CHAPTER 10: SOON

Emily's POV
It's been a week nang makabalik kami galing sa Palawan at ngayon ay abala na kami ni Vince sa pag-re-review para sa nursing licensure exam dito sa Pilipinas. Binigay na sa amin yung reviewers namin. Binabasa ko ito habang nakikinig sa music. Nang tumunog ang alarm clock ko ay hininto ko na ang music at sinimulan nang ligpitin ang mga highlighters at ballpen. Nilagay ko ang mga ito sa drawer ko. Tinanggal ko sa Spotify yung window sa laptop ko at binuksan ang chrome. Mag-ch-check ako ng emails ko dahil baka may email na sa akin ang editor ko sa paid platform na sinusulatan ko. Habang nagbabasa ay may napansin akong isang email na na-send noong isang linggo. Pinindot ko ito at binasa ang nilalaman.

Good day Miss Emily,

I'm Nica Santos an editor from Blue Moon Publishing Company. And I'm interested to your story. The blurb of your story, Still You is interesting, short yet catchy. I'm hoping for your reply! Thank you and God bless!    

                                          Best Regards,
                                         Annica Santos
                                                Editor

I was stunned for a moment. My story, no actually my first story was noticed by a the famous Blue Moon Publishing Company my dream publisher. I took a picture of it and run downstairs. Nagmamadali akong lumabas at hinanap si Mommy.

"Bakit ka humahangos, Emily?" tanong ni Tita Marie na kalalabas lang na kalalabas lang ng kusina.

"Nakita niyo po ba si Mommy?" tanong ko.

"Nandoon sa kwarto niyo," sagot niya at kumuha ng walis at nagwalis sa sala. Tumakbo ako papuntang kwarto namin.

"Mommy!" masiglang tawag ko.

"Ano 'yon 'nak?" sagot niya at binaba ang cellphone niya. Binuksan ko ang cellphone ko at pinakita sa kaniya ang litrato ng email. Binasa niya itong mabuti at tiningnan kung sino ang sender.

"Diba ito yung sinasabi mong pangarap mong publishing house?" saad niya.

"Opo, Mi. Kunin ko ba?" sagot ko.

"Tiwala naman na ako sa 'yo 'nak. Alam kong magdedesisyon ka ng naayon sa ikabubuti ng buhay mo."

"Salamat po, Mi. Tatawagan ko si Vince baka sakaling meron din siyang alam." Lumabas na ako ng kwarto ni Mommy at dinial ang number ni Vince. Agad din niya itong sinagot.

"Babe!" sigaw niya sa kabilang linya.

"Kalma. Ano yun?" sagot ko.

"May email akong natanggap galing Blue Moon Publishing!"

"Meron ka rin!?"

"Meron ka!?"

"Oo meron! Na-notice daw nila yung Still You!"

"Sa'kin, The Girl In Floral Mask!"

"Anong sabi sayo?"

"They are looking forward on my reply. You?"

"Ganoon din. Annica Santos yung pangalan noong editor."

"Siya rin sa'kin!"

"Is this a big joke?" sagot ko. Kasi kung joke 'to 'wag na lang sana niya i-reveal.

"Then, let's try to reply. Maybe it's true," he said.

"Okay. I'll call you back when I received the reply," paalam ko.

"Me too. I love you!" he said and end the call. Bumalik ako sa kwarto ko at nag-reply sa message. Binigay ko na lang ang facebook account ko upang mas madali kaming magkausap. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakatanggap ako ng friend request.

Annica Santos sent you a friend request.

Agad ko itong ki-non-firm at chi-nat.

Me:
Good day Miss Annica!

Annica Santos:
Hi Miss Emily. No need to be formal we can talk the casual.

Me:
I'm still in shock right now and my boyfriend called me earlier she said you also sent an email to him.

Annica Santos:
Oh yes! DaVinciofwattpad is your boyfriend right?

Me:
Yes po.

Annica Santos:
Great! You can both go to the office of Blue Moon Publishing anytime.

Me:
Thank you, Miss!

Annica Santos:
Welcome!

Agad ko namang tinawagan si Vince.

"Hello, so how did it go?" he asked.

"Puntahan natin office ng Blue Moon Publishing bukas," sagot ko.

