CHAPTER 2: CATCH UP
Emily's POV
I'm into webtoon this past few months. Ito yung libangan ko sa Singapore kapag nakatambay lang ako sa nursing desk at naghihintay ng orders. Natapos ko na ang binabasa kong webtoon kagabi at ngayon ay naghahanap ako sa recommendation page nito. While scrolling at the trendlist I came across a webtoon entitled 'Mi Amor'. If I'm not mistaken it's the latin phrase of the phrase 'My Love'. It has 100K views so I got curios. I immediately read the synopsis of the webtoon and I was surprised by the name of the character. Savvyrine Kassy Harrington and Matthew Ken Howards. The last name of the male lead is same as mine while the last name of the female lead is same as Sandra's. I think it's just a coincidence cause we're not the only Howards and Harrington in the world and I think the author is greek because of the title and his pen name. After I read the synopsis I proceed to the episode one of the webtoon. I noticed the name of the school. Franklin University. The same university where we graduated. Hmmm, it's getting interesting. Nagpatuloy na alng ako sa pagbabasa. "Ems, kain na tayo." Aya ni Mommy. Pinatay ko na ang phone ko at iniwan sa desk ko. Lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso na sa kusina para matulungang maghain si Mommy. Pagkatapos ko maghain ay tinawag ko na si Tita Marie na nakikipagkwentuhan sa labas. Habang kumakain ay napansin kong nakatingin sa akin si Mommy. "Bakit, Mi?" Tanong ko. "Pinagpaalam ka ni Vince. Luluwas daw kayo kasi may pupuntahan kayong book sale. May pera ka na ba?" Sagot niya. "Meron po, Mi. May naipon naman po akong allowance." Sagot ko. Hindi pa kami pinapasweldo dahil estudyante pa lang kami pero sabi ni Vince paid daw yung ojt nila. "Bigay ko na lang sayo yung atm ko. Balik mo sa akin pagbalik niyo." Sagot niya. Umiling lang ako bilang sagot. "Okay lang po, Mi. Marami naman po yung naipon ko pambili ng wattpad books." Sagot ko. Hindi naman ako magastos sa SG dahil salitan kami ni Vince sa pagbili ng grocery tapos hindi naman na kami masyado nagpro-project dahil puro duty na. Kaya malaki-laki din yung naipon ko. Makakarami na ako ng libro nito. Ayoko na din iasa kila mommy yung mga luho ko kung kaya ko naman pagipunan. Pagkatapos namin kumain ay saktong pagdating ni Vince sa bahay. "Good afternoon po, Tita." Bati ni Vince. "Ang aga mo, babe! Di pa ko naliligo oh! Kakatapos ko lang kumain." Reklamo ko. "It's better early than late. Take your time." Sagot niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin at umakyat na sa taas para kumuha ng damit at ng tuwalya. Pagkatapos ko kunin ang mga ito ay dumiretso na ako sa banyo. Pagkatapos ko maligo ay dumiretso ulit ako sa taas para naman patuyuin ang buhok ko at mamili ng sapatos na susuotin ko. Para bagay sa suot kong korean dress ay white rubber shoes na lang ang pinili ko. Pagkatapos kong isuot ang sapatos ko at iayos ang purse ko ay bumaba na ako. Naabutan kong nagp-phone si Vince sa sala. Nagbabasa nanaman ng webtoon. Nahawa tuloy ako sa kanya. "Uy pare, anong balak mo?" Saad ko. "Uy mare, ganda natin ngayon ah? Ano nakain natin mare at nagdress ka?" Sagot niya. Kahit inaasar ko siya hindi niya pa rin nakalimutan yung pag-compliment ng damit ko. "Ah mare. Bahala ka na magpunta dun sa mall mag-isa." Biro ko. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. "Joke lang, babe." Bulong niya. "Di ka naman mabiro, babe." Sagot ko. Siya talaga unang napipikon sa aming dalawa kapag nag-aasaran kami. Siya din naman unang magsosorry kahit ako nagsimula ng asaran. Nagpaalam muna kami kay Mommy tsaka umalis na ng bahay.
He held my hand while we're walking. "Your hands is really soft. It fits in my hand." He said and interwined our fingers. Nakaramdam ako ng paru-paro sa aking tiyan at bumilis ang tibok ng puso ko. Parang kami lang ang tao dahil siya lang ang nakikita ko. Paglagpas namin sa guard ay naglibot muna kami. Habang naglalakad sa loob ng mall ay may mga nakasalubong kaming teeanagers.
"Guys! Si Emily Writes tsaka si DaVinciofWattpad!"
