siguro morning shift siya kaya hindiniya hawak ang phone. Pagkatapos ko kumain ay tinapon ko na ang pinagkainan ko.

Night came we decided to pack our things. Hindi ko dinala lahat dahil paniguradong saglit lang ako roon. Ngayong gabi rin ang alis naming fahil may dinner na inihanda para sa amin. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay bumaba na ako bitbit ang maleta ko. Nasa living room silang lahat.

"Are you really sure about it, Kenneth? 'Di ka ba talaga sasama?" tanong ni Ate.

"Yeah. I'll be in Liza's condo for now," sagot niya.

"Ken, 'wag ka munang sisibat ng Pilipinas hanggat alam mong hindi ayos si Kyle at Ate roon," bilin ni Kuya nang balingan niya ako ng tingin.

"Yeah. Aayusin ko muna 'tong pamilya na 'to bago ko lumapit sa kaniya. Ayokong dumagdag ng stress sa kaniya. Stressed na nga siya sa trabaho dadagddag pa ba ako?" sagot ko.

"Good. Know how to weigh priorities," sagot niya.

"So you're staying with Liza for now? Baka naman may gawin kayo ha. Med-student si Liza, Kenneth. Saka na kapag decided na kayong magpakasal," saad ni Ate.

"Ang dumi ng isip mo, Ate! Kayo ba ni Kuya Darren decided na rin?" sagot ni Kuya.

"Ibig-sabihin ni Ate na 'wag ka raw muna magdagdag ng problema! Malaking problema raw kapag ikaw nauna sa aming mag-anak!" sagot ko. Agad niya naman akong binalibag ng throw pillow.

"Malaking problema rin kapag binalikan ka ni Ems! Pagdadasal ko talaga sa lahat ng santo na hindi ka niya balikan!" sagot niya.

"Pagdadasal ko rin sa lahat ng santo na sana mahirapan ka kapag iniwan ka ni Liza!" sagot ko.

"Sure ka bang babalikan ka? Ako kasi binalikan na, eh ikaw?" segunda naman ni Ate sa asaran namin ni Kuya.

"Kung ikaw binalikan malamang ako rin! Mana-mana lang 'yan? 'Di ba, Kyle?" saad ko na parang humihingi ng tulong kay Kyle.

"Malabo, Kuya. They are planning to collaborate in a mystery-romance book. Talo ka na, Kuya. She already had her dream guy," sagot ni Kyle habang sa cellphone siya nakatingin.

"Minsan talaga nagtataka ko bakit kayo 'yong mga kapatid ko eh. Ang panget ng ugali!" biro ko.

"Ayos nang pangit ang ugali pero wala kaming kapatid na OA! Pagdating sa love!" sagot ni Ate.

"Kapag si Kyle nagkaganoon 'wag kayong magrereklamo ha!" sagot ko.

"Ate, let's go. The messages are bugging my phone! Hindi tuloy ako makapag-chat kay May ng maayos!" saad ni Kyle.

Lumabas na kaming lahat ng condo. Pinadala rito ni Kuya ang RV niya para lang maihatid niya kami. Pinauna ko nang sumakay sila Ate at ako naman ang naglagay ng mga gamit naming. Pagkatapos kong ilagay ay pumwesto na ako sa harap katabi ng driver. Si Kuya ang magmamaneho dahil gusto niya raw na siya mismo ang personal na maghatid sa amin para raw sigurado siya na safe kaming makakarating. Agad kong binuksan ang phone ko dahil kanina pa ito tunog nang tunog.

Sandra Harrington:

Kuya si Ems at Vince may collab book!

Me:

Nasabi nga ni Kyle.

Sandra Harrington:

Anong plano mo? Malayo layo na sila sayo.

Me:

Wala. Hahayaan ko muna sila. Diskarte niya na yun.

Sandra Harrington:

Puro ka ganiyan mamaya magulat ka na lang ikakasal na sila. Chat ya later. May klase na ako.

