Chapter 2

Thyssen's Pov

Nandito ako ngayon, naka higa sa duyan malapit sa garden namin, sinadya kong ipalagay ito dito sa kadahilanang gustong gusto kong pagmasdan ang mga bulaklak

nakatulala lang ako habang nakatingin sa kawalan nang

biglang sumingit ang nakangiting mukha ni tyler sa isip ko ....

Ano kaya ang ginagawa nang mokong na yun ngayon ? Kumain na kaya sya? Sana naman di yun gumagawa nang kalokohan .... Parang baliw akong nakangiti habang naaalala yung pagbuhat nya sa akin kahapon ... Bigla nalang uminit yung mukha ko ... Tingin ko nag blu'blush yata ako ...

Teka... sandali, bakit iniisip ko sya ? At teka nga, bakit nag blu'blush ako? What's the meaning of this? ...

Hay nako, tatawagan ko na nga lang sya! Bumangon ako tapos dinial ko yung number nya

Bestfriend Tyler..

out coming call

Hello..

Wala akong mapaglagyan ng tuwa ng sinagot nya ang tawag ko,

"Tyler," ...

"Oh, Thy? Bat napatawag ka?

"Wala lang, gusto lang ko lang marinig boses mo.." ngiti ngiting sabi ko ..

"Babe, sino ba yan? Istorbo naman.. Akin na cellphone mo..!"

May narinig akong boses ng babae ... Si crisel ba yun?

*toot* *toot*

Naputol ang ang tawag....

Nag hintay ako ng 3 oras baka mag call back si Tyler sa akin pero bigo ako..

"Your so unfair Tyler ... Kinukulit mo lang ako pag may kailangan ka.. !" Inis na sabi ko sa sarili ....

Parang sasabog na yata ang dib dib ko sa galit!

Napasinghap nalang ako sabay hagod sa aking mukha ...

"Parang wala yata sa good mood itong baby ko ..."

Lumingon ako sa nagsalita , si papa lang pala .....

"Anong wala sa good mood, Sobrang happy ko yata ...

Tingnan mo oh..."

Tinuro ko yung mukha ko habang pilit na ngumiti ....

"Sus kunwari kapa, akala mo di ko alam? Kilalang kilala na kita thyssen..."

Ginulo ni papa ang buhok ko.....

" Papa-.- naman oh, Kakasuklay ko palang guguluhin mo na naman ..."

Inalis ko yung kamay nya sa ulo ko....

"Hahaha , loko ka talaga thyssen ..." Umupo sa tabi ko si papa...

"Alam mo thyssen, kung ano man yang pinoproblema mo alam kong kaya mo yang lagpasan , Tough ka ehh " ngumiti sya sa akin ...

Napangiwi ako sa sinabi nya

Tapos tumawa ng sobrang lakas ..

"Ano to pa? Drama? Hahahaha Hugot pa more ! .... "

Binatukan ako ni papa...

"Aray..." reklamo ko sa kanya...

"Hay nako, Luka luka ka talaga thyssen ! "

Napatawa na lang si papa..

"Sige pa , pasok na ako sa loob"

Tumayo ako at naglakad papasok sa bahay nang biglang may naalala ako

Oo nga pala, diba saturday ngayon? Supposedly ililibre ako ngayon ni tyler ... >_< !

Sinulyapan ko ang wrist watch ko ... 5:30 PM na pala .. sigurado akong di na yun dadating rito para sunduin ako

Bigla akong nakaramdam nang lungkot at pagka dismaya

Hayy nako ba't iniisip ko sya?

Tssk' tssk... Luka'lukang utak to ... Erase ' Erase ' Erase .. Wala akong paki alam sa mokong na yun .. Kung di nya ako kailangan, pwes di ko rin sya kailangan ...

Eksaktong napadaan ako sa malaking salamin namin dun sa sala . Humarap ako sa salamin at kinausap ko yung sarili ko ...!

"Alam mo thyssen, wala syang paki alam sayo? Di ka nya kailangan, hindi ka importante sa kanya! Mas importante pa yung gf nya kaysa sayo na bestfriend nya ... In short taga gawa ka lang ng project nya.. Naaalala mo ba yung sinabi nya kahapon? 'Promise, ililibre kita...!' Eh ano ka ngayon? nga'nga! Antay ng antay sa mga taong di marunong tumupad sa pangako ..."

"Oh come on, ... I'm not a promise breaker !"

