Chapter 3
Medyo mahapdi ang sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Bahagya pa akong napapikit nang subukin kong imulat ang aking mga mata. Napangiwi ako nang kumirot ang aking sintido. Shit! Bakit ba ang sama ng pakiramdam ko? Ano ba ang nangyari?
Agad akong nagmulat ng mga mata at nilabanan ang tila hinahalukay kong sikmura. Where am I? Saang lupalop ba ako naroroon? Hindi naman ito ang kuwarto ko, ah. Wait! Bakit parang—oh my goodness! Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko nang makita ko ang aking sariling wala kahit isang saplot. Agad kong hinablot ang kumot at nagmamadaling ipinulupot iyon sa aking katawan.
"My God! Ano bang nangyari sa akin?" Na-raped ba ako or what! Sandali! Hindi naman kaya may kumidnap sa akin at pagkatapos ay kukunin ang lahat ng organs ko? Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko lalo pa't wala man lang akong maalala kung bakit ako nasa loob ng kuwartong ito? Hasna, relax... 'wag kang mag-overthink, okay! Kalma! Huminga ako nang malalim at napahamak sa aking dibdib. Ang puso ko, ang lakas ng kabog.
Pinagala ko ang aking paningin sa paligid. Lalong kumabog ang dibdib ko nang makita ang mga nagkalat na damit sa sahig. Parang dinaanan ng bagyo ang buong kuwarto, maging ang maliit na sofa ay wala rin sa ayos.
Napatingin ako sa dulo ng kuwarto kung saan may maliit na pintuan. Nakatingkayad akong naglakad palapit doon at nang nasa bungad na ako ay dahan-dahan kong itinulak ang pinto. Bahagya itong nakabukas kaya hindi ito nag-iwan ng anumang ingay.
Pigil-hininga akong sumilip sa siwang ng pinto at napatakip na lamang ako sa aking bibig nang matanaw ko ang lalaking nakatalikod. May suot siyang earphones at naghi-headbang pa. Halatang nag-i-enjoy siya sa pinakikinggang musika at kunwaring naggigitara. Mabuti na lang at hindi natatanggal ang puting tuwalyang nakapulupot sa baywang niya.
Gusto ko sana siyang sugurin at bugbugin. Ang walang hiyang ito. Ano kaya ang ginawa niya sa akin at wala ako ni isang saplot? Naikuyom ko ang aking mga kamao at nagtagis ang aking bagang. Humakbang ako palapit pero agad akong napatigil. Ano ang laban ko sa lalaking ito? Matangkad siya at namumutok ang muscles sa katawan. Dahan-dahan akong pumihit pabalik, mas kailangan kong makaalis sa kuwartong ito at makatakas sa lalaking iyon.
Hinanap ko ang aking mga damit pero hindi ko ito makita. Tanging mga t-shirts, pantalon, boxer shorts at brief ang nakakalat sa sahig.
Shit! Ano bang isusuot ko? Alangan namang lumabas ako ritong nakabalot sa kumot. No way—nakakahiya kung sakaling may makakita sa akin. Baka ano pa ang isipin nila. Tiyak na panibagong issue na naman ito kapag nagkataon.
Wala akong nagawa kundi ang damputin ang t-shirt sa sahig. Dinala ko ito sa aking ilong. Mabango. Hindi amoy pawis kahit halatang gamit na. Isinuot ko ito at nagmamadaling tinungo ang pinto.
"Shit!" bulong ko. Naka-lock ang pinto. "Paano ako lalabas dito?"
Nabuhayan ako ng loob nang matanaw ko ang bintana. Hindi na ako nag-aksaya ng oras, patakbo akong lumapit doon at hinawi ang sliding window. Suwerte ko, walang grills at mababa lang naman.
Isa, dalawa, tatlo. Lumingon-lingon ako sa paligid matapos kong lundagin ang bintana. Wala naman sigurong nakakita sa akin. Mahapdi na sa balat ang sikat ng araw kaya nagmamadali akong naglakad papunta sa tinutuluyan kong bahay.
