Chapter 1
Hapon iyon ng linggo, nakatambay kami ng mga kaibigan ko sa isang malaking puno ng mangga sa loob nitong bahay ampunan. May minamanmanan kami.
Mula dito sa kinaroroonan namin ay matatanaw ang kabouan ng lugar. Korteng kwadrado ang lupain, hindi kalakihan ngunit hindi naman matatawag na maliit. Napapalibotan ng nagtataasang pader na para ka talagang nakakulong. Para sakin hindi ito isang bahay na malaya kang nakakagalaw, nagagawa ang gusto, at merong mga masasayang tao na mag aaruga sayo.
Dito kung ituring kami ay parang preso, walang oras sa laro, palaging pinapalinis at ginugutom. Malupit ang parusa pag nagkakasala. Walang sinoman sa amin na hindi humihiling na sana makalaya na sila sa lugar na to. Hindi lang kami makatakas dahil nasa gitna ito ng gubat, ni isa samin walang nakaka alam kung paano makakapunta ng bayan.
Nakakagalaw lang kami ng walang inaalala pag lumalabas si Principal Marrieta. At oo, may eskwelahan dito na hanggang elementarya lamang. May isang lumang classroom lang ang nandito, nasa bandang kaliwa ng stage at malapit sa flagpole namin.
May dalawang teacher na sa pagkakaalam ko ay takot kay Principal Marrieta na may malaking utang na loob kaya mas piniling pagtiisan na lamang ang pagmamalupit ni Principal.
“Uy! Si Principal papalabas na, magtago na tayo.”
Walang pagdadalawang isip, agad kaming tumalon at nagtago sa malagong halaman. Malayo ang kinaroroonan namin kaya komportable kaming hindi mapapansin ni Principal ang pagtalon namin. Nagsiksikan pa kaming lima nung pagkatapak namin agad sa lupa, si Darwin ang pinakaleader sa grupo, siya ang unang sumilip sa pamamagitan ng paghawi ng dahon at nakasunod kami sa likod niya.
Mula dito tanaw namin ang malaking bahay ni Principal Marrietta, magara at tantya ko merong apat na kwarto sa ikalawang palapag. Nasa dulo yun na malapit lang din sa hollowblocks na pader. Sa paligid wala kang makikitang halaman dahil pinasemento niya ang daanan ng kanyang sasakyan papuntang gate mismo.
Sa sampung taong pananatili ko dito alam ko na ang pinagkakaabalahan ni Principal, Sa ganitong oras ito palaging lumalabas ng bahay at pumupunta ng bayan at babalik din ito pagkalipas ng tatlong oras bago maghapunan.
Nakangisi si Principal habang may kausap sa cellphone nakalabas ang malabakal nitong ngipin na hindi ko alam kung paano nangyari yun.
Maya maya pa ay pumasok na ito sa luma nitong sasakyan. Sa gate naman nag aabang ang isang mala bangkay na caretaker namin dito. Si Mang Karyo. Parang buto't balat nalang ang katawan nito. Ayaw naming lumapit kailanman kay Mang Karyo dahil naririnig namin sa mga teachers na mukhang may sakit itong TB. Dagdag pa ron na nakakatakot yung mukha ng matanda.
Nung tuluyan ng nakalabas si Principal Marrietta mula sa gate. Agad kaming nagsitayoan at napasuntok sa hangin.
Ayos! Oras na ng laro!!
Masaya kaming nagtatakbuhan sa ground. Lumabas na rin yung ilan, may kanya kanya kaming pwesto kung saan mag aabang din sila sa pag alis ni Principal kaya naman nag grupo grupo ang mga babae at lalaki, naghahabulan lang naman pero kahit ganun hindi na maikukumpara yung saya namin. Sa anim na araw wala kang gagawin kundi maglinis sa bakuran bago pumila para mag almusal, mag aral, maglaba ng damit, at gumawa ng trapo. Oo, nagsusuply si Principal ng mga basahan, pinagtatagpi namin yung mga tela at tinatahi.
Sa bawat araw dapat maka kompleto ka ng dalawampu dahil kung hindi, asahan mong hindi ka makakain ng hapunan tapos dagdag parusa pa galing kay Demonya Marietta. Kinukulong niya sa isang bahagi ng bahay niya na titawag na bartolina.
Sa naririnig ko kapag nakapasok ka dun hindi ka pwedeng kumilos dahil yung paglalagyan mo ay para kang nasa loob ng refregirator ngunit hindi malamig kundi sobrang init at may mga kutsilyo sa loob na pwedeng makasugat sayo.
Ayokong maranasan yun, kaya naman sumusunod talaga ako sa mga utos dito. Wala din naman akong pagpipilian.
