CHAPTER 36

JAMEA's POV

flashback continues...

"Sorry," patuloy niyang sabi habang nakaluhod pa rin kami sa sahig.

"Wala kang kasalanan, Era," mahina kong sabi makalipas ang ilang minuto na humina na ang pag-iyak niya. Naramdaman kong napatigil siya pero nagpatuloy pa rin ako sa paghaplos sa kaniya habang sinasabi ang mga salitang ni sa hinagap ay masasabi ko sa kaniya.

"But he's my dad, Ysabel—"

I cutted her off, "Your Dad, Era. Not you. Kaya anuman ang ginawa niya ay labas ka na doon." huminto ako sa pagsalita at tumingala sa dalawang taong mariing nakatitig sa amin ni Era.

Mama Selena sighed and kneeled down to hug me and Era. She was trying to hide her sobs but it seems like the emotions she was trying hard to stop didn't take it any more.

"I'm so sorry, anak. Pasensya na kung hindi ko nagawang alamin ang bagay na ito noon. Si Era at ikaw lamang ang laman ng isip ko noon pati ang batang dinadala mo. Hindi ko alam, wala akong alam..." umiiyak na sambit ni Mama Selena habang yakap yakap kami.

Hindi na ako sumagot sa kaniya, pero isang mahigpit na yakap sabay ng pagiyak ko ang naging tugon ko na lamang sa kaniya.

We stayed hugging and crying for a minutes before we faced each other. I smile at them. And wipe out their tears.

"Sana mapatawad mo kami, anak." muling sambit ni Mama Selena habang nakatitig sa akin. Ngumiti ako at marahang hinaplos ang pisngi niya.

"Hindi pa kayo humihingi ng kapatawaran, Mama, alam ko sa puso kong napatawad ko na po kayo... Itinuring ko na po kayo ni Era na pamilya ko. Ikaw, bilang aking Ina, at si Era bilang aking kapatid."

Muling napahikbi si Era sa narinig kaya nag-aalala na kaming dalawa ni Mama Selena na bumaling sa kaniya.  Kaya naman ay tumayo na kami mula sa pagkakaluhod at inalalayan siya patayo.

Mabilis naman kaming inalalayan ni Niel dahil parang kakapusin na ng hangin si Era sa kakaiyak.

"Era, anak, oh God. Please calm down, you're pregnant honey. Philip will really freak out 'pag may nangyaring masama sa' yo." nag-aalalang sabi ni Mama Selena sa huli.

"I...I am so sorry, Ysabel. I'm really, really sorry," huling nasabi niya bago nawalan ng malay.

Agad kaming dinaluhan ni Niel at maingat na dinala si Era sa sasakyan. Sumenyas na lamang akong susunod kami ni Mama Selena kaya mabilis na niyang pinaharurot ang sasakyan.

I sighed and look at Mama Selena. I smile at her when our gazes met.

"Mahal na mahal kita anak, kahit hindi ka nagmula sa akin. Mahal na mahal kita. Kayo ni Yoana. Kayo ang naging dahilan ko para lumaban." emosyonal niyang sabi bago ako hinila para sa isang mahigpit na yakap. Gumanti ako ng yakap sa kaniya at napangiti.

Sa iba marahil matatagalan silang lumimot sa sakit na dinanas na pagsubok sa buhay.

Marahil ang iba mawawalan na ng pag-asa, o di kaya ay panahong harapin ang bagay na nagbigay ng sakit sa kanila.

Pero may iba namang mas nais nilang salubungin o kaharapin iyon para mabigyan ng kapayapaan ang kanilang isip at puso.

Gaya ko. I want peace. At hindi ko makakamit ang bagay na iyon kung hindi ko haharapin ang lahat ng bagay na nagdulot ng bagabag sa akin.

I sigh as I wiped off the tears. Masakit. Sobrang sakit ng mga pangyayari, pero sino ba ako para hindi magpatawad?

A soft knock from outside pull me back to my senses.

"Ysabel? Hinahanap ka na ng anak natin," halos mamanhid ako sa narinig mula kay Niel.

Ang pagaasam na marinig ang mga katagang iyon ay nagdulot ng kakaibang damdamin sa puso ko.

Anak natin. Napapikit ako nang maramdaman ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

Ang tagal kong inasam na marinig mula sa'yo ang mga salitang iyan, Niel.

"Mama? Gising ka na po ba? Nagluto po ang Nanay Mira ng champorado. Paborito natin iyon kaya tara na po." rinig kong sabi na ni Yoana matapos kong hindi sagutin si Niel kanina.

Napangiti akong bumangon na sa kama at inayos ang sarili bago sila pinagbuksan ng pinto. Bumulaga sa akin ang naka pajama nang si Yoana at Niel. Parehong disenyo ang suot nila, nagkaiba lang sa kulay.

