CHAPTER 17: SILENCE
Emily's POV
After a hectic week of night shift duty finally we got a rest. Although di kami sure kung makakapagpahinga kami buong araw. Hopefully dahil pinag-on call si Vince. I'm now preparing for our gala sa sky ranch. I just wore a simple blouse and jeans. Inayos ko muna ang shoulder bag na dadalhin ko bago ako bumaba. Pagdating ko sala ay naabutan ko si Vince na nakatingin sa phone niya at parang ang lalim ng iniisip. Tumingin ako kay Mommy pero napailing lang siya.
Tumabi ako sa kaniya at kinalabit siya.
"What are you thinking?" I asked.
"W-what? May sinasabi ka, babe?" sagot niya na parang nagulat pa.
"Sabi ko, what are you thinking? You seem like one with your thoughts. What is it? May I know?"
"Nothing... Right! Nothing! I'm just tired of the shift we had. So, halika na! Susunduin pa natin si Sandra at Zoe! Si Lean daw doon na lang sa Sky Ranch pupunta since wala siyang training kaya nasa dorm lang siya."
"Okay... Tara na!" sagot ko at hinila na siya patayo sa sofa.
"Mi! Alis na po kami!" paalam ko.
"Sige! Mag-iingat kayo!" sagot niya.
Lumabas na kami ng sala. "Antayin mo na lang ako d'yan! Aalis ko sa parking 'yong kotse," he said.
"Okay," I replied.
Binuksan ko ang phone ko at mi-ne-ssage sila Sandra.
SEENERS SQUAD (3)
Me:
Papunta na kami d'yan ni Vince!
Sandra:
Okay! Ingat!
Andy:
Ems! I'm going home soon!
Me:
Ohhh! Message us para masundo ka namin sa airport!
Andy:
My flight is later tonight!
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. Bukas? Agad? I think one week pa bago ang book signing ko.
"Babe! Tara na!" tawag ni Vince.
Agad naman akong tumakbo papunta sa kotse niya at hindi na hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto. Kusa na akong sumakay sa kotse niya.
"Sino 'yong kausap mo?" tanong niya.
"Ah! Sila Andy! Uuwi na raw bukas si Andy! Flight niya mamaya!" sagot ko.
"That's nice. Nagpapasundo ba sa airport?"
"I still don't know. Wait! I'll check." Binalik ko ang atensyon ko sa cellphone ko.
Andy:
Oh sure! Maybe by 9 am I'm already there!
Me:
Ok. Kausapin ko si Vince about sa service.
Lean:
Wow! Mukhang kumpleto tayo sa BS ni Ems at Vince!
Ivan:
Mamaya rin flight ko from New Zealand!
Me:
Talaga!? Ehem! May excited.
Sandra:
Sana pag-uwi mo hindi mo na kasama yung babaeng parang tuko!
Ivan:
As you said Sandra parang tuko yun so wala kang magagawa!
Sandra:
Wag niyang masira sira book signing ng bestfriend ko at hindi ako magdadalawang isip ingudngod siya!
Me:
Kalma, Sandra. Ang stress ay nakakapangit at masama sa puso. Saka ako nang mauunang magngudngod sa kaniya 'pag nagkataon!
Lean:
Don't worry Sands! We got your back!
Andy:
Yeah. I think I'd rather push her so that she'll kiss the ground!
Ivan:
Naku po! Parang binibiro ko lang kayo eh!
Me:
Sa susunod kasi, Ivan, ilugar mo biro mo!
Ivan:
Saang lugar ba? Singapore? New York? Where?
Me:
Bahala ka d'yan!
Namalayan kong huminto na ang kotse kaya ibinaling ko na ang atensyon ko sa daan. Nandito na pala kami sa tapat ng Franklin University. Hindi pa sila lumilipat dahil wala pang mahanap na magandang apartment si Zoe. Nakiusap lang sila sa management ng school na roon muna mag-stay habang wala pang mahanap na lilipatan. Magkasama pa rin si Sandra at Zoe sa apartment. Baka sumunod din ako sa kanila kapag nakahanap na sila.
Me:
Nandito na kami sa tapat. Bumaba na kayo!
Sandra:
Geh!
After a few minutes ay nakita ko na sina Sandra at Zoe palapit sa amin. They are both wearing a simple blouse and jeans. The typical style of them even before. Sumakay na sila sa backseat.
"Finally! Nakalaya na rin sa impyernong kompanya ni Nathan!" saad ni Zoe.
