CHAPTER 20: KYLE

Ken's POV

A week had passed after the book signing. Everything feels surreal and feels like I'm in fantasy. Bumaba na ako para kumain ng dinner. Naabutan ko si Kyle sa sala na binabasa ang published book ni Ems. All of us bought a copy of their book and get that signed.

"Are you enjoying the story?" I asked Kyle and sat beside him.

"Yes, Kuya! Even though I read it for how many times it got better on this published book!" sagot niya.

"She's your favorite writer 'no?"

"Yes!"

"Nice choice! Kapatid nga kita!"

"Tama na 'yan at magsikain na!" tawag ni Ate. Agad naman kaming pumunta sa dining area.  Ang daming pagkain ang nakahain at hindi ko alam kung anong meron.

"Bakit parang nakalunok ka ng kalan, Ate?" saad ni Kuya Kenneth.

"Palunok ko sayo 'yong kalan natin!" sagot niya.

"Bakit may handaang nagaganap?" tanong ko.

"Yeah. Why is there so many food?" tanong ni Kyle.

"We have something to celebrate..." she answered.

"What?" sagot ko.

"Nagkabalikan na 'ata si Kuya Darren!" sagot ni Kuya Kenneth.

"Is that the doctor last time?" tanong ni Kyle.

"Last time? Masyado ba akong nawili sa pag-check ng bahay ko at may hindi ako nalalaman?" saad ko.

"It's yesterday, Kyle. Yes it's your Kuya Darren," sagot ni Ate.

"So nagkabalikan na kayo?" sagot ko.

"Yes! He has a duty today kaya hindi makasama sa kainan," sagot niya. Halata sa kaniyang mga mata ang kasiyahan. Mabuti pa siya ay nakamit na ang inaasam niya sa kaniyang buhay pag-ibig samantalang ako habggang ngayon nandito pa rin at hinihintay matapos ang problema naming pamilya.

"Wow! Sana all!" sagot ko.

"Bakit kasi hindi mo pa simulan ang pagpaparamdam?" sagot ni Kuya Kenneth habang nagsasandok ng pagkain.

"Paano ako magpaparamdam kung hindi pa tapos 'yong issue ng mga magulang natin?" sagot ko.

"Matatapos din 'yan, tiwala lang!" sagot ni Ate.

Nagsimula na kaming kumain ng mga niluto ni Ate. Sobrang sarap ng mga niluto niya. Halatang inspired siya sa pagluto. Hindi naman ganito kasarap luto niya kapag kami-kami lang kakain eh. Pagkatapos namin kumain ay nagtipon-tipon kami sa sala.

"Okay! Put your phones on the table," Ate said.

"Bakit?" tanong ko.

"We're gonna have a like evaluation of ourselves since it's been a long time since we got this," sagot niya.

"Oh! The monthly evaluation of Ate!" sagot ni Kyle.

"Okay." We shut our phones down before putting it on the coffee table in front of us.

"So, it's been a week since we're here. How was it?" she asked.

"It's fun but I miss Liza so hindi rin fun," sagot ni Kuya.

"Okay naman, Ate. I got so many wattpad books to read since dito lang naman 'yong authors na sinusuportahan ko and I got a chance to have a signed copy of Ate Emily and Kuya Vince's wattpad books!" sagot ni Kyle.

"That's nice. Ikaw, Kenneth ang tanda mo na para ma-miss si Liza!" sagot ni Ate.

"You, Ken? How was your stay? Nagkita na ba kayo?" she asked.

"Okay naman, Ate. I got the chance to check on my house and I got the chance to meet her on her book signing," sagot ko. Hindi ko na ni-reveal na nagkita kami bago pa ang book signing dahil baka akalain nilang nagkabalikan na kami.

"Iba 'yong ngiti natin, lods! Nagkita kayo ni Ate Emily bago book signing 'no?!" Kyle said.

"What!? No!" pagsisinungaling ko.

"Bakit iba ngiti mo?" tanong naman ni Kuya at binuntutan pa ng mapang-asar na tawa.

"Masama ngumiti?" sagot ko.

"Hindi naman! Pero may iba eh... May iba talaga... I don't see what it is!" sagot ni Ate.

"His stitches, Ate! May bago kang sugat o nagpasapak ka para mabuksan 'yong tahi diyan sa kilay mo? Para makapunta ka sa hospital at makita si Ems! Para kasing pagaling pa lang 'yong sugat eh!" sagot ni Kuya.

"Ano ako siraulo? Bakit ko naman gagawin 'yon? Weak ko naman kung makita lang," sagot ko.

"So you mean siya pa gumamot sayo?!" sagot ni Ate.

Ngumisi lang ako sa kanila bilang sagot. Agad akong binatukan ni Kuya at diniinan ni Ate ang sugat ko.

"Aray naman!" daing ko.

"So you mean nagpasapak ka sa kung kanino lang tapos pinatahi mo 'yang sugat mo? Siraulo ka! Paano kung na-infect 'yan?" sagot ni Ate.

"Hindi ma-i-infect 'to! Nurse sumapak sa akin eh!" sagot ko.

"You're out of your mind!" sagot ni Ate.

"Yeah, Kuya Ken. No one would do that!" sagot naman ni Kyle.

"Meron! Kuya mo!" sagot ni Kuya Kenneth.

