CHAPTER 11: BOARD EXAM

Emily's POV
We spent the following months reviewing for the boards. Nakipagusap na rin kami kay Miss Nica na kung pwede i-adjust ang date of publishing ng mga manuscripts namin dahil sa NLE. Mabuti na lang at pumayag siya na i-adjust ito. Hindi ko na rin naasikaso ang mga works ko sa wattpad dahil mas pinili kong mag-focus sa pag-re-review sa boards. According to Kuya Mark it's 500 item exam na multiple choice so I decided that every week I ask Vince to prepare a questionnaire for me. I also made one for him. It's one hudred item questionnaire. It's already past midnight but I can't sleep. Ilang araw na lang exams na and after three months pa namin malalaman ang results ng halos ilang buwan naming pinaghirapan. Ika nga nila board exams ang huling pagsusulit na kukuhanin ng bawat estudyante. Ano na ang mangyayari sa amin after? Kaya ko kayang pumasa? Alam kong kahit magaan namin itong pinaguusapan ni Vince ay hindi pa rin mawala sa puso ko ang kaba. Kaba na kapag bumagsak ako ay maghihintay na naman ako ng ilang buwan upang mag-exam nito. Kaya pinagbubutihan ko ang pag-re-review upang hindi ako bumagsak. As I was staring at the ceiling, my sight became blurry. Pinunasan ko ang mukha ko at naramdaman kong may tumulong luha galing sa mata ko. Here comes the unshed tears I have because of the exam. Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko sa study table ko. Tinawagan ko ang nagiisang taong makaiintindi sa iniiyak ko ngayong gabi.

"Hello," he said in his usual bed room voice. Nagising ko pa siya ngayong gabi. Alam kong halos wala rin siyang tulog dahil abala rin siya sa pag-re-review.

"H-hello V-vince," I managed to answer despite the sobs.

"Why?" he worriedly replied.

"I just need someone to talk to."

"I'll just wear my clothes. Pupuntahan kita diyan sa inyo. I'll buy some ice cream and fries for you."

"No need!" I replied. Lalabas pa siya eh it's almost 1 am.

"Paano ba 'yan, Babe? Nasa baba ako. Baba ka buksan mo 'yong gate niyo. Lamig dito," he said.

"What!? Wait!" sagot ko at binaba ang tawag. Nagmamadali akong bumaba at kinuha sa fishbowl sa harap ng tv ang susi ng gate. Binuksan ko ito at bumungad si Vince na nakasandal sa kaniyang kotse may bitbit na paper bag  ng McDonald's at plastic ng convinient store. Pinapasok ko siya sa loob ng bahay. Sinarado kong muli ang gate at sabay kaming nagpunta sa kusina para kumuha ng baso at kutsara. Umupo siya sa isang dining seat namin at binuksan ang ice cream. Binuksan ko naman ang paper bag ng McDonald's at nakita ko rito ang dalawang fries, dalawang coke at dalawang chicken meal para sa aming dalawa.

"I know you're hungry kaya dinalan kita niyan," he said. Hinain ko na ang chicken meal. Nilagay niya muna sa ref ang ice cream.

"Hindi ko naman sinabing pumunta ka rito," sagot ko.

"Kahit hindi mo naman sabihin alam kong 'yong inner self mo hinahanap ako."

Umupo ako sa upuang kaharap niya at nagsimula nang kumain. Tahimik akong kumakain nang maramdaman kong nakatingin siya sa akin. Inangatan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay.

"You didn't eat dinner didn't you?" he asked.

"I ate dinner!" I hissed. Pero ang totoo ay nakalimutan ko na kumain ng dinner dahil sa reviewers at nag-outline rin ako ng novel ko.

"No you're not. For sure nag-outline ka na naman kaya nakalimutan mong kumain."

"No!" I answered.

"Give it up, Ems. Earlier when you called you sounded weak. Like you haven't eat for centuries."

Nagpatuloy kami sa pagkain ng meal. Nang maubos ay tinulungan niya akong ligpitin ito. Kinuha niya na ang ice cream sa ref at nilagyan ang kaniya-kaniya naming baso.

