CHAPTER 15: PARENTS

WARNING: SENSITIVE TOPICS ARE IN THIS CHAPTER.

Ken's POV

I was taken back by my thoughts when I hear my phone rang. Agad ko itong kinuha sa coffee table sa sala.

Papa calling...

"Hello?" malamig kong sagot sa tawag.

"Come over for dinner. Your Ate and Kuya will be there. Bring Kyle with you," he said.

"What is it for?" sagot ko.

"'Wag ka nang magtanong. Pumunta ka na lang," sagot niya at ibinaba ang tawag.

I sighed when the code was deciphered in my mind. It's gonna be a talk abou my annulment with Ana. For sure Ana and Tita Annalin will be there.

"Kyle!" tawag ko kay Kyle na nasa kwarto niya.

"What is it, Kuya Ken?" sagot niya.

"Magbihis ka na. Aalis tayo," sagot ko.

"Where are we going?"

"We have a dinner with Mama and Papa," maikling sagot ko bago pumasok ng kwarto. Naligo na ako at nagsuot ng black shirt at jeans. Pagkatapos ko iayos ang buhok ko ay lumabas na ako ng kwarto. Nakabihis na rin si Kyle at abala sa phone niya sa sala.

"Tara na!" saad ko at nauna nang lumabas ng bahay. Sumakay na ako sa driver's seat at hinintay na makasakay si Kyle. Habang nag-d-drive ay tumunog ang phone ko na konektado sa stereo ng kotse. Nakita ko ang cellphone number ni Ate kaya agad ko itong sinagot. Sinenyasan ko sa Kyle na tumahimik.

"Hello?" saad ko.

"Ken, ready ka na ba? Nandito na kami. Ikaw at si Kyle na lang ang hinihintay," sagot niya.

"Papunta na."

"Sige. Ingat kayo ni Kyle," sagot niya at pinatay ang tawag.

"Bakit ba tayo pupunta doon, Kuya?" tanong ni Kyle.

"We'll talk some issues," sagot ko.

"Issues pala eh. Bakit kailangan kasama pa ako?"

"Syempre! Ikaw pinakamamahal nilang anak!"

Umirap lang siya sa akin. Napailing na lang ako at ibinalik ang atensyon sa pag-d-drive. Pagdating namin sa gate ng mansion ay nakaparada na sa garahe ang kotse nila Ate. Pinagbuksan ako ng pinto ng mga guards. Dumiretso na ako papasok. Ipinarada ko ang kotse sa tabi ng kotse nina Ate.

"Good evening, Young Master Kyle," bati ng isang katulong. Napailing na lang ako ng hindi niya ako batiin. Hinatid niya kami sa dining area kung nasaan sina Ate, Kuya, Tita Annalin, Ana, si Mama at si Papa. Talagang kami na lang ang hinihintay. Tahimik na umupo si Kyle sa tabi ni Kuya Kenneth at ako naman ay sa tabi ni Ate.

"Why are you late?" Mama asked.

"I had work to finish earlier. I'm so sorry for the wait," sagot ko na nakatingin kay Ana. Nakita kong namamaga pa ang mata niya marahil siguro sa pagkakaiyak.

"Let's eat," Papa's authoritative voice sounded in the dining room. Nagsimula nang magsilbi ang mga katulong sa amin. Wala mang gana ay pilit akong kumain. Pakiramdam ko'y ito na ang huling kain ko. Tahimik lang kaming kumakain nang magsalita si Mama. "Ken, don't you owe us an apology?"

Lumunok muna ako bago sumagot. "For what?"

"First, you made a huge mess because of your garbage company, second, you file an annulment with Ana, third, because of the annulment that media knew different tabloids wrote articles agains our company."

I laughed humorlessly. "What will my apologies do? Buburahin ba ng mga tabloids ang articles nila? It'll never clean your images. Besides I didn't force Ana to sign it."

"Yes Tita, he didn't force me to do so," pag-sangayon ni Ana sa aking sinabi.