"Woah, woah, woah. Easy. Bakit? Sa Makati 'yon."

"Pinapapunta tayo ng editor o baka naman may gagawin ka? Darating na ba yung kabit mo?" tanong ko. Nasabi niya kasi sa akin na baka sinundan siya ng bwisit na 'yon.

"Hindi siya darating. Saka how many times do I have to tell you that she's not my mistress. Sabi ko I need peace habang nag-re-review baka siya pa maging dahilan ng pagbagsak ko sa boards. Mahirap din manuyo habang may pinaghahandaan ka."

"Mabuti alam mo. So bukas 7 am sunduin mo na ko dito sa bahay para by 9 am nasa Manila na tayo."

"Okay. Ano palang ganap mo today?"

"Wala. Mag-u-update lang ako ng story ko tapos siguro maggagala sa malapit na Pandayan book shop dito. Magsho-shopping ako ng mga highlighters, ballpen at kung ano-ano pa."

"Ohhh. Ingat ka. Hindi kita masasamahan now since nagaya ng inuman sila Lean dito sa bahay. Kasama si Nathan."

"Ikaw sabi ng sabi na bad for the health tapos ngayon iinom ka? You are unbelievably incredible. Maayos na kayo ni Nathan?" sagot ko. Parang noong isang linggo lang nakipagsapakan siya kay Nathan ngayon kainuman niya na.

"He explained everything and he's now saying sorry to Zoe pero mukhang hindi na siya babalikan ni Zoe."

"He should learn his lesson. Okay 'yon na huwag na siyang balikan ni Zoe."

"Ikaw talaga ang evil mo," natatawang saad niya.

"Ako pa evil sa lagay na 'to ha?"

"Sige na, babe. Mag-update ka na. Your readers is waiting," he said in the most charming tone he can have. He knows that I can't resist if he does that.

"Huuuu. Landi mo! Porque iinom ka! 'Wag ka masyado magpakalasing ha! Aalis tayo bukas!" naasar kong saad.

"Yes, babe! Thank you!" he said and chuckled.

"Drink responsibly ha! And! No girls! Tatamaan ka sa 'kin kapag nambabae ka! Hindi ka na sisikatan ng araw sinasabi ko sayo, Vincent." paalala ko.

"Yes, babe. Copy!" he answered.

"Good. Sige na, mag-u-update pa ko."

"Good luck, babe! Update  well!"

"I love you!" I said and ended the call.

Umupo na ako sa upuan ko at binuksan ang notebook ko kung saan nakasulat ang outline ng chapters. I started sewing the words. After finishing the chapter I posted it. After updating my readers that I had an update for my story, I shut my laptop down and closed my door. Humiga ako sa kama at tumingin sa ceiling ng kwarto ko. How far will I go as this new door open? One of my dream is to be a published author before I take the boards and now I'm getting close to it. It feels like a dream, it takes me back to the days when I'm writing it. 'Yong mga panahon na hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng sakit na naramdaman ko at ang pagsusulat lang ang meron ako. Natuwa naman ako sa naging ending noong kwento kahit hindi 'yong mga bida ang nagkatuluyan.

Kinabukasan ay maaga kong gumising para sa lakad namin. Tinawagan ko si Vince at laking gulat ko na ala sais na hindi pa rin gising. Dapat hindi ko na siya pinayagan uminom eh. Kaso wala nangyari na. Isang oras pa naman papakainin ko na lang siya ng breakfast dito. Ilang saglit lang ay may narinig akong tunog ng kotse sa labas kaya lumabas ako upang tignan kung sino ito. Nang makita kong si Vince ito ay agad ko itong sinalubong. Nakasuot siya ng black shirt with black checkered flanel and rip jeans. Gulo pa ang buhok nito mula sa pagkakabangon. Napabuntong hininga na lang ako sa nakikita. He looks like a mess bus still he's handsome.

"You look like mess," I said.

"I'm so sorry, Babe. Late na kasi ko nagising," he answered.

"Halata nga. Pumasok ka nga muna. Kumain muna tayo ng breakfast," sagot ko at hinila na siya papasok sa bahay. Dinala ko siya sa kusina kung saan naroon sila Mommy.

