CHAPTER 13

CHAPTER 13

*JAMEA POV*

TULALA AKONG NAKAUPO sa sala ng apartment ko at nakaharap sa maliit kong telebisyon pagkauwi galing hospital habang nilalantakan ang ice cream na binili ni Mara kanina.

Tatayo na sana ako nang biglang nag flash sa screen ng TV ang taong gustong gusto kong makita nitong mga nakaraang araw - ang aking nobyo, Neil Anderson kasama ang babaeng sa simula palang alam ko nang panalo na sa puso niya.

Para akong nanigas sa kinauupuan habang pinapanood ko silang nakangiti sa harap ng kamera.

'Naiintindihan ko na kung bakit mahigit isang buwan kang di nagparamdam Neil. Pero bakit naman ganito kasakit.'

Ramdam ko ang pangingilid ng luha at panginginig ng kamay ko habang nakatutok ang paningin sa kanilang dalawa.

'I heard that two of you are already engaged last month? And now finally, you two will get married!'

Masayang sabi nang Showbiz News Reporter. At ramdam ko agad ang sakit na para akong sinasaksak at dinurog nang napakaraming beses.

'And they are now here to announce their upcoming wedding!'

Napahikbi ako nang marinig ko ang salitang 'yun.

'So ikakasal na sila? Kaya hindi na siya nagpapakita at 'di ko na siya makontak'

Rinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko, na malamang ay ang mga kaibigan ko 'yun base sa ringtone na naririnig ko, pero hindi ko maalis ang paningin ko sa  dalawang taong ngayon ay nakangiti habang ini-interview sa Telebisyon.

'So.... when is the wedding?' Agad na tanong sa kanila ng reporter pagkaraan ng ilang minuto.

'Ahhh.... Neil and I actually decided it to happen next week, before my Birthday. It's his birthday gift for me'

Masayang anunsiyo ni Era na siyang naging realisasyon ko na ang realidad ay SILA. Silang dalawa nang lalaking minahal ko.

Halos hindi ko na marinig pa ang mga sinasabi nila dahil nakatitig lang ako sa mukha nang taong minahal ko pero ngayon ay dinudurog at sinasaktan ako.

Namamalisbis ang luha sa aking pisngi nang marinig kong bumukas ang pinto ng aking apartment, at naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin nang mahigpit.

"Shush, tahan na babe," bulong sa'kin ni Mara habang tinatawagan niya si Crisa.

"Crisa. Nandito na ako sa apartment ni Ysabel. God! She saw it babe. I know... I turned it off already. Yes. You better be. Bryan's there too. Okay babe see ya."

"Baby, here's the water."

"Thanks baby," mahinang tugon ni Mara kay Bryan na ngayon ay nakatingin lang nang malungkot sa akin. "Babe, drink this muna para kumalma ka."

Pagkainom ko ay nakaramdam ako ng pagkahilo kaya natatarantang nilapitan ako ni Mara at Bryan.

"B-babe! Are you okay? Can you hear me?.... God! Baby can we go to the nearest hospital please!"

Natatarantang sabi ni Mara kay Bryan at naramdaman ko nalang na binubuhat na ako papasok nang sasakyan.

"Ahhh ang sakit!.... M-mara please tulungan mo ako!"

"God! Baby make it fast! She's bleeding," sigaw ni Mara kay Bryan na agad pinaharurot ang sasakyan. "Oh no!Babe malapit na tayo. Baby please make it fast please baka may masamang mangyari sa bata!"

Pagkaraan nang ilang minuto ay naamoy ko na ang pamilyar na amoy ng hospital. Buhat buhat ako ni Bryan habang patakbong pumasok si Mara sa loob.

"Please it is an emergency! Call Doctora," napahinto si Mara sa pagsasalita at tumingin sa akin na parang tinatanong kong si Tita Selena ba ang ipapatawag niya kaya tumango na ako bilang sagot sa kanya. "D-doctora Selena Madrigal."

Maya maya pa ay nasa loob na ako ng emergency room nang marinig ko ang natatarantang pamilyar na boses.

"Where's the patient!"

"Here Doc! Possible miscarriage."

"What!? ... Ysabel hija? Can you hear me?"

"T-tita, pakiusap tulungan niyo po ang a-anak ko." Nanghihinang pakiusap ko sa Nanay ng babaeng kaagaw ko ngayon sa puso nang taong minahal ko.

"I'll do my best to save the baby hija." At yun ang huling narinig ko bago pa ako tuluyang mawalan ng malay.

Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakatulog pero may naririnig akong mahihinang hikbi sa gilid ko kaya dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang mga kaibigan ko na nag iiyakan.

"B-babe," paos kong tawag sa kanilang dalawa na agad tumakbo palapit sa'kin.

"Ysabel babe. K-kumusta ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa ba?"

Papalit palit lang ang tingin ko sa kanila at hindi ko maiwasang mapaluha dahil hindi nila ako iniwan lalo na ngayon na kailangan ko nang karamay.

"O-okay lang ba ang baby ko Mara?" Imbes na sagotin ko sila ay iyon ang tinugon ko.

Tumatango tango habang umiiyak si Mara. "Yes babe. Muntik nang mawala ang bata, buti nalang nadala ka agad namin dito sa hospital at naagapan ni Tita Selena."

Mas lalo akong napaluha sa naging sagot niya kaya napahawak agad ako sa aking sinapupunan. "Hindi ko alam ang mangyayari sakali kung pati ang anak ko ay mawala sa akin."

Niyakap nila ako nang mahigpit at napabitaw kaagad nang makarinig kami nang pagtikhim. Paglingon ko ay ang alanganing ngiti sa mukha ni Dra. Selena ang bumungad sa amin.

Naglakad siya palapit sa akin at ngumiti nang bahagya bago maingat na inabot ang kamay kong nakapatong sa aking tiyan.

"Tita Selena salamat po," sinsero kong sabi na inilingan lang niya at napaluha na ikinagulat ko.

"Sobrang saya ko na nailigtas ko ang bata sa sinapupunan mo Jamea," umaagos ang luha sa pisngi niya habang hawak ang kamay ko nang mahigpit. "H-hinding hindi ko mapapatawad ang  sarili ko pag pati siya ay nawala din sayo."

Gulat akong napatitig sa mukha nang Doktora pagkasabi niya nun at hindi magawang makapagsalita.

"Alam kong hindi magiging sapat na kabayaran ito Jamea pero sana.... sana hayaan mo akong gawin ito para tulungan ka,"

"Tita."

Huminga nang malalim si Tita Selena bago ngumiti at hinahaplos haplos ang mukha ko.

"Kahit sa ganitong paraan man lang maibsan ang sakit na dinaramdam mo ngayon dahil sa mga pangyayari. Si Era... hindi ko alam ang dahilan niya't napapayag siya sa kagustuhan nang Daddy niya na magpakasal kay Neil na iyong nobyo."

Nangingilid ang luha ko nang banggitin niya ang pangalan ng taong ngayon ay kinamumuhian ko. Pero agad ding nakaramdam ng pagkalito sa sinabi ng Doktora na NAPAPAYAG.

"Doktora ano pong ibig niyong sabihing NAPAPAYAG?" Di nakatiis na sabat ni Mara sa usapan na ipinag papasalamat ko dahil para akong nablangko sa mga naririnig ko.

Nilingon siya ng Doktora bago nginitian ng malungkot. "Si Edbert ang asawa ko ang kumausap kay Era na ipapakasal siya kay Neil para maisalba ang aming kompanya Mara. Pinigilan ko ang asawa ko dahil alam kong sila ni Jamea ang magkasintahan pero," naiiling habang umiiyak si Tita Selena at muling humugot nang malalim na hininga. "Pero hindi niya ako pinakinggan."

"Sa pagkakaalala ko ay isang buwan ang lumipas bago pumayag si Neil sa kasunduan nang kaniyang mga magulang at ng asawa ko."

"M-magulang po ni Neil? Ano pong ibig sabihin niyo Tita?" Di ko mapigilang itanong.

