CHAPTER 13: PASSED
Emily's POV
I was woken up by the ringtone of my phone. Kinuha ko ito sa gilid ko at sinagot ang tawag.
"H-hello?" bati ko. Sino ba 'tong tumatawag na 'to at kay aga-aga? I swear kapag si Vince 'to 'wag siyang magpapakita sa akin. Babatukan ko talaga siya.
"Hello, Babe! Rise and shine! For sure you already received the mail from PRC for the results of the NLE. I'm already on my way there. I already have mine," saad niya.
"What!?" Parang nagising bigla ang diwa ko dahil sa narinig. May mail na galing sa PRC?
"Yes. Nasa kanto niyo na ako. Bangon ka na d'yan," sagot niya at binaba ang tawag. Tiningnan ko ang orasan sa cellphone ko and it's already 11 am. Epekto 'to ng pag-update ko kanina ng 2 am. Bumangon na ako sa kama ko at bumaba na. Dumiretso ako sa banyo at nag-tooth brush. Paglabas ko ay nasa sala na si Vince.
"Good morning, Babe!" he said and held my waist. Sumandal lang ako sa balikat niya at napabuntong hininga. I don't think I'm ready to know the results of the board exams.
"I'm not ready to know it, Babe. I'm afraid," I whispered.
"It's fine. Sabay nating aalamin ang results," he said and gently comb my hair using his hands.
Pumasok sa sala si Tita Marie dala ang isang sobre.
"Emily, sayo 'ata 'to. Kadarating lang ngayon," saad niya at inabot sa akin ang sobre. May logo ito ng PRC at pangalan ko.
"'Yan na pala eh! I think we should eat lunch first before we open that!" Vince said.
"Thank you, Tita," sagot ko. Umakyat muna ako sa taas at inilagay ito sa table ko. Bumaba rin ako agad at pumunta sa kusina. Nakahain na ang mga pagkain at tanging ako na lamang ang hinihintay kaya umupo na ako sa tabi ni Vince.
"Thank you for the food!" sabay-sabay naming saad at nagsimula nang kumain. Habang kumakain ay para akong tuliro at iniisip ang resulta ng exam. Hindi ko napansin na tapos na palang kumain at ako na lang ang hindi pa tapos. Mabilis ko 'tong tinapos dahil ayoko naman na magsayang ng grasya.
Dumiretso kami ni Vince sa kwarto ko. Binuksan niya ang bag niya at nilabas ang sobre na katulad ng sa akin.
"This is it, Babe! Prepare yourself!" masayang saad niya. Sabay naming binuksan ang sobre at nilabas ang papel na nasa loob nito. Nagpalit kami ng papel.
Congratulations Mr./Ms. Sawyer! You've passed the Nursing Licensure Exam with an average of 86.889%.
Rankings:
1. Sawyer Vincent David
2. Howards Emily Savvanah
3. Hernandez Alisa
4. Fajardo Joseph
5. Perez Antonie
6. Santos Cally
7. Reyes Althea
8. Rallos Elisa
9. Corpuz Dennis
10. Ortega Maglonee
"Oh my god! Nasa rankings tayo!" sigaw ko. I barely finished the exam because it's really tricky and hard yet I'm included in the rankings.
"Congratulations, Babe! You made it! One take!" he said happily and hugged me tight. Tears started to roll down my cheeks. All of the hardships I had is all worth it. All the break downs and the pressure I had paid off. I passed the exam in one take.
"We made it, Babe," I said.
"We made it together..." he said while wiping the tears. He kissed my forehead and rest his head on my shoulder. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang yakap niya. Bumaba kami upang sabihin kay Mommy ang magandang balita. Tinawag ko sila ni Tita Marie at pinapunta sa sala.
"Mommy, Tita, pumasa ko ng nursing!" Masayang saad ko.
"Talaga?!" sabay nilang sagot. Inabot ko sa kanila ang papel.
