Chapter 2

Madilim na ang buong paligid nang imulat ko ang aking mga mata. Nakatulog na pala ako sa sofa at hindi man lang nakapagpalit ng damit. Nang idako ko ang aking paningin sa salaming dingding ay natanaw ko mula sa labas ang maaliwalas na kalangitan. Kay gandang pagmasdan ng mga bituin. Kumukuti-kutitap ang mumunting liwanag ng mga ito.

Ilang minuto rin akong nakatanaw sa labas–ninamnam ang katahimikan ng gabi. Sa Maynila, hindi ko man lang ito nagawa.

Biglang kumulo ang aking sikmura kaya napilitan akong bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa. I turned on the lights, then headed towards the kitchen next to the small living room. Pinasadahan ko ng tingin ang laman ng fridge. Punong-puno ito ng mga pagkain: frozen goods, eggs, coke in cans, and even bottled waters.

Ito ang kagandahan, puwede akong magluto anytime na gusto ko. Para lang akong nasa condo dahil kompleto sa gamit. Puwede rin namang magpahatid ng pagkain dahil twenty-four seven namang bukas ang restaurant ng La Villa's kung sakaling tamarin akong maghanda ng makakain.

Kumuha ako ng isang boteng mineral water at binuksan iyon. Sunod-sunod na lagok ang ginawa ko. Pakiramdam ko'y ilang araw akong hindi uminom ng tubig. Wala na itong laman nang ilapag ko sa ibabaw ng lamesa.

Dumako ang aking tingin sa fruit stand na punong-puno ng mga prutas: may mansanas, peras, ubas, saging, at oranges. Ako iyong tao na kahit ganito lang ang pagkain sa lamesa ay mabubuhay na. Two weeks ago ay in-update ko na si Lolo Gaston na darating ako, at ito na nga, nakaayos na ang lahat dito sa bahay.

Dumampot ako ng mansanas at saka iyon ikiniskis sa aking damit. Muli akong nagtungo sa sofa, at pabagsak na umupo roon. Natigil ang akma kong pagkagat nang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko ito pinansin. Wala akong panahon sa mga isturbo sa buhay ko.

Ilang minuto rin ang lumipas at naririndi na ang aking tainga sa walang tigil na pag-iingay ng phone.

Bigla akong dumukwang at saka dinampot ang handbag na nahulog sa sahig. Kunot-noong hinagilap ang cellphone. "Kung sino ka man, manahimik ka!" Pinatay ko iyon, sabay tapon sa kung saan.


Medyo malalim na ang gabi pero buhay na buhay pa rin ang buong paligid. Maganda ang panahon kaya naman napagpasyahan kong lumabas at maglakad-lakad muna sa gilid ng baybayin. May mga nadaanan akong grupo ng magkakaibigang masayang nagbu-bonfire, at mga magkakaparehang tila ayaw nang mapaghiwalay.

Nagpatuloy ako paglalakad bitbit ang isang bote ng Imperial Blue na nakita ko sa mini bar. Hanggang sa narating ko ang bahagi ng dalampasigan na may malalaking bato. Tahimik akong naupo roon at pinangmasdan ang malawak na karagatan. Para bang kumikislap ang tubig dahil sa liwanag ng buwan. Banayad ang tunog ng mga alon sa tuwing humahalik ito sa gilid ng batuhan. Masarap din sa pakiramdam ang malamig na hanging sumasalubong sa akin. Perpekto ang gabing ito.

Sunod-sunod na lagok ang ginawa ko. Napangiwi ako nang gumuhit ang init sa aking lalamunan. Gusto kong ibuga ang natira sa aking bibig pero nais kong magpakalunod sa alak upang makalimot kahit saglit lang.

Isang buntonghininga ang pinakawalan ko. "Bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin mawala sa isip ko?Bakit?"

"Will you marry me, Has?"

"Y-yes! Yes! I will..."

Parang sirang plakang paulit-ulit na bumabalik sa aking alaala ang araw na iyon. Ang araw kung saan sobrang saya ko.

"Promise, hindi kita sasaktan... magiging masaya tayong magkasama habangbuhay. Ikaw at ako... hindi ka magsisisi na pumayag kang magpakasal sa 'kin. I love you so much, honey."

Mariin kong ipikit ang aking mga mata. Sobrang bigat ng dibdib ko. Parang bukal ng tubig ang bilis ng pagragasa ng aking mga luha. Sa loob nang halos walong buwan. Ngayon ko lang hinayaan ang sarili kong umiyak. Tapos na ang mga pagpapanggap. Mahirap maging matigas kung ang kalooban ko naman ay durog na durog na.

"Liar! Isa kang dakilang sinungaling! Manloloko!" Marahas kong pinunas ang luha sa aking pisngi. "Ito ang una at huling pagkakataong iiyakan kita. Hindi ka karapat-dapat sa mga luhang ito! Letse ka!"

Muli kong nilunod ang sarili ko sa alak. Hinayaan ko na lang na tuyuin ng hangin ang mga luha sa aking pisngi.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba akong nakaupo sa ibabaw ng malaking batong iyon. Parang tangang nagpapakalasing sa ilalim ng liwanag ng buwan. Napakurap-kurap ako nang maramdaman kong bumibigat ang aking mga talukap. Nahihilo na rin ako kaya tuluyan akong napahiga at saka pumikit.

"Oh, shit! I like it, baby... ohh... ohh... shit! You're so good!"

"Really?"

"Yeah... shit! I like your tongue. Fuck! Ohh..."