Sa kabilang banda, napatigil ako sa paglalaro nung may mahagip akong dalawang taong pumasok sa pang isahang pintoan karugtong nung gate.
Namumukhaan ko yung isa dahil siya ang kusinera dito pero yung kasama nito. Hindi ko alam kong sino, sa tingin ko mas matanda ito sakin ng ilang taon. May bitbit na bag yung dayuhang babae. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nila pero siguradonakong napakaseryoso nung dalawa na pumasok at nagpatuloy lang sa paglakad patungo sa kinaroroan ng kusina na malapit lang din sa kwarto namin ng mga lalaki.
Hindi man lang nito linibot ang paningin sa kapaligiran. Hindi naman ito nakayuko pero parang wala lang itong nakita at nakasunod lang sa kusinera.
Sino kaya yun?
Kaya naman nagpa alam ako sa mga kalaro ko, na iiwan ko muna sila saglit dahil iinom lang ako ng tubig.
Agad kong tinakbo ang kinaroroanan ng kusina, pagpasok ko agad kong linibot ang aking paningin, ngunit walang tao. Maliit lang naman ang kusina karugtong nito ay yung mga long table namin na hapagkainan.
Napakamot ako ng ulo, dahan dahan nalang akong tumungo sa gripo, at tinapat ang bibig ko sa tubig. Pagkatapos kung uminom ay wala pa ring tao, lumilingon lingon ako hanggang sa makalapit ako sa CR.
Nagulat ako nung bigla itong bumukas at tumambad sa paningin ko ang taong inaasahan ko.
Yung nararamdaman ko hindi ko maintindihan, titig na titig ako sa mukha ng babae, maputi siya at mapula pula ang kabuoan ng mukha, ang mata nito ay kulay brown na may matataas na pilikmata, hanggang balikat ang buhok na may pink headband, matangos ang ilong at perpekto ang korte ng labi.
Dun ako napatigil ng matagal sa labi nito parang nag slow motion sa paningin ko ang pagbuka nito sa bibig at nakita ko yung mapuputing ngipin ng babae katulad nung nakikita ko sa libro.
May mga kalaro naman akong babae, pero wala naman akong paki alam kung ano ang hindi maganda o maganda sa mukha nila.
Napabalik ako sa riyalidad, nung narinig kong umusal ito, 'Mapapasubo ako sa batang to, hindi nga yata makakaintindi ng tagalog'
Bumungad pala ito sakin kanina ng 'Hi, gagamit ka ng CR?'
Ngunit hindi agad ako nakasagot dahil para akong nahihigop sa presensya nito kanina.
“Nakakaintindi ako ng tagalog.” Sagot ko bilang pagtatama. Hindi na rin ako magtataka sa first impression niya sakin.
“Ah ganun ba? Mabuti naman, akala ko foreigner ka, yung kulay mo kasi hehe.”
Masigla nitong sabi, napakunot ako ng noo, hindi ko inaasahan na ganito ito makipag usap. Kanina lang nakita ko itong napakaseryoso.
“Scott Williams, at oo hindi ako Pilipino.” Sabi ko.
Napatitig ito sakin na may pagtataka ang mukha, medyo naka awang pa ang pang itaas na labi. Nandun na naman ako sa labi ng babae.
Urg! Ano bang nangyayari sakin,
Nag iinit ang mukha ko. Kaya naman umiwas ako sa titig nito sakin.
Gusto ko lang sabihin sa kanya ang pangalan ko, gusto kong ako ang una niyang makilala dito.
“Ahh, hehe.” Yun lang ang sinagot nito.
“Ikaw sino ka? At bakit ka nandito?”
Tumalikod ito na parang may binulong, pagkatapos ay ngumiti sakin. Hindi ko alam kung pilit lang yun o ano, pero gustong gusto ko talagang pagmasdan ang mga labi nito. Ayan na naman yung pamumula ng mukha ko.
Tumikhim ito. “Sige, dito ka na, gagamit ka ng CR diba?.”
Iba yung naging sagot nito sa tanong ko. Gusto ko talagang malaman kung ano ang ginagawa nito sa ampunan. Hindi ko nalang siya pinilit, gusto ko rin naman na isipin niya na ganun nga ang sitwasyon.
Bago pa ito umalis. Nakangiti itong umusal ng ”Ate Marie.”
Hindi ko na siya liningon at pumasok na ako sa loob. Agad akong napangiti.
Ate Marie
Ate Marie
Marie....
Mas maganda yung walang ATE
Anong meron sa pangalan nito? Hindi naman yun kakaiba, meron pa nga itong kapareha ngunit sa mga oras na ito ay hindi mawawala sa labi ko ang pagngiti.
Masama ito, kelan ba ako naging baliw?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top