"Tigilan ni'yo na ako! Ikaw, Ate? Paano kayo nagkabalikan?" sagot ko.

"Basta! Nangyari na ang nangyari!" sagot niya.

"Baka mamaya susunod niyan may pamangkin na kami!" sagot ni Kuya.

"Hindi malabo!" sagot ni Ate.

"Waiting for Kassandra the second!" sagot ko.

"Sa tingin mo ako mauuna?" sagot niya.

"Oo!" sagot ko.

"Bakit hindi kaya ikaw? May bahay ka na eh! Hindi pa nga kayo nagkakabalikan may main space na siya sa bahay mo!" sagot niya.

"The biggest question is... Will you both really end up together? Hindi naman sa pinag-o-overthink kita pero are you sure she'll comeback?" sagot ni Kuya.

"Of course!" sagot ko kahit hindi ako sigurado.

"Iba 'tong kapatid natin! Ibang klaseng confidence nainom!" sagot ni Ate Kass. 

"Syempre! Noong nagpaulan ng confidence nasa langit ako namimigay!" sagot ko.

"Give me some tips how to make ligaw, Kuya!" saad ni Kyle.

"Sige, I'll give you some tips how to make lugaw!" sagot ko.

"Kyle, sinasabi ko sayo 'di ba hindi pa pwede? Ilang taon ka pa lang!" sagot ni Ate.

"Why? Kuya is seventeen when she met Ate Ems!" sagot niya.

"And you're what? Thirteen?" sagot ni Ate.

"Fourteen!" sagot niya.

"Hindi pa pwede!" sagot ko.

"Kayo naman, payagan ni'yo na! Parang 'yon lang eh! Puppy love hindi ni'yo ba 'yon alam?" saad ni Kuya.

"Kinukonsinte mo kasi kaya ayaw tuloy makinig sa amin! It's not fine having a relationship at his age! Paano kung makabuntis siya in a young age? Tutulungan mo?" sagot ni Ate.

"Of course!" sagot ni Kuya Kenneth.

"Magsama kayong dalawa!" sagot ni Ate.

"I was just joking, Ate!" sagot ni Kuya.

"Alam ko namang ang popormahan mo eh 'yong anak ni Ate Gabrielle! 'Yong pamangkin ni Ems! Si May!" sagot ko.

"I really like her, Kuya. She's beautiful with a heart. I want to take care of her, I don't want to see her sad and I always love her smile," Kyle answered.

Natawa naman kaming tatlo dahil sa kaniyang pananalita. Para na siyang ka-edad namin. Akala mong marami nang experience.

"Ate, hindi ako ganiyan kay Ems I swear!  Hulog na 'tong kapatid natin!" sagot ko.

"If you really feel that for her then you should wait dor the right time. You both are still young. Enjoy your youth first before you enter in a relationship. After all real man waits for his girl," dagdag ko.

"Yeah. Your Kuya Ken is right, wait for the right time. When that time comes sigurado akong handa na kayong dalawa," sagot ni Ate Kass.

Nahinto lang ang usapan namin nang marinig namin ang pagtunog ng telepono na nasa side table. Agad namang sinagot ni Ate Kass ang tawag.

"Hello, good morning, Kassandra Lizardo speaking. How may I help you?" bati ni Ate sa kausap. Agad namang nag-iba ang expression ng mukha ni Ate at tila nabunutan naman siya ng tinik.

"Thank you!" sagot niya at binaba ang telepono.

"Gising na si Mama! Under recovery na siya! One week ago noong magising siya at she's doing well!" saad niya sa amin.

Tila gumaan kahit paano ang bitbitin ko dahil nagising na si Mama. Sana magtuloy-tuloy ang recovery niya para maayos na nila 'yong kompanya. It's getting better when we took over it for the mean time. Tinanggal namin ang mga nalugi nang kompanya at nag-alis ng mga emplayado na hindi naman nakakatulong. We even had a board meeting and planned to change the director of every sector we have.

"So you three got to go to US now?" I asked.

"At ikaw?" sagot ni Ate.

"Susunod ako. I just need to check my house and say good bye to my friends," sagot ko.

"Bakit hindi ka pa sumabay sa amin? Gagamitin namin private plane," sagot ni Kuya Kenneth.

"Ayoko nga. Mas mabuting mag-business class na lang ako. Laki-laki tayo-tayo lang," sagot ko.

"Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa amin!" singhal ni Ate.

"I'll be here one week more kasi inaayos na 'yong interior ng bahay ko so probably it'll be done for almost a week from now. Makakapaghintay ba kayo ng ganoon ka-tagal?" sagot ko.

"Yeah. They can wait naman," sagot niya.

"Okay then. Akyat muna ko since I got to check my socials and I got to check up my company in the US!" paalam ko at kinuha ang cellphone ko sa lamesa. Binuksan ko ito at ang daming missed call ng unknown number. Tinawagan ko ulit ito para bosesan kung sino.

"Hello?" I coldly said when the number answered.

"Hello?" mas malamig na boses ng babae ang sumagot. Hindi ko makilala ang kaniyang boses dahil sa lamig.

"Who are you and how did you get my number?" sagot ko.

"I'm Emily Savvanah Howards, Sandra used my phone to call you. May I know who are you?" she answered.

"I'm Ken Pietro Lizardo. How are you, Miss Nurse?" sagot ko. Sandra is smart enough to know whom phone number she'll use to call me. Naubusan na naman siguro ng load kaya naki-tawag.

