CHAPTER 27
NEIL's POV
LUCAS barged into my office unceremoniously. Pawis pa ang noo niya at hinihingal na parang hinabol ng aso sa kanto.
"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko habang kunot ang noo.
"I saw her again Neil," Sabi niya na nagpakabog ng dibdib ko. "And she told me, she has a child already."
"What?"
"Yes," tumatangong aniya. "Sinabi pa nga niya sa akin na isa raw ako sa pinakapaboritong Doctor ng anak niya." Pagkwe-kwento niya.
"And you want me to believe that because?" Taas kilay kong sabi. Trying to hide my nervous.
Tinignan niya ako na parang may mali sa sinabi ko. "Ayos ka lang ba? Teka.... hindi ka naniniwala sa akin ano?"
I nod.
Napatutop siya sa kaniyang bibig. "Wow," bulalas niya. "Hinatid ko pa nga siya sa delivery room eh."
A what? Delivery room?
"Ohh wait, let me clear that. She is not pregnant, okay? I think kaibigan niya ang nanganak. I don't know, basta—h-huy! Kinakausap pa kita!"
Sigaw niya nang bigla ko siyang iniwan doon. I run fast as I could. I went to Delivery Room but no one's there. Kaya sinubukan kong pumunta ng Nurse Station ng Pedia Ward para itanong kung may bago bang nanganak.
"Ah Yes Doc Neil, Mrs. Samonte po at Twins ang anak." Nurse on Duty said.
Bawal itong gagawin ko pero bahala na. Gusto ko lang siyang makita. Huminga muna ako ng malalim. "Nurse Ella, anong room sila?"
"Doc?" Nagtataka nitong sabi.
Ngumiti ako sa kaniya. "Nurse, I'm a Pedia Doctor." Tanging nasabi ko. I have no choice but to use the 'I'm a Pedia Doctor card.'
"Uhh Yes, Sorry Doc hehe. Hmm...." usal niya bago humarap sa monitor at tumipa doon. "Private Suit 7 po sila Doc."
"Okay Nurse, thank you."
"Welcome po."
Pagkatapos magpaalam ay bumalik muna ako ng opisina para kunin ang stethoscope at Doctors coat ko... to complete the act. Wala na si Doctor Lucas sa loob na ipinagpasalamat ko.
Muli akong lumabas at tinungo ang Private Rooms na nakabukod sa Public Wards ng Pedia Department.
May salaming maliit ang pinto ng kwarto kaya makikita ko mula sa labas ang nasa loob. Sinubukan kong sumilip muna ng palihim habang kunwaring binabasa ko ang isang chart ng isang pasyente.
May isang lalaki sa loob at pasyenteng nakahiga sa kama. Maliban doon ay wala na. Is she even here like what Lucas said?
Napailing nalang akong naglakad pabalik sa opisina ko.
Pagkaupo ko sa swivel chair ay siyang pagtunog naman ng telepono na nakakonekta sa nurse station.
"Doctor Anderson, speaking.." bati ko.
"Doc, you have new patient po. Private Room 7, two babies." Imporma sakin ng sa kabilang linya.
Kumabog ang dibdib ko sa narinig.
"Doc?" Pukaw sakin ng kausap.
I cleared my throat. "Ah yeah, thank you Nurse."
"You're welcome, Doc."
Tumayo uli ko at nagtungo sa Nurse Station para kunin ang detalye ng bagong pasyente.
Samonte Twins:
1st Born - Baby Jacobo Saleem (Boy) , 4:45 pm
2nd Born - Baby Zak Kristof (Boy) , 4:50 pm
Via Caesarian Section Delivery.
Bitbit ang chart ng mga bata ay tinungo ko ang silid kung saan sila naroon. Kumatok lang ako ng dalawang beses bago binuksan ang pinto.
"I'm Doctor Anderson," pagpakilala ko sa kaharap.
"Zakiro Saleem Samonte, Doc."
I nod. "Dumating sa'kin ngayon lang ang request na ako ang pinili niyong maging Pedia ng mga bata, Mr. Samonte."
"Yes. 'Yun po kasi ang sinuhestiyon ng isa sa mga Doctor na nagpaanak sa Asawa ko."
"Hmm, I see. Thank you by the way."
Chineck ko na ang mga bata pagkatapos nun at nagbilin ng ilang paalala bago nagpaalam na umalis.
"Uhh Doc, wait." Pigil sakin ni Mrs. Samonte, ang ina ng mga kambal.
"Yes, Mrs. Samonte?"
"Kailan po uli kayo babalik?"
"Mahal—" ungot ni Mr. Samonte dito.
"I just want to ask Mahal," rason niya bago muling humarap sa akin.
"Ahh tomorrow po Misis. 10 AM po ang first round namin."
"Thank you, Doc. Salamat."
Tumango lang ako at tumuloy nang lumabas at dumiretso ng Nurse Station. Pagkatapos maisulat sa chart ang lahat ng nakitang obserbasyon sa dalawang bata ay pumihit na ako para bumalik sa opisina ko.
Napahilamos ako sa mukha nang maalalang hindi pa pala ako nakaka-pananghalian at ngayon nama'y alas dos na ng hapon kaya ramdam ko na talaga ang gutom. Bitbit ang telepono at wallet ay tumungo ako ng cafeteria para bumili ng pagkain.
