CHAPTER 17

CHAPTER 17

*JAMEA POV*

Dumiretso ako ng sala at naka krus ang mga brasong umupo habang hinihintay siyang lumabas ng kusina.

"Ang kulit kuliiiiit mo talaga Kuya Zakiro!" Buong inis kong sabi nang umupo siya sa katapat kong upuan.

"She blackmailed me sweetie, you know what she told me?...." tinignan ko siya ng masama at inismiran. "... she told me 'Papa I got three stars oh, look! See? So it means you'll allow me to eat chocolate' , Mea naman alam mo namang kahinaan ko 'yang pamangkin ko."

"Paano kung sumakit na naman tiyan nun?"

"Hindi yun, promise. Maliit na cloud 9 lang pinakain ko nun," aniya sabay taas ng kanang kamay.

Tumayo na ako at naglakad paakyat ng hagdan. "Basta sa susunod huwag mo ng pakakainin, kahit pa umiyak. Matulog kana, hindi tayo bati."

"Oo na! Kahit maldita ka sa'kin mahal parin kita sweetheart!" Sigaw niya mula sa baba na ikinailing ko lang.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad agad sa akin ang tahimik na kwarto, dumiretso ako ng banyo for my night routines at nagbihis ng pajama para makatulog na.

Bumaling ang tingin ko sa bedside table ko na may larawan ni Yoana nung baby pa siya. Napangiti ako ng mapait nang maalala ang mga pinagdaanan ko sa nakalipas na mga taon.

《Flashback, 5 years ago...》

"Ahhh Tita Celiaaaaa, ahh a-ang sakit. Aahhhhh," namimilipit sa sakit kong sigaw. Kabuwanan ko na at sumakto pang madaling araw humilab ang tiyan ko kaya rinig na rinig ang aking pagsigaw sa buong kabahayan.

Mga nagmamadaling takbo ang narinig ko at pagbukas ng pinto. "Mea!," sigaw niya ng makita ako sa sahig pagkapasok. "Cristal, Junie gisingin niyo si Lito bilis, manganganak na si Mea!"

"O-opo Doktora."

"Tita, ang sakit sakit na po," naiiyak kong sabi sabay kapit sa braso niya. "Ahhhh!"

"Kunting tiis nalang Mea ha," tumango ako kahit nahihirapan dahil sa sunod sunod na pagsakit ng tiyan.

"Doktora! Nako pasensya na po at medjo natagalan," ani Lito, ang hinire na driver namin para sa aking panganganak.

"Bilisan na natin Lito, buhatin mo na pasakay si Mea, kukunin ko lang ang mga gamit ng bata."

Agad na akong binuhat pababa at isinakay agad sa sasakyan, dalawampung minuto lang ay narating na namin ang Ospital.

"I'm Doktora Garcia at manganganak na ang pasyente ko. Pakidala na agad sa D.R. (Delivery Room)." Ani Tita Celia sa mga Nurses na umasiste sa amin.

"Yes po Doc," agad na tumalima ang mga Nurses at agad akong dinala sa D.R.

"Doc Garcia, 5cm, 3:30 am." Ani ng Medical staff na nasa loob ng D.R. na tinangoan lang ni Tita.

"Aahhhhh," sigaw ko ng humilab na naman ang aking tiyan. Agad akong dinaluhan ni Tita at hinahaplos haplos ang aking kamay at mga paa na parang sa ganoong bagay ay nawawala ang sakit.

"Inhale, exhale, Hinga ka ng malalim Mea bago umire and I'll count one to ten, okay?" Ani Tita ng umabot na ako sa 9cm. "Okay, ready, Mea push... push... Good, keep doing it... yes, almost near Mea... moreeeee, more Mea. Last push.... Good job Mea."

Magkahalong pagod at saya ang naramdaman ko ng marinig ko ang anak kong ngumawa habang karga ni Tita. "It's a healthy baby Girl Mea," naiiyak na sabi niya habang nakatutok ang mga mata sa anak ko.

"Yoana," biglang sabi ko na ikinalingon ni Tita sa'kin. "... I'll name her Yoana Tita."

《End of flashback》

"Yoana, my God's Gift." Nakangiti kong hinaplos ang mukha ng anak ko at pinatakan ng halik bago ibinalik sa bed side table.

Nagusal muna ako ng panalangin bago humiga sa kama at tumitig sa kisame. "It's been five years, did he even tried to find me?" Mapait kong sabi bago niyakap ang isang unan. "Malamang may anak na rin sila ni Era," kusang tumulo ang luha sa mga mata ko nang maisip ang bagay na 'yun. ".... Yoana sana mapatawad mo si Mama kung pinagkaitan kita ng pagmamahal ng isang ama."

Pinalis ko ang luha sa mata ko at huminga ng malalim at pinilit ang sariling matulog na, pero mag aalas dose na ay mulat pa rin ang mga mata ko kaya tumayo ako at lumabas ng balkonahe. Nakangiti kong iniunat ang mga kamay ko para kunwang abutin ang bituin sa langit na nagkikislapan.

"Noon magkasama tayong dalawang nakamasid sa mga nagkikislapang bituin sa langit, ngayon, mag-isa nalang ako." Napabuntong hininga nalang ako bago ibinaba ang mga kamay at pumasok na ng kwarto para makapagpahinga na.






*NEIL POV*

AFTER WE ATE DINNER, I took Aadavan to his room to sleep. I kissed him on the forehead before I went out of his room and go straight to my room.