"Wow! Congratulations sa inyong dalawa! Ano pang ginagawa ni'yo rito? Bakit hindi pa kayo naggagala na dalawa?" sagot ni Mommy.
"We don't have time pa po, Tita. Aayusin na po namin 'yong para sa publishing house," sagot ni Vince.
"A little celebration won't be bad, Vince," sagot ni Mommy.
"Congratulations, Emily and Vince!" Tita Marie said.
"Thank you, Tita!" sagot ko.
"Ano pang hinihintay ni'yong dalawa? Emily, magbihis ka na!" saad ni Mommy. Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa taas para kunin ang tuwalya at damit. Dumiretso na sa banyo. Matapos kong maligo ay umakyat ulit ako sa taas upang magpatuyo ng buhok. Nagsuot lang ako ng simpleng white rip jeans at black off shoulder. Bagay ang suot ko sa black rubber shoes na kabibili ko lang noong nakaraan. Sinuklay ko muna ang aking mahabang buhok bago ako bumaba dala ang body bag ko kakulay ng aking damit. Pagbaba ko ay natagpuan ko si Vince sa labas at may kausap ito sa telepono. Wala na si Mommy at Tita Marie sa sala. By the way Vince talked to the caller he seems so happy. Baka si Tita lang ang kausap niya at nagkakamustahan lang. I noticed it this past few months that he's always on the phone talking to someone. Minsan naman naabutan ko siyang may ka-text. Binuksan ko na lang ang phone ko at nag-scroll na lang sa facebook upang mawala ang atensyon ko sa bagay na iyon. Nang makaramdam ng uhaw ay pupunta sana ko sa kusina nang marinig ko ang masayang boses ni Vince.
"Yeah! I got to go baka tapos na siya at mabisto pa ako. Yeah, I'll call you back," he said to the caller and ended the call. Agad naman akong naglakad papunta sa kusina. Binuksan ko ang ref at kinuha ang pitcher. Kumuha rin ako ng baso at sinalinan ito at uminom. Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko dahil sa narinig. Sino kaya ang kausap niya? Sino ang bibisto sa kaniya? Para kong nawalan ng ganang gumala kaya bumalik na lang ulit ako sa taas at nagpalit ng pambahay. Binuksan ko na lang ang laptop ko at nagtingin na lang ng notifications sa email.
"Babe, I thought we're going out?" Vince said. Nilingon ko lang siya at nagpatuloy sa pagbabasa ng email.
"I'm sleepy and I lost my appetite going out," sagot ko at lumipat na sa kama para mahiga. Doon na lang siya sa kausap niya magpasama. Umupo naman siya sa paanan ko.
"And why is that?" he softly asked.
"I just lost it. Umuwi ka na at magsimula mag-edit ng manuscript," sagot ko at pinikit ang mga mata ko.
"What's the matter?"
"Nothing." sagot ko at tumingin ng deretso sa kaniya.
"Meron, Ems. I know why your attitude suddenly changed. Why?"
"Gusto ko lang malaman 'yong totoo, Vince."
"Anong totoo?" tanong niya.
"Sino 'yong palaging kausap mo? Alam ko namang private life mo 'yan and I don't wanna interfere with it. But at least please let me know if you want to end this. You don't need to cheat for me to leave you cause I will leave you if hindi mo na talaga gusto," sagot ko.
"Ha? What are you talking about?" his face looks so puzzled.
"You're always on your phone this past few months and it's really quite disturbing for me," sagot ko.
"Babe, if you're wondering who the caller is, it's a boy. So, 'wag ka mag-alala. I'm loyal don't think about me cheating on you. We should celebrate today! We passsed the boards eh?" sagot niya. Inirapan ko lang siya at inabala ang sarili ko sa phone ko. Binuksan ko ang messenger ko at hinanap ang pangalan ng gc namin.
Me:
Guys! Meet up tayo sa Rob later, 3 pm!
Sandra:
Oki!
Lean:
Di ako makakasama may lakad kami ni Eros.
