CHAPTER 1: WELCOME BACK

Emily's POV
It's been 3 years and we're now finally at our final year in nursing. Puro duties na ang ginagawa namin at hindi paper works ng school. Tinuruan na kami gumamit ng tama ng sphymonameter at maglagay ng IV. Nakakatakot sa una pero nung nasanay ako nawala na yung kaba at panginginig ng kamay. Most of the time natatapat ako na mag-IV sa mga bata. Mahirap hanapin yung ugat nila lalo't bata pa pero madali naman malagyan as long as hindi sila magulo. "Huy babae, nagempake ka na ba?" Tanong ni Vince. Hindi ko alam na nakapasok na pala sa kwarto ko ang mokong na 'to. Iba na ang interior ng kwarto ko. Tinanggal ko na yung ibang posters ng iKON inuwi ko na sa Pilipinas nung huling umuwi ako dahil mas gusto kong magkaroon ng chill vibes ang kwarto ko. "Syempre hindi pa. Palagi kaya kong natatapat sa night shift." Sagot ko. Swerte kasi ng lalaki na 'to laging morning shift. "Cheer up babe!" Sagot niya. Tumayo na ako sa desk ko at binuksan na ang closet ko tsaka nilabas ang maleta ko na wala pang kalaman-laman dahil palagi akong pagod galing shift. "Tulungan na kita." Saad niya. "Oo talaga tulungan mo ko." Sagot ko dahil tinulungan ko din siyang magtupi ng damit niya. Sa isang linggo na kasi flight namin papuntang Pinas. Magbabakasyon lang kami saglit at babalik din dito dahil may isang buwan pa kami para sa school year. I already informed Tita Mina that I will take the OJT from the Philippines kasi masyado na akong matagal dito and nami-miss ko na din sila Mommy. Pero after OJT babalik ako dito para magtrabaho. Habang nagtutupi kami ni Vince ng damit ay sumagi sa isipan ko ang publishing house na nagmessage sa amin. "Babe, what are your plans when we come back?" I asked. "Well, I want to publish my book as soon as we're back." He answered. "Me too but is it possible for a month? Kasi diba editing, printing, tapos may mga book signing pa. Sige nga in one month na bakasyon natin sa Pilipinas magagawa mo yan?" Sagot ko. "I mean when we comeback after grad." Sagot niya. "I wanna watch sunset in Tagaytay again. I really miss it." Sagot ko at nagpatuloy sa pagtutupi. "Tagaytay is our first destination, then." Sagot niya. Natapos kami magimpake ng takipsilim na. Wala na dito sa Singapore si Ate Gab dahil nagpalipat na siya sa Pilipinas. Gusto niya na din makasama si May kaya okay lang. "It's already dinner time. Sino magluluto?" Tanong niya. "Ako na lang. Schedule ko ngayon eh." Sagot ko. Palaging ganon one week for me and one week for him. Lumipat na siya dito sa condo ko dahil wala na daw si Ate Gab para samahan ako. Siya na ngayon ang natutulog sa kwarto ni Ate Gab.