Mabilis akong nagmulat ng aking mga mata. Kahit na medyo malabo ang paningin ko ay agad kong hinanap ang pinanggagalingan ng ingay. Ilang dipa mula sa aking kinaroroonan ay naaninag ko ang dalawang bulto ng taong abala sa makamundong gawain. Ilang beses ko pang kinusot-kusot ang aking mga mata sa pag-aakalang dala lamang ng kalasingan kaya kung ano-ano ang mga nakikita at naririnig ko. Ang akala ko'y nananaginip lang ako pero hindi pala.

Muli akong lumingon sa dalawa. Nakasandig sa malapad na bato ang pigura ng isang lalaki habang sa harapan nito ay nakaluhod ang isang babae na sa tingin ko ay halos hubo't hubad na. Fuck! Hate na hate ko pa naman ang mga porn site pero ngayon ay actual kong napapanood ang dalawang ito.

Kapag minamalas nga naman! Nakaharang pa talaga sila sa daraanan ko. Sinisira ng mga ito ang katahimikan ko. Kahit mabigat ang aking pakiramdam at parang umiikot pa ang aking paningin ay dahan-dahan akong tumayo. Hinagilap ko ang bote at saka naglakad palapit sa kanila. Muntik pa akong madapa pero ang dalawa'y tuloy lang sa ginagawa.

"Shame on you, guys... get a room!"

Agad na napatalon ang babae at hinagilap ang mga damit na nagkalat sa paligid. Pilit niyang tinakpan ang sarili.

"W-what the hell! Fuck shit!" sigaw ng lalaki.

Wala akong panahong lingunin pa sila. Hindi ko pinansin ang malulutong na pagmumura ng lalaki. Wala rin naman akong pakialam sa kanila. Sa halip, nilagok ko ang natitirang laman ng bote hanggang sa maubos iyon.

Napangiti ako. Pakiramdam ko'y napakagaan ng aking katawan habang patuloy sa paglalakad sa gilid ng dalampasigan.

Kalmado pa rin ang mga alon. Para bang inaakit ako ng maligamgam na tubig na humahalik sa aking paanan. Tinanggal ko ang suot kong pulang roba at dahan-dahang lumusong. Kailangan kong lumangoy para mawala ang nararamdaman kong hilo.


                              ****

"Who's that fucking bitch!" inis kong sabi habang tinatanaw ang babaeng sumira sa kaligayahan ko. Ano ba ang ginagawa niya sa lugar na ito at basta na lamang sumusulpot na parang kabute.

"Relax... masyadong mainit ang ulo mo. Wala nang isturbo—ituloy na natin ito," bulong ni Luzy este Lucia, whatever! I can't remember her name. Muli siyang lumuhod sa aking harapan pero mabilis ko siyang itinulak. Napalakas yata dahil napaupo siya sa buhangin.

"Wala na 'ko sa mood kaya magbihis ka na, then leave."

"Hey, gano'n lang 'yon? Basta mo na lang akong paaalisin pagkatapos nang lahat?"

Napangisi ako habang pinagmamasdan siyang nagmamadali sa pagbibihis.

"Look, lady, you're the one who insist. Palay na ang lumapit... sino ba naman ako para tumanggi?"

Isang malutong na sampal ang tumama sa aking pisngi. "How dare you! Wala kang k'wenta! Akala mo kung sino ka, eh napakaliit naman n'yang hotdog mo!"

"W-what? Really?" Isang malutong na tawa ang pinakawalan ko. Kabaliktaran yata iyong sinabi niya.

"Hudas ka! D'yan ka na nga! Bwisit!" sigaw niya at saka nagtatakbo paalis.

I smiled with full of confidence habang tinatanaw ang babaeng 'yon. As if namang affected ako sa sinabi niyang maliit ang manhood ko. Hell no! Halos hindi na magkasya sa bibig niya at kulang na lang ay mabilaukan siya sa laki nito. Well, gan'yan talaga ang mga linyahan ng babae kapag nabibitin.

Teka? Saan na nga ba nagpunta ang pisteng nambulabog sa happy hour ko? Pinukol ko ng tingin ang direksiyon kung saan nagtungo ang babaeng iyon. Hindi nagtagal ay natanaw ko siya sa 'di kalayuan.

Napailing-iling ako. Sa tingin ko'y bibigay na siya dahil sa sobrang kalasingan. Pasuray-suray ang lakad niya at para bang wala sa sarili. Hanggang sa tumapat siya malapit sa poste ng ilaw. Malinaw kong napagmasdan ang ayos niya kahit na nakatalikod siya.

Oh, shit! Ang pigura niya, taas maging ang kulay at ang mahaba niyang buhok na isinasayaw ng hangin. What a coincidence? I'm fucking sure, it's her! Hindi ako maaaring magkamali. Napasabunot ako sa aking buhok habang tinatanaw siyang naghuhubad at saka lumusong sa tubig.

                              ****

Malayo na rin sa dalampasigan ang nararating ko kaya muli akong lumangoy pabalik. Ngunit bigla akong natingilan... ang mga binti ko—naninigas at para bang kinakagat ng mga langgam. Kumikirot. Hindi ko maigalaw. Sinubukan kong abutin ang buhangin sa ilalim pero nabigo ako. Malalim na pala sa parteng iyon. Muli akong lumangoy, sa halip na lumutang ay unti-unti akong lumubog. Pinilit ko pa ring igalaw ang aking mga kamay at nilabanan ang mga alon na siyang tumutulak sa akin pailalim... pero hindi naman nakisama ang aking katawan.

Hindi ko mapigil ang patuloy na pagpasok ng maalat na tubig sa aking bibig at ilong. Para bang may malakas na puwersang humihila sa akin sa ilalim ng tubig. Nawawalan na ako ng lakas at sumabay pa ang paninikip ng aking dibdib. Ito na siguro ang kasagutan, ang katapusan ng aking mga paghihirap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top