CHAPTER 23

CHAPTER 23

*NEIL's POV*

KINABUKASAN ay maaga akong pinatawag ng Hospital dahil may mahalaga kaming pagme-meetingan at may bagong ipapakilala na bagong Doktor ng CGH.

Alas diyes ang oras ng nasabing meeting na idadaos sa Conference Hall ng Hospital. Pagka park ko ng sasakyan ay sakto namang tumawag ang kaibigan kong Doktor na si Lucas.

"911, Good morning," biro kong sagot na ikinatawa nito sa kabilang linya.

"Grabe, kung 'di ko kilala boses mo Doki, baka maniwala nga akong 911 tinawagan ko," humahalakhak niyang ani. "By the way. sa'n ka na niyan?" Aniya nang makahuma.

"Naglalakad na ako papasok ng Hospital Doki, ikaw?" Sabi ko habang nilalaro sa kamay ang susi.

"Andito na sa Conference Hall, nagkakape habang ngumunguya ng tinapay," tumatawang aniya.

"Sige sige, malapit na rin ako. Tabihan mo ako ng tinapay ha?" Birong blin ko na tinawanan lang nito kaya nagpaalam na ako sa kaniya nang makarating na ako sa Doctor's quarter.

Dumaan muna ako saglit sa opisina ko para iwan ang Lab Coat at ibang mahalagang mga gamit. Tumunog ulit ang cellphone ko at pangalan ni Lucas ang lumabas doon kaya agad kong sinagot 'yun.

"Pare hinahanap ka na dito," aniya sa mahinang boses.

"Okay Pare, papunta na ako." sagot ko at pinatay ang tawag.

Malalaki ang mga hakbang na tinungo ko ang conference hall at naabotan ang mga  kapwa Doktor na prenteng nakaupo na sa kani-kanilang upoan. Kinaway ni Lucas ang kamay niya kaya lumapit ako dun at tumabi ng upo sa kaniya. Pasimple ko pang nilibot ang tingin ko at nakitang wala pa ang Director at ang Head ng OB-GYNE.

"May ideya ka na ba kung sino ipapakikilala?" Bulong ko sa katabi.

"Ahh wala pare eh," lumapit pa siya sa akin. "Pero rinig ko galing Davao daw yun. Bisaya." Dagdag niya. Tumango lang ako bago tumayo at nagtimpla ng kape.

Nakatalikod ako sa lahat nang bumukas ang pinto ng Conference Hall. Kumuha lang din muna ako ng tinapay at nilagay yun sa isang platito bago bumalik sa pagkaka-upo. Akmang hihigop na ako sa kape ko nang mahagip ng mata  ko ang isang pamilyar na mukha ng babae.

Doc Selena? Ani ko sa isip habang pasimpleng sinisilip ang mukha. And Davao?  Anong ginawa niya dun sa loob ng limang taon?

Tumayo na ang Director kaya napabuntong-hininga akong napaupo ng maayos. Iniisip kong papadalhan ba ng mensahe si Era para sabihing nakita ko ang Mommy niya na matagal na naming hinahanap? Pero baka mali lang ang nakita ko at magkamukha lang pala.

"Good day Doctor's," panimula ni Director Miguel Chan, isa sa mga may-ari ng CGH. "We gather here today for some important announcement's," tinignan niya muna kami isa-isa bago nagpatuloy.

"Okay, we have upcoming Medical Operation in one of the barangay here in Cebu na isasagawa natin next Monday. Pipili lang ang bawat heads ng lahat ng departamento kung sino-sino ang ipapadala sa nasabing Medical Operation." We nod our heads in unison while taking down notes.

"And yeah Lastly, we have new Doctor for Obstetrics-Gynecologist Department, she's from Davao and after five years of staying there, she decided to go here in Cebu and apply in CGH." Biglang kumabog ang dibdib ko habang nagsasalita ang Direktor sa harapan. At halos kaposin na ako ng hangin nang ipakilala na nga ang bagong Doktor na kilalang-kilala ko.

"Everyone! Let us all welcome Doctora Selena Garcia!" Doctora stood up in front beside the Director's. Kumakaway na nakangiti ito sa lahat pero nang mapadapo ang tingin sa akin ay unti-unting nawala ang ngiting 'yun. Napakurap ako ng ilang beses nang magkatitigan na kaming dalawa. Naputol lamang 'yun nang umiwas na siya ng tingin sa'kin at binalik ang tingin sa Direktor nang muli itong magsalita.

"A short message for us Doctora," ani Director sa Doctora bago inabot dito ang mikropono.

Ngumiti muna si Doctora Selena bago magsalita. "Thank you for the warm welcome Fellow Doctor's. I'm looking forward for a lots of moments of us to bond."

Pumalakpak ang lahat nang matapos siyang magsalita pero ang mata ko'y nanatiling nakatitig lang sa kaniya. Nagtagpo muli ang aming mga mata pero wala akong makitang gulat at emosyon doon bago siya muli nag-iwas ng tingin. Eraña's face suddenly appeared in my mind. For the past years after we got married- a fake married- she always cry at night looking for her Mother, where she almost had miscarriage because of too much stress.