"Good morning po, Tita," bati ni Vince.

"Good morning, Vince. Kain na," sagot ni Mommy. Sakto't tuwing naghahain kami ay laging pinasosobrahan ni Mommy ng isa para kung sakaling may dumating na bisita habang kumakain ay hindi na kailangang tumayo pa at kumuha ng plato. Si Vince na ang kumuha ng pagkain niya kaya inayos ko na ang akin. Pagkatapos naming kumain ni Vince ay nagpaalam na kami kay Mommy.

"Ingat kayo mga anak. Sana pagbalik niyo may dala kayong magandang balita," saad ni Mommy.

"Opo, Tita!" masayang sagot ni Vince. Yumakap muna ko kay mommy bago nagpaalam. Pinagbuksan ako ni Vince ng pintuan ng kaniyang kotse, kumaway muna ako kay Mommy bago sumakay. Pumasok na rin si Vince sa kotse.

"Ano, are you ready?" he asked.

"Of course! This is the best day I've ever had!" masayang sagot ko.

"We'll go now then," he answered and start maneuvering the car. Hinatid lang kami ng tingin ni Mommy. Tahimik lang kami habang bumibiyahe.

"Ano nang mangyayari sa atin pagkatapos nito?" tanong ko sa kawalan.

"Edi we got a chance to meet our readers!" he answered.

"I mean, diba ang plano natin we'll fly back to Singapore after boards?"

"Ems, he got a better plans for us. Kaya siguro niya pinaaga ito."

"Tama, he's better than us." I answered. Magtitiwala na lang ako kay Lord kung saan man kami dalhin ng opportunity na 'to. After 2 hour nakarating na kami sa building ng Blue Moon Publishing. Ang ganda at ang laki na halos maihahalintulad mo sa five star hotels. Pumasok na kami ni Vince sa loob. May parang reception area sila dito kaya lumapit kami doon.

"Good morning, Ma'am. We're finding Miss Annica Santos. I'm Vincent David Sawyer by the way," Vince said to the receptionist.

"Wait, Sir. I'll call Miss Nica to confirm," sagot ng babae. Kinuha niya ang telepono at tinawagan si Miss Nica.

"Yes Ma'am, Vincent David Sawyer," she said while glancing at me.

"He's with a girl. I don't know who she is," she answered.

"Who are you, Miss?" she asked me while covering the microphone of the telephone.

"I'm Emily Savvanah Howards," I answered. She said my name to Miss Nica. Pagkatapos ng tawag ay dinala niya kami sa conference room ng company. Doon namin hinintay si Miss Nica.

"Good morning, Mister Sawyer and Miss Howards. I'm Annica Santos," bati niya nang makapasok sa conference room. Halos ka-edad lang namin ang babae. Ang buhok niya ay hanggang balikat lamang at singkit ang kaniyang mga mata. Kamukha siya ng teacher ko noong senior high.

"Good morning too, Miss Nica. Nice to finally meet you," I answered and offered my hand. Agad niya naman itong tinanggap.

"Good morning Miss Nica," Vince greeted politely. Nakipagkamay din siya kay Vince.

"Have a seat," she said and sat on one of the chairs. Umupo na rin kami ni Vince.

"Kayo ang binansagang real couple goals of the wattpad world right?" she asked.

"Yes po," I politely answered.

"Well, hindi ko kayo kinuha dahil doon. Kinuha ko kayo dahil talagang may potential kayo as published authors. Baka akala niyo dahil lang doon. No, it's your writing skills that brought you here. Hindi 'yong kung anong fame ang meron kayo," she proudly said. Napangiti naman ako sa narinig. Gusto ko talaga na makarating ako sa pwesto na ito dahil sa skills ko.

"Natawag talaga ng pansin ko yung covers and titles ng story niyo. I also saw some posts about Still You," she said.

"Thank you po," sagot ko.

"Here's our contract. I prepared one para mabasa niyo na at mapag-isipan. If ever you'll agree on our contract, ma-pu-publish yung story niyo by next next month dahil marami pa kaming pending manuscripts," she said while browsing on her iPad. Napatango na lang ako habang nakikinig. Kung next next month halos kasabayan lang din ng Nursing Licensure Exam namin. Binasa ko ang kontrata nila. Nasa amin pa rin ang copyrights ng libro at pwedeng kami ang mag-edit ng manuscript namin at ibigay na lamang sa proof reader nila.