Binalik ko na sa bulsa ko ang cellphone ko at ibinaling sa daan ang aking paningin. Hindi na ako nagreply sa message ni Sandra dahil baka may klase na siya. Sumagi na naman sa isip ko kung anong paraan ang gagawin ko para makabalik sa kaniya. Alam kong hindi magiging madali dahil halata sa kanila na mahal nila ang isa't isa at ako ang panira sa maganda nilang istorya. Hindi ko naman gustong manira ng relasyon na iba, ang tanging gusto ko lang ay mabalikan siya. Bahala na ang tadhana kung mangyayari ang gusto ko o hindi.

After a few minutes ay nakarating na kami sa tapat ng mansion. Pinasok niya lang sa loob ang RV at may mga sumalubong na sa amin na mga katulong para ibaba ang mga dala namin.

"Just text me if anything happens," saad ni Kuya.

"Alam ko na kung saan namana ni Ken 'yong ka OA-yan!" saad ni Ate.

"I'm just being protective, Ate. Alam mo namang medyo slow 'yang si Ken!" sagot ni Kuya.

"Ako pa nasisi!" sagot ko.

"Magsibaba na nga kayo nang makaalis na ako!' sagot ni Kuya.

"Bakit excited ka umalis?" tanong ni Ate.

"Wala lang," sagot niya.

"Kenneth... Sinasabi ko sayo," sagot ni Ate.

"Wala akong gagawin, Ate. We're just having a dinner date and probably I'm late cause we're so talkative," sagot ni Ate.

"Ate, mauna na akong bumaba. Excited umalis 'tong si Kuya." Bumaba na ako ng RV. Hinintay ko lang na makababa sila Ate at sabay-sabay kaming pumasok sa mansion.

"Good evening, Young Masters," bati ng isang katulong. Sa pagkakaalala ko ito yung katulong nila na hindi bumati sa akin. Siguro ay order sa kanila iyon. Matagal ko na itong nakikita rito kaya hindi ako nag-isip na bago siya.

Pumasok na kami sa loob ng bahay.The house looks so new because in my eyes I think they change everything here especially in the living room. They even change the color of the wall and the places of furnitures. This may help Kyle not to have nightmares every night because this place will remind him what happened to him.

"Nandito na pala kayo," saad ni Mama. Abala ko sa pagtingin sa paligid na nawala na sa isip ko ang batiin siya.

"Good evening, Ma," bati ko.

Lumapit siya kay Kyle at niyakap ito. Si Kyle naman ay hindi makilos ng ayos dahil sa gulat.

"I'm sorry...We're going to find ways to make you feel better," saad ni Mama.

"W-what? Aren't we going to eat?" kinakabahang sagot ni Kyle.

"Gusto mo na bang kumain? Tara na," sagot ni Mama.

Nauna na silang maglakad papunta sa dining room. Sumunod na lang kami ni Ate sa kanila. Naroon na si Papa na mukhang hinihintay kami. Malaki ag pinagbago ng katawan niya mula sa mukhang malakas at malusog nagging mapayat siya at mukhang wala sa tamang oras ang pagtulog. Siguro ay na-stress siya sa nangyayari sa kompanya.

"Where's Kenneth? I thought you all will stay here for awhile?" saad ni Papa.

"He's with his girlfriend right now, Pa," sagot ni Ate.

"Oh. Seat down and let's eat," he commanded.

Umupo na kami sa mga pwesto namin. Sunod-sunod na lumabas ang mga maid dala ang mga pagkain. Napansin kong halos lahat ng mga ito ay paborito namin. Kahit ang paboritong pagkain ni Kuya ay nandito rin. Ihinain na ito sa hapag kainan. Nilagay sa aking tapat ang paborito kong kare-kare, kay Ate ay ang paborito niyang chicken alfredo at kay Kyle ang spaghetti with meat balls.

Nababalot ng katahimikan ang lamesa at pare-parehas na abala kaming lahat sa pagkain. May nalasahan akong kakaiba sa pagkain na nagpaalala sa akin ng nakaraan naming pamilya.

*Flashback*

"Ken! Kakain na! Uunahan kita sa favorite mo!" sigaw ni Ate.

Ibinaba ko na ang cellphone ko at tumakbo palabas ng kwarto. Nang makarating ako sa baba ay nandoon na silang lahat sa dining area. Tumutulong si Ate sa paghahain at si Mama naman ay pinatatahan si Kyle sa pag-iyak. Kumuha na ako ng mga kutsara upang makapgsimula nang kumain.

