CHAPTER 18: HE'S BACK
Ken's POV
As soon as the plane landed I opened my phone. Messages from Ate and Sandra popped.
ATE KASS
Her:
Ingat ka jan. Umuwi ka muna bago ka magliwaliw sa site ha!
Me:
Oo.
SANDRA HARRINGTON
Her:
Hi Kuya! Have a safe flight! Nandito ko sa airport dahil susunduin ko si Andy at Ivan.
Me:
Really? I might see you there.
Binalik ko na sa bulsa ang cellphone ko. Ang daming tao sa waiting area ng airport. May mga taong may hawak na placards na nakasulat ang pangalan ng mga sinusundo nila. While gazing at the people I noticed someone is staring at me. Kaya lumingon ako sa pinanggalingan ng tingin. Nakita ko si Vince na pinagmamasdan ako at sa gilid niya si Ems na kausap si Lean. Ems was about to look at what Vince is looking when he turn around to face her and cover me. Sandra saw me but I just raised my hand for a wave and left. Mabilis ko lang nakita ang driver namin.
"Saan po tayo, Young Master?" he asked.
"Phoenix Subdivision," sagot ko.
Mabilis naman siyang nag-drive paalis sa airport. After one hour nakarating na kami sa subdivision. The house I'm dreaming to have is almost done. The construction started last year and I managed to finish this by early November. Pumasok na ako sa loob ng bahay para tingnan ang interior. Tiles and interior are almost finish. Pati ang likod bahay ay patapos na rin. Tapos na ang swimming pool pero wala pang tubig. Bumalik ulit ako sa loob para i-check ang library. It's not as big as the city library but it's enough to put all the books Emily will write and publish in the future. I want to show my future children how great their mom is. I want them to know that their mom is a great writer and she wrote all the books stored at this libray.
I smiled at the thought but then I suddenly remember that it's not as easy as pie. I need to deal with Vince, Andy, her family, and many more. My issue with my family is still not yet done. Umalis na ako ng bahay at nagpahatid sa Lizardo Group of Companies. May inayos akong ilang papeles na pinaayos ni Ate.
"Who told you to do things here in our company?" Emerald asked. One of the youngest board members we have. I think she's almost the same age as Emily and Sandra.
"Ate Kass. Why?" sagot ko.
"It's because it's not needed here! We don't need you here."
"We don't need you too. You can't even find a solution how to solve the problem." Iniwan ko na siya roon na nakatulala sa akin. Dumaan muna ako sa isang restaurant para kumain. I feel like eating samgyeopsal right now so I went to the nearby Korean Cuisine restaurant. I sat at the corner of the restaurant and ordered samgyeopsal.
While eating a group of familiar people entered the restaurant. Lumingon ako para tingnan sila. Malaki itong restaurant at malayo ako sa pinto para mapansin nila.
"Dahil si Ems nakaisip nito, si Ems magluluto!" Sandra screamed.
They laughed at what she said.
"Ako na nga magbabayad, ako pa magluluto! Talaga lang ah!" Emily countered. Napangiti ako nang marinig ang boses niya. Nagbalik na ako sa pagkain. Pagkatapos kong kumain ay kailangan kong magbayad sa counter. Para makapunta roon ay kailangan kong dumaan sa table nila. So I stood up my chair and walk to the counter without noticing their existence. Pagkatapos ko magbayad ay agad-agad akong umalis sa restaurant upang hindi na nila mapansin ang presence ko.
Emily's POV
There's something not right is going on. Kanina pa tahimik si Vince simula nang umalis kami sa airport. He's still not talking or speaking something.
"Guys, have you heard about it?" he asked.
"About what?" sagot ni Andy.
"Ano 'yon?" sagot ni Lean.
"Ikaw ha! Ano 'yan?" sagot ni Zoe.
"Huy! 'Wag ka ngang ganiyan ka-seryoso. Kinakabahan ako!" sagot naman ni Sandra.
Tahimik lang ako at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"Ken is back..." he shortly answered and continue eating.
Naibaba ko ang chopsticks na hawak ko at nasamid sa kinakain ko. Inabot ko ang baso na may tubig at uminom. Pagkatapos kong makabawi sa pagkakasamid ay sinamaan ko siya ng tingin. Sina Sandra naman ay tinawanan ako imbis na abutan ng tubig. They are so evil, kababalik lang ni Mame may gana na silang gumanyan.
