CHAPTER 11
CHAPTER 11
*JAMEA POV*
"Goodmorning Love," paos niyang bati sakin pagkamulat ko ng aking mata. Sinuklian ko siya ng matamis na ngiti sabay haplos sa mukha niya.
"Hey, Goodmorning too Future Doctor"
"And you are this Future Doctor's beautiful wife" he winked at me. Napaubo ako bigla sa sinabi niya.
This guy!
"Uy nagba blush si Love" he teasingly said to me.
"Neil!" Tinawanan niya lang ako at agad tumingin sakin ng seryoso.
"Pero alam mo love, gusto ko na..." he thrilled
"Gustong ano?"
"Gusto na kitang pakasalan." Seryosong sabi niya habang titig na titig sa mata ko.
NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa panaginip ko na yun. 'Yun ang huling pag-uusap namin nung kinaumagahan na may nangyari sa aming dalawa.
Napangiti ako ng mapait dahil mag-iisang buwan na ang lumipas na hindi kami nagkausap o nagkita ni Neil pagkatapos nung gabing hindi siya nakapunta sa date namin.
Mag iisang buwang kona rin siyang hindi nakikitang pumasok, na kahit si Bryan ay hindi alam ang dahilan kung bakit. Bumuntong hininga ako nang malalim bago bumangon sa higaan para maligo.
May pasok naman ngayon. Sana pumasok na siya.
Sabi ko sa isip habang nagmamadaling matapos sa pagliligo.
Napahawak ako bigla sa pader nang makaramdam ako ng pagkahilo na ilang linggo ko na ring naramdaman. Kaya nang mawala, binilisan ko na ang pagligo ko para makapagbihis na at maagang makapunta sa UNI.
Alas syete y medya na nang makarating ako ng University. Sinusubokan kong tawagan si Neil habang naglalakad, pero naka limang tawag na ako ay hindi parin niya ako sinasagot.
Umupo ako sa isang bench malapit sa room namin at bumuntong hininga nang malalim para pakalmahin ang sarili.
'Okay lang si Neil' bulong ko sa sarili.
'Eh kayo? Okay paba kayo?'
Napatuwid agad ako ng upo dahil sa tanong na iyon na biglang sumagi sa isip ko.
Okay pa nga ba?
Bumuntong hininga uli ako at tumayo na papasok ng room namin dahil magsisimula na ang klase.
"Ysabel. Babe. Huy." Napaungol lang ako nang may biglang tumapik ng malakas sa balikat ko.
"Hala Crisa, ikaw nga gumising sa babaeng 'to. Umagang umaga tulog na agad," dinig kong sabi ng katabi ko.
"Natutulog yung tao, 'wag kayong maingay." Paos kong sabi at nagpatuloy lang sa pagkakatulog.
"Huy Jamea Ysabel Alviar. Gumising ka na nga, andyan na si Engr. Allan Ramos." Malakas na niyugyog ako sa balikat kaya napaupo agad ako nang tuwid at nanlalaki ang mga mata nang mapagtantong nasa Unibersidad pa pala ako.
'Gosh. Nakakahiya.'
Binalingan ko nang tingin ang katabi ko na si Crisa at Mara na nakatingin sakin na parang nakakita ng multo.
"Bakit kayo ganyan makatingin sa'kin?" Kunot-noo kong tanong sa dalawa.
"Jamea, umamin ka nga." Seryosong sabi sakin ni Mara.
"Anong aaminin ko?" Sabi ko sabay hikab.
Bumuntong hininga muna siya at sandaling tinignan si Crisa bago nagsalita. "Ilang linggo na naming napapansin na parang lagi kang inaantok babe," malambing na sabi sakin ni Mara. "Akala namin nung una dahil lang sa puyat sa pag-aaral. Pero kasi eh,"
"Kasi ano?" Papalit palit ang tingin ko sa dalawa na nagsisikohan pa. "Crisa,"
Tumikhim muna si Crisa bago magsalita. "Ysa babe, huwag ka sanang m-magagalit sa itatanong ko ha?" Kinakabahang sabi niya. Kaya tumango ako bilang sagot. "A-ahh babe, naalala mo ba kung kailan ka huling dinatnan?"