Agad akong pumasok sa loob at napasabunot sa aking buhok. Pabagsak akong umupo sa sofa at nagpakawala ng malalim na buntonghininga. "Hays! Ano ba talaga ang nangyari sa akin?" Naipikit ko ang aking mga mata, pilit na inalala ang mga naganap nang nagdaang gabi. Ang natatandaan ko lang ay lumabas ako na may dalang Imperial Blue. "Oh, shit! I hate whiskey!"
I looked at the mirror while fixing my hair. Pagkatapos ay ibinalot ko sa puting tuwalya ang aking basang buhok. Kahit paano ay nabawasan ang pananakit ng aking ulo matapos kong magbabad sa tub nang halos dalawang oras. Grabe! Last na talaga iyon. Hindi na talaga ako titikim ng alak kahit na kailan. I swear!
Lumabas ako sa banyo at tinungo ang maletang nakabukas na nasa ibabaw ng kama. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naaayos ang aking mga gamit. Ilang minuto akong nag-isip kung ano ang aking isusuot. Sa wakas ay may napili rin ako. Kaagad ko iyong dinampot at akmang isusuot nang biglang may nahagip ang aking tingin.
"What the—" Napasigaw ako nang malakas nang malingunan ko ang lalaking nakasandal sa hamba ng pinto sa aking kuwarto. Nakapamulsa pa siya. "Who the hell are you? Paano kang nakapasok dito!"
Ngumiti lang siya habang nakatitig sa hawak ko. "Nice pair of underwear, ha? Mas okay kung hindi ka na magsusuot n'yan," aniya kasunod ang malutong na tawa.
Biglang nag-init ang aking mukha at nabitiwan ko ang hawak kong underwear. Nalaglag ito sa aking paanan. Saka ko lang namalayang wala pala akong takip na tuwalya, kaya pala ganoon na lang ang titig sa akin ng estrangherong ito.
"Bastos ka! Kung sino ka man, wala kang karapatang pumasok dito! Get out of my room! Now!" Tinanggal ko ang tuwalyang nakapulupot sa aking ulo at nagmamadaling ibinalot iyon sa aking katawan. Lahat ng nahawakan ko ay ibinato ko sa kanya.
"Okay. Okay," aniya at itinaas ang dalawang kamay bago tumalikod. "Fix yourself, miss... I'll wait outside," pahabol niya.
"Just get out of this house! Or else I will call the police and put you in jail!"
Tumawa lang ito.
Mabilis kong isinara ang pinto at habol ang hiningang napasandal dito. Sino ba ang lalaking iyon? Ano'ng kailangan niya sa akin at ano ang karapatan niyang pumasok dito? Sa tagal kong nagpapabalik-balik sa lugar na ito, ngayon lang nangyari ang ganito. I think, kailangan ko itong ipaalam kay Lolo Gaston. Hindi ko palalampasin ang lalaking 'yon!
"Pasok na raw po kayo, ma'am!" sabi ng staff matapos ang ilang minutong pakikipag-usap sa telepono.
"Okay. Thank you," sabi ko sabay ngiti sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot sa akin.
Inayos ko muna ang aking suot na bistida bago pinihit ang doorknob. Ang mabangong amoy ng silid ang agad na sumalubong sa akin nang bumukas ang pinto. "Good afternoon po, Lolo Gas—"
Nawala ang ngiti sa aking mga labi nang matanaw ko ang isang lalaking nakaupo sa gilid ng maliit na lamesa. Nakatagilid siya at may nilalaro-larong ballpen sa kamay. Bigla siyang lumingon sa akin kaya malaya kong nabistahan ang kanyang hitsura. " Oh, hi! Come in, miss...?" aniya na naghihintay sa sagot ko.
Hindi ko siya sinagot, sa halip ay humakbang ako papasok at pinukol siya nang matalim na titig.
"Hey, what's wrong, miss?" aniya at saka ngumiti nang malapad. "Have a seat." Itinuro niya ang upuan sa harap ng lamesa.
Nanatili akong nakatayo at hindi siya pinansin. Ano'ng ginagawa ng lalaking ito rito? "Asan si Lolo Gaston? S'ya ang gusto kong makausap!"
