CHAPTER 32
JAMEA's POV
Nagulat ako sa malakas na sigaw nina Cora habang nakatutok ang mga mata sa telebisyon. Pababa ako ng hagdan patungong kusina para uminom ng tubig. Alas kwatro na ng hapon kaya heto sila ngayon malayang manood ng TV.
"Magandang hapon po, Señorita," sabay sabay nilang bati sa'kin pagkapasok ko ng kusina. Ngumiti lang ako sa kanila habang kumukuha ng baso at binuhusan yun ng tubig.
"Grabe ang gwapo talaga ng modelo na yan no? Bagay sila ni Miss Era," rinig kong sabi ng isang kasambahay. Era? Hindi naman siguro iisa lang ang Era sa Pilipinas, right?
Pero paano kung si Era nga 'yun? Lalo pa nga at nandito sa Cebu si Niel?
Napailing nalang ako sa mga naisip. Lumapit ako sa gawi nila para makinood at gayon na lamang ang gulat ko ng makita ang nakangiting si Philip Cruz at Eraña Madrigal kasama ang isang batang lalaki. Live 'yun ng kasal nila ayun sa nakasulat sa ibaba. Youtube channel ni Philip Cruz, ang isa sa pinakasikat na modelo international, sila nanonood.
H-how did it happen?
"Cora, kailan yan?" Ani ko sa mayordoma na katabi ko ngayon.
"Kahapon yan, Señorita, gulat nga po ako kasi sa pagkakaalam ko ay sila ni Doctor Niel ay mag-asawa na noon," tila walang preno nitong sabi.
"P-pero paano nangyaring kinasal si Er— Miss Madrigal at Philip Cruz?" Tila naguguluhan kong sabi.
"Yun nga po, Señorita, ayun sa balita hindi raw po legit yung kasal nila noon," kibit balikat niyang sabi na ikinagulat ko lalo. "Magkaibigan lang naman daw po kasi silang dalawa, at ang totoong mahal ni Doc ay sinusuyo pa niyang makuha muli."
Sinusuyo? Hindi marahil ako ang tinutukoy niya. Dahil isang buwan na ang nakalipas ng mangyari yung huling tagpo sa pagitan naming dalawa.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Ngumiti nalang ako ng hilaw kay Cora at hindi na nagbigay komento pa.
Nagpaalam na ako sa kanila at tumuloy na sa itaas para magbihis. Susunduin ko pa si Yoana sa school at dahil biyernes ngayon, gaya ng naipangako ko sa kaniya na magde-date kaming dalawa ngayon.
Napangiti ako habang binabagtas ang daan papuntang C.I.S o Cebu International School, kung saan nag-aaral si Yoana. Swabe lang ang naging biyahe ko kaya agad akong nakarating sa labas ng gate ng CIS. Bumaba ako para sunduin sa loob ang anak kong nakikipag-usap sa isang batang lalaki.
Napangiti ako sa nakita. Naalala ko tuloy si Mara at Crisa. Matagal na panahon na rin nung huli kaming magkasama. Ang huli ay yung nalaman ko ng buntis ako, at ikakasal na si Niel kay Era.
I sighed and walked near to my Daughter. Her eyes widened when she saw me. I smiled back at her that made her giggled.
"Mama!" Masiglang aniya pagkalapit ko sa kanila ng kaklase niya. "Ezra, this is my Mama Jamea, and Mama this is Ezra, my friend."
"Hello po, Tita Jamea," bati sakin ni Ezra na cute na cute sa suot nitong uniporme. May necktie pa kasi sila kung saan nakatatak ang logo ng school.
"Hello Ezra, how are you?" Bati ko dito pabalik.
"I'm good po, Tita." Aniya bago lumingon lingon, "... but my Dad is nowhere to see. I don't know where is he now." Dagdag niya habang umiikot pa rin ang paningin sa paligid.
Tinapik siya ni Yoana bago itinuro ang kaliwang bahagi na sinundan ko agad ng tingin at kita ko ang papalapit na lalaking nakatupi na ang white polo sleeve nito hanggang siko habang bitbit ang isang itim na attache case.
"Oh! There you are, Dad!" Ezra exclaimed and run towards his Father. Naglakad sila palapit sa amin ni Yoana at pinakilala sa akin ang tatay niya. "... Tita Jamea, this is my Daddy po, Attorney Eleazar Santos, and Dad this is Tita Jamea, Yoana's Mama."
Maliit na ngumiti lang sa akin ang ama ng bata sabay abot ng libre nitong kamay, "Nice to meet you, Miss Jamea." Anito na nginitian ko pabalik.
"Nice to meet you too, Attorney." I greeted back that made him chuckled.
"Drop the Attorney, Miss Jamea, just Eleazar, we're not in my office." He said na ikinatango ko bago ngumiti.
Bumaling na ako sa anak ko at niyaya na siya paalis dahil baka gabihin kami sa paggala. Nagpaalam na kami sa mag-ama, at dumiretso na ng mall para maghanap ng restaurant, or shall I say ng Mcdo na paboritong fast food chain ni Yoana.
***
Alas syete y medja na kami nakauwi dalawa ni Yoana, kaya naman ang seryosong mukha ni Kuya Zakiro ang sumalubong sa amin pagkapasok ng bahay.
"Bakit kayo ginabi dalawa? Sa'n kayo galing?" Anito habang nakakrus ang mga braso sa dibdib. Nagkatinginan kami ng anak ko at sabay na napakamot sa batok. "... tsk tsk, kayo talaga napaka pasaway."