Bahagya akong nagulat sa tanong niya ngunit nakaramdam din kaagad ng panlalamig sa buong katawan nang maalalang hindi pa nga ako dinadatnan. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko at pamumuo ng luha sa aking mga mata.
Bakit diko naisip nung gabing 'yun na may nangyari sa amin na may mabubuo?
Napasapo nalang ako sa noo ko nang makaramdam ng pagkahilo. Natatarantang lumapit sa akin ang mga kaibigan ko at agad nila akong inalalayan.
"B-babe, ayos ka lang ba? Gusto mo iuwi ka nalang muna namin?" Tanong sa'kin ni Mara habang inaalis sa mukha ko ang ilang buhok.
"Oo nga babe, namumutla ka rin oh."
Pinilit kong imulat ang aking mata. "M-mara, pwede mo bang tawagan si Bryan kung may alam na siya kung saan si Neil?" Naluluha kong sabi sa kanya.
"O-oo sige babe. Sandali. Crisa alalayan mo muna si Ysabel ha, tatawagan ko lang sandali si Bry." Nagmamadaling lumabas si Mara at hindi na hinintay si Crisa na sumagot.
"Crisa, paano kung b-buntis ako?" Naluluhang tanong ko sa kaharap.
"Hey shush babe. Ahh actually hindi ko rin alam ang gagawin sakali. Pero siguro dapat malaman 'to ni Neil."
Napahikbi ako sa sinabi niya. "Paano ko sasabihin sa kanya kung sakaling may nabuo ngang bata sa sinapupunan ko kung di ko siya matawagan, At mag-iisang buwan na rin siyang hindi nagpapakita sa'kin Crisa?"
"Shush kalma Ysabel. Ito tubig uminom ka muna."
"Guys, Engr. Allan Ramos said he can't go to class today for some personal reasons. Kindly check our GC for his assignment. Thank you." Biglang sabi ng class president namin.
"Ayos kanaba babe? Gusto mo ihatid kana namin ni Mara sa apartment mo para makapagpahinga ka? Total hindi naman magkaklase sa'tin ngayon si Engineer Allan."
"Cris, paano ako makakapagpahinga kung naaalala ko lang bigla si Neil."
"Hey, okay okay-
Napahinto siya sa pagsasalita nang pumasok si Mara. "A-ahh Ysa, hindi rin daw alam ni Bry kung san si Neil eh. Wala rin daw si Neil sa kanila nung minsang pumunta si Bryan dun."
Napaluha na naman ako sa sinabi niya. "H-hindi ko na alam ang gagawin ko. Natatakot ako sa posibleng mangyari. Wala akong alam sa pag-aalaga ng bata Mara, wala na rin akong mga magulang na aalalay sa akin kung sakali."
Niyakap nila ako habang naluluha narin dahil sa kalagayan ko. "Why don't we go to OB now babe? You know, just to check and make sure if ever nga na meron." Suhestiyon ni Mara na sinang-ayunan ni Crisa.
"Oo nga babe. Tsaka kung sakaling meron mang bata dyan sa loob. 'Wag kang mag-alala dahil aalalayan ka naman namin ni Mara. Diba?"
"Yes babe. We'll stay with you throughtout your pregnancy IF ever na meron nga."
"Pero paano ang pag-aaral ko? Paano ang pangarap ko? Paano ko matutupad yung pangako ko sa magulang ko na magtatapos ako sa kolehiyo." Nanghihinang sabi ko sa kanila.
"Babe. Pwede kapa namang mag-aral kahit may bata sa sinapupunan mo diba? At pagka panganak mo, balik ka sa pag-aaral pag kaya mona."
"A-ayaw ko munang isipin ang mga bagay na yan sa ngayon. Siguro kokompirmahin kona muna 'to sa doktor."
"Gusto mo samahan kana namin? Wala naman kaming gagawin ni Crisa."