Lumabas na ako ng kwarto ko at nagsimula nang magluto. Nagsasaing pa rin naman ako dahil gusto ko ng kanin ngayon. Minsan kasi pasta yung kinakain namin for dinner. "Babe! Nagsaing ka?" Tanong ni Vince na kalalabas lang ng kwarto. "Oo. Ikaw nga dapat kaso tinulungan mo ko kaya ako na nagsaing." Sagot ko. Nagpatuloy ako sa pagluluto. Ng matapos akong magluto ay naghain na ko. Kasalukuyang nasa sala si Babe. Hinayaan ko na lang siya dun. Pagkatapos kong maghain ay tinawag ko na siya. Siya ang naglagay ng pagkain ko sa plato ko. Nagsimula na kaming kumain ng tumunog ang cellphone niya. "Wait babe, sagutin ko lang 'to." Paalam niya. "Okay." Sagot ko at nagpatuloy na lang sa pagkain. Ilang saglit lang ay bumalik na siya. "Oh bilis naman." Saad ko. "Si Celeste lang yun. Nagpapasama sa mall." Sagot niya. Napairap na lang ako. Sa 3 years naming relasyon ni Vince hindi nawala ang kalandian ng higad na yun. "Sasamahan mo naman?" Malamig kong sagot. "Hindi. No! Why would I? Ano siya girlfriend ko? Isa lang naman girlfriend ko eh." Sagot niya. "Sure ka?" Masungit kong sagot. Lumamig naman ang tingin niya sa akin. "Oo naman." Sagot niya. "That's good to know. Baka kasi may iba pa. Baka operahan ko siya ng walang anesthetics at sa kalsada para siguradong di na siya gigising the next day." Sagot ko. "Chill Babe. Sayo lang ako. Alam mo naman yan." Sagot niya. Umirap lang ako at nagpatuloy na sa pagkain. Pagkatapos namin kumain ay nag-urong na si Vince ako naman ay inayos na ang sala para makapanood kami ng Netflix. Pagkatapos ko ayusin ang sala ay inayos ko naman ang mga snacks na kakainin namin. "Sipag ni Babe ah. Anong nakain natin?" Saad niya. "Parehas lang tayo ng kinain. Sadyang tamad ka lang." Sagot ko. Pagkatapos kong ayusin ang snackd ay bumalik na ako sa sala dala ang mga ito. Finally, makakapagpahinga na ako. Sumunod na sa akin si Vince at naupo na din sa tabi ko. Hindi pa nagiinit ang pang-upo ko sa sofa ay tumunog ang cellphone ko sa gilid. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakita kong si Louise ito. Sinagot ko na lang. "Hello, Louise. Day-off ko ngayon. Bakit?" Saad ko. "Eh Ems pasensya ka na. Yung isang pasyente mo kasi na bata hinahanap ka. Si Chelsea. Na-IV out siya kasi ayaw niya uminom ng gamot kung hindi ikaw magpapainom." Sagot niya. "Oh sige. Magbibihis lang ako tapos magpapahatid ako kay Vince diyan sa hospital." Sagot ko. "Salamat, Ems." Sagot niya at binaba ang tawag. Nagmamadali akong tumayo. "Oh hindi pa tapos yung palabas matutulog ka na?" Saad niya. "Magbibihis ako. Yung isang pasyente ko sa children's ward na-IV out." Sagot ko at mabilis na pumasok sa kwarto ko. Nagpalit ako ng pantalon at shirt ng school para malaman nilang student nurse ako ng hospital. Lumabas na ako at nakita ko si Vince na nakabihis na din. "Tara na." Sagot ko at lumabas na ng condo. Pagdating namin ng hospital ay dumiretso agad ako sa children's ward. Dun ko naabutan si Louise at ang nanay ni Chelsea na umiiyak. Agad akong lumapit kay Chelsea na nagwawala pa din. "No! I want Nurse Emily! No!" Sigaw ng bata. Nakita kong dumudugo ang likod ng palad niya. Pinaalis ko muna ang mga nurse na umaawat sa kanya. "Chelsea, why are you throwing tanrtrums?" Malambing kong tanong sa kanya. Hinawakan ko ang kanang kamay niya na dumudugo. "Look oh. The back of your palm is bleeding. Do you want your mommy to be worried?" Tanong ko. Tiningnan niya naman ako na parang iiyak. "Sorry, Nurse Emily. I wanna go out here." Sagot niya. "You need to be better so that you can go out here. Don't throw tantrums to other nurses huh? They are also good like me. I'll put back your IV huh? So that you can be better so that you can play again." Sagot ko. "Okay, Nurse Emily." Sagot niya. Pumunta ako sa cart ng bulak at sinulid na dala ng isang nurse kanina at kumuha ng karayom na maliit para maibalik ang swero niya. Pagkatapos ko siyang sweruhan muli ay pinainom ko na ang mga gamot na pinaiinom ng mga nurse sa kanya kanina. "Very good. I'll go home now huh?" Saad ko. "Yes Nurse Emily. I'll be good so that I can play and go to school again." Sagot niya. "Don't make your mother worried again." Sagot ko. Ng makatulog siya ay lumabas na ako ng children's ward. Dun ko naabutan sina Louise, Vince at yung mommy ni Chelsea. Agad namang hinawakan ng nanay ni Chelsea ang kamay ko. "Thank you, thank you so much I'm so worried earlier." Saad ng nanay ni Chelsea. "It's nothing Ma'am. She's also my patient so it's ny responsibility to take care of her." Sagot ko. "Thank you. Sorry for the inconvenience." Sagot niya. "It's okay, Ma'am. I got to go now. My boyfriend is waiting for me." Sagot ko. "Yeah you can go. Thank you so much." Sagot niya. Yumuko lang ako para maipakita ang pasasalamat at umalis na. Nakita kong nakikipag-usap si Vince at Louise sa mga nurse nasa desk. Lumapit ako sa kanila. "Oh here she is. Anong agimat meron ka at napakalma mo yung bata?" Tanong ni Ate Lyn isang regular nurse ng hospital. "Wala po. Kinausap ko lang ng masinsinan." Sagot ko. "Talaga lang Ems? Hindi ka niya sinigawan?" Sagot ni Louise. "Hindi." Sagot ko. "Ay bigyan mo nga kami ng agimat na yan." Sagot niya. Napatawa na lang ako. Malaki ang pinagbago ng babae na 'to. Hindi na siya nerd katulad ng unang pagkikita namin. Mas maayos na siya at wala na ang makapal niyang salamin. "We got to go guys. Gabi na eh. Nanunuod kasi kami ng movie earlier. Baka naman pwedeng umalis na kami." Saad ni Vince. "Yeah lumayas na kayo. Wag na din kayo bumalik dito kasi allergic sa mga may jowa ang nurses dito." Sagot ni Louise. "Wow grabe naman sa allergic." Sagot ko. Hinawakan na ni Vince ang kamay ko. "Layas na kami ah. Don't worry babalik pa kami para lalong lumala yung allergy niyo." Sagot ni Vince. "Tara na. Dumaan muna tayo milktea store. Lumabas na din naman tayo eh." Sagot ko. Umalis na kami ng hospital pagkatapos at bumili ng milktea. Pagdating namin sa condo ay nagbihis lang kami at ngabalikk sa panunuod.