Hindi ko na narinig ang sagot niya at tanging end dial na lang ang narinig ko. I tried calling her once again pero hindi na sumasagot. After a few moment I saw a new text notification.

Unknown Number:
Don't call me again! Naki-tawag lang si Sandra kasi wala siyang load! I didn't expect that she's calling you!

Me:
Okay. At least I have the number of the most beautiful nurse in town!

Agad namang lumitaw ang text message ni Sandra sa taas ng screen ko.

Sandra Harrington:
May load talaga ko Kuya. Sinabi ko tatawagan ko yung kaibigan ko sa med-school.

Me:
Alam na alam mo talaga kung kaninong cellphone numher gagamitin!

Sandra Harrington:
Syempre! Basta Kuya don't interfere with their relationship! Masama yon!

Me:
Mukha ba kong kakabit? Sa gwapo kong to di ko papangarapin maging kabit! I'd rather wait till forever than being a mistress.

Sandra Harrington:
Good.

Pinatay ko na ang phone ko at inilagay sa desk ko. Binuksan ko na ang working laptop ko at nag-check ng reports. After doing that I checked on the status of my webtoon. Currently it has five hundred thousand views. Well I don't usually celebrate this but I think I needed to. Kinuha ko ang hoodie ko at sinuot ito at kinuha ang susi ng kotse ko. Nilagay ko na sa bulsa ko ang phone ko at bumaba na. Nasa kwarto na 'ata silang lahat at abala na sa kaniya-kaniya nilang mundo. Lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa garahe. Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko paalis sa bahay. Sarado na ang milk tea shop na pinupuntahan ko kaya dumiretso ako sa mall para bumili ng Starbucks. I ordered some cold brew and left after getting it.

I went to the newly build park here. Umupo ako sa isa sa mga bench dito at pinanood ang dancing fountain. Nagulat ako ng may umupo sa tabi ko.

"Hi!" bati ng taong hindi ko inaasahang makikita ko rito. He's no other than the present of my love, Vince. Ano kayang ginagawa nito rito?

"Hello," maikling bati ko.

"Why are you enjoying yourself alone?" sagot niya.

"I'm just having a celebration of half a million views of my webtoon."

"Wow! Congrats!" Nabalot ng nakabibinging katahimikan ang aming paligid. Patuloy ko lang pinagmamasdan ang dancing fountain.

"She's doing great in the hospital right now. She's great at everything she do," he said to break the silence.

"Why are you doing this? Why are you hurting yourself?" sagot ko.

"Her happiness is you and I can't do anything about it. Matagal ko nang tinanggap na kapag naging kami, I needed to prepare myself for the pain it will cause. She's always worth the pain. I'm willing to loose myself for her happiness. Just wait a little longer, Ken. Paabutin mo naman kami sa anniversary namin. After that day, I will give her back to you..."

"Thank you so much for making her happy. Thank you for pulling her out of the dark. I'm so sorry for hurting her and you... Take as much as time you need to be with her. By that time I'll be ready taking her back. Thank you so much for everything, Vince..."

"Don't thank me now. You're still not at the end of the race. I got to go baka hinahanap na ako sa hospital." Tumayo na siya at iniwan ako sa bench. I just sip on my coffee and watch him leave. Pinapanood ko lang ang mga bata na masayang nagtatakbuhan sa paligid. They look free na parang walang iniisip na bukas. Nang maubos ko ang kape ay nagdesisyon akong umalis na.

Pagdating ko ng bahay ay sarado na ang lahat ng ilaw kaya umakyat na ako. Hindi naman ako dinadalaw ng antok nang mahiga ako kaya binuksan ko ang phone ko. She's probably on duty so she can't read any messages on her phone. Binuksan ko na lang ang tv at naghanap ng mapapanood sa Netflix. I don't know what time I fell asleep. I just woke up the next day going to check on my house.

"Engineer!" bati sa akin ng interior designer na si Ria.

"Hello, Ria. How was it?" I asked.

"I'm already done doing the interior design. Sismulan na 'yong paglagay ng furniture tomorrow."

"That's nice. I'll probably be back to New York next week so I can't check it day by day. Just give me a call if it's done."

"No problem, Engineer!"

Pagkatapos kong i-check ang interior ma patapos na ay umalis na rin ako para naman bisitahin ang kompanya namin. Hindi ko pa nasisimulan ang branch ng company ko rito dahil hindi pa naman tapos ang issue ng kompanya namin. Nakasalubong ko na naman si Emerald na masama ang tingin sa akin. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad patungo sa elevator.

"The highest of them all is here. Nakokonsensya ka na ba sa ginawa mo sa Mama mo?" Harold, one of the young share holders we have said.

"Why don't you do your work and stop gossiping about me and my family?" sagot ko. Akala mo namang may nagawa na sa kompanya kung makapagsalita.

"I know something that you and your siblings don't..." he said and left the elevator.

Agad nitong binagabag ang kalooban ko. Ano ang nalalaman niya na hindi namin alam? May itinatago ba sa amin ang mga magulang namin? Lumabas na ako ng elevator at dumiretso sa opisina ko. Hindi ko na inisip ang sinabi niya at nagsimula nabg magtrabaho. While working ay agad tumunog ang cellphone ko.

Ate Kass calling...

"Yes, Ate?" sagot ko sa tawag.

