02
#YBMS02
I can't believe what just happened! Jerome cheated on me and he didn't even bother chasing me while I was running away? Even if I say I have feelings for Ernesto, I liked Jerome too. Out of all my suitors, he's different. Jerome is a caring, sweet, and gentleman.
That fucking asshole! How dare him!?
"OMG, Sis! Are you okay?" Nag-aalalang tono ni Allyson nang magkita kami sa condo. I told her that I'm okay, that she doesn't need to cancel her date with Tom, but she insisted.
"Ally, I told you I'm okay, I can cope up with this." I was assuring her with my words.
"I think you're not."
I smiled at her, hoping it doesn't look fake. Sinabi ko sa kanyang ituloy na nila ang date niya with Tom at mamaya na lang kami mag-uusap. Pumayag naman siya dahil paulit-ulit ko siyang pinilit. Nang nakaalis na siya ay pumunta ako sa kwarto at doon nahiga.
Niyakap ko ang unan ko. I've been questioning myself kung anong pagkukulang ko? Kung saan ba ako nagkamali? Hindi naman ako nawawalan ng oras sa kanya.
Walang bumuhos na luha ko. I wonder why? Is it because I don't love him enough to waste my tears? Gusto ko nga siya pero hindi mahal. Magka-iba iyon.
Sa dalawang taon naming pagsasama, wala akong mahanap na dahilan para gawin niya iyon. Dahil sa pago-overthink ay nakatulog ako at nang magising ay gabi na pala.
I saw my friends gathered in the living room. Si Tom ay nanonood ng TV. Si Allyson naman ay nag-aayos ng mga alak na pinamili nila habang si Ernesto ay nakaupo at nilalamon ang mga chichiryang nasa harapan. Why are they here again? Ugh!
"Na-kuwento nga ni babe yung nangyari. Iinom mo nalang 'yan!" Inabot sa akin ni Tom ang isang baso ng alak.
Napatingin si Ernesto sa gawi ko at umiling-iling na parang namomroblema. Ano nanaman ang trip ng isang 'to? At mukhang siya pa ang heart broken?
"Sassy! Gusto mo bang upakan ko 'yon? Halika Tom, sugurin na natin!" hirit ni Ernesto. Kinuyom niya pa ang kamao niya at sinuntok suntok ang kabilang palad na parang naghahamon ng away.
Natawa ako. "Huwag na, magsasayang lang kayo ng energy. Tsaka hindi niyo kaya 'yun! Martial Arts graduate yun oy!" pananakot ko sa kanila pero 'di umubra.
"Aba't may gana ka pang ipagtanggol ang mokong na yun! Sinaktan ka na nga eh."
"Tumigil ka nga diyan Erning! Nakamove-on na ako, noh? May iba na akong gusto." I smiled looking at him.
"What did you say? I told you not to call me by that name!" galit pero nakakatawa ang mukha niya. Kumunot ang noo niya nang makita akong natawa. Ang cute. "May gusto ka na agad agad!? Landi mo talaga!" dagdag niya.
"Malandi talaga?" inismiran ko siya. Grabe 'tong lalaking 'to!
"Oh tama na 'yan guys! Baka magpatayan pa kayo diyan ah!" Si Allyson.
"Huwag kang mag-alala Sassy, lilipas din 'yan. Makakahanap ka rin lalaking magpapahalaga sa'yo at 'di ka sasaktan. Oh ito, alak para sa puso mong wasak," sambit ni Tom at nilagyan ng alak ang baso ko.
I laughed at what he said at the last sentence. "Joke ba 'yon?"
"Corny." Umiiling na sabi ni Ernesto.
"Mukha mo corny!" sigaw ni Tom sa mukha ni Ernesto.
That whole night, they made me laugh with their silly jokes. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila 'yon o hindi, but I'm very thankful because of them. My friends are so precious to me that I can't imagine my life without them. With our almost 15 years of friendship, they had been by my side through ups and downs, through happy times. Nasanay na ako na nandyan sila palagi sa tabi ko.
We got wasted that night, not thinking about tomorrow. When I woke up the next day, I can feel my head throbbing because of pain. I took some medicine and saw Ernesto at the kitchen cooking something.
"Ano 'yan?"
"Lugaw," he quickly answered.
Tumango ako at dumiretso sa banyo upang mag-shower at magsipilyo. Nakita kong nagising na rin si Ally nang sumunod siyang maligo after me.