"I know he forced you that's why you signed it right? I thought you love him. This year, I promise, this year you both will have a church wedding," sagot ni Mama. Tahimik lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ng dessert. Sinipa naman ni Ate ang paa ko ng mahina. Napatingin ako sa kaniya at nahalata ko ang pag-aalala sa mata niya kaya tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

"Just say sorry, Ken! After all apologies is the only thing they want!" sigaw ni Papa.

"Your apologies to me will do, Ken. If you really don't want the wedding with my daughter it's fine," saad ni Tita Annalin.

"No! They will get married soon!" saad naman ni Mama.

"Ma! Why do you keep insisting the marriage?" I asked impatiently. I really don't understand them why.

"I don't want you to fall down your knees in front of a cheap, poor woman like Emily! Hindi niya deserve ang isang katulad mo! You're too high to get low for her!"

"She's too low? She's not low! It's just that your standards are too high! She's always low in your eyes! Don't you ever call her cheap cause she isn't one!" Hindi ko na mapigilang mapasigaw dahil hindi ko maatim na ganoon niya tawagin si Emily.

"Then if she's not cheap, then what? A gold digger bitch?" sagot niya.

Hinampas ko ang lamesa nang malakas at napatayo sa upuan ko dahil sa narinig.

"She's not gold digger bitch!" sigaw ko.

"Ma! Tama na!" saway ni Ate.

Pero tila wala siyang narinig. "Tell me, Ken. Bakit ngayon hindi na ikaw ang kasama niya? Diba noong highschool kayo siya ang ipinakilala mong girlfriend? Now, where is she? Ah she's now with the heir of David's Medical Center right?"

"That doesn't mean she's a gold digger!"

"Kahit anong gawin mo ganoon pa rin siya sa tingin ko at ng ibang tao!"

"Why don't you listen to your mom, Ken?" sagot naman ni Papa.

"Listen? Ako ba? Pinakinggan niyo ba ang gusto ko? Ha!? Pinakinggan niyo ba 'yong mga hinaing ko? Did you ever think of my physical state while forcing me to work for your company while studying?"

"It's for your own good! Can't you see?!" sigaw naman ni Mama.

"I don't see any good for what your doing to me!" sagot ko.

"Mama, Papa, Ken! No need to shout!" saway ni Ate.

"I better go," sagot ko at lumabas na sa dining area.

"Ken!" tawag sa akin ni Mama na hindi ko pinansin pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Napahinto ako sa paglabas nang marinig ko ang pagbasag ng baso. Lumingon ako sa pinanggalingan nito at nakita ko si Mama na nakahawak sa dibdib niya at tila naninikip ang paghinga.

"Ma!" sigaw ni Ate. Lumapit si Ate at tinulungan si Mama.

"Kenneth, call an ambulance. This might be a heart attack!" nag-aalalang utos ni Ate.

Tila nabaon ang paa ko sa aking kinatatayuan at hindi makagalaw dahil sa nakikita. Napabalik ang diwa ko nang makaramdam ako ng hapdi sa aking mukha. Mabilis akong kwinelyuhan ni Papa.

"Tignan mo! Tignan mo ang ginawa mo! Dahil sa katigasan ng ulo mo napahamak ang mama mo!" sigaw niya.

Kasalanan ko? Kasalanan na bang ipaglaban ang gusto?

"Hindi ka makasagot ngayon!?"

"Pa! Tama na! Wala nang panahon para magsisihan pa!" awat ni Kuya sa amin.

Malakas kong hinawi ang kamay ni Papa at inayos ang damit kong gusot na. Mayamaya lang ay may dumating nang mga medics at inilagay si Mama sa stretcher. Si Ate ang nag-endorse ng kalagayan ni Mama. Umalis na ako ng dining area.

"Ken! Tandaan mo, kapag may nangyaring masama sa Mama mo... Pagbabayaran mo lahat," mariing saad ni Papa.

"Kung anomang bayad ang gugustuhin mo Papa babayaran ko, kapalit ng kalayaan ko," sagot ko at umalis sa harapan niya.

Pasakay na ako ng kotse ko ng may pumigil na kamay sa braso ko. Tumingin ako sa nakahawak sa akin.