One week had passed and we're now preparing for our flight tomorrow. "Are you ready to comeback?" Tanong ni Vince habang chinecheck ang mga maleta namin. "Of course. I really miss the air of the Philippines." Sagot ko. "Na-miss mo din ang traffic?" Sagot niya. "Hindi. Yung mga chismosa sa'min yung namiss ko. Kating-kati na kong sumupalpal ng chismosa sa'min." Sagot ko. Nakarating kasi sa akin ang chismis sa baranggay namin na kaya ko lang daw ginawang boyfriend si Vince para may bangko kaming pamilya. Noong mga unang taon kasi nung naging student nurse ako palagi akong may pinapadalang maliit na balik-bayan box every 6 months. Iba sa mga gamit branded kaya yun branded dahil pinag-ipunan ko talaga para sa pamilya ko. Wala akong hiningi kahit singko kay Vince. Gusto niya nga magbigay pero ako mismo ayoko. May nakita din akong ilang post ng mga insecure na ka-batch ko at pinariringgan ako. Humanda na lang sila sa pagbalik ko. "Calm down when we went home huh? I don't want to fetch you in the baranggay hall just because you pick a fight with those chismosas." Sagot niya. "Baliw. I'm just gonna show them who's the real queen here. Alam mong ayoko sa chismis, babe. Lalo na kapag nadadawit ka o sino man na malapit sa akin." Sagot ko. "It's fine babe. They have nothing to do with us naman." Sagot niya. "No. I won't let that pass. Lahat ng ginawa nila pinalampas ko but not this one." Sagot ko. "Wag ka magpuyat ah. 5 am flight natin. Kailangan 4 am nakarating na tayo ng airport." Sagot niya. "Yeah. Tatawag muna ko kay Mommy." Sagot ko. 3 days na din kasi kaming hindi nakapag-usap ni Mommy. Nasabi ko naman sa kanya na uuwi ako this week pero kailangan ko pa rin siya makausap para malinis ang kwarto ko. "Sige. Iwan na kita diyan. Tatawagan ko din si Mama para magpaalam eh. Tapos magpasundo sa mga pinsan ko. Hindi na kita maihahatid sa bahay niyo. I'll visit you na lang the next day." Sagot niya. "It's fine. Palagi naman tayong magkasama dito eh. It's time na para maghiwalay naman muna tayo ng bahay." Sagot ko. "Tama. Sige na good night na. I love you!" Sagot niya at hinalikan ako sa noo. "I love you too!" Sagot ko. Lumabas na siya ng kwarto ko. Binuksan ko naman ang laptop ko para mag-online sa facebook at makatawag kila Mommy. Habang hinihintay sumagot ay uminom muna ko ng tubig na palaging nakatabi sa aking lamesa. "Hello, anak! Nakapag-impake ka na ba?" Bati niya. "Opo, Mi. Nakapag-impake na ako at naayos ko na yung mga dadalin ko." Sagot ko. "Excited ka ba? Pinalinisan ko n ayung kwarto mo." Sagot niya. "Yes po Mi excited na ako. Hindi ako diyan nakauwi last year eh." Sagot ko. "Kami lang ng Tita Marie mo ang makaksundo sayo kasi ang Kuya Mark mo bantay sarado kay May." Sagot niya. "Okay lang po. Nga pala Mi anong balita sa mga chismosa diyan? Pakisabi namimiss ko na sila." Sagot ko. "Naku anak gusto ka pa atang ipaghanda kasi maya't maya may nagtatanong kung kailan ka uuwi." Sagot niya. "Konting hintay pa malapit nang bumalik ang bangungot nila. Kaya ubusin na nila yung mga chismis nila tungkol sa'kin." Sagot ko. "Wala naman akong panibagong naririnig pero siguradong pagdating mo dito tsaka yan sasabog." Sagot niya. "Mabuti. Ng matikman nila ang patalim ng mga salita ni Emily Savvanah." Sagot ko. This time hindi na ako matatakot magsalita sa kanila kasi alam kong nasa tama ako. "Anak, wag mo na sila pinagpapansin wala ka namang mapapala sa kanila." Sagot niya. "Wala nga po pero sila ang may mapapala sa akin. I want to educate them that spreading rumors is wrong I don't care if they will not listen. You see Mi? One of my novel tackles about rumors that's how I hate rumors. They may not listen to me but at least I did my part as a concern citizen." Sagot ko. Hindi naman siya nakasagot pero nginitian lang ako na parang nakapag-palaki siya ng tama. "I really raised you well." Sagot niya. "Syempre Mi! Ikaw at si nanay pa?" Sagot ko. "Oh sige na. Baka mapuyat ka pa. See you tomorrow." Sagot niya. "I love you Mi." Sagot ko. "I love you too." Sagot niya at binaba ang tawag. Binuksan ko naman ang phone ko at nakita kong may chat si Yohan.