"Do you think it interest me that much?" I asked. Hindi naman ako interesado sa pagbabalik ng lalaking 'yon. Pakialam ko kung bumalik siya saan mang lupalop ng mundo siya galing.
"I just want to inform you para di ka mukhang dumbfounded kapag nagkita kayo somewhere!" sagot niya.
"Do you think I'll meet him? Of course not!"
"Bakit ang defensive mo?" sagot ni Lean.
"I'm not! I'm just saying that wala akong pake!" sagot ko.
"Wala ka ba talagang pake?" sagot ni Zoe.
"Of course!" sagot ko.
"Ken doesn't excite Emily now so why would she be affected of Ken's comeback?" Andy asked.
"Yeah! Andy's right! Saka I have Vince now so why? I bet Ken has also a family now," sagot ko.
"He doesn't have. He never had a girlfriend after you," Vince answered.
"So? What will I do, Babe?"
"Share ko lang! 'Wag kang high-blood!" sagot niya.
"Kayo naman! Parang shi-ne-share lang ni Vince 'yong about kay Ken ganiyan ka na!" sagot ni Zoe.
"It's unnecessary na, Zoe," sagot ko.
Nagpatuloy kami sa pagkain at nang manawa na sila kaka-order ng samgyeopsal ay nagbayad na ako. Mabuti at bagong sweldo ako sa writing platform na pinagsusulatan ko kung hindi eh baka naghihikahos na naman ako. Kasama nina Sandra si Andy sa dorm.
"Kailan pala kayo lilipat ng apartment? Para makapagsimula na ako magpaalam kay Mommy?" tanong ko.
"Wala pa kaming nahahanap until now," sagot ni Sandra.
"Nag-try ako maghanap eh kaso puro boarding house inaalok sa akin," sagot ko.
"Bakit pa kayo lilipat okay na dito sa dorm ah?!" saad ni Lean.
"Kailangan! You know? Hindi na ako student dito si Sandra na lang. Nasa policy ng school 'yon that once you graduated you should leave the dorm. Ilang months na akong graduate dito," sagot ni Zoe.
"Makakahanap din tayo!" sagot ko.
"Nasa kwarto na si Andy, nagpapahinga na," saad ni Sandra na kabababa lang.
"Ano guys, what do you think is the reason why Ken is back?" tanong ni Vince. Ito na naman kami sa usapan tungkol sa pagbabalik ni Ken. Ano ba si Ken? Artista ba siya? Alam ko lang is kapangalan niya 'yong ka-partner ni Barbie.
"Di ako informed na nag-comeback pala 'yong ka-partner ni Barbie! Introduce him to me please," sagot ko.
"Ang funny, Ems! Alam mo naman kung sino eh!" he sarcastically laughed.
"Well siguro baka tungkol 'yon sa kompanya nila kasi I have read recently a news that they are suffering bankruptcy because of mismanagement," sagot ni Lean.
"Yeah. Tapos baka magbubukas siya ng branch ng company niya dito. Teka, bakit ba natin siya pinaguusapan? Di naman ako interested sa kaniya at sa dahilan ng pagbabalik niya," sagot naman ni Zoe.
"Malay ni'yo trip lang niya bumalik 'di ba?" sagot ko.
"Tigilan na nga natin pag-uusap about kay Kuya! Kayo, anong nararamdaman ninyo? One week before book signing?" saad ni Sandra.
Napangiti naman ako sa narinig.
"Well, kinakabahan syempre na baka flop 'yong magiging first book signing namin pero syempre on the other side of me I'm excited kasi nandoon na ako sa pinakahihintay kong pangarap," sagot ko.
"I'm so excited to meet our readers!" sagot ni Vince.
"May balak ba kayong mag-sleep over dito? So that I can prepare the snacks," saad ni Zoe.
"Yeah! Uuwi lang kami saglit para kumuha ng gamit!" sagot ko.
"I think, Babe, we should go na para makuha mo 'yong things mo and we can start na magsulat later pagdating natin dito," saad ni Vince.
"Oh! Sige! Tara na!" sagot ko.
