CHAPTER 15

CHAPTER 15

*NEIL POV*

"N-neil.. Philip is the man who impregnate me," ani Era na ikinagulat ko, si Philip? The heck! Kaya pala ang problemado ni g*go. "Kaya ako naglakas loob na sabihin ito sayo ngayon dahil gusto kong humingi ng tulong sa'yo. Neil, pakiusap ilayo mo ako sa walang pusong Ama ko." Humihikbing aniya.

Shit! Paanong naaatim ng isang magulang na magdanas ang anak nila ng ganito?

Napabuntong hininga ako ng malalim at inilapat ang tingin sa mga butuing nagkikislapan sa langit. Kung pwede ko lang sanang hilinging maging katulad niyo, ginawa ko na sana. Pagkausap ko sa mga butuin sa'king harapan.

Bumaling ako ng tingin kay Era na ngayon ay nakayukong humihikbi. Lumapit ako sa kaniya at iniluhod ang mga tuhod at inihilig ang ulo niya sa balikat ko na siyang lalong nagpalakas ng iyak niya.

"Hey, calm down baka makasama sa baby mo," tumatango tango siya sa sinabi ko at muling inabot ang baso ng tubig para uminom dun. Nag-angat siya ng tingin at bahagyang umiling.

"Si Ysabel," aniyang paos ang boses at ramdam ko agad ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. "I saw her kanina with Mom," muling tumulo ang mga luha sa mga mata niya ng sabihin 'yun. ".... I saw the pain and anger in her eyes as she looked at me Neil. I-i... I don't know now how would I explain my side if ever we'll see along the way. Natatakot akong kamuhian niya ako kahit alam kong masyadong mabait si Ysabel."

Tumango ako bilang sang-ayon sa sinabi niya at malakas na bumuga ng hangin. "Yes," I breathed out. "Ysabel is a very kind people, I know she can't mad at you."

"But how about you? Paano kung magtanim siya ng galit sa'yo?"

I smiled bitterly with her remarks and sighed. "Bahala na, sa ngayon gusto ko na munang ipahinga ang isip ko Era. Ang daming nangyari nitong mga nakaraang araw, ni ang pagtulog di ko na halos magawa."

"You barely living? At ano? Papatayin mo ang sarili mo?" Inis niyang sabi sabay iling. "That is so not you Neil." Aniyang kunot ang noo kaya iniiwas ko ang tingin sa kaniya

Yes. I am not my self now since I was stuck on this sh-it things.

"Dito ka nalang matulog sa kwarto ko," I said to change the topic. "Doon ako sa sofa, dito ka sa kama." Ani ko habang kumukuha ng unan at kumot at tinangoan siya bago lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ay naramdaman ko ang pamumuo ng luha saking mga mata. Pinagsiklop ko ang dalawang kamay at ipinatong sa tuhod habang  nakapikit ang mga mata. Pumasok bigla sa isip ko ang tagpo kung saan sinundan ko si Ysabel kasama ang mga kaibigan niya na pumunta ng Ospital.

I know you're pregnant Love, and I'm so sorry if I can't be with you right now. I'll find way to escape from this shit.

Natulog ako ng gabing 'yun na suot ko pa rin ang damit na isinuot ko sa kasal namin ni Era. Kaya kinaumagahan ay naligo kaagad ako nang matapos kami ni Era kumain ng almusal.

"What's your plan now Neil?" Era asked me pagkalabas ko ng kwarto at pinupunasan ang buhok ko ng tuwalya.

"We'll go to Cebu. I booked us a ticket already." Ani ko na ikinagulat niya.

"What? I mean, why cebu? Bakit hindi sa Amerika or-

"Doon nakatira si Mang Ramon," I simply said na ikinairap niya bago tumango.

"Fine, as if I have a choice to choose. Ni piso wala ako ngayon."

"I know.... kaya kailangan nating tipidin ang kaunting pera na mayroon ako ngayon."

"But how about your studies Neil?"

"I'll work while studying, I don't know," kibit balikat kong sabi sabay yuko ng ulo. "Basta ngayon ang importante makalayo tayo sa kanila. Sa mga magulang natin."






*JAMEA POV*

"OH INGAT KA HIJA HA. Oh ayan na pala sila." Ani Tita Selena habang nakatutok ang mga mata sa dalawang babaeng sa tantya ko ay  kasing edad ko lang. Kumaway sila nang makita nila si Doktora at patakbong lumapit sa amin.

"Maayong pag-abot Doktora," ani ng isang babae  habang nakangiti. Lumipat ang tingin niya sa akin at ngumiti kaya napangiti rin ako sa lakas ng enerhiyang ipinapakita niya. "Hi! Ako diay si-

"Cristal, hindi siya nakakaintindi ng Bisaya." Natatawang sabi ni Tita sa kan'ya na ikinatawa lang ng babaeng nagnga ngalang Cristal.

"Hala, pasensya na. Hindi ako kasi nasanay na mag tagalog eh," kamot ulo niyang sabi na ikinatawa ko lang.

"Hindi, okay lang. Huwag ka mag-alala, aaralin ko ang salita niyo para di tayo parehong mahirapan."

"Ahem, hehe. Hi! Ako si Junie, hmm nagulat ka? Babae pero panlalaki ang pangalan no? Charot!" Buong giliw na sabi ni Junie. "I'm a Girl, totoong totoong babae."

"Ang ganda mo naman. Nga pala, Jamea Ysabel." Ani ko sabay abot ng kamay sa kanila na buong galak naman nilang inabot.

"Oh tama na yan at pagod kami pareho galing sa biyahe. Cristal, palihog ko'g kuha sa maleta ni Jamea, and Junie, ikaw ang mag bitbit sa akoang gamit. Klaro?"