"Where are you going, Kuya?" Kyle asked.

"I'm going somewhere," sagot ko.

"Kuya naman! Don't leave me there!"

"Bakit?"

"Basta! Ayoko! Sama mo na lang ako sayo," nagsusumao niyang saad. Nakita ko ang takot sa kaniyang mga mata na tila ba gusto niya nang makaalis doon kanina pa.

"Sige na. Halika na," sagot ko, binuksan ko na ang pintuan ng kotse ko. Nang makasakay na siya ay umalis na kami sa mansion.

Malakas ang pakiramdam kong may hindi sinasabi si Kyle sa amin. Tahimik lang siya sa loob ng kotse.

"Anong gusto mo?" tanong ko.

"Ice cream and pizza, Kuya," sagot niya.

"Okay then. Can I bring you somewhere?"

"Where?"

"It's the place where I release all my frustrations and thoughts."

"Really? Let's go!"

Dumaan muna kami sa convinient store at isang twenty-four seven na pizza parlor. Pagdating namin sa abandonadong building ay naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit ni Kyle sa akin.

"Kuya, sure ka bang dito tayo? Parang nakakatakot naman," saad niya.

"'Wag ka matakot. Sa amin ni Liza 'yang building!" sagot ko.

Inakay ko na siya paakyat sa building. Pagdating namin aa rooftop ay binuksan ko ang ilaw sa pahingahan namin dito.

"Dito kayo nagpupunta ni Ate Liza?" tanong niya, kumuha na siya ng pizza sa box.

"Yeah. This is the place where we release all our frustrations."

Napatingin na lang ako sa nagkikislapang bituin kasabay ng mga liwanag ng building.

"Kuya, I have something to tell you."

"Hmmm? What is it?" sagot ko, hindi ko siya binabalingan ng tingin.

"You know why I don't want to be in the mansion?" he answered.

Napabalik ang tingin ko sa kaniya. Nakita ko ang pangamba at takot sa kaniyang mga mata. Nagsimula na ring manginig ang mga kamay niya.

"A-ano 'yon?" kinakabahan kong sagot. Hinawakan ko ang kamay niya at pinatingin sa akin.

"M-minsan k-kuya, b-binubugbog n-nila a-ako. Hindi nila ko pinapasundo kay Ate tuwing m-may galos na natatamo p-pero kadalasan n-nilalatigo a-ako ni Papa at s-si M-mama sinisinturon a-ako sa l-likod. Natatakot ako mag-magsabi k-kasi b-baka may g-gawin sila s-sa inyo nila A-ate," nanginginig ang boses niyang sagot. Agad ko siyang pinatayo at inangat ang t-shirt niya. Nakita ko ang ilang peklat mula sa sinturon at mga sugat na tila guhit ang itsura.

"Kailan pa 'to?"

"S-simula noong nagsimula ka ng company mo. Palaging may sumusundo sa akin sa school at dinadala ako sa mansion para lang gawin 'yon."

Kumuyom ang kamao ko dahil sa galit na nadarama. Pati si Kyle ay dinamay nila sa galit nila sa akin. Bakit pati si Kyle na wlaa namang ginagawa sa kanila?

"Kakausapin natin si Ate about diyan huh?"

"Yes po, Kuya. Basta po magiingat kayo nila Ate."

Tumango ako at kumuha ng isang slice ng pizza. Dumarami na ang atraso sa akin ni Papa. Kung akala niya na mapababalik niya ako dahil sa ginagawa niyang ito, nagkakamali siya ng inaakala. Napahinto ako sa pagtingin sa mga building nang marinig kong tumunog ang phone ko na nasa aking bulsa. Agad ko itong kinuha at binasa ang callers id.

Ate Kass calling...

"Hello?" sagot ko.

"Mama is comatose," she said.

"What!?"

"She almost had a heart failure."

"What are we gonna do now? I know I'm at fault."

"We'll just wait if she needs a bypass operation. She's also stressed kaya nakadagdag 'yon."