Napangiti ako sa nakita. "Ang ganda naman ng suot ng baby girl ni Mama," ani ko sabay gulo sa buhok niya. Napahagikhik si Yoana na bumaling sa ama.

"Papa Niel made me wear this, Mama. Ang ganda po diba? And wait, meron ka din po nito, halika po," aniya sabay hila sa akin papunta sa kwarto ni.... Niel.

"T-teka lang anak," angal ko pero hindi ako nito pinakinggan hanggang binuksan nito mismo ang pinto. Agad na sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng kwarto ni Niel.

Nakabukas ang salaming pinto niya palabas ng balkonahe at nakahawi ang itim na kurtina.

Hinila ako paupo ni Yoana paupo sa kama at tumakbo ito palapit sa walk-in closet ng ama, tila kabisado ang bawat parte ng kwartong iyon.

"Look Mama, ang ganda po diba?" masayang sabi ni Yoana sabay bigay sa akin ng pajama na kulay dilaw. May mga nakaimprinta doong parehas ng sa suot nila.

Ngumiti ako sa kaniya sabay tango.

"Ang ganda po diba," she beamed happily. "Kaya isuot mo na iyan, Mama, para happy cute family na po tayo." dugtong niya sa sinabi na nagpatigil sa akin sa akmang pagtayo.

This is the first time I heard her saying about Family. Ni nung mga panahong nasa Davao pa kami ay hindi siya nagbabanggit ng patungkol sa pamilya.

Rinig ko ang pagtikhim ni Niel na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa aming dalawa. Nag angat ako ng tingin sa kaniya at malamlam ang mga matang tinignan ako bago binalingan ang aming anak.

Lumuhod sa harapan ko si Niel habang kinakausap si Yoana na nakangiti pang sinasabi kung gaano ito kasaya sa ibinigay ng ama.

Isang simpleng pajama, pero nagbigay na ng sobra sobrang saya sa kaniya.

Marahang inabot ni Niel ang kamay ko at pinisil iyon. Nagtatanong ang mga matang tumingin siya sa akin. Marahil nagtataka sa biglaan kong pananahimik.

Buntong hininga akong umiling, hindi na iniisip ang kamay naming magkahugpong. He sighed as he pulled me closer for a hug. A hug that made me close my eyes.

"Limang taon, Ysabel. Limang taon ko na itong pinapangarap..." bulong niya na basag na ang boses. "Kayo lang ang gusto kong makasama. Mahal na mahal ko kayo ng anak natin. Mahal na mahal ko kayo." aniya sabay ng paghikbi. Tumulo ang masaganang luha sa mga mata ko pagkarinig nun.

Mahal na mahal ko rin si Niel. Na kahit masakit ang pinagdaanan naming dalawa ay hindi iyon nawala sa puso ko. Siya lang din at si Yoana ang gusto kong makasama.

Pansamantalang naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Naputol lamang iyon nang narinig namin mula sa baba ang pagtawag ni Nanay Mary para sabihing kumain na.

Kumalas si Niel sa pagkakayakap at dinampian pa muna ako ng halik sa noo bago namin sabay na pinawi ang mga luhang lumandas sa aming mga mukha. Nginitian niya ako pagkatapos bago binalingang muli si Yoana na hawak na ngayon ang isang makapal na libro niya sa pagdo doktor.

"Yoana, baby. Let's go downstairs. Nanay is waiting na for us." aniya sa bata na mabilis ang kilos na binalik sa study table ang libro. Patakbo itong lumapit sa ama sabay taas ng dalawang kamay para magpakarga.

Napanguso ako sa nakita. Dati naman sa akin lang ito nagpapa-baby. Pero ngayon tila nakalimutan na yatang nandito ako.

Naiiling nalang akong sumunod sa kanilang dalawa pababa. Nakangiti nang sumalubong sa amin si Nanay Mary at Tatay Ramon. Nakahain na sa hapag ang champorado na ikinatakam ko.

"O Ysabel, anak. Dinig ko dito kay Yoana ay paborito mo rin itong tinolang manok kaya pinagluto kita," nakangiting tumango ako sa huli at nagpasalamat. Umupo ako sa tabi ni Niel at napangiti nang pagsalinan niya ang aking mangkok.

"Ku, ganiyang ganiyan din ang Ramon ko noong araw," sabi ni Nanay Mira, tukoy sa nakitang ginawa ni Niel na pagaasikaso sa akin. "... Ni hindi nagsisimulang kumain hanggang hindi ako napaghahainan."

Marahang tumawa si Niel sa sinabi ni Nanay, "Nay, matagal ko na pong gustong gawin ito," aniya sabay lingon sa akin. "Ang pagsilbihan ang mag-ina ko." dagdag niyang nakangiti.