"Actually, wala siya rito ngayon. Mayroon siyang inaasikaso sa kabilang isla. Ako naman ang pansamantalang nagpapatakbo nitong Villa's... so, if there's a problem you can talk to me, miss."
"Ah, okay. Gusto ko sanang I-report ang tungkol sa isang istrangherong basta na lang pumasok sa tinutuluyan ko. Bastos s'ya at kahit na sino pa siya, wala siyang karapatang pumasok kung saan-saan." Tinaasan ko siya ng kilay. Pero ang loko, nginisihan lang ako. Kung patikimin ko kaya ito ng mag-asawang sampal? Kating-kati na ang kamay ko sa antipatikong ito.
"Same. Ano kaya ang tawag doon sa babaeng tinulungan ko na nga, nakuha ka akong pagnakawan...and the funny thing is, tumalon siya sa bintana palabas ng bahay na parang isang palaka," aniya na nakaukit ang mapaglarong ngiti sa mga labi. Ang singkit na mga mata niya ay nang-aasar.
Nag-init ang aking pisngi dahil sa sinabi n'ya. "I-ikaw rin ang lalaking 'yon?" Mabilis akong lumapit sa kanya at saka siya pinaghahampas ng folder na dinampot ko mula sa ibabaw ng lamesa. "How dare you! Ano'ng ginawa mo sa 'kin, ha? Bastos! Manyak! Rapist!"
"Hey, lady, that's a serious accusations. Hindi mo ba alam na maaari kitang kasuhan?" Pilit niyang hinuli ang aking dalawang kamay at ikinulong sa mga palad niya. Sa sobrang higpit ng hawak niya, pakiramdam ko'y nakagapos ang aking makabilaang palapulsuhan.
Sinubukan kong hilahin ang aking mga kamay pero ano ang laban ng lakas ko sa kanya?
"Pwede ba, bitiwan mo nga ako! Ikaw pa ang may ganang sabihin iyan, gayong ikaw itong patong-patong ang kasalanan sa akin!"
"Really? Next time don't drink too much, miss. Nagka-amnesia ka na yata, ano? And to tell you this, hindi ako pumapatol sa babaeng lasing. Dapat ka pa ngang magpasalamat sa akin because I saved your fucking life!" mariing sabi niya sa aking punong tainga. Rinig ko ang nangangalit niyang bagang. Ramdam ko rin ang mainit niyang hininga.
Nahimasmasan ako dahil sa sinabi niya. Ako pa pala ang nagkaroon ng utang na loob sa lalaking ito. Hmpt!Magaling! Kung totoo man iyon, kahit pa sinagip niya ang buhay ko, hindi ko maikakailang kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya.
"Magkano? Just tell me—babayaran kita para lang hindi ako magkaroon ng utang na loob sa 'yo!"
Nakita kong nag-igting ang mga panga niya. Lalong naningkit ang may pagkatsinito niyang mga mata. Kulang na lang ay malusaw ako sa mga titig niya. Napasinghap ako nang marahas niya akong kinabig palapit sa kanya. Kasunod ang paggapang ng isang braso niya sa aking baywang.
"Gusto mong makabayad? Be my wife!"
"W-what? Nababaliw ka na yata!" Itinulak ko siya nang malakas, dahilan para makawala ako sa kanya. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at mabilis kong tinungo ang pinto.
"I'm serious! See you later, baby!" pahabol niya bago ako tuluyang makalabas ng silid. Padabog kong isinara ang pinto dahil sa sobrang inis.
"Okay lang po ba kayo?" tanong ng sekretarya sa labas ng opisina. Napatayo pa ito mula sa upuan.
Hindi ko na siya pinansin, sa halip ay naglakad ako nang matulin paalis sa lugar na iyon. Wala akong pakialam kung may lumabas na namang negatibong komento patungkol sa akin.
Pakiramdam ko'y nakatanaw pa sa akin ang walanghiyang lalaking 'yon. Hindi maalis sa isip ko ang mapang-asar na ngisi niya na lalong nagpapasiklab sa namumuong apoy sa aking dibdib.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top