Umalis na kami sa dorm at dumiretso na sa kotse. Pagsakay namin sa kotse ay agad kong pinukol ng nagtatakang tingin si Vince.
"Let's talk nga, babe," saad ko.
"What?" he answered, full attention in mine.
"What's with the talk with Ken?"
"Nothing. I just want you all to know since he was part of your lives."
"Yeah it is but why? Hindi ko talaga maisip bakit?"
"Wala nga. I'll drive na. Quiet na." Nagsimula na siyang magmaneho. Tumahimik na ako dahil ayaw niya naman magsalita tungkol sa bagay na iyon. Pagdating namin sa bahay ay inayos ko na ang mga dadalhin kong gamit.
"Anak, babalik ka ba ng Singapore at maleta 'yang dala-dala mo?" saad ni Mommy.
"Hindi po, Mi. May overnight po kami sa dorm po ng 3 days tapos sila naman po dadalhin ko rito. Alam niyo namang balik-bayan si Andy. Saka po for celebration ng book signing namin ni Vince," sagot ko.
"Okay. Bumalik ka agad ha," sagot niya. Tumango naman ako bilang sagot. Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko ay umalis na kami ni Vince.
"Pinagtitinginan na naman tayo ng mga CCTV ni'yo," saad niya.
"Hayaan mo sila. Baka raw kasi pagbalik natin buntis na ko! May handaan, syempre makikikain!" sagot ko.
"Why don't we make their dreams turn to reality?"
"Ito naman! Ang seryoso!" Hinampas ko ang balikat niya.
"Why?" tanong niya.
"Anong why? It's way too serious. We're still getting our lives stable and we're still far from getting to our dream as the best-selling authors!" sagot ko.
"We can pa rin naman even though we have family."
"You know, iba kasi kapag we're on our own pa. Kasi kapag nagka-family tayo like, we need to think of the future of the child. Education, place to live, and things like that and I think we're still not ready for that. Hindi pa nga tayo nakakatagal sa hospital eh!"
"I get it. You want to be stable first before doing those things?"
"Yeah. I don't want my child to be like me. Someone who seek scholarship programs for education. I want the best for my child. That's why I don't want to settle at a young age. I still want to pursue the things I want."
"Wow, biruan lang tayo rito, lods!"
"Ikaw nanguna sa pagiging serious tapos sisihin mo ko!"
"But honestly, I really love your perspective about family. Other girls would reject it just because they don't want too but you, you have your own wonderful reasons that's the thing that made me fall for you more. You know what you want in life."
"In love ka na naman?" asar ko.
"Oo naman! Everyday!" sagot niya.
"Wow! Aminado!"
"Bakit? Bawal na ba?"
"Hindi naman," sagot ko at bumaba na ng kotse. Mabilis niyang inayos ang mga dadalhin niyang gamit. Isang duffle bag lang ang bitbit niya. Dumaan muna kami sa isang pizza parlor at sa isang convenient store para bumili ng pagkain at soft drinks. Strictly no liquors policy ang sinabi ni Mame at bawal din magpasok ng liquors sa dormitory. They always check the bags before we enter.
Pagdating namin sa dorm ay ready na lahat ng pagkain at nandoon na rin si Andy. They already sett the tables up.
"By the way, where's Ivan? I thought he's gonna sleep with us?" saad ko. Kasasabi niya lang sa airport. He didn't eat lunch with us because he's with his siblings.
"Sands, chat mo na!" saad ni Zoe.
"Ha? Bakit hindi ikaw? Nakakatamad kaya mag-type!" sagot ni Sandra.
"Nako, ako na nga tatawag!" sagot ko at nilabas ang cellphone ko at hinanap ang number ni Ivan. Sa pangalawang ring pa lang ay sinagot niya na ito.
"Hello, Ivan? Pupunta ka ba?" saad ko.
"I'm really sorry, Ems. Late ako makakarating diyan but I'll still have the overnight. May pahabol kasing meeting si Papa. I got to go na, he's already here," sagot niya.
"Oh? Okay. Bye," sagot ko at binaba ang tawag.
"He's gonna come daw pero late na kasi may meeting sila ng papa niya," I said.
"Ohh? Edi kumain na lang tayo! Lalamig 'yong pizza. Sayang!" saad ni Sandra.
"Let's go!" sagot ni Andy.
