CHAPTER 12
Chapter 12: Separate
NAKARATING kami kaagad sa mansyon ni Levi. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya at pagkababa ko ay hinawakan na naman niya ulit ang kamay ko.
Sobrang higpit, parang ayaw niya akong makawala, eh. Na tila may gustong umagaw sa akin at hindi niya ako ibibigay.
“Levi naman...”
“What?” painosenteng tanong niya.
“Iyong kamay ko, kanina mo pa hinahawakan, eh. Bitawan mo na,” ani ko at ininginuso ko pa ang mga kamay niya.
“Let me hold your hand, Tata. Please...” nakikiusap na sambit niya. Bakit ba takot na takot siya na bitawan ang kamay ko?
“Ano ba ang nangyari sa ’yo? Ayos ka lamang ba, ha?” nag-aalalang tanong ko sa kanya at huminto naman siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako.
Hinarap niya ako at mababasa sa mga mata niya ang punong-puno ng emosyon. Bumuka ang bibig niya na wari ba ay may nais siyang sasabihin sa akin pero tumiklop ito agad at matiim na napatingin sa braso ko.
Hinawakan niya ito at umiba na naman ang ekspresyon ng mukha niya. Nagsalubong ang kanyang kilay at umigting ang panga.
“Sinaktan ka ni Mommy? Fvck!” malutong na mura niya at tumaas din ang kanyang boses.
“Levi, please. Huwag ka ngang magmumura,” suway ko sa kanya at umiling naman siya.
“My mother hurt you, Tharisma. Pati ba ang babaeng iyon ay sinaktan ka rin niya?” tanong niya sa akin na may galit sa boses niya. Malamig pero may lambing din iyon, dahil siguro ako ang kausap niya.
“Hindi, n-nadapa lang ako, Levi. W-Walang kinalaman dito ang Mommy mo,” nauutal na sagot ko, bagamat kinakabahan ako sa puwedeng gawin niya sa kanyang ina. Mukhang nagalit siya sa ginawa nito sa akin. Ayoko na ako pa ang magiging dahilan nang pag-aaway nila.
“Tharisma, you don’t need to hide the truth! At huwag mong pagtakpan si Mommy. Dahil alam kong sinaktan ka nila!” sigaw niya. Natahimik naman ako at paulit-ulit kong binalikan ang mga sinabi niya at ang pag-burts out niya ng galit.
The typical Levi Ezeil ay hindi siya ganito. Nakilala ko siya noon at sunod-sunuran sa Mommy niya pero ngayon? Nang dahil lang sa akin ay nilalabanan na niya ang sarili niyang ina at nagawa niya pang magalit dito.
“Levi, calm down. Okay lang ako, hindi naman malaki ang sugat na natamo ko. Maliit lang ito saka nagamot na ako ng kaibigan mo kanina. Huwag ka ng mag-alala pa sa akin. Ayos lang ako, okay? Huwag kang magalit sa Mommy mo.” Hinawakan ko ang braso niya at pinisil-pisil ito para kumalma na siya.
“Sinaktan ka pa rin nila, Tharisma. Alam mo namang ayoko ng masaktan ka pa. Aalagaan kita at ipagtatanggol sa mga taong gustong manakit sa ’yo, kahit pa ang Mommy ko ang kalaban ko ay wala na akong pakialam pa ro’n,” aniya at para namang may humaplos na mainit na kamay sa puso ko.
Ibang-iba ang ugaling ipinapakita sa akin ni Levi ngayon. Tila pinapakita niya sa akin ang halaga ko sa kanya. Hindi ko naman kailangang magduda. Dahil ramdam ko ang sensiridad niya.
“Ayos na, huwag ka ng magalit sa Mommy mo. Magkipagbati ka na lamang at humingi ng sorry sa kanya. Levi, ina mo pa rin siya kaya huwag mo siyang kalabanin, okay?” sabi ko at lumambot na naman ang ekspresyon ng mukha niya.