Napahinto ako sa paglakad nang makita ko sa may entrance ng cafeteria ang isang pamilyar na mukha. Kasama niya ang isa sa mga head ng Hospital na si Dra. Chan. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok nun.
Jamea... I whispered through my breath. I blink my eyes twice nang bigla siyang mawala sa paningin ko. Napalingon pa ako sa kabuuan ng lugar para hanapin siya. Pero baka dala lang ng gutom ko kaya kung ano-ano na ang nakikita ko.
Napahilot ako sa sentido ko at lumabas na doon. Hawak sa magkabilang kamay ang pagkain ay muli akong napahinto nang makita ko sa nurse station si Dra. Chan at Dra. Giel na may kausap na isang babaeng mahaba ang buhok. May hawak pa itong blue print habang kausap ang dalawa.
That familiar figure.... am I not hallucinating?
I sighed at naglakad palapit sa tatlo. Napalunok ako ng ilang beses nang makita ko na ang kalahati ng mukha niya. Napalingon siya bigla sa kinaroroonan ko at kita ko ang pagkawala ng ngiti sa labi niya at kita ko ang gulat nang magtagpo ang aming mga mata.
"Ohh here's Dr. Anderson," ani Dra. Chan sa huli na ngayo'y nakatitig lang sa akin. "Doc, this is Engineer Mea Samonte our contractor for the new ward,"
Mea Samonte... Engineer...
I blink after hearing those. And realized one thing. She change her name. And now I know why I can't find her before.
"Doc?" Boses ni Dra. Giel na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
"Ahh yeah, nice to meet you... Engineer Samonte," sabi ko habang nakatitig sa mata niya. Kita ko ang pagtaas baba ng dibdib niya. Bago tumango at ngumiti.
"Nice to meet you... Doctor Anderson," tila gusto kong hilahin siya nang mga oras na 'yun at yakapin nang mahigpit.
Gusto kong sabihin sa kaniya nang paulit-ulit kong gaano ko siya kamahal at kamiss.
Sa loob ng maraming taon simula nang magkahiwalay kaming dalawa. Walang gabi na hindi ko inisip ang araw na ito.
Na makikita ko siya.
Makausap.
Makamayan.
Makangitian.
Abot kamay ko na. Kitang kita ko na siya. Pero parang ang layo pa rin niya sa akin.
"We are discussing about the changes in Pedia Department, so I suggested to change some designs and colors into a friendly and attractive to childrens," rinig kong sabi niya. "Also if you agreed, I would like to suggest also if we can put uhm... play area? If that's possible,"
I felt amaze and proud while listening to her. This... this is the woman I love. The woman who gave light to my darkest nights. The woman who made me happy.
The woman I dreamed to be married with.
The woman whos name is Jamea Ysabel Alviar... soon to be Anderson— if God allows. Cross fingers.
"We can discuss it tomorrow during meeting Engineer Samonte," sagot ni Dra. Chan na agad na inayonan ni Dra. Giel. Tumango ang huli at mabilis na nagpaalam sa dalawa bago sa akin.
"Nice to meet you again, Doc," aniya bago mabilis na naglakad paalis at lumiko sa isang pasilyo. Gusto ko siyang sundan. Gusto ko siyang tanongin tungkol sa anak namin.
Ohh God.
Tila natauhan ako sa naisip at mabilis na kumaripas ng takbo para hanapin siya. But it seems like destiny has its own way.
I sighed and turn around. And there I saw her. Looking straight to my eyes. Meters away from me. My love, My Jamea.
Unti-unti siyang naglakad palapit sa kinatatayuan ko at para akong bombang sasabog sa mga oras na ito. Huminto siya ilang dangkal ang layo sakin. Huminga ng malalim bago may inabot saking isang puting envelope.
"What... is this?" Naguguluhan kong sabi pagkaabot ko nun. Nginitian lang niya ako at tila gusto kong tumalon dahil sa ngiti niyang iyon na pinaka namiss ko. Kasi yun siya. Yun ang ngiting nagpa-ibig sakin sa kaniya.
I slowly open the envelope and there I saw a black flash drive. With a written note 'Yoana's File' . I wanted to ask her about it pero bigla nalang niya akong iniwan doon. Tumingin ako uli sa binigay niya at kahit naguguluhan ay parang may bumubulong sa aking tignan iyon.
Tumingin pa ako uli sa dinaanan niya bago bumalik sa aking opisina. I open my laptop and about to insert the flash drive when my phone rings and it's Philip Cruz.
"Yes man?" I said while sliding the black flash drive in my small hand bag. I heard laughs and yells from the other line.
"Aadavan ask me kung sasama ka ba daw sa amin?" Aniya sa mahinang boses. "... nagseselos na talaga ako sa samahan niyo pare," natawa ako ng mahina sa sinabi niya at 'di maiwasang mapaisip kung ganito rin ba kami ka-close ng anak ko pag nagkita na kaming dalawa?
Or magiging katulad ako ni Philip na magseselos sa kung sino man ang taong kasama lagi nito?
PLEASE FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FOR MORE UPDATES:
FACEBOOK: Shiela Arocha
TWITTER: laalaabiesWP
INSTAGRAM: laalaabies
SNAPCHAT: shielaarocha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top