Lahat kami ay pumunta na sa kusina para kumain. While eating highschool memories flashed my mind.
*Flashback*
It's Saturday, rest day! Makakapagpahinga na naman after a long-long week of school. Magkakasama na naman kami ng squad sa dorm at siguradong magluluto si Sandra At Zoe ng masasarap na pagkain. Andy will order some pizza, Lean will surely order her favorite food and Vince will surely brought some ice cream.
"Another weekend, another luto na naman!" saad ni Sandra.
"Bakit, Sands? Sawa ka na ba?" I asked while still working on the last chapter of my trilogy.
"Hindi naman! Nauubusan na ako ng ideas para lutuin sa inyong puro kain lang ang alam!" sagot niya.
"Don't worry, kumpleto na ingredients ng carbonarra sa ref! Sponsored by me!"
"Okay! Simulan ko na! Tapusin mo na 'yang chapter mo!" sagot niya at nagtungo na sa kusina.
Nagpatuloy ako sa pag-type ng chapter. After finishing it, I feel like the world is not in my back anymore. Finally, my third novel has done. Makakapagsimula na ulit ako ng bago. Tinawag na kami ni Sandra para kumain. When we all sat the table we just waited for Vince. Nang dumating na si Vince ay sabay-sabay na kaming kumain.
"Kumpleto na tayo! Si Ivan kasi may group meeting pa!" Sandra said.
"Okay! He just missed the best food of his life!" sagot ko.
"Who said I'll miss the best food of my life?" Ivan said standing on the entrance of the kitchen.
"Upo ka na lang, Yelo! 'Wag nang maraming sinasabi!" Sandra answered.
They really have the relationship everyone wanted. 'Yong para lang kayong mag-tropa pero nandoon 'yomg kilig.
"Sigurado 'pag naging mag-asawa kayo ni Ivan palaging may bangayan!" saad ni Lean. Nakaupo na ngayon si Ivan sa tabi ni Sandra.
"How do you say so, Lean?" tanong ni Andy.
"Syempre! Tignan mo naman 'tong dalawa na 'to parang hindi magkasintahan kung magturingan!"
"Wow! Lalim! Filipino words 101 with Lean!" saad ni Vince.
Nagtawanan lang kaming lahat.
*End of Flashback*
Just like highschool days we're here eating happily and throwing jokes. After we eat we decided to do the things we need to do. Ako na ang nagurong ng mga platong pinagkainan namin. After that ay dumiretso ako sa sala. Ni-ready na pala ni Vince lahat ng gagamitin namin kaya hindi ko na kailangan mag-set up.
"Since we're both done with our books. Let's start brainstorming about our collaboration book!" saad ni Vince.
"Let's think of a genre that is suitable for our readers and a plot that will make them hooked," sagot ko.
"Why don't we try like, mystery-romance since we both like romance genre?"
"Like, mystery lovers duology or something?"
"Yeah! Mysterious lovers!"
"Okay! Duology it is!"
"May prepared na akong title," saad ko.
"Ano?" sagot niya.
"The girl behind the mask tapos the faceless man. Like, they are two mysterious siblings and they met their lovers along with the mystery in their lives!"
"Ako magsusulat noong the faceless man," sagot niya.
Tumango lang ako bilang sagot. We started doing our thing with our books. After outlining we decided to eat some of the left over foods. Pagkatapos naming kumain ay inayos na namin ang sala para sa pajama party. We are the in charge in food and the set up. Pagkatapos naming maayos lahat ay naligo na ako. We had a movie night with Ivan.
"Paano 'yan guys? Tapos na 'yong movie. Saan ako matutulog?" tanong ni Ivan.
"Diyan sa couch!" sagot ni Sandra.
"Couch? Hindi ba pwedeng diyan na lang sa tabi mo?" sagot ni Ivan.
"Baliw ka ba? Katabi ko si Zoe!" sagot niya.
"Magpatulog kayo!" saway ni Vince.
"Shhhh! Para kayong highschool students na nagaaway!" saway ko.
"Ayan na! Shut up na kasi!" sagot ni Zoe.
"Saan ako matutulog?" sagot ni Ivan.
"Why don't you sleep in Sandra's room so that everybody can sleep in peace, Ivan," Andy said.