"You met Harold?" she asked.

"Yeah... On the elevator... Why?"

"He knows something that we don't. Don't you think it's about Kyle?"

"What? What about, Kyle? I don't understand you."

"Let's meet at the café downstairs," she answered and ended the call.

Agad ko namang ibinulsa ang phone ko at pinatay ang laptop ko. Lumabas na ako ng office ko at pumunta sa sinabing café ni Ate. Nandoon na sila ni Kuya nang makarating ako. Agad akong lumapit sa kanila.

"So what's the tea?" I asked.

"Umupo ka muna. Ang chismoso mo talaga!" sagot ni Kuya. Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap niya. Katabi ko si Ate Kass.

"There's something different about Kyle. Napansin na namin 'yon since our childhood. They are hard on him and na-confirm lang 'yon noong nagsalita siya about hurting him," sagot ni Ate.

"Walang magulang ang gugustuhing makapanakit ng anak," sagot ko. Nagdududa na talaga ko sa totoong katauhan ng kapatid namin dahil nakita ko ang paghihirap niya sa kamay ng magulang namin habang lumalaki. Maayos nila siyang trinato noong mga panahon na bata siya ngunit nang tumanda siya ay nag-iba na ang ihip ng hangin. Naging malupit na sila sa kaniya.

"We tried conducting a DNA test pero wala kaming makuha dahil ayaw tanggapin ng mga lab. I don't know why," sagot ni Kuya.

"Have you tried asking mom about it?" sagot ko.

"Wala akong lakas ng loob tanungin sa kaniya kaya pinilit kong alamin mag-isa ngunit wala rin akong nakuha," sagot niya.

"Why don't we ask it when we came back to US? Sigurado akong hindi rin alam ni Kyle 'yon dahil hindi naman siya nagtatanong sa akin o sa inyo," sagot ko.

"Let's see if we can," sagot ni Kuya.

Bumalik na kami sa opisina pagkatapos namin mapagdesisyonan ang mga gagawin namin. My mind can't stop thinking about it. Hindi ako makapag-trabaho ng maayos. Tinigil ko muna ang akimg ginagawa at humarap sa glass wall ng aking opisina. Just by seeing the view makes my mind relax. After relaxing my mind my phone rang.

Eng.  Aleesha Mara Lopez calling...

"Yes?" I said.

"Guess what? I'm coming back to the Philippines!" sagot niya.

"Well, I'm coming back to US next week," sagot ko.

"Hindi ko naman sinabing ngayon eh!"

"Eh kailan?"

"Kapag bumalik ka ulit diyan!" sagot niya.

"What!? Why?" sagot ko. Bakit kailangan niya pang sumama sa akin pabalik?

"Because malapit na magsimula ang big project diyan 'di ba? Tapos magsisimula na rin ang construction ng branch natin diyan. So I need to be there to do my work. Baka nakakalimutan mong engineer din ako," sagot niya.

"Okay. May place ka nang tutuluyan?" sagot ko.

"Yeah meron na. By the way, kumusta ka naman diyan?" tanong niya.

"I'm fine. Sobrang busy because of the house and the company," sagot ko.

"Baka nakakalimutan mo na magpahinga."

"Yeah..." I replied. Matagal na siyang nagbibigay ng motibo na may nararamdaman siya para sa akin pero alam ko sa sarili kong hindi ko ito kayang suklian.

"Sige na, I think you're busy. 'Wag ka mag-alala sa company mo rito. Akong bahala!" sagot niya at pinatay ang tawag. She has a hobby of doing that even before.

The next day I called Sandra to have coffee with me. Buti na lang at weekend wala siyang klase. I'm now waiting for her in the coffee shop. After a few minutes nakita ko na sila ni Zoe.

"Sorry, Ken. Late kami! Dumaan pa kasi kami kay Ems eh," saad ni Zoe.

"Bakit? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ko. Hindi naman ako nakatanggap ng message from Vince na may nangyari sa kaniya.

"We just congratulated her for being one of the leading authors of Bluemoon Publishing. Actually sila ni Vince," sagot ni Sandra at umupo sa harap ko. Probably they had a mini celebration with them.

"Order na kayo anything you want," sagot ko na lang.

"Ikaw magbabayad, Kuya ah! May mga kailangan pa kasi ko sa med-school eh!" saad ni Sandra.

"Yeah. Ako bahala," sagot ko.

Um-order na kami ng mga kakainin namin at hinintay na dalhin ito sa table. Pagdating ng mga pagkain ay nagsimula na kaming kumain.

"I have something to say..." I said.

Huminto naman sa pagkain si Sandra at tumingin sa akin.

"I'm going back to US this Sunday..."

"What!? Bakit ang bilis?" sagot niya.

"Yeah. Hindi pa kayo nagkakausap ni Ems ng maayos," sagot ni Zoe.

"Umuwi lang talaga ko para sa book signing niya. Dapat nga ako lang ang pupunta since may business meeting si Ate sa China kaso sumunod sa akin. Gumising na rin kasi 'yong mama namin  from coma kaya kailangan na namin bumalik sa US," paliwanag ko.

"If that's the case, kailan ka babalik?" sagot ni Sandra.

"Siguro after two to three weeks kailangan ko naman bumalik dito para sa pagsisimula ng construction ng kompanya ko rito at ng welcome party ng bahay ko," sagot ko.