"Pa-picture tayo!"
"Oo nga!"
Lumapit sa akin ang nakapansin sa amin. "Hi po Ate. Pwede po ba magpapicture sa inyo? Binabasa ko po yung mga gawa niyo." Saad ng babae na unang nakapansin sa amin. "Sure-sure. Tara?" Sagot ko. Inabot ng teenager sa mga kasama niya yung phone niya at tumayo sa gitna namin ni Vince. Ngumiti naman ako sa camera. Nagpa-picture din sa amin yung mga kasama niya. "Thank you Ate! Sana po sa susunod na magkita tayo book signing mo na. Mauna na po kami Ate at Kuya. Nice meeting you po!" Paalam nila at naglakad na palayo sa amin. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Vince. "I know why you're crying. Don't be overwhelmed. You did well babe. I'm proud of you!" Saad niya habang nakayakap pa rin sa akin. Humiwalay siya sa akin at may kinuha sa bulsa niya. Inabot niya sa akin ang panyo na dala niya. Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa mata ko kanina. "Let's go. Puntahan na natin yung book sale." Saad niya matapos kong punasan ang luha ko. "Tara na." Sagot ko. Hinawakan niyang muli ang kamay ko at naglakad na kami.
Hindi ako makapili ng libro kasi halos lahat meron na ako. Hindi naman ako fan ng international novels so hinintay ko na lang si Vince na makapili ng kanya. Dahil naguumapaw ang kanyang budget para sa book sale na ito halos mapuno niya yung basket niya ng international novels. Naghanap na lang ako ng wattpad books na wala pa sa collection ko at yun ang binili ko. Bumili na din ako ng notebook at ballpen dahil ito naman talaga ang dinayo ko dito bukod sa mga libro. "Let's watch movie after." Saad niya. "Okay." Sagot ko. He really loves to go to movies after buying tons of books. "Madami ka nanamang babasahin. Hay, Vincent." Saad ko habang naglalakad kami. Siya ang may dala ng mga pinamili namin. "Yeah. Kaya maglalaho nanaman ako ng mga ilang araw." Sagot niya. "Magbasa ka lang. Nagbabasa din ako ngayon ng webtoon eh." Sagot ko. "Anong binabasa mo ngayon?" Sagot niya. "Mi Amor written by Misirabilis Dolor." Sagot ko. "I already finished reading it. Maganda yung ending niya tapos super realistic ng plot." Sagot niya. "Spoiler nito. Magsama nga kayo ni Sandra." Sagot ko. "Sinabi ko lang realistic yung plot spoiler agad." Sagot niya. "Tara na. Kumain na lang tayo sa Mcdo. Gutom na ako." Sagot ko. Pumunta na kami sa pwesto ng mall kung nasaan ang Mcdo. "Anong order mo?" Tanong ko. "BTS meal." Sagot niya. "Okay." Sagot ko. Pumila na ako sa couter. "Wait, babe. Ikaw na lang maghanap ng seat natin tapos ako na o-order." Saad niya. "Okay." Sagot ko at nagabot ng pera sa kanya. Hindi naman siya tumanggi at kinuha na lang ito.
Humanap na ako ng pwesto namin. Umupo na lang ako sa table na malapit sa counter. Nilabas ko ang phone ko at tinuloy ang binabasa ko. I saw Savvy in me. Like I'm Savvy cause she literally has all my features. I don't know why but I feel like the webtoon was written for me. "Hey babe, let's eat!" Saad ni Vince ng dumating siya dala ang mga pagkain. Binalik ko na sa purse ko ang phone ko. "Babe, I have something to ask." Saad ko habang binubuksan ang burger. "What is it?" Sagot niya. "Have you ever felt the weird feeling that something has made for you? Like, randomly while staring at a thing you felt the weird feeling na, ah parang para sa akin 'to? Like this was written for me or this is made for me. Ganun." Sagot ko. "Yes. Everytime I have romance books to read. Bakit? Naramdaman mo na din ba yun?" Sagot niya. "So it's normal right?" Sagot ko. "Oo naman, babe." Sagot niya. Right it's normal Ems. Savvy is just a fictional character. Don't think that she's you. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi na inisip pa ang mga ito.
Ken's POV
I've seen some tweets and rumors that Emily also reads webtoon. So I was really curios.I'm thinking if Vince recommemded it to her. Para naman mawala na 'tong curiosity ko ay binuksan ko ang twitter account ko at tiningnan kung nagbabasa ba talaga siya ng webtoon. To my surprise I saw the illustration of Savvy in her recent tweets.