"Aish doon na lang ako sa couch!" sagot niya at kimuha ang unan at kumot. Nahiga na siya sa couch. Ako naman ay pumikit na at pinilit ang sarili na matulog.
Morning came and we decided to go to the mall. Andy wants to go around the mall. We can't go with them because we still have duty. We're now eating our breakfast.
"Talaga bang hindi kayo pwede mag-leave?" saad ni Sandra.
"Hindi pwede, Sands. Walang mag-co-cover ng duty namin," sagot ko
"Yeah. We don't want to burden our senior nurses," sagot naman ni Vince.
"But we're still having fun you know?"
"Wala kasing fun 'yong mga sakit kaya we can't leave the hospital but after duty dito naman kami dederetso eh!" sagot ko.
"A day with you guys feels shorter."
"I can make it longer," parinig ni Ivan.
"Tayo pong lahat ay kumalma at kumain ng mapayapa," saad ni Zoe. Kabisado niyang babanat ng asar si Sandra.
"Longer? Baka buhay mo gawin kong shorter?" sagot ni Sandra at sinamaan ng tingin si Ivan.
"Ganito na lang, we'll meet na lang sa mall after our duty? Let's all go to the grocery store and buy stuffs for another movie night?" saad ni Vince.
"No. Let's have a free wall night! Like we're all gonna talk about life happenings with us?" sagot ni Andy.
"Oh! Edi okay!" sagot ko.
"Hindi ako makakasama tonight. I received a call from Hannah that Anne already arrived," Ivan said.
"Okay," sagot ko.
Pagkatapos naming kumain ay lahat kami ay nagsipasok na sa kaniya-kaniya naming trabaho. Si Sandra naman ay pumasok na sa klase niya. She's done with OJT as a nurse. Pagdating namin ni Vince sa hospital ay nagbihis agad kami ng scrubs. Dumiretso kami sa ER dahil kailangan daw ng extrang nurses doon.
"Don't... Touch.. Me!" a cold voice said inside the ER. Walang babaeng nurse ang nakakalapit sa may-ari ng boses. Pumunta ako roon at tinanggal ang curtains. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya. I didn't expect I'll meet him here.
"But, Sir. We need to clean your wounds," the girl nurse said.
"No, leave me alone," sagot ni Ken.
"Sir, what's the matter?" I asked. Umalis na ang babaeng nurse na kausap niya kanina. His cold attention turned to mine. His left eyebrow has a cut and his lips has a wound. It looks serious
"I'm here to change my suture," sagot niya.
"Wait, Sir. I'll get the suture set," sagot ko at iniwan siya roon.
Pagdating ko sa station ay agad na lumapit sa akin ang nurse kanina na nag-a-asist kay Ken.
"Miss Emily, how did you tame that wild bear?" she asked.
"I know him," sagot ko. Pagkatapos kong makuha ang suture set ay bumalik na ako kay Ken. He's now using his phone.
"Sir, please refrain yourself from using your phone," saad ko.
Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at ibinaba ang cellphone niya.
"Shall we start?" I asked.
"Yeah," sagot niya.
Nagsimula na akong maglinis ng sugat niya. Napansin kong nabuksan lang ulit ang tahi na ito. Gustuhin ko man tanungin kung anong nangyari ngunit pinigilan ko na lang. Everything was all on the past. I don't need to know anything about this.
"You want to know why?" he asked.
"It's not my business po, Sir. I don't ask my patients why did they get the wounds," sagot ko.
"Oh..." he answered.
"If you wouldn't mind, Sir, take care of the suture you have. Mahirap po kasi magtahi ng balat."
"I wouldn't mind having a suture again if a nurse like you will treat me."
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa narinig ngunit tila bingi na pinagsawalang bahala ito. Pagkatapos kong gamutin ang tahi niya sa kilay ay sinimulan ko nang gamutin ang sugat niya sa labi. Lumulon ako dahil sobrang pula nito na para akong inaanyayang halikan ito. Ems, may boyfriend ka. Stop simping on your freaking ex. Pagkatapos kong lagyan ng ointment ang labi niya ay nagsimula na akong mag-ayos ng mga ginamit ko. Tinapon ko na rin ang mga ginamit kong bulak.