"You already have a house?" sagot ni Sandra.

"Yes! It's almost done," sagot ko.

"Wait, wait, wait! Kasal ka na?" sagot ni Zoe.

"Saang balita mo naman nabalitaan 'yan? Kanino ko ikakasal? 'Yong pakakasalan ko eh may kasama pang iba! Bakit naman naisip ni'yo 'yan?" sagot ko.

"A young bachelor like you should live in a condominium or a penthouse. Not in literal house," sagot ni Zoe.

"I do live in a condominium in US but not here. If I were going to live here it should be a home. My house isn't still a home because she isn't there," sagot ko.

"When are you planning to get her back?" sagot ni Sandra.

"When she's finally ready to open her hear for me again," sagot ko.

"Good luck na lang," sagot ni Zoe.

We talked more and afterwards umalis na sila. Dumiretso ako sa office upang makapagsimula nang magtrabaho. Hindi naman whole day ang trabaho ko dahil inatasan kami ni Ate Kass na umuwi ng maaga para makapag-impake na. Kumain lang kami saglit ng tanghalian at nagkaniya-kaniyang tambay na sa mga kwarto. The usual I connected my phone to my bluetooth speaker and play iKON songs. I know how much she loves iKON that's why I teach myself to know them and I didn't expect that I'll like their songs. All their songs are bop. Nagsimula na akong mag-impake. Naging mabilis lang ang lahat dahil alam ko na kung nasaan ang mga gamit ko.

Sunday came and we're all ready to go back to US. I texted Emily a congratulations before shutting down my phone. Ayoko nang tumutunog ang cellphone ko dahil sa tawag ng

"Ken!" Ate Kass called.

"What?" I answered and walk to her direction.

"Buy me some coffee," sagot niya.

"What? Si Kuya Kenneth na lang!" sagot ko.

"He's currently talking to his beloved girlfriend!"

"Eh ikaw, nasaan boyfriend mo? Bakit di ka sa kaniya mag-utos?"

"He just left earlier to buy some of our snacks!"

"Jusmeyo marimar naman, Ate!" sagot ko.

"Sige na naman, Ken. Minsan lang naman mag-utos si Ate," malambing niyang saad.

"Minsan? You're like, 'Ken buy me this, buy me that, buy me Louis Vuitton bag' hindi pa nga ako kumikita ng millions nauubos na pera ko sayo!"

"Wow! Let me remind you, you almost bought every wattpad book just to give to Ems! Wala ka man lang reklamo!"

"Because it's Ems!"

"Because it's Ems!" she mimicked my voice.

"Bibili na nga kita ng kape para manahimik ka na!" sagot ko. Naglakad na lang ako papunta sa malapit na Starbucks stall at binili ang paborito niyang kape. Pagbalik ko sa pwesto niya kanina ay kasama na niya si Kuya Darren.

"Ang bilis mo naman nalipat sa US branch, Kuya Darren!" saad ko. Binigay ko na kay Ate 'yong kape.

"It's called connections!" sagot niya.

"Is there a possibility that you'll send some nurses there?" I asked.

"Well, it depends. Nurses can't choose where they will be appointed. Unless you'll apply with that certain branch or you're one of the hospital's scholars. Hospital scholars can choose where they want to be appointed. Except the duties," sagot niya.

"Bakit, Ken? Kapag ba nurse na si Emily sa New York ay magpapabaril ka na para lang gamutin niya ulit?" sagot ni Ate Kass.

"Well if it takes a bullet to catch her attention, why not?" sagot ko.

"Ikaw talagang bata ka! Mauna ka na sa gate!" sagot ni Ate.

"Gate ng langit o gate ng airport?" pamimilosopo ko.

"Nauubos na pasensya ko sayo! Tigilan mo ko!" sagot niya.

"Pasensya ka na, Ken. May dalaw ata," sagot naman ni Kuya Darren at inakbayan si Ate. Iniwan ko na silang dalawa roon at nauna nang maglakad papunta sa gate. Nakaka-bitter silang tingnan but at the same time I'm happy for Ate. Tinabihan ko si Kyle sa upuan habang naghihintay kami sa pagtawag sa amin.

"How are you?" I asked. Ipinaliwanag na ni Ate sa kaniya ang plano naming tatlo.

"I'm afraid, Kuya. I don't wanna end up on the streets of New York digging trash bins," sagot niya.

"Why would you end up digging trash bins? You have us! You don't have to worry about it," sagot ko.

"Baka itakwil nila ko, Kuya." Dama ko ang takot sa kaniyang boses.

"Don't be afraid. Nandito si Kuya," I assured him. Tinawag na kami ng isa sa mga flight attendant na makakasama namin. Sumunod na kami sa kaniya. Pumwesto ako sa window side ng eroplano. We're like in business class but the difference is we're the only passengers. Hindi nagtagal ay umangat na ang eroplano.

After the fifteen hour flight we went to the mansion to check on mom. Himala at kaunti lang ang katulong na narito ngayon. I think they give them a break. Buti pa sila may break, kaming mga anak hindi man lang ma-kumusta. Dumiretso kami sa opisina ni Papa. I remained my cold exoression as we get there.

"We're just here to check on mama. Is she fine?" Ate Kass said. Respect is still evident in her voice though it's cold.

"Yeah. She's fine. She wants to have dinner with you three tomorrow night," he answered.