"Finally day off ko at hindi ako on-call!" saad naman ni Sandra.
"Sana all! Ako kasi on-call eh!" sagot ni Vince.
"Straight night shift kami," sagot ko naman.
"Talaga na lang! Sana all! Ako kubang-kuba na sa paper works ng magaling mong pinsan, Vince!" reklamo ni Zoe.
"Tara na, babe! Baka mamaya uminit na ang ulo ng dalawa na 'to kung magtatagal pa tayo!" sagot ko.
Nagsimula nang magmaneho si Vince ng kotse. Nasa NLEX na kami nang tumawag si Lean.
"Oi! Saan ka na?" saad ko.
"Nandito na ako sa mall! Masyadong mainit sa labas kung doon ko kayo aantayin!" sagot niya.
"Oh baka dinudumog ka riyan ng fans mo ah!" biro ko.
"Wala pa akong fans! Ikaw ang meron! May narinig pa akong pinaguusapan kayo ni Vince!"
Tinawanan ko lang siya dahil sa narinig. "Sige na, sige na! Malapit na kami!" sagot ko.
"'Ge ingat!" sagot niya at binaba ang tawag.
"Mainit na ulo ni Madam Lean! Bilisan mo raw, Vince!" saad ko.
"Maghintay siya do'n! Ano siya gold?" sagot niya.
"Hindi, Vince. Silver siya," sagot ni Sandra.
"Baka tanso talaga si Lean!" sagot naman ni Zoe.
"Baka diamond! Shine bright like a diamond!" sagot ko.
"Loko! 'Pag narinig tayo ni Lean siguradong may tig-iisa tayong kutos!" saad ni Zoe.
"Oo nga eh! Basta walang magkukwento ah!" sagot ni Sandra.
"Sasabihin ko kayo!" saad ni Vince.
"Sasabihin mo? Edi sasabihin din namin ikaw nagpasimula!" sagot ni Zoe.
"Talaga lang ah!" sagot ko.
Nang makapark kami ay tinawagan ko na si Lean na lumabas ng mall. Pumunta na kami sa may carousel dahil doon ang usapan. After a few minutes ay nakita kong palapit sa amin si Lean na all black ang suot at may kasama siyang matangkad na lalaki halos kasing tangkad ni Vince at naka-hoodie ito kahit ubod ng init. He looks so intimidating and cold.
"Hi guys! Sorry hindi ko kayo naabisuhan sa pagdating ng kasama ko!" saad ni Lean. Siniko niya ang katabi kaya lumipat ang atensyon nito sa amin mula sa kaniyang cellphone.
"I'm Eros," maiksing pagpapakilala ng lalaking nagngangalan daw na Eros. I didn't expect that the Eros that Lean is talking about is that intimidating. Parang pinaglihi sa yelo ang ugali. Daig pa ang block ice sa sobrang lamig. Tila lumamig din ang kinalalagyan namin.
"I'm Emily." I offered my hand but he just look at it. Agad ko namang binawi ito.
"I'm Vince, Lean's cousin," Vince said.
Tango lang ang isinagot ng lalaki.
"I'm Sandra and she's Zoe!" masiglang pakilala ni Sandra ngunit parang wala lang ito sa kaniya.
"Lean! Uh... Parang awkward ang nararamdaman ng kasama mo," I said.
"Don't worry! He'll not tag along. Hinatid niya lang ako. May pasok pa siya sa firm," she answered.
"I better go, Lean. Nice meeting you all by the way," paalam ni Eros at iniwan na kami roon.
"'Yong intimidating na 'yon si Eros!?" saad ko.
"Oo! Isn't he handsome?" sagot niya.
"Ang gwapo nga lamig naman!" sagot ni Vince.
"Bet ko 'yong kasama mo!" bulalas ni Sandra.
"Too bad, he's already mine!" Lean answered possessively.
"Label check!" I said while laughing.
"Naramdaman ko ang simoy ng North Pole no'ng dumating siya!" saad ni Zoe.
"Alam mo, Ems, hindi na required ang label para sumaya!" sagot niya.
"Bakit ba kasi sumama siya?" naiinis na tanong ni Vince.
"Natatakot sigurong mangaliwa ako!" sagot niya.
"Bakit? Mag-asawa ba kayo?" sagot ni Vince na pinipigilan ang tawa.
"Not now but soon!" sagot ni Lean.