Tumango na lang ako kaagad sa sinabi ni Mara dahil para na akong nauubusan ng lakas. Napahinga silang dalawa ng malalim sa naging tugon ko na para bang nabunutan ng tinik.
Maingat nila akong inalalayang dalawa palabas ng UNI at pinasakay ng kotse. Nasa backseat kaming dalawa ni Crisa habang si Mara ang nagda-drive. Nakatingin lang ako sa labas dahil kinakabahan ako sa malalaman.
'Neil. Magpakita kana sa'kin please'
Nanghihina kong hiling sa hangin. Maya-maya pa ay nasa ospital na kami at kausap ni Mara ang isang nurse.
"This way po ma'am, and Doctora Selena's secretary will assist you there." Rinig kong sabi ng nurse kay Mara.
"Okay thank you," humarap siya sa'min at alanganing ngumiti. "Dito tayo mga babe." Tumango lang ako sa kanya at sinundan na siya namin ni Crisa.
'Dra. Selena Madrigal , Obstetrics-Gynecologist'
Para akong nakahinga ng maluwag nang makitang mommy ni Era ang OB na nandito. Nilapitan kaagad namin ang sekretarya ni Doctora Selena at nagpalista para magpa check-up.
"Panlima po kayo ma'am," sabi nito sa akin at tinangoan ko lang.
Ilang minuto ang lumipas ay pangalan kona ang tinawag kaya pumasok na kaagad ako at sumama sa akin sa loob ang dalawa. Nagulat pa sandali si Doktora nang makita niya ako ngunit ngumiti rin kalaunan.
"Ohh hija, kumusta kana?" Agad niyang tanong sa'kin pagka upo.
"Okay lang po ako Doktora." Tumango lang siya at papalit palit ang tingin niya sa aming tatlo.
"Sino ba sa inyong tatlo ang magpapa check-up?"
"A-ako po Doktora." Maang siyang napatitig sa akin at napa kurap kurap pa siya at tumikhim bago ngumiti.
"O-okay. So shall we start?" Tumango kaagad ako at sinimulan niya akong tanongin kung kailan ako huling dinatnan na agad ko namang sinagot.
"Okay Jamea. Humiga ka dun sa bed for the ultrasound para makita mo ang kalagayan ng baby mo." Malumanay na sabi ni Doktora Selena na tinangoan ko lang bago maingat na humiga sa kama.
Napaigtad pa ako nang lagyan ang aking tiyan ng gel at maya maya pa ay itinuro niya ang isang maliit na monitor habang iginagalaw galaw niya ang aparato sa tiyan ko.
"As you can see in the monitor Jamea you are 6 weeks pregnant, the retina,eye cavity, fingers & toes are formed, upper limbs begin to bend at elbow, genitalia begin to differentiate, fingers are distinct. And your baby is healthy." Nakahinga ako ng maluwag dahil dun kahit papano.
Tumayo na ako at maingat na bumaba bago bumalik sa upuan. Nakita ko pang maluha luha ang dalawang kaibigan ko habang nakatingin sa papel na may litrato ng baby ko.
"So here's your prescription. And Jamea," seryosong tawag sakin ni Doktora.
"Po Doktora,"
She smiled softly. "Please take good care of yourself okay? Take your vitamins, drink milk and eat healthy foods, okay honey?"
Nakangiti akong tumango kay Doktora. "Opo Doktora-
"Tita Selena would be fine with me Jamea."
"A-ahh Thank you po T-tita Selena."
"No worries hija. Take care okay?"
"Opo." Tipid kong sagot kay Tita bago nagpaalam para lumabas na ng clinic niya.
"Wow, I can't imagine myself being pregnant. But when I see the ultrasound result, parang gusto ko na biglang magbuntis." Emosyonal na sabi ni Mara habang nasa daan kami pauwi.
Ngumiti lang ako ng tipid bago ibinaling sa labas ang tingin at sumandal sa upuan. "Sana nga ay makayanan ko 'to. Dahil diko alam kung mawawala sa'kin ang anak ko." Mahina kong sabi bago pinikit ang mata para kumalma.
SHILAMOI || shilamoi
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top