"Huling linggo nung nakaraang buwan nakita ko ang aking Asawa at Daddy ni Neil sa aming Bahay na nag-uusap sa loob ng Library. Nung una akala ko pure business lang ang pinag-uusapan nila pero nung akmang papasok ako sa loob ay narinig kong hiniling ng Asawa kong si Edbert kay Franco na ipakasal ang aking anak kay Neil."

"Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya dahil kailanman ay hindi namin pinag usapan ang bagay na iyon. Ang dahilan ng Asawa ko ay dahil unti-unti nang nalulugi ang aming kompanya, dahil sa larangan ng medisina kung pag-uusapan ay itong Hospital na ito na pagma may-ari ng mga Anderson ang pinaka malakas at mas kilala sa buong bansa."

"Wala akong narinig na naging sagot dun si Franco pero nagulat nalang ako isang gabi na umiiyak si Era sa harap ng Daddy niya."

"J-jamea, hindi ko alam ang dahilan nang pagpayag niyang magpakasal kay Neil pero isa lang ang sigurado ako," huminto si Tita sa pagsasalita at tinuyo ang luha sa aking pisngi. "Hindi niya ginusto ang nangyayaring ito. Maaring ginamit lang siya ng Daddy niya. At iyon ang aalamin ko."

"Pero ano po ang gagawin niyo Tita? Kung ngayon eh naisa publiko na nila ang kanilang nalalapit na pagpapakasal." Malumanay na tanong ni Crisa na ngayon lang nagawang makapagsalita dahil sa nangyayari.

"Sa totoo lang hindi ko rin alam Crisa, w-wala pa akong naisip na paraan. Ang iniisip ko ngayon ay ang masigurong ligtas at maayos ang pagdadalang tao ni Jamea." Mahinang sabi ni tita bago niya ako nilingon muli. "Kung papayag si Jamea na pansamantalang titira siya kasama ko sa resthouse na pagma may-ari ko sa Probinsiya ng Davao hanggang sa makapanganak lang."

"Jamea-

"Payag po ako Tita." Putol kong sabi kay Mara na nakaawang ang bibig na nakatitig sa akin. "Payag po ako para sa ikabubuti ng anak ko."

"P-pero babe. Mapapalayo ka sa amin-

"Mara huwag kang mag-alala dahil magiging ligtas ang kaibigan mo doon. At isa pa, hindi alam ng Asawa ko maging si Era ang tungkol dun sa resthouse ko sa aming probinsiya."

"Mara, Crisa. Alam kong gusto niyo rin akong samahan lalo na ngayon. Pero sa tingin ko tama si Tita Estela na pansamantalang doon muna ako hanggang sa makapanganak. Total nandon naman si Tita kasama ko."

Lumapit ang dalawang kaibigan ko at umiiyak na niyakap ako nang mahigpit. "Ayaw ko lang kasing mapawalay sa'yo," Ani Mara habang umiiyak. "Alam mo  namang hindi na ako sanay na wala ka."

"Masanay ka na dapat simula ngayon Mara," mahina akong napatawa sa naging sagot ko sa kaniya bago bumaling ng tingin kay Tita Estela na may ngiting nakatingin sa aming tatlo. "Tita may hihilingin lang po sana akong isang bagay bago tayo umalis papuntang Davao."

Tumango lang sabay ngiti si Tita bilang sagot. "Ano yun Jamea?"

"Gusto ko pong pumunta sa araw ng kanilang kasal-

"Ysa! Hindi pwede baka mapano ang bata." Histerikal ni Mara.

"Hindi. Huwag kang mag-alala dahil paghahandaan ko ang araw na 'yun. Kailangan ko 'yun Mara para makapagsimula ako ng bago." Buong tatag kong sabi sa harap nila kaya hindi na magawang makapag salita ng mga kaibigan ko dahil ramdam nila sa pananalita ko ang pinalidad ng aking desisyon.

"Tutulungan kitang makapaghanda ng lubos para sa araw na 'yun Jamea." Matatag ding sabi ni Tita Selena na nginitian at tinangoan ko bago siya nagpaalam na lalabas na ng kwarto ko para bumalik na sa kaniyang opisina.





SHILAMOI || shilamoi

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top