CHAPTER 30
JAMEA'S POV
I can't sleep. Not even eat.
Hanggang ngayon parang naririnig ko pa rin ang boses ni Niel.
Gusto kong sumigaw sa sobrang sakit at pait. Ilang taon kong inasam na marinig mula sa kaniya ang katagang 'yun... ilang beses kong inasam lalo na nung mga panahong pinanghihinaan na ako ng loob na lumaban.
Gusto kong isigaw sa harap niya na kung nasaan siya nung mga panahong kailangan namin siya ng anak niya? Pero alam ko na ang dahilan niya kaya mas lalo akong nasasaktan para sa anak ko.
If not because of my daughter Yoana and my family, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin ngayon.
I smiled bitterly staring at the dark sky. Walang bituing naroon tulad ng ilang gabing nalulungkot ako na para bang ramdam din nila ang lungkot ko ngayon.
I sighed and stood up from my bed to close the window.
No... hindi ako dapat madala ng mga salitang 'yun.
Hindi sapat ang mga salitang 'yun para maibsan ang sakit na naranasan ko sa nakalipas na mga taon.
At isa pa, may asawa na siya at anak; I love my daughter, but I don't want to ruin a family just to give my child a happy and complete family.
I decided to go downstairs. Bitbit ang laptop ay napagpasiyahan kong libangin nalang ang sarili ko kesa mag-isip ng mga bagay-bagay.
* * *
It's been four hours when I feel sleepy. I save the files and close the laptop. Para akong naubos bigla. Kaya pabagsak na akong nahiga sa kama para makapagpahinga.
Kinabukasan ay alas sais pa ng umaga nang magising ako. Naabotan ko ang mga kasambahay na parang busy sa paghahanda at paglilinis. Kunot ang noo ko nang makita pa ang isang maliit na tarpaulin na may nakasulat pang 'Welcome home Samonte Family!'
Tila doon ko lang naalala na ngayong araw pala uuwi si Kuya Zakiro at ang pamilya niya. Dumiretso ako ng kusina at naabotan ko si Cora kasama ang mga ilang kasambahay na naghahanda ng pagkain.
Bumati ako sa kanila pabalik at tinanong kung ano ang maitutulong ko. They let me cook Kuya Zakiro's favorite chicken adobo.
Pumasok sa kusina si Mama Celia na nagulat pa dahil nauna akong nagising sa kaniya.
Napatulala pa akong napatingin sa kaniya dahil tila nanibago ako sa nakita.
She look..... radiant and happy. Na hindi ko nakita sa kaniya sa loob ng ilang taon na nagkasama kami.
Sure she is happy. But not as happy as now, like what I've seen to her.
I shrugged off the thoughts and busied myself from cooking.
* * *
Alas diyes nang matapos kaming lahat sa paghanda at pag-aayos nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang Engineer ng firm na na-assign sa paggawa ng proyekto sa CGH.
"Jamea Samonte speaking, good morning,"
"Good morning Miss Samonte... inform ko lang po na may pinabago ang isa sa mga doctor sa design natin,"
"Pinabago? At sinong doctor? Alam na ba ito ni Architect Romero?" Sunod sunod kong tanong habang nagmamadaling sumakay sa kotse ko.
"Yes Miss Samonte. Kaya pinatigil na muna po namin ang pagpatrabaho sa bahaging 'yun na ipapabago," napabuga ako ng hangin sa narinig.
"Pupunta ako diyan Engineer, kakausapin ko si Architect," agad ko nang binaba ang tawag pagkasabi nun at pinaharurot ang sasakyan papuntang hospital.
* * *
Naabotan ko si Architect Romero at Engineer Lavisco kasama ang kanilang team na nakaupo sa isang gilid habang nakatayo sa harap nila ang isang pamilyar na bulto.
Nabaling ang tingin sakin ni Engineer Lavisco na agad akong nilapitan.
"What's going on?" Tanong ko habang pilit na pinapakalma ang sarili.
"Engineer, lumapit po kasi sa amin si Doctor Anderson at sinuhestiyon kung pwede po bang ipabago ang ilang design nung parte pong 'iyon," saysay nito sabay turo sa isang bahagi kung saan plano ilagay ang napagkasunduang playroom ng mga bata na katabi lang ng Nurse station.
I nod at him. Inabot niya sa akin ang digital print design kaya tinignan ko 'yun habang iniisip ang suhestiyong ipapabago ni Ni— Doctor Anderson.
Napabuntong hininga ako nang maisip na parang mas maayos 'yun kesa sa disenyo na ginawa ng Architect Romero.
"Okay I'll talk to him," sabi ko sabay abot pabalik sa kaniya ang disenyo. Tumango ito sakin at nagpaalam na.
Naglakad ako palapit kay Doctor Anderson na nakatitig lang din sa akin. I cleared my throat as series of thoughts came across to my mind.
Without breaking our stares. I smile at him before starting the conversation.
"Good morning Doctor Anderson," bati ko dito.
"No need to be formal Ysabel," walang emosyon niyang sabi na ikinabigla at ikinagulat ko. "As what I've said to your team, I suggest to change the de—"
"It's okay Niel," putol kong sabi sa kaniya. "I agreed with it," Dagdag ko bago siya tinalikuran at hinarap ang mga tauhan na maagap na nagsitayuan pagkalapit ko.
Alam kong nabastosan siya sa ginawa ko, pero kailangan kong gawin 'yun dahil tila nanlalambot na ako sa mga titig niya.
