CHAPTER 16: CLUES
Vince's POV
Tomorrow will be the first day of our work. I ordered Littman stethoscope for us. Pina-engrave ko rin ang pangalan niya roon. I think it will arrive tomorrow.
Binuksan ko na ang laptop ko upang magsimula nang magsulat ngunit natawag ng atensyon ko ang cellphone ko na tumutunog.
K calling...
"What?" tanong ko.
"I already have my passport. Ticket na lang kulang," he said.
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig. He's almost close to coming back. Isa lang ang ibigsabihin nito. Malapit nang matapos ang kung anomang meron kami ni Emily.
"Hello? Vince? Still there?" I was taken back to my senses when I heard him speak.
"Ah! Yes! Nga pala, kailan ka mag-bo-book ng flight?" I answered.
"Mamaya siguro. Magpapaalam pa ako kay Ate eh."
"Ahhh. Sana makapunta ka sa book signing namin."
"Pupunta talaga ko. Padalhan mo na lang ako ng book mo ah!"
"O-oo naman! Ikaw pa! Malakas ka kaya sa 'kin!" Malakas ka talaga sa akin kasi kakayanin kong pakawalan ang babaeng mahal ko makita lang kitang buo at masaya. Alam kong si Emily ang bubuo sa kaniya kaya binuo ko siya para sa kaniya. Para maging masaya sila sa isa't isa.
"Sige na! See you soon!" sagot niya.
"See you soon..." sagot ko at binaba ang tawag.
He's coming back soon and she'll be back on him really soon. Sa pagbalik niya ay magbubukas ang katotohanan. Katotohanan na hindi pa ako handang sabihin kay Emily. Alam kong hindi lang siya magugulat maaari pa itong maging dahilan ng pagkamuhi niya sa amin, sa akin. Napapikit na lang ako dahil sa sakit ng ulo. I sighed at the thought. Narinig kong muli ang pagtunog ng cellphone ko.
Babe:
Update well, Babe! I'm also writing an update for my story!
Me:
Thank you, Babe! Good luck and update well!
Babe:
I'll call you after!
Me:
I'll wait for it!
Inalis ko muna sa aking isipan ang mga iyon at ibinaling ang atensyon ko sa pagsusulat. Nagsimula na akong magbasa ng outline. Nakinig na rin ako ng music para mas madala ako sa scene. After one hour I finished the chapter. It's almost lunch time. Ako na ang tumawag kay Ems.
"Hello, babe?" saad ko.
I heard keyboard clicks that's why I know she's still writing.
"Yes, babe?" sagot niya.
"Naistorbo ba kita?"
"No. Tapos na ako mag-update, nag-e-edit ako."
"Ahhh. Nag-lunch ka na?" tanong ko.
"Nope. Hindi pa tapos magluto si Mommy," sagot niya.
"Oh! Pwede pumunta ako diyan para kumain?"
"Oo naman. Lagi ka namang welcome rito. Kahit nga mga Marites dito sa amin handa kang pakainin eh!" biro niya.
"Oo nga eh. Too bad luto lang ni Tita ang kinakain ko."
"Ang dami mong sinasabi magpunta ka na lang. Baka mamaya tapos na magluto si Mommy di ka pa nakakarating!"
"Okay. Magaayos na ko ng gamit. Sige na. Bye! I love you!" sagot ko.
"Sige! I love you too!" sagot niya at binaba ang tawag.
Isa ito sa ma-mi-miss ko kapag naghiwalay kami. We always end our calls with I love you and we always eat lunch and dinner together. Inalis ko na lamang iyon sa isipan ko at nagayos na ng mga gamit na dadalhin ko. Ipad, keyboard and phone lang ang binibit ko at umalis na ng bahay.
Pagdating ko sa tapat ng bahay nila ay agad akong sinalubong ako ng mainit na yakap ni Emily. Niyakap ko rin siya pabalik.
"I miss you, babe!" she said.
"I miss you too!" sagot ko.
"Nandito ka pala, Vince. Kumain ka na?" tanong ni Tita Marie.
"Nandito po ako para kumain!" sagot ko.