"Take care of your health, Babe. Baka maging anemic ka nito oh. Gusto mo na naman bang uminom ng Folic Acid?"

"Babe naman. Of course not! Tapos na ako sa phase na 'yan. I have bad memories about it!"

"Right. Kaya nga ingatan mo sarili mo."

"I-it's just that as the days pass by, my over thinking is getting worse. Paano kung hindi ako pumasa? Paano kung hindi ko kaya? Paano na 'yong mga plano ko? Paano 'yong manuscript ko? Paano 'yong test sa Singapore—" he cut me off. 

"Don't think about it too much. Everything will fall into places. Trust yourself because we all trust in what you can do. Come on, drink your water and let's get you to bed." He held my hand tightly.

"Uuwi ka?" tanong ko. Narito na kami ngayon sa kwarto.

"Babalik na lang ako bukas. Mapapagalitan ako ni Tita kapag dito ako natulog ng hindi niya alam. Saka diba bukas dito rin naman ako matutulog since schedule ng update natin at ng review?" he answered.

"Fine, fine, fine. Just don't wake me up kapag dumating ka," sagot ko.

Hinatid ko na siya sa baba at nang makaalis siya ay ni-lock ko na ang gate. Bumalik na ako sa kwarto ko. Somehow his presence earlier makes me feel at ease. Knowing that he's just one call away when I need someone to talk to makes me feel at rest. Parang mahika na nang mahiga ako sa kama ko ay agad akong nakatulog. Parang sleeping pill ko si Vince na madali akong nakatutulog kapag nakausap o nakasama ko siya.

Nagising ako nang may maramdaman akong humalik sa noo ko.

"Time to wake up, Emily. Kumain na tayo ng breakfast. Maaga pa tayo mag-re-review," Vince sweetly greeted.

"Mamaya na," sagot ko at tumagilid upang makatulog pa ng ilang minuto.

"Ems, 8:30 na. Mababawasan yung time natin magsulat, sige ka. Makakain ng review 'yong time na allotted sa writing," he said. Dahil sa mahal na mahal ko ang passion ko ay bumangon na ako sa kama.

"Good morning," I greeted.

"Good morning, Babe," he answered. Sabay kaming bumaba ng kwarto ko.

"Good morning, Mi," bati ko kay Mommy na nasa kusina at nagluluto.

"Good morning, anak. Sinabi nga pala ni Vince na pumunta siya dito kaninang madaling araw kasi tinawagan mo siya," sagot niya.

"Opo, Mi. Kinailangan ko kasi ng assistance sa reviewer," sagot ko kahit hindi naman 'yon ang nangyari.

"Oh siya, kumain na tayo." Nilipat niya na ang sinangag sa plato. Naghain naman ako ng mga platong kakainan namin. Matapos maghain ay nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos namin kumain ay umakyat na kami sa kwarto ko. Nilabas ko muna ang swivel chair upang maging maluwag ang kwarto. Naglatag na lang kami ng kutson sa sahig at sinapinan ito. Dito kami lagi nag-aaral kapag nandito sa bahay. Dinala niya ang bed table niya na medyo kalakihan at kasya ang dalawang laptop. May printer akong binili at mga ink kaya hindi mahirap mag-print ng questionnaire.

"Are you ready for this week's questions??" he asked.

"You, are you ready for this week's questions?" I retorted.

"Hmmm, I made them tricky so don't be complacent."

"Me too. Ano? Simulan na natin?" saad ko.

"Sure," he answered.

Binuksan ko na ang laptop ko at nagsimula nang mag-print. Matapos kong mai-print ang limang pages ng tanong ay inabot ko ito sa kaniya.

"My turn," he said and refill the papers on the printer. He also printed five pages of questions.

"Ilang items 'to? Bakit parang ang dami?" tanong niya.

"Hundred fifty," I answered.

"Ohhh. Then, check yours to know how many," he answered. Binuklat ko ang pinakadulo at laking gulat ko ng two hundred questions ang sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil sobra ng singkwenta ang tanong niya.