'Hi Savvy my newly found bestfriend. Kudos to the author of the webtoon. I'm not yet in the middle but you already hooked me up.'
So, she's really reading webtoon and she's currently reading mine. I felt like the world stop and the butterflies on my tummy feels alive. She's reading it! My love is reading it! Even if she doesn't know I'm the author of the webtoon I hope she feels my love for her. Lumabas ako ng kwarto at bumaba papunta sa sala na may ngiti ang labi ngunit agad din itong napawi dahil sinalubong ako ng yakap ni Adelaide. I don't know why but I felt like cheating to Ems for this even though we're not together. "Ken! I miss you!" Saad niya. She's visiting me for months now and I don't feel any excitement anymore. On the first months yes I do feel but today I don't. She's so clingy and I don't want it. Agad naman siyang bumitaw ng naramdaman niyang ayoko. "I'm sorry. I thought you still love skin ships." Saad niya. "Why are you here?" Tanong ko. "Oh, gusto sana kita ayain magmall." Sagot niya. "I'm busy. I still have episode to finish and a reports that needs to be sent." Sagot ko. "Uh maybe this weekend? Let's catch up!" Sagot niya. "I'll try." Sagot ko. "Ken, Adelaide, let's eat." Aya ni Ate sa amin. Agad namang sumunod si Adelaide kay Ate Kass kaya naman sumunod na lang din ako. Tahimik lang akong kumain at ng matapos ay dumiretso na ako sa sala. Naabutan ko si Kyle na naglalaro nanaman ng cellphone. "Kyle, how many apps do you have? Parang di ka nanawa kapipindot ng phone mo." Saad ko. "Nagbabasa yung tao Kuya ang panira mo." Pabalang niyang sagot. Alam ko na kung kanino 'to nagmana. "Magbasa ka na ulit." Sagot ko at aakyat na sana sa taas ng marinig ko si Ate. "Ken! Aalis na si Adelaide." Saad ni Ate. Bumaling ako sa kanila. "Okay. Ingat." Sagot ko at umakyat na papunta sa kwarto ko. Tinapos ko muna ang mga trabaho ko bago ako natulog.
Emily's POV
Tumunog ang phone ko habang nagbabasa ko ng webtoon. Panira naman yung tumatawag na 'to. Tiningnan ko kung sino ng makita kong si Sandra ito ay agad kong sinagot. "Ems! Ems! Nandito ka na pala sa Pilipinas wala man lang akong kaalam-alam. Catch up tayo bukas!" Saad niya. "Sige-sige magpapaalam ako kay Mommy at Vince." Sagot ko. "Wag ka na magpaalam kay Vince. Isama mo na siya. Pati si Lean at Zoe natawagan ko na." Sagot niya. "Oh... Sige-sige." Sagot ko. "3 pm kita tayo sa Starbucks Robinsons ah." Sagot niya. "Oo. Sige-sige." Sagot ko. "Bye Ems! Sorry naistorbo pa kita." Sagot niya. "Okay lang. Sige na. Good night." Sagot ko. "Good night, Ems." Sagot niya at binaba ang tawag. Hindi pa ako nakakascroll ulit ng tumawag naman si Vince sa messenger. "Ano?" Tanong ko. "Babe, I miss you." Sagot niya. "Kakauwi lang natin, babe. Magkikita din naman tayo bukas." Sagot ko. "Diba you have a hobyy of humming to me? Can you do it? I really miss it." Sagot niya. Tuwing hindi siya makatulog sa gabi ay pinupuntahan ko siya sa kwarto at naghu-hum lang ako habang sinusuklay gamit ng mga daliri ko ang buhok niya. "Okay." Sagot ko at nagsimula nang maghum. Ng marinig ko ang mabigat niyang paghinga sanhi ng pagtulog ay napatitig ako sa phone screen ko. Kahit natutulog ang gwapo pa din niya. His perfect eyes that's closed, his thick eyebrows and his kissable lips that makes me want to kiss it. He looks like a baby who's sleeping peacefully. If the day comes you'll leave I hope you'll be with someone who will love you just like how I love you. Someone who will take care of you and won't let you think of tomorrow if she still love you. I'm sorry if you feel insecure about yourself because of me. I'm really sorry. Humiga na ako sa kama ko at patuloy siyang pinagmasdan hanggang sa makatulog ako.