"Ginagawa niyang restaurant bahay natin, Tita," saad ni Ems.
"Pasok ka na at baka naiinitan ka na riyan!" sagot ni Tita.
Agad naman akong hinila ni Ems papasok sa bahay nila.
"Mi! Nandito na pinakamamahal mong si Vince!" sigaw niya.
"Hoy! Anong sinasabi mo riyan? Anong pinakamamahal?" tanong ko.
"Wala 'yon!" sagot niya.
Pumasok kami sa kusina nila kung saan naghahain na si Tita.
"Tamang-tama ang dating mo, Vince. Nakapaghain na ako," saad ni Tita.
"Good afternoon po, Tita," sagot ko.
"Umupo na kayo nang makakain na!" sagot niya.
Umupo na kami ni Emily at nagsandok ng makakain.
"Malapit na pala first day of work niyo. Pinaghahanap ko 'tong si Emily sa Bambang ng stethoscope eh. Tinatamad daw siya."
"Mi, sinasabi ko sayo imported stethoscope ko!" sagot ni Emily.
"Imported? Bakit umorder ka ba?" tanong ni Tita.
"Basta, Mi! Magkakaroon ako ng Littman Stethoscope!" sagot niya.
"Hala, Ems! Don't tell me you have a side boy?" saad ko.
"Wala ah! Loyal ako! Hindi katulad mo kay kakabit na Celeste!"
"You're always imagining things sometimes!" protesta ko.
Umirap lang siya sa akin. I find it cute whenever she does that so I pinched her cheeks.
"Ang cute mo talaga!" I said and start eating.
"Ang dami mong alam!" sagot niya at nagsimula na ring kumain.
Pagkatapos namin kumain ay umakyat na kami sa kwarto niya. Nakita ko ang MS Word na nakabukas sa laptop niya. 'Yon ata ang ipapasa niyang special chapter ng last book.
"Special chapter 'yan?" tanong ko, patukoy sa nakabukas na MS Word.
"Yes! Papasa ko later sa editor natin! Polished na 'yon konti na lang talaga ang i-e-edit."
"That's nice. Ako kasi tapos na last week."
"Ang bilis mo naman!"
"Syempre! So anong gusto mong gawin ngayon?"
"Manood ng Fullmetal Alchemist! Sabi mo after boards!"
"Okay sige. Bibili na muna ako ng snacks natin. Ano bang gusto mo?"
"Kahit ano basta nasa 7 eleven!" sagot niya at tumayo upang kunin ang wallet niya.
"'Wag na! Ako na, tabi mo na 'yan," saad ko.
"Sige na! Kunin ko na 'to!" sagot niya at inabot sa akin ang five hundred pesos. Napapailing na tinanggap ko ito.
"I'll be back, babe!" paalam ko bago lumabas ng kwarto.
Pagbaba ko ay nakita ko si Tita na nagbebenta sa maliit nilang tindahan ng samalamig.
"Tita, bibili po muna ako ng makakain namin ni Ems at gusto manood ng movie eh," paalam ko.
"Oh sige. Ingat ka," sagot niya. Tumango lang ako bilang sagot.
"Hi, Kuya Vince!" bati ni Kreisler. Siya ang bumibili ng samalamig.
"Uy! Kumusta?" sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Aga mo naman umuwi!" saad niya habang pinanonood ang mga galaw ko.
"Hindi pa ko uuwi. Bibili ko lang ng pagkain Ate Emily mo," sagot ko at binuksan ang pintuan ng kotse.
"Ingat, Kuya!" sagot niya na tinanguan ko na lang. Nagsimula na akong magmaneho. Kumaway muna ako sa kanila bago binilisan ang andar.
Naisip kong dumaan na lang sa malapit na mall upang ibili si Emily ng Famous Belgian Waffle na paborito niya. Doon na rin ako bibili ng burger at ice cream na inutos niya. Pagdating ko ng mall ay bumili muna ako ng chips namin at softdrinks sa supermarket pagkatapos ay dumiretso na ako sa Jollibee at nag-order ng burger meal nila at chicken pati na rin ice cream para sa lahat. Huli kong binili ang waffle dahil alam kong hindi na ito masarap kapag malamig na. Isinakay ko ang lahat ng iyon sa sasakyan.