"How about my story po? Trilogy po 'yon. Kasama po ba sa ma-pu-publish yung two books?" I asked.

"Yes. We'll sell your book in set. Para hindi mahihirapan ang readers mo maghanap ng parts ng libro mo," she answered.

"As well as yours, Sir Vince. We'll sell it as bundle since it needs two parts for a physical book," sabi niya na kay Vince ang paningin. Napatingin naman ako kay Vince na nagbabasa ng kontrata. Binasa ko rin ang kontrata at inintindi ang bawat salitang nakasulat dito.

"'Wag kayo mag-alala hindi niyo naman kailangan pumirma agad. Pwede niyo naman pag-isipan. No pressure," she said.

"Thank you, Ma'am," sagot ko. Hindi naman kasi kami agad makapagdedesisyon sa lagay na 'to. Ilang saglit pa ay nagpaalam na kami.

"It was nice meeting you, Miss Nica," I said.

"You too, Miss Emily. I'm looking forward to the both of you. I hope we meet again future published authors," she said.

"Thank you, Ma'am," Vince said. Tinawag na siya ng sekretarya niya dahil may meeting pa raw ang mga editors. Lumabas na kami ni Vince ng conference room dala ang folder ng mga  kontrata namin.

"Since we're here in Manila might as well go to SM MOA. Let's have a date there," saad niya nang makasakay kami sa kotse.

"Nice! Let's go. Simple celebration lang," I answered.

"Sasabihin na ba natin sa squad or 'wag muna?"

"'Wag muna. Sabihin na lang natin kapag nakapirma na tayo. Para surprise," sagot ko.

Nagsimula na siya magmaneho ng kotse papuntang MOA.

"Naalala ko dati sa MOA kami unang nag-ice skating nila Kuya Mark. Kasama namin si Ate Gab tapos 'yong mga kaibigan niya," I said.

"Mag-ice skating tayo! Na-miss ko rin mag-ice skate dahil huling ice skate ko tayo nila Sandra. That was also my first," he said.

"Sayang kung kasama lang natin sila Sandra 'no?"

"Yeah. Pero hayaan mo na, let's have this time for ourselves," sagot niya. Nang mai-park niya na ang kotse ay inilagay ko muna sa loob ng bag niya na nakalagay sa likod ang kontrata ko. Nilagay niya yung bag sa sahig ng sasakyan upang hindi takaw mata sa mga kawatan. Lumabas na rin ako ng kotse at hinintay siya. Magkahawak-kamay kaming naglakad papasok sa mall. Katulad ng dati maraming tao ang nasa loob nito. May pamilya, may mga magkasintahan at may magkakaibigan. Kumain muna kami ng lunch sa isang restaurant bago nagpagpasiyahang maglibot.

"Where do you want to go next?" he asked.

"Ice skating na tayo! Na-miss ko 'yon!" masiglang sagot ko.

"Sagot ko na ice skating!" masayang sagot niya. Nagpunta na kami sa ticketing area ng ice skating rink. Nang makakuha ng sapatos ay tinulungan ako ni Vince na isuot ang mga ito bago niya isinuot ang kaniya. Pumasok na kami sa rink. Pareho kaming hindi ganoon kasanay pero naalala ko ang turo ni Kuya Mark.

"Ganito Vince, 'pag tinaas mo yung kaliwa nakababa yung kanan and vice versa," saad ko at ginawa ang naalala kong tinuro ni Kuya Mark habang nakahawak sa gilid. Nilingon ko naman siya at nakita kong kinukuhanan niya ako ng video.

"Hoy! Ano na? Bilis!" naiinis kong saad dahil para siyang tuod na nakatayo lang sa gilid. Ginawa niya ang tinuro ko nang mabilisan. Ilang minuto pa ay natutuhan na rin namin pareho ang magbalanse sa rink.

"Let's have a race! Kung sino ang matalo manlilibre ng milktea!" masayang wika ko.

"Game," he chuckled.

