CHAPTER 25
CHAPTER 25
NEIL's POV
I CALLED LUCAS for the third time now nang hindi pa rim siya dumarating. Nababagot na inilapag ko ang telepono ko nang hindi niya sagotin 'yun.
Makaraan ang ilang minuto ay pumasok na siya ng opisina ko dala-dala ang isang folder na hiningi ko sa kaniya.
"I bumped to a familiar face while I'm on my way here Doc." Aniya pagkapasok. Iniabot niya sa akin ang folder at umupo sa couch. "Feel ko talaga nakita ko na ang mukha nun." Dagdag niya habang nakatingin sa kawalan.
"Maybe one of your exes." I shrugged while scanning the documents that I asked to him.
"Hindi rin," iling niya bago pumitik ang kamay. "Alam ko na! Siya yung nasa picture."
My forehead creased. "Picture?"
"Oo, yung picture na ipinakita mo sa'kin nung college pa tayo."
Napaangat ang tingin ko sa sinabi niya. It can be...
"Wala akong maalala na may pinakita ako sa'yo noon." Patay malisya kong sagot sa kabila nang malakas at mabilis na pagkabog ng dibdib ko.
"Doc, alam ko siya 'yun.. teka andito sa wallet ko yung picture eh." Hinugot niya sa bulsa ng kaniyang pantalon ang wallet niya at may inilabas na larawan doon. "Siya nga yun Doc."
Inabot niya sa akin ang larawang 'yun na may malaking ngiti sa labi. Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang makita ang larawan namin ni Ysabel noong nag-aaral pa kami sa Manila. Nakasuot kami dun ng parehong kulay ng polo shirt.
"Are you sure, Lucas na siya yung nakabangga mo?" I asked.
"Naku, Oo naman Doc. Ang ganda nga niya kahit may pagka morena. May bitbit pa nga siyang hard hat na tulad ng sa mga engineers." Saysay niya. Napatayo ako sa swivel chair at malalaking hakbang na binuksan ang opisina at lakad takbo na hinanap siya.
I badly want to see Ysabel. Sa loob ng nakalipas na mga taon, walang gabi na hindi ko siya iniiyakan. Lalo pa at alam kong nagdadalang tao siya sa anak namin na naging bunga ng aming pagmamahalan.
Umabot na ako hanggang sa labas kung saan naka park ang mga sasakyan pero walang Ysabel akong nakita roon. Tinungo ko rin ang ginagawang building pero wala rin siya roon.
Nanlulumong napaupo ako sa upoan habang habol ang hininga. My love Ysabel, please magpakita ka na sa'kin... I silently prayed.
Tumunog ang cellphone ko at nakitang si Lucas ang tumatawag so I answered it.
"Yes," mahina kong sabi.
He sigh. "Doc hinahanap ka na sa ward." Aniya.
"I'll be there in a minute." Sagot ko bago binaba ang linya. Luminga-linga pa ako habang naglalakad patungo ng ward, nagbabasakaling makita siya pero hanggang sa makarating ako doon ay walang anino niya ang nakita.
Pagkapasok ko sa ward ay nakatayo sa loob nun ang mga Nurses kasama si Doc Lucas na makakasama namin sa pagra-rounds. Tumango ako sa kaibigan bago nagsimulang gawin ang trabaho.
BUONG HAPON kong itinuon ang atensyon ko sa ginagawa para maialis sa isipan ko ang sinabi sa akin kanina ni Lucas.
Baka lang kasi namamalikmata lang siya. Posible naman kasing magawi siya dito sa Ospital. Maliban nalang kung may pamilya siyang naka admit dito.
'May bitbit pa nga siyang hard hat na tulad ng sa mga engineers.'
Sumagi sa isip ko ang sinabi niyang iyon. Engineers...
I hastily open the folder that contains file from the project between the CGH-PEDIA DEPARTMENT & SAMONTE CONSTRUCTION. I scan the names of workers assigned on it but a name Jamea Ysabel Alviar wasn't found.
Napahilot ako sa sintido ko pagkasara ko ng folder at nanghihinang napasandal sa upoan.
Napatigil lang ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Tita Selena calling . I swipe the green button to answer her.
"Good afternoon, Dra. Selena," magalang kong bati.
"Good afternoon too, Doc Neil." Aniya. "Nagkita na kami ni Era ngayon." Sabi niya at ramdam ko sa boses niya ang tuwa.
"Good to hear that po, Tita. Nasan po kayo ngayon? May susundo po ba sa inyo pauwi?" Tanong ko habang sinisinop ang gamit.
"Yes, Neil. And nandito kami ngayon sa Lantaw Restaurant... hinahanap ka nga ng apo ko."
I chuckle. "Baka makahabol pa po ako, Tita, pauwi na rin po ako."
"Oh yes, we're glad to have you here... Philip and Era are planning for their wedding now." Kwento niya. Napangiti ako sa narinig.