"Doc, tara na," untag sa'kin ni Doc Lucas nang magsilabasan na ang ibang doctor na hindi ko agad namalayan. Tumango lang ako ng isang beses sa kanya bago sininop ang gamit at mabilis na tinungo ang pinto palabas. Nakasunod lang sakin si Lucas na ngayo'y kausap na sa telepono ang asawang dating doctor rin pero nag resign na simula nang magbuntis sa panganay nilang anak.

Dumiretso ako ng nurse station para i check ang mga chart ng mga batang pasyente. Si Lucas nagpaalam na sakin na pupunta na ng ward. Humarap sakin ang naka duty na Nurse at may binigay na papel.

"What's this?" Tanong ko habang nakatingin sa papel.

"Ahh Dok, pinabibigay po ni Dra. Selena sayo." Sagot nito na ikinagulat ko.

"Where's Doctora?" Tinuro nito ang daan patungong OB-Gyne's clinics kaya walang paalam akong umalis doon para hanapin ang opisina ng nasabing Doctora. Apat na pinto pa muna ang nadaanan ko bago ko nakita ang pangalan ng Doctora kaya kinakabahan man ay kumatok ako doon bago buksan nang magsalita ito mula sa loob.

Nagtaas siya ng tingin nang mabuksan ko ang pinto at iminuwestrang umupo ako sa visitor's chair kaya agad akong umupo doon. She cleared her throat and clasped her hands above the table.

"How's Era?" Agad niyang tanong sa mahinang boses. "Is she doing fine now, Doc Niel?"

"She's good now, Dra," tumatangong sagot ko. "...but for the past years she's... not."

A pain crossed her eyes. "Ilang taon na ang anak niyo?" Mahinang sabi niya.

I shook my head. "Doctora, hindi po kami nagkaroon ng anak ni Era." Bumaha ang gulat sa mata niya sa sinabi ko.

"What? B-but, the kid? Kaninong anak yun? You adopt him?"

"Aadavan? No Doctora. Aadavan is Era and Philip's son." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. But I still continued. "She was pregnant that time we got married."

Doctora Selena gasped while her eyes widened for shock. She gulped and stood up.

"I didn't know," she breathed out. "Neil, I didn't know."

I stood up from the chair and walk near Doctora.

"Tita, your husband, Doctor Edbert warned Era about it. He even locked her in her room that time he knows about her pregnancy... that time also you were in Thailand for Conference."

"That old greedy man really manipulated everything..." she gritted her teeth.

"He's now in jail, Tita." I blurted out.

She gasped. "What?"

I nod. "Nagsampa ng kaso ang pamilya Alviar tungkol sa pagkamatay ni Jaime at Meriel Alviar. Nalaman nila na si Tito Edbert ang nagbayad doon sa driver ng truck na nakabangga sa sinasakyan nila nung gabing namatay sila."

Nanghihinang napaupo si Tita sa malapit na upoan habang sapo ang noo.

"Oh God. Era knows about it?"

"Yes, Tita. Philip told her after she gave birth."

"We- I mean, Ysabel and I didn't know about it." Ani Tita habang nakayuko. Namayani ang katahimikan sa aming pagitan at tanging tunog lang ng aircon ang naririnig namin sa loob.

"How's she, Tita?" Mahina kong sabi maya-maya. Nagtaas ng tingin si Tita Selena at dumaan sa mata niya ang lungkot.

"She... she's good. She's an engineer now."

Namuo ang luha sa mata ko sa narinig at di maiwasang matuwa. "That's good to hear... I'm glad she reach her dream."

"Yeah. Anyway, I want to meet Era and her son, my grandchild tomorrow. It's that possible, Doc Anderson?"

"Yes, Of course, Doctora. I'll tell Era-"

"Ahh no. I want to surprise her." Putol niya sa sinabi ko. Tinungo niya ang mesa niya at binuksan ang drawer. Iniabot niya sakin ang maliit na papel na may contact info niya at pangala doon.

Dra. Selena Garcia- Madrigal, Ob-Gyne
       Davao Medical Team - DDH

Address: Davao City, Davao del Sur

Contact numbers:   0917-673-2768
                                234- 6534      
            

G-mail:   [email protected]

"Davao," basa ko sa address na nasa papel. "You live in Davao Tita?"

She exhaled a sigh. "Yes, Doc, before I marry Eraña's father, I was once a residence of Davao. But I'm not born there, I just have a friend who offered me to live with her before there, and yeah, I'm inlove with the place so I bought a land and build a house." She explained.

"That explains the reason why we can't find you for the past years. That even the best Private investigator that we hired can't find you." Malungkot na ngumiti lang sakin si Tita bago muling yumuko.

"By the way, Tita, I have to go. I have patients to visit now." Paalam ko at bahagyang iniyuko ang ulo. "I'll text you tomorrow for your dinner with Era and Aadavan." Tumango lang sakin si Tita ng dalawang beses na ginantihan ko lang ng maliit na ngiti bago lumabas ng kanyang clinic, na nagsisilbi na din niyang opisina.

Dumiretso agad ako aking opisina bago nagtungo ng nurse station para kunin ang mga patients chart at nag simula ng magtrabaho.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top