CHAPTER 20

CHAPTER 20

*NEIL POV*

"OKAY baby Samyuel, inhale exhale para ma check ni Kuya Neil kung nawala na ba ang ubo mo okay?" Malumanay'ng ani ko sa batang pasyente. "Okay.. inhale, exhale. Very good baby."

Humarap ako sa Nanay ng bata at ipinaliwanag ang pagbuti ng kalagayan nito. "Naku salamat po Dok. Salamat kaayo sa pag-atiman sa akong anak," naluluha nitong sabi.

*Translation (to Tagalog) : Maraming salamat sa pag-aalaga sa anak ko.*

"Walang anoman po Misis Tan. Oh paano po, pwede niyo na pong asikasohin ngayon ang mga papeles para po sa inyong paglabas. Bukas na bukas makakalabas na po kayo ng Ospital, kailangan lang nating manatili muna ngayon dito para sa gamot na iinomin ni Samyuel." Ani kong nakangiti bago nagpaalam at lumabas ng kwartong iyon.

Naabotan ko si Dr. Lucas Del Campo na kapwa Pediatrician din sa Nurse station habang nagsusulat sa charts, mahina ko siyang tinapik sa balikat bilang pagbati.

"Well well well, hey Doc," anito sabay suntok ng mahina sa'king balikat.

Natatawa ko siyang binalingan ng tingin. "Ang busy mo nitong mga nakaraang araw ah." May halong sarkasmo kong sabi na ikinatawa nito.

"Oo pare, nag request kasi si Camila na pumunta kami ng Maldives. So syempre bilang butihing asawa, sinunod ko naman." Pabulong nitong sabi sabay tawa.

"Buti ka pa nakapag bakasyon na, ako hindi pa pwede,"

"Ha? Bakit?" Aniya sabay bigay ng charts sa Nurse. "Nurse Mylene heto ang para sa Room 130, salamat."

"Sa Lunes kasi ang meeting namin with the Samonte Construction. Kailangan daw akong dumalo dahil isa ako sa aaproba nang nasabing proyekto." Kibit balikat kong sabi.

"Ohh I see that. Nice," nakangiti niyang sabi sabay ayos ng coat. "So pano Doc Neil," nanunukso niyang sabi sabay tawa. "Uuna na ako, dadaanan ko pa ang isang pasyente sa ward bago umuwi."

"Whatever pare, bye."

NANG mag aalas-tres na ay saglit akong dumaan sa cafeteria ng Ospital para umorder ng kape. Pakinig ko ang pagtunog ng telepono kong nasa bulsa ng aking coat. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Philip na rumehistro doon.

"Hey man," bati ko habang nasa pila. "What's up?"

"Hey dude... how's She?" Aniya sa mahinang boses.

"One Cappuccino to go please, thank you. Ahm She's good man. Uhh by the way, I have something important to tell you."

Pakinig ko ang pagtikhim niya sa kabilang linya bago sumagot. "What is it man?"

Huminga muna ako nang malalim at marahang hinilot ang sintido. "Aadavan,"

"Aadavan? Who's Aadavan?"

"Your Son. Your Son to Eraña."

Nawalan siya ng imik, at maya-maya pa ay narinig ko siyang napamura. "Fuck, fuck, fuck, don't you lie to me dude!"

Malalim akong humugot ng hininga bago siya sinagot. "Philip my man, you know how I wish it was just a lie."

"Good, god." Anito at bago pa ako makapagsalita ay tinawag na ang pangalan ko para sa order.

"Thank you," iyon lang at agad na akong lumabas ng cafeteria. Naabotan ko si Doctora Giel sa may hallway kaya pinatay ko na muna ang telepono ko dahil nawalan na ng imik si Phil sa kabilang linya. "Hey Dra. Giel." Ani ko nang lumingon siya sa aking gawi.

"Oh Doc Niel, hello." Malambing na bati nito. Nagawi ang tingin niya sa kamay kong may hawak ng inorder kong kape. "Having your snack, I see." Natatawa niyang ani.