"Dito tayo magsimula ah! 1,2,3 go!" I said and started skating. Binilisan ko ngunit sadyang malaki ang biyas niya at nauna pa sa akin. Nang makalapit ako ay inabutan ko siyang tumatawa. He's laughing while holding his phone. I bet he's taking a video of me.

"Hey! Stop laughing! Hindi kita tatakbuhan don't worry," I said and laugh.

"Pikon ka na niyan, Binibini?" he teased.

"Arghhh! You're so annoying, Ginoo! Hindi na kita lilibre ng milktea!" I said.

"It's fine I can afford one!" he laughed.

"I hate you!"

"I love you too, babe!" He put down the phone and placed it to his pocket. Matapos noon ay lumabas na kami at hinubad ang mga sapatos namin. Kinuha na din namin ang mga bag namin sa inarkila naming locker. Sinuot ko na ang sapatos ko at hinintay na matapos magsintas si Vince. Isinauli namin ang mga ginamit naming skating shoes at lumabas na rito. Nag-shopping kami ng mga writing utensils namin. As usual notebooks and highlighters ang binili ko. Tatlong notebook at doseng highlighters ang binili ko. Pinaglalaanan ko talaga ng pera ang mga ganito. Umuwi na rin kami ng Bulacan ni Vince.  Habang nasa biyahe ay naisipan kong buksan ang phone ko. Nagulat ako sa dami ng mga chats. Nangunguna ang gc ng SavvFam at Vincesters. Binuksan ko ito at natawa na lang sa mga nabasa. Sinunod kong binuksan ang gc namin na Seener Squad.

Baby ni Ivan:
Saan kayo? May gala kayo lahat?

Lean:
Nasa training ako. Sands, sino nagset ng nickname mo? Aware ka bang nandito si @Ivan Daniel?

Baby ni Ivan:
Bakit? Ano bang nickname ko?

Lean:
Baby ni Ivan.

Baby ni Ivan:
What the? Arghhh babaguhin ko nga!

Alesandra Divina Harrington changed her nickname to Sandra.

Me:
Nag-date kami ni Vince sa MOA.

Lean:
Sana lahat nagd-date!! Eros, when kaya??

Me:
I bet he's busy with his game. You know he's a streamer wanna be.

Lean:
Alam ko 'yon!! When lang naman eh!

Me:
When you have your debut as p-pop idol? When he already discovered your feelings? It depends on the circumstances.

Lean:
Yeah tama nga.

Me:
Got to go. Pauwi na kami ni Vince.

"Sino 'yang kausap mo at pangiti-ngiti ka pa diyan?" he asked still his eyes is on the road.

"Sila Sandra tapos 'yong gc! Ito naman!" sagot ko.

"Naninigurado lang, Binibini," he answered. Ilang oras ang nakalipas ay nakarating na kami sa bahay namin.

"Pasok ka ba muna?" tanong ko.

"Hindi na. Tatawagan ko pa si Mama para masabing may offer tayo sa Blue Moon," he said.

"Ohhh. Saan pala yung contract ko?" sagot ko. Kinuha niya ang bag at inabot sa akin ang folder na may pangalan ko.

"Thank you for this day, babe," I said.

"Always welcome, Binibini ko," he answered and kiss my forehead. That's how we end our day everytime we have achivements and everytime we part ways. I close my eyes to feel the kiss.

"Ingat sa pag-d-drive," saad ko bago bumaba ng kotse. Kumaway muna ako sa kaniya bago ko isinarado ang pinto. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok sa loob ng bahay. Agad akong sinalubong ng yakap ni Mommy.

"Kamusta ang lakad niyo anak?" tanong niya.

"Okay naman po. Binigyan po kami ng kopya ng kontrata," sagot ko at pinakita sa kaniya ang folder.

"Sige na, magbihis ka na sa itaas para makapagpahinga ka na rin," sagot niya. Kaya napagdesisyonan kong umakyat na lang sa kwarto.

A week had passed and we decided to sign the contracts. Dinala na rin namin ito ni Vince sa opisina noong isang araw.  Ngayon ay napagdesisyonan namin ni Vince na mag-aya ng gala kasama ang mga kaibigan namin para masabi ang magandang balita.