I went straight to my bathroom to take a shower and I just wore a boxer before I lay down on my bed. I remember again what Era told me a while ago. I sighed and my eyes darted to the balcony where I can see the twinkling stars in the sky. I got up from the bed and open the glass door in the balcony, I smile sadly seeing the stars as I remember our memorable night together.

"My love, how are you? Do you still love me? Do you," my voice broke as I remember her carrying our child. ".... do you introduce me to our child? how is he or she? does he knows already how to sing? dance? God!,"

"Kung pagtatagpoin tayong muli ng tadhana mahal, gagawin ko ang lahat .... lahat, lahat, mapatawad mo lang ako, ng anak natin." Kinalma ko muna ang sarili ko bago magdesisyong pumasok para matulog na.

"Goodnight love, goodnight baby." I whispered before I doze off to sleep.

THE NEXT MORNING I woke up to Aadavan's loud shout from outside of my room.

"Papa! Yohoo! Wake up papa!"

I groaned and lazily woke up from the bed and open my bedroom door. Nagising ang diwa ko sa malakas na hampas ni Aadavan sa'king tiyan. "Eew Papa, you're not wearing shirt again!"

Napatawa ako ng malakas sa itsura niyang nakangiwi. "Fine, fine," tumatawa kong sabi bago kumuha ng Tee shirt sa closet at sinuot yun habang pinapanood siya ni Aadavan. "What now?"

Aadavan crossed his arms na ikinataas ng kilay niya. "Mommy said, it's not good to go to bed without clothes on... what if you get sick Papa? Sino mag-aalaga sa'yo?"

"What if I get sick? Then you should take care of me."

"Na-ah," aniyang umiiling pa. "It should be Tita Ysabel." Napawi ang ngiti sa labi ko nang mabanggit niya ang pangalang 'yun. "Right? Mommy told me that you should go home na with her."

"Aadavan," nahihirapan kong sambit sa pangalan niya.

"Papa," naglakad siya palapit sa akin at umupo sa kama at tinapik yun para patabihin ako. "I know naman po na you're not my real papa. It's Daddy Philip remember? The Famous Model in the country?" Nakangiti niyang sabi. I smile and caressed his cheeks.

"But you know how much I love you right?" Tumango siya, so I kissed him on the forehead and hug him tight. "Will you be happy if I went home to Tita Ysabel?"

Aadavan nod his head. "Of course papa. You already sacrifice your own happiness-"

"Hey hey, don't say that buddy. I'm happy to be with you and your Mom."

"But- uhh, never mind. I have classes today Papa. I'll go ahead na po," aniya sabay halik sa pisngi ko. "Bye-bye papa!"

Napailing akong nakatingin sa kaniya na tumakbong lumabas ng kwarto kaya tumayo na ako at dumiretso ng banyo para maligo bago bumaba.

"Oh Ano? Hindi ka nilamig? Malakas na resistensya mo?" Ani Era nang makita niya akong pababa ng hagdan. Tinawanan ko lang siya na ikinakunot ng noo niya. "Ano? Tatawanan mo ako ganon? Grabe naman Neil!"

"Era, pati ba naman ikaw papagalitan ako."

"At bakit? Si Aadavan... galit na galit daw siya sa'yo kasi hindi mo na naman daw inaalagaan ang sarili mo!" Aniyang sapo ang noo, na parang pinapagalitan ang panganay niyang anak.

"Inaalagaan ko-"

"Ow talaga? Sige! Marinig ko lang na dumadaing ka na naman na masakit ang likod mo, ang ulo mo, ang tiyan mo ... naku! Kulang nalang kuko sumakit sa'yo eh!"

I walked closer to her and hugged her from the back. "Era naman. Oo na, hindi ko na uulitin." Ani ko sa mahinang boses. Bumuntong-hininga siya at mahinang tinapik ang kamay kong nakayakap sa kaniya at hinarap akong nakataas pa rin ang kilay.

"Did you... mentioned him to Aadavan?"

"What? No!" Tinalikuran niya ako at naglakad paupo sa sofa.

"I doubt it-"

"Kilala ni Aadavan kung sino ang ama niya Era." I heard her sob, kaya tinabihan ko siya at inihilig ang ulo niya sa dibdib ko.

"Paano ko ipapaliwanag ang bagay na 'yun sa anak ko Neil,"

"Hush babe. Matalino ang anak mo, alam kong maiintindihan ka niya."

"Pero paano yung isa?"

"Susuntukin ko siya ng malakas kapag hindi niya tinanggap ang anak niyo." Ani ko na ikinatawa niya sabay iling.

"Wala ka talagang kwenta kausap!" Aniyang tumatawa.

"Aba! Talagang totohanin ko yun Eraña!"

"Ang pangit ng pangalan ko pag ikaw ang nagsasabi."

"Ah ganon? Pangit pala ha. Paano kung sabihin kong pangit din yung Philip na 'yun?" Ani ko na ikinairap niya at tumayo paakyat ng hagdan.

"Hindi na kita kaibigan, kasi pangit ka rin!"

"Hahahaha hindi ako pangit! Sabi ni Aadavan yun!"

"Wala akong paki! Basta pangit ka para sa'kin."

Tumawa lang ako at tumayo na papasok ng kusina para mag agahan bago pumasok ng ospital kung saan ako nag trabaho sa loob ng limang taon.





SHILAMOI || shilamoi

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top