"Yeah Dra Giel," nanunukso kong sabi na ikinailing lang nito. "Oh by the way, on Monday, meeting with the Samonte Construction."

"Yes Doc. Niel, ni-remind nga ako ni Doc Gregor kanina."

Tumango ako sa sinabi niya bago nagpaalam na. "That's good. Sige Dra. Giel, I have to go." Nginitian lang niya ako kaya naglakad na ako papuntang opisina.

Agad kong hinubad ang coat ko at nilagay sa swivel chair. Umupo ako sa gilid ng mesa habang ang mga mata ay nasa labas ng bintanang salamin. Nakatitig sa mga ibong nakadapo sa mga puno, napangiti ako nang maalala ang mga panahong tumatambay kami sa garden ng University noon kasama siya.

"How I wish you're here beside me Love," I murmured and smile sadly. I heave a deep sigh and drank my coffee.

IT'S NEAR SIX P.M. when I got home, habang pinapark ko ang aking sasakyan ay napakunot ang noo ko nang makitang may isang hindi pamilyar na sasakyan doon.

Agad kong inalis ang seatbelt at nang makababa ng sasakyan, ay ang tahimik na loob ng bahay at tanging Ilaw lang ang nagsisilbing buhay sa loob nun.

Pinihit ko ang pinto pabukas at nakita ang isang kasambahay na naghahanda sa kusina ng pagkain na halos hindi na magkanda-ugaga sa paghahain. Naglakad ako palapit at sinilip ang mga pagkaing niluluto niya.

"Ano'ng okasyon Manang Beth?" Agad itong napatalon sa gulat nang magsalita ako.

"Ay jusmiyo!," nakahawak pa siya sa dibdib niya nang lingonin ako. "Bata ka talaga, oo." Naiiling niyang sabi at mahina akong hinampas sa braso na ikinatawa ko lang bago siya nagpatuloy sa ginagawa. Hinarap niya ako sandali at tumalikod para kumuha ng mga kubyertos. "May bisita si Eraña, gwapo." Dagdag nito na may ngiti pa sa labi.

Kunot ang noo ko sa sinabi niya. Gwapo?

"Sino ang nagpapasok dun?" Seryoso kong sabi na ikinabigla nito. "Hindi ba't-"

"Si Eraña. Ano ka ba! Para ka namang ano diyan." Taas ang kilay nitong sabi. "Nandoon sa itaas, nasa playroom ni Aadavan." Tuloy nitong sabi at tumalikod na uli para magpatuloy sa ginagawa

Para akong sumali sa marathon nang marinig ko 'yun. Patakbo akong umakyat sa itaas at malalaki ang mga hakbang na tinungo ang kwarto'ng tinukoy ni Manang Beth. Mula sa loob ay rinig ko ang masayang tawa ni Aadavan. Pipihitin ko na sana ang pinto pabukas nang bigla yung bumukas at iniluwa ang gulat na mukha ni Era.

"N-neil," utal niyang ani sabay lingon sa likod. "A-ahh nakauwi ka na pala." Bakas ang kabang aniya.

"Daddy, look it's cool." Boses ni Aadavan na halatang masaya at nakangiti habang kausap ang sino mang kaharap. "Papa Neil bought it for me." Dagdag nito.

Seryoso ang tingin kong tinitigan si Era bago huminga ng malalim. "N-neil-"

I cutted her off. "Is He inside?" Ani ko sa malamig na boses. "Era."

"Yes," mahina niyang sabi sabay yuko. "Jeza told him about our whereabouts. I'm sorry kung hindi na kita tinawagan."

Tinapik tapik ko ang balikat niya na ikina-angat niya ng tingin. Nginitian ko siya sabay iling. "That man misses you that much babe. We'll just talk about it later okay? Now go, spend your time together."

Niyakap niya ako bigla nang mahigpit sa sinabi ko. "Sorry. Hindi ko lang kasi talaga alam ang gagawin ko kanina nang bigla siyang dumating kasama si Jeza na umalis din kaagad dahil may meeting pa siya with her new Models na hina handle."

