04
#YBMS04
"Thank you, Rowie." Ernesto smiled at her.
He knows her? Umirap ako. I also thanked the Rowie girl before she left. Nang nakalayo na sila ay narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Ernesto. Hinawakan niya ang kamay kong may bandage at nagsalita.
"Be careful next time okay? You scared me."
Kumunot ang noo ko at tsaka tumawa. "Ano ka ba? Malayo 'to sa bituka."
"Stop laughing, I'm being serious here. Be careful."
Natahimik ako dahil seryoso nga siya.
"Bago 'yan ah! Kailan ka pa naging seryoso?"
"Huh?"
I glanced at his serious face. He's so cute, sarap kurutin ng cheeks niya.
"Let's go," anyaya niya sa akin.
"Nandito tayo para mag-enjoy dahil sa pagka-broken kaya smile ka na." Hinawakan ko ang parehong pisngi niya para at i-stretch iyon, forcing him to smile.
Ernesto told me that he'll call Tom and Allyson para pumunta rin dito sa beach. After waiting for almost 30 minutes, both of them finally arrived.
Sinalubong ko ng yakap si Allyson habang nakipagbeso naman ako kay Tom. Ernesto did the same. We had a little chat before proceeding to the hotel to eat our lunch.
Iba't ibang klaseng seafood ang nakalatag sa harap namin. Tingin pa lang ay malalasap ka na. Nang sinerve ng waiter ang panghuling dish ay agad na kaming kumain. May sinabi pa si Tom na kung sino ang huling matatapos ay siya ang magbabayad ng bill namin.
Luck was not with me when I was the last to finish my food. I groaned in dissapoinment pero wala na rin akong nagawa kundi magbayad.
"Sulitin na natin 'to dahil bukas ay may pasok na!" sambit ni Tom
We all agreed. Bukas kasi ay Lunes na at simula na para mag-review for finals. Ernesto and Tom are both graduating under Business Marketing kaya next week ay magsisimula na rin silang maging busy. While Allyson and I are both 4th Year in college under Civil Engineering. Isang taon pa para maka-graduate kami.
My family owns a real-estate company so after I graduate and pass the examination, doon na ako magta-trabaho. I guess Allyson will also be there para magkasama kaming dalawa.
Wearing a two piece black bikini. I went to the sea to swim. Habang si Allyson naman ay naka-rushguard. Tinawanan ko lang siya dahil hindi siya pinayagan ni Tom na mag-bikini.
I saw Ally and Tom from a far enjoying the beach. Nagtatampisaw sila sa tubig habang nakayakap sa likod ni Ally si Tom.
Nagulat na lang ako nang may nagwisik sa akin ng tubig mula sa likuran. Pagtingin ko ay si Ernesto lang pala.
"Hoy ano ba!" sigaw ko.
Patuloy pa rin siya sa pagwisik na parang walang naririnig.
"Tumigil ka nga!" Pagsuway ko pero di pa rin siya tumitigil. Tawang-tawa pa ang loko habang pinapanood ang reaksyon ko.
Nang napuno ako ay ginantihan ko siya. Humanda ka ngayon Erning!
Kumpara sa mga wisik niya ay mas malakas iyong sa akin. Tawang-tawa ako nang makita ang gulat sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit hindi siya gumaganti sa akin. Tumigil ako sandali dahil parang ang tahimik niya.
I saw him rubbing his right eye. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang sobrang pula no'n. Hala! Nalagyan ko yata ng buhangin.
"Hey," I bit my lower lip while walking towards him.
"I'm sorry, hala!" I held his cheeks. Naningkit ang mga mata ko habang sinusuring mabuti ang kanang mata niya.
"I'm fine, mawawala rin 'to mamaya."
"No!" I insisted. Eh hindi niya halos maimulat tapos I'm fine?
Dahan dahan ko iyong hinipan para mawala ang sakit na dulot ng mga buhangin. A few moments later, I realized that our faces are just a few inches away from each other.
Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. I can smell mint from his breath. Nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Mas lalo iyong lumakas ng inilapit niya pa ang mukha sa akin. What the fudge! Ano ang ginagawa niya?
My heart raced by his sudden move. Is he gonna kiss me? Oh my God! We've been staring at each other for more than 10 seconds.
Ngumisi siya at pinitik ng malakas ang noo ko. What the hell? Lumayo siya sa akin at tumawa ng malakas.
"Nakakainis ka!" hasik ko at hinabol siya dahil tumatakas ang mokong.