Zoe:
Geh.
Andy:
Enjoy!
Ivan:
Sanaol!
Vince:
Sanaol nakakagala kasama si Ems!
Lean:
Eh diba magkasama kayo ngayon?
Sandra:
Oo nga. Kasi diba ngayon lumabas 'yong results ng NLE?
Ivan:
Congrats pala sa inyong dalawa!
Andy:
Congrats my children!
Zoe:
Congratssss!
Lean:
Kakasabi lang ni Vince sa gc namin eh na papunta siya kay Ems para sabay nilang alamin yung resulta ng boards.
Me:
I'm jealous of that boy he talks to! He often talked to me like that.
Lean:
Boy!?
Don't tell me, Vince na bading ka na!
Vince:
Aish! Hindi ah! Hindi ako bading!
Me:
Eh sino 'yon?
Vince:
How many times do I have to tell you that he's nothing?
Me:
Oo na nandoon na tayo sa part na lalaki nga siya pero sino nga? Imposible naman kasing si Ivan 'yon.
Ivan:
Hindi naman kami nag-uusap ni Vince eh.
Vince:
Elementary friend ko 'yon. So, 'wag na kayo mag-alala of me cheating on Ems.
"Weh?" bulong ko.
"May sinasabi ka, Ems?" saad niya.
"Wala! Sabi ko magbibihis na ko ng makaalis na!" sagot ko.
"Hintayin na lang kita sa baba ah!" sagot niya at lumabas na ng kwarto ko. Isinuot ko lang ulit ang damit na kanina'y suot ko. Bumaba rin ako pagkatapos ko magbihis. Nakita ko siyang nanonood ng tv.
"Tara na, Mr. Sawyer!" tawag ko.
"What? Ms. Howards? What are you saying?" sagot niya at binalingan ako ng tingin.
"Sabi ko, tara na!" paguulit ko sa sinabi
"Okay," he said and held my hand tightly. Nagpaalam lang kami kina Mommy at umalis na ng bahay.
Pagdating namin sa mall ay dumiretso kami sa National Bookstore para mamili ng notebook. Habit naming dalawa 'to at paminsan-minsan ay siya ang nagbabayad.
"Sagot ko ngayon 'yang notebook mo. Diba may plano kang bumili ng bagong laptop?" he said.
"Uhm, nope. Maayos pa naman 'yong laptop ko 'saka kulang pa 'yong laman ng ATM ko," sagot ko.
"Dagdagan ko na lang!"
"Dagdagan your face! Maayos pa naman 'yong laptop ko don't worry. 'Saka kabibili ko pa lang ng bagong phone."
"It's not bad to ask for some help from me, babe."
"It's really fine, babe."
"Okay," sagot niya. Dumiretso na kami sa counter at nagbayad. Pumunta kami sa sinehan at naghanap ng mapapanood na palabas.
"3 pm pa showing ng thriller-romance movie na 'to," he said while pointing on the small screen showing the trailer of the movie.
"I'm so full of thriller movies. Tragic na lang!" sagot ko. Matagal-tagal na rin noong huli kaming nanood ni Vince ng tragic film. Sa Singapore pa ata iyon kung hindi ako nagkakamali at nagsisimula pa lang kami mag-date.
"Okay! Wait, don't tell me may binabalak ka na namang tragic novel?" he asked.
"What!? Wala ah!" sagot ko. Pero honestly mayroon akong plot na nakahanda para sa isang tragic ending novel.
"Weh? Pusta ko man manuscript ko? Hindi ako makapaniwalang wala kang binabalak sa ngisi mo pa lang na 'yan," he said. Napahalakhak na lang ako ng dahil sa narinig.
"Fine! Meron!" pagsuko ko. Hindi ko alam kung mind reader ba siya o may kapit siya sa mga manghuhula sa kanto pero lahat na lang kasi ng iniisip ko na-predict niya agad.