"Are you sure ikaw lang babae niya?" sagot ni Sandra.
Doon naman na natahimik si Lean at parang lumata ang kaniyang mukha.
"Let's not talk about it have fun! Kaya nga tayo nagkita-kita para magsaya 'di
ba!?" sagot ko upang mabasag ang katahimikan.
"Yeah! Kumain muna tayo!" sagot ni Lean.
"I'm sorry, Lean," Sandra said.
"Okay lang! Ano ka ba don't worry!" sagot ni Lean.
"So saan niyo gusto kumain?" tanong ni Zoe.
"I feel like I want chicken. Bonchon tayo!" I said.
"Bonchon it is!" sagot ni Lean.
Naglakad na kami papunta sa loob ng mall. Hindi namin agad nahanap ang Bonchon sa dami ng tao at dami ng kainang nadaanan namin. Pagdating namin doon sa kainan ay pumili na kami ng pwesto. Si Sandra at ako na ang um-order ng kakainin namin.
Pagbalik namin ay hindi ko nakita sa table si Vince.
"Nasaan si Vince?" tanong ko.
"May sinagot na tawag," sagot ni Lean.
"Okay," sagot ko at umupo na. Lumingon ako sa paligid at nakita ko si Vince di kalayuan sa labas ng kainan at may kausap sa phone. Worries and sadness are cast in his face. Sino kaya ang kausap niya? Naputol lang ang pagtingin ko sa kaniya nang ibaba niya ang phone niya. Saktong pagbalik niya ay dumating na rin ang order namin. Umupo na siya sa tabi ko at nagsimula nang kumain.
"Thank you for the food!" I said and start eating.
"Uy! Na-miss ko 'to!" saad ni Lean.
"Oo nga! Tagal nating hindi nakakain ng sabay-sabay!" sagot ni Sandra.
"Grabe we had a glow up 'no? Dati highschool girls lang tayo ngayon successful na tayo! May mga sarili na tayong trabaho!" saad ni Zoe.
"Oo nga eh. I'm so thankful that I survived nursing eh! 'Kala ko 'yon ang papatay sa akin!" sagot ko.
Napansin ko ang pananahimik ni Vince kanina pa matapos ang tawag.
"Babe, are you okay? Uwi na ba tayo? Ako na magmamaneho mamaya?" I asked.
"Hindi! Okay lang ako, Babe! Sayang 'yong ticket!" sagot niya.
"Baka may nararamdaman ka riyan sa katawan mo?" saad ni Sandra.
"Wala! 'Wag na kayo mag-alala!" he answered and smiled at us widely. Bumalik na siya sa pagkain. Tumingin ako kay Lean pero nagkibit balikat lang siya. Hinayaan ko na lang ito at kumain na lang din.
Naglibot muna kami sa mall bago napagdesisyonan na pumunta ng Sky Ranch. May bago silang attraction na roller coaster.
"Sakay tayo sa rollercoaster!" saad ko.
"No! Kakain ni'yo lang!" saway ni Vince.
"Edi mag-random games na lang tayo!" sagot ko.
"Okay!" masiglang sagot ni Sandra.
"Doon tayo oh! Sa may malaking teddy bear!" saad ni Zoe.
"Bago kayo magsipunta roon kunin muna natin 'yong ticket!" saad ni Lean.
"Oo nga pala!" sagot ko.
Pumunta na kami sa ticketing booth para sa ride all you can ticket namin. Matapos makuha ito ay pumunta na kami sa booth na tinuro ni Zoe. Basketball booth ito at maraming pa-premyo.
"Sino po maglalaro sa inyo?" tanong ng crew.
Nagtinginan kami nina Lean at ako ang tinuro nila.
"Why me?" tanong ko.
"Kaya mo 'yan! Vince, mamaya ka na mag-ala pari. Hayaan mo muna si Ems!" saad ni Lean.
"Kuya, ilang points po ba para roon sa teddy bear? 'Yong kulay blue po," tanong ko sa crew.
"One thousand five hundred points, Ma'am," sagot niya.
"One-five..." saad ko, lumingon ako kila Sandra.
"One-five worth na libro ang kapalit ng teddy bear mo, Zoe," I said. Ngumisi lang siya sa akin.
"Of course. One-five lang pala eh!" sagot niya.
"Deal?"
"Deal!" sagot niya.
"Ako po maglalaro, Kuya!" saad ko.