"I should really be here. Tell Aadavan I'm coming po."
"Yes, Neil. I will." She ended the line after that. I hastily went out of the hospital and hop in my car. Naisipan ko ring dumiretso na ng Lantaw para di na ako abutan ng traffic. Forty five minutes ang biniyahe ko bago makarating sa nasabing kainan.
Pagkapasok ay agad ko silang nakita sa isang bahagi ng restaurant. At may mga pagkain na roong nakahanda pagdating ko.
"Neil!" Era greeted me. She stood up from her sit and give me a kiss on the cheek.
Philip and I did the fist bomb as a sign of greeting each other. I greeted Tita Selena and Aadavan before I seated my self.
"Papa, glad you came." Ani Aadavan sa'kin nang magsimula na kaming kumain. "Lola Selena and Mommy are crying awhile ago after seeing each other."
The two just chuckled. I leaned on Aadavan and rufle his hair.
"They just miss each other, that's why," marahan kong sabi sa kausap bago bumaling ng tingin sa tatlo na may ngiti sa labing nakatingin samin ng bata.
"You really love the kid huh?" Ani Tita Selena sakin habang nakatutok pa rin ang tingin samin ni Aadavan.
I nod and smiled at her. "Opo Tita, sa ilang taon ko rin na nakasama sila ni Eraña, talagang napamahal na po sakin ang bata." Narinig ko ang pagtutol ni Era sa pagbanggit ko sa pangalan niya pero nakangisi ko lang itong kinindatan.
"Hon, please tell me you won't get him as your best man," aniya sa katabi na tumatawang niyakap lang ito at hinalikan sa sintido para pakalmahin.
"I have nothing to invite, David is in Amerika now with his family. He told me he can't promise to go dahil buntis si Crisa ngayon at medjo risky."
"Hays, fine! As if we have choice pa ano? Sabagay bitter naman yan! Sana nga forever nang maging single!"
"Hey! That's foul!" Angil ko na inirapan lang niya sabay belat sakin.
"Sana nga 'di ka na balikan!"
"Era," naiiling na saway ni Philip sa katabi na umirap lang saming dalawa.
Hinayaan ko nalang siya at ibinalik ang atensyon sa kaharap na natatawang tinitignan lang ang anak na parang bata kung makatampo.
"You sure you're not yet pregnant, anak?" Natatawang ani Tita Selena sa anak na agad na ngumuso.
"Ma, you're really a Doctor," makahulugan niyang sabi na ikinagulat ko. Nanlalaki ang matang nagpalit palit ang tingin ko sa kanila ni Philip na tila naguguluhan pa sa pinag-uusapan namin.
"Why? I mean, what are you talking guys? I can't understand..."
"You don't have to know it yet Hon," malambing na sabi ni Era sa mapapangasawa na binigyan pa ako ng makahulugang tingin na ikinatawa ko nalang.
"Bahala nga kayo diyan, kakain nalang kami ng baby Aadavan ko." Natatawang sabi ko bago nagsimulang kumain.
NANG MATAPOS kaming kumain ay pinag-usapan na namin ang tungkol sa nalalapit na kasal ni Philip at Era. Sa susunod na buwan nila napag-usapang maikasal, eksakto sa kaarawan ni Aadavan.
Inaantok at pagod man ay pinilit ko ang sariling umuwi pa rin pagkatapos. Sa condo ni Philip tutuloy ang mag-ina niya, kaya mag-isa lang ako ngayong uuwi ng bahay. Si Tita Selena naman ay sumabay sa kanila pero sa Ospital bababa dahil may ipapaanak.
Nang makarating ako ng bahay ay bumalot ang katahimikan sa kabuuan niyon. Buntong hininga kong tinungo ang kwarto ko at dumiretso ng banyo para maglinis ng katawan.
Dumiretso ako ng balkonahe pagkabihis at napatulalang napatitig sa mga nagkikislapang mga bituin sa langit.
Kung ako lang, gusto ko nang makita sila ng anak namin. Gusto ko nang ihingi ng tawad lahat ng naging pagkukulang ko sa kanila. Sa lahat ng sakit na naidulot ko sa nakaraan. Gusto ko nang itama, at bigyan sila ng buhay na kasama ako at masaya kaming patuloy na magsasama.
Nang umihip ang malamig na simoy ng hangin ay nakapikit kong ibinulong ang panalanging sana... Sana sa muli naming pagkikita ay pwede pa, tanggap at mahal pa niya ako. Tanggap pa niya akong maging ama ng anak namin.
Laalaa says: Unedited part. Push natin! Lavern! 💪✍
PLEASE FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FOR MORE UPDATES:
FACEBOOK: Shiela Arocha
TWITTER: laalaabiesWP
INSTAGRAM: laalaabies
SNAPCHAT: shielaarocha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top