"Yes Doktora. Klarong klaro." Sabay nilang sagot at agad na kinuha ang aming mga maleta. Kaya nagpatuloy na kami ni Tita Selena sa paglalakad hanggang sa huminto siya sa isang puting SUV at pinagbuksan ako ng pinto.

"Salamat po," ani ko pagkaupo sa backseat. Ngumiti lang si Tita at agad na tumabi sa akin.

Pagkapasok ng dalawa ay pinausad na agad ng driver ang sasakyan. Napangit ako ng makita ang mga sasakyang mabilis ang mga takbo, "Nasa Davao City na tayo ngayon Jamea, at papunta tayo ngayon kung nasaan ang resthouse ko. Malapit lang 'yun sa Ospital. Kaya hindi tayo mahihirapan pag dumating na ang kabuwanan mo."

"Buntis ka Mea?" Gulat na tanong sa'kin ni Cristal na agad kong tinangoan habang nakangiti. "Hala sana all sexy kahit buros."

"Buros is buntis? Tama ba ako?"

"Ahh sorry, Oo. Nasanay na kasi akong mag bisaya Mea."

"Mea," ani ko sabay baling ng tingin kay Tita na nakangiti lang din. "I think it's more better to change my name to Mea tita, I mean, Mea Samonte. Ano po sa tingin niyo?"

"If that's what you want and the only way for you to start yourself from healing, then so be it." Aniyang nakangiti sabay tapik ng mahina sa balikat ko.

Mea Samonte... is the new face of vengeance....

Pagkaraan ng isa't kalahating oras ay dumating na kami sa resthouse ni Tita Selena, na mas kilala siya sa tawag dito na Celia.

Agad kaming inalalayan ng mga tauhan na nangangalaga sa malawak na lupain na kinasasakupan ng resthouse ni Tita Celia.

May mga nakahandang pagkain sa pahabang mesa na sa tantiya ko ay nasa singkwenta katao ang makakaupo.

"Doktora Celia, mabuti po at napadalaw kayo uli dito sa hacienda," nakangangang napabaling ang tingin ko kay Tita Selena sa sinabi ng nakatatandang tauhan niya na si Nay Gorying.

"Hacienda?"

Nakangiti lang tumango si Tita sabay balik ng tingin sa mga taong masayang nakatingin sa amin. "Mga kaibigan, si Mea Samonte pala," pagpapakilala niya sa'kin sa kanila na malugod kong inisa isang lapitan para makipag kamay.

"Kagwapa nimo inday, hamis."

"A-ahh pasensya po, di po kasi ako marunong mag bisaya." Nahihiya kong tugon kaya nilapitan kaagad kami ni Nay Gorying na siyang  nasanay ng kaunti sa Tagalog.

"Ahh Mea, ito si Manang Ising, isa din sa mga trabahador dito sa hacienda ni Doktora Celia. Pasensya kana at hindi siya makakapag salita ng tagalog kasi nasanay sa pagbi bisaya."

"Nako ayos lang po 'yun Nay Gorying. Pero ano po 'yung sinabi niya sa akin?"

"Ahhh iyon, ang sabi niya, ang Ganda mo tsaka makinis."

"Ahh," tumatango tango kong sabi sabay halik sa noo ni Manang Ising bilang nakasanayang bati sa nakatatanda simula noong nasa Palawan ako. "Maraming Salamat Nay Ising, kayo din ho Maganda."

Pagkatapos naming makigbatian sa lahat ng tauhan ng Hacienda ay masaya naming pinagsalohan ang pagkaing inihanda nila.

Nang mag aalas otso na ng gabi ay pumasok na kami sa loob ng malaking bahay sa loob ng Hacienda ni Tita Celia.

"Mea," tawag pansin sa'kin ni Tita nang maabotan niya akong nagsusuklay ng buhok habang nakaupo sa kama. "Matutulog ka na ba?"

"Hindi pa po Tita, bakit po?" Nakangiti kong sabi pagkalapit niya.

"Hindi ka ba magpapaalam sa Abuela mo'ng nasa Palawan? Baka mag-alala yun."

Aniya at agad napawi ang ngiti sa labi ko. "Huwag na po muna siguro Tita. Nahihiya din kasi ako kay Lola eh. Saka na po siguro kapag nakapanganak na ako." Nakatungo kong sabi.

Malakas siyang napabuntong hininga sa naging sagot ko bago tumango at hinaplos ang mukha ko. "Sige. Kung iyan ang desisyon mo. Sige na, matulog ka na dahil bawal ang magpuyat sa kalagayan mo."

"Opo Tita, salamat. Kayo din po. Goodnight."

"Goodnight Mea."

Nang makalabas si Tita ay agad kong inilapag sa vanity mirror ang suklay ko at humarap sa full length mirror na nandoon at hinawi pataas ang suot kong Tee Shirt para tingnan sa salamin ang maliit na umbok ng aking tiyan.

Nakangiti kong hinahaplos yun habang nakatitig sa salamin. Napabuntong hininga lang ako ng malalim nang maalala ang araw na kinasal ang lalaking minahal ko, pero nasa piling na ngayon ng babaeng unang minahal niya.

'Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang lahat ng ito na wala ka Neil. Pero hangga't kaya ko, gagawin ko ang lahat para patunayan sa'yo na kaya kong itaguyod mag-isa ang anak natin na wala ka.'

Inayos ko na uli ang damit ko bago sumampa sa kama at nag-usal ng panalangin bago piliting ipikit ang mga mata para makatulog na.





SHILAMOI || shilamoi

A/N: ang mga susunod na kabanata ay kaabang abang na. Kaya humawak ng mahigpit, huminga ng malalim, at I enjoy ang pagbabasa. 😉💜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top