"Wow! So sasaktan mo na naman kami? Why naman ganoon, Ems? Have mercy on us. We haven't move on yet on The Girl Who Got Broken In Love eh!" he answered.
"Ikaw ba author? Nangunguna ka pa sa desisyon ko eh!" asar ko.
"Papatay ka na naman para kang serial killer niyan!"
"Naging serial killer na ko 'no!"
Bumuntong hininga siya at iniwan ako roon para bumili ng ticket ng tragic movie na gusto ko. Sa huli ako pa rin ang nagwagi. Bumalik siya sa pwesto ko na may dalang popcorn at inumin. Pumasok na kami sa movie theater dahil magsisimula na rin ang pelikulam pagkatapos ng ilang minuto.
"Sinasabi ko sayo, Ems! Kapag nagkaiyakan walang sisihan," banta niya. Palagi ko kasi siyang nasisisi sa tuwing nanonood kami ng tragic movies.
"Yes, sir!" sagot ko na ginagaya pa ang tono ng kanta ng iKON. Nagsimula nang mamatay ang mga ilaw hudyat ng pagsisimula ng pelikula. Tahimik kong ibinaling ang atensyon ko sa palabas. Nang malapit na matapos ang pelikula ay bumaling ako kay Vince. Sumisinghot-singhot pa siya at pinupunasan ang luha niya gamit ang panyong dala niya. Napaiwas na lang ako ng tingin at palihim siyang tinawanan. Nang makalabas kami sa movie theater ay doon na ako tuluyang napahalakhak dahil nagpupunas pa siya ng kaniyang luha.
"Sino sa atin ang umiyak ngayon?" asar ko.
"Kasalanan mo 'to!" sagot niya.
"Akala ko ba walang sisihan?"
Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. "Ano pa bang magagawa ko? Palagi kang nanalo sa debate natin?"
Napailing na lang ako at hinila na siya paalis sa sinehan. Pumunta kami sa milktea shop na palagi naming pinupuntahan.
"Miss Emily and Sir Vince! Welcome back po!" bati sa amin ni Ate Annie.
"Hi, Ate Annie! Long time no see!" sagot ko. Regualar siyang cashier dito at palagi niyang natityempohan ang pagpunta namin ditong magkakaibigan kaya nakilala niya na rin kami.
"Alam mo na ano o-order-in namin, Ate!" saad ni Vince.
"Yes naman, Sir Vince! One okinawa and one brown sugar milktea with extra pearls coming up!" sagot niya at tinanggap ang bayad namin bago pumunta na sa parang kusina nila. Umupo kami ni Vince sa isang table roon. Dinala na ni Ate Annie sa table namin ang milktea. Wala pang ibang customer kundi kami lang kaya umupo muna siya sa tabi ni Vince.
"Kamusta na kayo? Ang tagal niyong hindi pumunta rito ah!" saad niya.
"Sa Singapore na po kasi kami nagkolehiyo. Nurse na po kami ngayon. Kakukuha nga lang po namin ng resulta ng NLE kanina eh," sagot ni Vince.
"Congratulations sa inyo!" masiglang sagot niya.
"Salamat po!" sagot ko.
"Oh siya babalik na ako sa pwesto ko at baka may dumating nang customer," paalam niya. Tumango lang kami bilang sagot. Binuksan ko ang camera ng cellphone ko at inaya siyang mag-picture. His eyes still looks so puffy. Mahahalata mo sa camera na kagagaling niya lang sa pag-iyak. Pagkatapos namin mag-picture ay inabala na namin ang mga sarili namin sa inumin. Habang abala ako sa pag-scroll na news feed ko ay biglang nag-itim ang screen at pinakita nito ang caller id ni Ma'am Nica kaya sinagot ko 'to.
"Good morning, Emily!" bati niya.
"Good morning po, Miss Nica! Uhm diba po next week pa deadline ng manuscript namin?" sagot ko.
