CHAPTER 31

ERA's POV

It's been five years since Neil and I live together. Looking back, I can't imagine how we face together the pain and challenges in our lives. Walang gabi na hindi ako umiyak sa kaniya mula nang malaman kong umalis ng bansa si Philip, at hindi ako nagkaro'n ng pagkakataong masabi man lang sa kaniya na pinagbubuntis ko na ang anak naming dalawa.

I'm even crying also about my friend Jamea, who did nothing to me, but I hurt her—Emotionally. I wanted to talk to her and beg for her forgiveness, and explain everything to her. Pero tila naubusan na ako ng lakas sa lahat ng bagay. Neil, became my shoulder to lean on. My ears and my feet during those times na sukong suko na ako.

He always reminded me of the child inside me. Inalagaan niya ako at sinamahan sa lahat ng panahon na kailangan ko ng karamay at kasama.

"Mommy?" Pukaw ng isang pamilyar na tinig sa'kin mula sa malalim na pag-iisip. Ang inosenteng mukha ng anak kong si Aadavan ang agad na bumungad sa'kin ng lumingon ako sa gawi niya.

"Yes baby?" Malambing kong sagot at lumapit sa kaniya. Tumingala siya sa akin at yumakap sa aking bewang.

"Pwede po ba nating puntahan si Daddy mamaya sa opisina niya?" Aniyang nagpapacute pa. Napatawa ako ng mahina sa tinuran niya at agad na ngumiti sabay tango. "Yey! Thanks My!"

"But you have to do your homework first before we go, a'ight?" Mabilis itong tumango sa sinabi ko at agad na tumakbo paakyat ng kwarto. Naiiling nalang akong sinundad ng tingin ang anak ko, ang anak namin ni Philip Cruz, the famous male- model.

Agad kong tinawagan ang huli na mabilis nitong sinagot, "Yes, baby?" Anito sa kabilang linya. Napailing ako at mahinang tumawa.

"Huwag na huwag mong ipaparinig sa anak mo 'yan para hindi kayo mag-away," I said, chuckling.

Philip chuckled, "That son of mine," he tsked.

"He wants to ge there," ani ko sabay kagat sa kuko ko.

"He or you?" He teased, I gasped that made him laugh.

"Phil!"

"Ohh," he chuckled. "Sure, baby, hindi naman ako busy dito sa kompanya."

"Okay, we'll go there after an hour,"

"Sure baby, I love you." He said and ended the call na mahina kong ipinagpasalamat. Nahihiya pa rin akong gantihan ang mga 'I Love You' niya sa tuwing nag-uusap kaming dalawa sa cellohone man o personal. 'Coz even though Philip and I already plan to get married next month, I still feel awkward with our status right now.

I sighed and went straight to the kitchen to prepare the foods that we'll bring to Philip, and after, I go upstairs to check Aadavan and change clothes at the same time.

* * *

"Daddy!" Masiglang salubong ni Aadavan sa ama niya pagkapasok namin ng opisina ni Philip. Bakas ang kasiyahan nito nang makita kami ng bata.

"Hey buddy," ani Philip at binuhat ang anak namin bago bumaling sa akin, "Hey baby."

"Dad! Mommy is no longer a baby!" Ani Aadavan sa ama na ikinatawa naming dalawa. Naiiling na lamang akong lumapit sa kanilang dalawa at humalik sa pisngi ni Philip.

"I told you to not call me that," I said and put the lunch box in the coffee table. Philip chuckled and pulled me closer to them.

"But you are my first baby," he whispered through my ear and planted a kiss in my temple. I shyly smile at him and about to get Aadavan from him when his brow arch.

"What?" I asked, confused.

"You are," aniya na ikinakunot ng noo ko.

"Ha?"

He shook his head and smile at me, "Let's eat, I'm hungry." Aniya sabay himas pa sa tiyan ng anak na ikinahagikhik nito.

Nagsimula na kaming kumain at tanging sila lang mag-ama ang nag-iingay. Tumatango at iling lang ako sa tuwing kinukuha nila ang sagot o opinyon ko sa pinag-uusapan nilang dalawa.

".... and I heard Papa Niel said to Mommy that he saw already Tita Ysabel," pagku-kwento ni Aadavan sa kaniyang ama. "Naaawa nga po ako kay Papa Niel, Daddy eh kasi he's been alone already for five years, at pati sad rin na hindi niya nakikita at nayayakap ang baby niya." May bahid na lungkot nitong dagdag.

Nagtinginan kami ni Philip sa mata at tila pareho kami ng naisip dahil sa nakita kong awa na may kalakip na determinasyong tulungan ang aming kaibigan.

"We'll do our best to help your Papa Niel, anak, okay?" Baling ko kay Aadavan na agad na ngumiti at tumango sa akin bago muling tinuon ang atensyon sa pagkain. Muli akong tumingin kay Philip at bumuntong hiningang inabot ang kaniyang mga kamay na agad niyang pinisil.

"I got you baby, don't worry, he's my friend too. I promise to you and Aadavan that I'll help him." Phil said. I nodded at him and continued eating.

Silenced envelope us but it's enough for me as long as we're together. And as long as we see Aadavan, our son, happy.