"Sige po, Ma'am," sagot niya at inabot sa akin ang mga bola. Nalaro ko na 'to sa Star City eh at nanalo rin ako ng teddy bear para naman kay Kreisler. Hinipan ko ang mga kamay ko at pinagkiskis ang mga ito. Nagsimula na akong maglaro. Sunod-sunod ang three point shot ko. Nang matapos ang oras ay napahawak na lang ako sa tuhod ko at hinabol ang hininga ko. Ang pawis ko ay tumutulo mula sa noo ko papunta sa leeg.
"'Yan na nga bang sinasabi ko sa inyo eh!" saad ni Vince. Tinaas ko ang kanang kamay ko para senyasan siyang tumahimik.
Bumaling ako kay kuyang crew. "Ilan po, Kuya?" tanong ko.
"One thousand six hundred points, Ma'am! Napanalunan niyo po ang teddy bear!" sagot niya at kinuha na ang teddy bear na malaki sa sampayan. Inabot niya ito sa akin.
"Thank you po!" sagot ko.
Lumapit naman sa akin si Vince at pinunasan ang noo kong puno ng pawis pati na rin ang leeg ko. Kinuha niya ang scrunchie sa pulsuhan ko at inipit ang buhok ko.
"Hihikain ka pa niyan eh," he said and gave me the water he have on his bag. Uminom na ako rito. Halos maubos ko ang laman ng bote.
"One thousand six hundred pesos worth of books!" I said.
"Grabe! Lagas ipon ko! Pautang muna, Sands!" sagot ni Zoe.
"Wala akong pera ngayon, Zoe!" sagot ni Sandra.
"Lean! Baka naman?" sagot ni Zoe.
"Sige ba! Ako na bahala sa eight hundred!" sagot ni Lean.
"Ayon! Salamat!" sagot ni Zoe.
"Joke lang naman, Zoe!" sagot ko.
"Seryoso nga, Ems! Anong wattpad book pa ba ang wala ka? Parang nasa 'yo na ang lahat ng libro eh!" sagot niya.
"Libre ni'yo na lang kami ni Vince ng milk-tea!" sagot ko.
"Di ba kayo nanawa roon?" sagot ni Sandra.
"Oh sige, Famous Belgian Waffle na lang!" sagot ko.
"Eh bago 'yon subukan muna natin ang mga rides!" sagot ni Zoe.
"Sige! Sino sasabay sa akin sa rollercoaster?" sagot ko.
"Tara, Ems! Duwag 'tong si Vince sa heights eh!" sagot ni Lean.
"Nako, ang dami mong sinasabi, Lean. Baka gusto mong samahan ko pa kayo eh!" sagot ni Vince.
"Ano? Sasakay kayo o hindi?" saad ni Sandra.
"Sasakay!" sagot ni Vince at hinila na kami papunta sa pila.
"Teka-teka! 'Yong bag ko!" saad ko. Agad ko namang tinanggal sa pagkakasukbit ang bag ko at inabot ito kay Sandra. Maiksi lang ang pila at mabilis kaming nakasakay sa ride. Magkakatabi kaming tatlo nina Lean. Tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang ride. Napakapit ako ng mahigpit sa upuan dahil unti-unti na kaming tumataas.
"Parang hindi magandang ideya 'to ah," bulong ko habang pataas ng pataas at pabilis ng pabili ang takbo ng bagon ng rollercoaster.
"Ayoko na! Di na ko uulit!" sigaw ni Lean.
Lumululon na lang ako upang mapigilan ang pagsigaw. Napalingon naman ako sa katabi kong si Vince na namumutla na. Pinipigilan ko lang ang pagtawa. Pagkatapos ng ride ay pare-pareho kaming umiikot ang paningin. Napasandal pa ako kay Vince dahil sa sobrang hilo.
"Hindi magandang experience ang pagsakay ng rollercoaster," saad ni Sandra.
"Buti na lang hindi tayo sumama!" saad naman ni Zoe.
"Grabe! Parang nawalan ako ng dugo roon!" saad ni Vince.
"Parang kinuha at binalik ang kaluluwa ko!" sagot ko.
"Ako nga eh halos maubos boses ko!" saad naman ni Lean.
"Sky bike tayo!" sagot ni Sandra.
"Sige! Tapos ferris wheel tayo!" sagot ni Zoe.
"Sige!" sagot ko.
