CHAPTER 19
CHAPTER 19
*JAMEA POV*
PAGKAUWI namin sa hacienda ni kuya Zakiro ay naabotan naming umiiyak si Yoana habang hawak hawak ang plato na may laman ng pasta, kaya agad ko siyang nilapitan para pakalmahin.
"Hey baby, anong nangyari at umiiyak ka?" Masuyong sabi ko habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi niya.
"Mama," umiiyak niyang sambit sabay yakap ng mahigpit sa'kin. "Akala ko po iniwan niyo na akong dalawa ni Papa." Humihikbing aniya.
"Hey, hindi namin gagawin 'yun anak. May inasikaso lang kami ni Papa Zak mo."
"Yoana baby," ani Kuya sa malambing na boses na lalong ikinalakas ng iyak niya.
"Papa!"
"Hey, sorry kung hindi na kami nakadaan sa school mo. Marami kasi kaming inasikaso ni Mama mo para sa pag-alis natin."
"Tahan na anak, malamig na ang pasta mo oh." Ani ko na siya ring paglabas ni Mama Celia galing kusina.
"Oh? Bakit umiiyak yang apo kong 'yan." Gulat at puno ng pag-aalalang sabi ni Mama Celia sabay yapos kay Yoana.
"Akala daw niya na iniwan na namin siya ng Papa Zak niya." Ani ko habang hinahaplos ang buhok ng anak kong mahina ng humihikbi. "Baby, you okay now?" Mahina siyang tumango at bumitaw sa pagkakayakap sa Mamu niya na ikinabuntong hininga ko.
"Yoana baby, Papa will feed you para makapag play ka na. Gusto mo ba yun?" Malumanay'ng ani Zak na agad nitong sinunod.
"Ahh Papa," ani Yoana maya-maya na agad namang sinubuan ni Zak ng pasta.
"Bihis lang si Mama sa taas anak ha." Paalam ko sabay halik sa pisngi niya na tinangoan niya lang, hindi makapagsalita dahil puno ang bibig.
Habang nagbibihis ay biglang tumunog ang Iphone ko at nakitang si Mara ang tumatawag kaya nakangiti ko itong sinagot.
"Hey Babe!" Aniyang nakangiti pa habang buhat-buhat ang tatlong taong gulang niyang anak na si Aeron. "Say hi to Tita Ysa baby."
"Ang cute cute cute talaga ng baby na yan,"
"Syempre, mana sa Daddy." Ani Bryan at iniharap pa ang mukha sa screen. "Hi Ysa,"
Nakangiti kong ikinaway ang kamay sa kanila. "Hello Bryan, kumusta naman ang kaibigan ko? Hindi ka ba pinapahirapan?"
"Nako kung alam mo lang Ysabel." Umiiling aniya na ikinatawa ko ng malakas dahil nakasimangot na si Mara sa tabi nito.
"Kung alam mo lang ano ha? Ano Bryan?" Mataray nitong sabi sa lalaki na ikinatawa naming tatlo.
"Grabe hindi pa rin kayo nagbabago, buti nga at nagkakasundo kayo."
"Syempre naman Ysa," ani Bryan at nanlalambing na umakbay kay Mara na kinikilig na sa inakto ng asawa. "Yun mismo ang nagpapatibay sa pagsasama namin bilang mag-asawa."
"Baby naman! Kinikilig na ako." Ani mara na ikinatuwa ko. "Nga pala Babe, si Crisa uuwi na. Ikaw? Kailan ka magpapakita sa'min?"
"Kailan daw uwi niya? .. at ako? Hindi ko pa sigurado Mara kung kailan ako babalik diyan sa Manila. May kontrata kasi kami sa Cebu eh."
"Next week sila uuwi ni Attorney David from Paris, and Wow! Congrats Mea! by the way, san si Papa Zakiro Silem?" Nanunudyong aniya na ikinailing ko lang.
"Nasa baba, pinapakain ang baby meow niya."
"Aww our baby Yoana, nagpapalambing."
"Oo nga eh, Papa's girl masyado." Tumatawang ani ko.
"Okay lang yan. Oh siya pano babe, bukas ulit. Dahil dedede na ang Baby Aeron ko. Bye loveyou!" I just wave my hand before the line ended.
Pagkababa ko ay ang malakas na tawanan habang naghahabulan ang agad na bumungad sa'kin. Napailing nalang ako nang makitang naliligo na silang dalawa sa pawis.
"Huli ka Papa!"
"Takbo Yoana, hahabolin kita!"
"Yoana, Zak, itigil niyo ng dalawa 'yan. Basang basa na kayo Oo." Naiiling na sabi sa kanila ni Mama Celia. "Yoana apo, lapit ka kay Mamu dali."
"Ang pawis ko na din Ma, ako din." Birong sabi ni Kuya kay Mama na ikinatawa naming lahat.
"Magpapunas ka ng pawis dun sa girlfriend mo."
"Girlfriend mo na si Cristal?" Ani ko kay kuya Zak na ngayon ay kumakamot kamot na sa ulo. "Hala namumula ang pisngi!"