"'Yon na nga. Kakamustahin ko sana ang manuscript ninyo. Bukas pala dumaan kayo rito para mapag-usapan 'yong pricing ng books, covers and inclusions," sagot niya.
"Sige po. I'll tell it to Vince po," sagot ko
"Sige. Salamat," sagot niya.
"Sige po. Thank you rin po!" sagot ko at ibinaba ang tawag.
"Pumunta raw tayo sa office nila bukas para roon pag-usapan 'yong pricing ng books and everything," saad ko.
"Oh? Okay. I'll pick you up tomorrow," he answered. Pagkatapos naming maubos ang milk tea ay lumabas na kami ng store. Inaya ko siyang pumunta sa park para magpahangin.
Highschool memories flashed in my mind. This is where we build our dreams and this is where we always clear our minds.
"Every side of this place is special to us," I said.
"So much highschool memories, bad and good, tears and laughter, lahat. Lalo naman 'yong galit mo kay ano tapos sa mga teachers natin. Naalala ko sinigawan mo pa 'yong isang tao rito sa sobrang inis mo kakatanong niya kasi may research sila," sagot niya.
"Lutang na lutang kasi ako no'n kaya nasigawan ko siya," sagot ko. Tumambay kami sa fake grass at pinagmasdan ang mga tao rito. Maraming estudyante ang nagpapahinga at maraming teenagers ang nagkakasiyahan.
"I can't help but to think our younger years. We're like those teenagers laughing their hearts out." Itinuro ko ang mga kabataang katulad namin noon. Lima rito ay mga babae at ang dalawa ay lalaki.
"Yeah. They look like us. Why don't we call Zoe and Sandra since Lean has a date," he said.
"Oo nga! Nice idea!" sagot ko. Nilabas ko ang phone ko at tinawagan si Sandra.
"Hello, Ems? Yes?" she said on the other line.
"Punta kayo rito ni Zoe sa kapitolyo. Nandito kami ni Vince!" masigla kong sagot.
"Ok sige! Bibili na rin kami ng makakain bago kami pumunta riyan!" sagot niya.
"Okay sige. Ingat kayo papunta rito ha. Tapos 'yong dorm i-lock ninyong mabuti ha?" sagot ko.
"Yes po, Nanay Emily! Sige na! Maliligo na ako! Bye!" sagot niya at pinutol na ang tawag.
After an hour of waiting dumating na rin sila Sandra na may dalang maliit na cake at mga paperbags ng Jollibee. Nakangiti silang lumapit sa amin.
"Congratulations sa inyong dalawa! This is our simple present for the both of you. Kayo kasi palaging nanlilibre sa amin so this time kami naman. Congratulations!" masayang bati ni Sandra.
"Wow! Umaasenso ang Mais ng grupo ah! Kamusta na kaya si Yelo?" saad ni Vince. Sinamaan lang siya ng tingin ni Sandra.
"Congrats, Ems!" saad ni Zoe.
"Uy! Thank you! Ang sweet niyo naman!" sagot ko.
"Mas sweet pa kay Vince?" sagot ni Zoe.
"Ay, ibang usapan na 'yan. Si Vince pa? Ibang level ng asukal meron sa katawan niyan. Alam niyo naman basta romance writer, sweet lover! Char!" biro ko.
"Huuu! Tigilan na 'yan! Paniguradong may kasunod na banat si Vince! Ayaw namin magmukhang pangatlong gulong sa inyo!" reklamo ni Sandra.
"Galing mo talaga manghula, Sands! Pabuka na bibig ni Vince kanina!" sagot ni Zoe.
"Pagpasensiyahan niyo na si Vincent. Excited kasi 'yan sa published book namin!" sagot ko.
"Oo nga 'no? Malapit na rin 'yon!" sagot ni Zoe.
"Pupunta kayo lahat ah! Hindi pwedeng hindi! Pauuwin ko pa si Andy at Ivan!" sagot ko.
"Sure ka bang sila lang uuwi?" saad ni Vince.