Kinaumagahan nang magising ako ay drained ang phone ko. Chinarge ko muna ito bago ako tumayo at sinuklay ang aking buhok. Pagkatapos ko magsuklay ng buhok ay bumaba na ako. "Good morning Mi!" Bati ko. "May lakad ka ulit ngayon. Nagtext sa akin si Lean may meet up daw kayo ng mga kaibigan niyo." Sagot niya. "Alam mo Mi minsan nagtataka na ko kung nanay ba kita o P. A." Sagot ko. Alam lahat ng gala ko eh. "Kumain ka na. Ang dami mo pang sinasabi." Sagot niya. Umupo na ako at nagsimulang magsandok ng pagkain. Habang kumakain ay bigla kong naalala na hindi pa pala kami nakakalabas nila Mommy. "Mi, saan mo pala gusto magpunta kung aalis tayo?" Tanong ko. Meron akong inipong pera para dito eh. Lahat ng perang swineldo ko sa pagsusulat ng english ay inipon ko at hinati ko sa luho, projects at ito ngang balak kong outing kasama sila mommy. "Kahit saan naman anak. Pero wag muna ngayon. Marami pang gastusin dito sa bahay." Sagot niya. "Hindi po kayo gagastos. Ako po." Sagot ko. "Saan ka kumuha ng pera?" Sagot niya. "May kontrata yung isang novel ko sa paid platform, Mi. Marami akong naipon." Sagot ko. "Malaki na talaga ang anak ko. Pwede ka na talaga sa abroad. Dati kasa-kasama mo pa si Ate Gab mo ngayon kaya mo na mag-isa." Sagot niya. "Ayoko po kasi na nakikita ko kayong nahihirapan eh. Kung kaya ko naman gumawa ng paraan bakit hindi diba?" Sagot ko. Ito yung first step na gusto kong gawin. Ang makatulong kay Mommy kahit papaano kasi ayoko na may iniisip pa siyang allowance ko o kung anuman. "Sa susunod na lang anak. Itabi mo na lang yan para kapag may gusto kang bilhin mabibili mo." Sagot niya. "Itatabi ko pa rin po para kapag nakapag-isip na kayo ng pupuntahan natin may pang-gastos." Sagot ko. Pagkakain ay tumulong akong maghugas ng plato at maglinis ng bahay. Pagkatapos kong maglinis ng bahay ay sinimulan ko nang i-set up yung writing zone ko. Gusto ko makapag-update sa wattpad mamaya dahil 20K followers na ako sa wattpad. Bago ako magsulat ay chineck ko muna ang phone ko.
Babe:
Good morning babe! Eat your breakfast!
Babe:
Aalis pala ko ngayon kasi inaya ako nila June. Sunduin kita para naman sa gala natin nila Sandra later.
Me:
Ingat ka. No liquors ah. By the way I'm gonna write.
Babe:
Ang aga-aga babe. Magsasayaw lang kami sa dance studio nila. Kasama namin si Lean.
Me:
Okay. Magsusulat na ako ah.
Babe:
Good luck Babe! I love you!
Me:
I love you too. Ingat ka.
Binaba ko na ang phone ko at nilagay sa do not disturb mode. Binuksan ko na yung laptop ko at naglagay na ng earphones. Nagtype na ako ng update sa nobela kong natengga ng linggo. Matapos ko magpublish ng update ay kumain na ako ng lunch. "Mi, 3 pm po pala yung lakad namin nila, Lean." Saad ko. "Yes. Pinaalam ka na din sa akin ni Vince." Sagot niya. "Sige po, Mi." Sagot ko at tumabi sa kanya sa sala. Namiss kong magstay dito sa bahay. "I miss you nak." Saad niya at niyakap ako. "I miss you too, Mi." Sagot ko. "Isang buwan lang kitang makakasama dito. Matagal ka pa bago makabalik." Sagot niya. "Saglit na lang po yun." Sagot ko. "Kahit na. Mamimiss pa din kita." Sagot niya. "Ako din naman po pero kailangan ko po gawin yun para sa pamilya. Gusto ko makatulong." Sagot ko. "I'm so proud of you anak. Thank you for that mindset." Sagot niya. Ibang kasiyahan ang nadama ko ng marinig sa kanya ito. Masaya na akong malaman na proud siya sa akin. "Syempre Mi. Aahon tayo. Akong bahala." Sagot ko. Pagkatapos ng ilang sandali ay nakinood na lang ako sa k-drama na pinapanood niya. "Akyat po muna ko Mi. Itetext ko muna po si Vince." Paalam ko. "Sige-sige." Sagot niya. Tumayo na ako sa sofa at muling bumalik sa kwarto ko. Tinanggal ko muna sa do not disturb mode yung phone ko. Ang daming texts at missed calls ni Vince.