"Mea! Sige kikilitiin kita hanggang hindi ka na makahinga sige!" Banta niya na ikinatawa ko lang.
"Hindi ka sasagotin nun uy!" Inirapan niya lang ako bago tumayo papuntang kusina. "Dalhan mo rin ako ng tubig para kay Yoana kuya!"
"Manigas ka diyan!"
"Ako na'ng kukuha anak," ani Mama Celia. "Oh apo upo ka dun kay Mama mo." Patakbong lumapit sa'kin si Yoana na agad naglalambing na umupo sa hita ko.
"Mamimiss ko si Mamu pag pumunta na tayo ng Cebu Mama." Ani Yoana sa mababang boses. "Pero gusto ko talaga dun, sabi kasi ni Papa Zak isasama daw niya ako lagi sa opisina para masanay ako." Masayang dagdag niya na ikinatuwa ko.
"Gusto mo rin bang maging Engineer tulad ni Mama at Papa anak?" Masuyo kong sabi na inilingan niya. "Ha? Eh ano?"
"Doktor Ma," aniya na ikinagulat ko. "Para pag katulad ka na ni Mamu ako ang gagamot sa'yo."
Nagkalayo nga tayo ng landas, nag-iwan ka naman ng bagay na magpapa-alala sa'kin sa'yo...
Napailing ako sa naisip. "Okay, kung 'yan ang gusto mo anak. Susuportaan ka namin ni Papa Zak mo." Ngumiti lang sa'kin si Yoana na sinuklian ko din.
"Oh apo inom ka muna," si Mama Celia. Bumaling ang tingin niya sa'kin at nagsalita, "kumusta ang lakad niyo Mea, kumpleto na ba ang papeles niyo?"
"Opo ma, kumpleto na po." Ani kong nakangiti sabay baling ng tingin kay Yoana. "Anak tara akyat muna tayo sa kwarto, papaligoan na kita."
"Okay po Mama." Anito na agad hinawakan ang kamay ko at sabay kaming naglakad paakyat ng kwarto.
"Mama, I love you po," biglang sabi ni Yoana nang makabihis. Napangiti ako kahit ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko.
"Mahal na mahal din kita anak," ani ko sabay halik sa noo niya.
"Hey babies," si Zak habang nakasilip ang ulo sa nakaawang na pinto. "Let's go downstairs, time for dinner." Aniya kaya sabay na kaming lumabas pababa ng kusina.
"Kuya Zak tumawag ba sa'yo si Lola?" Ani ko nang makapagsimula kaming kumain.
"Kanina lang, bakit ikaw? Nakausap mo na?"
"Hindi pa nga kuya, bukas nalang siguro ng umaga." Agad siyang tumango sa sinabi ko at nagpatuloy sa pagkain.
"Mama, Papa, Mamu," ani Yoana nang matapos ko siyang pakainin. "Kilala niyo po si Doctor Neil?" Inosenteng tanong niya na ikinalakas ng kabog ng dibdib ko. "My classmate said to me that he's a famous Pedia in the country. Mama, can I meet him?" Dagdag niyang tanong habang may ngiti sa labi na ikinatigil ko lalo. Why now? And wait, a Pedia?
"A-ahh Baby, finish your food na para makarest ka na okay?" Gagap ni Kuya Zak mula sa pagkagulat naming lahat, na mabuti nalang ay agad na sinunod ni Yoana.
He's a Pedia already, and I am an Engineer too .... sa mga panahong natupad niya ang pangarap niya, iba ang nakasama niya. Mga pangarap na sabay naming pinangako sa isa't isa na tutuparin.
Bumuntong-hininga nalang ako bago ibaling ang tingin kay Mama Celia ng mahina niyang pinisil ang kamay kong nanginginig sa sobrang kaba.
"Everything will be fine Mea," pagpapalakas loob niyang ani na may ngiti sa labi. "Everything will be fine." Ulit niya bago nagpatuloy sa pagkain.
NANG MATAPOS kaming kumain ay agad akong pumasok ng kwarto, agad kong iniyakap ang unan na may mukha ni Yoana nung unang kaarawan niya.
Agad na tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan, naisubsob ko ang mukha sa unan sa takot na marinig mula sa labas ang mga hikbi ko.
"Doctor at Modelo, wow, bagay na bagay nga." Ani ko habang umiiyak. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha sa pisngi. "All is well Mea, All is well." Bulong ko sa sarili habang nakatingala sa kisame.
Lumabas ako ng aking kwarto bitbit ang unan na may mukha ni Yoana at pumasok ng kwarto niya. Naabotan ko siyang mahimbing na natutulog at yakap yakap ang stuff toy niya'ng Rapunzel na ibinili sa kanya ni Zak noong pumunta siya ng Japan.
Maingat ang kilos akong tumabi sa kanya bago halikan sa noo at niyakap ng mahigpit para matulog na.
"I'll do everything for you anak, pero huwag mo namang binibigla bigla si Mama."
Mahinang bulong ko habang nakayakap sa kaniya bago ipikit ang mga mata para matulog na.
SHILAMOI || shilamoi
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top