"Change the dressing of your wound before you sleep and every morning to avoid infections at para rin po mapabilis ang paggaling ng sugat ni'yo," saad ko.
"That's the order of my nurse. Thank you, I'll do that," sagot niya. Tumayo na siya sa hospital bed at umalis na. Binalik ko sa station ang suture set. Nagsimula na akong mag-ayos sa pinaghigaan ni Ken ay nakita ko ang phone niya. Naiwan ito sa hospital bed kaya agad ko itong kinuha at hinanap siya. Mabuti na lang at nasa cashier pa siya.
"Sir!" tawag ko. Pero parang bingi pa rin siya na naglakad tuloy-tuloy.
"Sir! Teka lang! Sir! Ken!" sigaw ko. Napaka-bingi kahit kailan.
"Yes?" he said. Agad akong lumapit sa kaniya at inabot ang cellphone niya.
"Naiwan ni'yo po. Ingatan ni'yo po 'yong cellphone ninyo. Mukhang mahal pa naman po. Masasanla ng malaki sa Reymalyn!" sagot ko.
"Thank you! I'll go ahead now," sagot niya at iniwan ako roon na nakatayo. Pabalik na ako sa ER nang makasalubong ko si Vince.
"Bakit nasa labas ka? Nurses should be inside," saad niya.
"Eh may pasyente kasi akong naiwan 'yong phone niya," sagot ko.
"Balik ka na sa post mo baka kailangan ka na nila there." Pumasok na siya sa ER kaya sumunod na ako. Bumalik ako sa post ko at naghintay ng utos.
"Nurse Emily, doon ka raw sa nurse's station sa third floor," saad ni Shine isa sa mga ka-duty ko rito sa ER.
"Sige! Kuhanin ko lang mga gamit ko," sagot ko. Kinuha ko na angga gamit ko at nagpaalam sa iba naming ka-duty at dumiretso na sa third floor. Hindi na kami magkasama ni Vince. Pagdating ko sa third floor ay nagulat ako na halos lahat ay lalaki at isa lang sa kanila ang babae.
"Hi. Uh, pinapunta ako rito ni Nurse Shine dito raw post ko," saad ko.
Napalingon naman sila lahat sa akin. "Hi! Welcome Ate girl!" bati ng isang lalaking katangkaran katulad ko. Boses babae siya.
"I'm Paulo but you can call me Paula!" he said.
"I'm Ally," pakilala naman ng nurse na maliit at may maikling buhok.
"I'm Jerome and he's Jacob," pakilala ng isa na may blonde hair sa katabi niyang abala sa cellphone at may itim na itim na buhok.
"Nice to meet you all, I'm Emily Savvanah Howards. You can call me Ems or Emily," sagot ko.
"Nice to finally meet the author I idolize! I read your works and hanga ako sa 'yo!" sagot ni Ally at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik. I have a reader pala na katulad lo ng profession.
"Book signing ko next week. I hope to see you there!" sagot ko.
"Author ka pala, Emily! What platform?" sagot ni Paula.
"Wattpad," sagot ko.
"Really? So you're the other half of Vinly?"
"Yes!"
"Grabe guys! Famous author pala 'tong ka-duty natin!" sagot niya.
"Hindi naman! Ano ba kayo? Mag-duty na tayo!" sagot ko. Nilagay ko na sa locker ang mga gamit ko. Naghihintay na lang kami ng mga doctor na mag-ro-rounds at mga tatawag na relative.
After a long-long day of work, finally out na! Ang pinakapaborito kong ginagawa.
"Bye!" paalam ko sa kanila at bumaba na. Tumunog ang phone ko, kinuha ko ito sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Babe calling...
"Hello?" saad ko.
"Saan ka?" sagot niya.
"Pababa na. Sa third floor ako napunta."
"Oh sige. Sa tapat ng ER na lang tayo magkita."
"Okay," sagot ko at binaba ang tawag. Nang tumunog ang elevator ay agad akomg bumaba rito. Nang makarating ako sa tapat ng ER ay agad niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap. Ang PDA talaga.
"Let's go? For sure hinihintay na tayo sa resto nila Sandra. They keep texting me they don't want to disturb you kasi," saad niya.
"Tara na!" Lumabas na kami ng hospital. Mabilis lang kmaing nakarating sa mall. Pagdating namin sa resto ay hindi namin inaasahan na may isa pa silang bisita. Hindi ko expected na magkikita kami.