Mabilis lang akong nakarating kina Ems. Nakita kong nakaupo siya sa may gate at malayo ang tingin kaya agad akong bumusina. Napahawak naman siya sa dibdib sanhi ng pagkagulat. Palihim na lang akong tumawa. Binuksan niya ang pinto sa backseat ng kotse ko.
"Vince! Ang dami nito!" saad niya habang nagbaba ng mga plastic.
"Para sa lahat 'yan! Well probably most of it ay sayo?" sagot ko.
"Park mo na 'yang kotse mo at bilisan mong pumasok!" sagot niya at iniwan ako roon.
Katulad ng kaniyang sinabi ay i-pi-nark ko na nga ang kotse ko at mabilis na sumunod sa kaniya papasok. Agad niya akong kinaladkad papunta sa terrace nila.
"Diba sabi ko sayo, 7 eleven?" saad niya.
"Eh, naisipan ko nga na magpunta na lang diyan sa malapit na mall para maibili rin kita ng waffle," sagot ko.
"Bakit ang dami noong chicken at burger? Mag-pa-pa-party ka ba?"
"Para kina Tita tapos sa atin! Nakakahiya naman na ikaw lang ibibili ko."
"Sana hindi isang bucket ng chicken binili mo. Alam mo naman ang mga marites dito."
"Hayaan mo na sila. Don't think of what they will say to you or how they see you as a person. You don't need their opinion. Hindi mo kailangan 'yong negativities na ibinibigay nila sa iyo. Always remember that you're more than what they think of you."
"Okay..."
"Dalhin mo na lang 'yang mga chips mo sa kwarto. Aayusin ko muna 'tong mga pagkain sa kusina ni'yo. Susunod ako," sagot ko.
Tumango siya at kinuha sa kamay ko ang paper bag ng waffle. Nabaling ang atensyon ko kay Tita na nakamasid lang sa amin.
"Pasensya na, Vince. May toyo 'yan dahil nakarinig na naman kasi ng chismis," saad ni Tita.
"Oo nga po eh. Ayusin ko na po yung mga pagkain," sagot ko.
"Umakyat ka na lang sa taas at samahan mo siya. Dalhin mo na rin 'yong pinabili niya. Ako nang bahala mag-ayos nito," sagot niya.
Ibinukod ko na ang pinabili niyang burger at ice cream at saka umakyat na sa taas. Naabutan ko siyang kumakain ng waffle habang pumipili ng episode. Sinarado ko na ang pinto at umupo sa tabi niya.
"Lods, ito na 'yong pinabili mong burger at ice cream," saad ko.
"Ha? Sinong lods? 'Di ba, babe call sign natin?'" sagot niya.
"Ito na, Lods." Inaabot ko sa kaniya ang burger at ice cream.
"Sino ba kasing lods?"
Minsan naiinis ako sa pagka-slowmotion ng utak niya. Hindi ko alam kung slowmotion ba talaga o nangiinis lang siya.
"Ikaw lods!"
"Ha?" sagot niya.
"Ayoko na, Babe. I give up! Niloloko lang naman kita eh!"
"I win haha! Lods pala ha!" Tumatawa niyang saad.
Ako na ngayon ang umirap sa kaniya. Katulad ng ginawa ko sa kaniya kanina ay kinurot niya rin ang pisngi ko ng sobrang diin.
"Ang cute mo talaga!" she said mimicking my voice earlier.
"Babe!" saway ko.
"Why? Ganoon din naman ginawa mo."
"Let's just watch na lang!" sagot ko at pli-nay ang first episode. Nalipat na ang atensyon niya sa tv. Tumunog naman ang cellphone ko kaya agad lumipat ang atensyon ko rito.
KULTO NG MGA FUTURE PERFORMERS
Lean:
LF: kainuman! Sagot ko alak basta inyo pulutan!
Jay:
Pass!
Liam:
Pass!
Nathan:
Pass! Bebe time!
June:
Pass! May training bukas eh!
Me:
Alam niyo namang magagalit si Ems nagaya ka pa, Lean!