"Hintayin ni'yo ang papa ninyong makababa. Nagbibihis lang siya saglit," saad ni Mama.

Ilang saglit pa ay dumating na si Papa at si Kuya. Naka-uniform pa si Kuya na pang-basketball. Galing 'ata siya sa practice nila ng basketball. Wala naman akong interest sa laro na iyon. Sinasali niya ako pero ako mismo ang tumanggi dahil mas gusto ko ang pagguhit. I'd rather draw everyday than to play sports. Umupo na kaming lahat sa hapag-kainan.

"Hulaan ni'yo kung sino nagluto!" saad ni Mama.

"Ikaw!" masayang sagot ko.

"Hindi mo pa nga natitikman ako na agad," sagot niya.

"Syempre po, ikaw lang naman nagluluto. We don't have maid po."

"Kumain na tayo. Gutomna ako sa mga amoy pa lang," saad ni Papa.

Nagsimula na kaming kumain habang nagkwe-kwentuhan tungkol sa nangyari sa araw namin.

*End of Flashback*

"Ken!" tawag ni Ate.

"Ha?" sagot ko.

"Kanina ka pa tinatanong kung kamusta kompanya mo. Masyado ka 'atang nasarapan sa pagkain nakalimutan mo na magsalita," sagot niya.

"I'm sorry but sino nagluto nito?" tanong ko.

"Ang mama niyo ang nagluto niyan lahat. Sinabi ko nang huwag magluto at baka mabinat pero mapilit siya eh," sagot ni Papa.

"Nagustuhan mo ba, Ken?" sagot ni Mama.

"O-opo," sagot ko at nagpatuloy na kumain.

"So Ken, since you're back in your senses... How is your company?" saad ni Papa.

"It's fine. Going well," sagot ko.

"That's good. I hope you also can help us with ours," sagot niya.

"I hope I can find a solution soon," sagot ko.

"Kenneth is also helping out, Pa," sagot ni Ate.

"That's good. Tulungan ninyo muna ang Papa ni'yo pansamantala dahil maayos naman 'ata ang mga kompanya ninyo," sagot ni Mama.

"How are you, Kyle?" tanong ni Papa kay Kyle.

"I'm doing great po," sagot ni Kyle.

"How's your grades in school?"

"I'm still at the top of the game, Pa,"

"Pagbutihan mo pa, ha," sagot niya.

"Opo," sagot ni Kyle.

Pagkatapos naming kumain ay si-nerve na ang dessert. Ultimo pati dessert ay paborito naming magkakapatid.

"Nag-enjoy ba kayo sa dinner?" tanong ni Mama.

"Opo!" sagot ni Kyle.

"Now since you three are full, handa na kayo sa mga tanong ko. Syempre we need to catch up," sagot ni papa

"I'm ready!" sagot ni Kyle.

"I was born ready," sagot ko.

"Parang talk show, Pa!" saad ni Ate.

"I want to make it fun for the three of you. Hindi para less pressure," sagot niya.

"Why don't we start to Kassandra?" saad naman ni Mama.

"Bakit ako?! Si Ken na lang mauna!" sagot ni Ate.

"Eh di kay Ken tayo," sagot niya.

Nabaling naman ang tingin sa akin ng aming mga magulang.

"What?" I coldly said.

"How's life? Hindi ko na tatanungin ang status ng kompanya mo dahil for sure maayos nama n 'yon," sagot ni Papa.

"Living but not breathing? I guess?" sagot ko. 'Yon talaga ang nararamdaman ko mula noon hanggang ngayon. When I left her it's the same as not breathing in my whole entire life.

"Why?" sagot ni Mama.

"You know when the day I left her is the same day I killed myself. I'm not blaming you for your decisions for my life, I just can't help to be hurt every time you humiliate her in front of me. She doesn't deserve to be called cheap and gold digger cause she isn't one and she'll never need a guy to have money cause by just herself she can have it all. She's a queen who doesn't need a king she just needs her crown and her throne," sagot ko.