Yohan Howards:
Ingat sa pag-uwi Ate.

Me:
Thank you.

Yohan Howards:
I'll visit you on Singapore soon.

Me:
Looking forward.

Sa tinagal ng panahon ko dito sa Singapore ay isa siya sa dahilan bakit hindi ako na-ho-homesick kasi kung hindi once a month every three months siya bumibisita dito at kinakamusta ako. Ni-log out ko na yung facebook ko at nagpunta na sa cr para gawin ang night routine ko. Paghiga ko sa kama ay agad na akong nakatulog. Ng magising ako ng mga 3 am ay hinanda ko na ang hand carry ko. Doon ko nilagay yung laptop ko. Naligo na lang muna ako at nagbihis. Nagsuot ako ng denim reap jeans at white shirt na pinartneran ng denim jacket at white shoes. Blinower ko muna ang aking buhok at sinuklay tsaka ako lumabas ng kwarto ko. Nagtimpla na lang ako ng kape namin at nilagay ko sa thermal tumbler. Lumabas na si Vince sa kwarto niya. He's also wearing black reap jeans, a white shirt, and a red checkered flannel. Pinartneran niya ito ng puting sapatos din. He looks so handsome every morning and he looks so attractive in his messy hair. Aish! I'm thinking too much. "Good morning, babe." He greeted me using his low bed room voice and he lazily walk towards me hugged me. This is his morning hobby that I can't get enough. "Good morning, babe. How's your sleep?" Sagot ko at niyakap siya pabalik. Bumitaw siya pagkakayakap sa akin. "It's good. I dreamed of you." Sagot niya. "Wow, what's that dream huh?" Sagot ko. "You left me earlier than I expected." Sagot niya. "Huh? No. I won't leave you." Sagot ko. "Promise?" Sagot niya. "Yes." Sagot ko. "We better go to the airport so that we can you know have our breakfast there." Sagot niya. Pumasok muna ako saglit sa kwarto ko para kunin ang dalawa kong maleta at ang backpack ko. Dalawa maleta ko kasi hindi na magkasya yung mga damit ko. Hindi naman kalakihan yung maleta sakto lang para sa iba ko pang damit. Lumabas na ako ng kwarto ko. Tinulungan ako ni Vince na maghila ng mga maleta ko. Dinala ko na ang thermal tumbler namin at lumabas na kami ng condo unit. Hinihintay na namin ngayon ang elevator. "Ilang oras na lang tayong magkakasama maghihiwalay na tayo ng bahay." Saad niya. "Ito naman parang ewan. Excited ka maghiwalay tayo ng bahay." Sagot ko. Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil sa narinig. "Hindi naman ako excited siguro pag-uwi ko dun sa bahay maninibago ko kasi hindi na kita kasama." Sagot niya. "Okay lang yan. Video call na lang tayo." Sagot ko. "Iba pa rin kasi yung nagkikita tayo." Sagot niya. "Edi wow. 'Kala mo mo namang ang tagal nating di magkakasama." Sagot ko. "I'll surely miss you." Sagot niya. Bumukas na ang elevator kaya sumakay na kami dala ang mga maleta namin. "Nandiyan na sa baba yung grab." Saad niya. "Okay. Ako na sa pamasahe." Sagot ko. "Ako na. Okay lang." Sagot niya. "Okay." Sagot ko. Alam ko namang kahit makipagtalo pa ako ay siya pa rin ang mananalo sa huli. Pagdating namin sa ground floor ay dumiretso kami sa grab na binook niya. Pagdating namin sa airport ay tuloy-tuloy lang hanggang immigration dahil hindi naman gaanong matao sa airport. Nagtagal lang kami sa paghigintay ng flight namin. Pagkatapos ng mahigit isang oras kalahati ay in-announce na ang flight number namin. Naubos na nga namin yung kape na dala namin. Nagpabili na lang ako kay Vince ng sandwich pantawid gutom. Matapos i-announce ang flight ay pumunta na kami sa gate. "Another four hours on the airplane. Matulog ka muna Babe." Saad ni Vince. "Yeah. Kanina pa ako inaantok." Sagot ko. Isinandal niya ang aking ulo sa kaniyang balikat. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kaniyang mga daliri hanggang sa makatulog ako.