Lean:
Nagtanong lang naman! Magsosolo na lang ako! Kadamot niyo!
Liam:
Text mo kung saan yung bar! Susunod ako!
Lean:
Madali ka naman palang kausap, Kuya Liam eh!
Me:
Nandito ko kila Ems talagang kahit gustuhin ko di ako pwede saka marami pa akong gagawin mamayang gabi.
Lean:
Ang dami mong dahilan!
Me:
Puro inom ka naman! Baka tumaba ka niyan! Mag-d-diet ka na naman!
Lean:
Hindi 'yan!
Me:
Siguraduhin mo ha.
Lean:
Oo!
Me:
Good.
Binalik ko na ang atensyon ko sa pinapanood. Buti na lang at nalibang si Ems sa kapogian ni Edward Elric kaya hindi niya na naman ako mapagbibintangan na may side chick.
After one hour we watched almost watched 5 episodes nang magaya na siyang bumaba. Tinulungan ko siyang magligpit ng mga pinagkainan namin. Pagkatapos mailigpit ang mga ito ay tumambay na kami sa may gate nila.
"Nakababa na pala ang lovers of the century," saad ng isang babae na halos kaedad lang ata namin. Pinagbebentahan siya ng samalamig ni Tita.
"What's your problem with us, Miss?" I asked politely. Alam kong kami ang pinariringgan niya
"Don't english-english me! Hindi kita maintindihan!" sagot niya.
"Anong ibig mong sabihin sa amin, binibini? Kung iyan lamang ay pangaalipusta maaari ka nang manahimik at huwag nang magsalita pa. May taong mas nanaisin ang pananahimik mo kaysa sa pagsasalita mo katulad na lamang namin ng iniirog ko," sagot ko.
"H-ha? Makaalis na nga! May alien langguage ang magjowa na 'to!" Nagdadabog siyang nagmartsa paalis.
Humalakhak naman si Emily nang malakas.
"Burn it, babe! Alien langguage daw ang english at tagalog! Napaghahalataang palaging paglalandi inatupag sa eskwelahan!" saad niya habang tumatawa pa rin.
"Naiirita na kasi ko. Tuwing magpapakita na lang tayo lagi siyang may side comments!" sagot ko.
"Napikon na ba kayo sa kaniya? Pagpasensyahan ni'yo na. Anak siya ni Maribel kaya ganoon," saad ni Tita.
"Oo nga po eh. Like mother, like daughter," sagot ko.
"Nagmeryenda na ba kayo?" tanong ni Tita.
"Opo, Mi! Okay na kami," sagot ni Ems.
"By the way Ems, nakapag-decide na ba kayo nila Sandra kung saan tayo gagala sa Saturday? Kasi diba overnight 'yon? Dito rin?" saad ko.
"Ah Sky Ranch tayo! Nakapagpa-reserve na kami ng ride all you can," sagot niya.
"Sige. Ako na bahala sa kotse," sagot ko.
Kumain lang ako ng dinner bago ako umuwi. Pagdating ko sa bahay ay nabalot na naman ng katahimikan ang mundo ko. Wala naman kaming mga katulong dito dahil hindi naman sila stay in. Tinatawagan ko lang sila kapag kailangan. Nakuha ng atensyon ko ang pagtunog ng cellphone ko.
Mama calling...
"Hello, Ma!" bati ko.
"Hello, anak! Kamusta ka d'yan? Are you eating well? Sleeping well?" sagot niya.
"Yes po. Kila Emily ako kumakain."
"Oh that's nice..." natahimik ang kabilang linya at tanging paghinga na lamang ni Mama ang naririnig ko. Siguro ay pagod siya galing sa office.
"Hello, Ma? Still there?" sagot ko.
"Kamusta naman 'yong soon to be published mong books?" she asked.
"Okay naman po." sagot ko.
"I'm gonna book my flight soon."
"That's nice, Ma! I'll wait for you! Siguradong matutuwa si Emily sa pag-uwi mo!"
"Ay syempre! Mag-sho-shopping pa kami ng daughter in-law ko!"