Me:
Guys, kita tayo sa Robinson. May sasabihin kami ni Vince.

Sandra:
Ok.

Lean:
Ok.

Zoe:
Sige.

Ivan:
Don't tell me na may nangyari sa inyo at buntis ka. I swear patitikimin ko ng kamao ang magandang mukha ni Vince.

Vince:
Ang OA nito. Kalalaki mong tao, Ivan!

Ivan:
Naninigurado lang Vincent. Di pa kayo kasal tsaka fresh graduate kayo!

Sandra:
I didn't expect na ganiyan tumatakbo sa utak mo. Yan na ba epekto ng New Zealand sayo?

Zoe:
Ivan bumili ka na ng bagong utak o kaya palinis mo utak mo. Masyadong madumi.

Lean:
I'll just say congratulations if that so.

Me:
Hay, bahala nga kayo diyan guys. Just go to the mall later 3 pm. Ayoko ng Filipino time please.

Lean:
Ok. Maliligo muna ko nang makabiyahe.

Vince:
I'll pick you up later at your house, Ems.  

Me:
Okay.

Binaba ko na ang phone ko at chinarge ito. Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng reveiwer na ginawa ko. May reviewer naman galing review center pero gumagawa pa rin ako ng sarili kong version dahil mas nakakabisado ko ang terms. Mabilis lang lumipas ang oras at 1 pm na. Nagsimula na akong mag-ayos ng mga gamit ko at naligo na. Matapos maligo ay nagbihis na ko ng panlakad na damit. Ilang oras lang ang lumipas ay nasa tapat na ng bahay namin si Vince. Nagpakita lang siya kay Mommy at saka tumuloy na kami sa aming lakad.

Mabilis lang kaming nakarating sa Robinson. Dumiretso kami sa Starbucks dahil doon ang meeting place namin. After thirty minutes ay nakumpleto na kami.

"Don't tell me you're going to get married soon?" Lean said.

"Isa pa 'tong kampon ni Ivan eh. Ka-OA mag-isip!" sabi ni Vince habang tumatawa.

"Tawagan ko muna si Andy. Baka sakaling sumagot," sagot ko at tinawagan si Andy. Gladly she answeres the call.

"Hi, Ems!" she greeted.

"Hi, Ands!" I replied. Hinarap ko sa kanila ang phone.

"So,  here's our announcement since we're all complete," I said. They just looked at me attentively.

"We're gonna be a published author next next month!" I said and smiled widely. They all looked surprised by what I said.

"W-wait, anong publishing house?" Sandra asked.

"Blue Moon Publishing," Vince answered.

"What?! That big and famous publishing house?" she screamed. Nilingon tuloy kami ng mga tao.

"Yes!" I answered.

"Congrats, Ems! This is what you've worked for in the past 10 years. I know your hardwork and efforts will be paid off," Lean said.

"Waiting sa release ng books niyo! Ako una niyong papilahin sa book signing niyo ah!" Zoe replied.

"Basta ako bibili ko ng maraming copy ng books ni Emily dahil baka maubos agad!" saad ni Sandra.

"Wala man lang babati sa 'kin?" natatawang tanong ni Vince.

"Well then, congrats Ems. I'm going back there for your book signing!" Andy exclaimed.

"Thank you so much, guys!" I answered.

"Congrats also, Vince. Please take care of Ems. I got to go guys, I have some errands to do. Congrats to the both of you!" Andy said before ending the call. I just wave my hand to the camera to say good bye. Binalik ko na sa bulsa ko ang phone ko.

"Dahil diyan, ililibre namin kayo ni Lean ng sine!" masayang sabi ni Zoe.

"Sagot ko na 'tong kape natin," saad naman ni Lean. Matapos niyang bayaran ang kape ay dumiretso na kami sa movie house ng mall. Si Sandra ang sumagot ng snacks namin. Buti na lang hindi na horror ang napili nilang panoorin. Mystery-thriller na lang. Mabuti 'yon dahil mystery-thriller ang susunod kong nobela. Siguradong may mapupulot akong ideas sa movie na papanoorin namin. Pagkatapos ng movie ay kumain muna kami sa labas bago umuwi. Hinatid na namin sila sa kani-kanilang mga bahay. Hinatid na rin ako ni Vince sa bahay namin.

