CHAPTER 33

NIEL's POV

Era and Philip's Wedding day yesterday, June 7. Era's been crying while saying her unending Thank you's to me.

I sighed as I watched them packing their things. Si Era wala pa ring tigil sa pag-iyak na ikinailing nalang namin pareho ni Philip.

"Iiwan ka na po namin dito sa house mo, Papa," ani Aadavan habang nakanguso sa'king tabi habang hawak niya ang kaniyang paboritong sasakyan. Mahina akong natawa sa itsura niyang nagpapaawa pa sa aking sumama sa kanilang bagong bahay.

"Anak, nag-usap na tayo tungkol dito nung nakaraan di ba?" Bulong ko sa kaniya na agad niyang tinangoan, "Andito naman si Tatay Ramon at Nanay Mary, so hindi ako malulungkot."

He sighed and hug me tightly, "Mamimiss po kita, Papa Niel. Wish ko po sana magkita na po kayo ni Tita Ysabel at ni baby niyo po."

'I do wish for that too, buddy. Everyday and everynight, I prayed to God that that day will come...'

Tipid lang akong ngumiti sa kaniya bago siya ginawaran ng banayad na halik sa noo at inakay palabas ng kwarto at bumaba ng kusina.

"I'm thinking of making you a pancake, but I forgot that I don't have a box of it here now," ani ko habang binubuksan ang mga cabinet. "You want pizza, Aadavan? Oorder nalang si Papa Niel para sa'yo." Tanong ko na mabilis niyang tinangoan. I let out a heartily laugh as I fiddle my phone to order.

Inakay ko nalang ang bata papuntang sala at nanood ng pambatang palabas. Aadavan is hugging me while watching. Aniya hindi na daw kami laging magkakasama kaya susulitin na niya ang oras ngayon na magkasama pa kami.

Napatawa lang ako ng mahina sa rason niya. Para namang milya milya ang magiging layo naming dalawa, eh ang totoo ay magkaisang subdivision lang naman kami.

Era and Philip decided to stay here in Cebu, for good.

Ayaw na ni Era pang bumalik sa lugar kung saan nagsimula lahat ng sakit na dinanas naming dalawa.

Sakit...

Sakit na naging dahilan para malayo kami sa aming mga mahal sa buhay.

Siya kay Philip, na sa paglipas ng panahon ay pinagtagpo na silang muli ng tadhana.

Ako kay Ysabel, na ngayon ma'y malapit na kaming dalawa, pero tila ang dami pang hadlang para sa aming dalawa.

Una ang bagay na nalaman ko sa nakaraan.

I smile sadly. Iniisip kung darating pa ba ang panahon na matupad namin ang aming pangarap noon na bumuo ng isang masaya at malaking pamilya.

O baka hindi na.

***

"Mamimiss kita, Niel," bulong sa akin ni Era habang mahigpit akong niyakap. Napatawa ako ng mahina dahil pareho sila ni Aadavan ng sinabi.

Phil chuckle at her and kiss her temple, "Baby we're just literally one block away from Niel. You don't have to miss him that much."

Napanguso si Era sa sinabi ng asawa at naluluha na. Iba talaga ang epekto ng pagbubuntis sa kaniya. She's like that before when she was pregnant with Aadavan.

Walang araw nun na hindi siya umiyak, manood lang ng K-drama series umiiyak na. Mas malala pa 'yung nanood kami ng horror movie, na imbes matakot, eh umiiyak pa siya hindi dahil sa takot kundi sa inis dahil hindi raw nakuha ang gusto ng palabas na klase ng takot. Tsk.

I smile at Philip and tap his shoulder lightly, "Take good care of them, dude. I know I have no right to say it, pero sa tagal ng panahon na nagkasama kaming tatlo, napamahal na rin sila sa akin."

Phil sigh and smile back at me. "Of course, dude. Kaya nga kahit galit ako sa'yo sa pagtago mo sa kanila," pabiro niyang sabi na ikinatawa nalang naming pareho. "... you're there for them for those years. And yeah, you all have the rights to remind me that, Niel."

We brotherly hug each other after that and didn't say any words. Dahil alam kong kaya silang alagaan ng kaibigan ko. Kitang kita ko 'yun sa ilang araw na nagkasama kami.

Muli pa akong niyakap ni Era at Aadavan bago sila sabay na lumabas na ng bahay at sumakay sa sasakyan. Napailing nalang kami ni Philip sa inakto nilang dalawa.

Nagtapikan pa kaming muli ng kaibigan ko bago sumunod sa mag-iina niya. I just wave my hand to them hanggang sa mawala sa paningin ko ang sasakyan nila, saka lang ako pumasok.

Binigyan lang ako nina Mang Ramon at Nanay Mary ng ngiti nang pumasok ako ng kusina at nadatnan silang naghahanda na ng pagkain.

"Sige na po, sabay na po tayo ditong kumain. Umupo na po kayo." Natatawa kong sabi sa kanila.

"Mamimiss ko ang bata, wala ng mangungulit sa akin tuwing umaga," umiiyak na sabi ni Nanay Mary nang magsimula kaming kumaing tatlo. Nagkatinginan pa kami ni Mang Ramon dahil ngayon lang nagpakita ng ganitong emosyon ang asawa na laging nakangiti.

"Mahal naman, 'wag ka na munang umiyak. Nasa hapag tayo," tanging nasabi nalang ni Mang Ramon sa asawa na tumango lang ng isang beses at walang imik ng kumain.

Napabuntong hininga ako. Oo nga nakakamiss nga si Aadavan.

Ilang taon rin kaming nagkasama. Nasubaybayan ko ang paglaki niya. Ang unang salitang sinabi niya. Ang unang araw na nakapaglakad siya. Ang unang araw na nadapa siya at umiiyak dahil sa sugat.

Mga bagay na hindi ko naranasan sa sarili kong anak.

I hurriedly finish eating and went straight to my room. I open my laptop and played videos of my daughter again and again. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong umiiyak na naman.

Yoana, our God's gift. And she's really is.

That night I let myself cry hanggang sa mapagod ako.

But I made sure after this, hindi na ko iiyak pang muli.

Dahil babawi na ako sa kanila. Gaano man kahirap, gagawin ko. Para sa mag-ina ko. Para sa pamilya ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top