Ken's POV
It's been 3 years of getting healed and better. I already finish my first webtoon and it gathered almost 100 thousand views. I'm currently working on my second one. It took me 2 years to finish it. "Ken, mag-ready ka. May dinner mamaya sa mansion." Saad ni Ate na nagbukas ng pinto ng kwarto ko. "Tambak trabaho ko hindi ako makakasama. Kailangan ko din magoutline para sa bagong webtoon ko." Malamig kong sagot. Simula nung umayos ang academic stats at nagkaroon ako ng webtoon ay hindi na ako takot tumanggi sa mga dinner nila. "Hinahanap ka dun. Wag ka mag-alala wala dun si Ana." Sagot niya. "Mabuting wala siya dahil mabwibwisit lang ako ng pagmumukha at boses niyang napaka-arte." Sagot ko. Tsaka kapag nandun ang babae na yun siguradong isa lang topic buong dinner at yun ay ang kasal naming dalawa. "You really hate it. If you don't wanna come it's okay. Continue your works." Sagot niya at sinarado ang pinto. She really know me. Ever since I started to build myself she never interfere with it unlike before na kada kilos at galaw ko kailangan alam niya. Well I'm old enough to know what's right and wrong. Sinimulan ko nang trabahuhin yung mga trabaho ng opisina. Pagkatapos ay binasa ko na ang storyline ng aking bagong webtoon. Na-sketch ko na din ang mga characters. It's been years but I noticed the resemblance of my girl character to her. I don't know why but every episode I done for my first webtoon I always thought about her. Up until now she's still in my mind. She's like a drug that I can't get enough even though she's gone. Every girl I draw always resembles her. Her eyes looking at me lovingly, her comfort that gives me even the way the character talks it's always her. I know she's happy with him but I just can't help it. My imaginations lead me to her.