"Sino pa bang in-expect mong uuwi pa?" sagot ko. Binigyan niya lang kami ng misteryosong tingin.
"Basta ako una sa book signing mo!" sagot ni Sandra.
"Syempre naman! Gusto mo kada published book ko may free copy ka pa eh!" sagot ko. Sobrang thankful ko na may isang Sandra na nagbasa ng novel ko at niligtas ako sa bingit ng kamatayan. Siguro kung wala si Sandra, wala na rin ako sa mundong ibabaw.
"Sabi mo 'yan ah!" sagot niya.
"Yes po, Doctora Sandra!"
"Yieeee! Doctoraaaa!" saad ni Vince.
"Anong specializations kukunin mo?" tanong ni Zoe.
"Pediatrics!" sagot niya.
"Wow! Napansin ko nga 'yon na you're fond of kids!" sagot ko.
"Bagay sayo, Sands!" sagot ni Vince.
"Oh siya napahaba kwentuhan natin siguradong lumamig na 'yong mga pagkain!" saad ko. Syempre hindi namin nakalimutan mag-take ng photos for memories bago nagsimulang kumain. Inaya ko sina Sandra sa bahay upang doon na lang kainin 'yong cake dahil walang kutsilyo rito. Pumayag naman sila.
Pagdating namin sa tapat ng bahay ay agad naman nagsilabasan ang mga tsismosa. Hinintay kong pagbuksan ako ng pinto ni Vince. Pinagbuksan niya rin sina Sandra.
"Long time no see Ate Sandra at Ate Zoe!" bati ni Kreisler na nasa likod ko pala.
"Kamusta, Kreisler? Kamusta na si Camille?" sagot ni Sandra.
"Hello!" maikling bati ni Zoe. Minaniobra naman ni Vince ang kotse niya sa usual niyang pinararadahan.
"Halika muna sa loob, Kreisler. May pa-cake 'tong mga Ate mo eh!" sagot ko.
"Hindi na, Ate. May laro pa kami sa court. Manood kayo nila Kuya Vince ah!" sagot niya.
"Sige ba!" sagot ko. Tumakbo na siya palayo sa amin. Sabay-sabay na kaming pumasok sa bahay.
"Mi! Nandito mga ampon mo!" tawag ko.
"Sa sala tayo!" saad ko at inanyaya ko na sila sa sala. Pumunta ko sa kusina at kumuha ng platito, kutsilyo at tinidor para sa cake. Nasa sala na rin si Kreisler kausap si Vince.
"Ems, may extra kong damit sayo diba? Inaaya kasi ko ni Kreisler maglaro sa liga nila. Kulang daw kasi sila ng players," Vince said. Muntik ko nang mabitawan ang mga bitbit ko kung hindi lang dahil kay Sandra na kinuha agad ito sa mga kamay ko.
"Maglalaro ka? Basketball? Seryoso?!" sagot ko. I didn't
"Bakit? Bawal?" sagot niya.
"Hindi naman! Pero isa lag kondisyon ko sa inyong dalawa ni Kreisler. 'Pag isa sa inyo ang nasaktan pag-uumpugin ko kayo," sagot ko.
"Ate Emily naman!" reklamo ni Kreisler.
"Yes, babe." sagot niya.
"Good. Kumain muna kayo bago kayo lumayas sa paningin ko," sagot ko.
"Si Ems lang 'yong nakita kong nagpapalayas na nagpapakain muna," saad ni Zoe.
"Syempre! Si Ems 'yan! She's different! Sa sobrang different naging weird!" sagot ni Sandra. Tinawanan ko lang sila at pinaghiwa na ng cake. Pagkatapos namin kumain ay sumama na kami nila Sandra kay Kreisler. Umupo kami sa isang bleachers dito. Iniwan sa akin ni Vince ang flannel niya at phone. Dinala ko ang phone ko para kuhanan siya ng shots. He looks so hot in white shirt and shorts.