"You're words says it all. You really love her... I want to ask you...What's with her that made you crazy all over her?" sagot ni Papa

"I don't know. Just one day I discovered that I already fell despite the fact that our status are entirely opposite before," sagot ko.

"Before I thought that status are the definition of love but really it isn't. It just we matter more on our reputation before," sagot ni Mama.

"Is she really related to Lincoln Howards?"

"Yes... I made my research about it and yeah they are. Umalis si Lincoln dahil nagkaroon siya ng babae. That's why I know she hate cheaters. Lately Lincoln Howards showed up and his son introduced himself to Emily," sagot ko.

"So she isn't really a normal nurse and published author?" sagot ni Ate.

"Yeah. I also found in my research that her aunt, Patricia Howards is a director in Alliza Ford's hospital," sagot ko.

"What? So if ever Emily wants to go to US she can easily have her visa and job?" sagot ni Mama.

"Even without her she can easily go to US because of Vince and she can work," sagot ko.

"She's really surrounded by high profile personalities," sagot ni Mama.

"Despite of everything she have she still remains the Emily I know in the past," sagot ko.

"Tinamaan na 'to, Ma! Hindi na ako magugulat kung isang araw tatawag na lang 'yan na lahat tayo imbitado sa kasal niya. Alam ni'yo bang patapos na bahay niyan na may library!" sagot ni Ate.

"Interesado ka na pala sa mga libro ngayon, Ken," saad ni Mama.

"I'm really interested in particularly one book and one author," sagot ko.

"Kyle, I know you're into books. What does Emily writes?" tanong ni Mama.

"Romance teen fiction books, mystery books almost everything she writes is trilogy. She's already called the queen of trilogies and series by some readers. Now that she already had a published book she's already gaining popularity. Her famous and published work is You Trilogy believably it's her love story with Kuya because in the ending the girl fell in love with some other guy and the guy fell in love with another girl," sagot ni Kyle.

"I should probably buy that book. I want to read one of the works of my future daughter in law," saad ni Mama.

Nagpanting ang tenga ko sa narinig. D-daughter in law? She's already considering Ems as one? Akala ko si Ana lang ang kilala niyang mapang-aasawa ko meron pa pala at sa ksuwertihang palad ang babaeng mahal ko pa.

"Ken!" Ate screamed.

"What?" sagot ko.

"You're finally free!" saad ni Ate.

"I think so..." sagot ko.

"I want the best for you, son. I want to bring out the best in you and if it's her then we'll gladly support you in what you want," sagot ni Papa.

"Diskarte mo na kung paano siya babalikan, Ken. Do we need to book the private plane for you? Sagot ko na gas para mabilis kang makabalik ng Pinas," Ate answered.

"Baka mamaya sa bank account ko i-charge 'yan. Hindi pa tapos interior ng bahay ko," sagot ko.

"Charge it on my bank account. Looks like Ken is getting cheaper this days," saad ni Papa.

"Daig pa may anak!" sagot ni Ate.

"Yeah. Kuya Ken is so kuripot!" saad ni Kyle.

"I'll finalize my leave on my company and the construction of my company in the Philippines," sagot ko.

"Wow. You're getting big in the business. Nagmana ka talaga sa amin ng Mama mo," sagot ni Papa.

"Syempre! I handle my company so well! Huwag po kayo mag-alala ako na po bahala sa inyo. Pagdating ko sa Pilipinas aayusin ko na 'yang company ni'yo," sagot ko.

"That's nice. Tell your Kuya Kenneth to help you out with it," sagot ni Mama.

"Makakarating po," sagot ko.

"Kassandra, ikaw? May balak ka bang bumalik sa hospital? Hindi ka naman namin pipigilan kung gugustuhin mo. Masyado ka nang matagal na huminto sa trabaho mo para lang makatulong sa company. I can rely to Kenneth and Ken when it comes to it," sagot ni Mama.

"I don't think I can go back to work for now. I'm gonna focus first on our trading company. Kapag stable na 'yon at kaya na ni Kenneth saka lang ako makakabalik," sagot ni Ate Kass.