"Okay. Nasaan siya ngayon?" sagot ni Kuya Kenneth.

"She's at the pool side," sagot niya.

Lumabas na kami ng office at pinuntahan ang lugar na sinabi niya. Hindi ko inaasahan ang unang ginawa ni Mama nang makita namin siya. She hugged me tight when we got in her front.

"Ken... I-I'm sorry, anak... I'm sorry, nasaktan ka ni Mama. I'm sorry..." she said in between her sobs.

I don't know what I feel right now. I don't know what to say. She's crying and hugging me tightly.

"Galit ka ba sa Mama? I'm sorry, anak. I'm sorry I ruined your life anak," she said.

Para akong estatwa na nakatayo lang dito habang pinakikiramdaman ang paligid. Tila may sariling isip ang mga kamay ko na yumakap pabalik sa kaniya. I don't know why but it hurts to see her crying. Alam kong marami siyang nagawang mali sa aming magkakapatid pero hindi maatim ng konsensya ko ang makita siyang umiiyak.

"H-hindi po ako galit... N-naiin-tindihan k-ko po kayo..." sagot ko sa gitna rin ng mga hikbi ko. Finally the day I'm waiting for for a long time now came. Naramdaman ko na ulit ang yakap niya. Ang mga yakap niyang walang katulad. Tila nawala ang bigat ng kalooban ko sa gitna ng mga bisig niya. No one can ever replace a mother's comfort. Humiwalay ako ng yakap sa kaniya at pinahid ang mga luha niya.

"'Wag na po kayo umiyak. Baka po makasama 'yan sa kalusugan ni'yo," saad ko at tinulungan siyang maupo sa isang sun louger at pinainom siya ng juice na nasa tabi ng lounger. Uminom naman siya rito.

"Masaya akong makita kayong tatlo na kumpleto," sagot niya at niyakap din sila Ate. Napangiti ako sa nakikita. Ito na ang araw na matagal naming hinintay na magkakapatid. Ang unti-unting maayos ang pamilya namin.

"Kamusta naman ang biyahe ni'yo? Napagod ba kayo?" tanong niya.

"Hindi naman po gaano, Mom!" masiglang sagot ni Kyle. Hindi na makikita sa kaniyang mukha ang takot na nakita ko noong araw na sinabi niya sinasaktan siya rito. Tanging saya lang ang mababakas sa mukha niya. Siguro ay katulad ko siya na magaling magtago ng nararamdaman.

"Kumain na ba kayo?" sagot niya.

"We're done," malamig na sagot ni Kuya Kenneth at umalis sa pool side. Maybe he's still mad of what mom did to Kyle. Nagkibit-balikat lang ako nang balingan ako ng tingin ni Mama.

"Ma, we got to go! We need to fix our condo and my boyfriend is waiting for us in the car," paalam ni Ate.

"Let's see each other again tomorrow, Mom!" paalam ni Kyle.

"Kassandra, pwede bang maiwan si Kyle dito?" sagot ni Mama. Nakita ko ang mahigpit na pagkapit ni Kyle kay Ate at ang nababakas na takot sa kaniya.

"D-don't worry. We won't do the same mistake again..." saad ni Mama.

"Kakausapin ko po muna si Kyle," sagot ni Ate.

"S-sige," sagot ni Mama.

Pumunta kami nila Ate sa living room para kausapin si Kyle.

"Ano? Gusto mo ba?" saad ni Ate.

"Ayoko, Ate. Baka mamaya ganoon na naman ang gawin nila," sagot ni Kyle.

"Hindi namin hahayaan 'yon. Gusto mo, samahan kita rito?" sagot ni Ate.

"Talaga, Ate?" sagot ni Kyle.

"Mas mabuti pa nga 'yong ganoon, Ate. Samahan mo siya para 'di siya matakot," sagot ko.

"Oh sige. I'll just call your Kuya Darren to tell na dito muna ako," sagot ni Ate.

"Okay... Just. Don't leave me alone here," sagot ni Kyle.

"Oo naman," sagot ni Ate. Lumayo muna siya sa amin para tawagan si Kuya Darren. Umupo naman ako sa tabi ni Kyle.

"Take this chance to ask them, okay? We'll be with you all the way," I said.

"Okay, Kuya..." sagot niya.

After a few minutes hinatid na ako ni Ate sa main door ng bahay. Marami siyabg binilin at sinigurado niya na hindi niya iiwan si Kyle. Sumakay na ulit ako sa kotse na dala namin.

"Magiging maayos kaya sila roon?" tanong ni Kuya Kenneth.

"Oo naman. Nandoon si Ate eh," sagot ko.

"I feel bad for Kyle. He's a good child," Kuya Darren said.

"We all feel that for him that's why we wanted to know why they did it," sagot ko.

After a few minutes nakarating na kami sa condominium building namin. Dumiretso ako sa unit namin dahil si Kuya Kenneth ay dumiretso naman sa unit ni Liza at si Kuya Darren ay sa unit niya. Nagbihis lang ako ng pambahay at pumunta na sa kitchen namin para ipagluto ang sarili ko. Pagkatapos ko kumain ng lunch ay umakyat ulit ako sa kwarto ko para naman buksan ang phone ko. Text messages from Aleesha and Emily are on my screen.

Love:
Thanks!