"Ems, sa itsura ni Vince ngayon marami nang babae ang naglalaway diyan sa tabi-tabi," saad ni Sandra habang nakatingin kay Vince na ngayon ay nagd-drible na ng bola. Napahinto ako ng marinig ko ang tunog ng cellphone ni Vince.
K calling...
Sino 'to? Hindi ko na lang sinagot ang tawag dahil privacy niya ito. Binalik ko ang atensyon ko sa laro.
"Wahhhh! Papa Vince pakasalan mo ko!" sigaw ni Amy. Matagal na 'tong nagpapansin kay Vince pero palagi siyang hindi nito pinapansin.
"Go, Babe! Make sure you'll win!" malakas kong sigaw na nagpadagundong sa buong court. Nakita ko ang matalim na tingin sa akin ni Amy. Tinawanan naman ako ni Vince at pinasa kay Kreisler ang bola. Nang magsimula ang ikalawang quarter ay si Vince ang magf-free throw kaya agad kong inihanda ang phone camera ko. I took a short video of him. It was a clean shot.
"Mas makapal pala feslak ng mga babae dito! Daig pa si Celeste!" saad ni Zoe.
"Kay Celeste magseselos pa ako pero kung 'yong mga babae rito? Ay please naman kung magiging kabit siya ni Vince 'wag na lang!" sagot mo.
"Yeah! I know Vince wouldn't choose a girl who's lower than Ems. Higher than Ems manapa pero malabo!" sagot ni Sandra.
Sa huli nanalo ang grupo nila Vince. 100-85 in favor of Kreisler and Vince's team. Agad naman siyang lumapit sa akin.
"We win, babe! Narinig ko 'yong sigaw mo," he said and brought Kreisler with him. Pinicturan ko naman silang dalawa dala ang trophy.
"Kayong tatlo naman! Mukha kasi kayong family eh!" saad ni Zoe at kinuha sa kamay ko ang phone ko. Wala kong nagawa at tumabi na lang sa kanila ni Kreisler. Ngumiti ako sa harap ng camera. Matapos naming mag-picture ay marami na ring nagpapicture kay Vince na akala mong basketball star player.
"Excuse me po! Hindi po siya artista para pagkaguluhan! Magsiuwi na po kayo at baka kung ano pang magawa ko!" saad ko. Agad namang nag-alisan ang mga babaeng nagkukumpulan. Ginamit kong pamunas ng pawis niya ang dala kong panyo.
"Marunong ka pala maglaro eh! I wanna see you play again," I said while wiping his sweats off. Nilagay niya naman ang kaniyang mga kamay sa baywang ko.
"Of course! I'll play again for you!" he answered.
"Tigilan niyo na ang paglalandian diyan dalawa! Mahiya kayo oh! Tinitignan kayo!" saad ni Sandra. Napailing na lang ako sa sinabi ni Sandra. Hinila ko na si Vince papaalis sa court.
"Kreisler! Uwi na kami! Uuwi pa 'tong si Kuya Vince mo!" paalam ko.
"Sige, Ate! Thank you, Kuya Vince!" sagot ni Kreisler. Kinawayan lang siya ni Vince.
"May tumawag pala sayo kanina," saad ko at inabot sa kaniya ang phone niya. Hindi lumampas sa paningin ko ang sunod-sunod na messages ng 'K' na 'yon. Hindi ko na lang pinansin dahil malaki ang tiwala ko sa kaniyang hindi niya ako lolokohin.
"Oh? Sino?" sagot niya habang naglalakad kami pabalik sa bahay.
"K. 'Yon 'yong nakalagay sa caller id," sagot ko. Nakita ko naman ang dumaan na pangamba sa mata niya na agad din namang nawala.
"Ohh," he answered.
Pagdating namin sa bahay ay inabutan ko siya ng malinis na tuwalya at kinuha ko ang damit niyang palaging iniiwan dito incase na hindi siya makapagdala ng damit.