Hindi ko na lang inisip ang mga iyon at nagpunta na sa walk in closet ko para maligo na. Pagkatapos ko maligo ay nagsimula na akong mag-illustrate ng episode 1. 6 pm nung natapos ko ang illustration ng episode 1. Tsaka ko na pu-publish kapag natapos ko na yung trabaho ko sa opisina. Matatapos naman na yung training ko dahil final year ko na sa engineering kaya habang hindi pa nagsisimula yung school year tatapusin ko muna yung webtoon ko. Lumabas na ako ng kwarto ko. Nakita kong naghahanda na si Ate para sa dinner sa mansion. "Sure ka, Ken di ka sasama?" Saad ni Ate. "Unli talaga ni Ate. Hindi nga po." Sagot ko. "Gumagalang ka ata ngayon ah. Anong nakain mo?" Sagot niya. "Wala pa. Magluluto pa lang ako." Sagot ko at dumiretso na sa kusina. Naghanap ako ng pwedeng lutuin. "Kuya Ken, we got to go! We'll be back later." Paalam ni Kyle. "Yeah. Go ahead." Sagot ko. "Okay. Ingat ka dito Kuya tanga ka pa naman." Sagot niya. "Ano?! 'Yang bibig mo Kyle ah." Malamig kong sagot. "Oh chill. Iniinis lang kita." Sagot niya at tumakbo na palabas. Lumalaking pasaway ang bata na yun. Hinayaan ko na lang dahil bearable pa naman. Kpaag hindi na ako mismo babartolina sa kanya. Pagkatapos ko magluto ay kumain na ako. Habang kumakain ay napili kong manuod na lang muna ng romance anime dahil romance yung genre ng webtoon ko. Kailangan ko ng inspiration. Nasa kalagitnaan ako ng panunuod ng tumunog ang phone ko na nakalagay sa tabi ng baso ng tubig. Nakita kong si Liza ang tumatawag. Sinagot ko ito. "Hello." Bati ko. "Arat bar hopping." Sagot niya. "Bar hopping? Baliw baka malaman ni Kuya sinamahan nanaman kita magbar hopping ako mapapasama." Sagot ko. "Ito naman minsan na nga lang ayain tatanggi pa. Ako bahala sa kuya mong hilaw!" Sagot niya. "Ayoko tinatamad ako magwalwal. Ang dami ko pang trabaho. Ikaw diba may shift ka bukas? Bakit nagiinom ka?" Sagot ko. Alam kong may shift siya bukas kasi palagi siyang nagpapahatid sa akin kapag papasok siya. "Day off ko bukas. Hay sige na. Mas mahal mo pa ata yang laptop mo at ipad kesa sa kaibigan mo." Sagot niya. Napabuntong hininga ako at napahilamos ng mukha. Alam ko namang kapag di ko 'to sinamahan baka mapasama pa 'to sa iba. "Oo na. Saan tayo magkikita? May dala ka bang kotse?" Sagot ko. "Nandito na ko sa bar." Sagot niya. "What?! Saang bar?" Sagot ko. Napakabilis naman ng babae na 'to sa inuman. Malilintikan ako kay Kuya kapag nalaman niya 'to. "Blue Diamond Bar." Sagot niya. "Sige-sige. Magbibihis lang ako." Sagot ko. Umakyat ako sa taas at nagpalit ng long sleeves at pantalon. Sinuot ko din ang sneakers ko. Tinawagan ko si Kuya. "Oh bakit?" Sagot niya. "Girlfriend mo nasa inuman nanaman. Susunduin ko na. Diyan ka na lang sa dinner." Sagot ko. "What? That brat. I told her not to drink anymore. Nurse pa man din pero bad influence sa pasyente. Sige na. Sunduin mo na. Umiinit lang ulo ko." Sagot niya. "Geh geh." Sagot ko at binaba ang tawag. Binulsa ko na ang phone ko at kinuha ang ang susi ng kotse ko. Pinatay ko muna ilaw ng kwarto ko at bumaba na.

Pagdating ko sa sinabi niyang bar ay sinalubong ako ng makukulay na ilaw. Nakita ko siya sa vip lounge na may kasamang mga babae at dalawang lalaki. Napabuntong hininga na lang ako at napahilamos ng mukha dahil makikipag-inuman na nga lang may lalaki pa. Paglapit ko sa table ay halata sa mga mata ni Liza na lasing na siya. "Y-you're already here. What's your drink for tonight?" Saad niya. Mahahalata mo sa kanyang boses ang kalasingan. Napakamot na lang ako sa sintido ko. "Liza, let's go. Lalabas na ang ikapitong dragon sa kapatid ko kapag inabutan ka pa niya dito." Sagot ko. "Pakialam niya ba!?" Sagot niya. Kinuha ko ang pulsuhan niya at hinila siya patayo. "She got to go guys. She's already drunk." Paalam ko sa mga kasama niya at hinila na siya palabas ng bar. Paglabas namin ng bar ay inabutan ko si Kuya Kenneth na hinihintay kami. Napakamot na lang siya sa sintido niya ng makita si Liza. "Sige na, Ken. Umuwi ka na. Ako na maghahatid sa kanya sa condo niya." Saad ni Kuya Kenneth. Binuhat na niya si Liza dahil muntik na itong tumumba sa sahig. Tumango na lang ako at dumiretso na sa kotse ko. Umalis na ako sa bar na yun. Pagdating ko ng bahay ay tinuloy ko na yung mga trabaho kong naiwan.

Vince's POV
Today is our second day on the Philippines and today is our monthsary. Siguro nawala sa isip niya na monthsary namin dahil sa excitement niya sa pag-uwi. I'm planning to wake her up this morning. Chinat ko si Tita at tinanong ko kung gising na ba siya. Tita said hindi pa so I think I still have time to set up a bouquet of flowers. Plano ko din na dalin siya sa Tagaytay. Sana makarating kami dun before 5 pm. Dumaan muna ko sa flower shop malapit sa amin para mapagawa ko yung bouquet. Isang bouquet ng roses ang gusto kong ibigay sa kanya. Pagkatapos ko dumaan muna ko sa starbucks para ibili ng kape sila Tita at Ems tsaka ako dumiretso sa kanila.