"May sense rin naman pagsabi ko sayo ng pagdating niya. Hindi ka mukhang nabigla," bulong ni Vince. Hinila ko ang balikat niya para maging kapantay ko ang tenga niya.
"Pasyente ko 'yan kanina. Nabuksan 'yong tahi sa kilay," bulong ko.
"Tara na! Baka nagtataka na sila," sagot niya at hinila ko papunta sa table ng mga kaibigan namin.
"I'm so sorry, guys! We're late kasi may inayos pa kami after shift!" saad ni Vince.
"O-oo! May inayos kami!" pagsang-ayon ko.
"Upo na kayo, parating na 'yong order," sagot ni Sandra.
"By the way, pinasama ko pala si Kuya Ken kasi diba wala si Ivan. Sayang naman 'yong reservation para kay Ivan," she added.
Tumango lang ako bilang sagot. Nilabas ko ang phone ko at nagbasa ng notifications. Silence is all over our table.
"Oh baka may napapanisan na ng laway diyan! Pwede magsalita!" saad ni Vince.
"Oo nga! Baka panis na 'yang mga laway ni'yo!" sagot ni Zoe.
"So Ken, how's New York?" saad ni Vince. Nagulat akong siya unang nag-approach kay Ken. How could he? How could he talk casually to my ex? Like? How? Mesa manhid ba siya?
"It's fine. So expensive city to live. You? Kayo ni Emily? Ilang years na relationship ni'yo?" sagot ni Ken.
"Three years. Going four next year," sagot ko.
"Stay strong! I'm looking forward on your wedding," sagot niya.
"Me too. I'm looking forward on your legit wedding," sagot ko.
"Kasal-kasal pa maglolokohan din naman," saad ni Zoe.
"Ako, hindi na ako magloloko kapag kinasal na ako kasi bakitbka magpapakasal at magsasayang ng pera kung maglolokohan lang kayo?" sagot ni Vince.
"Me too. Kasi kaya ka nga nagpakasal dahil you see yourself growing old with that person. Malaking dagok sa relationship ni'yo kapag nag-cheat ka," sagot ni Ken.
"Wow, coming from you, Kuya! Ikaw na muntikan nang ikasal!" sagot ni Sandra.
"Hindi naman lahat ng lalaki may perspective na katulad ng sa inyo," sagot ni Zoe.
"You know what stop talking about marriage and let's eat," saad ni Lean. Dumating na ang in-order nilang food kaya nagsimula na rin kaming kumain. Pagkatapos namin kumain ay umalis na rin si Ken dahil may gagawin pa raw siya. Umuwi na rin kami sa dorm pagkatapos. Nag-commute sila dahil ayaw na raw nila maki-third wheel sa amin.
Pagdating namin sa dorm ay nagbihis lang ako saglit at naglatag na sa sala. They all have soft drinks in their hands at nasa kaniya-kaniyang kutson na.
Umupo na rin ako sa kutson ko. Sumandal ako sa sofa na nasa likod ko. Nagtitinginan lang kami at nagiisip ng gagawin.
"How was the dinner with Ken?" Lean asked eyeing Vince.
"It was fun," cool na sagot ni Vince.
"Fun!? Ako nga awkward na awkward doon!" sagot ko.
"Bakit naman? Wala namang nakaka-awkward!" sagot niya.
"Anong wala? Ex saka present in one table? Hindi ba awkward 'yon?" sagot ko.
"If you're matured enough to handle the situation hindi na magiging awkward 'yon."
"No hidden hate?" paninigurado ko.
"Wala," sagot niya.
"Well, ikaw Ems? Hindi ka mukhang nagulat kanina," saad ni Sandra.
"Nagkita kasi kami kanina sa hospital. Ako gumamot sa kaniya kasi ang arte! Ayaw magpahawak sa girl nurses pero noong ako humawak sa sugat maayos ako pinakatunguhan!" sagot ko.
"Weird..." Andy said.
"Yeah! He will probably die dahil sa kaartehan niya sa nurses!" sagot ni Lean.
"Yeah!" sagot ko.
"Baka nagpapansin!" saad ni Zoe.
"Kanino?" sagot ko.
