CHAPTER 22

CHAPTER 22

*NEIL's POV*

"Remind yourself that darkness and light are part of the same universe," basa ko sa papel na binigay sa'kin ni Dra. Giel nang magkita kami kanina sa Cafeteria.

Ininat ko ang kamay ko saka tumayo at lumabas ng opisina bitbit ang doctor's robe. Nakita ko ang kaibigan kong Si Doc. Lucas na kausap ang isang Nurse na may hawak na magazine.

Magazine na naman? Tsk

"Doc, ito po si Engineer Zakiro Silem Samonte, ang guwapo diba po?" Kinikilig na sabi ni Nurse Irish, pinakabatang Nurse ng Pedia Wards.

"Grabe, gwapong lalaki din naman ako pero nung makita ko siya kahapon sa meeting, nabakla ako bigla." Natatawang ani Doc. Lucas sa kausap.

"Oo nga po Doc, hays, pero ang sabi nila kahapon may girlfriend na daw."

"Hmmm diko rin sure, wala kasi siyang kasama kahapon-" napahinto siya sa pagsasalita nang tapikin ko siya sa balikat. "Oh Doc. Niel," nakangiting ani niya.

Tumango lang ako kay Nurse Irish nang bumati ito sa'kin bago bumaling ng tingin ang kaibigan. "Uwi na'ko Doc, may dinner kami nina Era," ani ko na ikinatango niya agad.

"Sige Doc, send my regards to Aadavan." Ngumiti lang ako bago tumalikod na at naglakad palabas ng Hospital.

Napahinto pa ako sa pagbukas ng pinto nang makatanggap ako ng text mula kay Era.

Era Madrigal: Neil? Phil decided to have our dinner at Lantaw Restaurant... mauuna na kami dun nina Aadavan, okay? See you!

I just reply OKAY at sumakay na ng kotse bago pinaandar yun paalis.

NANG makarating ng Paraiso Village ay agad na sumaludo sa akin ang nakabantay na Security guard bago ako pinagbuksan ng gate.

Pagkahinto ko ng sasakyan ay ang nakangiting mukha ni Mang Ramon ang bumungad sa akin, nagmano ako sa kaniya pagkababa.

"Kakaalis lang ni Eraña kasama si Aadavan at Philip." Anito nang nasa loob na kami ng bahay.

"Sige po, pahinga lang po ako sandali. Mamaya pa naman po kami magdi dinner." Tumango lang ang huli bago nagpaalam na babalik na ng bahay nila na nasa likorang bahagi lang din ng bahay namin.

I sighed before I close my eyes to sleep for awhile. Not minding na sasakit ang likod ko dahil nasa sofa lang ako pumwesto.

Nang mag aalas otso na ay ginising ako ni Mang Ramon kaya dali dali akong umakyat ng kwarto para maligo at magbihis papuntang Lantaw Restaurant.

Naipit pa ako sa traffic kaya naka ilang tawag si Era bago ako nakausad.

"I'm almost near babe, na stuck lang ako sa traffic." Natatawang aniko ng sagotin ko ang tawag niya.

"Fine. Naiinip na si Aadavan, kanina ka pa hinahanap." Anito bago binaba ang tawag.

Naiiling nalang akong nagmaneho at mas binilisan pa ang pagtakbo dahil baka muling tumawag si Era.

Patakbo akong pumasok ng Lantaw at napangiti nang ngumiti si Aadavan pagkakita sa aking papasok ng nasabing restaurant.

I kissed him on the cheeks bago bumati sa dalawa na nakangiting nakatingin sa amin ni Aadavan.

"Let's eat!" Masayang ani Aadavan na ikinatawa namin at kumain na nga.




*JAMEA's POV*

BUONG ARAW lang akong nagmukmok sa kwarto ko nung araw na yun, at sinikap na huwag isipin ang nangyari kahapon.

Pumasok bigla sa isip ko ang sinabi ng anak ko na gusto niyang makita ang lalaki, ang ama nito. Napabuntong hininga akong tumagilid habang yakap ang isang unan.

"Limang taon na pero bakit ngayon ka lang nagpaparamdam kung kailan unti unti na akong nakakabangon." Bulong ko sa sarili.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ko pagkatapos ng dalawang katok.

"Sweetheart?" Malambing na tawag sa'kin ni Kuya Zakiro nang makalapit sa gawi ko. He sighed heavily before hugging me from the back. "Stop thinking him okay? Let'go downstairs, maghahapunan na tayo. Sabi sa'kin ni Cora hindi ka raw lumalabas ng kwarto mo kanina pang umaga."

"Paano kung bumalik nalang ako ng Davao, Kuya?" Paos kong sabi bago siya hinarap. "Parang ang hirap kumilos kung ganitong araw-araw kong naririnig sa lugar na'to ang pangalan niya." Dagdag ko.