"Speaking of your boyfriend...Who is he? Invite him over dinner some other time. Ikaw din, Ken, kapag nagkabalikan kayo ni Emily dalhin mo siya sa bahay. If here or there in the Philippines kung saan kayo convenient," sagot ni Papa.

"Well, my boyfriend is Dr. Darren Azarele Samson. He's a neurosurgeon and I met him in med-school. He can't come over for dinner for now because he's busy on his duties in the hospital," sagot ni Ate.

"No worries. No need to be rushed," sagot ni Mama.

"Matagal pa po bago ko madala sa dinner si Ems dahil matagalang suyuan ang magaganap at sagupaan ng sakit," sagot ko.

"Ikaw, Kyle? Baka may girlfriend ka na rin ha!" striktong saad ni Mama.

"Meron po...Libro po," sagot ni Kyle.

Nagtawanan naman kaming lahat dahil mukhang problemado si Kyle sa isasagot niya. Alam niyang pagagalitan siya kapag nalaman ang pinaggagawa niya.

"Kyle, huwag muna sa ngayon. Bata ka pa para roon at hindi laro ang pagkakaroon ng relasyon. Hindi laro ang lahat ng iyon," saad ni Mama.

"Ma, what if I have one? Magagalit ba kayo?" sagot ni Kyle.

"Hindi. Sarili mo ang nagdesisyon namagkaroon ng relasyon. Ang tanging gawin o na lang ay mag-ingat sa mga gagawin mo kasama siya," sagot ni Mama.

"Just don't break your own heart like what I did. Always follow your heart," sagot ko.

"Ma! Daan-libong sermon ang inabot sa akin ng bata na 'yan tapos kayo susuportahan ni'yo pa?!" saad ni Ate.

"Kassandra, tiwala ako sa pagpapalaki mo riyan sa kapatid mo. Kaya nagtitiwala ako sa kaniya na wala siyang gagawing kung ano," sagot ni Mama.

"Just do know, Kyle that we're not going to let you experience what happened to your siblings," sagot ni Papa.

Tumingin si Ate sa kaniyang cellphone dahil sa pagtunog nito. I think it's a text message from Kuya Darren. Pinatay niya muli ang cellphone at ibinaling ang atensyon niya sa amin.

"It's past bed time. Kyle needs to sleep now," saad ni Ate.

"Okay. I think you three should go up now," sagot ni Mama.

"Good night, Ma. I have one request before I go to sleep," saad ni Kyle.

"What is it?" sagot ni Mama.

"Can you cook our breakfast?" sagot ni Kyle.

"Of course. Ano bang gusto mo?" sagot ni Mama.

"Pancakes with banana po na hindi magawa nila Kuya kaya I always ended up with a normal pancakes na ako pa nagluluto kasi mga tamad po sila," sagot ni Kyle.

"Muntik mo na nga sunugin yung condo tapos kami pa napasama! Talaga naman Kyle! You know what I better go up stairs," sagot ko. Inunahan ko na silang umakyat.

"Si Kuya Ken pikon!" sigaw ni Kyle.

Tinawanan ko lang siya at pumasok na ako sa kwarto ko. I unloaded my things on my luggage. I put everything on my closet and took a bath. Pagkatapos ko maligo ay binuksan ko ang phone ko.

Engr. Aleesha Mara Lopez 5 missed calls

You missed a call from Alesadra Divina Harrington

Bakit kaya tumatawag 'tong mga 'to? Anong kailangan nila? Gabi na tumatawag pa rin si Mara. Wala ba 'tong kadaldalan kaya ako ang binabagabag. Ang dami niya namang pwede tawagan bakit ako? Tinawagan ko siya para alamin kug bakit niya ako tinatawagan.

"Why are you calling me late at night?" I asked as soon as she pick up the phone.

"I want to tell you that you have series of meetings tomorrow for the supplier, and other business partners that wants to be your partner," sagot niya.

"Okay. Thank you for informing me," sagot ko

"Alam mo, Ken. Hindi ko alam kung head engineer pa ba ako o secretary mo," sagot niya.

"Sino ba kasi nagsabi sayong ayusin mo 'yong schedule ko?" sagot ko.

"I did it on my own will," sagot niya.