Ako naman ang natahimik sa narinig. Alam ko namang malabo iyong mangyari but still she treat her as her own daughter. Masasaktan din siya kapag naghiwalay na kami.
"Anak, I know she's not permanent in your life but at least let me treasure your time with her. I'll also prepare myself when that time comes I'll be with you," she said.
"Thank you, Ma. Sige na po at magpahinga na kayo. Siguradong napagod kayo sa hospital. First day po namin bukas ni Ems at night shift," I replied.
"Oh! Good luck, anak! Sige na at ako'y magpapahinga na. Bye!" she answered and ended the call.
Pagkatapos ng tawag ay pumasok na ako sa banyo at ginawa ang night routine ko. Umupo na ako sa desk ko at nagsimula nang mag-outline ng chapters para sa novel ko para bukas magsusulat na lang.
The next day tama nga ang hula ko sa pagdating ng stethoscope. Night duty ang natapat sa first day of work namin ni Ems. The benefits of night owl writers at the same time nurse. Hindi kami makikipaglabanan sa antok mamayang duty. Maaga akong naghanda dahil maaga rin akong tatambay kila Ems. Dinala ko ang scrubs ko at ang ipad at keyboard ko. Pati na rin ang notebook na pinagsusulatan ko ng plot. Matapos kong i-ayos ang mga dadalhin ko ay binuksan ko na ang phone ko para i-text si Ems.
Me:
Good morning, babe! Rise and shine! Papunta na ako diyan!
Bumaba na ako bitbit ang back pack ko. Sumakay na ako sa kotse ko at nag-drive paalis ng bahay. Pagdating ko sa tapat mg bahay nila Ems ay nagbubukas pa lang ng gate si Tita Marie. Pi-nark ko muna ang kotse ko at bumaba na dala ang back pack ko.
"Good morning po, Tita Marie!" bati ko.
"Vince! Ang aga mo naman. Siguradong tulog pa si Emily. Pasok ka, nagkape ka na?" sagot niya.
"Hindi pa po," sagot ko.
"Sandali't pagtitimpla kita," sagot niya at pumasok na sa kusina. Sumunod naman ako sa kaniya pero sa sala ako dumiretso. Nagbukas ako ng phone ko at tingnan ang messages ko sa messenger.
Admin Lyn:
Vince, anong address ni Emily? May biniling nursing set ang SavvFam para sa kaniya.
Me:
Meet up na lang tayo mamaya Ate Lyn. Sabihin ko kay Ems.
Admin Lyn:
Sige. Free naman ako ngayong araw.
Me:
Sige po.
Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas si Tita Marie sa kusina dala ang kape. Inabot niya ito sa akin at naglagay ng tinapay sa coffee table.
"Salamat po, Tita. Pasensya na po kayo ang aga kong dalaw dito. Unang araw po kasi namin sa trabaho mamaya ni Emily eh," saad ko.
"Wala 'yon. Sige na maiwan na kita rito't magwawalis pa ako sa labas," sagot niya.
"Sige po. Wala pong problema," sagot ko.
Tinawagan ko na ang phone ni Ems. Alam kong may alarm siya ng ganitong oras. Mayamaya lang ay bababa na rin siya. Tama nga ang hinala ko dahil pagkatapos ng kalahating oras ay may narinig akong mga yabag pababa. Pupungas-pungas pa siya ng lumapit sa akin at yumakap.
"Good morning!" bati ko.
"Inaantok pa ko. Five minutes," sagot niya at ibinaon ang mukha niya sa dibdib ko. Dinama mo na lang ang paghinga niya rito. Sinuklay ko ang kaniyang buhok gamit ang aking mga daliri para mas ma-relax siya.
"I will miss you..." bulong ko.
Sa susunod iba na ang gagawa nito sayo. Iba na ang makakasama mo kapag magsusulat ka ng mga update mo. Iba na ang magpapaalala sa 'yong kumain ng tama at sa tamang oras. Iba na ang magaalaga at magmamahal sayo. Alam ko naman na kapag bumalik na siya tuluyan ka nang magiging masaya. I know he'll adjust just for you.