"Era, it's okay. Go now, I'll just call you kung kakain na." Tumango lang siya sa sinabi ko at agad nang bumalik sa loob. Nginitian ko lang siya bago tuluyang sumara ang pinto.

Naiiling nalang akong naglakad patungong kwarto ko na kasunod lang ng playroom ni Aadavan. Mabilis kong hinubad ang lahat ng saplot sa katawan bago nagtungo ng banyo at naligo. Pagkatapos ay agad akong bumaba ng kusina para silipin kung maayos na ba ang hapag. Naabotan ko si Manang na kinukunan ng litrato ang mga pagkain na lagi niyang ginagawa na nakasanayan ko na at ni Era.

"Baka naman pwede mo akong isali sa kukunan mo ng litrato diyan?" Ani ko nang lumingon ito sa akin. Inirapan niya ako nang makita niya akong nakangiti habang nakahilig sa hamba ng pinto. "Sige na Manang, malay mo madiscover ang ka-pogian ko diba?" Pangungulit ko pa na agad naman nitong inayonan.

"Sige upo ka doon," turo niya sa pang-gitnang upoan. "Sige diyan, oh ngiti ka na." Malaki ang ngiting tinuon ko ang paningin sa camera niya na iniregalo namin sa kanya ni Era noong mag Bagong Taon.

"Ano Manang gwapo ba ako diyan?"

"Aba naman, ako pa! Sige isa pa," saad niya kaya mas lalo kong nilakihan ang aking ngiti. "Ayan, oh nasa'n na sina Era ba? Ikaw nalang tumawag doon at sumasakit na ang tuhod ko."

"Naku umeedad na nga," natatawang ani ko na ikinatawa lang ng huli. "Diyan ka lang Manang, tatawagin ko lang sila."

NANG makarating ako sa harap ng pinto ng playroom ni Aadavan ay kumatok lang ako ng tatlong beses at agad na itong bumukas, nagka gulatan pa kami ni Philip na karga-karga si Aadavan na bitbit pa ang laroang sasakyan na ibinili ko sa kaniya nung nakaraang linggo.

Ngumiti ako nang nakabawi at bahagyang sumilip sa loob kung saan naroon si Era habang may katawagan. Sumenyas lang ako ng kain at agad naman itong tumango, muli kong nilingon ang dalawa na ngayon ay nagngi ngitian pa sa isa't-isa.

"You two, dinner time. Let's go downstairs." Agad na akong naglakad pababa pagkasabi nun at hinintay silang bumaba.

PAGKATAPOS naming kumain ay biglang tumunog ang cell phone ko.

Doc. Gregor calling ...

Agad ko itong sinagot habang ang kaliwang kamay ay nagtitipa sa laptop. "Good evening Doc. Greg," magalang kong bati sa kausap.

"Good evening Doc. Niel, by the way, we are invited for an interview tomorrow, Sunday at nine AM, hope you're free." Anito na ikinahinto ko sabay sulyap sa gilid kung nasa'n ang Checklist ko.

"Ahhh.. I'm free tomorrow Doc," ani ko nang mai check ang Schedule na nasa bed side table ko.

"Okay, that's good. Alright, that's all Doc. Have a good night sleep. Bye."

"Thanks for the call Doc. Bye."

KINABUKASAN nang dumating ako sa Hospital ay hinarang ako nang nakangiting mukha ni Doc Lucas.

"I-interviewhin na daw tayong mga pogi," naiiling pang sabi nito habang magka-akbay kami papasok. "Doctor ang tinapos ko, pero ang endgame ko yata ay pag-aartista."

"Puro ka kalokohan, ikaw ba talaga ang Top 2 ng Batch natin? Hindi kapani-paniwala." Pabirong ani ko na ikinatawa lang namin pareho at tumahimik lang nang makapasok na kami sa Conference room kung saan kami i-interviewhin.

"Everyone, Doctor Neil Anderson and Doctor Lucas Del Campo,"

And just that, the so called Interview started....





SHILAMOI || shilamoi

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top