"Baby, ano ba, minsan lang naman gumala ang mag-ina. Mabuti pa umakyat ka na para mabantayan mo na yung kambal sa taas," pagsingit ni Cristal na kumindat pa sa akin. Walang nagawa namang tumayo si Kuya na matalim pa akong tinignan bago umakyat sa itaas.
Tila nakahinga ako ng maluwag pagkaalis niya at nanghihinang napaupo sa malapit na sofa.
"Yang pinsan mo talaga, napaka ano," naiiling na sabi ni Cristal sabay tawa. "Sa'n ba kasi kayo pumunta ngayon at ginabi yata kayo?"
Napanguso ako at tumingin kay Yoana na inosente lang akong tinignan bago nagpaalam ng makita si Cora palapit sa amin. "Ehh gusto kasi ni Yoana na manood ng sine, kaya ayun," sagot ko at bumuntong hininga ng maalalang isa ring dahilan kung bakit ako pumayag sa gusto ng anak ko ay para malimutan ang bumabagabag sa aking isipan dahil sa napanood kanina.
Cristal heaved a deep sigh and walk near me, "I heard from Cora na napanood mo kanina yung live video ng kasal ni Philip Cruz at Era Madrigal. 'Yun ba ang isa sa dahilan kaya kayo ginabi? Para makalimutan mo sandali?" Aniya na ikinayuko ko bago tumango. Alam na talaga ni Cristal kung kailan ako may problema. At alam na din niya kung sino.
"Naguguluhan ako, Cris, kung hindi pala totoo yung kasal nila noon ni Era, b-bakit... bakit hindi niya ako hinanap? B-bakit umabot pa ng ilang taon bago muli kaming magkita, at sa panahon pa na kinakalimutan ko na siya?" Humihikbi ko ng turan.
Napayakap naman sakin si Cristal at hinayaan muna akong umiyak bago siya nagsalita uli.
"Nahirapan din si Niel, Jamea, hindi sa kinakampihan ko siya. Pero gaya nga ng sabi ni Tita Selena noon sa'yo, hindi gusto ni Niel at Era na magpakasal sa isa't-isa, kaya siguro gumawa sila ng paraang dalawa na pekeen ang kasal para mapaniwala ang mga ama nila, lalo na ang Ina ni Niel na siyang nagtulak sa kaniyang gawin 'yun."
"For the past years Jamea, alam kong nahirapan ka, ganun din marahil si Niel. Labis labis pa nga siguro ang pagsisisi niya at ang naramdamang lungkot niya ngayon lalo na at naibigay mo na pala sa kaniya ang USB. Jamea," hinawakan ni Cristal ang kamay ko at marahang pinisil 'yun habang iniipit sa likod ng tainga ko ang ilang takas na buhok.
".... kung darating ang panahon o pagkakataong magkita kayong dalawa ulit, kakausapin mo ba siya?" Seryosong tanong niya sa akin. Ilang minuto akong nag-isip bago umiling-tango sa kaniya.
"H-hindi ko alam, Cris, hindi ko alam," naguguluhang ani ko. Dahil alam ko sa sarili ko na baka sa muli naming pagkikita ay yakapin ko lang siya ng mahigpit.
Dahil sa totoo lang, mula ng magkita kaming dalawa, mas lalo akong nakaramdam ng pangungulila.
Pangungulilang natabunan lahat ng sakit at galit na naranasan ko sa nakalipas na taon.
"Jamea, ako bilang asawa ng pinsan mo, at bilang kaibigan mo na rin, ang tanging maipapayo ko sa'yo, kausapin mo siya, pakinggan mo ang paliwanag niya at magpatawaran kayo sa isa't-isa. At kung sakali," malakas na bumuntong hininga siya bago nagpatuloy. "... sakaling mayro'n pang pag-asa sa pagitan niyong dalawa, lalo na at nandyan si Yoana, pag-usapan ninyo kung pwede pa ba, kung pwede pa bang buuin ang pagsasama at pagmamahalang minsang nasira na."
Naiyak lang ako sa sinabi ni Cristal. Nginitian lang niya ako bago niyakap ng mahigpit.
Yakap na lagi niyang ginagawad sa akin sa panahong alam niyang nanghihina ako.
Yakap na naging hugotan ko ng lakas sa nakalipas na taon.
Nang kumalma na ako ay nagpaalam na siya sa akin, at hinayaan muna akong mapag-isa para makapag-isip ako ng paraan.
'...sakaling mayro'n pang pag-asa sa pagitan niyong dalawa, lalo na at nandyan si Yoana, pag-usapan ninyo kung pwede pa ba, kung pwede pa bang buuin ang pagsasama at pagmamahalang minsang nasira na."
Sumagi sa isip ko ang huling sinabi na 'yun ni Cristal bago siya umakyat. Napayuko akong nilaro ang mga daliri sa kamay, habang iniisip ang magiging tugon ko sa sinabi niya.
Mayroon pa bang pag-asa?
Maibabalik pa ba ang dating samahan minsan ng nasira? At;
Mababalik pa ba ang pag-iibigang minsan na ring napalitan ng sakit at galit?
Malakas akong bumuga ng hangin nang makabuo ng pasiya. Pasiya na hindi ko man alam ang magiging resulta, pero susubukan ko...
Para kay Yoana,
At para sa pangarap niyang pamilya.
𝐿𝑎𝑎𝐿𝑎𝑎𝑏𝑖𝑒𝑠 © 2021 ☆ All Rights Reserved
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top