"Napaka-daya mo!"

"No. I'm not madaya, I'm just being practical you know."

"Nasaan ang practicality do'n?"

"Mas magiging handa 'yong utak mo sa exam. Hindi ka mabibigla since I gave you a 200-item questionnaire. Pagkatapos mo masagutan 'yan, makakapag-edit ka nang manuscript mo."

May punto siya. Sa paraan na ito hindi mabibigla ang utak ko kapag real deal exam na. Hindi ako mamemental block at mas mapapabilis ang editing ko.

"Simulan mo na, Ems."

"Ikaw din. Nang magkaalaman tayo kung sino talaga papasa sa NLE!"

Nagsimula na kaming magsagot. Kadalasan ay practicality ang nakalagay na tanong dito. Naghanap din ako ng preferences sa google at doon ko kinuha ang ilang mga tanong. Medyo nadalian ako sa mga tanong niya dahil halos lahat ay kinuha niya sa reviewer. Halos ginaya niya nga talaga ang NLE reviewer na binigay ni Kuya Darren through email. Binigyan naman ako ni Ate Gab ng reviewer para sa NLE ng Singapore. After 2 hour natapos ko na ang nakasasakit sa ulong reviewer ni Vince.

"Ano? Kumusta?" he asked.

"Muntik na ko mamatay sa exam na 'yan. Ginaya mo talaga yung mga tanong sa NLE reviewer ni Kuya Darren!" sagot ko. Ang hihirap kasi ng mga tanong sa ginawa niyang questionnaire.

"Gano'n talaga! As I said para handa ka," sagot niya.

"So? Can we edit the manuscript now?" I answered.

"Not so fast, babe. We need to check this first. Alam kong na sa 'yo 'yong answer key nito! Hirap rin kaya ng questions mo at mukhang hindi mo 'to kinuha sa mga reviewers."

"Salamat google," sagot ko. I know he's capable of searching other questions kaya tiwala naman akong masasagutan niya ito ng tama. Nag-exchange na kami ng papel. Kinuha ko ang red ballpen ko sa pen holder ko. Binuksan ko sa laptop ko 'yong file ng mga sagot nito at isa-isa kong chi-neck. I was surprised that he answered half of the test correctly.

"May kodigo ka 'no?" saad ko.

"Wala!" sagot niya at pinakita sa akin ang laptop.

"Bakit muntik mo na 'to ma-perfect?" tanong ko.

"It's just that most of the question are basics!" he replied.

"Parang di ka man lang nahirapan," bulong ko.

"Ano? May sinasabi ka, babe?"

"Wala," sagot ko at binalik sa kaniya ang papel niya. Nag-question and answer pa kami ng ilang mga nursing terms bago nag-edit ng manuscript. After twenty-five minutes of editing we decided to eat some lunch. Bumaba na kami at dumiretso sa garahe dahil doon kami palaging kumakain ng tanghalian. Naroon si Mommy at Tita Marie na naghahain.

"Ito na pala ang future nurses namin eh!  Kumusta ba ang pag-re-review?" tanong ni Mommy.

"Kaya pa, Mi. Nag-e-edit kami ng mga libro namin," sagot ko at umupo sa palagi kong pwesto tuwing kumakain kami. Natapos nang maghain si Tita Marie at hinain naman ni Mommy 'yong mga pagkain.

"Isa lang dapat ang priority ni'yo. Mahihirapan kayo mag-focus niyan," sagot ni mommy.

"Eh, Tita, kilala niyo naman 'yang si Ems diba? Mahal na mahal ang passion niya kaya gusto mag-edit agad. Sinabi naman kasi ni Miss Nica na ayos lang kahit kailan ipasa eh," Vince said. Napakamot na lang ako sa ulo ko nang marinig ang sinabi niya.

"Opo, Mi," sagot ko. Kumain na kami ng masagana. Pagkatapos kumain ay lumabas kami upang maglakad-lakad. Dumiretso kami sa court upang doon tumambay. Nakaupo kami sa isa sa mga step paakyat sa kapilya.