After five minutes ay gumising na rin siya ay ginising ko na siya. Agad naman siyang nagtungo sa banyo para maghilamos at magsepilyo. Ininom ko na ang kape na hinanda sa akin ni Tita Marie kanina. Lumamig na dahil hindi ako makakilos kanina dahil kay Ems. Ayokong maistorbo ang tulog niya kanina.
"Nag-breakfast ka na?" tanong ni Ems habang palapit sa akin.
"Hindi pa. Binigyan lang ako ni Tita Marie ng tinapay at kape," sagot ko.
"Anong gusto mong kainin?"
"Kung anong nakahain. Depende rin kung ikaw ang nakahain!" biro ko.
"'Wag na lang kaya kita ipagluto?"
"Ito naman! Joke lang naman!" sagot ko.
"Hindi ako tumatanggap ng joke ngayong umaga! Pero matitiis ba kitang magutom? Syempre hindi! Magluluto muna ako!" sagot niya at nagmamartsang pumunta sa kusina. Iniwan ko ang back pack ko sa sofa at sumunod sa kaniya.
She cooked some fried rice, hotdog, bacon and eggs. Tinulungan ko siyang maghain ng mga plato. Umupo na kami at nagsimulang kumain. Pagkatpaos kumain ay dumiretso kami sa sala at nanood na ng tv.
"By the way I have a surprise for you," I said and get my phone from my pocket. I started filming her reaction. Kinuha ko sa bag ko ang stethoscope niya.
"Here, every nurses should have a stethoscope in hand so I bought you one. I also have mine so don't get mad at me for not having one. Congrats Nurse Emily!" I said.
She smiled widely while opening the box.
"Thank you, babe!" she said and hugged me tight.
"You're welcome!" I answered and hug her back. Hininto ko na ang video at binaling ang atensyon sa kaniya. Kumalas na siya sa yakap at pinagmasdan ang stethoscope niya.
"By the way, Ems. Nag-chat pala si Ate Lyn sa akin. May regalo raw ang SavvFam sayo," I said. Lalo namang lumapad ang ngiti niya.
"Talaga? Edi mag-meet up na lang tayo bago duty," sagot niya.
"Okay! Copy!" sagot ko.
"Anong gusto mo gawin? Tapos na tayo mag-breakfast," tanong ko.
"Uhm... Magpunta tayo kay Nanay. Hindi ako nakadalaw pagkatapos ng graduation eh. Hindi pa naman gaano mataas ang araw," sagot niya.
"Okay. I'll take you there. Isabay mo na pala 'yong bag ko paakyat," sagot ko.
"Okay. Ganito na lang ako. Nakakapagod kaya maglaba!"
"Okay," sagot ko.
Nagpaalam lang kami kay Tita bago kami umalis. May dala na siyang kandila at lighter pati ang diploma niya ay dala niya. Pagdating namin sa sementeryo ay masigla siyang dumiretso sa puntod ng kaniyang lola. Sumunod na lang ako sa kaniya.
"Nay! Pasensya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw... Apat na taon akong nasa Singapore para mag-aral. Nakapagtapos na ako, Nay. Nurse na ako at may lisensya na. Nay, sayang hindi ka umabot sa graduation ko. Isasakay pa naman kita sa eroplano. Pero, Nay! Pangako ko sayo magiipon ako ng maraming pera at dadalhin ko sila Mommy sa iba't ibang bansa katulad ng pangarap ko para sayo...
"Hindi ako makakarating dito kung walang gabay mo sa paglaki ko. Pagbalik ko rito dala ko na ang published book ko. I miss you so much, Nay..."
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Alam kong miss na miss niya na ang lola niya dahil noong death anniversary nito ay hindi siya nakauwi.
"She's happy for you, babe. She's happy of what you become. I know she's proud of you," I said. Nang kumalma siya ay kumalas na siya sa yakap.
"Hay! Sayang hindi ko nadala 'yong laptop. Sarap pa naman magsulat dito!"
"Mabuti nga di mo dala dahil mabibilad. Masisira pa 'yon eh!" sagot ko.
Nang tumaas ang araw ay nagaya na siyang umuwi. Agad kong chi-nat si Ate Lyn tungkol sa meet up. Sinabi niyang sa Robinson's Place na lang kami magkita upang malapit sa hospital na papasukan namin.