Pumunta na kami sa pila ng sky bike. Dalawang tao sa isang bike. Napagdesiyonan namin na kami na lang ni Vince ang magkasama at si Lean ang solo. Nag-selfie kami nina Sandra bago nagsimula sa ride. Para talaga kaming nagb-bike sa riles ng tren. Matapos ang isang ikot ay pumila na kami para sa ferris wheel.
"Kayong tatlo nila Lean na lang magsama-sama sa isa tapos kami ni Ems!" saad ni Vince. Kapansin-pansin ang bigla niyang pagsigla hindi katulad kanina na tahimik siya.
"Bakit?" tanong ni Sandra.
"Basta!" sagot niya.
May tila kakaibang kaba ang bumalot sa aking puso. Parang may hindi magandang mangyayari once na umakyat kami sa ferris wheel. Naglakad na kami papunta sa pila kahit hindi maganda ang pakiramdam ko ay pinanatili ko pa rin ang ngiti ko. Sumakay na kami sa isang passenger car. Nauna kami ni Vince na sumakay.
"Babe..." he called me.
"Yes?" sagot ko. Tiningnan ko siya sa mata ngunit wala akong makitang emosyon dito kundi ang lungkot.
"Someone will be back soon. Ready yourself for who it is and whatever encounter you'll have..."
Hindi ko maintindihan ang nais iparating ni Vince sa sinasabi niya.
"Hindi ko maintindihan. Sinong babalik? Bakit malungkot ka? We should be happy right? Kasi 'di ba magkakasama tayo nila Sandra?" tanong ko.
"I knew this day would come but I never thought this soon..."
"Is this a prank? Are you sick?" sagot ko. Hindi ko talaga maintindihan ang thought ng sinasabi niya.
"Basta, Ems. Kung anoman ang malaman mo ay lagi mong tandaan mahal na mahal kita, ha? I did something..."
"D-did you really cheat?" tanong ko.
"No. I would never do that."
"Then what is it? What did you do?"
"Just wait for him... He'll explain everything to you..."
Natahimik ako at isang tao lang ang rumihistro sa isip ko. Si Ivan lang naman ang alam kong pauwi nang lalaki.
"It's not Ivan if that's what you think!" pagbawi niya.
"Then who?" I challenged him if he will spill the beans. Knowing Vince he can't hide something from me.
"He'll be back soon..." he answered.
Tumango na lang ako sa narinig. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa taong babalik na 'to. Mukhang may hindi magandang mangyayari sa pagbabalik ng sinasabi niyang tao. Pakiramdam ko ay konektado ito sa akin.
Pagjatapos ng ride ay napagdesisyonan muna naming magpicture at matapos ay kumain ng dinner sa loob ng mall. Hapon na rin kasi kaya nagugutom na kami. We decided to eat at Burger King because Lean wants light dinner. Wala rin akong ganang kumain ng marami ngayon dahil paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang sinabi ni Vince.
"Umuwi na tayo pagkatapos ha. Pagod na kasi ako," saad ko.
"Oh? Akala ko maglilibot pa tayo sa National Bookstore tapos 'di ba ibibili pa kita ng Famous Belgian Waffle?" sagot ni Zoe.
"Sumaglit na lang tayo roon tapos umuwi na tayo. Saka baka gabihin na tayo sa daan," sagot ko.
Si Sandra naman ay tila hindi namin kasama dahil abala ito sa cellphone niya.
"Sands!" tawag ni Lean.
"Ha?" sagot niya at binaba pataob ang cellphone niya.
"Hotdog!" sagot ni Zoe.
"Bawasan mo nga ang pag-ce-cellphone lalo na kapag kasama kami," sagot ni Lean.
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na si Vince dala ang mga order namin. Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay tumunog ang phone ko. Nilulon ko muna ang kinakain bago binalingan ito.
Yohan calling...
"Yohan is calling, I'll just take this call," paalam ko. Tumango naman sila sa akin. Tumayo na ako at sinagot ito. Pumasok ako sa cr ng restaurant.
"Yes, Yohan?" saad ko.
"Ate, Owa is finding for you. She wants you to go here," sagot niya.
"I have work and my book signing is already coming next week. Patawarin mo ako sa sasabihin ko, Yohan pero hindi ko kayang alagaan ang mga taong nagawa akong iwan. Pasensya na, Yohan. Sana makarating ka sa book signing ko," sagot ko at binaba ang tawag.