"Oo. Kaya payo ko sa'yo, anak, eh pag-igihan mo ang gagawing pagbawi ngayon sa mag-ina mo. Lalo at kay tagal na panahon niyong nagkawalay. At aba, hindi rin madali ang pinagdaanan namin noon," maya-maya ay biglang sabi nito, napatigil ako sa pagsubo nang mabilaukan si Niel.

"Nay," saway ni Niel sa huli na tumatawa lang akong tinignan.

"Naku, nahiya pa," muling panunukso ni Nanay na ikinatawa lang pareho nina Tay Ramon at Niel. "Eh kahit si Era ay nagagalit sa'yo noon sa tuwing umuuwi ka galing sa trabaho at umiiyak pa."

Napabaling ako kay Niel sa huling sinabi ni Nanay Mary. Nahihiya lang itong ngumiti sa akin bago nag-iwas ng tingin. Napabuntong hininga akong humarap na muli sa aking plato at kahit nawalan na ng ganang kumain ay pinilit ko pa ring sumubo.

Limang taon ko ding pinangarap ang bagay na ito, Niel. Pinangarap kahit posible noon na mangyari. Kaya babawi ako, Niel. Babawi ako hindi lamang para sa pangarap nating pamilya. Kundi maging sa pagmamahalang minsan nang pinagkait sa atin ng tadhana.


NIEL's POV

Palihim kong tinitignan ang bawat galaw ni Ysabel. Simula kasi nang mabanggit kanina sa hapag ang ilang pangyayari noon sa bahagi ko ay tila nawalan na ito ng gana. Pero ganun paman ay pilit pa rin nitong inuubos ang pagkaing inihain ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung dahil ba sa ako ang nagsalin nun, o baka marami ng bagay ang tumatakbo sa isip niya. Alinman sa dalawang iyon ay dapat kong alamin ang anumang bumabagabag sa isip niya.

"Papa, tabi po kayo ni Mama sa pagtulog?" biglang ani Yoana habang nililigpit naming tatlo ang mga pinggan. Nagpaalam na sa amin sina Nanay at Tatay na mauuna nang magpahinga kaya heto't kaming tatlo nalang ang naiwan sa kusina.

"Yoana, anak, hindi ka pa ba inaantok? Para makaakyat ka na." pag-aagaw pansin ni Ysabel dito na agad namang tumango.

"Opo, kaya po tinatanong ko po si Papa, Mama kung saan siya matutulog,"

I sighed, "Bakit anak? Gusto mo bang makatabi ang Mama ngayong gabi sa pagtulog?" mahinahon kung sabi sa huli na kunot ang noong tumingin sa akin.

"Malaki na po ako, Papa. Kaya ko na pong mag-isa. Iniisip ko lang na baka mas makabubuti kung tabi kayo ni Mama para bukas po ay nasa tiyan na ni Mama ang baby brother ko," bulalas nito na nagpamaang sa amin ni Ysabel sa gulat.

"Niel," pagtawag sa akin ni Ysabel, bago ako pinandilatan ng mata.

Umiling lang ako bilang sagot sa anomang tanong na bumuo sa isip niya.

Lumuhod ako sa harapan ni Yoana para sagutin ang mga tanong niya. "Malaki ka na anak, pero... Hindi pa kami handa ni Mama at Papa na bigyan ka ng kapatid. Ayaw mo ba nun anak? Ikaw muna ang prinsesa namin ni Mama?"

Nakanguso itong tumingin sa akin bago umiling, "Gusto ko na po kasing magkaroon ng kapatid, Papa, gaya po ng sa pinsan ko. 'Diba Mama?" baling nito sa Ina na walang magawa kundi tumango. "Si Tito Zach po at Tita Cristal may dalawa ng baby. Eh kayo ni Mama ako lang. Ang lungkot po nun."

Pagpapiwanag pa nito na nagpabato na sa aming dalawa ni Ysabel.

Marahan akong tumayo mula sa pagkakaluhod bago nilingon ang tahimik ng si Ysabel. She took a deep breath bago tumango tango.

"Ysabel," gulat kong sambit sa pangalan niya. Hindi makuha ang eksaktong sagot.

Tumingin siya sa akin at inabot ang kamay ko. "Don't you think it's about time to give it a try?" aniya na nagpalakas ng tibok ng puso ko.

"Ysabel,"

She looked away and kneeled down in front of Yoana and smile. "You want to have a baby brother, right anak?" aniya sa huli na mabilis pa sa alas kwatrong tumango. "Okay then, Mama and Papa will try it okay? Right, love?" may halong panunukso ng sambit ni Ysabel sa endearment naming dalawa noon.

Tila naubusan ng lakas naman akong tumango dahil pareho silang dalawa  na nakaabang sa magiging sagot ko.

Geez, Niel. Ano ba itong pinasok natin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top