"Okay. Uhm, umuwi ka mamaya sa condo may sasabihin ako sayo," sagot ko at napatingin kay Kyle. Abala na siya ngayon sa ice cream na hiniling niya.

"Sige. Pauwi na rin ako mayamaya lang."

"Okay. Sige na," sagot ko at binaba ang tawag.

Pagkatapos namin maubos ni Kyle ang isang box ng pizza ay napagdesisyonan na namin na umuwi na. Dumiretso siya sa kwarto niya at ako naman ay sa kitchen para magkape.

Binuksan ko ang phone ko at chi-nat si Sandra.

Me:
Kamusta Sands?

Sandra:
Okay lang Kuya. Patapos na si Ems sa editing niya ng manuscript niya tapos sa susunod na linggo baka magover night kami sa bahay nila. Celebration at preparation para sa bs nila.

Me:
Wow... Sanaol!!

Sandra:
Umuwi ka na kase! Wag ka nang magdrama sa akin kapag nasasaktan ka sa thought na magkasama si Ems at Vince! Manong umuwi kasi! Alangan namang daanin mo nanaman sa chat si Ems!

Me:
Kung may passport lang ako bakit hindi? Processing na passport ko. Makakauwi ako jan bago book signing ni Ems.

Sandra:
Baka scam yan ha!

Me:
Hindi ako scammer. Sadyang nagkaproblema lang dito sa NYC.

Sandra:
Weh?

Me:
Oo. Abangan mo sa news.

Sandra:
May dating scandal ka nanaman?

Me:
Hindi! Si Mama kasi nasa hospital.

Sandra:
Ah ang dakilang kontrabida sa buhay mo. Good for her! Charrrr

Me:
HAHAHAHAHA!
Sige na baka nagrereview ka pa. Byeee.

Narinig kong bumukas ang main door ng condo kaya lumabas ako ng kusina at pumunta sa living room. Bagsak ang balikat at pagod na mukha nina Ate at Kuya ang bumungad sa akin. May galos pa sa mukha si Kuya samantalang si Ate ay mugto ang mata.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"We had a mass earlier," Kuya answered.

"Sermon na walang pakundangang insulto sa ating tatlo. They're getting worse day by day, Ken," sagot ni Ate.

"Yeah, they're getting worse. Even Kyle they didn't spare him. Kyle is their punching bag. Nilalatigo at sinisinturon siya roon. Maraming galos sa likod niya," sagot ko.

"What!?" they answered in unison.

"We need to do something about this. Hindi pwedeng pati si Kyle ay idamay nila!" saad ni Kuya.

"How?" sagot ko.

"First we need to get the company then they'll be accountable for what happened to Kyle. But let's still be carefull for our next move. He's after you now because of what happened to Mama," Ate answered.

"Let's call it a night for the mean time," sagot ni Kuya at iniwan na kami roon.

"Ate, you should talk to Kyle tomorrow."

"Yeah. Mahabang usapan na naman bukas," sagot niya. Umakyat na rin siya sa taas. Ako na lang mag-isa ang naiwan dito. I sighed at thoughts I have in my mind. Hindi naman kami ganito dati. Nagkandaleche-leche lang noong lumago ang kompanya. Lagi na silang busy at mas pinagtuunan ng pansin ang kompanya. Laging kailangan namin patunayan ang sarili namin sa kanila na kaya namin ituloy ang nasimulan nilang company. They made us robot and forgot that we are still humans who feel tiredness and worthlessness. Sa tuwing may pagkakamali kami lagi na lang ipinararamdam sa amin na parang hindi na kami karapat-dapat maging anak nila.

Mas ginusto nila ang kapangyarihan at pera kesa sa anak nilang naghihirap din para maabot nila 'yon. We're like puppets who can't move without our masters. I can't be like that forever. I need to stand on my own feet. Kung ang iniisip nila ay matatakot na ako sa ginagawa nila kay Kyle, I won't. I experienced the worst and I have no fear. The only fear I have is the thought of not getting her back. I need to move fast. Kung hindi pa ito matatapos ay lalo akong tatagal dito at lalo akong mahihirapan na balikan siya. I have a long way to run.