Ken's POV
I received a text that Emily will soon to be a published author. I need to move fast so that I can cope up with her. Nagpatuloy ako sa pagt-type ng report para sa company namin. While typing the report my phone rang so I answered it.

"Hello?" said on the other line.

"Hello," I answered.

"Is this Mister Pietro?" he answered.

"Yes," I coldly answered.

"I want to be one of the partners of your company," he said.

"Good choice, Sir. I'll meet you in the office first thing tomorrow. Thank you," I coldly said.

"Thank you, Sir. Have a nice day," he answered and ended the call. Ang bilis ng tibok ng puso ko. I have a potential business partner. May ilan na kaming office staffs and engineers. Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Nasa sala naman sila Kuya Kenneth at Ate Kass na abala sa laptop nila.

"Ken, I received a call. There's another potential business partner," she said.

"Me too," I answered.

"I'm still working on our online adds, Ken. Para maraming engineers and office staffs ang madagdag," Kuya Kenneth said.

"Thank you, Kuya," I answered.

"Keep up the hardwork, Ken. Pinapapasok pala tayong tatlo sa kompanya bukas," Ate Kass said.

"Ma-la-late ako. Kailangan kong kitain ng personal 'yong potential business partner natin," sagot ko.

"Ok. Ako na bahalang gumawa ng alibi bakit ka late," sagot ni Kuya. Umakyat na ako sa kwarto ko matapos namin mag-usap. Kailangan kong gumawa ng presentation dahil baka mamaya magmukha na naman akong tanga do'n dahil wala akong presentation at saluhin na naman ako ni Ana. Siguradong pauulanan na naman ako ng sermon.

I woke up 3 am and started preparing myself. Nagsuot ako ng three piece suit para magmukhang presentable at para kapag humarap ako kina Papa ay maayos din ako. Bumaba na ako dala ang mga gamit ko. Iniwan ko ang mga ito sa sala at dumiretso na ako sa kusina.  Naginit ako ng tubig gamit ang electric kettle namin at nagsalang ng kawali para sa french toast. Matapos kong gawin ang mga ito ay bumalik ako sa sala upang kunin ang laptop ko. Tinuloy ko ang nahinto kong paggawa ng presentation para kina Papa. Pimaganda ko rin ang presentation ko para sa potential business partner ko. Nang mag-alas siete ng umaga ay umalis na ako ng condo. Pagdating ko sa building ng Pietro Builders ay talagang namangha ako. Ngayon lang ako nakatungtong sa building ng sarili kong kompanya. Maayos ang naging renovation nito. Pinagtitinginan ako ng mga empleyado rito. Hinayaan ko lang sila at dumiretso ako sa tapat ng elevator. Huling palapag ang opisina ko naroon din ang conference room. I was welcomed by a chill vibes office. There's a glass wall behind the swivel chair and office table. There's a small couch and a coffee table for the visitors. May mga paintings ko na nakasabit. Hindi ko alam paano nakuha ni Ate ang mga ito. Mostly ang mga abstract paintings ko lang ang nandito. Nakadagdag ito sa vibes ng opisina. Dumiretso ako sa swivel chair at nagsimula nang magtrabaho. Alas otso nang tawagin ako ng isang staff upang sabihin na nandiyan na raw ang potential business partner ko.

Pumunta ako sa conference room. Nakita ko ang isang matanda na nasa mid-forties at mukhang filipino dahil sa kulay ng balat niya.

"Good morning, Sir," I greeted.

"Good morning Mister Pietro. I'm Adrian Sanchez, architect-engineer and owner of Snachez Maxibuild. I thought you're the same age as me but it seems like I'm wrong. You're younger than me," he answered.

"Nice to meet you, Sir. So, shall we start?" I answered.

"Sure," he replied. Nagsimula na akong i-set up ang mga kakailanganin ko at nagsimula nang mag-present. Nang matapos ang presentation ko ay sinalubong niya ako ng malapad na ngiti.

"Impressive for a new comer in the business like you," he complimented.

"Thank you, Mister Sanchez," I answered.