"Naalala mo ba 'yong ginawa natin dito noong new year?" saad niya.

"Of course. Most memorable new year ko kaya 'yon," sagot ko.

"Whatever happens to us in the future if you want to remember the day I decided to court you just go here. This place will make you remember that," he said while glancing at the trees around us.

"Of course," sagot ko. Pinanuod namin ang mga batang naglalaro sa gitna ng court. Maririnig ang masaya nilang mga halakhak. Kahit na kainitan ay nagagawa pa rin nilang magsaya. Ilanginuto ang lumipas ay napagdesisyonan na naming bumalik sa bahay para magpatuloy sa pag-re-review. Kinagabihan ay napagdesisyonan namin ni Vince na mag-movie night since bugbog na ang utak namin sa review ng ilang araw.

"Babe, pagkatapos ng boards may gusto kong panoorin na anime," saad ko habang nag-aayos ng kama. Siya naman ay inaayos niya ang kutson na kaniyang tutulugan. Kahit natutulog kami sa iisang kama sa Singapore ay mas pinili niya pa ring matulog sa sahig ngayon dahil alam niyang narito sila Mommy. Wala kaming extrang kwarto para sa bisita kay dito ko na lang siya pinatulog.

"Anong anime, babe? Nang masabayan kita," he answered.

"Fullmetal Alchemist. I badly want to watch the anime version of that. Napanood ko na 'yong live action and recently I saw it sa Netflix."

"So you're into science-fiction now."

"Yep! I want to write a science-fiction novel, you know."

"Sige after boards." Nahiga na siya sa pwesto niya. Binuksan ko naman ang smart tv ko rito na may Netflix. Ako ang bumili ng tv na ito. Pumili ako ng magandang movie na panoorin. Nasa kalagitnaan na ng movie nang maramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.

"Babe, I'm gonna sleep na," I said and lay on my bed.

"Okay, ako na magpapatay ng tv," sagot niya. Pinikit ko na ang mga mata ko upang makatulog na. For once I can sleep peacefully without thinking of anything.

The day we both waiting for has come. Gumising ako ng maaga para rito. Nakahanda na ang clinical uniform ng school namin. Kulay navy blue itong scrub top at skirt instead of white dahil international school kami. Ito ang sinusuot ko tuwing may clinical practice kami sa school. Mayroon din akong hinandang white shoes dahil ito ang prescribed uniform galing PRC. Dinala ko na ito sa baba at naligo na. Nagsuot muna ako ng panloob bago ko isinuot ang mismong scrubs. It feels new cause in a few months I haven't wear this. Umakyat ako sa kwarto ko at humarap sa salamin. Nursing cap na lang ang kulang id at name plate ng school namin. Siguradong ang makikita ko sa loob ng university mamaya ay puro nakaputi na ganito. Ako lang ang maiiba dahil hindi puti ang clinical uniform ng Lavender Nebula University. Sinubukan naman namin maghanap ng clinical uniform last minute kaso wala kaming nahanap. I tried to ask Kuya Mark and he said clinical uniform na lang ng school namin. Inutusan ko pa rin si Vince na manghiram ng clinical uniform ng Pilipinas kay Kuya Darren dahil sabi niya graduate siya ng nursing dito. Binigay naman sa akin ni Ate Gab ang clinical uniform niya para incase na pagpalitin kami ay mayroon kaming dala. Nilagay ko na ang name plate ko at pinatuyo ko na ang buhok ko upang mailagay ko na ang nursing cap. Masyadong mahaba ang buhok ko para sa low bun kaya itinaas ko ito hanggang gitna bago ko inilagay ang nursing cap. Tinitigan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Ito na ang huling pagsubok ko bilang isang nursing student,  pagkatapos nito bagong mundo na ang haharapin ko. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang pinakawalan ito.

"I can do it! I'm Emily Savvanah Howards! Papasa ako!" saad ko habang nakaharap sa salamin. Natigil lang ang pag-iisip ko ng marinig kong tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag. It's Vince siguradong naghahanda na rin ito.