3 missed calls Babe
Minabuti ko na lang na tawagan siya. Ilang ring lang ay sinagot niya na ang tawag. "Hello, babe. Papunta na ko diyan sa inyo." Saad niya. "What?! Di pa ko ready. Tsaka 2:00 pa lang. Wait lang!" Sagot ko. "Take your time. Malayo pa naman ako. Kasabay natin si Lean." Sagot niya. "Sige-sige. Ingat kayo. I love you." Sagot ko. "Okay, babe. I love you too." Sagot niya at binaba ang tawag. Agad kong hinanda ang mga susuotin ko at bumaba agad para makaligo. Pagkatapos ko maligo ay umakyat ulit ako ng kwarto ko para magpatuyo naman ng buhok. I just wore leggings, oversized white shirt and oversized flannel. I don't feel like wearing elegant. Sila Sandra lang naman ang makikita ko at si Vince. Pagbaba ko ay sinalubong ako ng yakap ni Lean. "Ems! I miss youuuu!" Saad niya. "I miss you too." Sagot ko at kumawala sa yakap niya. Dumiretso ako kay Vince at niyakap siya ng mahigpit. "I miss you Babe." Saad ko. Niyakap niya din ako pabalik at hinalikan ang noo ko. "You missed me that much huh?" Sagot niya. "Yes. I miss you." Sagot ko na hindi pa din humihiwalay sa kanya. "Konting galang naman sa mga single 'no? Kayo yung magjowang PDA 'pag nakita pa kayo ng readers niyo na ganiyan mabibitteran sila for sure." Saway ni Lean. "Ito naman! Di ba pwedeng namiss lang?" Sagot ko. Bigla namang dumating si Mommy kaya hindi na siya nakasagot sa akin. "Good afternoon, Tita." Bati ni Lean. "Good afternoon, Mama-ay este Tita." Bati naman ni Vince. Hinampas ko siya ng mahina sa braso. "Aalis na ba kayo?" Tanong ni Mommy. "Opo. Aalis na po kami." Sagot ko. "Ingat kayo." Sagot niya at nauna nang lumabas sa amin. Sumunod na lang kami sa kanya. Humalik muna ako kay Mommy bago sumakay ng kotse.
Pagdating namin sa mall ay dumiretso kami sa Starbucks dahil dun ang sinabi ni Sandra. Agad naman namin siyang nakita kasama si Zoe. Mabilis akong lumapit sa kanila at niyakap silang pareho. "I miss you both!" Saad ko. "Easy, Ems. Di kami makahinga." Reklamo ni Zoe. Agad naman akong bumitaw sa kanila. "I'll just get our order." Paalam ni Lean. "I'll go with Lean. Just catch up with them, babe." Paalam din ni Vince. Tumango lang ako. Umalis na silang dalawa kaya umupo na ako sa tapat ni Sandra. "So, kamusta kayo dito?" Tanong ko. "Ayun, katulad mo ako nagduduty din sa hospital para magkaroon ng experience bago pumasok ng med school." Sagot ni Sandra. "Well me? Still a leader and currently having my ojt sa company ni Nathan." Sagot ni Zoe. "Oh.. Sa bagong bukas na company ng family ni Vince? That's nice! Congrats!" Sagot ko. "Thank you!" Sagot niya. "Ikaw? Kamusta kayo ni Vince? Kamusta duty sa hospital?" Sagot niya. "We're going strong. Maganda hospital sa Singapore. Mababait pa yung mga nurses." Sagot ko. "Saan ka mag-o-ojt?" Sagot ni Sandra. "Dito. Sinabi ko na kay Tita." Sagot ko. "Ang tanong ng bayan, kailan kayo ni Vince magiging published author?" Sagot ni Sandra. "We're talking about it na. Ano ba yan para tayong nasa talk show. Wag kayo mag-alala kapag naging published author kami kayo unang may books nun bago lahat ng readers namin." Sagot ko. "Syempre. Catch up nga eh." Sagot ni Sandra. Dumating na sina Vince at Lean dala ang order. "So what's up?" Bati ni Vince. "Ayun dun ako naka-ojt sa newly build company niyo. Pinakialaman nanaman ni Nathan kasi yung documents ko." Sagot ni Zoe. "Yeah. Sabi niya nga. Well, kamusta naman kayo dito? Anong balita sa inyo?" Sagot ni Vince. "Still kahit wala na kayo sa Franklin University marami pa din kayong haters. Lalo na si Ems. Muntikan pa kaming mapaaway." Sagot ni