"Kanino pa ba? Edi kay Emily Savvanah Howards!" sagot niya.
"Asa siyang papansinin ko siya!" sagot ko.
"Ikaw naman, Ems. May pinagsamahan naman kayo," sagot ni Lean.
"Meron naman! Kaya nga maayos ko siya pinakitunguhan kanina pero ayaw ko na siya makita!" sagot ko.
"Bakit?" sagot ni Vince.
"Ayoko lang!" sagot ko.
"Ang garang rason! Sobrang reasonable!" sagot ni Lean.
"There are things kasi na ayoko nang balikan. Everytime I see him, I remember the horrible things that happened to me and the horrible things I did to myself," sagot ko.
Hindi ko pa rin maatim alalahanin ang mga iyon at pinapaalala lang ng mukha niya 'yon. Hanggang ngayon masakit pa rin balikan ang alaala na 'yon. My heart can't take it.
"Sa bagay. Reasonable naman na nga," sagot ni Lean.
"Ito, Vince and Ems I respect the relationship you both have and I know that this is a rude question—"
"Paano kung bumalik si Ken sa buhay ni Ems?" Vince cut Sandra off.
"Yeah..." sagot ni Sandra.
"Si Ems ang may hawak sa desisyon na 'yan. Saka hindi na tinatanong kung paano kasi basically bumalik na siya," sagot niya.
"Just respect my relationship with Vince cause I still don't know if I'll welcome him back in my life. Everything's not sure when it comes to him but I don't close the doors of friendship for him," sagot ko.
Ayos lang sa akin ang makipagkaibigan sa kaniya ngunit ang pagkakaibigan na sobra na eh hindi ko na sigurado iyon.
"Yes, I agree with Ems. There's nothing wrong with friendship," sagot naman ni Andy.
"Basta worst comes to worst huwag na tayomg makialam sa mga desisyon nila sa buhay. Huwag na tayong mag-comment sa desisyon nilang dalawa since we all know that they choose that for the better ourcome," sagot ni Lean.
"Yeah. Hindi na natin dapat pakialaman ang pinili sa buhay ng mga kaibigan natin ang tanging magagawa na lang natin ay suportahan sila," sagot ni Zoe.
"I'll support you both pa rin naman. Kahit anong mangyari sa relationship ni'yo ni Vince," sagot ni Sandra.
"Babe, how can you not get jealous?" tanong ko.
"Jealous? Kasi ginamot mo 'yong sugat niya? Sus! Ang babaw! Syempre nurse ka! Trabaho mo 'yon. Paano kung nasaksak siya at excessive bleeding? Paiiralin ko pa ba 'yong selos? I know you, Ems."
"That's how relationship works. You shouldn't be jealous of little things cause you know for yourself knows you're assured with your partner," sagot ni Lean.
"Right! Don't settle for someone who's indecisive," sagot ni Andy.
"Para sa akin 'ata ang patama ni Mareng Andy!" natatawang sagot ni Lean. Maging ako ay napatawa rin dahil naalala ko na naman ang palagi niyang kinukwento sa amin.
"Hanapan mo na kasi ng label si Eros!" sagot ni Zoe.
"Oo nga para 'di ka mukhang Madam Auring diyan na nanghuhula kung ano kayong dalawa!" sagot ni Vince.
"Soon!" sagot ni Lean.
Pagkatapos ng masayang kwentuhan ay nanood na kami ng movie. Lahat sila ay nakatulog na samantalang ako ay hindi pa rin. Patuloy akong binabagabag ng pagbabalik ni Ken. I should cope up with the changes because she's Sandra's friend. Kailangan makisama ko ng maayos sa kaniya alang-alang kay Sandra. Ito na talaga ang pinakamahirap na parte ng mag-ex eh. Ang may iisang circle of friends. Bakit ba kasi introvert ang loko na 'yon? Nagusal muna ako ng maikling panalangin bago ako pumikit at pinatulog ang sarili.
A/N: Enjoy reading, Bemskies! I'm finally back again! Magaling na ako sa sakit ko! So sana nag-enjoy kayo basahin ang UD ko. Ngayon pa lang kung nakarating ka na rito, thank you! Ilang chapters na lang matatapos na ang love story ng Kely kaya stay tune! Thank you so much!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top