"Babe!" tawag ko sa kaniya na abala sa phone niya at pangiti-ngiti pa. Alam kong nagbabasa na naman 'to ng wattpad o kaya nagbabasa na naman ng webtoon. Simula pagdating namin ay abala na siya mag-cellphone.
"What?" sagot niya na nakangisi pa rin.
"May meet up tayo kasama si Ate Lyn mamaya! 5pm kasi diba 6pm-6am duty natin?"
"Oh! Okay!" sagot niya at ibinalik ang atensyon sa kaniyang cellphone. Inilabas ko ang iPad ko at ang notebook ng mga outline ko. Tatlong chapter ang na-outline ko kagabi kaya marami akong kailangan isulat ngayon. Pagkatapos ko i-set up ang keyboard ay nagsimula na akong mag-type.
"Himala! Nagsusulat ang pinakatamad na writer sa balat ng lupa!"
Napatingin ako sa kaniya. "Ikaw ba? Wala kang balak magsulat?" sagot ko.
"Wala! Chinichill ko utak ko kasi balak ko magsulat while on duty!"
"Wow! Gusto mo talaga ng challenging!"
"Syempre! I love challenges!" sagot niya.
Sumapit ang dapit-hapon kaya nagsimula na siyang maghanda para sa meet up namin kasama si Ate Lyn. Pagkatapos niya maligo ay ako naman ang nagbihis ng scrubs. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Emily sa sala na nagaayos ng bag niya. Nakisilip naman ako sa mga gamit niya at sobramg organized nito. May hiwalay na pouch para sa make up at mayroon din sa pens niya. Nakita ko rin sa bag niya ang isang notebook. Malamang isa ito sa mga notebook ng plot pati na rin ang planner niya ay naroon.
"May extra light pen ako rito. Meron ka na ba?" tanong niya.
"Yeah. I have one. Kumpleto na nursing kit ko. Let's go na ba?" sagot ko.
"Tara na. Baka naghihintay na sa atin si Ate Lyn nakakahiya naman sa kaniya," she replied. Binitbit ko na ang bag ko pati na rin ang bag niya. Lumabas na kami ng sala.
"Papasok na kayo?" tanong ni Tita Edna.
"Opo, Tita. Night shift first duty namin pero kikitain po muna namin 'yong isang admin ni Ems dahil may regalo daw sa kaniya ang readers niya," sagot ko.
"Tara na, babe! Mi! Alis na kami ni Vince!" saad ni Ems.
"Oh siya. Ingat kayo sa unang araw sa trabaho!" sagot ni Tita.
"Salamat po!" sagot ko.
Ako na ang nauna sa kotse ko. Inalis ko muna sa pagkaka-park ang kotse ko dahil masikip. Nang maayos na ay muli akong bumaba para pagbuksan ng pintuan si Emily.
"Kreisler! Kapag nagka-girlfriend ka ganiyan dapat katulad ng Kuya Vince mo!" rinig kong sinabi ng lola ni Kreisler bago ako sumakay ng kotse.
"Are you ready for the next chapter of our lives?" I asked her.
"Yes! I'm hoping this will be the best!" sagot niya.
"Let's get it!" sagot ko at pinaandar ng mabilis ang kotse.
Pagdating namin sa Starbucks ay nandoon na si Ate Lyn.
"Hi, Ate Lyn!" bati ni Emily.
"Hi, Ate Lyn! Long time no see!" bati ko.
"Upo muna kayo. Anong gusto niyo?" sagot niya.
"Hindi na po. Kakain lang namin sa bahay," sagot ni Ems.
"Oh I see. By the way Emily, SavvFam wants to give you this," she said and gave the nursing kit.
Emily smiled widely and hugged the kit.
"Thank you po!" sagot niya.
"Wala 'yon. Oh siya, hinihintay ako ng mga kapatid ko sa Time Zone. Good luck sa first day of work ninyo!" sagot ni Ate Lyn.
"Sige po! Thank you po!" sagot ko.
"Thank you, Ate Lyn!" sagot ni Ems.