Sandra. "Hayaan niyo na lang. Dagdag pa yan sa highblood ni Ems. Hina-highblood na yan dun sa ex nitong si Vince na kung makalingkis eh parang jowa." Sagot ni Lean. "Speaking of jowa na yan. Kamusta na kayo ni Nathan, Zoe?" Tanong ko. "Going strong yung landian namin. Hinihintay ko yung debut niya as idol. Titignan ko kung ako pa rin ang hinaharot niya after debut." Sagot ni Zoe. "Hindi ka ba natatakot sa sasabihin ng fans niya? Lalo pa't certified playboy yang si Nathan." Sagot ko. "Hindi na bago yun. Kapag nagsawa siya edi magsawa. Madami pa kong reserba." Sagot ni Zoe. "Kapag sinaktan ka ng loko na yun ako makakaharap niya. Sinasabi ko sayo, Zoe. Di ako matino sa taong manloloko. Sabihin mo lang kapag nakita mo yang may kachukchakan na iba." Sagot ko. "Kalma Babe. Ako sasapak sa pinsan ko na yun kapag niloko niya si Zoe." Sagot ni Vince. "Why don't we watch movie after this? Tapos arcade tayo just like before." Sagot ni Sandra. "Tara! Nakakamiss kaya manuod ng sine. Hindi na ako nakakapagsine kasi busy na sa duty ganun." Sagot ko. "Then let's go." Sagot ni Sandra. Tumayo na kami at kinuha ang mga kape namin. Habang naglalakad ay may nakasalubong kaming mga babae na todo lingon kay Vince. "Uy Vince, crush ka ata nung mga babae." Saad ko. "Ano? Merong dumaan? Pasensya na hindi ko nakita. Ikaw lang kasi nakikita ko eh." Sagot niya. "Ayieeeeee! Wahhhh! Vinly is sailing!" Sigaw ni Sandra. Luka-luka talaga ang babae na 'to. Nakatawag tuloy siya ng attention ng mga taong malapit sa amin. "Gusto ko lang naman magcatch up kasi pareho kayong kababalik lang dito sa Pilipinas tapos ganiyan pa gagawin niyo. Anak ng... Hintayin niyo kapag nagkalabel kami! Who you kayo sa'king dalawa!" Saad ni Lean at nauna nang maglakad. Hanggang ngayon pala wala pa rin silang label. Nagkibit balikat lang sa akin si Vince at naglakad na din.
Sandra's POV
Seeing Emily smile is the best thing that happened in the world. Knowing she's happy I'm also happy for her but on the other side of my mind I remember the guy she once love. The guy once became her happiness. I wonder if he's happy knowing she reads the webtoon for her. Magkakabalikan pa kaya sila? Kasi sobrang saya ni Emily kasama si Vince eh. Bumili na si Lean ng movie tickets dahil sa kabitteran siya ang nanlibre. Habang si Emily at Vince ang bumili ng snacks. "Tayo lang talaga walang ambag." Saad ko sa katabi kong si Zoe. "Oo nga eh. Hayaan na natin at least libre tayo." Sagot niya. Natawa na lang ako sa sinagot niya. Lumapit sa amin si Lean. "Horror papanoorin natin. Nanawa na ko sa romance. Kaharap na natin yung dalawang romance writer at naglalandian pa kaya wag na tayo manuod ng romance film. Sapat na sila." Saad ni Lean. Napahilamos na lang ako sa aking mukha. "Bakit naman nauwi sa horror? Hindi ako makakatulog nito mamayang gabi." Sagot ni Zoe. "Maski ako pero anong magagawa natin sa kabitteran ni Lean?" Sagot ko. "Kayo naman. Hindi ako bitter sa dalawa na yan ah! I just want new experiences!" Sagot niya. "Okay sabi mo eh." Sagot ko. Binigay niya na sa amin yung movie tickets namin. Agad ko namang tinanggap ito. Nang makapasok sa sinehan ay umupo na lang ako sa tabi ni Zoe. Magkatabi si Ems at Vince katabi ni Lean si Ems. Ako ang nasa pinakadulo at wala pa akong katabi. Hay, sana talaga di na lang ako nag-aya ng meet up. Nagsimula na ang palabas at sa una pa lang ay kinikilabutan na ako. Napasigaw na lang ako ng lumabas na sa screen yung multo. Pinagtinginan ako ng mga tao pero ibinaba ko na lang ang tingin ko. Hindi naman nila makikita ang mukha ko dahil madilim.