Napabuntong hininga ako. This day should be happy pero bakit ganoon? Palaging kapag gusto kong sumaya at magpahinga ay lagi na lang may bitbit na plot twist. Di ba pwedeng chill lang ang chapter ng buhay ko na 'to? Palagi na lang kapag sumasaya ako panandalian lang. Lumabas na ako ng banyo at bumalik na sa table namin.
Nababalot ng nakabibinging katahimikan ang table at tila nagpapakiramdaman kami sa isa't isa. Si Sandra ay patuloy kumakain habang pasulyap-sulyap sa akin, si Zoe naman ay nakatingin lamang sa akin, si Lean ay tahimik lang kumakain at si Vince naman ay pinipigilan ang magtanong pero kita ko sa mga pagsulyap niya ang nais niyang magtanong.
"May gusto ba kayong sabihin?" tanong ko upang mabasag ang nakabibinging katahimikan.
"Okay ka lang? I noticed your mood changed after we had a ride in the ferris wheel," sagot ni Lean.
"Ayos lang ako," sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.
Hindi naman na nagbalak pa si Vince na magtanong dahil alam niyang siya ang dahilan nito. Pagkatapos namin kumain ay sumaglit kami sa National Bookstore bago umuwi. I lost my interest talking so I decided to sleep since malayo pa ang bi-biyahihin namin.
Vince's POV
Silence succumbed the car. No one dares to talk because of Emily's mood. I ruined the day of her rest. Hindi ko man gustong sirain ito ay kailangan niya talaga iyong malaman. Ayoko namang magulat siya sa pagdating niya. At least I gave her heads up about it. It hurts to see her wondering about what I am talking about.
"Vince, let's talk later," saad ni Lean.
"Hindi na kita ihahatid?" sagot ko.
"Hindi na," sagot niya. Tumango lang ako bilang sagot.
Nauna naming ibinaba sina Sandra. Ginising ko na rin si Ems dahil pababa na sila Sandra.
"Thank you guys!" paalam ni Sandra.
"Thank you rin!" sagot naman ni Ems.
"Anytime, Ems! Tawagan mo lang kami kapag may kailangan ka ha!" sagot ni Zoe.
"Bye girls! Ingat kayo d'yan ha!" sagot naman ni Lean.
"Ingat kayo!" sagot ko naman.
"Mauna na kami!" paalam ko.
Kumaway lang sila sa amin. Hinintay muna naming makapasok silang dalawa sa gate bago kami umalis. Nang makapasok na sila ay umalis na rin kami sa tapat ng gate ng Franklin University.
"Uuwi ka ng Pampanga, Lean?" tanong ni Ems.
"Nope! Luluwas kasi ako bukas. Kila Vince ako matutulog," sagot niya.
"Ahhh," sagot ni Ems.
Malapit lang mula sa Franklin University bahay nila Ems kaya hindi rin nagtagal ay nakarating din kami sa kanila. Saktong pagtapat namin sa bahay nila ang walang paalam niyang pagbaba sa kotse at padabog na pagsara ng pinto. Sinalubong siya ni Tita Edna ngunit parang hangin lamang siya na hindi pinansin. Napabuntong hininga ako at itinabi saglit ang kotse.
"Dito ka muna, Lean. Makikipagusap lang ako kay Tita," paalam ko.
"Sige," sagot niya.
Bumaba na ako ng kotse at lumapit kay Tita.
"Tita Edna, good evening po," bati ko.
"Uy Vince, alam mo ba bakit bad mood siya? Ang saya ni'yong umalis kanina eh," sagot niya.
"Pasensya na po kayo. Tumawag po kasi 'ata si Yohan eh tapos may kung anong sinabi. Saka po may pinagusapan kaming dalawa tungkol sa relasyon namin," sagot ko.
"Vince, labas na ako sa relasyon ninyong dalawa ng anak ko pero kung ikasasakit ni'yo 'yan pareho dahan-dahan mong sabihin sa kaniya kung ano man ang hindi mo masabi sa kaniya. Alam kong may sikreto ka sa kaniya kaya ganiyan ang inuugali niya. Sampung taon ka ba namang nagpapabalik-balik dito kaya unti-unti kitang nakilala at alam ko kung may sikreto ka o wala. Kung ano man iyon, Vince, dahan-dahan mong ipaliwanag sa kaniya...
"Nang sa gayon ay hindi siya mahirapan intindihin ka."
"Opo, Tita. Konting panahon pa po at dalawa kaming mag-e-explain sa kaniya. Pasensya na po kayo, Tita."
