Epilogue
"Are you okay ?"
"Oh -yes, of course!"
"Totoo?"
"Oo nga. Ba't ba ang kulit mo, ha ?" Naiinis na sya. Kanina pa kasi tanong ng tanong ang kaibigan nya kung okay lang sya e halata ngang hindi diba? Kaya nga gusto mona nyang magpakalayo-layo sa lugar kung saan mas lalong nagpapasakit sa kanyang damdamin ang mga nabubuong alaala sa kanila ni Jason noon.
Hindi naman niya naiwasan ang mga nagbabadyang mga luha hanggang sa tuluyan na itong nalaglag.
"Hindi ka nga okay." Napahalukipkip na lamang ang kaibigan at nagbuntong-hininga.
"Bakit ba kasi hindi mo na lamang itanim sa limot si Jason, ha ? Walang magandang maidudulot yun sayo. Atsaka iniwan kana nya at nagpakasal sa iba. Tanggapin mo na lamang ang mapait na katotohanan na hindi ka nya talaga minahal ng lubusan!
Nasaktan naman sya ng todo sa narinig nya iyon mula sa kanyang kaibigan. Prangka kasi ito pero totoo naman.
"Hindi ganoon kadali ang makalimot , May! " at bumuhos ang napakarami nyang luha hanggang sa humagulhol na ito. Ilang araw naba syang umiiyak? Araw at gabi walang humpay na iyak. Ni hindi na nya nagawa ng maayos ang kanyang trabaho hanggang sa magresign na lamang siya. Lagi na lamang syang nagmomokmok sa kwarto, hindi lumalabas ng bahay. Ngunit sa kabila niyon ay hindi sya iniwan ng kanyang kaibigan. Palagi syang dinadalaw nito at minsan ay dinadalhan ng pagkain hanggang sa isang araw ay napagpasyahan nyang umalis ng bansa upang doon sa ibang lugar ay bakasakaling mas madali nyang makalimutan ang mapait at masakit nyang nakaraan.
"Bukas na ang flight mo bess, sure naba iyan ?"
"O-oo. Wala ng atrasan ito May. Tsaka, salamat ha?" Halata namang hindi masaya ang tono nito.
"Naku ano kaba ? Magkaibigan tayo okay ? Wala yunn..." maypahagikhik pa ito .
"Mahal ko kayo kahit na anong mangyari. "
Hindi naman maitindihan ng kaibigan ang mas malalim na kahulugan nito. Ang alam nya ay kinakabahan sya sa mga sandaling iyon. Dali-dali itong lumabas ng bahay at pinaharurot ang sasakyan papunta sa bahay ni Ana. Hindi na sya kumatok at dumiretso agad ito sa kwarto ng hindi sya makita sa kusina at sala. Laking gulat nya ng mabungaran nya si Ana sa loob ng kwarto nito.
Oh my God!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top