"Tell me, why did you start your own company? I know you're one of the heirs of Lizardo Group of Companies," he asked.

"I want my own path, Sir. I want to decide for myself and be free of the cage they had me in. I also want to get what I loss," I answered.

"I think we have the deal. Where's the papers?" he answered. Inabot ko sa kaniya ang folder na naglalaman ng kontrata.

"Thank you, Sir," I said.

"I'm looking forward on you, Mister Pietro," he answered and left me alone inside the conference room. Nagsimula na akong iligpit ang mga gamit ko nang tumunog ang cellphone ko. Pangalan ni Kuya ang nasa caller id kaya sinagot ko ito.

"Yes, Kuya?" I answered the call.

"Ken, where are you? Ana is waiting for you," he said.

"Okay. I have some errands fixing right now. I'll be there. Hindi siya gold para madaliin ako. May sarili kong buhay," pabalang kong sagot at binaba ang tawag. Lumabas ako ng conference room at dumiretso sa office ko. Fake and cold Ken will be back again. Lumabas na ako ng opisina ko at nagpunta na sa kompanya. Dumiretso ako sa conference room at padabog na umupo sa tabi ni Ate Kass. Si Papa, Ate Kass, Kuya Kenneth at Ana lang ang nandito.

"So, what are we gonna talk about?" I coldly asked.

"We have some reports that you're always late and you're not paying attention on the projects lately," Papa said.

"You barely attend the meetings," Ana said.

"I'm preparing for boards," I answered.

"Some reports said you're going to some sort off building fifteen minutes away from your condo. What are you doing there?" Papa answered. Nakita kong kumuyom ang kamao ni Kuya Kenneth at Ate Kass. Alam kong may nakasunod sa akin kaya sinabihan ko sila Kuya na mananatiling sikreto ang Pietro Builders habang wala pa itong malalaking projects. I want them to be surprised what monster they made can do.

"What's your business about it anyway?" 

"Sumasagot ka na ha! May ipagmamalaki ka ba?" he countered.

"Meron at hinding-hindi ko pakakasalan ang babaeng 'yan para lang lumago 'tong kompanya niyo!" pabalang kong sagot.

"Anak ka lang namin! Dapat sumunod ka sa pinaguutos ko! Sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal kayo ni Ana sa lalong madaling panahon," he answered. Palagi na lang ganito ang kauuwian ng usapan na ito.

"Then I don't want to follow your orders."

"Enough, Ken. Seat down, let's talk about the issue peacefully. Don't open the shitty wedding as topic, Pa," Ate said. Umupo ako at sinamaan ng tingin si Papa. Tumahimik na kami at nagsimula nang magsumbong si Ana ng kung ano-ano. Parang isang linggo lang akong nawala ang dami niya nang sinasabi. Wala naman akong pakialam sa kung anong sabihin niya. Matapos ang mahabang rant ni Ana ay lumabas lang kaming magkakapatid na walang paalam.

"Let's meet at the Starbucks nearby," Ate said and walk to her car. Sumunod na lang kami ni Kuya Kenneth sa kaniya. Pagdating namin sa Starbucks ay umorder lang ako ng cookies at hot coffee nila. Umupo na ako sa table kung nasaan si Ate.

"We need to move fast, Ken," she said.

"We have one business partner now. The owner of Sanchez Maxibuild," I answered.

"No, we have two. I closed the deal with the own Red Builders Incorporated," she answered.

"We need to move fast because Papa already sent someone to follow us," Kuya said.

"Kailangan mai-launch na natin ang Pietro builders para matapos na pare-pareho ang problema natin," Ate said.

"Pero paano si Kyle? Hindi natin pwede hayaang maging aso siya ng kompanya at nila Mama," I answered.

"Hindi, Ken. Hindi nila pwedeng gawin 'yan sa kaniya kasi bago nila 'yon magawa successful na ang Pietro Builders," Kuya said.

"We'll all be free soon. Just wait a little longer and you'll be back to her, Ken," Ate answered. After the talk ay sinundo niya si Kyle sa school at kami ni Kuya Kenneth ay dumiretso ng uwi.




A/N: Another late night update, Bemskies! Sorry for the late updates. Enjoy reading and thank you so much!









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top