"Wala 'yon. Normal lang 'yon sa magkarelasyon," sagot niya.
"Sige po. Mauna na po ako't may kasama pa ako. Hindi na po bumaba si Lean dahil napagod po," paalam ko.
"Oh sige. Magiingat kayo," sagot niya.
Bumalik na ako sa kotse ko. Lumipat na si Lean sa shotgun seat. Mabilis na akong nagmaneho paalis.
"Pwede ka bang uminom?" tanong niya.
"On-call ako. Hindi pwede," sagot ko.
"Oh sige. Dumaan na lang tayo sa 7 eleven para bumili ng coke in can dahil hindi ka naman pala pwede uminom. Marami tayong paguusapan pagdating sa bahay mo," sagot niya.
"Okay." Hininto ko sa tabi ng kalsada ang kotse ko dahil ang malapit na 7 eleven dito ay walang parking area. Si Lean na lang ang bumaba para bumili ng soft drinks at junk foods. Pagkatapos lang ng ilang minuto ay bumalik na rin siya. Mabilis na akong nagmaneho papunta sa bahay.
Pagdating namin doon ay agad niyang inilapag ang mga biniling pagkain sa coffee table sa sala at umakyat papunta sa guest room. Sigurado kong maliligo ito at magbibihis. Umakyat na rin ako sa kwarto ko upang maligo at magbihis din. Pagpasok ko sa aking kwarto ay binuksan ko ang phone ko. Bumungad sa akin ang lock screen ko na picture namin ni Ems no'ng araw na sinagot niya ko. Tahimik ko lang itong pinagmamasdan hanggang sa mamatay muli ang cellphone ko. Binuksan ko 'tong muli at ti-ne-xt siya.
BABE
Me:
Nakauwi na ako, Babe.
Babe:
Geh.
Inilapag ko ang phone ko sa desk ko at pumasok na sa banyo. Mabilis akong naligo at nagbihis. Pagbaba ko ng sala ay nakita kong nilalantakan na ni Lean ang mga binili niyang pagkain. Nakaupo siya sa pang-isahang sofa habang ginagawa ito. Umupo ako sa mas malaking sofa sa tabi niya at namili ng kakainin.
"Anong nangyari sa ferris wheel?" tanong niya.
"Basta!" sagot ko.
"Walang basta-basta, Vince! Pinagbigyan na kita kanina!" singhal niya.
"You really want to know?" I asked.
"Yes! I want to know why are you hurting right now! Vince, I don't want you to suffer what happened to Ems before!" sagot niya.
"The girl that makes me the happiest also makes me the saddest..."
"Why? Don't tell me na may ginawa ka?"
"I'm talking to Ken for the past 3 years. I'm secretly talking to her ex the whole time we have a relationship..."
"W-what? W-why?" she asked.
"Basta... It hurts for me because the girl I love the most, the girl who made me write again is just one of the chapters of my life... Our love story will end soon..." I can't help but to cry at my situation right now. This burden me so much.
"Just let it out, Vince. Tears are like sweat they both fall when you're tired. There's nothing wrong of a guy crying."
"Ang sakit isipin na parang ipamimigay ko lang siya. Hindi niya deserve ang pangloloko ko."
"Hindi ka nagloko, Vince. I know you made that thing for her happiness. We both know it. Alam kong hindi mo 'yan gagawin kung hindi para sa ikasasaya at ikabubuti ni Ems."
"Pero para magawa kong mapasaya siya kinailangan ko siyang lokohin. Nagsisisi ako pero huli na. Huli na para magsisi pa."
"Marami ka nang nagawa para mapasaya siya. Sulitin mo na lang ang oras na magkasama kayong dalawa. Make it up to her. You'll never know when Ken will move so treasure every moment in your memory."
"Yeah! I should make up with her!"
"Go call her now and say sorry. Magluluto ako ng dinner dahil kinulang 'yong burger kanina." Iniwan niya na ako sa sala. Tumayo na ako at umakyat na sa taas para kuhanin ang cellphone ko.
I immediately dialed her number.
"Hello?" she said on the other line.
"Babe... I'm so sorry for ruining your mood earlier," sagot ko.
Tanging paghinga lamang niya ang narinig ko. Tahimik ko lang pinakikinggan ito.
"Okay... Just... Don't be so random like that again. Natatakot ako," sagot niya.
"Don't be afraid. I'll be with you all the way."