* * *

It's already five PM when Philip decided to go home. We stayed in his office for five hours, and while he's doing his job, Aadavan and I just stayed silent as we watched him busy signing documents.

"You sleepy?" Malambing kong tanong kay Aadavan nang humikab siya at sumandal sa couch na may namumungay na mga mata. He nodded and yawn again na ikinatawa ko ng mahina at inihiga ang katawan niya.

Bumaling ako kay Phil ng tumayo na ito mula sa swivel chair niya at hawak hawak na ang kaniyang suit case na brown na iniregalo ko sa kaniya noon. Napangiti ako nang agad siyang umuklo at halikan ako sa noo.

"My buddy is sleeping," aniya bago umupo sa malapit na pang isahang sofa at matiim na tinitigan ang aming anak na mahimbing ng natutulog. He look at me and gently touch my hand, "Let's have a date tonight." Aniya na ikinatulala ko dahil sa gulat.

"P-pero si Aadavan?" Tanging nasambit ko makalipas ang ilang segundo.

Phil lightly pinch my cheek and planted a kiss on my lips. "Minsan na nga lang tayong makapag date dalawa, parang ayaw mo pa ah?" Aniya sa boses na nanunukso. "Syempre bukas isasama na natin siya, pero now," dagdag niya sabay hila sakin ng marahan palapit sa kaniya, "Iiwan muna natin siya kay Manang."

* * *

"Mag-iingat kayong dalawa mga anak," ani Manang habang inaayos nito ang pagkakahiga ni Aadavan kahit maayos naman na ang pwesto nito sa ibabaw ng kama.

Tumango lang kami ni Philip sa kaniya at agad na nagpaalam na aalis na kami.

Phil and I are decided to wear the same color of clothes. Ayaw ko sana kaso mapilit si Phil dahil baka ito na ang huli naming date na dalawa bago kami ikasal sa susunod na buwan.

Up until now, I still can't believe how we ended up together now. Before, ako lang itong nagmamahal, pero ngayon, kaming dalawa na. I mean, we both love each other now.

Not a one sided Love anymore.

And soon, we'll get married. We'll live together with Aadavan and our future kids.

Kids, With S. Because Phil and I love to have a lots of children, kung kakayanin naming dalawa.

And to our friend Niel and Jamea, we hope that they'll end up together too.

To continue their Love Story. Like us, like other people.





JAMEA's POV

It's been a week since Niel and I saw each other.

Iwas na iwas akong magsalubong ang aming mga landas sa tuwing pumupunta ako ng Ospital lalo na at ongoing pa ang pagpapagawa ng kino construct na building.

Tanging si Yoana at ang kambal na anak ni Kuya Zakiro lang din ang kinaaabalahan ko pag hindi ako kailangan sa site. Lalo na ngayon at araw ng Linggo. Buong araw na naman akong sa bahay sa takot na makasalubong ko si Niel sa pupuntahan ko.

Nakakapraning pala.

Hindi pa ako handa. Hindi pa pala.  At hindi ko alam kung kailan ako magiging handa.

Akala ko kasi madali lang, hindi pala. Lalo na at nitong mga nakaraang araw lagi nang nagtatanong sa akin si Yoana ng mga bagay bagay, tulad na lamang kung saan dito sa Cebu nakatira ang kaniyang Ama.

Yes. She knows his whereabouts. But she didn't know his name.

Si Kuya Zakiro at Cristal ang nagsabi ng bagay na 'yun sa anak ko dahil ika nga nila, hindi habang buhay ko maitatago sa anak ko ang katotohanan.

Pero ewan, simula yata na tumungtong ako dito sa Cebu at narinig ko ang balitang dito sa Cebu nagdo-doctor si Niel ay walang araw yata akong hindi nauubusan ng lakas at problema.

Problema na mas lalong lumaki nang magtagpo na nga ang landas naming dalawa, at narinig ko na muli ang boses niya.

Nasilayan ang mukha niya na bagaman dumaan ang ilang taon, ang kaguwapohan niya ay mas lalong tumingkad pa.

At hindi ko maiwasang mapangiti kahit papa'no dahil nagkalayo man kaming dalawa ng maraming taon, ang pangako namin noon sa isa't-isa ay tinupad niya, gaya ng pagtupad ko rin ng sa akin.

Ang pangako na tutuparing maabot ang aming mga pangarap sa buhay.

Siya, magiging Doktor; habang ako naman ay Engineer.

And all I can say that, sa pag-abot at pagtupad mo ng iyong pangarap, hindi mo pala kailangan laging umasa sa iba.

Oo, totoong kailangan mo ng suporta o alalay nila, but at the end of the day, ikaw pa rin mismo sa sarili mo ang gagawa at kikilos para maabot 'yun.

*****

A/N: medjo bumabalik na ang drive ko sa pagsusulat muli ng akda ngayon. Ilang linggo kong pinagpahinga ang kamay at utak ko dahil sa mga problema, nawalan ako ng ideas. Hays. But slowly, I'm recovering. And I still hope (cross fingers 🤞)  na sasamahan niyo pa rin ako hanggang sa Wakas ng akdang ito 😊.
- LaaLaa ♥️


𝐿𝑎𝑎𝐿𝑎𝑎𝑏𝑖𝑒𝑠 © 2021 ☆  All Rights Reserved

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top