CHAPTER 10
"ANONG oras ka uuwi mamaya?" tanong ng lalaki sa kaniya habang naglalakad sila papunta sa opisina niya.
After a month of dating, nasanay na siyang hinahatid nito sa kaniyang opisina.
"Baka gabihin ako ng uwi mamaya, mauna ka nalang sa bahay." saad niya.
Umiling naman si Harrison. "Nah, susunduin kita mamaya, okay?"
"Ikaw bahala," kinikilig na sambit ni Elijah. Para siyang isang teenager na kakapasok lang sa isang bagong relasyon.
Well, Harrison is his first boyfriend.
"Good, because I just have a couple of meetings today, and then I'll be here. I can spend time in your office, right?" he asked.
Elijah knew exactly what Harrison's trying to say. Pag sinabi nitong spend time ay make love ang tinutukoy nito.
"Ano ka ba naman! Hindi pwede. Last na 'yon kahapon." saway niya sa lalaki.
But Harrison will always be Harrison, sobrang tigas ng uli nito.
"That's what you said the other day, yet I still managed to bend you over your desk and fuck you senseless," walang prenong sagot nito. Mabilis niyang tinakpan ang bibig ng kasintahan.
"Manahimik ka nga baka may makarinig!" pinandilatan niya ito.
"What? That's normal for a couple."
"Iwan ko sayo."
As soon as they arrived in his office ay kaagad niyang binugaw ang lalaki. Gusto pa nga nitong tumambay pero alam ni Elijah na may meeting ito eksaktong alas nuebe ng umaga.
Hindi naman puwede na hahayaan nalang niya itong tumambay sa opisina niya. Mas importante parin ang kompanya kaysa sa moment nilang dalawa.
Elijah was organizing his desk when the door opened, revealing his friend. It was Mina.
"Mina! Kailan ka lang nakabalik?" bungad niya kaagad sa kaibigan.
"Kahapon lang at may pasalubong ako sayo." masayang sabi nito at inabot ang isang malaking paper bag.
"Ano 'to?" He began checking what's inside the bag.
"Dahon galing South Korea!" pumapalakpak na sabi nito. "Saka may perfume rin 'yan!"
"Naks naman! Salamat ah."
Nag leave si Mina sa trabaho para pumuntang South Korea. Sa workplace nila ay pinahihintulutan silang mag leave every year ng isang buwan para magbakasyon. Isa sa mga rason bakit ayaw niyang umalis sa bank company na pinagtratrabahuan. Aside sa mataas na sahod ay magaling rin magdala ang kanilang amo ng mga empliyado.
"Pero girl, alam mo bang nakasalubong ko si Harrison?" kinikilig na kwento nito. "Ang cute niya pala sa personal!"
Oo nga pala, hindi alam ng mga katrabaho niya ang relasyon nila ni Harrison. Ang alam lang nila ay ang relasyon ng kaniyang namayapang ina at ama nito.
So they're basically brothers from their perspective.
"Talaga? Saan mo nakita?" maang niyang tanong.
Alam ni Mina kung gaano kalaki ang galit niya kay Harrison dahil ginagawa niya itong sumbungan sa tuwing nag aaway sila ng kinakapatid.
"Sa hallway! Actually palabas na siya. Siguro binisita niya lang si boss. Andito ba ang big boss natin? Pinuntahan ka ba?"
"Wala naman, at hindi ako sure if nandito na si bossing," sagot ni Elijah at ngumiti.
Gusto niyang matawa sa kaibigan. Kung alam niya lang talaga.
"Kwento ka naman sa trip mo," pag-iiba niya sa topic.
He had actually been planning a month-long trip to Europe after his mom's wedding, but it didn't happen because of the accident happened.
Ginamit nalang niya ang vacation leave niya para libangin ang sarili.
Ngayon, na-curious na siya kung ano ang pakiramdam na makapunta sa ibang bansa. Lalo na sa Europe na dream place niya!