Pagdating ko sa barangay nila Ems ay sinalubong ako ng mga tingin ng babaeng makakapal ang liptint at lipstick. Walang pinagbago mga dugyot pa din ang pag-uugali ng mga tao. "Uy Vince. Nandito ka ba para sa'kin?" Saad ng isang malanding babae na hindi ko kilala. "I'm sorry, Miss. You're not my type." Sagot ko at dumiretso na kay Tita na inaabangan ako sa gate. Nagmano muna ako sa kanya at inabot ang mga kape na binili ko. "Good morning po, Tita." Bati ko. "Good morning, Vince. Pasok ka. Natutulog pa ang prinsesa mo eh." Sagot niya at pinagbuksan ako ng gate. Pumasok kami sa loob ng bahay. "Uy nandito ka pala Vince. Magandang umaga." Bati ni Tita Marie. "Magandang umaga po." Sagot ko. "Tita Edna pwede po ba ko umakyat sa kwarto ni Emily?" Paalam ko. Kahit naman nasa tamang edad na kami ay nagpapaalam pa din ako dahil pamamahay nila ito at gusto ko mapanatili ang paggalang ko sa pamamahay nila at sa magulang niya. "Oo. Akyat ka lang dun." Sagot niya. Umalis na muna ako sa kusina at umakyat sa kwarto ni Emily.

Nakita ko siyang payapang natutulog at balot na balot ng kumot. Pinagmasdan mo muna ang magandang mukha niya. Hinawi ko ang mga buhok na nakatabing rito. Hanggang kailan ka kaya magiging akin? Hanggang kailan ka kaya mananatili sa mga kamay ko? Kapag dumating yung araw na iiwan mo ako handa na ako. Handa na akong magpaubaya para sa kasiyahan mo. Hinalikan ko ang noo niya. "Good morning, babe." Bulong ko. Unti-unti naman niyang idinilat ang mga mata niya. "Morning." Sagot niya at hinalikan ako sa pisngi. This is her morning habit that I also can't get enough. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Get up. We're getting late on our trip. Diba we talked about this na? We're going to Tagaytay?" Sagot ko. "Happy monthsary." Sagot niya out of nowhere. Napangiti na lang ako ng magsink in sa akin ang sinabi niya. "Happy monthsary, Babe. Tayo na para makakain tayo ng breakfast at ng makaalis na tayo." Sagot ko at hinalikan siya sa noo. Tumango lang siya at tumayo na sa kama. Dumiretso siya sa harap ng salamin niya at nagsuklay ng buhok niya. "Baba na ako ah. Nasa kusina niyo lang ako. Tutulungan ko magprepare si Tita ng breakfast." Sagot ko. "Wag ka muna umalis. I wanna hug you pa." Sagot niya at lumapit sa'kin tsaka yumakap. "Get up na. Hindi tayo aabot sa sunset kapag nagtagal pa tayo dito. Tsaka baka pag-isipan ako ng masama ng mga kapit buhay niyo. Sabihin may ginawa tayo." Sagot ko. "Pakialam ba nila? Ayusin muna nila yung mga anak ng anak nila." Sagot niya. Natawa na lang ako sa sinabi niya. "Sige na. Maligo ka na. Baka hinahanap na ko sa baba." Sagot ko at hinalikan siya sa noo. Tumayo na ako ng kama niya at lumabas na ng kwarto niya. Bumaba na ako at pumunta sa garahe kung saan ang pahingahan nila. Dito din kami minsan nagb-breakfast.