The next day I tried to visit the hospital but I'm restricted to go inside her room. So I decided to make myself busy in my company. Projects after projects are after me. Habang abala sa pagtitipa sa computer ko ay tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Agad kong tiningnan ito at nakita ko ng makita ko ang pangalan ni Ate sa callers id.

Ate Kass calling...

"Yes, Ate?"

"I visited the company of Mama and Papa earlier and I heard after we left the company starts to go down."

"What do you mean?" nalilitong tanong ko.

"Tita Annalin and other stock holders is about to pull out their shares," sagot niya.

"What? Anong gagawin natin?"

"Edi ang gawain ng mga tagapagmana. Saluhin natin ang pabagsak nilang negosyo."

"Bakit daw mag-pu-pull out ng shares?" Napakaimposible namang biglaang magsialis ang mga business partners nila dahil lang sa ayaw ko ng kasal.

"They are considering Pietro Builders and P&K Tradings. They are planning to close a deal with us."

"Deal? Baka may discrepancies sa company?"

"I still don't know the whole story but one thing is for sure this is to trap us. Kami nang bahala sa problema na 'to. Basta ikaw ang bahala sa kompanya namin at ng sayo."

"Sige. Balitaan mo na lang ako kapag may alam ka na sa nangyayari."

"Sige na. Nagpatawag ako ng board meeting. Baka parating na sila."

"Okay. Bye!" sagot ko at binaba ang tawag.

Kaliwaang meeting ang hinarap ko buong araw. Napaupo na lang ako sa couch ng opisina ko matapos ang isang meeting. Habang nakamasid sa tanawin sa glass wall ng opisina ay tumunog na naman ang phone ko. Tinignan ko kung sino ito.

Unknown:
Be ready for my revenge...

Pagkatapos kong maka-receive ng text ay biglang lumabas ang callers id ni Kyle. Agad gumapang ang pag-aalala sa puso ko. Baka mamaya ay may nangyari na sa kaniya. Sinagot ko ito kaagad.

"Kuya! Help me!" sigaw niya.

"Kyle!? Kyle! Where are you?" nagaalalang sagot ko.

"I'm at the man–"

"You're talking a lot my little boy. Shut him up!" putol ni Papa.

"Pa! Anong ginagawa mo?" sigaw ko.

"This is my revenge. You almost took my wife away. She's comatose because of you!" nanggigil niyang sigaw.

"Sa akin ka galit! Sa akin mo ibuhos! Ilabas mo si Kyle! Nasaan siya!?"

"Nandito lang siya... Sa mansion ko!"

"Kapag may nangyaring masama kay Kyle sinasabi ko sayo, Pa. Hindi ka lang mawawalan ng isang anak. Tatlo pa," sagot ko at ibinaba ang tawag.

Mabilis kong tinawagan si Kuya Kenneth.

"Yes, Ken?" saad niya.

"I'm going to the mansion. Kyle might be under torture right now," sagot ko.

"What!? Bakit naman!?"

"Father is taking out his anger on him."

"Okay! Sasama ko!" sagot niya.

"No! Hindi pwede! Ako na lang!"

"I'll back you up no matter what!" sagot niya at binaba ang tawag.

Ang kulit naman ni Kuya. Kapag pareho kaming napahamak sinong tatawag kay Ate? Maganda na rin 'to may katulong ako. Agad kong ibinulsa ang phone ko at nagmamadaling lumabas ng opisina ko.

"Cancel all my meetings today. Reschedule everything by next week. I have an emergency today. Thank you," malamig kong utos sa sekretarya ko.

"Yes, Sir," sagot niya.

Lakad takbo ang ginawa ko upang mabilis na makarating sa parking lot. Pagdating ko roon ay agad-agad akong sumakay sa kotse ko at pinatakbo ito ng mabilis. Pagdating ko sa tapat ng gate ng mansion ay agad kong nakita ang kotse ni Kuya. Sabay kaming bumaba at tumapat sa gate.  Hinarang kami ng naka-duty na guard.

"You won't let us in huh?" malamig na tanong ni Kuya.