Ang bilis niyang tumakbo. Hinihingal na ako pero hindi ko pa siya naaabutan. Napaupo na lang ako sa sobrang pagod. I saw his chest moved up and down because of tiredness.
Nang sumuko na ay lumapit siya sa akin.
"I'm sorry, masakit ba?"
Umirap ako. "Ano sa tingin mo?" galit kong sabi habang nakahawak sa noo kong pinitik niya.
"Sorry na nga eh, patingin nga." Akmang hahawakan niya kung saan ang masakit ay iniwas ko ang ulo ko.
"Sungit!" he chuckled.
Bumalik kaming dalawa sa cottage para makapagpahinga. Hindi ko pa rin siya pinapansin kahit anong pangungulit niya sa akin. Nang makarating kami doon ay nakita ko si Rowie. Bigla kong naalala iyong kanina.
"Single ba iyang si Rowie? Kung makatingin sa'yo kanina ay parang gustong-gusto ka!" I told him
Kumunot ang noo niya na parang gulat na gulat. "What?"
"Kung single siya, ligawan mo na para makalimutan mo na si Hailey." Hindi ko alam kung bakit ko pa sinabi iyon, eh alam ko namang magdudulot lang iyon ng sakit sa aking dibdib.
Humalakhak siya ng malakas. "Are you saying that I'll court my brother's fiancee?" he said that made my eyes widened "Come on, she's in love with my brother." He laughed again.
"Si Kuya Kaiven?"
Tatlo silang magkakapatid Si Kuya Kaiven ang panganay, sumunod siya at bunso nila si Ashley.
He just nodded. Nag-sorry ako dahil hindi ko naman alam. Ngayon gets ko na kung bakit ganoon ang tingin ni Rowie. Kuya Kai and Ernesto have the same face features. Kulang na lang sabihin na kambal silang dalawa dahil sobrang magkamukha talaga. Naiiba lang sa kanila ang boses at height. Hindi ko naman kasi alam na fiancee niya si Kuya Kai. Nagbikit balikat lang si Erning.
"Uy may tanong ako!" sabi ko ng malakas kay Erning.
"Hmm, what is it?"
Huminga ako ng malalim at 'tsaka nagsalita. "I have this friend, she was in a relationship with someone but later on they broke up. The man cheated on her because he knew that the girl was in love with another man. Sa tingin mo sino iyong mali sa kanila?"
"Iyong babae syempre!" nagulat ako.
"Tsk! Sinasabi mo lang 'yan kasi lalaki ka eh."
"No Sassy, para sa akin ang mali iyong babae. Kasi bakit siya makikipag-relasyon doon sa lalaki kung may iba naman siyang gusto. Diba tanga lang? Edi dapat doon siya makipag-relasyon sa lalaking gusto niya!
Aww! Tanga talaga?
"Eh hindi siya gusto no'ng lalaki!"
"Nag-confess na ba iyong babae?"
Umiling ako.
"Eh paano mo nalaman na hindi pala gusto ng lalaki si babae?"
Tsk! Ang gulo!
"Sassy?" napatingin ako sa likod nang may tumawag sa pangalan ko. Ako lang naman ang Sassy dito yata eh.
Nagtataka kong binalingan ang may-ari ng boses na iyon.
"Paulo?"
"Ako nga!"
Agad niya akong nilapitan at niyakap. "Long time no see! How have you been?" pangangamusta niya.
"I'm fine! Heto maganda pa rin. Eh ikaw?"
"Same. I'm taking up med"
"Wow! Nice course," pagpuri ko sa kanya. Hindi rin kasi biro ang pagdodoctor.
I remember he was our classmate when we we're in Elementary.
Napatingin ako kay Ernesto at nakitang nakakunot ang noo niya habang nanonood sa aming dalawa. Anong problema nito?
"If I'm not mistaken, you're Ernesto right?" Baling niya kay Ernesto.
He just nodded and remained stoic. Seriously? Magka-away ba ang dalawang 'to?
"If you don't mind, can I get your number? Let's catch up." He smiled. Hindi ko rin itatanggi na gwapo rin tong si Paulo.
I gave him my number and he gave me his too. Sabi niya ay itetext niya na lang daw ako. Nang makalayo siya ay hinarap ko si Erning.
His eyes were cold while directly staring at me. He deeply sighed and clenched his jaw. Pagkatapos ay umalis na siya sa harap ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top