"Hello, Babe! Morning!" bati ko.

"Good morning, Babe. How's your sleep?" he replied using his usual bed room voice.

"Good. You?" sagot ko.

"Same as you. Are you ready?" he asked.

"Yeah. Nakabihis na nga ako eh."

"That's nice. Paalis na ako rito sa bahay. Diba sabay tayong pupunta sa University of East?"

"Syempre. Late ako kapag nag-commute pa ako."

"Sige na. Mag-wa-warm up na ko ng kotse. Nag-prepare rin ako ng sandwiches kagabi para sa snacks natin."

"Okay. Ingat ka papunta rito. I love you!"

"Opo. Love you too," he said and ended the call. Kinuha ko na ang back pack ko na naglalaman ng nga papers ko, extrang clinical uniform at reviewer. Nilagay ko ito sa balikat ko at lumabas na ng kwarto. Pagdating ko sa kusina ay handa na ang agahan. Napagdesisyonan kong hintayin na lang si Vince. Nagtimpla na lang ako ng kape. Ilang minuto lang ang lumipas ay may narinig akong makina ng sasakyan na huminto sa tapat ng bahay namin. Lumabas ako at nakita ko ang kotse ni Vince. Nakatitig lang ako sa pababang bulto niya. He looks so handsome in his clinical uniform. Navy blue well pressed polo and loose scrub pants. Some of his muscle is visible because of the thin fabric of the clothes. He has a black leather watch on his right wrist same as mine. This is the watch he bought for us when our third anniversary came. This is the most essential thing for a nurse. Every nurse should have a watch.

"Hey babe, why don't you open the gate for me? Nang makakain na ko. It's already 5:30 ma-la-late tayo sa UE!" he said that made me back to my senses.

"Ha?" sagot ko.

"I said, open the gate so that I can eat breakfast. We're getting late," he replied.  Agad ko namang tinanggal ang kandado ng gate namin at pinapasok siya. Habang kumakain kami ng agahan ay pumasok sa kusina si Mommy.

"Ang aga naman ata ni Vince ngayon ah. Good morning my future nurses," bati niya.

"Good morning, Mi!" sagot ko.

"Good morning, Tita!"  sagot ni Vince.

"Today is the day. Matanda na kayo kaya hindi ko na kayo ihahatid. Sa Oath Taking niyo na lang ko kayo sasamahan."

"Hindi pa nga po kami sure sa mga damit namin ngayon kasi po diba wala nang mabiling clinical suit. Saka kahit magputi kami hahanapin pa rin sa amin kung saan kami graduate ng college of nursing," sagot ko. Kasi kung magsusuot kami bg uniform ng mga nursing graduate dito our records will say otherwise. Pagkatapos kumain ay nagsepilyo muna ako.

"Good luck mga anak. Magiingat sa biyahe," paalala ni Mommy.

"Opo," sabay na sagot namin ni Vince. Pinagbukas niya ako ng pintuan kaya sumakay na ako. Inayos ko ang skirt ko. Umikot siya pasakay sa driver seat at nagsimula nang magmaniobra ng sasakyan. Kinawayan lang namin si Mommy hanggang sa makalampas kami sa bahay.

Nakarating kami sa University Of East at exactly 7 am. 'Yon ang call time dahil by 8 am ay magsisimula na ang exams. Before we went inside the school we pray.

"Lord, please guide us for this exam. I know with your knowledge and wisdom  we will past the test. Please guide us the whole day. Amen.," Vince said while his eyes are closed. This is one of the traits I love about him. He always pray before we take any exam and before we start the whole day. After his prayer he held my hand tightly.

"Today is the day, Babe. What happens after this always remember we did our best. We did our best to get here, you did. We're now at last page of our story as students. I'm so proud of us that we survived nursing having each other," he proudly said.

"We will pass! We will!" sagot ko. Bumaba na kami ng kotse at isinukbit ko ang bag ko sa mga balikat ko. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng school. Unang beses ko palang makapasok sa isang sikat na university ng Pilipinas. Maraming babae at lalaki ang nakasuot na uniform na katulad ng sa amin. While we're walking at the corridor they are looking weirdly at us like we're some kind of alien. I think it's because of what we wear.