Ibang galak ang naramdaman ko nang makita ang reply niya. Finally I got a reply from her na hindi pabalang.

Me:
You're always welcome! Keep it up!

Matapos kong reply-an si Ems ay nahiga na ako sa kama ko at nagpahinga na. I spent the whole morning working on Lizardo Group of Companies and in the afternoon I went to my company to check on what's going on. Habang abala sa pagtipa sa computer ko ay narinig kong bumukas ang pinto. Inangat ko ang tingin ko at nakita kong pumasok si Mara na may dalang kape.

"Good noon, Boss! You're not replying on my messages so I got here to bring you some coffee," she said and lend me the coffee.

"Thanks. Bakit nandito ka? 'Di ba dapat nandoon ka sa site at nagbabantay?" sagot ko.

"Buong umaga na nga akong nandoon eh! Hindi ka man lang pumunta!"

"Kailangan pa ba? Nandoon ka na eh!"

"Hindi porque nandoon ako 'di ka na pupunta! Kailangan ka roon!"

"Parehas tayong engineer so bakit ko pa kailangan pumunta roon?"

Natahimik naman siya nang marinig ang sagot ko.

"T-to monitor kung maayos ba ginagawa nila!" sagot niya.

"Umamin ka nga... Do you like me?" deretsong tanong ko.

Agad namang pumula ang kaniyang mga pisngi at hindi makatingin ng maayos sa akin.

"E-enjoy your coffee! Nakalimutan kong may kailangan pala kong gawin sa office ko! See you whenever!" sagot niya at mabilis na lumabas ng office ko. Muntik pa siyang matapilok. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya. Ininom ko na lang ang kapeng dala niya.

Maaga akong nag-out sa opisina dahil kailangan ko pa mag-prepare para sa dinner namin. Pagdating ko sa condo ay nagsimula nang magtutunog ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot.

"I'm already at the condo, Ate. Wait lang!" saad ko.

"Sige-sige! Bilisan ni'yo! May nangyari!" sagot niya.

"Ayos lang kayo ni Kyle?" nag-aalalang sagot ko.

"Oo! Bilisan ni'yo na lang at may sasabihin sila Mama," sagot niya at binaba ang tawag.

Nagbihis ako ng casual clothes ko at mabilis na nagmaneho papunta sa mansion. Nakita ko na ang kotse ni Kuya Kenneth sa garahe kaya alam kong nauna na siya. Kaya naman pala madaling-madali si Ate sa akin. Ako na lang pala ang hinihintay para makapagsimula na.

Kumpleto na sila sa dining area at pare-parehong seryoso ang mukha. Agad kong binalingan si Kyle and he looks so sad. I think he cried a lot because his eyes are puffy.

"Good evening everyone," saad ko at umupo sa tabi ni Ate.

"Since we're all complete, let's eat," saad ni Papa sa seryosong tono.

Nagsimula nang magsilbi ang mga katulong. The atmosphere around here is heavy. Kinakabahan ako dahil pakiramdam ko ay may tinatago talaga sa amin ang mga magulang namin. Nagsimula na kaming kumain. Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa amin. I noticed that Kyle isn't eating his food. He's just playing with it. From that move of him I knew there's something wrong. Ibinaba ko ang kubyertos ko na gumawa ng ingay.

"What happened? Tell me," I coldly said.

"L-let's finish t-the food first," saad ni Mama.

"No, Ma. Sabihin ni'yo na. Bakit mukhang umiyak si Kyle? Anong ginawa ni'yo?" sagot ko.

"Ken, calm down and finish your food!" saway ni Ate.

"I just want to know what happened, Ate!" sagot ko.

"They did nothing! Just wait! Tapusin mo muna ang pagkain mo saka natin pag-usapan 'yon!" sagot niya.

Bumalik na lang ako sa pagkain dahil tumaas na ang boses ni Ate. Iba magalit si Ate kaya bumalik na lang ako sa pagkain kahit wala na akong gana. Pagkatapos naming kumain ay nabalot na naman ng nakabibinging katahimikan.

"We called for this meeting to tell something we're hiding from you for a long time now..." saad ni Papa.

"We wanted to tell you earlier but I know mahihirapan kayong intindihin ito," saad naman ni Mama.

"In short, what? 'Wag na po kayo mag-speech," saad ni Kuya Kenneth na tila nauubos na ang pasensya.

"It's about... Kyle," saad ni Mama.

"Kyle isn't your sibling... He's a product of your mom's mistake long time ago..." saad ni Papa.

Muling nabalot ng katahimikan ang paligid namin. Wala ni isang sumubok na magsalita. Ang sakit marinig nito dahil napamahal na sa amin si Kyle. Itinuring namin siyang totoong nakababatang kapatid.

"So why did you hurt him?" sagot ni Kuya Kenneth sa malamig na tono.

"As he grow up he looks like his father. I-it keeps reminding me of m-my mistake," sagot ni Mama.

"Hindi dahil pagkakamali siya ganoon na ang ituturing ni'yo sa kaniya! All this time you're hard on him because of that!  Hindi niya kasalanan na bunga siya ng pagkakamali pero huwag ni'yo namang pamukha sa kaniya!" sagot ko. Hindi ko na mapigilan ang magtaas ng boses. Hindi ko maintindihan bakit nila ginawa 'yon dahil sa walang kwentang dahilan. Hindi deserve ni Kyle ang mga na-experience niya. Hindi deserve ng kapatid namin 'yon.