"See? Hindi ko dadagdagan wage mo ha," biro ko.

"Ay walang ganiyanan, boss!" sagot niya.

"Sige na. Matulog ka na para matahimik na 'yang kadaldalan mo," sagot ko.

"Bye! Good night!" sagot niya at binaba ang tawag.

Chi-nat ko si Sandra upang malaman ang dahilan ng pagtawag niya.

Alesandra Divina Harrington:

Bumalik na ang linta. Kailangan mo na rin bumalik.

Me:

Ha? Sinong linta?

Alesandra Divina Harrington:

Si Celeste. Ex ni Vince.

Me:

Inaayos ko na yung pagbabalik ko.

Alesandra Divina Harrington:

Naku lahat ng lakad kadikit ni Ems at Vince. Nakakadiri siya ayoko siya kasama.

Me:

Tiisin mo muna. Malapit na ako bumalik.

Alesandra Divina Harrington:

Ok. Hintayin ko Kuya kung anong bitbit mo. Pasalubong ha! Sige na at may klase pa ako.

After chatting with her I proceed on checking my emails. Pagkatapos kong basahin ang notifications ko ay dumiretso na ako sa kama para makatulog na. The next day we all eat breakfast. Hinatid ni Ate si Kyle at ako naman ay dumiretso sa kompanya ko. Sinalubong ako ni Mara sa may entrance pa lang.

"You have a meeting at 8 am today," saad niya.

"Okay," maikling sagot ko.

Binuksan ko na ang pintuan ng opisina ko at nakita ko ang kabundok na papel ang nasa lamesa ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa nakita.

"That's the work that piled up while you're away," saad niya.

"Paano ba 'yan mawawala na naman ako sa trabaho?" sagot ko.

"'Yan ang hindi na maari dahil dadami ng dadami 'yong trabaho mo," sagot niya.

"Sino bang may sabing iiwan ko 'yan ditto? Bibitbitin ko 'yan pauwi sa Manila," sagot ko.

"What!? Uuwi ka? Bakit hindi mo man lang ako inin-form?"

"Bakit? Required ba?"

"Sama ko!"

"No! Why would I?" sagot ko.

"Sige na naman, boss. Gusto ko Makita 'yong property mo sa Manila," sagot niya.

"No." Sinarado ko na ang pinto ng opisina ko ngunit sumunod siya sa loob.

Tinulak niya ako at isinandal sa pinto. "Isasama mo ako o hahalikan kita?"

Iniwas ko agad ang mukha ko sa kaniya. "It's my personal travel. I don't need you there." It will also be hard to get her back kapag nakita ka niya. Gusto ko idagdag pero pinanatili ko ang pananahimik at tinanggal ko ang kamay niyang nakakapit sa sleeves ko.

Nagsimula na akong magtrabaho upang konti na lang ang dadalhin kong mga trabaho sa Pilipinas. Inayos ko na ang construction sa Pilipinas na magsisimula sa susunod na linggo saktong pag-uwi ko. Lahat ng meeting na naka-schedule ngayon ay ina-ttend-an ko upang hindi na nila ko paghahanapin. Gabi na nang makalabas ako sa opisina at nagulat akong nasa lobby si Mara na hinihintay ako.

"Bakit hindi ka pa umuwi?" tanong ko.

"Hinihintay kita," sagot niya.

"Bakit? Hindi mo na ako kailangan hintayin. Alam mo namang marami kong trabaho eh," sagot ko.

"Gusto kita hintayin eh. Tara na," sagot niya.

Sabay kaming lumabas at dumiretso sa parking lot. Wala siyang dalang kotse kaya isinakay ko siya sa aking kotse para ihatid sa condo niya.

"Sasama ako sa 'yo sa ayaw at sagusto mo. Good night, boss!" sagot niya at malakas na isinarado ang pinto ng kotse ko.

Napabuntong hininga na lang ako at nagisip ng sasabihin kay Sandra dahil siguradong magtatanong 'yon kung sino si Mara.



A/N: Sorry for the late updates, Bemskies. Sobrang busy sa school at sa bahay. Ang daming ginagawa kaya limited lang yung time ko sa writing. Thank you so much for waiting! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top