Nagulat ako nang may nagsalita ... Lumingon ako sa may pinto at halos lumuwa ang eyeballs ko nang makita kung sino ang nandun ..nakita ang nakangising mukha ni tyler ....

WHATTTTTT? O///O ...

OMGGGG!

kanina pa ba sya nandyan...!

NAKAKAHIYA to ....TT_TT

Lord, Sana lamunin na ako ng lupa nang buhay .....

Please please lord ...

Ipinikit ko yung mata ko Then I open my arms ... Hinihintay ko na lamunin na ako ng lupa...

Ilang sigundo akong ganun nang magsalita ulit si Tyler ...

"Tsss .... ano yang ginagawa mo thyssen? Tigilan mo nga yan! Siguro di kapa kumain noh? ..."

Binuksan ko yung mga mata ko ...

"Teka, ba't nandirito pa ako?"

Kinamot ko yung ulo ko ... Kayamot naman to ohh..! >< ....kainis ,

"Bakit? Ano bang ine expect mo? Mapunta ka sa paris? Haha confirmed , Di ka pa nga kumain.."

Tiningnan ko sya ulit ta's nag smirk sya sa akin ...

"Eh , ano ka ngayon? Nganga? Antay ng antay sa mga taong di marunong tumupad sa pangako!"

Panggagaya nya sa akin ...

Na embarass ako dun .. >///< ... yumuko nalang ako ta's nag salita...

"Nag pra praktis ako para sa roleplay namin .." sagot ko sa kanya

" Talaga? Di nga .... kanina pa ako nandito ... palusot ka pa ... Alam kong para sakin yun"

Matalim ko syang tiningnan..

Nag smirk ulit sya sa akin ...

" anong para sayo? Ano ka sinuswerte ? . "

nag snob ako sa kanya ...

"Www.palusot.com" lumapit sya sakin ng unti unti suot ang malademonyo nyang ngiti ..

*Tugdog* *tugdog* *tugdog*

Sh*t .. bumibilis yata ang tibok ng puso ko ... parang nag aaccelerate ... Ano ba tong nararamdaman ko? Parang may something ... parang ...

Parang .... parang kinikilig yata ako!

Teka, Kinikilig? Ako? Kay tyler? Wait a minute kapeng mainit ...

Ano ba tong iniisip ko? Hay nako nagugutom lang yata ako or baka tulog lang yung diwa ko! Gisingin ko nga ...

Tinapik tapik ko yung mukha ko Nang biglang ....

*Bogsh ... *

Binato ako ni tyler ng maliit na unan mula sa sofa ... Grrrr... Tyler ..

"Hahaha... Sabi nang para sakin yung sinasabi mo ehh .. hahahaha " Tinawanan nya ako...

"Feeler !" Binato ko sa kanya pabalik yung unan.... tumama ito sa ulo nya!

"Hahaha headshot ..." sabi ko ulit ...

"Ganun, hah... Humanda ka.. tingnan ko kung makaganti ka pa.."

Lumapit sya sakin ... ng paunti unti... *insert evil smile ...*

Oh'oh .. mukhang alam ko na ang ini isip nya ...

Humalakhak ako tapos tumakbo habang si tyler naman ay humahabol sa akin,

Para kaming mga bata ... na nag pa ikot ikot sa sala ...

Nang mahuli ako ni tyler ay kiniliti nya ako hanggang sa napagod siya at sa wakas ay tinigilan nya ako ....

"Hahaha... nakakamiss yung mga ginagawa natin dati!"

Hiningal na sabi ni tyler ..

"Oo, nga noh " pagsang ayon ko naman ...

"Nga pala, maligo kana .. may pupuntahan tayo! Hihintayin kita rito.... " ani ni tyler ...

"Huh? San naman ?" Tanong ko sa kanya ...

" Diba, Promise ko sayo ililibre kita..? Tinutupad ko lang ...

Kaya sige na ... bilisan mo"

Tinulak nya ako papuntang second floor ...

Di na ako nag react at nagsimula na akong umakyat sa hagdan ng may biglang sinabi si tyler ...

"By the way, sorry sa tawag mo kanina...! Si Crisel ang nag end call nun..."

Nilingon ko sya at nginitian...

"Ayus lang ..."

Tumalikod ulit ako at nagpatuloy sa pag akyat sa hagdan ...

Sobrang saya ko ngayon ... Lahat nang inis na naramdaman ko Kay tyler ay nawala at naglaho na parang bula .... I know It'll be a very long night tonight ... At alam ko na mag eenjoy ako ako mamaya kasama sya...


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: