CHAPTER 14

CHAPTER 14

*ERA POV*

Hey, I'm Era Madrigal, The International Model. My Parents' Selena Garcia and Edbert Madrigal are both into Medical field.

I went to Paris when I was in First year college to pursue my dream which is to become a Famous Model, where a lot of opportunities come to me every day. And I was so... so... happy. That even though I have to sacrifice my relationship to Neil Anderson.

But to tell you honestly? Neil is just my only way to get close to his friend Philip Cruz, who's also a model.

I did my best to get his attention, but unfortunately, he has a crush to this girl named Crisa Mendoza.

But Crisa love other man, and that is David Cruz, his brother.

So... I made a plan to trapped him or shall I say to get his attention.

By seducing him... yes! Desperate moves but who cares?

So when I saw him alone inside the Bar in Paris and look wasted, I took it as a chance - I carried him inside my hotel room and kiss him seductively... and Bingo! We had s*x ....

I felt so Happy that night ... but,

When morning came, He looked at me with anger and He even slapped me hard on my face. I felt like I was stabbed in my heart a hundred times for what he did to me.

I cried so hard in front of Him. Napayakap lang ako sa hubad kong katawan na nababalutan lang ng puting kumot habang humihikbi. Pero maya maya lang ay nagulat ako nang maramdaman kong niyakap niya ako ng mahigpit at napakurap ng ilang beses nang marinig ko siyang paulit ulit na nagsabi ng salitang 'SORRY' habang yakap ako ..

And when I calmed down, we both talked and even confessed our feelings for each other. I was in great shock when he said that he likes me too... and we ended up making love after.

Two months later, I woke up vomiting inside my bathroom, and realizations hit me! So I hastily went to the nearest pharmacy and bought three pieces of Pregnancy kit.

And the result turns out a big POSITIVE... I'm smiling widely while crying out of Joy while looking at the kits in my shaking hands, na kulang nalang iisipin ng mga taong makakakita sa akin ay mapagkakamalan akong loka loka.

Sa sobrang saya ko nung mga oras na iyon ay mabilis akong nagpadala ng mensahe kay Philip and I ask him to come in my condo unit here in Paris to surprise him, but sadly, he didn't came.

I tried to contact his Manager to ask about Philip's whereabouts and he told me that He went home to Philippines for some emergency, so I immediately booked a flight and took a leave for two weeks. And when I got home, my Parents was surprised!

But I was the one who's more Surprise... My Dad Edbert Madrigal confronted me of when I would tell him that I am pregnant while holding my Pregnancy kits!

I was froze, Hindi ko alam ang gagawin o irereact nang mga oras na iyon at sapilitan niya akong pinaamin kung sino ang Ama ng ipinagbubuntis ko, so I told him the truth.

Dad slapped me twice when I told him that it was Philip who impregnate me, the son of Attorney Joseph Cruz.

And since my Dad is a control freak! He locked me up inside my room, confiscate all my gadgets - and He didn't even allow me to talk to my Mom.

At isang araw nagulat nalang ako nang bigla siyang pumasok sa silid ng kwarto ko at sinabing ipapakasal niya ako kay Neil.

Yes, my own Father made me engaged to Neil Anderson without my Mom's knowledge. I cried every night, and even in front of my mother when I saw her one time entering our house, but I refuse to say a word to her.

Afraid that my Dad would hurt her too just like before.

Months later of being ENGAGE to Neil, we already announced in Public about our upcoming wedding. During those Live interviews with Neil, I'm thinking of telling him the truth. But my Father is always tailing us and he's watching all my actions.

Pero sa lahat nang iyon ay labis kong ikinagulat ang biglaang pagpayag ni Neil sa kalokohang ito ng aking Ama at ng kaniyang mga magulang. Hindi ko nga alam kung bakit at anong dahilan nang pagpayag nila, mga magulang ni Neil, sa kasunduang ito.

Dahil ba sa pera? Pero they are more richer than us?... shit! I don't know...

At ngayong araw ang itinakdang araw na kami ay ikakasal, and I saw Philip outside the church, and he looked mad and in pained, he looked away when our gazes met and that made me hurt.

But what more hurting is when I saw my Mom with Ysabel. Si Mommy ko ay umalis nang aming bahay mula nung malaman niya ang kalokohang ginawa ng Daddy ko - ang ipagkasundo ako kay Neil. At kitang kita ko ang galit sa mga mata niya nun habang kinakausap niya ang Ama kong nakatingin lang sa kaniya na walang emosyon.

"Don't you dare cry while looking at your Mom Era," istriktong sabi ng Ama ko na nagpabalik sa akin sa wisyo. "Ayosin mo na ang sarili mo, magsisimula na ang kasal." Ani niya sabay senyas sa dalawang babae'ng nasa gilid ko.

Tumango lang ako sa sinabi niya at mabilis pa sa alas kwatro na lumapit sa akin ang hinire niyang make up artist. "Ang ganda ganda niyo po talaga Miss Era," puri sa'kin ng babae na sinuklian ko lang ng pilit na ngiti sabay iwas ng tingin nang matapos na niya akong ayosan.

Nakangiting lumapit sa akin si Tita Estela sabay halik sa pisngi ko. "Ngumiti ka naman Era, mas lalo kang gaganda pag nakangiti ka."

Sasagot na sana ako sa kanya nang may tumikhim sa likorang bahagi ko at nakita ko ang walang emosyong mukha nit Neil. "Let's get this fvcking wedding started. I don't want to stay here any longer." Malamig niyang sabi sabay talikod sa aming dalawa ni Tita Estela.

"Smile hija okay? Enjoy your wedding day," buong galak na sabi sa akin ni Tita Estela bago humalik sa pisngi ko at naglakad na palapit kay Tito Franco na tahimik lang na nakamasid sa buong paligid.

Enjoy... what a big word. This day suppose to be my Happiest day, but unfortunately Not.

《Flashback》

"So? What's your decision now my future lovely wife?" Tanong sa akin ni Neil habang nakangiti na halatang peke lang.

"I-i," I stuttered and looked down. "I w-want it asap. I mean n-next week."

'A day before my birthday.... self torture eh?'

"Hmmm.... So, you want to get married next week? .... before your birthday or after?"

"Uhm... b-before Neil." Nanginginig na sabi ko at napalunok pa dahil para na akong maiiyak sa kaniyang harapan at ng mga magulang namin.

"Okay.... What my girl wants." He just said and walked away.

《End of flashback》

Pinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim bago muling dinilat yun at lumingon pa sa kaliwang bahagi ko kung saan ko huling nakita si Mommy at Ysabel na nakatayo pero wala na sila doon.

Gusto kong tumakbo palayo, magsusumigaw sa buong sakit na dinanas ko ngayon... at parang gusto ko biglang sumuko na lang sa buhay, pero sa tuwing naaalala ko ang bata na nasa sinapupunan ko ay kahit papano'y kumakalma ako.

'I'm sorry anak, masyadong mahina si Mommy... pangako gagawa ako ng paraan para makatakas sa lahat ng sakit at paghihirap na'to at hahanapin ko ang Daddy mo.'

Lihim kong sabi sa isip habang maingat na ipinatong ang kamay sa tiyan kung saan naroroon ang aking anak na siyang naging bunga ng aming pagmamahalan ni Philip.

Narinig ko ang tugtog sa loob ng simbahan, hudyat na magsisimula na ang kasalan kaya agad akong napatayo ng tuwid. Halos mawalan ako ng hininga sa lakas ng kabog ng dibdib ko lalo na nang makita ko ang galit sa mukha ni Daddy nang makita niyang nasa tiyan ko parin ang kamay ko.

Palihim niya akong pinandilatan ng mata kaya agad kong inalis ang kamay ko dun at tumikhim para alisin ang bikig sa aking lalamunan. Iminuwestra niya ang braso niya kaya kahit mabigat ang loob ko ay umabriste ako sa kanya.

Halos malula ako sa dami ng taong dumalo sa pag-iisang dibdib namin ni Neil. Pero inalis ko doon ang atensyon ko dahil para akong masusuka sa lahat ng kahibangang ito ng Ama kong itinuring kong aking tagapagtanggol.

Nung oras ko na para maglakad ay parang gusto kong tumakbo palabas ng simbahan kung hindi lang nakahawak nang mahigpit sa aking kamay ang Daddy ko. Pasimple niya akong nilingon at matalas akong tiningnan kaya iniiwas ko ang mata sa kanya at sinimulang ihakbang ang aking nanginginig na mga paa.

Pilit ang ngiting tinignan ko ang mga taong walang kaalam alam kung gaano ko kinamumuhian ngayon ang taong nagpalaki sa akin na katabi ko sa paglalakad ngayon na may malaking ngiti sa labi.

'Paano mo nagagawang ngumiti ng ganyan sa harap ng ibang tao Dad? Gayong ako na anak mo ay para nang bibitayin sa mga oras na ito?'

Napailing nalang akong iniwas ang tingin ko sa kanya at bumaling ng tingin sa harapan at nagpatuloy sa paglalakad. Nakita ko ang walang emosyong at nakatiim bagang mukha ni Neil habang nakatingin sa akin na halatang hindi masaya sa kasalang ito.

Agad niya akong hinawakan sa kamay at maingat na inalalayan paharap sa lalaking may edad na nakasuot ng barong, na sa hinuha ko ay siyang magkakasal sa aming dalawa. Sa mga sandaling iyon ay hinihiling kong sana'y matapos na kaagad ang lahat ng ito, na ipinagpasalamat ko ng tahimik sa Diyos dahil dininig niya ang aking hiling.

"I now pronounce you husband and wife... you may now kiss the bride," masayang anunsiyo ng naka-barong na may edad na siyang nagkasal sa amin na ikinasamid ko bago tumingin ng alanganin kay Neil na nakatingin lang sa akin habang nakataas ang kilay.

'Don't you dare'

He mouthed and rolled his eyes. Narinig ko ang pag-ubo ng Mommy niya na ngayon ay matalim ang tinging ipinukol sa kanya, na para bang ipinapahiwatig ng mga tingin na 'yun na wala siyang ibang magagawa kundi ang sumunod.

Narinig ko siyang napamura ng mahina bago huminga ng malalim at humarap sa akin. "Let me kiss you just like what they want to happen. Just close your eyes and give them a good show." Mariing sabi niya bago inilapit ang mukha sa akin.

Sinunod ko nalang ang sinabi niya para matapos na ang kahibangang ito, gusto kong palakpakan ang sarili ko ng mga oras na 'yun, at maya-maya pa ay narinig ko na ang masayang hiyawan ng mga tao.

"It's just a kiss Era, nothing more, nothing less." Mahinang bulong niya na ikinangiti ko.

"I know Neil... hindi mo ako kailangang pagsabihan." Ani ko na may pekeng ngiti sa mukha bago hinarap ang mga tao at ang aming mga magulang.

'A marriage full of shi-t!'

Nang makarating kami sa reception ng kasal ay nanatili akong nakaupo habang nasa tabi si Neil. "Neil.." tawag ko sa kanya habang lumilinga sa paligid.

Kunot noo niya akong binalingan ng tingin. "What now Era?" Masungit niyang sabi na nginitian ko lang.

"I have something to tell to you... but not here, not with my Dad's presence..." napansin niya yata ang panginginig ng boses ko kaya marahan niyang inabot ang aking kamay kaya nginitian ko lang siya.

"You okay?," ani niya kaya umiling ako. "Sige, magpapaalam na tayo sa kanila para makapagpahinga kana." Tumango lang ako sa sinabi niya habang siya naman ay tumayo na at naglakad palapit sa ama niya na mag-isang nakaupo sa isang mesa.

'Tulungan mo si Mommy anak ha na makayanan ang lahat ng ito.'

Pagkabalik ni Neil ay inalalayan niya akong tumayo. "Salamat." Tumango lang siya saka ako iginiya papasok ng elevator paakyat ng palapag kung saan ang aming kwarto.

"I'll booked a room already for myself, just beside yours." Sabi niya nang makarating kami sa harap ng kwartong inookupa ko. "By the way, what you said awhile ago..."

Tinangoan ko siya kaya iminuwestra ko sa kanya ang pinto ng suite niya. "Can we talk inside your room instead? May naka install kasing camera sa loob ng kwarto ko."

"What?" Gulat niyang sabi. Kaya sinenyasan ko siyang tumahimik.

"It's my Dad's order Neil. I know it dahil narinig ko siyang kinausap ang isang staff ng hotel na ito."

Mahina siyang napamura sa sinabi ko. "I can't believe it! anyway, tara na sa loob dahil baka maabutan nila tayo."

Pagkapasok naming dalawa ay agad akomg dumiretso sa balkonahe ng kwarto niya at tumingin sa mapayapang langit na puno ng mga bituin.

"It all started when he knows about my pregnancy," halos pabulong na sabi ko na tama lang para marinig niya. Mataman lang siyang nakikinig habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng kaniyang suot na pantalon. "Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya para magalit siya nang malaman niyang buntis ako." Napahikbi ako sa huli kong sinabi kaya pinaupo niya ako at inabutan ng tubig.

"N-neil.. Philip is the man who impregnate me," pagpapatuloy ko at nilingon siya at kita ko ang gulat sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Kaya ako naglakas loob na sabihin ito sayo ngayon dahil gusto kong humingi ng tulong sa'yo. Neil, pakiusap ilayo mo ako sa walang pusong ama ko."






SHILAMOI || shilamoi

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top