“Alam mo ang ginawa ko sa ’yo noon. Pinagsisisihan ko na iyon... Tharisma, my friend is right. I’m so dàmn lucky to have you. Kahit na inaway at pinalayas ka pa ng Mommy ko. Naging mabait ka pa rin sa kanya at nagawa mo pa ring pagtakpan siya. Tharisma, puwede bang bawas-bawasan mo na ang pagiging mabait mo? Dahil diyan sa kabaitan mo ay kaya ka inabuso ng ibang tao,” mahabang sambit niya sa akin. Totoo. Totoo naman ang kasabihang iyon.
“Ganito na ako, Levi. Ipinanganak na akong ganito...” sabi ko at tipid na ngumiti. Iyon kasi ang paraan nang pag-aalaga sa akin ng aking ina.
“Alright, sisiguraduhin ko na hindi na kayo magkikita pa ni Mommy.”
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni Levi at tinapik-tapik ko naman ang likuran niya.
“Sobra akong natakot kanina, Tharisma. I thought I lost you again. I was mad when my mother throw you out and I’m not there to save you. I’m so sorry...” aniya at napangiti ako.
“Ayos na, Levi, ayos na...” pagpapakalma ko sa kanya.
Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin at naramdaman ko ang pagdampi ng mainit na labi niya sa buhok ko at sa gilid ng noo ko, sa sentido ko mismo. Kapag ganyan siya ay lumalambot ang puso ko.
“Mama... Papa?” narinig naman namin ang boses ni Deno sa aming likuran.
Mabilis na kumawala ako sa yakap ni Levi at napadaing pa siya dahil gusto pa niya yata akong yakapin.
“Levi, kailangan na rin nilang kumain para makainom na sila ng gamot,” paalala ko sa kanya at pinanliitan ko pa siya ng mga mata.
“Alright,” aniya at naglakad palapit kina Deno at Deni.
“Doon tayo sa kitchen, babies.”
Napangiti ako ulit nang makita ko na ingat na ingat si Levi sa paghawak sa maliliit na kamay ni Deni.
***
Levi is true to his words, pinagsisilbihan niya ang mga anak namin. Siya na ang naglalagay ng kanin sa mga plato nina Deno at Deni. Paminsan-minsan pa ay sinusubuan niya ang mga ito at kahit sa pag-inum nga ng tubig ay ginagawa niya rin.
Ganito pala mag-alaga ang isang Levi Ezeil Leogracia...
***
NAKAUPO na kami ngayon sa malambot na sofa at kasalukuyang pinapainom ni Levi ng gamot ang kambal namin.
“Salamat, Levi,” sambit ko out of nowhere. Awtomatikong napatingin sa akin si Levi.
“Para saan naman iyon?” nagtatakang tanong niya.
“Salamat dahil inaalagaan mo ngayon sina Deno at Deni,” sabi ko at nanubig ang mga mata ko, nagbabadya na agad ang mga luha ko. Dati kasi ay ako lang mag-isa ang gumagawa ng lahat ng mga ito at madalas ay nababahala ako lalo na kung wala na silang gamot.
Lumapit sa akin si Levi at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan niya rin ang kamay ko at tiningnan niya ako sa mga mata.
“That’s my responsibility, Tharisma. Tungkulin iyon ng isang ama ang alagaan ang kanyang mga anak. Tharisma, sapat na ang mahabang panahon na inalagaan mo sila... Naghirap ka rin pero ginawa mo rin ang tungkulin mo bilang mabuting ina sa kanila. Alam kong marami kang pagsubok na kinakaharap noon bago ka nakarating ngayon. That’s why, I admired you a lot. Bihira lang ang mga katulad mo, Tata. Kaya masuwerte ako dahil sa akin ka na punta at ako ang nakakilala sa ’yo...” mahabang saad niya, nasa boses ang kanyang sinseridad.
“Salamat...” nakangiting sabi ko at pinunasan ko ang mga luha ko.
“Anything for my love, you are always welcome...” malambing na sabi naman niya. Napapikit ako ng maramdaman ang pagdampi ng mga labi niya sa noo ko.
Salamat, Levi... Panatag na ang loob ko ngayon.
***
“WHAT? Tharisma, you don’t need to work, anymore. Ako na ang bahala sa inyo. Tungkulin ko iyon,” seryosong sabi niya.
Sinabi ko kasi sa kanya na papasok pa rin ako sa trabaho ko kahit na oo, hindi na problema sa akin ang mga gagastusin namin para sa kambal. Pero napag-isipan ko na iyon at desisyon ko ang magtrabaho pa rin.
“Mas gusto ko ang magtrabaho at ipagpatuloy iyon. At Levi, uuwi ako ulit sa apartment namin,” ani ko. Kaya nabigla na naman siya.
“What?! Tharisma, gusto mong manirahan sa lumang apartment na iyon? And worst nagtrabaho ka pa sa ganoong resto na kung tawagin ay karinderya lang? Tharisma...” Nasa mukha niya ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ko.
“Levi, ako lang naman ang uuwi at titira ng mag-isa roon. Iiwan ko rito sina Deno at alam ko na mas maalalagaan mo sila. Dadalaw naman ako...” saad ko pa.
“Bakit kailangan mo pa iyon? Tharisma, I don’t want this. Hahanapin ka nila at mas maaalagaan natin silang dalawa kung magkasama tayo. Hindi mo na kailangang magtrabaho pa at manirahan doon. Kung kinakailangan ay kukuha ako ng mag-aalaga kina Deno at magpahinga ka na lang dito,” suhestiyon niya na ikinailing ko. Ayokong gawin niya ang mga bagay na iyon.
“Levi, hindi iyon puwede. Sa mga mata ng tao ay hindi mo ako kilala. Isa mo lang akong empleyado sa hotel ninyo at ayokong masira ang reputasyon mo sa kompanya ninyo,” seryosong sambit ko. Kitang-kita ko sa mukha niya ang paglabag sa kagustuhan ko. Shoko madawit ang pangalan niya dahil lang sa akin. “Ayoko ring pag-usapan tayo ng mga tao, Levi. Na baka isipin din nila na pera mo lang ang habol ko. Paano pa kaya kung malalaman nila na may mga anak na tayo? Saka Levi, galit pa rin sa atin ang Mommy mo. Alam kong gagawin niya ang lahat at paghihiwalayin nila tayo. Just protect our children against your Mom, hindi baleng ako na ang masasaktan. Levi, huwag lang sila. Kung masasaktan sila ay para na rin akong nasaktan no’n,” dagdag pang sambit ko.
“Paano naman ako, Tharisma? Kahit nga makita lang ang isang patak ng luha mo ay para na ring sinasaksak ang puso ko...” Napabuntong-hininga siya pagkatapos niyang sabihin iyon.
Sa totoo lang mahirap kausap si Levi parang matigas na yata ang ulo niya ngayon, eh.
“Levi...”
“You’ll stay here, ako na lang ang aalis. Huwag ka nang bumalik pa roon, Tharisma. Hahayaan na rin kitang magtrabaho sa hotel. Basta manatili ka na lamang dito.”
“Levi, bahay mo pa rin ito. Hindi rin puwede, eh,” umiling na saad ko.
“Fvck! Ano ba talaga ang gusto mo, Tharisma?” Napaatras ako nang bigla siyang sumigaw. Natakot kasi ako bigla.
“I-I’m sorry, Tharisma. Dapat hindi kita sinigawan, fine. I respect your decision. Kukuha ako ng apartment para sa inyo saka na tayo tumira sa bahay ko, kung maayos na ang lahat sa atin,” aniya at niyakap na naman niya ako ulit.
“Salamat, Levi.”
“Stop saying that word, Tata. It’s okay... Ako dapat ang magsasabi no’n sa ’yo, eh. Ako ang dapat na magpasalamat sa ’yo,” sabi niya.
“Malaki ang pinagbago mo, Levi.”
“Talaga? May nagbago ba talaga sa akin?”
“Oo. Mas tumigas ang ulo mo,” sabi ko at napahalakhak siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top