Nang lumabas sa bayo ay hawak hawak niya ang ulo. Iniabot ko sa kanya ang gamot na ininom ko.
"Oh 'yan..."
"Thank you, sis!" I smiled widely and looked at her.
Sabay kaming lumabas ni Ally patungo sa kusina. Saktong-sakto ay luto na iyong lugaw ni Ernesto at sabay-sabay kaming kumain.
"Ano balak mo?" tanong ni Ernesto.
"Saan?" nagtataka kong tanong.
"Kay Jerome," simple niyang sagot.
"Eh 'di magmomove-on. Ano bang gusto niyong gawin ko? Habulin siya? Duh! Magsama sila ng babae niya!"
"Mabuti naman," Ernesto said in a low tone. Tumango-tango siya na parang sumasang-ayon siya sa desisyon ko.
"Hindi ako tanga no!" sigaw ko sa kaniya.
"Oh tama na 'yan! Aga-aga eh, sigawan kayo ng sigawan," saway ni Tom sa aming dalawa.
I decided to give Jerome a chance, not a second chance for us, but a chance for him to explain everything why he did that kind of shit. I want to know why. Dahil kung hindi, baka hindi ako makatulog gabi gabi kakaisip kung ano ang naging pagkukulang ko sa kanya.
I texted him.
Me:
Let's meet up. I'm giving you a chance to explain everything. Don't get the wrong idea that I want you back again. Magsama na kayo ng bago mo! And please don't waste this chance that I'm giving you because I'm tired of your shits!
Tinext ko ang address kung saan kami magkikita. I told him also na sabihin sa babae niya na magkikita kami para wala ng gulo.
Mabuti na lang at sumunod siya sa usapan. Mas nauna pa nga siyang dumating kaysa sa'kin. Bumuntong hininga ako at umupo sa harap niya.
"Buti naman at nakarating ka," sabi ko at hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
"Sassy, I'm so sorry," he said looking down. I tried to catch his eyes with mine but it didn't work.
"Start talking. I'm only giving you 10 minutes." I put my hands on the table.
"Ayokong masaktan kita sa mga sasabihin ko, Sassy."
"That's bullshit! You aready hurt me!"
"I'm sorry."
Inirapan ko siya. "Just get straight to the point! I don't want to hear your sorry!" I shouted at him not thinking about the other people here at the restaurant.
He sighed deeply and started talking.
"When I met Lia, I..... fell out of love."
"Why? Anong meron siya na wala ko?" my voice broke trying to stop my tears from falling.
"She..." he paused
"She what?"
"Lia satisfies me, which you cannot do." Hearing his words breaks my heart into pieces.
Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Iyon? Iyon ang dahilan niya? Putangina naman oh! Is sex really important to relationships nowadays? Kasalanan ko ba na hindi ko naibigay ang pangangailangan niya kaya humanap siya ng iba?
"Is that all? Iyon na 'yon?" hindi makapaniwala kong tanong.
He sighed then shook his head "Akala ko ba hindi ko napapansin?" may galit sa boses niya. Maging ako ay nagulat sa biglaan niyang pagpapalit ng ekspresyon.
"What?"
"You like him."
I was stunned.
"You like Ernesto for fucking sake!" hinampas niya ang lamesa dahilan para ang lahat ng mga tao sa loob ng café ay napatingin sa amin.
"W-what are...you talking...about?" hindi maipaliwanag kong tanong.
"Halata sa'yo Sassy eh! Kung paano ka tumingin sa kanya, ibang-iba kumpara sa akin." pulang-pula ang mukha niya. Controlling his anger.
Siya pa talaga ang may ganang magalit. Eh siya nga ang nangaliwa dito.
"At least I stayed loyal to you for fucking 2 years! Bakit nilalandi ko ba siya? Hindi naman ah!?" I tried to remain calm.
Hindi siya nakasagot.
"I also liked you Jerome..." mahina kong sabi at dahil iyon ang totoo. "I really did," pagpapatuloy ko.
But not as I liked Ernesto. Yes, I enjoyed your company, but I really can't love you with all my heart because it already belongs to someone else.
Naniniwala ako na kapag pinilit mong mahalin ang isang tao na hindi mo naman gusto, ay sa huli, ikaw lang rin ang talunan. At least I tried diba? Pero hindi naging successful. Dapat kung magmamahal ka ay iyong siguradong magiging masaya ka. Iyong magiging worth it lahat ng sakit.
Nang hindi ko na kinaya ay tumayo ako at umalis sa harapan niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top