"Who are they?" rinig kong bulong ng isang babae.

"Ang ganda no'ng babae! Miss, can I get your number!?" sigaw ng isang lalaki na naka-clinical uniform din. Natawa na lang ako. Naturingang nurse ang galing mag-cat call. Huminto si Vince sa paglalakad at nilingon ang lalaki.

"Cat-calling huh. Pagbutihan mo nang mawala agad 'yang lisensyang kinukuha mo," Vince said coldly while his sharp eyes is shooting the guy. Naglakad na kami papunta sa registration area.

"Ma'am and Sir, your uniforms is not the prescribed uniform from PRC. You dressed perfectly but the color of your clinical uniforms is not allowed. I'm afraid you might not take the boards," saad ng isang babaeng mukhang proctor. Nilabas ko ang mga papeles ko galing sa school namin.

"We graduated College of Nursing in Lavender Nebula University, Singapore. This is the prescribed clinical uniform in our school. We tried to search for the clinical uniform here but the stores said is sold out. Even though we have it our records will say otherwise," sagot ni Vince. Nag-email din kami sa PRC at ang sabi sa amin ay okay na ang clinical uniform ng school namin. Pinakita ko sa kanila ang screenshot ng reply ng PRC.

"Then fill up your names here," pasukong sabi ng babae. Nilagay na namin ang mga pangalan namin sa form. Dumiretso ko kami sa aisle ng mga room.

"Paano ba 'yan? Will take different rooms, babe," he said.

"I know. Sa dulo ka for sure kasi nasa dulo ng alphabet last name mo," sagot ko.

"Yeah. So kita na lang ulit tayo sa corridor na 'to," sagot niya. Tumango lang ako.

"Break a leg, babe!" he said and left me at the bunch of the students finding their names on the bulletin board. Hinintay ko lang na kumonti ang mga estudyante bago ko hinanap ang aking pangalan nang mahanap ito ay dumiretso ako sa loob ng room number kung saaan ko nakita ang pangalan ko. Nagulat ako ng mostly ng nasa loob ng classroom ay lalaki. Bilang lang sa daliri ang mga babae. Tahimik na lang akong dumiretso sa bandang likod ng classroom at nagsimulang magbasa ng reviewer. Kalahating oras ang lumipas ay may pumasok na lalaki. Nasa mid-30s ang itsura nito at hindi maipagkakaila ang taglay nitong kagandahang lalaki. Siguro ito 'yong proctor namin. Nagsimula na siyang magsalita at mag-explain ng mga rules and regulation.

"Miss Howards right? The girl with a navy blue clinical uniform," he said.

"Yes, Sir. Good morning," sagot ko at tumayo sa upuan ko.

"What school?" he asked.

"Lavender Nebula University, Singapore."

"So you're a international student as the orders from us said. How is the college of nursing there?"

"It's better I think. We managed to have cadavers to practice the insertion of IV," sagot ko. Puno ng pagkamangha ang kwarto.

"Seat down. Let's start the test. You have three hours and  thirty minutes to finish the five hundred item exam," sagot niya at ipinamahagi na ang test paper.

Ken's POV
Katatapos ko lang mag-take ng boards last week at laking gulat ko na ngayon daw ang Nursing Licensure Exam sa Pilipinas. Siguradong first batch si Ems dahil sabi ni Sandra ay sa second batch pa siya kabilang. It's already late but I'm still here at the living room researching more about the company. Everything is set. From business partners to potential clients. I'm so close to freedom, please wait a little more, Love. Habang wala pa ako magpakasaya ka muna kasama siya.  When it's already past twelve ay napagdesisyonan kong umakyat na. Nakahiga na ako sa kama ko nang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang caller at nakita kong siya ito. Why did he call this late? Sinagot ko na lang ito.

"Hey man! Wassup!" bati niya.

"What?" sagot ko.

"I just called you to say good luck on the results of the boards and for your company."