"I'm so sorry, mga anak... Nagkamali kami ng Mama ni'yo. Hindi dapat namin isisi sa kaniya ang pagkakamali namin. Hindi dapat namin ibinunton ang galit sa kaniya," saad ni Papa.

"Alam ni'yo ba kung gaano kasakit 'yon para sa kaniya? Well, hindi 'di ba? Kasi simula nang dumating 'yang pera at kompanya nawalan na kayo ng pake! You never ask again how are we doing. Kung kumakain pa ba kami at dahil sa kagustuhan ni'yong mapalago 'yang kompanya ni'yo muntik na kayo makapatay ng tao! Alam ni'yo ba 'yon?" sagot ko. Hindi ko matanggap ang ginawa nila kay Kyle at sa akin. Ang sakit na parang kami ni Kyle ang nasaktan dahil lang sa kasakiman nila.

"Hindi namin sinasadya, Ken. Patawarin ni'yo kami sa pagkakamali namin. Malaki pa rin ang pasasalamat namin sa inyo dahil nagawa ninyong palakihin si Kyle ng maayos... Despite of what we did to your life you still stand for your brother... Thank you so much, Ken..." sagot ni Mama.

"Y-you almost took my love away! No, you took my love away! Tapos ngayon si Kyle naman? Hindi na ako makakapayag doon!" sagot ko.

"Who's Kyle's father?" saad ni Kuya.

"Isa sa mga naging business partner ng Mama mo at hindi na namin siya mahanap..." sagot ni Papa.

"Bakit ni'yo itinago sa amin?" sagot ko.

"We're afraid that you might hate him..." sagot ni Mama.

"Kuya Ken, let's leave. Uwi na tayo..." saad ni Kyle habang nakatingin sa akin at tila nagmamakaawa na alisin ko na siya sa kinalalagyan niya. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kaniya. Tuluyang tumulo ang luha niya nang lumapit ako. Niyakap ko siya upang mapatahan. Siguradong nabigla pa rin siya hanggang ngayon.

"Shhh... Uuwi na tayo. Aalis na tayo," sagot ko. Binigay ko sa kaniya ang panyo sa bulsa ko. Pinahid niya naman ang kaniyang mga luha.

"I'm so sorry but we need to go. Kita na lang tayo sa condo, Ate at Kuya," paalam ko. Hinila ko na si Kyle patayo at sabay na kaming lumabas ng mansion. Isinakay ko siya sa kotse ko at pinaandar na ito paalis ng mansion.

Dumaan muna kami sa pizza parlor at convenient store para bumili ng ice cream. Sa roof top kami ng condominium building dumiretso. We sat on the sun lounger and start munching on the pizza.

"Kuya, I have one question..." he said.

"What?" sagot ko at binalingan siya ng tingin.

"Do you hate me?" sagot niya.

"No. Why would I hate you?"

"Because I'm not your real brother..."

"No! You're still my brother biological or not. Alam mo 'wag na natin 'yan pag-usapan. Ubusin na lang natin 'tong pagkain at nang makababa na at makatulog na."

"Thank you, Kuya..."

"Why?" tanong ko.

"For not hating me..."

"Kain ka na. Sige ka magagalit ako kapag hindi mo 'yan naubos!"

Mabilis siyang kumain at inubos ang pizza na hawak niya. Sabay kaming kumain ng ice cream habang nakatanaw sa nagkikislapang mga building. Nang maubos namin ang ice cream ay inaya ko na siyang bumalik sa unit namin. Binitbit ko na ang tirang pizza namin at bumaba na. Pagdating namin sa unit ay sinalubong siya ng yakap ni Ate Kass.

"Are you okay?" saad ni Ate.

"Yes, Ate!" masayang sagot ni Kyle. Bumalik na ang masaya at masiglang Kyle. Hindi katulad kanina na puno ng lumbay.

"Magpahinga ka na. Alam kong napagod ka sa mga nangyari," sagot niya.

"Good night, Ate!" sagot ni Kyle at umakyat na sa kwarto niya.

Dumiretso naman ako sa kitchen para ilagay sa ref ang natirang pizza. Dumiretso ako sa living room at nakita ko sila Ate na seryosong naguusap. Tumabi ako ng upo kay Kuya Kenneth.

"I think we should ask some psychiatrist to help Kyle overcome his trauma," saad ni Ate.

"I agree. He might me suffering depression right now. Hindi lang natin napapansin," sagot ko.

"We should first talk to him about it and hear his point of view. Nang sa gayon ay malaman natin kung kailangan ba talaga humingi ng medical assistance," sagot ni Kuya.

"Depression is an illness we never see. He might be happy in front of us but when he's alone he might be having an emotional break down," sagot ko.

"Pare-pareho tayong pagod so let's just rest. Free up your schedules tomorrow and we'll all fix this and our family. Kinausap ako ni Mama and she wants to fix our relationship with them," sagot ni Ate.

"Okay. Akyat na ako para makapagpahinga na," sagot ko at iniwan sila sa sala.

I took a short shower and went to bed after.







A/N: Thank you for waiting! Sorry for the late updates. My updates will all be once a week unlike before that almost eveey three days I have one. School year will start on Monday and I have to take a break on writing so maybe every week na lang update. Thank you for reading Emily and Ken's love story! Bem loves you all!













Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top