Pag-labas namin ng sinehan ay nangangatog ako samantalang sila Lean ay pinagtatawanan ako. "Ayoko na mag-aya ng meet up tapos manunuod after. Ayoko na. Nadala na ako. Kakaiba pala maging bitter si Lean. Nakakamatay sa takot yung movie na pinili!" Saad ko. "Si Ems at Vince sisihin mo! PDA eh." Sagot ni Lean. "Oo nga. Tsaka di naman nakakatakot." Sagot ni Zoe. "Kayo hindi natakot ako nangangatog pa!" Sagot ko. "Kumain na lang muna tayo tapos mag-arcade." Sagot ni Emily. Pumunta kami sa milktea store na malapit sa arcade. Naalala ko yung store na 'to. Dito yung store kung saan sinundan namin si Ems nung highschool. May tinda din silang pasta kaya ayos na din. Pumwesto kami sa parehong pwesto noon. Si Emily at Vince ang pumunta sa counter para umorder. "Ano sa inyo guys?" Tanong ni Emily. "Kahit ano sa akin. Basta yung milktea chocolate flavor." Sagot ko. "Ako half sugar level lang tapos okinawa. Ayoko magpasta diet ako ngayon dahil may assesment next week." Sagot ni Lean. "Ikaw, Zoe?" Tanong ni Ems kay Zoe. "Kahit anong flavor ng milktea tapos pasta lang din." Sagot ni Zoe. Pumunta na sila Ems at Vince sa counter. "Naaalala niyo pa ba 'to?" Tanong ni Zoe. "Oo naman. Dito yung place kung saan sinundan natin si Ems nun." Sagot ko. "Yeah. Kasama pa natin si Ken. Luh, nakakamiss pala yung lalaki na yun. Kamusta na pala yun, Sandra? Diba ikaw yung nakakausap niya?" Sagot niya. "Guys, wag niyo pag-usapan si Ken infront of Vince. Konting respeto sa boyfriend ni Emily." Sagot ni Lean. "Yeah. But he's okay. He's now a cartoonist." Sagot ko. Hindi na namin pinagusapan ulit si Ken dahil bumalik na sila Ems at Vince sa pwesto. "May tanong ako sa dalawa na 'to." Saad ni Zoe at tinuro sina Ems at Vince. "Ano?" Sagot ni Ems. "Paano kayo hindi nagkasawaan sa isa't isa? You know palagi kayong magkasama sa iisang condo unit tapos nasa iisang school kayo. Tapos nasa iisang hospital kayo." Sagot ni Zoe. "Simple. Siya wala sa umaga ako lang mag isa sa condo sa umaga tapos sa gabi pagkatapos niya ako ihatid sa hospital naiiwan siya mag-isa dun sa condo. Hindi kami nagkakasawaan. Magkaiba din kami ng department kaya bihira kami magkita sa hospital." Sagot ni Ems. "Oo ganun lang. Tapos kapag gusto niya gumala mag-isa pinapabayaan ko siya." Sagot ni Vince. "Ang galing ng relationship niyo. Sabay kayong nagsimula sabay kayong nagrow. Sana all." Sagot ni Lean. "Ganun naman talaga sa isang relasyon... It's either you grow with each other or grow without each other. Mas masaya kaya kapag may kasama kang magbreakdown dahil sa grades, mag-aral magdamag, magsulat ng updates." Sagot ni Ems. "Pag kayo naghiwalay ang daming malulungkot. Kasama na ko dun. Ang strong niyo kasi eh. Like every girls wants a guy like Vince." Sagot ni Zoe. "As long as she's still with me I'll make her feel that she's loved, she's the most beautiful girl I see and she's worth it. That's what matters. Nobody knows about tomorrow so I'll be the best version of me everyday I'm with her. That's the reason why our relationship last for long. Be the best version of you with the person you love. Cause that's love." Sagot ni Vince. Halos lahat kami ay hindi nakasagot sa sagot ni Vince dahil tama siya. Ganun ang pagmamahal. Kung di kaya ako nabulag ganiyan din kaya maririnig ko kay Ivan? Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. "Ang bigat ba ng mundo, Sands? Or naisip mo nanaman ba si Ivan?" Tanong ni Lean. "I heard he has a new girl. I'm sorry Sands I just want to let you know." Sagot ni Vince. "Yeah. I know he has a new girl. I know." Sagot ko. Even though I felt a bang on my chest I managed to answer that question. "Sands, if you ever feel hurt we're just here. One call away lang kami. Pupuntahan ka namin." Sagot ni Emily. Napangiti naman ako sa narinig. Hindi pa din siya nagbago kahit naging famous na siya sa wattpad. Siya pa din yung Emily na kilala ko. I'm so proud of her. Hindi ko alam bakit bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Agad niya naman akong dinaluhan ng yakap. "It's okay. Just cry." Sagot ni Ems. Kaya ganun nga ang ginawa ko. Hinayaan ko lang ang sarili ko na umiyak dahil sobrang hirap na sinasarili mo lang ang sakit.