"I'm sorry, Young Master Kenneth. Young Master Ken is the only one who is allowed to enter," sagot niya.

"Napipikon na ako," bulong ni Kuya.

"Kalma. Siguradong mas maraming kalaban sa loob," sagot ko.

"Why!?" sigaw niya sa guard.

"I'm just following orders, Sir," sagot ng guard. Hindi na nakapagtimpi si Kuya at sinapak niya ito. Sabay kaming tumakbo papasok sa mansion. Pagdating namin sa main door ay may dalawang bantay na naman. Tumango lang kami sa isa't isa senyales na tig-isa kaming guwardya.  Malakas kong sinapak ang isa at sinipa hanggang sa dumaing ito sa sakit. Mabilis kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin si Kyle na walang pang-ibabaw na damit at nakatali sa isang upuan. May panyo ring nakatali sa bibig niya upang hindi makagawa ng ingay at may piring din siya. Hahampasin sana siya ng latigo ng isa sa mga tauhan ni Papa ng magsalita ako.

"Lay that fucking thing on my brother and you'll die in my bare hands..."

Agad niya namang binitawan ang latigo at ngumisi sa akin. May gana ka pang ngumisi mamaya patay ka na.

"The knight in shining armor is here. Why did you bring a companion?" malamig na bati ni Papa na galing sa opisina. Mukha siyang ibang tao dahil sa lamig ng ambiance niya at ang nagaalab na galit sa mga mata niya.

"Pa! Let Kyle go!" malamig kong sagot.

"Not until you win the duel with your brother. If you win you will have Kyle if not then sorry he'll receive one hundred rubbish on the back," sagot niya.

Kinakabahan akong tumingin kay Kuya Kenneth. Tumango lang siya sa akin bilang sagot na pumapayag siya sa duwelo. Umiling ako dahil di ko kaya ang mangyayari.

"Akala ko ba gagawin mo lahat para kay Kyle? Bakit ayaw mo?"

"Stop with your bullshits, Pa!" sigaw ni Kuya.

"Oh so naduduwag kayo sa isa't isa? Wala akong anak na duwag!" sagot niya.

"Ken! Do it! For Kyle!" sigaw naman ni Kuya sa akin.

"Ayoko!" sigaw ko.

"Ayaw mo? Ayaw mo? Sige pagpatuloy mo 'yang kaduwagan mo! Pagpatuloy mo lang ang pagpapatunay sa akin na hindi mo kayang paglaban sarili mo! Hindi mo rin kaya ipaglaban si Ems! Duwag ka Ken! Duwag! Duwag! Duwag! Wala akong kapatid na duwag! Wala ka talagang kwen–" Naputol ang pagsasalita niya nang tumama ang kamao ko sa mukha niya. Ngumisi naman siya.

"Hindi. Ako. Duwag!" sigaw ko. Agad naman siyang nakabawi sa sapak ko. Ako na ngayon ang nakahiga sa sahig. Kwinelyuhan ko siya upang hindi na siya makasuntok pa. Hindi ko siya tinigilan hanggang sa namasa na nag mukha niya at hanggang sa hindi na niya maidilat ang mga mata niya.

"Ken! Tama na!" daing niya. Tumigil na ako sa pagsuntok at napaupo na lang din sa sahig.

"H-how? Akala ko mahina ka?" saad ni Papa.

"Pakawalan mo na si Kyle! Ginawa na namin ang gusto mo!" sagot ko.

"Chill. Arnold, free him," utos niya sa tauhan niya na may hawak ng latigo kanina. Tinanggal niya ang piring nito at panyo sa bibig.

"Kuya..." natatakot niyang saad.

Padarag siyang itinulak papunta sa akin. Nakita ko ang likod niyang nagdudugo na dahil sa latigo.

"I'm sorry," bulong ko at niyakap siya.

"You'll learn your lesson soon, Pa," nanghihinang saad ni Kuya na ngayon ay nakaupo na. May black eye siya sa kaliwang mata na halos hindi maidilat at may sugat siya sa kilay, pisngi, at labi. Tumayo na ako sa sahig at tinulungan sila. Inaakay ko silang dalawa nang sumalubong sa amin sa tapat ng main door si Ate.