Marami nanamang nakikichismis. Ako na nas-stress para kay Ems eh. "Uy Vince kailan niyo balak magpakasal?" Tanong ng isang ale na kaedad lang ata ni Tita Marie. "Maribel, hindi pa ikakasal si Emily. Hindi pa nga gumagraduate eh." Sagot ni Tita Edna. "Eh ano naman? Nasa tamang edad na sila para magpakasal." Sagot ng babae. "Hindi pa po kami graduate ng nursing." Sagot ko. Minsan wala na sa lugar yung mga tanong ng mga chismosa sa baranggay nila. "Magpapakasal kami basta sagot niyo reception at mga gastusin." Singit ni Ems. "Bakit hindi si Vince? Mayaman naman siya diba?" Sagot ni Aling Maribel. "Hindi naman ho pala kayo yung sasagot ng kasal, bakit niyo po tinatanong?" Sagot ni Emily. "Babe, kumain na lang tayo ng agahan. Hindi talaga tayo aabot sa sunset." Sagot ko at hinila na siya papunta sa kusina nila. Baka kung ano pa masabi niya dun sa babae. May nakahain na sa lamesa nila na pagkain. Kumuha na lang siya ng dalawang plato para sa amin. Tumulong na lang din ako sa paghahain. Pagkatapos maghain ay kumuha siya ng isang kape. "Kay aga-aga sumasagap agad ng chismis." Saad niya. "Eh ano pa bang magagawa mo? Ganun talaga sila." Sagot ko at sumubo na ng pagkain. "Ang akin lang wag pati kasal ko pinapakialaman!" Sagot niya at kumain. "Umagang-umaga stress na stress ang baby ko. Don't stress yourself. It's bad for the health." Sagot ko. Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami ng kusina. "Mi, pupunta pala kaming Tagaytay ngayon." Paalam ni Ems kay Tita na nasa sala at nanunuod ng tv. "Tagaytay? Kadarating niyo lang dalawa galing Singapore ah." Sagot niya. "Monthsary po namin." Sagot ni Ems. Hindi ako nakikisingit sa usapan nila. "Ahhh. Oh sige. Mag-ingat kayo. Ingat sa pagmamaneho, Vince." Sagot niya. "Opo, Tita." Sagot ko at nagmano ulit sa kanya. Humalik naman sa pisngi niya si Ems. "Alis na kami, Mi." Sagot ni Ems. Lumabas na kami ng bahay nila. "May dadaanan pala muna tayo." Saad ko. Dadaanan muna namin yung flowershop para maibigay ko sa kanya yung flowers na binili ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto at inalalayan papasok. Umikot na ako papunta sa driver seat.

Matapos naming kunin ang flowers ay naglong drive na kami papuntang Tagaytay. Hindi namin plano maghiking. Tatambay lang kami sa Starbucks don tapos sa Sky Ranch at Picnic Grove. After 2 hours nagstop over muna kami sa isang gasoline station para kumain ng lunch. "I badly want to visit Picnic Grove and Sky Ranch. Ayoko mahiking." Saad ni Ems habang nasa kalagitnaan ng biyahe. "Who told you we're going to hike?" Sagot ko na nasa daan pa din ang atensyon. Ayoko na siyang dalhin sa Taal Volcano dahil ilang beses na siya nakapunta dun. Dadalhin ko na lang siya sa iba. "Then let's visit Sky Ranch!" Sagot niya. "Yeah we will. I already book a ticket." Sagot ko. "May mind reading ability ka ba?" Sagot niya."Wala, bakit?" Sagot ko. "Eh kasi iniisip ko na yan kahapon pa." Sagot niya. "I memorized you well, babe. We've been together for almost 4 years." Sagot ko. Alam ko na ang likaw ng bituka niya. "Edi wow." Sagot niya. Bumuntong hininga na lang ako sa sagot niya. Alam niya talaga kung paano mang-inis. Pagdating namin sa Starbucks ay bumili muna siya ng paborito niyang drink at dumiretso na kami sa Sky Ranch.

Pagdating namin dun ay pumunta kami sa ticketing booth para ibigay yung papel na prinint ko dahil online ako nagbook ng tickets. Pagkatapos namin sa ticketing booth ay nagsimula na kami maglibot sa theme park. "Babe, picture tayo dun oh!" Saad niya at tinuro ang malaking pangalan na Sky Ranch. Nagpicture kami dun at sa parang viewing deck nila. Makikita mo kasi mula dito ang magandang bulubundukin ng Tagytay at Taal Lake. Pinicturan ko siya dito at nagpicture din kaming dalawa. "Try natin yung ferris wheel." Saad niya. Tumango naman ako kasi syempre gusto ko magenjoy siya. Gabi na ng makabalik kami sa Bulacan. "Good night, babe. Thank you for today. Happy monthsary. I love you!" Paalam niya. "Good night too, babe. Happy monthsary. I love you too." Sagot ko at hinalikan siya sa noo. Bumaba na siya ng kotse at tinanaw ko na lang ang pagpasok niya sa gate nila. Kumaway muna siya bago sinarado ang gate. Kumaway din ako at nagmaneho na paalis. Ng makauwi ako sa bahay ay nagbihis na lang ako ng pangbahay dahil hindi na talaga kaya ng katawan ko maligo pa. Inaantok na ako kaya nang humiga ako sa kama ay agad akong nakatulog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top