"So ayon nga, may nakilala akong gwapong guy doon pero one day lang 'yon dahil umuwi na ako dito." panimula nito.
"Sayang naman, baka 'yon na ang the one mo."
"Sayang nga pero ayoko ng long distance relationship na set up no, nakakapagod kaya 'yon. Saka pumunta lang kami ng pamilya ko sa mga sikat na tourist spot tapos naglibot sa buong lugar."
Naghihinayang parin siya sa pagkakataon na makapunta sa ibang bansa. But he always believed that everything happens for a reason, and maybe he'll be in Europe next year? No one knows.
"So anong plano mo today?"
Sandali itong nag-isip. "Uhhhh wala naman bukod sa tapusin ang mga gagawin ko dito sa trabaho. Anyway, try mo nga ang perfume kung bet mo."
Kinuha niya ang pabangong bigay ni Mina saka binuksan ito. It was a Clive Christian Crab Apple Blossom Perfume Spray.
"Parang mahal 'to ah?" manghang sabi niya.
Ngumiti naman ang kaibigan. "Mas mahal pa nga 'yong regalo mo sa 'kin noon na make-up kit e!"
Oo nga't niregaluhan niya ang kaibigan ng make-up kit noong kaarawan nito.
Nang mabuksan ang nakabalot sa perfume ay umalingasaw ang bango nito. It was a nice scent actually, pero iwan niya rin kung bakit hindi niya gusto ang amoy nito.
O baka sa labas lang ganito ang amoy nito?
Sa walang pag alinlangan, mabilis siyang nag-spray ng pabango sa kaniyang palad. He sprayed two times on it at doon siya halos masuka sa amoy nito.
"Pakilayo nga 'yan, Mina!" utos niya sa kaibigan saka tumakbong banyo.
Mabilis niyang hinugasan ang kamay para mawala ang amoy. Parang may gumalaw sa kaniyang bituka at tuluyan ng nasuka.
"Hoy Elijah, okay ka lang? Hindi ba talaga mabango sayo ang perfume?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.
"Hindi naman, baka hindi ko lang talaga trip," sagot niya at muling sumuka.
"Hoy! Ano bang nangyayari sayo?!" natatarantang tanong nito. "Elijah naman e, baka ako ang dahilan niyan ah."
He shook his head and clean himself. "Hindi mo kasalanan. Hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko."
Hindi alam ni Elijah bakit siya nasusuka sa mga bagay na malakas ang amoy. Nitong mga nakaraang araw rin ay ganoon rin ang nararamdaman niya.
Of course, he didn't tell Harrison about it. Over acting pa naman ang lalaking 'yon.
"Okay ka?" tanong ng kaibigan pagkatapos niyang magmumog.
"Okay na." sagot nalang niya kahit medyo nahihilo parin dahil sa nangyari.
"Tara, upo ka muna sa upuan mo. Nilayo ko na rin ang pabango. Jusko, daig mo pa ang buntis kung magsuka ha?" biro nito na kinatawa nilang dalawa.
Buntis? E impossible naman 'yon. Oo nga't gabi-gabi nilang ginagawa iyon at hindi nag-co-condom si Harrison sa tuwing nagsisiping sila, pero lalaki parin siya. At walang lalaking nabubuntis.
"Dito, upo ka muna sa upuan."
Inalalayan siya ni Mina pabalik sa kaniyang upuan para magpahinga. Pero bago pa siya maupo ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Buti nalang at nakatukod siya sa mesa. Mabilis rin siyang tinulungan ni Mina.
"Ano bang nangyayari sayo, bestie? Baka na-o-overworked ka na ha? Magsabi ka lang," nag-aalalang sabi nito.
"Okay lang a-" bago pa niya matapos ang sasabihin ay biglang umikot ang kaniyang paligid. Ang tanging narinig nalang niya ay ang sigaw ni Mina upang humingi ng saklolo.
__________
IANNNXXX | 2024
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top