"Maligo ka muna para presko ka tapos ihatid mo sila Sandra sa dorm ha," saad ko.
"Yes, babe!" sagot niya at pumasok na ng banyo. Bumalik na ako sa sala kung nasaan sila Sandra. Inaayos na nila ang mga gamit nilang dala.
"Paano ba 'yan, Ems? Last na ata natin 'to dahil magiging busy na ako sa boards," saad ni Sandra.
"Ako rin, Ems. Aayusin ko na 'yong resume ko na ipapasa sa company nina Nathan dahil ayaw naman ako bitawan ng nanay niya," saad naman ni Zoe.
"Aayusin ko rin 'yong manuscript ko dahil next week na rin 'yon. Bukas nga may meeting pa kami sa publishing house eh," sagot ko.
"We'll meet again before your book signing. Mag-o-overnight kami rito ha!" Zoe said.
"Oo naman!" sagot ko.
Lumabas si Vince na suot ang black shirt and jogging pants. Nasa balikat niya ang tuwalya habang abala siya sa pagpagpag ng mga tubig sa buhok niya.
"Narito pala ang mga ampon ko!" bati ni Mommy na kapapasok lang sa sala.
"Tita!" they said in unison. Natawa na lang ako sa reaksyon nila.
"Nagmeryenda na ba kayo? Pinameryenda ba kayo ni Emily? Bakit kulang kayo ng isa? Nasaan si Lean?" tanong ni Mommy.
"Tapos na po, Tita. May lakad po si Lean," sagot ni Zoe.
"Pauwi na rin kami, Tita," sagot ni Sandra.
"Kanina pa ba kayo nandito?" sagot ni Mommy.
"Inextra kasi ni Kreisler si Vince diyan sa liga! Kulang daw ng isa edi ayon 'yang dakilang kuya ng lahat sumali," sagot ko.
"Ang dami mong sinasabi kay Tita, Babe! I bet you fall harder for me because of the game!" he said.
"Ang hangin! Ho! Dumalaw na naman ang bagyong Vincent!" reklamo ni Sandra.
"Teka, parang lumilindol. Nako, Ems nagalit 'ata si Lord sa kayabangan ni Vince," parinig ni Vince.
"Pagod lang 'yan! Ayusin mo na 'yong kotse mo!" sagot ko. Binigay niya naman sa akin ang tuwalya at lalabas na sana ng hawakan ko ang braso niya.
"That messy hair is for my eyes only. Fix it," saad ko at inabutan siya ng suklay. Sinuklay niya naman ang buhok niya at kinindatan pa ako bago lumabas.
"Possesive girlfriend! Sana all!" saad ni Zoe. Umirap lang ako sa kaniya.
Lumabas na kaming tatlo. Pinagbuksan ko sila ng pintuan sa back seat.
"Babe naman! Ginagawa mo kong driver ng dalawang 'to!" angal ni Vince.
"Ano gusto mo? Paglakarin ko sila? Edi binugbog ka ni Nathan at Ivan!" sagot ko.
"Fine! Ayoko nang mabahiran ang pagmumukha kong gwapo!" sagot niya.
"Vince! Tigilan mo na 'yang kayabangan mo!" saway ni Sandra. Hindi niya pinansin si Sandra at bumaling sa akin.
"Where's my good bye kiss?" he asked. Yumuko ako at hinalikan siya sa pisngi.
"Okay na? Ihatid mo na sina Sandra! Mag-text ka pag nakauwi ka na. Mag-e-edit na ako manuscript!" sagot ko.
"Okay," he said.
Lumayo na ako sa kotse at kinawayan sila ng paalis na. Nang mawala na sila sa paningin ko ay bumalik na ako sa loob. Uminom muna ako ng tubig bago ako umakyat sa taas para simulan na ang pag-edit ng manuscript ko.
A/N: Enjoy reading, Bemskies! I'm so sorry for keeping you waiting. Thank you for reading! Happy 86 reads, YSTO!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top