"Anong nangyari!? Hindi ko kayo ma-contact na dalawa! Pinuntahan ko pa kayo sa opisina ninyo! Buti na lang nagawi ako rito!" nagaalalang saad niya.  Hinubad ko ang coat at polo shirt ko at pinatong ito kay Kyle.

"Bring them to the hospital. Magpapaliwanag ako sayo pag-uwi natin," sagot ko. Inalalayan ni Ate si Kuya Kenneth at ako naman ay si Kyle. Sumakay na kami sa kaniya-kaniya naming kotse. Si Kuya Kenneth ay sumabay na kay Ate.

Pagpasok namin ng kotse ay agad hinawakan ni Kyle ang sugat ko sa pisngi.

"Ouch! Don't touch it!" saway ko.

"I'm just checking if it hurts," sagot niya.

"Don't check my condition. Check your own," sagot ko at mabilis na nagdrive paalis. Pagdating namin sa er ay agad kong pinaasikaso si Kyle sa mga nurse.

"Sir, we'll treat your wound," saad ng isang nurse.

"No need. I can do it myself," sagot ko.

"But, sir—"

"Let him be. He doesn't want to be touched by girl nurses," Kuya Darren said that cut her sentences off. Umalis din ang nurse na gustong gamutin ang sugat ko.

"Kuya," saad ko.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong niya.

"Just a minor incident," sagot ko.

"Ako na nga gagamot sayo. Bakit ba ayaw mo magpagamot sa mga babaeng nurse? Ano bang pinagkaiba nila sa babaeng doctor?" sagot niya at padarag akong pinaupo sa hospital bed.

"The girl I love the most is a nurse. I don't want her to get jealous that I got treated by other girl nurses," sagot ko. Diniin niya naman ang bulak na may alcohol sa sugat ko kaya napakagat na lang ako sa labi.

"Pati ba naman 'yan! Umuwi ka na ng Pilipinas! Masusulot pa siya ni Vince!"

"Kilala mo siya?" sagot ko.

"Spokesperson ako ni Vince. Si Emily Savvanah Howards diba? Ang nag-top ng NLE? The famous wattpad author. Her trilogy was inspired by her first love? Tana ba?"

"O-oo na! Tumahimik ka na lang Kuya! Sana di ka balikan ni Ate!" sagot ko.

"Binabawi ko na! 'Wag mo naman isumpa ang pagbabalik ko sa buhay ng Ate mo!" sagot niya.

"Hoy lalaki! Bakit ikaw gumagamot sa kapatid ko?" tanong naman ni Ate na kabubukas lang ng kurtina.

"Kasalanan ko bang ayaw magpahawak ng kapatid mo sa mga babaeng nurse? Eh majority ng nurses babae! Ayoko lang naman na ma-infection ang sugat niya dahil malalim!" sagot ni Kuya Darren na nagpatuloy sa paglalagay ng gasa sa mukha ko. Nang matapos siya ay ako na ang nabalingan ng masamang tingin ni Ate.

"Ikaw naman, Ken! Bakit pinuruhan mo 'yong Kuya mo!?" bulyaw ni Ate sa akin.

"Mamaya na, Ate," sagot ko.

"Tapos na silang gamutin. Umuwi na tayo!" sagot niya at kinaladkad na ako palabas. Nakita ko si Kuya Kenneth at Kyle na naghihintay sa labas. Dumiretso kami sa parking area ng hospital.

"Anong nangyari sa inyo? Hahayaan ni'yo na naman ba akong manghula!? Alalang-alala na ako sa inyo! Makikita ko pa kayong sugatan!" saad niya.

"Ganito kasi, Ate! Na-kidnapp 'yang si Kyle ng mga tauhan ni Papa! Tapos pinapunta ako roon sa bahay. Ito namang si Kuya Kenneth makulit! Nag-duel kami! Sobrang inis ko sa kaniya ayan inabot niya!" sagot ko.

"Bakit naman kayo nagduwelo?"

