Prologue

                                                                Prologue

***

Namamanhid na sa sakit ang mukha ko, kaliwa't kanan na ang natanggap kong sampal mula kay Principal. Nanghihina na rin ako, napaluhod ako sa pagkakadapa dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal sakin. Bawat daing ko parang sinasaniban si Principal ng demonyo. Kinuha niya pa ang latigo mula sa kanyang baywang at hinampas nito sa aking balikat. Napasigaw ako, sobrang hapdi, parang napunit yung balat ko at naglatay agad ang pulang marka. 

Muli ay nakatanggap na naman ako ng latigo, ngayon naman ay sa aking binti. Pilit kong linalabanan ang sakit na dulot niyon. Ayokong magpakahina, aalis ako dito at hahanapin ko si ate Marie. Dinukot nila si ate Marie, alam kong nasa malapit palang sila, hindi ako dapat magpakahina.

Akma na namang ibabagwis sa kin ni Principal ang latigo, pero napatigil ito ng biglang kumalabog ang pinto. Sobrang lakas na halos lumipad na yung siradura. Mula dito sa madilim na kwarto, hindi ko masyadong naaninag kung sino ang sumira ng pinto dahil parang bibigay na ang aking mga mata dulot ng paglalatigo sakin.

Dun na ako nagulat ng biglang bumagsak si Principal, may tumama sa mukha nito. SAPATOS na may mga malalaking bato sa loob. 

Kaya naman agad kong liningon ang pinanggalingan ng bagay na yun. Nanlaki ang aking mga mata, hindi ako nag hahalusinasyon, si ate Marie ang may gawa nun.

 Si ate Marie.. ngunit . . paanong?

Agad akong yinakap ni ate Marie, para itong maiiyak sa sinapit ko, ngunit unti unti naging matigas ang mukha nito, humiwalay ito ng yakap. “Dito ka lang Scott, dahil pahihirapan ko lang ang matandang to.”

Bigla nalang, yung magandang mukha ni ate Marie ay napalitan ng matinding galit. Lumapit ito kay Principal, na noon ay bumabawi na sa pagtayo, parang hilong hilo pa ito. 

May kinuha si ate Marie mula sa bag nito, medyas yun. Inunat niya yun na parang lastiko at pinitik papunta sa ilong ni Principal. Sa sobrang lakas napa atras si Principal at napasandal sa pader. 

Ang bilis ng kilos ni ate Marie, kinuha niya bigla ang latigo ni Principal at ginapos and dalawang kamay nito. Pagkatapos ay bigla niyang linukot yung medyas at isinubo sa bibig ni Principal Marrietta. 

Nanlaki ang mata ko, hindi ko akalain na kaya ni ate Marie ang maging ganun. 

“Para yan sa pagpapakain mo sakin ng dalawangpung hilaw na itlog.” Talagang sinuksok ni ate Marie yung medyas, pagkatapos siniko niya ang lalamunan ni Principal dahilan na napaubo ito at parang umikot ang paningin. 

Yumuko si ate Marie para magkapantay sila ni Principal, hinubad niya ang kanyang kaliwang sandal at biglang isinampal nito ng napakalakas ang sandalyas sa mukha ni Principal. 

“Para yan sa pagsampal sakin ng limang beses at pagkulong sa mabaho mong bartolina! Hindi kita nanay kaya wala kang karapatang pagbuhatan ako ng kamay!” Hindi lang isang sampal kundi limang beses niyang hinampas ito sa mukha. Halos mawalan na ng ulirat si Principal sa ginawa ni ate Marie. Galit na galit ito, parang hindi ko na nga ito kilala.  

Hindi pa nakuntento si ate Marie at pilit niyang pinatayo si Principal kahit hilong hilo na ang huli. “Ito naman para sa tangka mong pagdispatsa sakin, pang aabuso mo sa mga bata, at pag latigo mo kay Scott, magbabayad kang demonyang matanda ka! Sisiguraduhin kong mabubulok ka ng tuluyan sa bilanggoan!” Pinosasan niya ito, na hindi ko alam kung saan galing yun.   

Panghuli ay binigyan ni ate Marie ng malakas na sipa ang sikmura ni Principal. Dahil na rin sa walang tigil na pagsugod na inabot ng matanda, hinimatay ito. Nung bumagsak si Principal sa paanan ni ate Marie hindi ko man lang nakita ang pagsisisi ni ate Marie, ngunit nanatili siyang seryoso. Ibang iba siya sa nakilala ko sa nakaraang araw. 

Dahan dahan itong lumapit sakin. Nakaupo na rin siya para magkapantay kami.

Huminga muna ito ng malalim. “Scott, natatakot ka na ba kay ate?” Alam kong nag aalinlangan ito sakin.

Umiling ako at yinakap siya ng mahigpit. Gusto kong iparating sa kanya na sobrang nagpapasalamat ako na dumating siya at ligtas mula sa pagkakadukot.

Gumanti rin ng yakap si ate Marie sakin. “Scott, sasama ka ba sakin?”

Parang may kung anong mainit na pakiramdam na humaplos sa aking puso. Sobrang saya ko, naiiyak ako sa sinabi ni ate Marie sakin. “Oo ate, sasama ako sayo.”

 

Dose lang ako nung sumama ako sa kanya, disi otso  si ate nung magsama kami.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top