"Thank you. Good luck too. Alam ko namang mag-to-top ka kasama siya. For sure 'yan. Manifest it!"

"Mag-top man o hindi magkalisensya lang as nurse oks na ko."

"Ako nga hindi ko alam kung magkakalisensya ko. Ang hirap ng test hindi kinaya ng stock knowledge ko."

"Yabang mo!" singhal niya.

"Sige na. Alas dose na ng umaga. Matutulog na ako," sagot ko.

"Good night, bro!" he said and ended the call. Napagdesisyonan ko na lang na manood ng movie sa tv. Hindi ko pa natatapos ang palabas nang maramdaman ko ang pagbigat ng talukap ko hanggang sa makatulog na ako.

Kinabukasan ay maaga akong gumising upang makapagsimula sa outline ng webtoon ko. Habang abala ako sa pag-d-drawing ay biglang may narinig akong katok sa labas. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Bumungad si Ate na may dalang malaking brown envelope.

"Ano 'yan?" tanong ko.

"It came from the engineering boards. I think this is the results of the boards," sagot niya.

"Oh yeah tama! Ngayon darating 'yon dahil online ako nag-exam. 7-10 days after taking the exam malalaman 'yong results. Thank you, Ate," sagot ko at kinuha sa kaniya ang envelope. Sinarado ko na ulit ang pinto. Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahang pinakawalan ito upang maging handa sa resulta.

'You passed the board exams with the average grade of 95.885%'

Is this for real? I really passed! Ilang araw akong nag-cramming para sa test na 'to! Thank you, Lord for letting me pass the test.

Bumaba na ako at dumiretso sa sala kung saan naglalagi sila Ate at Kuya na abala sa pagtitipa sa kaniya-kaniyang laptop.

"Ate, Kuya, bar hopping tayo!" masayang saad ko.

"Maraming mas importanteng bagay kesa diyan, Ken," sagot ni Ate.

"No. Alliza will get mad at me," sagot naman ni Kuya Kenneth.

"Gusto ko lang naman mag-celebrate kasi nakapasa ko sa boards. I'm gonna be a licensed engineer very soon," sagot ko at nagkibit balikat saka bumalik sa kwarto ko para ituloy ang pero agad akong napatigil nang marinig ko ang sigaw ni Ate.

"Ilang alak ba gusto mo!?"

"Sponsor ko na launching party ng Pietro Builders!" saad naman ni Kuya Kenneth. Natawa na lang ako ng marinig sila kaya muli akong bumaba.

"Hatid niyo muna si Kyle doon kila Mama. Mamayang gabi lakad tayo," sagot ko at umakyat sa taas.

Tulad nga ng napagusapan kinagabihan ay nagliwaliw kami sa iba't ibang bar. Hindi naman kami nagpakalasing masyado dahil may pasok pa sa Pietro Builders bukas. Naligo muna ako bago ako nahiga sa kama ko. Pinikit ko ang mga mata ko. Nakikita ko na naman ang imahe niya.

"I'm so proud of you, Love. I miss you so much," she said. Love is evident in her eyes. That sight I'm longing. She's here my love is here!

"Thank you, Love. I miss you too so so much. Life without you is hell, Love. Please comeback," sagot ko. I'm crying infront of her.

"I know you'll be back in my arms again, Love. Stop crying. Focus on your dreams, until then we'll meet again." Niyakap niya ako ng mahigpit at sa mga bisig niya ay napahagulgol ako ng tuluyan.

"I'm tired, Love. I need you." I whispered.

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Inilibot ko ang aking paningin at nasilaw ako sa sinag ng araw na galing sa bintana ng kwarto ko. Ang sakit ng ulo ko at naramdaman kong mamasa-masa ang mata ko na para bang galing sa pag-iyak. That dream it feels so real even though it was just a dream. I was crying in that dream. For the first time after twenty years, I feel at home and at peace in that dream.





A/N: Enjoy reading, Bemskies! Thank you for the love and support to Ken and Emily! Happy 65 reads! Thank you so much!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top