* * *
Pinagpatuloy na ang ginagawa nang makatanggap ako ng tawag mula kay Cora. Nagpaalam muna ako kay Architect Romero bago sinagot ang tawag.
"Yes Cora,"
"Señorita, pinapatanong po ni Señorito Zakiro kung pauwi na po kayo? Kakarating lang po nila at naabotan po niyang wala kayo rito sa mansyon," sagot nito. Napahawak ako sa noo ko nang marinig 'yun.
"Pakisabi kay Kuya na pauwi na ako, may inayos lang ako sa construction,"
"Si Señorita," tipid lang nitong sagot at binaba na ang tawag.
Napabuntong hininga akong hinilot ang aking sintido habang mahinang hinahakbang ang mga paa para umalis na doon dahil baka magtampo pa ang pinsan ko pag 'di pa ako agad umuwi.
Natigil ako sa pag-iisip nang mabunggo ako sa isang baga— katawan. Sa isang katawan na pagma may-ari ng taong kaharap ko ngayon. Hawak pa nito ang bewang ko nang muntik akong matumba dahil sa pagkabigla.
"S-sorry," halos pabulong kong sabi. Sinubukan kong lumayo mula sa kaniya ngunit mas hinigpitan lang niya ang hawak sakin habang matiim akong tinitigan sa mata.
"Ysabel," sambit niya sa pangalan ko. "Why... why did you left me?" Tila nahihirapan niyang sabi. Naguguluhan ko lang siyang tinignan.
Lumunok ako at gamit ang natitirang lakas ay tinulak ko siya.
"Ano bang pinagsasabi mo? Niel o Doctor Anderson kung ano man ang kailangan mo sakin, pwede bang sa susunod nalang natin pag-usapan? Nagmamadali ako ngayon," tuloy tuloy kong sabi bago patakbong iniwanan siya doon.
Hinihingal pa ako nang makarating ng parking lot. I shook my head and breathed out before I slid in my car and drove away home.
I needed a break! A Time out!
* * *
A welcome home party we held for Kuya Zakiro and his family was my distraction to forget kahit pansamantala lang si Niel.
I'm sipping my wine when I felt Kuya's presence beside me. It's already 11PM and I can't sleep yet. Idagdag pa ang parang sirang plaka na nagpa ulit-ulit sa isip ko ang tagpo sa pagitan namin ni Niel kanina.
"What are you thinking sweetie?" Kuya Zak asked
I sighed and looked up to him and smile wryly. "Him. I'm thinking of him Kuya," pag-amin ko.
He tousled my hair and smile. "Nagkausap na ba kayo?"
"Not really,"
"Naibigay mo na ba sa kaniya 'yung USB?"
"Yes," tango ko at sumandal sa lounge chair na nakaharap sa swimming pool. "I thought he'll ask me about Yoana the day after tomorrow when I give it to him,"
"Bakit? He didn't ask?"
Napatawa ako ng mahina bago tumango na ikinamura nito ng mahina. "You know what he just said? Namiss daw niya ako," I shrugged.
"Ow? Tapos?"
"Tapos, tapos na. Umalis lang ako bigla,"
His forehead creased and pinch my forehead lightly.
"Kuya!"
"You're bad baby," naiiling niyang sabi bago ginaya ang pwesto ko. "Give him the chance to talk, to explain,"
"I did, pero Kuya hindi pa ako handang pag-usapan ang tungkol sa'ming dalawa,"
"Then when?"
"I don't know," I said almost audible to hear.
"If I am Niel, masasaktan ako sa mga naririnig ko sa'yo ngayon,"
Napakurap ako at sa 'di malamang dahilan ay kinabahan ako sa sinabing 'yun ni Kuya Zakiro.
"I know you are my cousin, but, hear this out..." pagpapatuloy niya at umupo paharap sa akin. "For five years you can say na mag-isa ka lang sa pagpapalaki kay Yoana, but how about him? Lalo na ngayon na pinakita mo sa kaniya yung mga video'ng ginawa mo simula pagkabata ng anak niyo. Ano sa tingin mo ang nararamdaman niya?"
"'Yung guilt, lungkot, at sakit na mararamdaman niya habang pinapanood 'yun. Atleast for you, you have us, but how about him? Who do you think will be there for him? Hindi ko sinasabi sa'yo 'to para maguilty ka or what... I'm just putting myself to him. At siguro kong sa amin ni Cristal nangyari 'to? Hindi ko alam kung anong gagawin ko,"
"Alam mo naman kung paano nagsimula lahat sa amin 'di ba? Feeling ko nga ang bilis ng lahat... kita mo nga pati pagkakasal namin napabilis," naiiling niyang sabi sabay tawa ng mahina. "...Kaya I always make sure na naipapakita at naipaparandam ko how much I love her. At mas napamahal pa siya sa akin simula ng ipanganak niya ang kambal," he lovingly said and stared to me.
"Talk to him sweetie, let him explain everything. Open your heart, huwag mong hayaang mamuhay sa puso mo ang galit at sakit." huling sabi niya bago nagpaalam na papasok na ng mansyon.
I sighed and look up to the sky habang naglalaro sa isip ko ang mga sinabi ni Kuya at ang mga bagay na naiisip kong paraan para makausap siya.
It's now or never ika nga...
𝐿𝑎𝑎𝐿𝑎𝑎𝑏𝑖𝑒𝑠 © 2021 ☆ All Rights Reserved
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top