Lumabas na si Ate Lyn ng Starbucks at lumabas na rin kami.
"Grabe, I never expected this one. Buti na lang wala pa akong nabiling nursing kit. Puro basics pa lang dala ko," saad niya.
"SavvFam loves you eh," sagot ko.
"Bilisan mo na maglakad! Sa ER ako naka-duty!" saad niya.
"Ako rin naman," sagot ko.
"Kapag tayo na-late! Sinasabi ko sayo, Vince!" Hinila niya ako patakbo sa exit ng mall. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya.
Pagdating namin sa hospital ay nakarinig ako ng bulungan.
"I heard may dalawang bagong du-duty. 'Yong isa si Vincent David Sawyer, anak ng may-ari ng hospital. Hindi lang ako sigurado kung 'yong girlfriend niya 'yong kasama niyang du-duty," bulong ng isang nurse na may maiksing buhok sa katabi.
"Shhhh. Malapit na sila, girlfriend niya nga 'ata kasi pareho ng leather watch," bulong ng kaniyang katabi. Nilampasan lang namin sila ni Ems at dumiretso sa ER.
"Good evening, Miss. We're the newly hired nurses. Where is the head nurse?" Emily said.
"You're Miss Emily Savvanah Howards? And you are Mister Vincent David Sawyer, right?" the nurse on the counter answered.
"Yes," sagot ko.
"I'll just call Ma'am Trisha," she answered and went outside the ER.
Tango lang ang tanging sinagot namin. Pagkatapos ng ilang minuto ay may pumasok na babae na nasa edad mid-forties at medyo katabaan pero sapat lang sa kaniyang edad. Mukha siyang strikto sa mga nurses.
"You're the newly hired nurses right?" tanong niya.
"Yes, Ma'am," we answered in unison.
"Where did you take your on the job training?" she asked.
"We had it at the David's Medical Center, Singapore," Emily answered.
"Subok na nga kayo overseas. Tignan natin kung tatagal kayo rito," sagot niya at nagsimula nang i-introduce sa amin ang iba't ibang parte ng hospital at pinakilala rin sa amin ang mga makakasama namin sa duty. Sa ngayon sa ER pa lang kami pero siguradong mababago pa 'to. Walang permanenteng position kapag nurse ka. Kung saan ka inilagay kahit hindi mo alam ay kailangan mong matutunan. Masusubok ang communication skills namin.
The first day of duty went well. Kaunti lang ang dumating na pasyente sa ER at kadalasan ay kami ni Ems ang pinapatakbo roon dahil kami ang bago. Nagpalit na ako ng damit ko dahil off duty. Hinihintay ko na sa labas ng ER si Ems. Nang lumabas siya ng ER ay minamasahe niya pa ang sentido niya.
"Wala pa kong tulog, ang sakit ng ulo ko. Ilang shot ng kape 'yong nainom ko kagabi," she answered.
"Nakailang chapter ka?" tanong ko.
"Isang chapter natapos kong isulat sa kabila ng pagpapatakbo nila sa atin sa mga pasyente," sagot niya.
"Kumain muna tayo ng breakfast bago kita ihatid. Uuwi rin ako eh," sagot ko.
"Okay!" sagot niya.
Magkahawak kamay kaming lumabas ng hospital. Mabilis lang kaming kumain at pagkatapos ay inihatid ko na siya sa kanila. Iniimbita pa ako ni Tita na pumasok pero tinanggihan ko na dahil antok na antok na rin ako. Pagdating ko ng bahay ay nagbihis lang ako at nahiga na sa kama ko. Tinext ko muna si Ems bago ko napagpasiyahang matulog.
Me:
Sleepwell, Babe! We did well today! I love you!
Babe:
Good mornight!
Matapos basahin ang mensahe ay inilapag ko na ang cellphone ko sa side table ko at umayos na ng higa. Pagkatapos lang ng ilang minuto ay bumigat na ang talukap ng mata ko hanggang sa tuluyan na akong nagpalamon sa dilim.
A/N: Enjoy reading, Bemskies! 24 more chapters and we'll say good bye to Ken and Emily! Thank you so much for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top