Zoe's POV
Sandra's had been tough for so long that it made her cry. "Akala ko catch up lang... Bakit may iyakan? Alam mo Sandra, pabayaan mo si Ivan. Be better. Ipakita mo sa kanya na kinaya mo ng wala siya. Kasi siya kinaya niya ng wala ka at kung nakahanap siya ng bago? Maghanap ka din ng bago!" Saad ni Lean. "May sapak sa ulo talaga 'tong pinsan ko. Pasensya na guys." Sagot ni Vince. Natawa na lang ako. Ng mapakalma si Sandra ay nagpatuloy ang kwentuhan namin. Nilabas naman ni Vince ang phone niya ng tumunog ito. Binasa niya ang text message sa phone niya at sumulyap sa akin na may mapanglokong tingin. "Zoe, susunduin ka daw ni Nathan papunta na daw siya. Sa kanila ka na daw sumabay Sandra. Ako na maghahatid kay Lean sa dorm niya sa Pampangga sasama ko si Ems." Saad ni Vince. "Ah sige." Sagot ko. "Ano? Libot muna tayo ng mall para mapababa yung kinain." Saad ni Lean. "Sige." Sagot ni Ems. Nagsimula na kami magligpit ng mga gamit namin at inipon sa iisang lugar ang mga pinagkainan namin. Pagkatapos ay lumabas na kami ng milktea store.
Nandito na kami ngayon sa department store ng mall. Namimili ako ng mga damit na ibibigay ko sa kapatid ko ng may humablot sa pulsuhan ko at hinila ako payakap sa kanya. "I miss you." Bulong niya. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nasa mga bisig niya. Palagi niya itong ginagawa kapag sinusundo niya ako. "Hey. Answer me naman." Saad niya pa. "I-i miss you too." Sagot ko. Hindi ko alam ano nanamang nakain ng lalaki na 'to at ganito nanaman ka-lambing. "B-bitaw na baka may makakita sayo tapos magtrending ka." Saad ko. "So what? I just wanna hug you." Sagot niya. "Sinasabi ko lang, Nathaniel." Sagot ko. Napailing na lang siya. "Let's just go home and rest. Tawagin na natin si Sandra." Sagot niya. Pinuntahan namin yung section kung nasaan sina Sandra at tinawag na sila. Naglakad na kami papunta sa parking lot. "Nathan, kami na bahala kay Lean. Hatid mo na lang sila Zoe. Dadagukan kita kapag isa sa kanila nagalusan." Saad ni Emily. "Yes Ma'am." Sagot ni Nathan at sumaludo pa. Pinagbuksan na ni Vince ng pinto si Emily at pagkatapos ay si Lean. Ganun din ang ginawa ni Nathan. "Zoe, ang ideal man nito ah." Bulong ni Sandra. "Nako Sands. Maghanap ka ng iyo hindi yan maganda para sayo. Madami yang reserba. Ganiyan lang yan pero napakadami niyang reserba." Sagot ko. "Wag mo na bakuran. Di ko yan gusto. Ayos na kong maging single." Sagot ni Sandra. "Hindi ko binabakuran yan." Sagot ko at nilagay ang atensyon sa daan. Hinatid kami ni Nathan hanggang sa tapat ng dorm namin. Hindi na pwede pumasok ang guys kasi mas naghigpit yung security system nila. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Good night. Sleep well." Saad niya at hinalikan ang noo ko bago siya umalis sa harap ko. "Huy girl, natulala ka na diyan. Tara na. Akyat na tayo." Saad ni Sandra. Nauna na siyang maglakad sa akin kaya sumunod na din ako. "Good night, Sands." Paalam ko bago pumasok ng kwarto. Halos 8pm na din kami nakauwi sa dami ng ginawa namin sa mall. Nagbihis na lang ako ng pangtulog at nagskin care bago nahiga sa kama ko. Binuksan ko muna ang phone ko at nagbasa ng messages.
Nathan:
Nakauwi na ko Zoe. Good night!
Me:
Good night!
Inaantok na din ako kaya hindi ko na napahaba ang usapan namin. Binaba ko na ang phone ko at tumitig ng ilang saglit sa kisame ko na may glow in the dark star stickers at hinayaang bumagsak ang mga talukap ng mata ko ng makapagpahinga na.
A/N: Hi Bemskies! Your author is back! Enjoy reading! Please vote, comment and recommend my story para mas marami pa ang makabasa ng story ni Emily! Thank you! Have a good night! I love you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top