Chapter Two
Chapter 2
Nighali's POV
Nakarating ako sa address na ibinigay ng customer na nag-order ng dala dala kong pagkain, pero laking gulat ng mid 50's na lalaking nakatira doon na nagpakilala bilang si 'Mr. Azures' sa pagdating ko.
Hindi naman daw kasi sya nag-order sa site na pinagta-trabahuhan ko. Ni-double check ko pa ang address pero tama naman. Prank ba 'to?
"Can I see the profile of the customer?" tanong ni Mr. Azures matapos kong ipaliwanag sa kanya kung ano ang nangyayari.
Ipinakita ko ang I.D na gusto nyang makita at bahagya itong natawa pagkakita roon.
"Don't worry hijo, hindi ka naloko. Mukhang umuwi na naman sa unit niya ang isa sa mga kapatid nya. Na-prank na naman ako ng batang 'yon." tugon pa nito.
Nahalata yata niya na hindi ko sya maintindihan kung kaya't tumigil ito sa pagtawa at marahang tinapik ang aking kanang balikat.
"Sa fifth floor ka pumunta, room 24. Go on, baka naiinip na ang tunay na nag-order niyan." sabi nito tsaka kumuha ng pera sa wallet nya.
"Magkano ba iyan? Heto, keep the change. Gusto lang magpalibre ng pilyang iyon. Go, tell her that her prank is successful. She got me again." nagpaalam na si Mr. Azures at tumatawang bumalik sa loob ng unit nya.
Teka nga... ano raw?
Napasulyap ako sa dalawang libo na nasa palad ko, ni hindi na ako nakapagsalita kanina dahil sa pagkalito.
Masyadong sobra ang bayad ni Mr. Azures!
Ilang ulit kong pinindot ang doorbell sa unit kaso ay wala ng naging sagot mula sa loob.
Paano ba 'to?
Kaysa bumalik sa kumpanya na bitbit pa rin ang delivery, nag-desisyon akong pumunta sa unit na tinukoy ni Mr. Azures. Fifth floor, room 24.
Ilang buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ko bahagyang pinindot ang doorbell. Nagbukas ang pinto at bumungad sa akin ang pamilyar na mukha.
Acy?
"Sa wakas! Gutom na gutom na ako. Mukhang nagtagumpay na naman ako sa pangloloko kay Mr. Azures ah!" dire-diretsong wika ng babae matapos humalakhak.
"Nagbayad na ako upon order via online transaction. Look." dagdag pa nito at iniharap pa nya sa akin ang confirmation screenshot sa cellphone nya bilang patunay.
I read the transaction result and as she said, the delivery's already paid.
"So, pwede ko na bang makuha 'yan?" tanong naman nito na ang tinutukoy ay ang in-order niyang pagkain.
Ini-abot ko sa kanya ang package at dagli naman nya itong kinuha.
"Thank you! Iyong cash ni Mr. Azures sa iyo na lang, until next time bro!"
"Pero Ma--", at bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay isinara na nito ang pinto.
Halatang gutom nga sya.
Si Acy nga ba iyon? Dito sya sa fifth floor bumaba kanina diba?
To confirm my assumptions, kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang profile ng customer.
"Ayllauv Yu?" malakas na bigkas ko sa pangalan na nakalagay sa tapat ng picture ng babaeng kaharap ko lang kanina.
Seryoso ba 'to?
Kung ganoon nga ang pangalan nya, saan galing yung 'Acy'? Kanina lang ibang iba ang suot nya, quick change ba, gano'n?
Tsaka.. lalo namang iba ang mood nya kumpara noong nakausap ko sya sa elevator.
Ang Acy na nakasama ko kanina ay napakamoderno sa outfit nitong Scarlett off-shoulder crop tops at black leather fitted miniskirt.
Ngayon naman ang suot na nya ay Grayish large size jacket with hood na may print na 'ECO LUVer" at jogging pants na kulay blue.
Daig pa nya ang katatapos lang mag-hiking dahil sa naka-puyod nyang itim at medyo mahabang buhok. Sa katunayan ay magulo pa nga iyon at ang ilan ngang hibla'y nakasabog na sa kaniyang mukha.
Itim? Kung hindi ako nagkakamali, kulot na semi blonde ang buhok nya kanina noong nasa elevator kami!
Whew! Sakit sa ulo!
Habang naglalakad ako palayo sa unit ni Acy, biglang tumunog ang cellphone ko. May facebook notification?
'Jon Ransel mentioned you in his comment.'
Ini-click ko ang link at agad kong binasa ang comment, request lang pala iyon na mag-react ako ng 'love' sa isang picture. Contesg daw kasi.
Maganda ang babaeng nasa larawan at di maipagkakaila ang taglay nitong karisma. Nakasuot ang contestant ng white shirt na nakabuhol ang laylayan hanggang sa beywang na may katernong ripped jeans. Mataas ang heels ng suot nitong glass shoes at ang pose nito ay sadyang nakakaagaw pansin. She's sitting on office table while holding her eyeglasses, her other hand is holding a planner.
Sinong may sabi na boring ang mga office lady? This woman definitely proves them wrong.
Binasa kong muli ang caption sa facebook post at napangiti na lang ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.
'Search for Ms. Nichella Fin&BusCom: Kindly react *love* for Acoyssa Yu (Contestant #14)'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top