"Natatakot ako na baka one of this days bigla mo na lang akong iwan. Na baka mamaya bitawan mo na ko. Na na—"
"No! Hindi kita iiwan," I cut her off.
"Promise me?"
"Promise..." I hope I'll never break the promise, Ems.
"Sige. Baka nagsusulat ka na! Update well, Mahal ko..." saad ko.
"No. Nanonood ako ng Fullmetal Alchemist habang kumakain ng coffee crumble ice cream. Nagpa-food panda ko."
"Oh sige. Enjoy! I love you!"
"I love you too!" she answered and ended the call.
Bumaba ulit ako ng may masayang ngiti. Sakto namang tapos na magluto si Lean nang makababa ako.
"Korean cuisine in-order ko dahil walang pagkain sa ref mo!" saad niya.
"Hindi naman kasi ko rito kumakain. Kila Ems ako kumakain!" sagot ko.
"At least put some food in your fridge!"
"Is that necessary?" sagot ko.
"Yes it is! Paano kung nagkaroon ka ng biglaang bisita? Ano na lang mangyayari?"
"Oo na! Shut up na!"
"Naayos mo na ba ang gusot ni'yo ni Ems?" tanong niya.
"Oo," maikling sagot ko at dumiretso sa fridge para kumuha ng coke in can. Binuksan ko ito at isinalin sa baso. Habang umiinom ay nakarinig kami ng doorbell.
"'Yan na ata 'yong in-order kong food!" sagot niya at iniwan ako counter.
"Black bean noodles ang in-order ko ha!" she said while putting everything on the coffee table.
"Oo. Sana nag-order ka na rin ng kimchi!"
"Natural!" sagot niya.
Hinalo ko na ang noodles at ang black bean sauce. Nagsimula na kaming kumain. After we eat ay kaniya-kaniya na kaming ligpit at pasok sa kwarto. Pagpasok ko sa kwarto ay binuksan ko ang laptop ko at tiningnan ang word count ng pending chapter ko. Halos nasa isang libo pa lang ito. Kulang pa para sa goal ko.
Iniwan ko muna ang laptop ko roon at ginawa ang night routine ko. After finishing my night routine I decided to call, Ems on messenger.
"Hello, babe?" saad ko.
"Yes, babe? Nagsusulat ako right now," sagot niya.
"I was also about to write a chapter. On mo camera mo. Let's write together!" sagot ko. Agad ko namang nakita ang mukha niya sa screen ng cellphone ko. Her hair is loose and she's wearing anti-radiation glass. She's focused of what she's typing. Inilagay ko na ang phone ko sa phone stand ko at nagsimula na ring magsulat ng chapter.
After an hour of writing nakatapos na kami ng chapter at sabay namin itong in-update.
"I'll sleep na, Babe! Tapos na ako sa night routine ko kaya makakatulog na ako!" saad niya na humihikab pa.
"Okay. Good night and sleep well! Sweet dreams! I love you!"
"I love you too. Good night," she said and lay down her bed. Humiga na rin ako sa kama ko habang pinagmamasdan siya. I watch her until she fall asleep. Binaba ko na ang tawag matapos ito.
I hope better days will come for us. Sana hindi ganoon kasakit kapag dumating ang araw ng paghihiwalay namin. I pray that the pain will not stay in her for so long. Kahit ako na lang ang mag-suffer ng sakit na mararamdaman niya ay ayos lang. 'Wag lang mawala ang magandang ngiti niya. Ako na lang ang lalangoy sa dagat ng lungkot sa oras na dumating ang araw na kinatatakutan ko. Ang araw na mabigo ko ang pangako ko sa kaniya.
Sana ay maintindihan niya balang-araw ang ginawa ko. I know I made the right decision. He'll never hurt her again. Marami nang sakit ang dinanas niya kaya panahon na para siya ay sumaya. Kahit kapalit nito ang babaeng mahal ko ay ayos lang. Ayoko nang makitang muli ang lalaking mahal ng babaeng mahal ko na malungkot dahil alam kong ikalulungkot niya rin iyon. Iwinaksi ko na ang mga bagay na 'yon sa aking isipan at ipinikit ko na ang aking mga mata. Umaasang pagkagising ko bukas ang sakit ay wala na.
A/N: Enjoy reading, Bemskies! Sorry kung mapanakit ang update ngayon! Pero I think ganoon talaga kapag nagpaparamdam na ang ending HAHAHAH! Stay safe, Bemskies! Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top