Marahang iniabot ng kamay ni Kuya ang buhok ko at hinahaplos haplos yun. "Sweetie, you know we can't, besides nang tumawag ako kanina kay Mama Celia para mangumusta ay sinabi niya sa aking didito na rin siya sa Cebu bukas,"

Umiiling iling ako sa sinabi niya. "Pero Kuya-"

"Sweetie, hey, Listen, Neil is Yoana's Father, kahit saan ka pumunta o magtago, darating at darating talaga ang panahong pagtatagpoin ang mga landas niyo."

"I know, pero Kuya hindi ako handa sa ganito. Kakasimula ko palang uling bumangon para sa sariling pangarap ko." Desperado kong ani.

"Then, Use him as your motivation,"

"Ano?"

"Yes sweetie, use your pain to be your motivation, use Neil Anderson." Nakangiting sabi niya na ikinagulat ko.

"Kuya naman ginugulo mo lang ako eh," naiinis kong sabi bago nagdesisyong tumayo at pumasok ng banyo para maghilamos.

"Hindi kita ginugulo, binibigyan lang kita ng paraan para magpatuloy."

"Ewan ko sa'yo! Bumaba kana nga magbibihis lang ako sandali."

"Mag ayos ka, mukha ka ng chaka." Aniya nang makalabas.

"Ikaw ang pangit!" Sigaw ko na ikinatawa niya lang. Naiiling kong kinuha sa closet ang pares ng damit at sinuot yun at nagsuklay ng buhok bago bumaba.

Naabotan ko ang mga kasambahay na naghahanda ng pagkain habang sina Kuya, Cristel at ang anak kong si Yoana ay magkatabing nakaupo habang kausap si Mama Celia. Kumaway lang ako sa kanila bago pumasok ng kusina at uminom ng tubig.

Narinig ko ang hagikhikan ng mga kasambahay habang tutok ang mata sa TV na nasa kusina. Nakangiti akong lumapit sa kanila bago tinuon ang paningin sa telebisyon.

Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ang mukha ni Neil kasama si Era at isang batang lalaki. Parang sinaksak ng ilang beses ang puso ko sa nasaksihan. Kandong kandong ni Neil ang bata habang katabi si Era.

Sandali lang ang balitang iyon pero tumatak agad sa isip ko ang larawang iyon. Nasasaktan ako para sa anak kong si Yoana, iniisip ko palang ang masayang mukha niya habang binabanggit ang pangalan ng lalaki ay dinudurog na ang puso ko.

Agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko nang pumasok sa kusina ang tatlo. Pekeng ngiti akong humarap sa kanila sabay lapit sa anak ko.

"Mama let's eat na po," masayang aniya na lalo kong ikinalungkot. Ngumiti lang ako sa kaniya at nagsimula ng kumain pagkatapos mag-usal ng pasasalamat.

Marahang iniabot ni Cristel ang kamay ko bago pinisil yun. "You'll be fine Ysabel," nakangiting aniya na ikinatango ko bago gumanti ng pisil sabay ngiti sa kaniya.

"Thank you, Cristel." Buong puso kong sabi. Tumango lang siya bago nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos ay dumiretso ako ng sala at tinawagan si Mama Celia.

"Hi 'Ma!" Masayang bati ko nang sagotin niya ang tawag ko. "I heard from Kuya Zak na pupunta na daw po kayo dito ng Cebu?"

"Hello anak, at Oo, ang lungkot lungkot ko dito eh. Pati namimiss ko na rin ang apo ko."

"Namimiss ka na nga rin po kita Ma," ani ko na ikinatawa niya sa kabilang linya.

"Alam ko, ikaw pa ba eh para kang si Zakiro kung makadikit sa akin."

"Ehh bine baby mo kami eh,"

"Masaya akong bine baby kayong tatlo."

"Ano oras po ba ang flight niyo bukas para masundo po namin kayo?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Alas siyete ng umaga, at nako huwag na anak. Didiretso kasi ako ng Cebu General Hospital para sa pagpapasa ko ng ibang dokyumento." Aniya.

"Okay sige po kung ganon, susunduin ka nalang namin sa Hospital pauwi dito?"

"Huwag na rin anak dahil si Bencho ang susundo sa akin, yun ang sabi sa akin ni Zakiro kanina."

Napipilitang tumango ako sa sinabi niya. "Okay sige po. Ingat po kayo sa biyahe ha. Miss kana po namin."

"Hindi niyo na ako mamimiss pag andyan na ako. O sya sige anak, gabi na, magpapahinga na ako at maaga aking babiyahe bukas." Paalam nito sa kabilang linya.

"Sige po Ma. Goodnight po, see you tomorrow! Bye!" Nakangiti kong nilapag sa gilid ang telepono nang matapos ang tawag.

Nagpasya na akong umakyat ng kwarto para makapagpahinga. Si Kuya Zakiro at Cristel ay natulog na sa kani kanilang kwarto habang si Yoana naman ay kanina pa tulog.

Pagkapasok ko ng kwarto ko ay nagsepilyo lang ako at naghilamos bago humiga ng kama at nag-usal ng panalangin bago tuluyang humiga.

"May masaya ring balita akong narinig sa wakas, makakatulog na rin ako ng mahimbing." Naiiling kong sabi sa sarili bago tuluyang matulog.





SHILAMOI || shilamoi

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top