"Para kay Kyle!"

"Bakit kayo pumayag!?"

"Wala kaming choice, Ate. Duwelo o isang daang hampas ng latigo sa likod ni Kyle? Sige nga, Ate? Hindi kakayanin ni Kyle ang isang daang hampas. Baka bumigay siya," sagot ni Kuya.

Natahimik naman si Ate at yinakap kaming tatlo.

"'Wag na kayong uulit ng ganito ha? Si Kyle ibabalik ko sa online. Hindi na pwede mangyari 'to," saad niya at kumalas sa yakap. She look at us lovingly and held our faces.

"I can't loose you three..."

"Ang drama na natin, Ate. Tara na nga at umuwi na," saad ni Kuya. Sumabay ulit siya kay Ate dahil naiwan ang kotse niya sa subdivision kung saan ang mansion nila Papa.

Kaniya-kaniya kaming pasok sa mga kwarto namin. Nag-half bath lang ako at nagbukas na ng iPad ko para ituloy ang iginuguhit kong chapter ng webtoon ko. Nagulat ako ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Tigilan mo 'yan, Ken. Magpahinga ka muna. Nakipagbugbugan ka sa Kuya mo tapos ganiyan ang aatupagin mo imbis na magpahinga? Baka mamaya sa kabaong ka na namin ilagay.  Cause of death: Over fatigue," saad ni Ate at umupo sa kama ko.

"Kailangan kumayod sa webtoon, Ate. Nauunahan na ko ni Vince sa mga nobela niya," sagot ko.

"Hindi masamang magpahinga, Ken. Let yourself rest just for now. Do it tomorrow. Hindi kabawasan ang pagpapahinga."

"Okay..." Niligpit ko na ang mga gamit ko dahil alam kong kapag si Ate ang nagsabi ay wala na akong magagawa.

"Nakita ko ang galos ni Kyle. Matagal niyang itinago sa atin ito."

"Oo nga, Ate. Hindi ko alam na sa kaniya babawi si Papa."

"Expect the unexpected when it comes to them. They can be the worst."

"Yeah. I've seen it with my bare eyes. Hindi ko naman ginusto na saktan si Kuya kaso kinailangan at mukhang nasiyahan pa si Papa sa nangyayari."

"Gusto niyang masira ang bond natin sa isa't isa."

"Hindi 'yon mangyayari. Pumuti man ang uwak at ma-solve man ang mga undefined math problems."

Napangiti naman siya sa narinig.

"Matanda ka na talaga. Bumalik ka na kaya sa Pinas nang maging masaya ka na ng tuluyan?"

"Ikaw ang matanda na, Ate. Piliin mo naman ang sarili mo. May balak na akong bumalik sa kasiyahan ko. 'Wag ka nang mag-alala sa akin. "

"Saka na kapag alam kong maayos na kayo. Gusto kong makitang maayos kayo bago ko piliin ang sarili ko at mga gusto ko. Si Kyle hindi pa siya nakaka-graduate ng SHS. Kailangan muna niya magsimula ng college bago ako makahinga ng maluwag. Hindi pa tapos ang issue mo kay Papa."

"Pangako mo sa akin Ate, pagkatapos ng lahat ng ito pipiliin mo na ang sarili mo," sagot ko. Gusto ko munang masiguradong masaya siya pagkatapos kong maging masaya.

"Oo naman. Basta makita lang kitang masaya at kontento sa kung anong meron ka. Sige na maiwan na kita't magpahinga ka na ha," sagot niya at lumabas na ng kwarto ko.

Nahiga na ako sa kama ko at nagbukas ng tv. Matagal-tagal na rin akong hindi nakanood ng Netflix. Ilalaan ko ang darating pang dalawang araw upang magpahinga. Nag-text na ako sa sekretarya ko na on leave ako for three days dahil nagkaproblema sa bahay. Isasabay ko na sa pahinga ko ang follow up ng passport ko upang makabalik na ng Pilipinas at makita siya.






A/N: I hope you enjoy reading the update! Please vote, comment and sharw it to your friends! Thank you so much, Bemskies!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top